1. Home
  2. Stories
  3. Pulang Drugstore
Mencircle

Pulang Drugstore

73 minutes

By:Anonymous

Nagpasama sa akin ang kaklase kong si Ines na pumunta sa Pulang Drugstore para bumili ng gamot. Ang pinakamalapit na drugstore ay sa mall na malapit sa school namin kaya't nilakad nalang namin ito pagkatapos namin mag-exam.

Pagdating sa mall ay dumeretso kami sa drugstore. Napansin kong maraming tao sa loob kaya't nagsabi akong hihintayin ko nalang siya sa labas. Pumayag naman siya at pumasok na. Ako naman ay tumingin sa mga stall sa gitna.

Natuwa ako sa nakita kong mga Children's books kaya naman nilapitann ko sila. Ngumingiti ako sa mga makukulay na pictures sa bawat page nito. Pagkatapos ng isa ay kukuha ako ng panibago.

Napatingin ako sa kabilang parte ng stall at nakita ko yung lalaking nakaputi kapareho ng uniform ko. Nagkatinginan kami saglit at iniwas ko agad ang tingin ko. Namukhaan ko naman agad siya dahil halos araw-araw kaming nagkakasalubong sa school. Kaninang umaga yung huli kong kita sa kanya.

Nang magsawa ako sa book stall, lumipat ako sa katabing tindahan ng appliances at tumingin sa mga cellphones na nakadisplay sa salamin. Naaninag ko sa salamin ang puting uniform ng tao sa likod ko. Siya ulit.

"Kuya," tawag ng lalaki.
"Po?" magalang kong sagot.

Lumapit siya sa akin habang tumitingin sa pangalan ko sa uniform. Tinitigan ko naman ang mukha niya. Yun ang first time na natingnan ko siya ng malapitan at mas matagal. May itsura pala siya.

"Taga-*insert school name* ka?"
"Opo," sagot ko.
"First year?"
"Opo."

Sa totoo lang kinilig ako ng kaunti at umasa ako ng bahagya na may gusto siya sa akin at gusto niya makipagkilala. Pero, langya. Hindi eh.

"Pautang naman oh," malambing na sabi niya. Napanganga ako at nagpigil ng tawa.

"Sampung piso lang. Nawalan kasi ako ng pera." Pinakita niya sa akin ang bulsa ng pantalon niya na nabutas at pinakita ang kabilang bulsa na may lamang rosary. "Eto oh, rosary nalang ang natira sa akin. Hinahanap ko yung mga kaklase ko na sabi andito daw sila eh hindi ko naman mahanap. Pasensya na ha? Hindi kasi ako makakauwi kung hindi ako mangungutang. Babayaran ko agad sayo bukas. Kukunin ko number mo," paliwanag niya.

Naawa ako ako sa kanya kahit natatawa ako. Pero siyempre ndi ko pinakitang natatawa ako. Agad ko namang kinuha ang wallet ko para pautangin siya ng pera. Wala akong barya kaya yung bente pesos ang binigay ko.

Sinabi ko sa kanya na kahit huwag na niyang bayaran pero nagpumilit siyang babayaran niya daw. Tinanong niya pa ako kung saang room at anong oras ako mageexam kinabukasan at hinihingi ang number ko.

Tumanggi akong ibigay ang number ko at sinabi ko nalang ang room number at oras ng exam namin.

"Ahh, sige. Salamat ng marami ha? Ano nalang full name mo?" tanong niya. Akala ko naman alam na niya dahil nakita niya sa uniform ko.

"Ahh, John Patrick Z*****," pakilala ko. Tinype niya ang buong pangalan ko sa note app ng phone niya. "Ikaw?"

"Justin M******" sabay offer ng kamay at tinanggap ko ito. Ako ang unang bumitaw pagkatapos.

Nagpaalam na siyang uuwi at sinabihan ko naman siyang mag-ingat. Nang makalayo siya ay bumalik siya sa akin para sabihing:

"JP, hanapin mo ako kapag hindi kita binayaran ha?"

Tumango lang ako at itinaas ang kamay para kawayan siya. Tuluyan na siyang umalis at sakto naman ang dating ni Ines dala ang gamot na binili niya na nakalagay sa paperbag.

"Sino yun?" tanong niya.

"Justin daw. May tinanong lang."

Nagyakag kumain si Ines at pumayag naman ako dahil hindi pa din ako nagla-lunch. Pagkatapos kumain ay lumabas na kami ng mall at nag-abang ng jeep pauwi.

Kinabukasan, hindi ko alam kung bakit inaabangan ko ang pagdating ni Justin para ibigay yung pera. Hindi ako makapagconcentrate sa pagrereview dahil maya't maya ay tumitingin ako sa labas ng bintana. Nagbabakasakaling makita siya sa labas at hinahanap ako.

Dumating na ang proctor namin at nagstart na kami magexam. Nadismaya ako ng bahagya at nainis ako sa sarili ko dahil naramdaman ko yun.

Nang matapos akong magexam ay lumabas ako agad para damayan ang mga kaklase kong nalulungkot din dahil sa hirap ng exam. Prelims palang ay mukhang tagilid na yata ang grades namin.

Lumabas naman si Ines mula sa classroom, poker face at kinukusot ang eyebags. Para siyang panda.

"P**@*&!*@! Ano yon?" mura niya. "Wala naman yun sa mga inaral ko ah?"

"May midterms pa. Saka Finals," pagcheer up sa kanya habang tinatapik ang kanyang balikat. Tumango nalang siya at tumingin sa likod ko at ngumuso na parang may itinuturo.

Lumingon naman ako sa direksyon na iningunguso niya. Nakita ko si Justin na naglalakad ng nakangiti papalapit sa akin. Naramdaman kong tumalon ang puso ko pagkakita ko sa kanya.

"Jp, sorry. Magkasabay kasi tayo ng oras ng exam kaya ngayon lang kita napuntahan."

"Okay lang."

Iniabot niya sa akin ang bente pesos na kinuha niya sa bulsa ng polo at nagpasalamat ulit.

"Kumusta exam?" tanong niya.

"Ayun. Ang sakit sa ulo. Ang hirap. Bagsak yata ako. Yung sa iyo? Kumusta?"

"Ganun din broh. Hirap din. Pero okay lang. May midterm at finals pa naman," sabi niya na nagpangiti sa akin dahil kapareho iyon ng sinabi ko kay Ines.

Speaking of the panda, bigla itong nagpaalam na kakain siya kasama yung tropahan nung crush niya. Ngumiti lang ito sa akin ng pilyo. Tumango lang ako at pinabayaang magpacute ito sa crush niya.

Napatingin naman ako sa iba ko pang mga kaklase na tumitingin din sa amin, lalo na kay Justin habang nagtsitsismisan. Bigla akong naging iritable dahil sa mga nakita kong tingin nila kaya't niyaya ko si Justin na lumabas na ng building.

Nang makalabas kami ay nagpaalam siyang may pupuntahan pa kaya't naghiwalay na kami. Kinamayan niya muna ako bago siya umalis.

Nang makaalis siya ay bigla akong nalungkot. Kasama nitong lungkot ay pagka-bitin. Gusto ko pa siyang makasama at makausap. Gusto ko siyang maging kaibigan. Iilan pa lang ang kaibigan ko sa school noon at gusto ko siyang idagdag sa listahan ko.

Napaisip naman ako tungkol sa akin. Matagal ko nang naresolba at natanggap ang identity crisis na bumagabag sa akin elementary pa lang. Ako palang ang nakakaalam nito at wala akong balak na sabihin sa pamilya ko ang tungkol dito. Alam ko kung ano ako. Alam ko kung ano ang gusto ko. Si Justin, gusto ko lang talaga siyang maging kaibigan. Kaibigan lang. Yun lang.

Naisip ko din na baka kinabukasan ay hindi na niya ako pansinin kasi wala na akong maitutulong sa kanya. Baka hindi siya makipagkaibigan. Baka ayaw niya sa akin. Nalungkot ako sa naisip ko.

Pero mali ako.

Kinagabihan, nakatanggap ako ng friend request sa facebook galing sa kanya. Syempre ay inaccept ko agad at nag-stalk pa. Hindi ko siya minessage dahil nahihiya ako. Siguro ay kung gusto niya makipagkaibigan ay siya ang unang magaapproach para kaibiganin ako.

Nang mga sumunod na araw, linggo at buwan, palagi pa din kami nagkakasalubong sa school. Palagi niya akong binabati. Naririnig ko lagi ang pagsabi niya ng "Yow!" sabay lahad ng kamay para makipag-apir. Madalas ay naglalakad siyang mag-isa kapag nagkakasalubong kami kaya't napapatigil siya para mangamusta.

May pagka-maarte ako kaya't minsan kapag nasa malapit siya ay nagkukunwaring hindi ko siya nakikita. Gusto kong siya ang maunang bumati sa akin. Madalas mangyare yun kapag may mga kasama siya. Nagpapalipat-lipat siya ng pwesto para makalapit sa akin at nilalakasan ang boses para marinig ko…pero matigas ako. Hindi ko pa din siya binabati. Kaya ang ending, siya pa din ang lalapit sa akin para bumati at abutin ang kamay ko para makipag-apir.

Kapag magkakasalubong din kami minsan sa hallway or sa pathway ay nagkukunwari akong hindi ko siya nakikita. Hindi siya papayag na hindi ako mabati kaya't kahit nakalampas na ako ay lalapit pa din siya sa akin at tatapikin ako sa balikat sabay "Yow!"

Nagpatuloy iyon hanggang kami ay mag-2nd year.

Alam kong hindi naman tama yung ginagawa ko kay Justin kung talagang gusto ko siyang maging kaibigan.. Or makaclose. Nageeffort yung tao na batiin ako tapos hindi ko naman binabalik sa kanya. At saka.. Isa lang siya sa kakaunting tao na bumabati sa akin sa school. Papabayaan ko pa bang mabawas siya? Siyempre hindi.

Sinabi ko nalang sa sarili ko na ibabalik ko kay Justin ang pagtrato niya sa akin bilang kaibigan at hindi na ako magpapa-chicks.

Isang araw habang naglalakad ako sa pathway ay nakita ko siya sa kabilang dulo. As usual, mag-isa siya. Nakatingin siya sa direksyon ko at naghanda na akong batiin siya kapag nagkatapat kami sa paglalakad. Nakangiti na ako at hinihintay na tumingin siya sa akin… Pero nilampasan niya lang ako. Sobrang nalungkot ako sa ginawa niyang iyon.

Sinabi ko nalang sa sarili ko na hindi niya ako nakita or baka masama lang ang mood. Pero may parte din sa akin na nagsasabing nagsawa na itong batiin ako at ibinabalik niya lang sa akin yung ginagawa ko sa kanya dati. Karma yata.

Buong araw akong nalungkot pagkatapos ng hindi pagpansin sa akin ni Justin. Hindi ako makapag-focus sa mga lesson at activities namin. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng kaibigan.

Kakaunti lang ang mga kaibigan ko sa school. Marami akong nakakausap, kilala sa pangalan at mukha pero hindi ko sila kaibigan. Kaklase lang or schoolmate. Si Ines at ilang kaklase ko lang na nagkukusang lumapit sa akin para kausapin ako at tumulong ang masasabi kong mga kaibigan ko. Siguro bilang sila sa mga daliri ko…tapos mukhang nabawasan pa.

Dumaan ang ilang linggo ay hindi pa din ako binabati ni Justin kapag nagkakasalubong kami sa school. Dere-deretso lang siya at nagkukunwaring hindi niya ako nakikita. Kapag naman may mga kasama siya ay nakikipagkwentuhan ito at hindi talaga tumitingin sa akin.

February ang UWeek ng school namin. Isang linggo bago iyon ay busy ang marami sa lahat ng course para magpractice ng kani-kanilang presentation at iba pang ilalaban sa UWeek. Ito din ang week kung kailan naghahabol ang mga prof namin sa mga lesson at ganadong ganado magpaquiz.

Friday bago mag-UWeek ay pumasok ako ng mas maaga para magreview sana sa library. Nakita ko mula sa labas ng lib na maraming estudyante ditong nagkukwentuhan lang at mukhang hindi ako makakapagconcentrate sa pagrereview. Hindi ako tumuloy at umupo nalang sa bench sa labas at nagpaypay.

Katapat ng inuupuan ko ang hagdan kaya't kita ko agad ang mga umaakyat dito. Sakto una kong nakitang paakyat ay si Justin na busy sa pagtatype sa cellphone. Agad naman akong umiwas ng tingin at sumilip sa bintana katabi ng inuupuan ko. Kunyari ay hindi ko siya nakita pero naaaninag ko siya sa gilid ng mga mata ko. Ilang buwan na din mula nung huli niya akong binati.

Naaninag kong tumingin siya sa akin pagkatapos niyang magtype sa phone at mabagal na naglakad. Nang makalayo na siya ng bahagya sa akin ay saka ako tumingin. Boom! Huli! Nakatingin siya sa akin. Hindi agad ako nakaiwas ng tingin kaya't naabutan ko ang ngiti niya. Ilang segundo pa ang inabot bago ako nakangiti din sa kanya. Lumapit siya sa akin, tumabi at narinig ko ang namiss kong "Yow!"

"Akala ko hindi mo ako papansinin eh. 'Yun na ang huli kong attempt na ngumiti sa iyo," biro niya sa akin.

Nagwawala ang puso ko ng mga oras na iyon dahil sa tuwa. Kinakausap na niya ulit ako.

