Club Outdoors (Part 5)
By: Mike
POV Mike
“Pano bayan, walang birthday climb na ganap. Baskit ba kasi Wednesday pa birthday mo”, sabi ni Nikki habang nasa byahe kami. Magkatabi kami habang papauwi na ng Manila galing Benguet.
“Eh. Ok lang. Magholloween party nalang tayo wahahaha”, sabi ko. Kasi Birthday ko October 31 (next week na).
“Uh, excited na ako. 20 ka na finally Mike!”, sabi ni Trish.
“Why don’t we get a girl for you to get laid ha!”, suggestion ni Marco.
Di ako nakasagot dun ah. Napalunok ako. Pero… Pwede din naman. Hehe. Basta’t yung mala-Julia Baretto lang gusto ko.
“Pervert ka talaga kahit kailan!”, Siniko siya ni Seb.
“AUCH joke lang”
Magkatabi kasi kami ni Nikki at August. Siyempre nasa gilid ako. Di kasi tumabi sa akin si Seb. Ewan ko ba dun, nagtatampo parin. Parang bata.
“Anyare ba dun?”, bulong sakin ni Nikki.
“Tatampo. Kailangan kong bumili ng Candy mamaya hahaha”
----
Manila. 5pm. Nagsiuwian na kaming lahat, as usual, same venue and drop-off namin.
“Ito naman. Parang bata kung magtampo. Sorry na po…”, aakbay sana ako kay Seb pero ang tangkad kasi. (5’10) I tapped his shoulder nalang.
“Sige total birthday ko naman sa Wednesday. Tsaka busy naman kayo nun, libre nalang kita ngayon. Cancel mo na muna uber mo”, sabi ko. Hinatid pa kasi ni Sir Julius GF niya sa Tanay kaya naman mag-isa alng si Seb.
“Sige na nga. Mapilit ka!”, bigla siyang naglakad. Lumingon siya at “Oh ano? Tara na!”.
Napatakbo ako sa kanya.
Dahil ang tahimik niya at na-awkward ako, tinutukso ko siya palagi. Ayun, bumigay naman at gumanti nadin ng tukso.
“Hahaha pramis di ko na uulitin. Hahaha”, sabi ko.
Ngumiti lang siya at kumain. After that, he booked another uber at umuwi na.
***
POV Nikki
Tuesday. 4am. Nagising ako nang biglang tumawag sakin si Seb.
“Ano ba kailangan mo tulog yung tao eh!”
“Uh—Nik. Ano bang plano natin Bukas?”
“Eh anong bukas?”
“um… Holloween?”
“Oh anong meron sa Holloween?”
“Holiday kasi kapag Holloween.”
“Oh tapos…”
“Oh tapos…”
“Oh tapos nga?”
“Langya naman Niks oh. Birthday bukas ni Honghang!”
Natigilan ako. Birthday nga pala bukas ni Bunsoy.
I stood up, got my notebook and then through phone conversation at kahit nazo-zombie na ako, we planned a surprise party for Bunsoy. I smiled while writing on my notebook. Anyare ba sayo, Sebastian?
=)
***
POV Mike
Wednesday. 6pm.
“Teka lang on the way na. Hirap magbook ng uber kasi Holiday.”, sabi ko sa phone habang kausap si Nikki. Libre daw nila ako ng Dinner kasi Birthday ko. Usapan namin sa Santiago’s.
Walang katao tao (halos) ang Makati nung time na yun. NAgsiuwian na lahat papuntang probinsya. Di na ako umuwi, kasi di ako nakapagbook ng ticket. Tsaka uuwi naman ako sa Pasko.
I arrived, pero I saw the sign. CLOSED daw. Nakaoff ang lights, sumilip ako sa glass ngunit tinakpan ng itim na kurtina. Naisip ko, Holloween siguro decorations nila for the month of November.
Di ko alam ang gagawin dahil di sumasagot si Nikki. Anong trip naman kaya ng mga to?
BUNSOY PASOK KALANG NG RESTO DIRETSO, text ni Nikki. I grabbed the door knob at di pala nakalock. Pagpasok ko…
“HAPPY BIRTHDAY!”, nagulat ako sa sabay sabay nilang pagbati sa akin. Nakita ko buong Club Outdoors. Si sir Julius, GF niya, Nikki, Tricia, Marco at Seb… in costume!
“Happy birthday Bunsoy!”, niyakap ko ni Nikki, na naka valentina costume.
“Ah—ehh..Wow! S-salamat guys. Pano naman to nangyari?”, nakangiti ako ngunit pautal ang pagsasalita ko. Na overwhelm ako sa surprise nila.
“Naku Mike, itong si Seb, whole day sinara yung resto para sa birthday mo”, sabi ni Marco habang umiinom ng beer. May tama na ata, namumula na eh.
