Tambay sa Gilid ng Lodge (Part 2)
By: MR
Before my story continues, I would like to thank the people who liked my first posted story here in this blog. This inspired me to write my experiences about life and love despite my busy schedules with work. It somehow flattered me whenever I read positive comments about it. So, I have decided to write the 2nd part of my story..
I am Maki, a typical guy who has just experienced an unforgettable love story from a stranger named Borgie. Over and over again, I just cannot forget his last letter:
“Our meet up was not a coincidence,it was destiny..it was all but destiny.. I knew I liked you from the beginning.I saw you first in that ferry boat from Cebu to Sibulan. You’re so worried, so nervous, as if you’re afraid to take a step into that boat..I was at your back seeing every inch of your fears. I waited for you to have that courage, I was there at your back like a shadow. And when you did stepped out to that boat in Sibulan, I thought to myself when will I see this guy, when will I be able to know his name at least. But then again our path crossed.Once again I saw you sitting into that bank with the same look, same worries in your eyes.I just did what I did to know you but what you shared with me is the happiest memories I’ve ever had.”
It’s been 10 months from the last time I saw Borgie and I never get the chance to meet him again. Naaalala ko pa rin siya at sa tuwing pumupunta ako ng Dumaguete City, siya pa din ang unang tao na pumapasok sa utak ko. Siya pa rin ang dahilan kung bakit bumabalik ako sa lugar na iyon hoping one day I would bump into his world again. Na baka one day in some unexpected time makakasalubong ko siya sa daan, makita siya at magpakilala ulit, maging masaya, maging totoo sa sarili at haharapin ang buhay na kasama siya. Oo, parang isang magandang panaginip lang siya sa buhay ko and for the 10 long months I was still hoping na makikita ko siya pero minsan napapagod din ako. Pilit kong tinatanggap na he was just not meant for me and my story was not like the movies with a happy endings. Nagpatuloy ako sa agos ng buhay. I focused on my job at ginawa kong maging makabulohan ang bawat oras na nandito ako sa Negros Oriental. Nagiging workaholic ako at masasabi kong naging maganda naman ang takbo ng aking career kasi I get to gain trust from my co-workers and superiors. Mas dumami na din ang mga kaibigan ko. Ineenjoy ko na lang lahat ng bagay na meron ako. Marami na rin akong napuntahang lugar dito sa Negros with friends and co-workers.I travelled a lot, discover new places, meet people and overcome my fears sa dagat. Kaya nga travelling by sea was the hardest part of my journey pero constantly unti-unti na ding na oovercome ko ang takot sa dagat.
Masaya naman kahit papaano kasi palakaibigan ako at nag eenjoy ako sa bawat oras na kasama ko sila in every travels that we had. Araw-araw mayroon akong bagong nakikilala at kahit ganun pa man hindi ko pa din maalis sa isip ko ang nag iisang tao na nagpabago ng pananaw ko sa buhay at pagibig-si Borgie.
Sa lahat ng kaibigan ko dito sa Negros, naging close ako sa mga workmates ko na sina Shassy, Brando, Kent, Kayla at Jean. Sila yong nagpapasaya sa akin dito at nagkakasundo kami pagdating sa travel, food, at night out. We all have differences pero hindi din naging hadlang sa amin coz we always set our differences aside. Si Shassy and Jean were already married pero si Jean kakahiwalay lang ng Husband niya. Shassy also had a difficult marriage and the rest have boyfriends and girlfriends na and me- single and bitter.Hahaha.. Okay lang din naman kasi alam ko my future is not from this place and soon I will be leaving Negros and go back in Mindanao. Iyan ang naging motivation ko just to forget Borgie at di maglalaon ay makakalimutan ko din siya.One night, nag yaya si Shassy na mag inuman kami with the group. It was unexpected kasi sa gabi na iyon ay may mga rebelasyong nagaganap. Si Jean inamin niya na crush niya ako in front of the group. Wala akong maisagot at hindi ko alam kung paano ako mag rereact sa nalaman ko. She was just so nice to me and I treated her as a good friend at wala naman akong intension to go beyond the friendship kasi nga married na siya. Tumawa na lang ako and said nothing. Since that day, naging awkward na sa amin na magkasam kami ni Jean. She wanted to keep distance from me kasi nahihiya na siya sa akin at parang naging malamig na ang friendship naming dalawa. Isang araw, niyaya ko siyang mag yosi after work. Pumayag