"Aah. Pwede ba yun? Hindi kita papansinin?"

"Oo. Hindi mo nga ako pinansin ng ilang buwan eh."

"Ako talaga ang hindi namansin?" tanong ko sabay tawa.

Isang malaking tibok ang ginawa ng puso ko matapos kong sabihin iyon dahil imbis na sumagot siya ay nakatingin lang sa akin si Justin habang nakangiti. Siguro ay tumagal din ito ng ilang segundo bago ako nagsalita. Ang awkward eh.

"Papasok ka ba sa library?"

"Oo sana. Eh nakita k…." Hindi ko naintindihan ang huling sinabi niya.

"Ha?"

"Oo sana. Eh nakita ko maraming tao sa loob kaya tinamad ako."

Aahh. Akala ko pa naman dahil nakita niya ako.

"Ako din eh. Magrereview sana ako kaya lang mukhang hindi ako makakapagconcentrate diyan."

"Hanap nalang tayo ng bakanteng classroom," pagyaya niya. Pumayag ako at sumunod sa kanya.

Sa isang bakanteng classroom sa likod ng library kami napunta. Kakatapos lang siguro magklase ng mga estudyante doon dahil gulo-gulo ang mga upuan at bukas pa ang aircon. Inayos muna namin ang mga upuan at pinulot ang mga kalat habang pareho kaming nagrereklamo sa schedule ng midterm exams namin pagkatapos ng UWeek. Ang gusto namin ay una ang midterms pagkatapos ay UWeek para pahinga ang mga estudyante.

Nang malinis na ang room ay kanya-kanyang labas na kami ng reviewer at inilagay sa isang upuan ang mga bag namin. Umupo siya sa teacher's table at ako naman ay sa likod na parte katapat ng aircon para magpalamig. Nagsimula na kaming mag-aral. Sa akin ay puro gamot, sa kanya ay mga mikrobyo.

Pinagmasdan ko siya mula sa pwesto ko. Nakatuon ang ulo niya sa kamay at focused na focused sa pagbabasa. Naakit ako sa itsura ni Justin. Mas gumwapo siya kumpara nung una ko siyang nakita sa mall nung first year kami. Yung pisngi niya ang tambok. May hawig siya kay Enchong. Kaunti.

Naisip ko na mas hindi pala ako makakapagconcentrate sa pagaaral dito. Mukhang tititig lang ako sa kasama ko.

Napaiwas lang ako ng pagtitig kay Justin nang tumingin din siya sa akin. Pinilit ko nalang magreview kahit wala ako sa mood. Mas gusto ko panoorin magreview itong loko.

Siguro ay isang oras din kaming namalagi sa room bago may kumatok na ilang estudyanteng babae at nagtanong kung may klase daw ba kami. Sinabi ko na wala at nakikitambay lang kami kaya naman pumasok sila para tumambay din.

Medyo maingay yung mga pumasok. Nagkukwentuhan lang sila, nagtatawanan at ginulo pa yung inayos naming upuan. Akala mo sila lang ang tao sa room.

Napatingin ako kay Justin na nakatingin sa mga ito ng masama. Naiinis na siguro. Nang magtawanan bigla ang mga babae ay biglang sumitsit si Justin para patahimikin ang mga ito. Napatahimik naman sila at hininaan ang kanilang boses.

Saglit lang ang epekto ng pagsaway ni Justin dahil habang tumatagal ay palakas ng plakas ang boses nila.

Nang tingnan ko ulit si Justin, mas masama ang tingin nito kaysa kanina. Nakakatakot. Ibang iba sa Justin na palabati at palangiti na nakikita ko. Parang mang-aaway ang itsura niya.

Napatayo agad ako at kinuha ang bag niya. Lumapit ako sa kanya para yayain siyang lumabas nalang. Mas mabuti na iyon kaysa makipag-away ito o kaya ay mabadtrip lang lalo.

Kinuha niya sa akin ang bag niya at naglakad papuntang pintuan. Bago siya makalabas ng room ay nagsalita siya sa mga babae sa likod.

"Miss. Next time makiramdam kayo sa ibang tao sa paligid niyo," kalmado niyang sabi. Itinaas niya ang handout na hawak niya at napatuloy. "Kita niyo 'to? Handouts ito. Reviewer. Kapag nakita nyo na may binabasang ganito yung mga tao na kasama niyo, manahimik na kayo. Malamang nag-aaral yon. Okay? Sige. Mag-ingay na ulit kayo. Paalis na kami eh. Sana mabulabog niyo din yung nagkaklase sa kabilang room."

Woah. I Love you na preeee!

Lumabas si Justin ng room pagkatapos niya magsalita. Agad naman akong sumunod. Nang makalabas ako ay pabalibag niyang sinara ang pintuan.

"Maglulunch na. Gusto mong kumain?" pag-alok ko sa kanya.

Tango lang ang sinagot niya. Bigla naman akong napraning dahil naibigay sa akin ang napakahirap na desisyon… Saan kami kakain??? Inisa-isa ko sa isip ko lahat ng mga nakainan ko sa loob at labas ng campus. Iniisip ko kung dapat ko bang dalhin doon itong kasama ko na mainit ang ulo.

Hindi pa ako makapagdesisyon ng kakainan namin nang bigla siyang nagsalita.

"Mcdo tayo."

Yun lang ang sinabi niya. Napasunod nalang ako. Pero okay din kasi nagsabi siya kung saan niya gusto kumain.

Tahimik pa din siya sa paglalakad palabas ng school, sa jeep at kahit nang makarating na kami sa Mcdo. Sinabi ko nalang na ako muna ang oorder at humanap siya ng upuan. Nang makaorder ako ay hinanap ko agad ang pwesto niya at umupo. Siya naman ang umalis para umorder ng pagkain niya.

Umupo ako ng tahimik sa pwesto namin at tumingin sa paligid. Maraming nandoon na schoolmate namin. Yung iba ang sama ng tingin sa akin. Pinaguusapan yata ako. Hindi nalang ako tumingin at inilabas ang cellphone ko.

Maya-maya ay dumating si Justin dala ang kanyang inorder na pagkain.

"Kaya mong ubusin ang dalawang sundae?" tanong ko sa kanya nang makita ang dalawang sundae sa tray.

"Sa iyo yan.." sagot niya sabay bigay ng sundae.

"Salamat" lang ang naisagot ko pero sa totoo lang ay kinilig ako.

Tahimik kaming kumain. Siguro ay medyo mainit pa din ang ulo nitong si Justin. Ako naman ay hindi din nagsalita dahil baka wala siya sa mood makipagusap.

Tumitingin lang ako sa paligid habang kumakain at nakikita ko pa din ang tingin ng ibang tao sa amin. Madami sa kanila ay schoolmates namin at ngumingiti sila ng may halong pang-asar habang nakatingin sa amin. Nailang ako at binilisan nalang ang pagkain.

"Pasensya na kanina. Nabadtrip ako dun sa mga babae sa classroom eh," bigla niyang sinabi nang matapos siyang kumain.

"A..ayos lang," sagot ko. "Nakakabadtrip naman talaga eh hehe."

"Ano oras klase mo?"

"1pm. Ikaw?"

"1:30 pa. Balik na tayong school. Baka malate ka pa."

Okay na si Justin matapos naming kumain. Nagkukwento na siya tungkol sa subject na papasukan niya at kung gaano sila nahihirapang magkakaklase. Strikto daw yung professor nila kaya natatakot silang bumagsak. Kaya pala sobrang nainis siya nung naistorbo siya sa pagrereview.

Naghiwalay kami ni Justin sa 3rd floor dahil doon ang klase nila at ako naman ay dumeretso sa 6th floor. Pagkatapos ng mga klase ko ng araw na iyon ay hindi ko na nakita si Justin.

Sunday ng gabi, nagchat si Justin sa Facebook.

Justin: Yow! Papasok ka bukas? Sino kasama mo? Sama nalang ako sayo bukas. Last year wala ako ginawa buong uweek eh. Loner ako.

Ako: Yow. Oo papasok ako. Mga 10am siguro nasa skul na ako. Sige sakin ka nalang sumama. San magkikita?

Justin: Pasok ka ng maaga 7am ang mass. Txt mo ako kung nasaan ka. Puntahan kita.

Ako: Try ko. Wala ako no. Mo.

Justin: Hindi mo hihingiin?

Ako: -.- koya ano po number mo?

Justin: 09********* thanks. Kita nalang bukas. Agahan mo.

Sabay offline.

Tuwang-tuwa ako ng gabing iyon at excited din dahil makakasama ko si Justin kinabukasan. Hindi ko lang alam kung gaano katagal pero makakasama ko ulit siya. At alam kong gusto niya ako makasama dahil sinabihan niya ako.

Natigil naman ang saya ko nang marealize ko na iba na yung nararamdaman ko. Sabi ko dati kaibigan lang ang gusto ko kay Justin. Oo. Kaibigan. Pero kinikilig ako. Parang ibang tuwa yung nararamdaman ko.

Monday. First day ng UWeek.

10am ako nakarating sa school. Sa field ako dumeretso matapos kong magbanyo at saka tinext si Justin. Rinig ko ang hiyawan ng mga estudyante sa gym. Ayoko pumasok kaya naghintay ako sa field.

Inabot yata ng 30minutes ang paghihintay ko bago dumating itong si Justin. Niyaya niya akong pumasok sa gym para manood at sinabing may pwesto na daw na nakareserve para sa akin. Sumunod nalang ako sa kanya.

Punong-puno ang bleachers ng mga estudyante. Madami nang nakatayo sa unahan dahil nga wala nang pwesto. Yung mga upuan naman sa ibaba ay para sa mga faculty at organizers. Nagtaka ako kung saan yung sinasabing reserved na pwesto ni Justin.

Sumiksik kami sa napakaraming tao na nakaupo sa hagdanan paakyat sa dulo at pinakamataas na part ng bleachers. Nakailang "sorry" yata ako at "excuse me" sa mga estudyanteng ansasama ng tingin sa amin.

Sa dulo ay nandoon ang ilang kaklase ni Justin na agad naman akong binati at nagpakilala isa-isa. Magpapakilala na sana ako nang unahan ako ng kaklase niyang si Joanne.

"No need. Kilala ka na namin. JP diba? Pharma. Kabatach ka namin. Napakilala ka na sa amin ni Justin bago ka pa man makarating. Lagi ka ngang bukambibig…"

Siniko ito ni Justin at napatawa. "Charr lang. Upo ka…"

Masaya kaming nanood ng Cheerdance competition. Maya't maya ay may comment sila Joanne at napapatawa talaga ako. Hindi ako nakaramdan ng pagka-OP dahil kinakausap nilang lahat ako na parang kaibigan talaga nila. Hindi naman masyadong nagsalita si Justin sa tabi ko na nakikitawa lang sa mga comment ng mga kaklase niya.

Nararamdaman ko ang pagiging hindi komportable ni Justin dahil sa sikip ng pwesto namin. Magkadikit ang mga balikat namin nung una naming pwesto pero bigla niyang nilagay ang kanan niyang kamay sa likod ko at sumandal ng kaunti. Dahil sa sikip ay napapasandal ako sa kanya. Naramdaman ko sa braso ko ang katawan ni Justin. Yung ulo ko ay malapit na sa mukha niya.

Nag-iba ang pakiramdam ko. Biglang tumibok ng malakas puso ko at parang nagwawala ang sikmura ko. Pero gusto ko ang nangyayari lalo pa't hindi nagiiba ng pwesto si Justin. Nararamdaman ko din na sumasandal din palapit sa akin itong loko. At yung mukha niya, nakaharap sa akin. Kaunting galaw ko pa ay mahahalkan na niya ang noo ko.

Pero shit. Hindi pwede doon. Madaming tao.

Agad akong umiwas. Tumuon nalang ako sa tuhod ko para makalayo sa katawan ni Justin. Nasa ganung pwesto ako hanggang matapos ang program.

Nang magsimula nang magtayuan ang mga tao bumulong sa akin si Justin.

"Hiwalay na tayo sa kanila."

At saka naman ito nagpaalam sa mga kaklase na may pupuntahan daw kami. Hndi naman sila umangal at nagsabing kakain lang daw muna sila at saka babalik ng hapon para sa karugtong na program.

Nagyaya si Justin kumain sa kalapit na mall kung saan kami unang nagkausap. Nagkukwentuhan kami sa kung anu-anong bagay habang naglakakad hanggang sa pagkain.

Nakita ko ang iba kong kaklase sa mall na kumakain din. Binati naman nila ako. Si Justin din ay nakakasalubong ang iba niya pang kakilala at binabati niya sila.

Nagpagala-gala kami sa mall pagkatapos kumain. Late na ng hapon nang magyakag itong bumalik na sa gym para manood. Pagkadating doon ay puno na ang gym at sa ibaba nalang kami pumwesto ng nakatayo para manood.

Pagkatapos ng program ay hinintay niya muna akong makasakay ng jeep bago siya naglakad papuntang terminal pauwi sa kanila.

Kumpletong-kumpleto ang araw kong iyon. Sobrang gaan sa pakiramdam.

2nd day ng UWeek, hindi ako pumasok dahil may schedule kaming magkakaklase ng interview sa Corporation kung saan namin balak mag-intern.

Marami ding estudyante doon galing sa ibang school kaya't natagalan kami. Pagkatapos naman ng interview ay naggala pa kami sa mga kalapit na mall kaya't hapon na kami nagsiuwian.

