Club Outdoors (Part 8)
By: Mike
POV Julius
(1 month ago)
“Oh ano. Kaya pa?”, tanong ko kay Seb. Nakakarami na kasi ng bote eh.
“Sure! Kaya yan!”, uhaw na uhaw niyang sabi. Grabe talga tong si Seb, Hari na ng inuman ah. Pansin ko na kasing panay na ang inum niya halos dalawang buwan na ata ang nakakaraan.
“Insan. May tanong lang”, sabi niya.
“Ano yun”
“Ehto. Theoretical lang naman. Yung parang WHAT IF lang naman…”
“Sige na nga ano yun”
“Possible ka bang magkagusto sa lalake pero straight ka naman?”
Halos maibuga ko ang iniinom kong Beer nun.
“Ah—bat mo naman natanong?
“Wala lang…”, sabi niya habang umiinom.
“Eh—di ko alam. Siguro.”
“Ah. So bakla ka na pag nangyari yun?”
“Ah. Ewan. Maybe?”
“Ah”
“Bakit mo naman kasi natanong?”, pag-usisa ko. May nararamdaman na akong iba kasi.
“Wala. Kakilala ko lang.”
“Sino?”
“Basta. Pero di siya bakla ah. Di lang siya sure kung nagkakagusto siya dun sa kaibigan niyang lalake oh baka daw sobrang close lang nila… Parang yun. Oo. Parang sobrang close lang siguro nila kaya niya natanong yun… Pero di. Di naman siguro”, humarap siya sa akin akmang makikipag CHEERS.
“Para sa kakilala mo”, nag cheers kami…
***
POV Mike
Magkatabi kami ni Seb sa Van. Sa may bintana si Nikki, kasunod ko, tapos si Seb. Di ko alam kung bakit tumabi na siya ulit sa akin, eh ang tahimik naman. Sa kalagitnaan ng biyahe, tulog na halos ang lahat pati na si Nikki. Biglang nagblink phone ko.
One message mula kay Seb. Tumingin ako sa kanya at naguluhan kung bakit niya ginawa yun. Pwede naman niyang sabihin diba? Text pa talaga? I replied.
Seb: Hongs
Me: Yes?
Seb: Sorry kahapon
Me: Haha akala ko kung para san tong text mo. Ok nayun.
Seb: Guilty ko kasi eh. Sorry
Me: Ok na. Don’t blame yourself.
Seb: Kala ko di ka na gigising kahapon. Salamat di mo kami iniwan.
(Puso ko: dug dug dug dug)
Me: Eh tama nayan. Ok na nga eh.
Humarap ako sa kanya at ngumiti. Napansin naman niya. Umaga kasi byahe naman kaya di madilim. Ngumiti din siya, kaso parang nahihiya parin.
Ilang minutes pa ay naramdaman kong sumandal siya sa balikat ko at natulog. Siyempre di ako nagpahalata nun. Grabe, ang saya ko nun. Di ko maexplain pero di ako nakatulog, sinikap kong di gumalaw para makatulog siya sa balikat ko at di magising. Hanggang pagdating ng Manila nakangiti parin ako.
---
Sunday. 3pm. Rooftop Condo ni Seb. Naisipan na naman nilang mag-inuman. Huling adventure na kasi yung La Union for this year. Bali break muna ang CO, balik ulit after ng New Year. Bakante halos whole ng December kaya naman bonding daw for the last time before matapos yung taon.
---
As usual, after hours of inuman, kantahan (naggigitara ako), at laro, lasing na halos lahat sa amin, maliban sa akin, Seb, Nikki at yung dalawang Joiner. Nagkakantahan kami nun nang bigla kaming napahinto dahil kay Sir Julius.
“Oh. Naalala ko lang… Diba… Diba… Yung kakilala mo insan…”, Habang may hawak na bote ng beer, nagsalit si Sir Julius.
“Ano yun insan?”
“Yung sabi mong nagkakagusto sa lalake… Teka… Bat di mo yun isama sa next adventure natin… Next year… “
Nanlaki mga mata ni Seb, inawat si Sir at inagaw ang bote ng Beer.
“Tama na nga yan insan. Lasing ka na eh”
“di ako lasing no.. hahah… Tsaka anon a ba yun… Confirmed na ba? Haha”
Nagkatinginan kami ni Nikki dahil sa mga pinagsasabi ni Sir Julius.