naman siya kahit alam ko na nararamdaman ko pa din ang pagkahiya niya sa akin. Kinausap ko siya about the issue. Sabi ko sa kanya na I was flattered by her being so courageous to express her feelings to the person she like. Sinabi ko sa kanya na masaya ako sa nalaman ko at ipinag papasalamat ko iyon sa kanya. Sinabi ko din sa kanya lahat ng mga issue ko sa buhay pati ang experience ko kay Borgie. Napaiyak ako sa lahat ng ipinagtapat ko sa kanya at wala akong pagsisisi. Noong time na iyon ko lang kasi masasabing totoo ako, walang tinatago at walang pangangamba ng pangungutya. Nakita ko kay Jean iyon, hindi ko narinig sa kanya ang pandidiri at maging ang pang huhusga. Tumawa lang siya ng tumawa at ako naman ay umiiyak sa harap niya. Para kaming tanga pero iyon ang naging dahilan kung bakit hanggang ngayon mas lalong lumalalim ang pagkakaibigan namin. Hindi pa din siya maka paniwala sa pagkatao ko and the rest of the group already knew kung ano ako. Tanggap nila ako at sobrang discreet ko naman about it so nothing’s change with the group. Sila ang mga kaibigan ko, pero ang pinakamatindi nito, sila din ang naging dahilan kung bakit sa isang pagkakataon ay nag cross ulit ang landas namin ni Borgie.
One day, nagmamadali si Jean na umuwi ng Dumaguete City dahil namatay ang Papa niya. Iyak siya ng iyak nong time na iyon at kami hindi alam kung ano ang magagawa namin para sa kanya. Nong time din kasi sobrang busy sa work at halos buma byahe ako para ma complete ko ang mga datas na kailangan ko sa work. Nasa Cebu ako noon, attending a seminar at ang isip ko nasa kay Jean. Gusto ko siyang damayan kaso malayo ako, may work ako. So, tinawagan ko ang grupo at napagkasundoan na by Fridays dadalaw kami sa kanila. By Friday, umuwi ako ng Negros at dumeretso sa Dumaguete City. Akala ko kasi andon na mga barkada ko kaso wala pala sila at ako lang mag-isa ang nakapunta. Sinundo ako ni Jean at doon sa bahay nila ang lamay ng papa niya. Pag pasok ko palang sa bahay nila, ang daming tao ang nakatingin sa amin. Nagtataka Kung sino ako, at kung kaano ano ako ni Jean. Ipanakilala naman ako ni Jean na kaibigan niya. Pagkatapos kong mag dinner sa kanila, lumabas ako ng bahay at naghanap ng tindahan upang bumili ng yosi.Busy din kasi si Jean sa pag entertain ng bisita so iniwan ko na lang siya sa loob. Pagkatapos kong maka bili ng yosi, umopo ako sa gilid ng kalsada, nagiisip at napatingala sa ulap. Kay ganda ng gabi pero para bang kinakabahan ako nang hindi ko alam kung ano ang dahilan. Patuloy pa din ako sa pagtanaw sa kalawakan nang may isang lalaking tumabi sa akin at sabi “Kumusta ka na?” Paglingon ko, si Borgie nakatingin sa akin. Hindi tumatawa, hindi umiimik at ang mga mata ay may halong pananabik. Sobrang gulat ko, maging ako napa tulala at hindi alam kung ano ang gagawin. Nanginginig ang tuhod ko at mas lalong kinakabahan. Parang gusto kong umiyak pero hindi ko magawa nang kaharap siya. Isang katahimikan lang ang naisagot ko. Walang salita ang lumalabas sa bibig ko ewan ko ba nong time na iyon. This was the first time na nangyari sa akin ito, hindi ako makapag isip ng maayos. Yumuko ako at bigla na lang tumulo mga luha ko ng tuluyan. Naitapon ko ang yosi at bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko. Hindi ko magawang pigilan at tingnan siya sa mukha at parang wala ako sa sarili. Hindi na kasi ako umaasa pa na makikita ko pa siya ulit pero ito yong sinasabi nila na “Sometimes things happens when you least expect it”. Inulit niya yong sinabi niya.. “Kumusta ka na”. Ang tagal na nong huli kitang nakita ahhhh…na miss nga kita sobra. Nag ipon ako ng lakas upang sagutin siya. Pinunasan ko mga luha ko at tumingin sa kanya. Sinabi ko sa kanya na sobrang miss ko din siya. Hindi ko makakalimutan ang mga sinabi ko sa kanya nong gabing iyon..Sabi ko sa kanya:
“ Ang totoo, Sobra kitang na miss. Hindi ko kasi alam kung bakit palagi kitang iniisip gayong isang gabi lang naman kita nakasama. Hindi ko maintindihan kung bakit sobra ang naging epekto sa akin ang gabing iyon at ang sulat bakit hindi ko makalimutan ang lahat ng mga sinulat mo. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. For the past 10 months, palagi na lang may tanong sa isip ko kung ano ba talaga tong nararamdaman ko sayo, nagbabakasali na nga akong makita ka dito ulit pero wala ehhh…ang hirap mong hanapin. Alam ko ang gulo, sobrang gulo na ng isip ko.. At ngayon, eto in an unexpected time andito ka sa tabi ko, baka kasi ito lang ang pagkakataon para masagot mo lahat ng tanong ko.”