Naka-ilang tawag din sa akin si Justin nung umaga pero hindi ko nasagot. Nagtext nalang ako sa kanya para ipaalam kung nasaan ako.

3rd day. Late na din ako pumasok. Tinext ko si Justin para itanong kung nasaan siya. 1 oras ang hinintay ko pero wala siyang reply. Hinanap ko siya sa gym pero madami pa ding tao na nanonood ng basketball kaya't nahirapan akong makita siya. Nang makita ko sila Joanne, agad kong tinanong sa kanila si Justin.

"Hindi pa namin siya nakikita ngayong umaga beh. Kahapon

ng umaga pa yung huli. Eh badtrip naman siya kaya ndi rin sumama sa amin kahapon. Baka tinamad pumasok yun," sagot ni Joanne.

Nagpasalamat ako sa kanila at nagpaalam na.

Lumipas ang isang oras pa ay wala pa ding text si Justin. Naiinip na ako ng mga oras na iyon. Nakita ko sila Ines at iba pa naming kaklase at niyayaya akong sumama sa kanila. Mas gusto kong kasama si Justin kaya't tumanggi ako. Hihintayin ko si Justin.

Alas-dos na ng hapon ay hindi pa din ako kumakain ng tanghalian. Nagugutom ako pero ayoko kumain. Naiinis na din ako. At dahil sa inis, napagpasyahan kong umuwi nalang. Wala naman yung taong gusto ko kasama eh. Hindi ko din maeenjoy manood mag-isa. Lumabas na ako ng school at nag-abang ng jeep.

Nang may tumigil na jeep sa harapan ko ay naglakad ako para sumakay pero may humila ng bag ko. Sa sobrang lakas ng paghila ay nadala ako paatras at bumangga sa kung sinoman na humila sa akin. Pagtingin ko ay si Justin.

"Saan ka pupunta?! Iiwan mo nanaman ako?!" medyo pagalit niyang tanong.

"Uuwi na," sagot ko.

"Bakit ka uuwi na? Tinext mo ako diba? Andito na ako ngayon."

"Oo pero tinatamad na akong manood kaya uuwi na ako."

"Okay," sagot niya sabay akbay sa akin at dinala ako palapit sa jeep na dapat ay sasakyan ko. Literal na dinala niya ako. Sa sobrang lakas niya ay walang epekto ang pagpigil kong maglakad.

"Sakay," utos niya nang nasa pintuan na kami ng jeep.

Seryoso ang mukha niya na may halong galit. Medyo kinabahan ako sa nakita kong itsura niya. Nakatingin na din sa amin ang mga nakasakay sa jeep kaya't sumunod nalang ako sa utos niya.

Pagkaupo namin ay nagbayad siya at sinabing bababa kami sa isang mall na kalapit din ng school namin.

Nakatingin sa amin lahat ng kasakay namin sa jeep. Siguro ay nagtataka silang lahat dahil mukha kaming may LQ.

"Anong gagawin natin dito?" inis kong tanong kay Justin nang makapasok kami sa mall.

"Ayaw mong manood sa gym diba? Kaya dito tayo. Hindi ako papayag na uuwi ka agad," sagot ni Justin. "Hindi ka pa yata kumakain. Tara sa Jollibee."

Dinala niya ako sa Jollibee at doon kami kumain. Syempre KKB.

Hindi ko siya kinakausap dahil naguguluhan ako sa nangyayari. Galit ako sa kanya dahil hindi siya nagpakita agad nung umaga at ngayon naman ay dinala niya ako sa mall na parang pag-aari niya. Oo pumayag akong magpadala kasi natakot ako sa kanya. Siya naman ay galit din yata sa akin pero hindi ko alam kung bakit.

"Wala kang balak sabihin sa akin?" tanong ni Justin habang iniikot sa tinidor ang spaghetti.

Napatingin ako at nagtaka. "Ha?"

"Kahapon. Alam mo bang hinintay kita?"

"May interview kami sa Mer**** sa Libis. Andaming estudyante kaya ndi agad natapos. At nung hapon, pagod na ako kaya dumeretso na ako ng uwi," paliwanag ko.

"Magkasama tayo nung isang araw. Bakit hindi mo ako sinabihan na hindi ka pala papasok?"

"Eh hindi ko naman alam na hihintayin mo ako eh. Akala ko kasama mo na ulit yung mga kaklase mo."

"Nasabihan kita na sa'yo ako sasama diba?"

"Nung Monday."

"Oo. Pero ang ibig kong sabihin sa pagsama sa iyo ay buong UWeek!!" napalakas ang boses niya.

Hindi agad ako nakasagot at napatingin sa paligid. Halos lahat ng kasabay naming kumain ay nakatingin sa amin.

"Kaya ka nagkakaganyan ay dahil hindi ako nakapasok kahapon?" tanong ko.

"Hindi mo ako sinabihan." sagot niya habang nakatingin sa pagkain.

"Sorry," patuloy ko. "Akala ko naman kasi Monday lang yung sinabi mong sasama ka sa akin eh. Sige na. Hanggang friday sayo ako sasama."

Tumango nalang siya ay nagpatuloy sa pagkain.

Nang matapos kami kumain ay kinamusta niya ang lakad ko. Sinagot ko naman ito at maya-maya'y okay na kami. Parang walang nangyari.

Nagyaya si Justin na maglakad-lakad muna sa mall. Nang makarating kami sa 3rd floor ay inalok niya akong manood ng movie. May pera pa naman akong extra kaya pumayag ako.

Pumunta siya sa harap ng poster ng Fifty Shades of Grey, tumingin sa relo niya at sinabing: "Abot pa tayo," sabay tingin sa akin at ngumiti ng pilyo.

Nanlaki ang mata ko sa gulat. Gusto niyang iyon ang panoorin. Naiintriga ako sa movie na iyon at gusto kong panoorin pero hindi sa mall kasama ang kaibigan ko. Lalo na si Justin!!!

"No." nasabi ko. "Huwag iyan."

"18 ka na diba? 18 na din ako. Pwede na tayo dito. Ako bahala sa iyo," sabi niya.

Hindi pa din ako pumayag. Naiilang ako. Pwede sigurong panoorin namin iyon pero sa kwarto. Yung kaming dalawa lang. Hindi sa mall.

Hindi ako napilit ni Justin. Ako nalang ang pinapili niya ng ibang papanoorin at nauwi kami sa panonood ng "Kingsman: Secret Service." Nilibre niya ako kahit nagpumilit akong KKB.

Nagandahan naman kaming pareho sa movie at nagenjoy.

Nang matapos ang movie ay umuwi na kaming dalawa. Sinabihan niya akong pumasok ng maaga kinabukasan. At binalaan na Friends over na daw kami kung hindi ko siya sisiputin or kapag nalate ako. Siyempre ayoko naman mangyari iyon kaya't sinabi kong papasok nga ako ng maaga.

Day 4. Thursday.

Naglalakad ako papasok ng school at nagulat sa nakita kong tarpaulin sa labas ng building.

"Mr. & Ms. University 2015"

Kasali pala si Justin.

Agad ko naman siyang itinext para ipaalam na nasa school na ako. At para na din ipaalam na nagulat ako sa poster na nakita ko. Medyo mahaba ang message ko sa kanya pero nagreply siya ng: "Gym"

Tumakbo ako papuntang gym at naabutan kong nagpapraktis silang mga candidates ng modeling. Umupo ako sa bleachers at pinanood sila. Hindi ko maiwasan ang pagka-proud na nararamdaman ko dahil kasali ang kaibigan ko sa pageant na iyon.

Dumating naman sila Ines at iba ko pang kaklase at tinabihan ako para manood.

"T@n&!n@ pre. Kasali pala si Justin mo!" mura ni Ines.

"Naaks! Samahan ka namin magcheer JP." sabi ni Joy na kaklase ko din.

Nang magkaroon sila ng break ay agad tumakbo si Justin papunta sa pwesto namin dala ang kanyang bag.

"Akala ko hindi mo ako pupuntahan eh," sabi ni Justin.

Narealize ko naman agad na hindi pa nga pala kakilala ni justin itong mga kasama ko kaya't pinakilala ko sila isa-isa sa kanya. Umupo si Justin sa harap namin at nakipagkwentuhan sa mga kasama ko.

"Crush ko na siya," pasimpleng bulong ng katabi kong si Sherry na tinawanan ko lang.

Nang magtawag na ulit ang instructor nila ay inilapit ni Justin sa akin ang bag niya at sinabing: "Pabantay ng bag. Mamayang lunch darating sila Mama't Papa. Sa amin ka sasabay maglunch. Nasabihan ko na sila." sabay takbo pabalik sa stage.

"T@n&!n@ Kayo ba?" tanong ni Ines.

Umiling nalang ako at ngumiti. Kinilig kasi ako na may halong hiya at takot.

Buong praktis nila Justin ay sa kaniya lang ako nakatingin. Tumitingin din siya sa akin paminsan-minsan at ngumingiti. Naririnig ko naman ang "Ayyiiiieee" ng mga katabi ko sa tuwing makikita nilang nagkakatinginan kami ng kaibigan ko.

Matapos ang praktis nila ay nagpaalam na din ang mga kaklase kong aalis na para kumain at babalik nalang daw sa hapon para manood at icheer din si Justin. Biniro pa kami ni Ines na iiwan na daw nila kami para makapag-date. Hindi ko lang nasabi na ilang beses na namin nagawa iyon simula last week.

Lumabas na din kami ni Justin at naghintay sa labas ng school. Maya-maya'y may dumating na itim na innova at sumakay kami ni Justin.

Tatay ni Justin ang nagmamaneho at agad naman akong binati nito pagkasakay ko.

"So, you're Jp..finally. Hi."

Magkamukha sila ni Justin. Parehong matambok ang pisngi. Ininterview niya ako ng kaunti habang nagmamaneho. Si Justin naman ay tahimik lang. Maya-maya ay tumahimik na kami hanggang makarating sa bahay nila.

Pagkapasok namin ay sinalubong kami ng kapatid niyang si Marky. 4 years old. Ang nanay naman niya ay lumabas din galing kusina para batiin ang mag-ama niya. Lumapit ito sa akin at kinamayan ako habang sinasabi na "ikaw pala si JP…" katulad ng sinabi ng asawa niya sa akin.

Sinama ako ni Justin sa kwarto niya. Pagpasok namin ay agad siyang tumalon sa kama at humiga. Naiwan akong nakatayo sa likod ng pinto at tinitingnan siya.

"Dito ka," sabi niya sa akin habang tinuturo ang pwesto sa tabi niya. "Hintayin lang natin maluto yung ulam tapos kakain na tayo."

Ibinaba ko muna ang aking bag sa study table niya saka ako umupo sa tabi niya. Kinuwento ko sa kanya yung reaksyon ko nang makita ko ang tarpaulin ng pageant. Nginitian niya lang ako at kinuwento ang tungkol sa praktis nila at kung bakit siya nasali sa Mr. & Ms. University.

"Talaga?! May tarpaulin din kayo ng Mr. & Ms. MedTech nung MedTech Week nyo?! Bakit hindi kita nakita? Hindi kita napansin," tanong ko kay Justin.

"Wala ka naman kasing pake sa akin kaya hindi mo talaga ako mapapansin," sagot niya na may tonong lungkot.

"Grabe ka. Hindi naman," pagtutol ko sa sinabi niya sabay higa sa tabi niya. Agad naman siyang tumagilid para humarap sa akin.

"Never ngang ikaw ang unang nag-approach sa akin eh," sabi niya na nagpaguilty sa akin. "Minsan hindi mo ako pinapansin kapag nagkakasalubong tayo sa school. Tapos nung Monday sinabihan kitang pumasok ng maaga kasi pinakilala kaming mga kasali sa pageant pero wala ka."

"Sorry naaaa.." paumanhin ko.

"Alam mo bang tuwang-tuwa ako sa iyo kasi ikaw palang yung taong nagpapakita sa akin ng interes na kaibiganin ako," nasabi ko kay Justin. "Ikaw palang yung gusto talagang makasama ako. Gusto din kitang kasama. Dati pa. Nahihiya lang akong batiin ka dati kasi natatakot ako na baka hindi mo ako pansinin. Buti nalang ikaw yung palaging unang bumabati kapag nagkakasalubong tayo sa school."

Tumingin ako kay Justin at nakatingin lang din ito sa akin.

"Kaya kung pakiramdam mo ay ayaw kitang kasama o wala akong pakialam sa iyo…Hindi."

Ngumiti lang sa akin si Justin.

Bigla namang may kumatok sa pintuan ng kwarto at napabalikwas kaming pareho. Tumayo si Justin para buksan ito at pumasok ang kanyang kapatid para sabihing kakain na daw kami. Sinabi ni Justin na susunod na kami at mauna na siya. Bago umalis si Marcky ay kinuha muna nito ang stuffed toy na unggoy sa kwarto ng kuya niya at saka umalis ng hindi nagsasalita.

Tumayo na din ako para lumabas pero sinara ni Justin ang pinto at bigla akong niyakap. Mahigpit na yakap ang binigay sa akin na ikinagulat ko. Hindi agad ako nakapagreact. Hindi ko alam kung yayakap din ba ako o hihiwalay. Masyado akong nagulat dahil sa mahigpit na yakap, sa init ng katawan niya, at sa naramdaman kong matigas na tumama sa puson ko.