“Thanks to you Sebastian! Actually siya talaga may pasimuno dito.”, sabi ni Nikki.
I saw Seb sa tabi ni Sir Julius habang nakaakbay siya kay sir, I saw him smiled at me, yung parang smirk lang, namumula at nagpapawis. He is in a batman shirt, and then may cape lang na itim… Siguro nahiya sa acknowledgement sa kanya ni Nikki. I felt a twinge in my heart. Yung kurot na di mo paipayliwanag. Sabi ko sa sarili ko, ang sweet naman ng taong to. Ano bang nakain neto at naisip magpapart? I waved at him, ganun din siya.
AWKWARD
Lalapit sana ako ngunit hinila ako ni Nikki at pinasuot ng kappa ni Dracula. She put powder on my face and stained my chin with her lipstick.
Ang dami nilang pakulo. Games, Games, Games, Inuman… Ayun, napunta sa seryosong pag-uusap ang lahat. Nakaupo kami sa sahig habang nakapalibot sa alak namin.
“Oh kaw na Sebastian. Shot!”, binigay sa kanya ni Nikki yung alak. “Tanong ko lang ha, Tumawag ka sakin kahapon nang madaling araw… Alam nyo… tong si Sebastian… Ang aga aga ginising ako kasi daw gawa daw kami ng plan for a surprise party. Wow naman ha! Kaw ha, may gusto ka ba kay Bunsoy ha!?”
Okay… o___O
Halatang halata na ang tama ni Nikki. Ako naman, napatingin sa kanya at nanlaki mga mata ko. I felt my sweat dripping in my forehead, at my back, sa dibdib ko. Di ko naramdaman yung aircon. I saw Seb’s reaction. His eyes, halos lumuwa na sa sobrang gulat.
“T—teka lang Niks. Lasing kana.. Ano.. –Hongs. He’s like.. you know a brother to me. We’ve been so close na for the last 6 months. Kaya.. Anong may gusto sinasabi mo… I’m straight you know that. Hahaha. Kaw talaga. Pero… I just want to officially welcome our new friend. Yun… Basta..”, pinunasan ni Seb pawis niya at kinuha shot glass, uminom.
“Ah okay. Ganun naman pala. Pero para sa kaalaman nyong lahat… alam nyo naman kung ano ako from the very start diba… I said it myself… so ok lang yan… Mike, bunsoy. You’re a brother to me also. I just want you to… be… happy… you know… *hik* basta. I wish you all the best. Happiness in life… and… ano ba. Hahaha! I’m so dizzy. Hahaha!… kapag may gumalaw sayo… *hik* buong CO lalaban para sayo… hahaha… CHEERS!”
“Cheers!”, nag cheers kaming lahat. Lumapit ako kay Nikki and gave her my tightest hug. “Tama na yan. Haha lasing kana!”, sabi ko. “Ako lasing?”
I looked at Seb, at nahuli ko siyang nakatingin sa akin. For some reason, binaling ko tingin ko sa iba.
Just to clarify, I’m happy sa ginawa niya. I really do. Di ko magawang lumapit sa kanya para magpasalamat. I mean, it’s really awkward.
The fact that he told us na IM A BROTHER TO HIM got me surprised.
Di ko alam bakit. Bakit parang upset ako sa sinabi niya? Ewan.
Fucking awkward.
I just enjoyed the party, drank till the end.
***
POV Seb
I woke up excitedly kasi next adventure namin ay sa Laguna. Chasing waterfalls daw. This is gonna be my second time doing this pero I can’t explain why I got so excited. Ano bang meron sa waterfalls?
After the party, I texted Hongs.
---
FLASHBACK
“Hongs. Happy 20th nga pala di kita nabati kanina ng personal”
Ahem. Tagal mag reply ah.
“Thanks Seb”
“Hahaha.. how’s the part----deleting… I deleted. I threw my phone in my bed, slouched and thought: THANKS LANG TALAGA?
Fuck. After everything I’ve done. Thanks lang. wala man lang mahaba habang speech diyan. Pang acknowledge na nagustuhan niya ginawa ko.
---
I arrived at Mcdo Greenfield. I greeted everyone. Uy may bago pala tayong kasama! Hi, I introduced myself. Marco noticed me.
“Pre, ok ka lang?”
“Of course. Bakit naman?”
“Wala… wala… nevermind”
“Sige guys, check ko lang. Nikki, Tricia, Seb, Marco, Random hiker 1, Random hiker 2 and… ok Complete na tayo.”, sabi ni Kuya Julius.
“Teka, where’ Honghang?”, tanong ko.