Hindi ko kasi makalimutan ang pinagsasabi ko nong time na iyon kasi ang mga tanong na iyon ang naging dahilan kung ano kami ngayon ni Borgie. Maging siya nong time na iyon, halos hindi maka paniwala sa mga pinagsasabi ko. It’s not typical for me to express my feelings to someone, sobrang hirap para sa akin yon. At ito ang mga naging sagot niya sa mga tanong ko:
“Sorry for making you so left out. Lahat ng laman ng sulat ay totoo. Una kitang nakita doon sa Terminal ng Bus in Cebu City. Papauwi na ako ng Dumaguete City noon at nag hihintay ng bus nang makita kitang lumabas ng taxi dala ang maraming bagahi. Unang kita ko pa lang sayo parang ramdam ko na nag aalala ka sa biyahe mo. Hinintay kitang pumasok ng Bus, sumunod naman ako at umupo sa likuran mo. I’d been watching you from behind the whole trip. At nong andoon na tayo sa may pier ng Santander doon ko mas nakita ang takot at pangangamba mo. Gusto sana kitang tulungan pero di ko nagawa kahit na alam kong you bought a ticket third times already dahil sa takot mong sumakay ng Bangka. I liked your innocence and alam ko nagugustuhan na kita simula noon. I can’t help it at ako nga sa sarili ko nagtataka din kung bakit sobra ng tama mo sa akin. I already have a girlfriend and I have lots of friends but even so I cannot deny the fact that I am seriously curious about you. Palagi kang pumapasok sa isip ko nang hindi ko alam. I even told my girlfriend about you,pero wala lang sa kanya. Pero nong time na nakita kita sa labas ng Bangko, alam ko ikaw yon..Hindi ko makakalimutan ang gabing iyon na kasama kita. Sobrang saya ko non. Sabi ko na best memories yon kasi alam ko hindi na kita makikita pang muli, hindi kasi ako umaasa kung anong mangyayari sa ating dalawa after that night. Umalis ako ng maaga kasi hindi ko din alam ang gagawin ko, kung ano ang sasabihin sayo pag gising mo. Mali kasi, akala ko yong nangyari sa atin out of curiosity or we just drunk kaya nagawa natin pero I realized habang tumatagal, hindi ka pa din nawala sa isip ko the whole time. At nong nakita kita kanina sa lamay kasama ni Jean, sobrang gulat ako na kinakabahan na parang ewan. Sabi ko sa sarili ko, kailangan kong kausapin ka kaya sinundan kita dito. Ang hirap pala ng ganito, pareho tayong naghahanap ng sagot pero masaya na din ako dahil ito ka sa harap ko, hindi na to panaginip.”