"Salamat…broh," bulong niya sabay pumiglas sa yakap at lumabas na ng kwarto. Sumunod naman ako kahit bakas pa sa akin ang pagkabigla. Nahawa ako sa init ng katawan niya. Tumalikod ako saglit at inayos ang sarili, sinigurong walang nakikitang umuumbok.

Sa kusina ay umupo ako sa tabi ni Justin katapat ang kapatid niya at saka kumain. Ako ang iniinterview ng parents niya buong oras ng pagkain.

Nalaman ko din na ang nanay ko pala at nanay ni Justin ay magkaibigan din mula High School. Hindi na daw sila nagkikita kaya't iimbitahan daw niya ito sa bahay nila minsan.

Nagsabi akong tutulong sa pagligpit ng aming kinainan pagkatapos namin kumain pero hindi pumayag ang nanay niya at lalo na si Justin. Nagpunta kami sa salas at nanood ng TV kasama ang kapatid niya na panay ang tingin sa akin. Nginingitian ko ito at ngumingiti din pabalik pero hindi ako kinakausap. Pareho kaming mahiyain.

4 ng hapon ay nagready na silang lahat para pumunta ng school. 7pm ang start ng pageant. 5:30pm ay nasa sasakyan na kaming lahat papuntang school at nakarating kami ng 6:30pm.

Tumulong ako sa pagdadala ng mga damit na isusuot ni Justin at dumeretso sa backstage. Doon ay naghihintay ang make-up artist niya na tuwang-tuwa dahil may gwapo nanaman daw siyang aayusan.

Iniwan na kami doon ng parents niya para hintayin ang iba pa nilang kamag-anak na manonood din.

Dumating sila Joanne at iba pang kaklase ni Justin para I-Goodluck siya. Nang sinabi ni Joanne na sumama nalang daw ako sa pwesto nila sa panonood, sumimangot si Justin sa akin at sinabing huwag na huwag daw akong aalis sa paningin niya. Nag-Opo nalang ako.

Nang matapos ayusan si Justin, parang walang nagbago. Pumuti lang ng kaunti ang mukha at nag-iba ang ayos ng buhok. Pero nang magsimula na ang program at napanood ko siyang maglakad sa stage, at naririnig ko ang mga tili ng kanyang mga kaklase at schoolmates, hindi ko maiwasang maging proud na kaibigan ko siya.

Naging instant stage-friend ako nang gabing iyon. Sinamahan ko siya at tinulungan magpalit ng damit at costume. Chinicheer ko siya bago siya umakyat ng stage at sinisiguro kong makakatakbo ako sa kabilang side para salubungin siya pagbaba niya. Sa bawat pagrampa niya sa stage ay pumapalakpak ako at natutuwa para sa kanya.

Pinakahindi ko makalimutan ay nung nagpalit siya ng trunks para sa swimwear. Hinihintay ko siya sa labas ng cubicle nang tawagin niya ako at pinapasok sa loob. Ayaw ko pa sana nung una pero binuksan niya ang pinto at hinila ako sa loob.

"Tingnan mo nga, hindi ba sobrang laswa?" tanong niya sa akin.

Napatitig ako sa ganda ng katawan niya. Lalo na yung umbok na nakita ko sa harap. Bakat na bakat ito sa maikling itim na parang boxer briefs. Nag-init akong bigla nang maalala kong iyon ang dumikit sa akin kanina nung niyakap niya ako.

"Huy!" tawag niya sa kin.

"Hindi mo na ba kayang itago pa yan? Medyo malaki ang umbok eh."

"Anong gagawin ko? Itetape ko?"

"Ayusin mo nalang ng pwesto. Dagdag points yan sa judges," biro ko.

Tumalikod siya sa akin at nakita ko ang maganda at matambok na pisngi. Akala ko pisngi sa mukha nya lang ang matambok. May nakatago din pala sa likod. Tsk tsk.

Nang matapos siyang mag-ayos ay lumabas kami ng cubicle at nakita kami ng dalawang make-up artist na halatang nagulat sa paglabas namin. Napatingin sila sa suot ni Justin at sa tingin ko ay may panalo na para sa kanila.

Sa pila ng mga lalaki, walang duda. Yung kay Justin talaga ang may pinakamalaking umbok. Nagtitinginan yung mga tao sa kanya pati na din ang iba pang contestants.

Pag-akyat niya ng stage ay nagwala ang mga nanonood na estudyante. Nakita ko din sa mga judges na gusto nila ang nakikita nila. Nakaramdam ako ng gutom habang pinapanood si Justin. At hindi sa pagkain yung gutom na nararamdaman ko.

Nang makababa siya ng stage ay dumeretso agad kami sa cubicle para magpalit siya ng barong. Pagkatapos nun ay inannounce na ang Top 5 kung saan kasali siya.

Ang Top 5 ang sasalang sa Q&A. Una ang mga lalaki. Dito nagkaalaman kung may ibubuga ang mga finalist.

Yung naunang apat kay Justin ay tumagilid sa pagsagot. Hindi nila naiparating ng maayos ang gusto nilang sabihin at medyo malayo sa tanong ang kanilang sagot. Yung isa naman ay halos nagmurmur lang at walang nakaintindi sa sagot niya.

Nang si Justin na ang tinanong ng: "Are you in favor of making Same Sex Marriage legal in the Philippines? Why or Why not?"

Hindi ko matandaan ang eksaktong sinabi niya pero ipinarating niyang pabor siya sa SSM dahil naniniwala siyang mas magkakaroon ng pagkakaisa ang bawat pilipino kung bibigyan ang lahat ng pantay-pantay na karapatan sa pagpapakasal anumang seksuwalidad ang meron ito.

Malakas na hiyawan at palakpakan ang binigay sa kanya ng mga manonood. Siya lang kasi ang may maayos na sagot sa limang candidates na lalaki.

Matapos ng Q&A ay inanounce na ang mga nanalo. At… Si Justin ang Mr. University. Nagwala ang mga Medtech.

Nagpuntahan ang mga kamag-anak ni Justin sa backstage para batiin siya. Proud na proud silang lahat. Nandoon din ang iba niyang mga kaklase at schoolmate na hindi niya kilala para magpapicture. Kahit mga kaklase ko ay nagpapicture din kay Justin at ako ang kino-congratulate. Tinatawanan ko lang sila.

Sa dami ng mga humahanga kay Justin ng gabing iyon, hindi ko maiwasang makaramdam ng takot na baka bigla nalang nya akong hindi samahan dahil madami nang gustong kaibiganin siya. Madami na siyang makakasama.

Nang matapos magpapicture ang mga schoolmates namin ay nilapitan niya ako at niyakap. Pinasalamatan niya ako at Kinongratulate ko siya. Nang kumalas ako sa pagyakap ay nakita kong nakatingin sa amin ang parents niya. Kinabahan ako.

Hindi pa man kami nakakalabas ng Gym ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Bigla akong nainis dahil mahihirapan nanaman akong makasakay ng jeep. At saka hatinggabi na kaya mas kakaunti ang jeep na dadaan.

Nilapitan ako ng nanay ni Justin at sinabihan akong sa kanila nalang matulog. Tumanggi ako dahil sa hiya. Sinabi ko na may masasakyan pa naman ako kaya uuwi nalang ako kahit hatinggabi na. Pinilit ako ni Justin, at tinawag pa ang tatay niya nung tumanggi pa din ako. Katulad nila, sinabihan din ako ng tatay niyang sa kanila na matulog at hiningi sa akin ang number ng nanay ko para ipagpaalam ako. Nakatingin lang sa akin si Justin na para bang nagmamakaawang tanggapin na ang alok nila.

Binigay ko ang number ng nanay ko sa nanay ni Justin. Nang sagutin ni mama, nagpakilala ito at nagkamustahan. Nagkwentuhan pa sila saglit at sinabi ngang sa kanila ako matutulog dahil delikado daw kapag uuwi ako ng magisa. Pumayag naman si mama at kinausap din ako saglit para sabihing magingat at magpakabait daw.

Nang medyo humupa ang ulan ay nagpaalam na ang mga kamag-anak ni Justin at kami din ay sumakay na sa kotse para umuwi. Magkatabi kami ni Justin sa likod at hindi naguusap hanggang makarating sa kanila.

Tumulong ako sa pagaayos ng gamit ni Justin at saka kumain ng hotdog sandwich at siopao na binili namin sa 7/11 na nadaanan pauwi.

Binigyan ako ng nanay niya ng bagong toothbrush at si Justin ay pinahiram ako ng shorts at tshirt. Nang makapag-ayos ako ay nagpaalam na kami ni Justin na matutulog na.

Nakahiga kaming pareho sa kama niya. Nakapatay ang ilaw at yung maliit na lampshade nalang ang nagpapaliwanag ng kaunti sa kwarto. Hindi pa ako nagsasalita dahil inaantok na ako. Gusto ko nang matulog. Alam kong ganun din ang nararamdaman ni Justin.

"Jp, salamat ha…" bulong niya.

"Walang anuman," sagot ko habang humihikab. Tumagilid ako para humarap sa kanya at tinignan siya sa mata.

"Hoy. Justin M******, ngayon na madami nang nagkakagusto sa iyo at madami nang kakaibigan sa iyo, baka hindi mo na ako pansinin ha?" sabi ko.

"Ha? Pwede ba iyon? Siyempre papansinin pa din kita. Alam mo ba kung ano ka sakin?"

"Ano?"

"Best…friend. Hindi… Higit pa doon. Isa ka sa pinakamahalagang tao sa buhay ko. Hinding-hindi kita ipagpapalit. Ikaw lang ang best friend ko." paniniguro niya sa akin.

Magkahalong kilig at ilang ang naramdaman ko. Napapangiti ako at pinipigilan kong ipakita iyon.

"Ikaw din. Ikaw lang. Walang makakapalit sa iyo."

Umayos ako ng higa at tumingin ulit sa kisame. Ipinatong niya ang kamay niya sa tiyan ko at hinimas hangang makarating iyon sa bewang ko. Inilapit pa ako ni Justin sa kanya. Nagulat ako sa ginawa niya pero hindi ako umangal. Gusto ko ang ginawa niya kaya't hinawakan ko ang braso niya at pinisil. Hinila ko siya ng kaunti para mas lunapit pa sa akin. Ganoon nga ang ginawa niya kaya't lumapat sa kaliwang braso ko ang katawan niyang nag-iinit.

Inilapit din niya ang kanyang mukha sa leeg ko. Tumatama ang mainit niyang hininga sa aking balat na nagpapainit din sa katawan ko.

Biglang nawala ang antok ko. Nagising ako at para bang gusto ko nalang manatiling gising magdamag para maramdaman ko at manamnam ang puwesto namin ni Justin.

Hindi pa man kami tumatagal sa ganoong posisyon ay naramdaman kong lumalapit ang bewang ni Justin sa hita ko at naramdaman ko ang matigas niyang umbok. Napatawa ako ng kaunti nang maalala ko ang itsura niya noong swimwear. Dumikit naman papalapit lalo sa umbok niya ang binti ko para mas maramdaman pa ito. Kasabay nito ay dumikit ang labi ni Justin sa leeg ko.

Sobrang nagiinit na ako ng mga oras na iyon. Gusto ko nang gawin ang pwede kong gawin para makaraos. Nararamdaman ko ding pareho kami ng gusto ni Justin.

Nagdadalawang-isip ako kung gagawin ko ba o hindi. Nasa bahay kami ni Justin at nahihiya ako sa kanya. Paano kami pagkatapos? Baka dahil sa gusto kong gawin ay biglang lumayo sa akin si Justin.

Hindi pa ako tapos mag-isip ay naramdaman ko nang mas dumiin ang umbok ni Justin sa aking hita. Umaakyat na din ang kamay niya papuntang dibdib ko habang inaangat ang damit ko. Nasa pisngi ko na ang mga labi ni Justin.

Gusto niya. Gumagawa na siya ng first move. Hindi ko na kayang pigilan. Gusto ko din. Gustong-gusto.

Humarap ako sa kanya at naramdaman kong nagdikit ang mga labi namin. Ginalaw ko ang aking mga labi at hinalkan naman ang lower lip niya habang nararandaman ko ang paghimas ni Justin sa bewang ko. Sinisipsip niya ang labi ko sa bawat halik at lalong nagpapalibog sa akin.

Pumaibabaw siya sa akin, binababa ang halik sa baba ko at leeg habang inaangat niya ang damit ko. Sinipsip niya ang utong ko na nagpaangat ng katawan ko. Nilaro ng dila niya ang magkabilaan at pinahubad niya ang damit ko. Bumalik siya sa paglalaro sa utong ko at hinimas ang galit na galit kong ari.

Binaba niya ang shorts at brief ko. Hinawakan ang matigas kong ari at isinubo niya ito. Masarap na mainit na nakakailang ang pakiramdam ko habang ginagawa niya iyon. Mukha namang alam niya ang ginagawa niya kaya't pinabayaan ko siya.

Nagtagal si Justin sa pagsubo sa akin. Siguro ay dahil alam niyang nageenjoy ako sa ginagawa niya at mukhang nageenjoy din siya. Maya-maya ay mas nasarapan ako. Sumasabay na ang pagkadyot ko sa pagtaas-baba ng ulo ni Justin. Lalabasan na ako.

Nang sinabi ko iyon sa kanya ay bigla niyang tinigil ang pagsubo sa akin at hinalikan ako. Umupo ako at tinanggal ang damit niya. Lumuhod siya sa harap ko kaya't sakto sa mukha ko ang umbok niyang kanina ko pa pinagnanasaan.