“Wala nga diba.. Sabi nung kakilala ko close lang daw sila kaya niya nasabi yun… Tsaka yun? Malabo naman mangyari yun…”, sagot ni Seb. Pumunta siya dun sa table at nilagay yung beer na inagaw niya mula kay Sir.
“Ah… Ok… Ok lang naman yun… Tsaka… Kung gusto niya ok nay un… 2016 na naman e… haha…”, sabi ni Sir habang nakasandal sa pader malapit sa kinauupuan naming lahat.
“Eh. Basta insan… Wag mo nang isipin yun… Yung kakilala ko, wala yun di yun mangyayari. Sabi naman niya hanggang kapatid lang naman daw tingin niya dun… Hahaha. Teka, change topic na nga”, tumawa si Seb, bumalik sa kinauupuan niya, katabi ni Nikki.
Ramdam ko lahat ng pinag-uusapan nila. Ramdam na ramdam ko. Sa kilos ni Seb na nauutal, di mapakali, pawis at namumula, alam kong hindi niya iyon kakilala. Siya yun. Sarili niya tinutukoy niya. In an instant, parang di ko na atang magawang tumugtog pa ng gitara at kumanta. I knew it! Oo, siguro naging caring at kakaiba si Seb sa akin. Pero fuck, assuming lang ako. KAPATID LANG TURING NIYA! My heart beat, parang kulog na walang tigil. Ang sakit na marginig yun ULIT.
“ah..Eh.. CR muna ako ah?”, tumayo ako. Nilapag ang gitara sa sahig. I noticed Seb looking at me, but I tried na di siya pansinin. Nagmadali ako papunta ng CR. Sa loob, I cried. Ang drama nga eh, pero ang sakit pala. Sakit lang pota.
After an hour, nagpaalam na din ako, sabi ko masakit na ulo ko at pagod na rin. Dahil sa akin, naguwian na din lahat. Pansin ni Nikki na naging matamlay ako.
“Anyare ba?”
“Ah wala napagod lang…”
“Dahil ba kay Seb?”, bulong niya sa akin.
“ah.. hindi.. Ano ba sinasabe mo?
She hugged me. Dun lang kami sa baba ng condo, habang hinihintay yung mga uber namin, niayakap niya ako. I didn’t cry, naubos na ata luha ko. Haha. Joke, hindi naman ako naiyak pero gumaan loob ko dahil may isang taong nakakaintindi sa akin.
---
Ilang araw mula nung gabing yun, I tried to stay away from social media. Maliban nalang kung importante lang talga tsaka ko sila binubuksan. I unfriended Seb sa facebook at instagram. Siyempre, di ko din nirereplayan mga comments niya at texts. One time, nagtext siya.
“Hongs. Anyare bat nakaprivate na naman insta mo”
Di ako nagreply
1 day later.
“Hongs?”
3 days later
“Hong. Pwede tau usap?
Saturday Morning.
“May nagawa ba akong mali? Usap naman tau”
WALA! WALA! Wala akong balak makipag-usap Seb. Sorry. Alam ko naman sakin yung mali eh. Wala kang kasalanan Seb, kailangan ko lang dumistansya dahil nasosobrahan na ata ako sa mga bakasakali na pwede tayo.
I received a text from Nikki.
“Uy iniiwasan mo daw si Seb?”
“Haha obvious ba?”
“Tama. Tama yan. Heal muna… haha”
“Oo nga eh. Lalim na pala ng sugat di ko narealize agad haha”
“Drama eh”
“Oo nga haha”
“Pero wag kang tatakas. Tuesday night. Birthday ni Tricia. Text ko sayo place. Di pa final eh”
“AYOKO UWAA”
“Wag maarte. Wag mo nalang pansinin”
“I’ll do my best”
---
“HAPPY BIRTHDAY TRICIA”, sabay sabay kaming nagcheers. Sa isang Resto/bar kami. Yung type na maingay, mausok, madami tao, may banda. Medyo di ko type yung place pero ok na din. I saw Marco kissed Tricia. I smiled pero parang… Bitter ako ako nun ah. HAHA.
“Okay! It’s time for… the open mic!”, sabi nung isang crew.
“Uyyy open mic daw. Go Bunsoy kanta ka na!”, tulak sa akin ni Nikki.
“Oo nga Mike! Go go go!”, sabi ni Sir.