“Seb, matuto kasing magbasa ng chatbox”, sabi ni Nikki. I checked my chatbox and scanned old messages. I read Hongs’ message…
GUYS. DI AKO PWEDE THIS WEEKEND EH. LOTS OF DEADLINE. NEXT CLIMB SAMA AKO.
Fuck. Bakit di naman niya sinabe sa akin? Alam naman niyang di ako nagbabasa ng chatbox ha. Kahit text lang sa akin di niya ginawa. Anong problema neto…
“Oh ano. Gets na?”, tinapik ni Nikki balikat ko.
“Ang alin?”
“Ewan ko sayo Sebastian Santiago”, at nauna na siyang pumasok ng van.
Tahimik ng van. Wala akong makausap. I listened to my spotify pero pahamak naman, nakalimutan ko palang bayaran yung premium ko. 3 weeks na palang expired. Shit.
I tried to sleep pero di ko magawang matulog. Ano bang nangyayari sa akin?
Naisip kong tawagan si Honghang. Walang sumasagot. So I texted him:
ANONG NANGYARI SAYO?
DEADLINE DAW. SUS DADAHILAN LANG
REPLY KA NAMAN DYAN
HOY HONGHANG
***
POV Mike
Nagising ako bandang 8am. Weird lang ng Sabado ko kasi instead na adventure, andito lang ako nakatanga sa kama. Ano bang gagawin ko ngayon, wala naman akong deadlines, wala pa naming update yung client ko. Wala. Ah, tama, nuod nalang ako ng sine… ah, wag nalang.
I check my phone and read Seb’s messages. I smiled while reading.
ANONG NANGYARI SAYO?
DEADLINE DAW. SUS DADAHILAN LANG
REPLY KA NAMAN DYAN
HOY HONGHANG
Gago talaga tong taong to oh.
I immediately remembered again my birthday. “ a brother to me”
I shook my head to brush it off my mind. Ano bang nangyayari. Umandar na naman ba kabaklaan ko. At kay Seb pa. Naku, Mike, this is a trap!
I stood up and went to have shower. Okay, manunuod ako ng sine.
---
4pm na nang matapos ang pinapanuod ko. Somehow, it was really boring. I checked my phone and saw 10 messages, from Nikki. From Nikki! What’s shocking to me was this.
BUNSOY. OTW MAKATI MED. NAAKSIDENTE SI SEB. BE THERE PLEASE.
Delivered 12nn.
I called Nikki pero walang sumasagot. Sir Julius and Tricia, wala.
I immediately felt the rush of blood in my face. Pawis at panginginig. Di ako makapagisip ng maayos at iniisip kung ano ba ang nangyari kay Seb. Shit, Seb, don’t die. Please. Wag naman sana, Seb.
I booked an uber pa-makati med. I received a text at andun nadaw sila kanina pa. I rushed in. Nasa emergency room sila. I rushed in and saw them…
I fixed my hair. Realized na nakapambahay lang pala ako. Tapos pinunasan ko pawis ko.
“Oh buti andito kana. Bilis mo ah?”, sabi sakin ni Nikki habang nakayakap sa bewang ko.
“Ah… eto na ba yung aksidenteng sinabi mo?”, bumulong ako.
“yes”
I saw seb, sitting habang naglalaro ng cellphone at nakaheadset. Nakaangat yung paa at nakabandage.
Fuck it. SPRAIN LANG PALA.
“San na yung iba?”, tanong ko. “Umuwi na. Maaga kaming natapos. May binaba lang si Julius kaya ako lang muna naiwan. Pano, uwi na ako ha? Bye Bunsoy… Hihihi”, biglang lumabas si Nikki at kinindatan ako.
O___o
Ano yun?
Lumapit ako. “Hoy”, sabi ko.
“HOY!”, ginulat ko siya.
“T—teka… bakit andito ka?”, gulat niyang sagot habang tinatanggal ang headset niya.
“Gago ka, anyare sayo?”
“Wala. Nadulas lang sa bato. Basta long story. Di ka kasi sumama kaya di mo nakita. Bleh”, aba, nagbelat pa.
“Ewan ko sayo. Saan naba si Sir Julius para mahatid kana sa condo mo”
“Ewan”
----
Hinatid namin si Seb sa condo niya. After nun ay umalis na si Sir Julius pauwi ng Alabang. Mula lobby, inalalayan ko siya hanggang makarating kami sa unit niya. Ramdam kong sobrang init niya. Parang nilalagnat ata, pero wala naman siyang dinadamdam o sinasabe.
Iniisip ko ang mga nangyari. Bakit ba umabot ako sa sitwasyong to. Sprain. Sprain!!!
“Thanks”, sabi niya habang pinapaupo ko siya sa couch niya. Malaki ang condo niya. Studio unit pero malawak.