Nang inilabas ko ito sa shorts niya ay napanganga ako. Malaki nga. Isinubo ko ito at narinig ko ang mahina niyang ungol. Pinipilit kong hindi dumikit sa ngipin ko habang sinisipsip ko ito. Sinubukan ko din itong ideepthroat pero masakit. Hindi ko na tinuloy.

Nang sinabi niyang malapit na siyang labasan ay pinahiga niya akong ulit at sinalsal ang titi ko habang nilalaro ang utong ko. Maya-maya pa ay naramdaman ko na ulit na lalabasan na ako. Bigla niyang sinubo ang ari ko at sinipsip ito habang ako'y nilalabasan. Pakiramdam ko ay nanghina ako ng sobra dahil sa sobrang sarap ng pakiramdam ko ng oras na iyon.

Tumayo siya sa kama para kumuha ng damit sa lagayan ng marurumi at doon niluwa ang tamod ko. Ipinatong niya ito sa kama pagkatapos.

Matapos kong labasan ay nakaramdam ako ng kaunting guilt. Natanong ko agad kung bakit ko ba ginawa iyon? Natakot ako. Pero si Justin ay papunta palang sa sukdulan ng init ng katawan niya.

Pumaibabaw siyang muli sa akin at hinalkan ako habang kinikiskis ang ari niya sa akin. Pabilis ng pabilis ang pagkiskis niya hanggang sa narinig ko ang mahaba at pigil niyang ungol kasabay ng pagsirit ng tamod sa tiyan naming dalawa.

Nakapatong pa din sa akin si Justin at hinihingal matapos siyang labasan. Inabot ko ang damit na ginamit niya kanina para punasan ang tamod sa tiyan naming dalawa.

Hinila akong muli ni Justin at hiniga niya ako sa kanyang braso at niyakap ng mahigpit. Niyakap ko din ang braso niya. Nakaramdam ako ng pagka-antok. Naramdaman kong mas humigpit ang yakap ni Justin sa akin at kasunod nito ay ang pagbulong niya ng

"I Love You…"

Nagising ako na yakap pa din ni Justin. Nakatulog na kaming pareho na walang suot kaya ramdam na ramdam ko ang lamig na dala ng malakas na ulan. Pumasok agad sa isip ko yung ginawa namin bago matulog. Tinamaan nanaman ako ng guilt. Hindi ko dapat hinayaang mangyari iyon.

Sinubukan kong tumayo pero hinila ako ni Justin at niyakap ng mas mahigpit.

"Huwag mo akong iwan…" pinilit sabihin ni Justin kahit sobrang inaantok. Hindi ko alam kung gising na siya noon o tulog pa at nagsasalita lang.

"Kukunin ko lang phone ko," bulong ko habang inaalis ang pagkakayakap sa akin ni Justin. Inayos ko ang kumot pagkatayo ko para hindi siya lamigin.

Mag-aalas singko palang ng madaling araw at wala pang tatlong oras ang tulog ko. Inaantok pa ako nun pero ayokong ituloy ang tulog ko katabi si Justin. Ayokong maabutan niya akong nandoon pagkagising niya dahil natatakot ako sa magiging reaksyon niya.

Sobrang naguilty ako sa nangyari. Alam kong pareho naming ginusto iyon pero hindi ko alam ang tatakbo sa utak niya kapag nagising siya. Baka magkailangan kami.

Napatingin ako sa kanya na mahimbing pa ang tulog. Kinuha ko ang mga damit ko para magbihis at saka lumabas ng kwarto.

Nagkukusot pa ako ng mata at hinahawi ang buhok ko nang lumabas din ng kwarto ang tatay niya.

Nagbatian kami at nang tinanong ako kung bakit ang aga kong nagising ay nasabi ko nalang na kailangan ko nang umuwi. Sa kusina ay ganun din ang sinabi ko sa asawa niya. Tumanggi pa sila nung una pero nagpumilit ako. Pumayag naman sila pero pinag-almusal muna nila ako.

Bumalik ako sa kwarto ni Justin pagkakain ko. Mahimbing pa din ang tulog nito yakap ang unan. Nagpalit ako ng damit at umupo sa tabi niya. Hinawi ko ang buhok sa kanyang noo at tinitigan siya.

"Sorry. Ayokong maabutan mo akong nandito pagkagising mo. Sorry talaga…" bulong ko kahit alam kong hindi niya ako naririnig. Yumuko ako para halkan ang noo ni Justin at saka lumabas ng kwarto dala ang gamit ko.

Nagsinungaling ako sa parents niya na nagpaalam na ako kay Justin. Sinabi ko nalang din na inaantok pa ito kaya pabayaan nalang matulog. Medyo humina na ang ulan at sumakay na ako sa kotse nila para umuwi.

Nakipagkwentuhan pa sa akin si Tito habang nasa biyahe. Syempre ang topic namin ay si Justin. Masaya daw sila na maayos ang mga kaibigan nito ngayong college. Noong high school daw kasi au binubully si Justin ng mga kaklase niya. Hindi ko masabi na nalulungkot ako at natatakot sa kahahantungan ng pagkakaibigan namin ng anak niya dahil sa nangyari kagabi.

Binaba niya ako sa terminal ng tricycle pauwi sa amin at dumeretso na siya papasok sa trabaho. Sinabihan pa niya akong bumalik daw sa bahay nila kapag may oras ako.

Pagdating sa bahay ay naabutan ko ang parents ko na nagaalmusal. Kinuwento ko nalang na hinatid ako ng tatay ni Justin at sinabing itutuloy ko na ang tulog ko dahil papasok pa ako sa hapon.

Medyo nahirapan akong matulog. Iniisip ko kasi na sa mga oras na iyon ay gising na si Justin at maaaring nanggagalaiti na iyon sa galit. Una ay dahil sa narealize niyang mali ang ginawa namin at pangalawa ay dahil umalis ako ng hindi nagpapaalam sa kanya.

Nagising ako dahil sa pagvibrate ng phone ko. Pagtingin ko ay tumatawag si Ines. Sinagot ko ito at narinig kong pinapapasok niya ako sa University Night dahil 2 perfect quizes daw ang katumbas nito sa lahat ng subjects. Unang pumasok sa isip ko ay ang nanganganib kong grade sa Biochem na kailangang isalba kaya't nagsabi akong pupunta ako. At saka wala din naman akong gagawin sa bahay. 2pm na yon kaya naman bumangon na ako para maghanap ng isusuot na damit para sa UNight.

Wala pa ding text or tawag si Justin. Malamang galit nga iyon. Nalungkot ako ng sobra.

6pm ay nakarating ako sa school. As usual, sa CR muna ako dumeretso para umihi at mag-ayos ng kaunti. Pagkatapos ko ay dumeretso na ako sa likod ng school, sa field kung saan gaganapin ang UNight. Marami akong stalls na nakita. Madami na ding estudyante na nakakalat sa field. May stage at malaking screen din sa unahan. Naexcite ako ng kaunti at ipinalangin nalang na hindi ko makita si Justin.

Pumila na ako sa registration area at tinext si Ines. Nang makapasok ako ay sinalubong nila ako at binati.

"Kumusta? Balita ko kasama mo buong pamilya ni M******(surname ni Justin) kagabi ah?" pambungad sa akin ni Ines.

"Ano?! Saan mo naman nakuha yan?!" inis kong tanong.

"Dun sa kakilala kong Medtech. Nakita daw kayo eh," sagot naman niya.

Napagtsismisan na pala agad kami.

Dumidilim na at mas dumadami na ang mga estudyante. Nakaupo kaming magkakaklase sa damuhan at nagkukwentuhan nang makita ko si Joanne. Kinawayan ako nito at sumenyas na lumapit ako at agad ko namang ginawa.

"Nakita ka na ba ni Justin? Hinahanap ka niya kanina eh," tanong nito.

"Aah. Hindi pa. Kasama ko kasi mga kaklase ko eh. Asaan ba-" naputol ang sasabihin ko na

ng marinig ko ang boses niya sa likod ko.

"JP." pagtawag sa akin ni Justin.

"Great. Iiwan ko na kayo. See you." pagpaalam ni Joanne sabay alis.

Napatingin lang ako saglit sa mga mata ni Justin pero iniwas ko agad at sa baba tumingin.

"Usap muna tayo," mahina niyang sabi.

Hindi ako nagsalita.

"Please," dagdag niya.

"Sige," pagpayag ko habang tumatango.

"Labas muna tayo dito. Ayoko sa madaming tao."

Sumenyas ako kina Ines na aalis lang ako saglit at sinundan si Justin. Tahimik kaming naglakad. Madaming bumabati kay Justin at nginingitian din naman niya sila.

Napunta kami sa 3rd floor ng building namin. Dumeretso siya sa isang classroom at binuksan ang mga ilaw. Nang makapasok ako ay isinara niya ang pinto at sinunggaban ako ng yakap.

Hindi ako gumalaw at hinayaan ko lang siya.

"JP.. Sorry. Nabigla ba kita? Bakit hindi ka nagpaalam sa akin kanina? Galit ka ba sa akin?" sunud-sunod na tanong niya habang sinusubsob ang mukha sa leeg ko.

Nagkaroon yata ng sariling utak ang mga kamay ko at yumakap din sa kanya. May kailangan akong sabihin sa kanya at iyon ang tamang oras para sabihin iyon.

"Hindi naman ako galit eh," panimula ko. "Oo, nabigla ako pero hindi ako galit. Sa totoo lang gusto ko yung mga nangyare. Gustong-gusto. Pero natakot ako na baka nadala ka lang. Naisip ko na baka nagalit ka sa akin. Sorry."

Kumawala siya sa akin at tiningnan ako. "Bakit naman ako magagalit? Pre, gising ako nung mga nangyare iyon. Alam kong nangyare sila. Kung ayaw ko tatanggi naman ako eh. At saka, ako nga ang nanguna diba?"

"Gusto mo ba ako?" bigla kong naitanong.

"First year palang tayo nagpapapansin na ako sa iyo. Hindi ako pumapayag na hindi mo ako mapansin kapag nagkakasalubong tayo. Ilang beses akong nakikipag-apir sa iyo para lang mahawakan ko kamay mo. Naipakilala na kita sa buong pamilya ko. Nadala na kita sa kwarto ko. Na-"

"Huwag mo nang ituloy. Oo ba ang sagot mo?"

"Sobra," sagot niya habang tumatango.

Napangiti nalang ako at yumakap sa kanya.

Alam kong nararamdaman ko nang gusto nga ako ni Justin noon pa man. Sinisigaw na iyon ng utak ko noon pa pero may parte na kumokontra. Sinasabing baka nagoover-react lang ako. Dinedeny ko sa sarili ko na gusto ko na din si Justin. Pinipilit ko na kaibigan lang siya. Pero ang totoo ay ayoko lang masaktan kapag nalaman ko ang totoo.

Kaya nang sabihin ni Justin na gusto niya nga ako, sobrang tuwa ko.

Nang medyo matagal na kaming magkayakap ay humiwalay ako at hinawakan niya ang kamay ko habang nakatingin sa akin. Nakislap mga mata ni Justin ng mga oras na iyon. Akala ko ay naiiyak siya.

"So, ano ngayon?" tanong ko. "Ano tayo?"

"Aah. Mag-boyfriend?"

"Huh? Liligawan mo ako?"

"Magdadalwang taon na kita nililigawan mula first year tayo."

"Ah yun na ba yon?" biro ko. "Okay."

"Oh? Officialy, tayo na?"

Tumango lang ako at ngumiti.

Niyakap niya ako ulit at bumulong ng "Akin ka na.. Akin ka lang."

"Teka, nag-iinit na ako. Baka kung ano pa magawa natin dito. Labas na tayo," pagbiro ko sa kanya.

"Oh bakit? Pwede naman natin gawin dito eh." pagsakay niya sa biro ko at binigyan ako ng halik sa leeg.

"Loko ka. Baka may makahuli sa atin dito. Tara na. Balik na tayo sa field."

"Oh sige. Pero isa muna," sabi niya sabay halik sa labi ko habang hinihimas ang bewang ko.

Habang naglalakad kami pabalik sa field ay naitanong ko sa kanya yung hindi niya pagpansin sa akin na tumagal ng ilang buwan.

"Aah. Wala yun. Nagtampo lang ako sa iyo noon kasi palagi nalang ako ang unang bumabati sa iyo. Tapos minsan hindi mo talaga ako pinapansin. Nakakalungkot kaya na hindi ka pinapansin ng crush mo," sabi niya. "Kaya sabi ko hindi kita papansinin para ikaw naman ang maghabol sa akin."

"Pero pinansin mo ako last week nung nakita mo ako sa labas ng library."

"Eeehh…Nakakabadtrip ka hindi mo pa din ako nilalapitan eh. Miss na miss na kita nun. At saka hindi kita matiis."

Laking pasasalamat kong madilim na nung mga oras na iyon dahil pakiramdam ko ay namula ako dahil sa kilig.

Nagsisimula na ang program nang makarating kami sa field. Sinamahan ako ni Justin hanggang makita ko sila Ines at saka niya hinanap ang mga kaklase niya. Makahulugang mga tingin ang binigay nilang lahat sa akin. Pinabayaan ko nalang sila.

Nagkaroon ng film showing ng gabing iyon. Big Hero 6 at Monter Carlo ang pinalabas. Sobrang nagenjoy kami manood kasama ang iba naming schoolmates habang nakaupo sa damuhan sa ilalim ng stars. Nagkakatinginan din kami ni Justin habang nanonood. Halos sa likod lang namin sila nakapuwesto.