Tumawa na lang ako, sobrang ma drama ang pangyayari at nakikita ko sa mga mata niya na naluluha na habang nagsasalita. Hindi ko lubos maisip na si Jean pala ang siyang naging tulay ng muli naming pagtatagpo. After all this time, sobrang liit pala ng mundo para sa aming dalawa. Hindi pinipilit kundi kusa kaming pinagtagpo ng pagkakataon. Para hindi maging awkward ang gabi, minabuti kong magpakilala sa kanya ulit. I shared to him my life, kung sino ako, ang buhay ko at anong mundo ang ginagalawan ko. For the past 10 months, lahat sinabi ko sa kanya at siya naman ay natatawa sa lahat ng mga experiences ko sa buhay. Mas mabuti na ang ganun, ayoko ko ng drama so I tried to cool things up between us. Nag share din siya, may trabaho na pala siya at doon siya na assign in Bais City, ang lugar kung saan siya pinanganak. Doon ko lang nalaman na hindi pala siya nakatira sa Dumaguete City. Kaya pala ang hirap niyang hanapin kasi hindi pala siya taga Dumaguete.At ang matindi pa, cousin pala niya si Jean from his father side. Sobrang saya ko noong time na yon, hawak niya kamay ko the whole time at alam ko na ganun din siya. Maya-maya pa, biglang dumating si Jean at tinawag ako. Nagulat siya na si Borgie ang kasama ko don, parang inis na inis na nga siya nong lumapit siya kasi kanina pa pala niya ako hinahanap. Nag aalala siya kung na paano na daw ako. Sumabat naman si Borgie na sinamahan ko siya mag yosi lalo pa’t wala akong kakilala sa lugar na iyon. Jean stared at me na may halong pagtataka. To end up her doubts, sinabi ko sa kanya na magkakilala na kami ni Borgie dati pa sa Cebu. Iyon na lang ang naging alibi ko para hindi na maging kumplekado ang lahat. Sumang-ayon naman si Borgie sa naging alibi ko. Bumalik kami sa bahay nila at doon nagyaya si Jean na mag inuman kami. Noong una kami lang tatlo ang nag inuman, after an hour sumabay na din ate at mga kaibigan ni Jean. Hindi naging boring ang gabi kasi andiyan si Borgie at Jean na palaging nagpapatawa. Sobrang saya lang ng feeling na kasama mo yong taong matagal mo nang hinahanap,kasama ang kaibigan, wala nang mas kukompleto pa ng gabi ko. Naka 1 case na din kami ng beer at alam ko sobrang lasing ko na but I still maintained my composure kasi alam ko its not a perfect place to mess around. Lasing na din si Jean and she wanted to have something to eat kaya sinamahan namin siya. Anim kaming kumain ng Silogan sa downtown at pagka tapos bumalik din kami agad sa kanila. Alam ko may mga tao doon ang nagdududa sa amin ni Jean kasi kakahiwalay lang niya and ako lang kasi yong lalaking pumunta sa lamay na iyon. They have their doubts pero okay lang kasi alam ko sa sarili ko na hanggang kaibigan lang ang turing ko ni Jean. After a little talks nagyaya na siya na matulog coz its past 4:00 AM na, gusto niya akong patulogin doon sa kwarto nila para makapag pahinga na daw ako at no worries din kasi andoon din ate at bunsong kapatid niya so apat kami sa kwarto. Nagdahilan na lang ako na hindi pa ako inaantok pero ang totoo gusto ko talagang ma sulo si Borgie at makaiwas na din sa tsismis. Ang ending, pumunta kami ni Borgie sa isang lugar na hindi ko na matandaan kung saan iyon. Ang alam ko lang sobrang ganda ng place, ang ganda ng dagat at kami lang dalawa. I know I was drunk pero na eenjoy ko ang lugar kasi kasama ko siya. Nakaupo lang kami sa buhangin magkahawak ang kamay at yakap niya ako mula sa likuran. Ramdam ko ang bawat paghinga niya, ang init ng katawan niya at ang higpit ng mga yakap niya. Andon lang kami, hinihintay ang pag usbong ng araw mula sa karagatan. Alam ko, pareho kami ng nararamdaman nong mga panahon na iyon. Wala kaming pakialam sa mundo, ang mahalaga andon kami magkasama. Hindi ko din alam kung ano kami basta alam ko gusto ko siya at hindi ko na kinakailangang isipin kung anong tama at mali. He kissed me for the first time and I felt it. I never had a relationship in my entire existence,I never let someone come into my life pero eto ako and I know the feeling was so different but I can’t resist it. I can’t tell if it’s love, all I know is that I am happy na kasama siya….
Itutuloy…