“Kaya mo na ba? Kasi uwi na din ako”, sabi ko.
“Huh? Iiwan mo ako?”
“Wow naman. So babantayan pa kita ganun? Tsaka magbihis ka na din agad, basa pa yug damit mo oh. Naku natuyuan ka na din ng pawis.”
Sinimangutan lang niya ako, I rolled my eyes nang biglang…
---
Hiniga ko siya sa couch, buti nalang kasya siya kahit matangkad si Seb. Di ko siya kayang buhatin papuntang kama niya e. Dahan dahan ko siyang binihisan para naman di siya magising. Siyempre lahat, lahat. As in, lahat. Pero change topic na tayo. Nahimatay siya kanina. Nilagnat nga ang gago. Ang init. I checked the bandage and saw a pinkish color. Mukhang may sugat din siya sa binti, kaya pala ang laki ng bandage niya. I decided nalang na di umuwi, kawawa naman kasi. I called Nikki for help kaso ayaw sumagot. Anong problema na naman kaya nun? Sir Julius instructed me via text message kung ano gagawain, kung ano lang daw pwede ipakain kay Seb, mga allergies and etc… Napabuntong hininga ako.
“Seb… ? Seb…?”, mahina ko siyang ginigising. Kinabahan kasi ako dahil nga nahimatay siya. Hinawakan ko noo niya. Sobrang init. Kumuha ako ng bimpong basa at nilagay sa noo niya. Wala akong alam sa mga ganto kaya naman kung ano lang maisip kong gawin, yun lang ginagawa ko.
“Seb?… Bili lang ako gamot ah? Balik ako agad…”, aalis na sana ako nang biglang hinawakan niya kamay ko.
“D—don’t leave m-me.”, mahina niyang sabi, habang nakapikit ang mga mata niya. Bumigat ang pakiramdam ko nung makita ko siyang ganun, lalo na nang makiusap siyang wag ko daw siyang iwan.
“Seb, bili lang ako ng gamot. Ang taas ng lagnat mo eh.”
Binitawan niya kamay ko at may kung anong tinuro… “Sa ca—cabinet…”
Agad akong pumunta sa cabinet, at andun pala ang first aid kit niya. May box na puro gamot lang. Sakto, di na ako bababa. Pinainom ko siya ng gamot at pinainom ng tubig. Hindi parin niya dinilat mga mata niya. Nagluto ako ng noodles… yun lang alam kong lutuin na may sabaw e. Pinakain siya ngunit wala siyang gana kumain. Ending, ako ang kumain nun. Di pa naman din ako naghapunan. Nakatulog na siya, I took a small chair at tumabi sa kanya. Habang pinagmamasdan ko mukha niya, there’s a different kind of feeling in me. I realized, his face is so beautiful.
***
FLASHBACK BEFORE THE ACCIDENT
POV Nikki
“Ahem, Nik”, biglang nagsalita si Sebastian mula likod ko. Busy ang lahat habang nag pipicture taking dun sa baba ng Hulugan Falls.
(Adventure 005: Hulugan Falls, Laguna--- sobrang ganda!)
“Bakit”, sabi ko. Di na ako lumingon.
“Ano kasi. Pansin mo bang iniiwasan ako ni Hongs”
Lumingon na ako.
“Hindi.”
“Ah. Okay sige…”, at bigla siyang tumahimik.
“Teka, buti pa kunan mo ako ng picture. Ehto oh phone ko”, inabot ko phone ko sa kanya at umakyat ako sa malaking bato. (search nyo sa instagram: Hulugan Falls para makita nyo actual na hitsura kung saan ako nakatayo)
Nagpose ako. Siyempre,
pinatindi ko na ang awrahan ko. Pak pak pak!
“Di mo napansin sure ka? Di niya ako kinausap nung party eh”, rinig kong sabi ni Seb habang nag po-pose parin ako.
“Hindi nga. Baka busy lang…”
“Ano naming kinakabusy nun… wala naman ah”, nagpose ulit ako, humiga ako sa bato, feeling the moment.
“Edi kausapin mo kung may problema kayo”
“Ikaw naman bestfriend nun”
“Loko ka kayo nga palagi magkasama lately eh”
Di na siya sumagot. “Oh ikaw na. Halika dali”, nagpalit kami. Siya naman umakyat sa malaking bato. Panay parin tanong niya sa akin.
“Tapos di man lang nagpasabi na di sasama..”, sabi niya mula sa itaas.
“Naku sa mga tanong mo parang feeling ko may gusto ka na dun. Teka may gusto ka kay Bunsoy no!?”
“Ano bang kaloko-----“
Kaming lahat, tumakbo papalapit sa kinabagsakan niya.
“Shit Sebastian, okay ka lang?”
Continue Reading Next Part