10 minutes before midnight ay nagkaroon ng mga intermission numbers na puro love songs dahil Feb. 13 noon. Ilang minuto nalang ay Valentines day na.

Nagkaroon pa noon ng countdown. At habang nagbibilang ay naramdaman ko ang pag-akbay ng tao sa likod ko na si Justin pala. Pagkatapos ng bilang ay nagsigawan ang lahat ng "Happy Valentine's day!!" at nagbatian. Syempre ay una kong binati yung katabi ko na…boyfriend ko na.

After non ay nagkantahan pa ng love songs at may mga magsyotang nagsasayaw sa gitna. Gusto ko sanang yayain si Justin pero siyempre.. Hindi pwede hehe.

Natapos ang program at nagsiuwian na ang mga estudyante. Si Justin ay inalok akong sa kanila ulit matulog pero tumanggi ako kaya naman sumabay nalang siya sa jeep pauwi tutal ay may daan din naman doon pauwi sa kanila. Mas malayo nga lang.

Yung week pagkatapos ng UWeek namin ay Midterm Exams. Medyo naninibago pa ako noon kasi hindi pa din ako makapaniwala na kami na ni Justin.

Unti-unting nabago ang routine ko. Araw-araw na kaming magkachat ni Justin sa facebook. Nagchachat kami habang nagrereview or habang nagawa ng assignments.

Dati after exams/classes at deretso uwi na ako. Pero ngayon ay naghihintayan kami ni Justin. Kailangan ay may oras na kaming dalawa lang ang magkasama sa isang araw.

Dati ay kumakain akong magisa or kasama ko ang ilan sa mga kaklase ko. Nang maging kami, si Justin ang kasabay ko hangga't maaari.

Kailangan din ay alam namin ang schedule ng isa't-isa. Kapag may pupuntahan ay kailangan magpapaalam muna.

Klase lang ang nakakapaghiwalay sa amin nung first week namin. Ayaw kong tanggalin siya sa paningin ko at alam kong ganun din siya. Halos ipagpalit na namin ang pagaaral para makasama ang isa't-isa. Araw-araw din kaming nasa mall bago umuwi.

Nang makalipas ang isang linggo, naibigay na sa amin ang mga midterm grades namin. Nanlumo ako dahil nagsibabaan lahat ng grades ko. Pasalamat nalang ako na walang bagsak. Nang makita ko si Justin ay malungkot niyang ipinakita na nagsibabaan din ang mga grades niya. Nalungkot ako para sa kanya dahil dean's lister siya. Hindi na siya makakasama doon kung hindi niya mababawi ang grades niya sa finals.

Alam naming kinulang kami sa pag-aaral kaya nagkaganun ang mga grades namin. Nagpromise kami na magaaral ng mabuti sa finals at babawasan ang pagfefacebook or paggala kapag exam week.

Okay naman kami ng mga sumunod na week kahit pabusy na ng pabusy dahil finals na. Nagawa namin ang promise namin na magaral ng mabuti sa finals kaya naman nahabol ni Justin ang grades niya at pasok pa din siya sa dean's list.

Nang magbakasyon, hindi na kami masyadong nagkita ni Justin. Every other week nalang kami kung magkita at sasaglit pa dahil alam ng parents namin na wala naman kaming pasok. Nagchachat nalang kami sa facebook para maging updated sa isa't-isa.

Pati ang mga walang kakwenta-kwenta naming mga away ay sa facebook nalang namin ginagawa at nareresolba. Nag-intern ako sa isang drugstore buong buwan ng May at paminsan-minsan ay sinusundo niya ako sa pag-uwi.

Nakakapunta na din kami sa bahay ng isa't-isa at kilala na din siya ng parents ko.

Sabay din kaming nag-enrol para sa susunod na school year.

3rd year na kaming pareho kaya mas busy na dahil sa tambak na projects, assignments at sunud-sunod na quizess. Nabawasan na din ang pagsasama namin sa school. Naghihintayan nalang kami afterclass para sabay umuwi. Bali sa jeep nalang kami nagkakamustahan at gabi-gabi kong ineenjoy ang trapik dahil mas matagal ko siyang nakakasama.

Mas lumala din ang pang-aasar ng mga kaklase ko sa amin. Pinipilit nila akong umamin na kami na nga ni Justin dahil obvious na daw kami. Sinasakyan ko ang mga biro nila pero hindi ko inaamin sa kanila. Pinabayaan ko lang silang mag-isip.

Ganun din ang mga kaklase ni Justin. Inaasar din nila kami kapag nakikita nila kaming magkasama. Hindi naman naging issue iyon kay Justin. Nang mapag-usapan namin iyon minsan ay sinabi niya lang na wala siyang pakialam sa mga tsismis ng mga schoolmates/classmates namin. Ang mahalaga daw ay okay kaming dalawa at wala naman daw kaming ginagawang masama.

Natouch ako sa sinabi niyang iyon. Pero nalungkot ako ng kaunti dahil kahit sinabi niya iyon ay parang issue pa din sa akin ang opinyon ng mga tao sa paligid ko. Nahihiya pa din ako kapag magkasama kami at madaming tumitingin sa amin. Naiilang ako kapag inaakbayan niya ako habang naglalakad kami sa mall or kapag nagpapa-akbay siya sa akin. Iniisip ko nalang na ginagawa ko iyon para kay Justin at hindi para sa kanila.

Kahit na may nangyari na sa amin bago pa man naging kami, nag-iinarte pa din kami sa tuwing nakakaramdam kami. Hindi sa lahat ng oras na nag-iinit kami ay may gagawin kami. Pinipili namin ang perfect time and place para gawin iyon. Kaya sa tuwing nakakaramdam ang isa sa amin, dinadaan nalang namin sa halik at yakap. Minsan sa pagdiin at pang-aakit nalang para mang-asar.

Napag-usapan namin na hindi namin hahayaang maging malaking parte ng relasyon namin ang sex. Although hindi ko matawag na sex ang ginawa namin dahil wala namang penetration. Siguro sa loob ng anim na buwan, once lang namin nagawa iyon. At yun nga. Walang penetration. Kung ano lang ang ginawa namin noong gabi ng pageant niya, ganun lang din ginagawa namin.

At saka, medtech siya. Alam niya ang consequences ng sex kapag nasobrahan at kapag hindi nag-ingat. Pharma ako. Alam ko kung gaano kamahal ang mga gamot. :-)

Nang mas tumagal kami, mas nawalan kami ng time para sa isa't-isa. Mas dumadami ang awayan na tumatagal ng ilang araw. At sa tuwing magkagalit kami, nawawalan ako ng focus. Kinakain ako ng lungkot. Nadedepress ako. Hindi ako nakakapagreview or nakakagawa ng assignments. Kaya ang resulta, mababang grades. Kamuntikan pa akong bumagsak sa isang subject.

Si Justin naman, ganun din ang naging problema. Bumaba ang grades niya ng first sem. Hindi niya nabawi kaya't natanggal siya sa dean's list. Nakita ko at naramdaman ang lungkot niya at panghihinayang. Kahit anong pagchecheer ko ay walang epekto.

Mas naging mainitin ang ulo ni Justin nung 2nd sem. Mas naging strikto siya sa akin at kapag hindi ko nagagawa ang gusto niya, inaaway niya ako. Nagiging mas bossy siya. Minsan kahit sa harap ng ilang estudyante ay nagkakasagutan kami.

Natuwa naman ako na kahit ilang beses kaming mag-away na inaakala kong magkakasapakan na kami, never niya akong hinamon ng hiwalayan. At siya pa din ang nauunang makipagbati.

Prelim week ng 2nd sem ng school year na iyon, magkaaway kami. As in buong week.

Sabado bago ang prelim week ay nagpapasama akong manood ng Mockingjay Part 2 sa SM. Ang sagot niya sa akin ay wala daw siyang pera at may gagawin daw siyang importante kaya pinabayaan ko nalang at umuwi na ako. Kinagabihan, nakaramdam ako ng iba kaya't inistalk ko sa facebook yung mga kaklase niyang kasama. Ayun. Nakita ko yung picture nilang magkakaklase na kakapost lang. Sa sinehan. Nanonood ng Mockingjay part 2.

Akala niya siguro ay hindi ko malalaman kasi hindi siya nakatag sa pic, at hindi ko friend yung nagpost. Pero yung isang kaklase niyang nakatag ay friend ko kaya nakita ko pa din.

Nanggagalaiti ako sa galit nung gabing iyon. Paborito ko ang Hunger Games at gustong gusto ko mapanood kasama siya. Pero ayun. Mas piniling isama ang mga kaklase. Hindi ko siya chinat ng gabing iyon at pinabayaan siyang magtext ng magtext at tumawag sa phone ko.

Monday ay wala pa akong exam pero pumasok ako para magbayad ng tuition. Hindi ko naman inaasahan na nandoon din pala si Justin dahil alam ko ay kinabukasan din ang exam niya. Dahil hindi pa din ako makaget-over sa ginawa niya ay hindi ko siya kinausap. Pagkatapos kong magbayad ng tuition ay sinusundan niya ako at pinipilit akong sabihin kung ano ang ginawa niyang mali. Nainis ako kaya ipinakita ko ang picture nila na isinave ko sa phone ko.

Hindi siya nakapagsalita agad at napayuko nalang. Nagsorry siya pero hindi ko pinansin. Derederetso lang akong sumakay ng jeep at sinundan naman niya ako habang nagsosorry.

Bumaba ako sa Robinsons at dumeretso sa Movieworld para bumili ng ticket sa Mockingjay. Sinabihan ko si Justin huwag niya akong susundan dahil napanood na niya iyon. Nakita kong maluha-luha na siya. Medyo naawa ako at muntik nang makipagbati pero tinaasan ko pa ang pride ko at pumasok na sa sinehan.

Mga ilang minuto nang magsimula ang movie, pumasok siya sa sinehan at tinabihan ako ng mahanap niya ang aking pwesto. Nagsosorry pa din siya ng pabulong pero sinabihan ko lang siyang huwag maingay. Pinipilit niya akong yakapin at akbayan pero inaalis ko ang kamay niya. Nang pinilit niyang yakapin ako ay nakaramdam akong basa ang pisngi niya. Siguro ay dahil sa luha.

Nang matapos ang movie ay hindi na nagsalita si Justin at sumabay nalang din sa akin pauwi. Nakatingin lang siya sa akin habang ako'y nakikinig ng music sa phone ko.

Sabi ko nga, tumagal iyon ng isang linggo. Halos araw-araw niya akong sinusuyo. Sa school man or sa facebook chat. Hindi ko pa din siya pinapansin dahil sa totoo lang ay gusto ko ang nangyayaring naghahabol siya sa akin at nagsosorry.

Nagkabati lang kami nang pinuntahan niya ako sa bahay na may dalang bulaklak at isang bag ng choco choco. May nakadikit ditong note na "Sorryy.."

Nakatayo siya sa may terrace namin dala iyon at naluluhang nagsosorry pa din. Naawa ako ng sobra sa kanya kaya't napayakap agad ako. Buti nalang ay sabado iyon at umalis ang buong pamilya ko kaya solo namin ang bahay.

Pumasok kami sa salas, umupo at nag-usap. Sinabi niyang biglaan daw ang panonood nila noon at napilitan lang siyang sumama. Gusto daw niya talagang mapanood iyon kasama ako. Nagsorry din ako sa kanya at inexplain yun naramdaman ko kaya ko siya natiis ng ganun katagal.

"Please, huwag mo nang ulitin yon ha?" pakisuap niya sa akin. "Sobrang hirap eh. Hindi ko na alam gagawin ko. Hindi ako nakakain ng ayos. Hindi ako makapagreview o makapagconcentrate sa pag-aaral kapag alam kong galit ka sa akin. Please..JP. Mahal na mahal kita. Ayokong nagkakaganun tayo."

Naguilty akong bigla sa sinabi niya. Pareho pala kami ng nararamdaman kapag magkagalit kami pero hindi ko man lang naisip yon. Mas inuna ko ang pride ko kaysa taong mahal ko.

Nagsorry nalang ulit ako at niyakap siya. Sinuntok niya pa ako sa balikat. Medyo masakit iyon kaya napa-aray ako. Hinimas naman niya agad at hinalkan saka ako gumanti. So, nagsuntukan lang kami nung magkaayos kami.

Natapos ang Christmas break. Sumalubong sa amin ay ang Prelim grades namin. Sabay kaming tumingin ni Justin sa library. Nang makita ko ang akin ay okay naman. Pero nang si Justin na, napatulala nalang siya. Halos lahat ay nasa line of 7…

Hindi ko naiwasang maguilty dahil sa pang-aaway ko sa kanya nung exam week. Hindi tuloy siya nakapag-aral ng maayos. Ayun tuloy. Bumaba mga grades niya.

Kinabukasan, pumasok si Justin na namumugto ang mata. Nang tinanong ko sa kanya kung may problema ba, nalaman daw ng parents niya yung tungkol sa grades niya. Sumabay pa daw sa ibang problema sa bahay kaya pinagalitan siya. Medyo harsh daw yung mga nasabi ng parents niya kaya hindi niya daw napigilang umiyak. At isa pa, honor student si Justin since preschool hanggang 2nd year college. Nito lang daw siya natanggal kaya laking panghihinayang niya.

Ramdam na ramdam ko ang pagkalungkot ni Justin at pagkawalang-gana buong week at sa mga sumunod pang linggo. Mas dumalas ang away at mas lumalala. Napapaluha nalang ako dahil naiisip kong baka makipagbreak siya sa akin.

Napaaga ang UWeek ng school namin that year. Last week na siya ng January kumpara last year na 2nd week of Feb. Magkasama pa din kami ni Justin buong Uweek at ibig sabhin noon ay mas madalas pa ding away. Kahit nung nag-Final walk siya as Mr. University ay magkagalit kami.

Natapos ang UWeek at dumating nanaman ang week na puro quizess at homeworks. Yun din ang time na nagstart nang mas maging busy si Justin para sa thesis nila. Hindi nanaman kami makapagsama. Tuwing uwian nalang at madalas pa, nagtatalo kami sa jeep.

Ilang araw bago kami mag-anniversary ay nag-away nanaman kami dahil may nasabi siyang hindi ko nagustuhan. Parang sinabi niyang ako ang dahilan kung bakit nagkaletse-letse ang grades niya. Dinala niya ako sa field at doon kami nagkasagutan. Sagutan na may kasamang sigawan. Buti nalang ay gabi na iyon at kakaunti na ang mga estudyante. Naiiyak na ako noon habang pinapakinggan siyang magexplain kung bakit niya nasabi iyon. Naiiyak ako kasi totoo. Kasalanan ko. Kasalanan naming pareho.

Natahimik kaming pareho pagkatapos niyang magsalita. Nakaupo lang kami sa damuhan at nakatingin sa damo. Gusto kong magsorry at makipagbati na. Pero nang magsalita ako ay sumabay siya.

"Sorry Justin."

"Itigil muna natin."

Napatingin ako sa kanya at nagpigil ng luha. Tumingin din siya sa akin at inakbayan ako.

"Sorry JP. Hindi ko talaga kayang pagsabayin ang pag-aaral at itong relasyon natin eh,"

"Justin, please. Kung dahil lang ito sa pag-aaway natin… Magpapakamature ako. Hindi na kita aawayin. Basta huwag lang-"

"JP…" pagpigil niya sa akin.

Umiling siya at "Sorry…" sabay halik sa pisngi ko at tumayo. Naglakad siya palayo sa akin.

Naiwan akong nakaupo pa din sa damuhan at nakatulala. Pinipigilan ko ang sarili kong umiyak ng mga oras na iyon kaso masyadong madaming luha at hindi sila kayang pigilan.

Naisip ko na din dati na maaaring magbreak kami ni Justin pero isinawalang-bahala ko dahil okay naman kami kahit nag-aaway palagi. Nagkakabati din naman kami. Kaso nung nangyari, hindi ako prepared. Biglaan. Nangyare sa hindi ko inaasahan. Nangyare dalawang araw bago kami mag-anniversary.

Pagdating sa bahay ay umiiyak pa din ako. Sinisisi ko ang sarili ko kaya nagkananun si Justin. At may part na naisip na baka nagsawa lang sa akin yon at may ipapalit sa akin. Ginagawa niya lang sigurong dahilan ang tungkol sa pag-aaral.

Nakatulugan ko nang umiyak. Pumasok ako kinabukasan na pugto ang mata kaya napilitan akong magsuot ng salamin sa mata. Nakahalata naman yata sila Ines kaya hindi nila ako inasar tungkol kay Justin.

Hindi ako nakapagfocus. Halos wala akong naisagot sa mga quiz. Naisip ko tuloy na kung nahirapan ako ng ganon dahil sa breakup namin, nahirapan din kaya siya? Hindi ba't mas mahirap mag-aral ng ganoong sitwasyon? Bakit siya nakipagbreak? Ambobo niya. O baka nga kasi pinagpalit na ako nun.

Hindi ko nakitang pumasok si Justin ng araw na iyon. Yun sana yung isang taon kung kailan siya nanalong Mr. University at yung gabi kung kailan naging amin ang isa't-isa.

Nalungkot din ako dahil walang Justin na naghihintay sa akin pagkatapos ng klase. Wala din yung naglilibang sa akin kapag natatrapik ang sinasakyan naming jeep.

Hindi rin siya nag-online sa facebook ng araw na iyon kaya nag-alala ako sa kalagayan niya.

February 13, 2016 supposedly ay anniversary namin. Sobrang nanghihina akong pumasok at pinalangin kong huwag siyang makita. Pakiramdam ko kasi noon ay iiyak lang ako sa kanya at magmamaka-awang balikan niya.

Natapos ang mga klase ko ng araw na iyon at nagpaiwan ako sa mga kaklase ko. Mga 7pm ay nagpunta ako sa classroom sa 3rd floor kung saan naging kami ni Justin. Tumayo ako sa eksaktong pwesto kung saan ko siya sinagot. Inalala yung mga nangyari ng oras na iyon.

Pagkatapos ay pumunta naman ako sa field para magpahangin at balikan naman ang pwesto kung saan siya nakipagbreak. Wala. Nagdrama lang ako nun.

Siguro ay ilang minuto din akong nakaupo noon sa field habang nakikinig sa mga kanta ni Taylor Swift nang may umupo sa tabi ko.

Si Justin.

Hindi agad ako nakapagsalita. Hindi ko din alam kung natuwa ba ako nun o nainis.

Ngumiti siya sa akin. Hindi ko siya nginitian at naghintay lang na magsalita siya.

"Narealize ko na masyado palang bastos yung ginawa kong pag-iwan sa iyo nung isang gabi. Sorry," sabi niya.

Napaisip ako kung makikipagbalikan ba siya or mang-iinis lang. Naisip ko din na baka ipapakilala niya sa akin yung ipinalit niya sa akin.

"JP, sorry. Tulad ng sinabi ko, hindi ko kayang pagsabayin ang pag-aaral at ang relasyon natin. Magfocus ako sa isa ay mababaliwala ko naman ang isa. Mahal kita. Sobra… Pero mahal ko din ang pag-aaral natin.

Napapadalas ang away natin tapos naaapektuhan hindi lang relasyon natin pati ang studies natin. Gusto kong makatapos tayo ng pag-aaral on time. Nakaabang sa atin ang mga pamilya natin na makagraduate.

Ngayong finals na ulit magiging busy nanaman tayo. Next school year, 4th year na tayo. May thesis, mas busy na, may internship tayo. Mas mahihirapan tayong magtugma ng schedule. Magtatalo lang tayo ng magtatalo kapag napabayaan natin ang relasyon natin. Ayokong masira kung anong meron tayo. Yun ang dahilan kung bakit ko sinabing itigil muna natin ang relasyon."

Napayuko ako sa mga narinig ko. Tama kasi yung mga sinabi niya. Hinawakan niya ang mukha ko para tumingin sa kanya.

"Hindi naman ibig sabihin non ay ititigil ko na din ang pagmamahal ko sa iyo. Magpapahinga lang muna tayo. Mag-aaral. Gagraduate. Mabilis na naman ang panahon. Isang taon na lang. At makakaasa ka.. John Patrick Z*****, sa loob ng isang taon na iyon, ikaw lang ang mamahalin ko. Ikaw ang magiging inspirasyon ko…kasama ng pamilya ko."

Naluha nanaman ako sa mga narinig ko. Yumakap ako kay Justin para magsorry at magpasalamat.

"Hoy Justin M******. Salamat sa lahat. At sorry kung nagulo ko yung streak mo sa pagiging honor student mo. Sorry sa mga pag-iinarte ko at salamag sa pagtitiis."

"Gaga. Hindi mo naman kasalanan yung pagkatanggal ko sa dean's list eh. Sorry dun sa mga nasabi kong iyon. At saka.. Kahit na ganun, wala akong pinagsisisihan sa relasyon natin.

Makakaasa ba ako na…mag-aaral ka pa ng mabuti para makagraduate? At makakaasa ba ako na… Ako lang ang mamahalin mo? Kahit hindi MUNA tayo? Maraming gwapo sa school na pwedeng umaligid sa iyo kapag napansin nilang hindi na tayo nagkakasama. Uupakan ko yung mga yon."

"Opo. Master," sagot ko. "Ikaw lang. Mahal na mahal kita Justin M******"

"Mahal na mahal din kita John Patrick Z*****"

Tumingin muna si Justin sa paligid at nang makita niyang wala naman masyadong tao ay hinalikan niya ako sa labi. Isang kiss lang ang binigay niya kaya naman nabitin ako at sumunggab ako ng isa pang halik at saka niyakap siya.

Nagstay pa kami sa field ng ilang minuto. Humiga kami, tumingin sa langit habang naguusap. Ninanamnam ko ang mga sandaling iyon dahil pagkatapos nun ay balik kami sa kung saan kami nagsimula. Mag-kaibigan.

Halos 9pm na kami tumayo at nagpasyang kumain muna sa 7/11 katapat ng school. Sa jeep, hindi kami masyadong nag-usap at dinama ko lang yung katawan niyang nakadikit sa katawan ko. Hindi na kasi namin iyon magagawa pagkatapos nun.

Nang oras na para bumaba ako, nagkatinginan kami ni Justin. Nginitian ko siya at nagpaalam. Hinawakan ang kamay niya. Nagulat ako nang inilapit niya ang ulo ko sa mukha niya at hinalkan ang noo ko. Nagtinginan sa amin ang mga kasakay namin sa jeep.

"Bye. Goodluck." paalam ko at bumaba na ng jeep. Habang naglakakad ako ay nakatingin ako sa kanya habang papalayo ng papalayo ang jeep na sinasakyan niya…hanggang sa mawala na iyon sa paningin ko.

Malungkot ako na masaya ng oras na iyon. Malungkot dahil wala na kami ni Justin. Hindi ko na siya boyfriend. Masaya naman dahil kahit ganoon ay maayos kami. Walang galit o tampo. Inisip ko nalang na para iyon sa ikabubuti naming pareho.

Nung mga unang week na "wala" nang kami ni Justin ay medyo mahirap. Nagkakasalubong kami sa school at nginingitian naman niya ako. Yun lang hanggang ngiti lang. Namiss ko pa din yung "Yow!" na pangbati niya sa akin dati.

Sa uwian ay doon na ulit siya nadaan sa original niyang ruta bago maging kami. At ako ay nagcocommute na ulit mag-isa.

Napapansin din ng mga kaklase kong hindi na kami nagkakasama ni Justin. Wala namang nagtanong about doon. Pinabayaan nalang nila.

Siyempre lahat ng iyon ay sa umpisa lang. Dumaan ang ilang buwan ay nakaya ko naman kahit sobrang lungkot.

Nang ako'y maging 4th year, naranasan ko na yung mga sinabi ni Justin. Andyan yung thesis na sobrang sakit sa ulo at sakit sa bulsa. Mas dumami ang quizess, homeworks at projects. Halos every week ay may exam ako. Sobrang busy nga talaga.

Naimagine ko tuloy kung tinuloy namin ang relasyon na panay away at tampuhan kasabay ng pag-aaral ay hindi talaga kami makakagraduate pareho.

Tama si Justin.

Kaya nang makalipas ang 10 buwan ng pag-aaral at pagpasintabi sa lovelife, May 2017 nakatungtong kaming pareho sa PICC.

Panay ang tingin namin ni Justin sa isa't-isa at ngumingiti habang natakbo ang program kahit medyo malayo ang pwesto namin sa isa't isa.

Sa pagbibigay ng diploma, naunang bigyan ang mga medtech, kasunod kaming mga pharma. Nang makuha ko ang diploma ko ay nakaabang siya sa baba ng stage. Nakangiti siya habang hawak din ang diploma niya.

"Congrats. Nagawa natin," pagbati niya sa akin.

"Congrats din. Tama ka nga. At salamat doon."

Nagyakapan kami kahit nasa tabi lang namin ang parents ko. Binati naman ni Justin sila mama't papa at pagkatapos ng ceremony ay nagkausap sila mama ko at mama ni Justin. Ganun din ang tatay ko at tatay niya.

Nagbiro pa si Justin na magkakasundo daw ang mga mag-balae.

Well.. Tulad ng promise namin, kailangan naming makagraduate bago ituloy ang itinigil naming relasyon.

Nang sinauli namin ang toga sa school, binigyan ako ni Justin ng kwintas na may pendant na parang chemical structure. Hexagon siya na may kadugtong na zigzag line. Mukha siyang upuan na nakahiga kaya tinanong ko sa kanya iyon.

"Tange. Chemical structure ng Norepinephrine yan. Grabe. Pharma ka hindi mo alam yan?" biro niya.

"Taray.. Alam niya ang norepinephrine."

"Nagbasa ako ng pharmacology book. Nabasa ko about dyan. Parang ikaw. Ikaw ang norepinephrine ko."

"Ha?"

"Pinapataas mo heart rate ko eh."

Napamura ako sa korny pero nakakakilig na joke ng taong mahal ko.

"So.. Sana hindi nakaapekto yung cornyng joke para balikan ko yung mahal ko." sabi niya.

"Kahit gaano ka pa kakorni, kaya kong pagtiisan. Welcome back Justin." sabi ko.

Sinagot naman niya iyon ng halik at yakap. Siyempre sa loob ng classroom namin iyon ginawa. Hehehe

Yes. Kami na ulit ni Justin. Madami naman kaming natutunan sa pagpapahinga namin. Ngayon ay mas mature na kami at hindi pa kami nagaaway ulit since magkabalikan kami.

Nagrereview kaming pareho sa board exams. Sinusuportahan namin ang isa't-isa para siya ay maging RMT at ako ay maging RPH.

Related Stories

Mencircle

Daddy Noche Buena (Part 1)

By: daksilog Hi guys! Let me share my encounter with a daddy taxi driver during christmas eve. Nagrerent ako ng solo apartment dito sa maynila, m
11 Minutes
Mencircle

Preydator (Part 2)

By: DonJuan Nagising ako ng maaga nasa alas5 palang.. katabi ko ang musmos na si doy. Nakayakap. Mahimbing ang tulog.. hinalikan ko ito sa noo. Bin
5 Minutes
Mencircle

Si Anton at ang Binata sa Computer Shop

By: rbench Hi first time kong magpasa ng story dito. Sana magustuhan ng mga readers. Ito ang unang kwentong iseshare ko. Kakatapos lang ng eskwela
5 Minutes
Mencircle

Preydator (Part 1)

By: DonJuan Eto na naman ako.. naglalakad sa lugar kung saan maraming bagets na nagbebenta ng panandaliang aliw . Ako si Juancho.. taga bulacan..
12 Minutes
Mencircle

Biniyak Ng Gwapong Espanyol

By: @spicelopez As an author... I'm really inspired to create these erotic stories in my Wattpad account dahil na rin sa aking mga experi
10 Minutes
Mencircle

Hot Shower (Part 2)

By: Zamir Hi, dear readers! Natatandaan niyo pa ba ang aking naging hot encounter sa isang hot na tubero? Kung hindi, basahin niyo muna dito ang “H
14 Minutes
Mencircle

Trip sa Pampublikong Lugar (A Year After)

By: Lito Ako po uli ito, si Dondon, ang inyong mensahero at ibabahagi ko uli sa inyo ang iba ko pang karanasan at adventure sa M2M sex. Ang bilis
17 Minutes
Mencircle

Init ng Laman (Part 4)

By: Vin Dahil bata palang ako noon ay madalas pa rin akong lumalapit at nakikipaglaro sa mga pinsan ko kahit na nailang ako sa ginagawa nila sakin
8 Minutes
Mencircle

Init ng Laman (Part 3)

By: Vin Salamat po sa magagandang feedback nyo sa kwento ko na to. Salamat sa mga nagpm sakin sa fb para magpahayag ng support. Pasensya na kung di
10 Minutes
Mencircle

Init ng Laman (Part 1)

By: Vin Gusto ko lang sana ibahagi itong karanasan ko na nangyari din nitong Huwebes lang (April 21,2022). May mga naibahagi na rin akong kwento sa
13 Minutes
Mencircle

Hot Shower

By: Zamir Hello, dear readers! Pasensiya na at matagal ulit akong nakapagsulat ng aking bagong adventures dito sa paboritong tambayan ng mga gaya k
13 Minutes
Mencircle

Nagkatitigan, Nagkantutan

By: Lito Alas singko nang hapon, uwian na ng mga nagoopisina. Sabay sabay na namang naglalabasan ang mga empleyado. Napakadaming tao sa kahabaan ng
18 Minutes
Mencircle

Ang Tubero

By: Lito Sabado, tinanghali ng gising si Russel. Wala kasi siyang trabaho kapag Sabado at nakainom pa kagabi. Nagmamadali siyang bumangon dahil ihi
22 Minutes
Mencircle

Skype Lulu

By: peterparker162 Sir/Madam, Magandang araw po. Sana ma publish kahit BISAYA. Daghang salamat po. Ingat po kayo palagi. Na tunong to nga br
8 Minutes
Mencircle

Pantasyang Home Made Sex Video (Part 2)

By: Lito Matapos ang mainit na eksena sa pagitan ni Linda at ng tatlong callboy ay agad nakatulog si Linda kasama ang asawa at nagpahinga naman sa
21 Minutes
Mencircle

Parking Adventures (Part 1)

By: John Call me John. And that’s my real name. Closeted Gay. To describe myself, 5’5, not so dark, not so handsome. Gusto ko lang i-share ang akin
4 Minutes
Mencircle

Experience with a Driver

By: erikduard Sunday yun ng gabi, meron ako mineet na friend sa Cubao. Konting kwentuhan lang sa isang cofee shop. Lampas ng 10pm ng magdecide kami
29 Minutes
Mencircle

Trip-trip sa Bus

By: John Nang una kong beses mabisita ang site na ito ay natuwa na agad ako sa mga content dito. Kaya naman naisipan kong ikwento yung nangyari sa
4 Minutes
Mencircle

Karanasan Ko sa Mall

By: JB Una sa lahat, nais ko sanang ipagpaumanhin kung meron mang mga typo or d pagka uunawaan sa aking karanasan na ikukwento ko sa inyo (first ti
9 Minutes
Mencircle

Taxi Driver: Pre-Pandemic Encounter

By: Drake Hello po I'm Drake, ikwekwento ko po yung super hot encounter ko with a Taxi Driver Pre-pandemic. Nagwowork ako sa bangko that time and
7 Minutes
Mencircle

Gentleman (Part 2)

By Dr. X “Pre, ako nga pala si Abel,” pagpapakilala sa akin ni kuyang moreno habang naglalakad kami sa isang maluwag na kanto. Kabababa lang naming
13 Minutes
Mencircle

Yelo

May 2011 nang mangyari ito. Huwebes iyon at napakainit noon dahil nga summer. Ako lang natira sa bahay noon dahil ang kasama ko sa bahay ay nasa pro
6 Minutes
Mencircle

Subdivision Gate Guard

By: Mark Heto pa ang isang kwento tungkol sa isang gate guard. Nang mabasa ko kasi ang kwento dito ay naisipan ko na rin isulat ang karanasan ko sa
4 Minutes
Mencircle

Siargao Construction

By: Carlton My name is Carlton and I’d like to share my recent experience with a very hot construction worker last week when I was in Siargao. City
7 Minutes
Mencircle

Thrice In One (Part 1)

By: Tom's World. Hi.. My name is Tom... Pauwi na ako noon galing work... Nasa LRT ako nang makaramdam ako ng sobrang libog... So pagbaba ko sa huli
5 Minutes
Mencircle

Sauna sa Europa

By: Jay Halos limang Taon na rin mula ng lisanin ko ang Pilipinas at masasabi ko na marami ang nagbago sa akin. Mula sa mag pananaw sa buhay hangga
7 Minutes
Mencircle

Grindrx Lover

By: Collin Magandang araw sa inyong lahat, ibabahagi ko Lang Ang aking karanasan sa sex. Matagal na akong nagbabasa sa site na it, ngunit ngayon ko
10 Minutes
Mencircle

Operation Iraqi Freedom

By: Julian. Year 2007 nang magsimula ang aking love life and sex adventures sa bansang Iraq, Kung saan ako nagtatrabaho sa loob ng US military base
29 Minutes
Mencircle

Pinoy Enhanced Community Quarantine

By: Tim Magandang araw. Ako nga pala ulit ito, si Tim, Allen Timothy. Una kong ibinahagi dito ang karanasan ko kay Kevin na isang frontliner at ng
17 Minutes
Mencircle

Grind On Me (Part 2)

By: Ianlang Akala ko'y tapos na. Ngunit dagli syang tumayo at may kung anong kinukuha sa drawer nya. Nang bumalik sya ay hawak nya ang isang con
3 Minutes
Mencircle

You Are My Burger King (Part 1)

By: CA June 2010 " I love you hon." " I love you too." Nabasa ko ang exchange ng messages nila ng asawa ko at boypren nyang pulis. Matagal ko nang
10 Minutes
Mencircle

Grind On Me

By: Ianlang Hi ako si Ian. I've been reading stories on this website for quite a few years now. So, I guess it's time for me to share some stroies
5 Minutes
Mencircle

Pumunta Ng Langit (Part 1)

By: Jhay Itago nyo na lang ako sa pangalang Jhay, dalawa lang kmi ng kapatid ko sa condo dahil ang mga magulang namin ay nasa ibang bansa, bale stu
8 Minutes
Mencircle

Kwento ni Marco: Karanasan sa Shower Room

By: InSecured Si Marco ay isang lalaking binata at nagaaral ngayong 2nd year highschool. Siya ay edad 14 yrs old at wala pang sapat na kaalaman sa
4 Minutes
Mencircle

Kantot Demonyo Ni Ron

By: RonHello mga ka readers and writer haha.  2012 nag start ako na mag sulat dito ng mga sex escapade ko ako si dondon sumulat ng inocemte part 1 par
18 Minutes
Mencircle

Kapitolyo Sex Adventure (Part 1)

By: RamHi KM readers. I have been following this website for a couple of years at gustong-gusto ko ang mga sexstories na nababasa ko dito ever since I
8 Minutes
Mencircle

Cuddle Buddy

By: DG Hi, I'm DG. I wrote a few stories here before. And now I'm back. My stories back then are all fictional except one. But they are based on fa
5 Minutes
Mencircle

Met While Ponciano

By: AndyAko nga pala si Andy(syempre hindi tunay na pangalan). 23. Ako ay taga Davao. Average built, pero good catch(marami din namang nagkakagusto da
7 Minutes
Mencircle

Hawla (Part 3)

By: Raphael Y.Nakaraan:Ang pagsasalaysay ni Pablo tungkol sa hawla ang nagdala kay Jay na gumawa ng mga bagay na walang pahintulot mula kay Etil. Ang
28 Minutes
Mencircle

Dormitory First Time (Part 2)

By: Insecured Matapos ng pangyayari namin ni Marko hindi na kami nagjakulan ulit dahil sa pagkabusy sa mga subjects namin sa skul. Nagkaroon ako
3 Minutes
Mencircle

Tubero

Sa tuwing magigising ako sa umaga ay agad banyo ang tungo ko upang maligo at magbawas na rin kung nararamdaman ko na rin ang tawag ng kalikasan. Sub
17 Minutes
Mencircle

Taxi Lead (Part 1)

By: James I just want to share the recent experience I had with a taxi driver. Ako si James, 26 years old, at nagtatrabaho bilang Team Lead sa isan
5 Minutes
Mencircle

Internet Shop Sarap

By: Mimi This is a work of non-fiction and totoo ang na experience ko, if some of the readers here are from “The Durian Capital of the South,” the i
15 Minutes
Mencircle

Trial Story

By: Angelo Kadalasan, isang lingo bago mag undas, nagpapalinis ako ng puntod sa parents, sa mga batang nag aalok ng kanilang serbisyo na gumagala s
8 Minutes
Mencircle

Hawla (Part 2)

By: Raphael Y. Nakaraan: Si Pablo ay nagpanggap na civilian upang pasukin ang kuta ni Tatar sa gubat. Nakita ni Etil ang sugatan at mahinang tao sa
28 Minutes
Mencircle

Hawla (Part 1)

By: Raphael Y. Sana kayo ay mag-enjoy at tumirik o mamaga ang ari sa inyong salawal sa pagbasa ng aking kwento. Simulan na natin para tumigas na. S
25 Minutes
Mencircle

Dry Humping sa MRT

By: Jahn Hi readers, I'm Jahn and this is my first time to write my story here. Mga 3 years na din siguro akong nagbabasa sa website na ito, at tala
14 Minutes
Mencircle

Merchandiser

By: Allen10 Kakaiba talaga ang nararamdaman kong kalibugan ng mga nagdaang araw, animo’y parang isang deep-well sa dami ng reserbang masustansyang m
7 Minutes
Mencircle

Masarap Sabi Ni Zeno

By: Zeno Hello mga readers, ng start lang ako mgbasa this year simula nung ng break kami ng GF ko. Well anyway, ako nga pla sa Zeno. Lately nalaman
12 Minutes
Mencircle

So Weird

By: Zeno Hello mga readers, ng start lang ako mgbasa this year simula nung ng break kami ng GF ko. Well anyway, ako nga pla sa Zeno. Lately nalaman
12 Minutes
Mencircle

The Comp Shop

By: Migz Hello there readers since i wanted to share my experience here.. hope you guys like it.. Ako nga pala si migz im 19 yrs old 3rd college st
6 Minutes
Mencircle

Blacklight (Part 1)

By: Anonymous (Susubukan ko lang magsulat ng dito. Medyo marumi ang pagkakabuo pero sana basahin nyo. Pacomment na lang kung anong dating sa inyo. S
10 Minutes
Mencircle

Grindr To Lovers

By: Lor Hi Reader's! By the way I'm Lor(not real name) Nangyari to nong 2015 pa, 1 yr na akong nag babasa dito and I want to share my story. I'm not
8 Minutes
Mencircle

2 Meters Down (Part 1)

By: Ted Hi guys, ted here. 36, 5'9", chinito, fair, gym buff. First time i'm writing here, so please bear with me. Rushing to a friends house for a
6 Minutes
Mencircle

Yogurt

By: Deo Hi!-Trade Pic?-Meet up?-DEAL. Yan mga usual words kapag my application ka ng Grindr. Isang gay dating app para samga bi, discreet, trans at
4 Minutes
Mencircle

Teacher Ng Anak Ko (Part 3)

By: Niko Alam kong nga bata pa ang mga ito at takot akong makulong kaya ako na ang umiwas. Isa pa, natataon lng naman to at mahirap na kung makulong
4 Minutes
Mencircle

Childhood Fuck Buddy

By: Anonymous Magandang araw mga tagasubaybay! Matagal na akong nagbabasa ng mga kwento dito, since 2012 pa. Matagal ko nang gustong i-share ang ka
6 Minutes