“Ah—ayoko. Nakakahiya e. hehe”, sabi ko. Opo nakakahiya. Never ko pang natry kumanta sa stage.
“please mike”, pakiusap ni Tricia. Pumayag nadin ako dahil birthday naman niya. Nanginginig tuhod ko habang nasa sa stage. Binigay sa akin ng guitarist yung lists of songs kaya namili naman ako. Wala akong idea kaya naman kung ano nalang makita ko. Tumama mata ko sa isang kanta.
SOMEONE LIKE YOU by Adele.
Nagpalakpakan na silang lahat. Pati ata si Seb. Ewan. Simula pa kanina di ko na siya panansin. Buti nalang talaga walang nakahalata. Tsaka medyo tahimik din siya since kanina.
“O-okay.. Hehe. This song.. haha wala nang intro.. haha.”, nagtawanan di yung audience.
I sang the song. Ramdam na ramdam ko. Siguro kaya napili ko yun dahil nadin sakto sa pinagdadaanan ko. Shit nga lang, muntik na akong maiyak pero nakaya ko naman. Never akong tumingin sa Audience, lalo na kay Seb. Bahala na, basta tatapusin ko lang yung kanta.
Bumaba ako sa stage, rinig ko ang palakpakan ng lahat ngunit dumiretso ako ng CR. Nagsignal naman ako sa kanila. Sa CR, dun na naman ako nagdrama. Pota ang drama. Sabi ko sa sarili ko. ANO BANG NANGYAYARI SA YO. Wala naman sa lugar eh. Wala naman talaga.
Natagalan ata ako sa CR kasi narinig kong may kumatok na, naglock kasi ako.
“Sorry po malapit na”, sabi ko mula sa loob. Naghilamos ako para naman di halatang umiyak ako.
“Hongs?”, fuck. It was Seb.
Di ako sumagot. Medyo binagalan ko pa.
“Hong please talk to me”, sabi niya mula sa labas.
“Wait lang po malapit na”, lumabas ako bigla at iniwasan siya. Potaena tatlong tao na pala naghihintay. Nagmadali ako pero nahila niya braso ko.
“Hong ano ba problema”, tanong niya. Yung boses na parang naiinip o naiirita. Di ko alam. Di ako tumingin sa mukha niya.
“Labas ka na sa problema ko.”, pumiglas ako at nakatakbo papuntang table. Tinanongako ni Nikki bat antagal ko daw, sabi ko andami kasing taong nakapila. Buti nalang madilim, di halata ang namumugto kong mga mata. Napabuntong hininga ako. MUNTIK NA YUN AH. Sabi ko sa sarili ko.
---
Lumipas na ilang linggo sa pag-iwas k okay Seb. Halatang halata na nila. Shit lang. At kailangan ko pang mag-explain kong bakit. Shit. Bale ako nag explain kay Nikki, siya nagexplain kay Tricia to Marco to Sir Julius. Siyempre di na naming sinabi kay Seb.
“Di ba natin sasabihin kay Seb?”, tanong ni Sir Julius kay Nikki through text.
“Wag na daw sabi ni Bunsoy”
---
Madami din naman akong mga projects na nakatulong sa akin. Nalipat attention ko nun sa mga cliente kong pitangina dahil ang dedemanding. Sa bagay, malapit na kasing magpasko. Flight ko pala sa makalawa, after new year pa balik ko mula Cebu. More than 1 week din ako dun. Nakwento ko din kay Nikki ang balak kong bumalik nan g Cebu, na dun nalang mamalagi. Kasi naman, online lang naman trabaho ko. Tsaka nakamove on na naman ako dun sa nangyari sa kin. Yung sa nude pictures. Nagkaayos na naman both parties, matagal na. Nalungkot naman siya, pero sabi ko naman ay di ako sigurado. Uuwi ako ng Cebu for Christmas vacation. Tsaka na ako magdedecide. Depende. Siguro baka nga dun na ako.
The night before my flight, 9pm, nag-aayos na ako ng bag kong dadalhin pag-uwi. The phone rang.
“Hello Sir Mike, may naghahanap po sa inyo dito sa lobby. Sebastian Santiago daw”
Parang may isang malaking Gong na bumingi sa akin nang marinig ko yun. Di ako agad nakasagot.
“Sir?”, sabi nung receptionist.
“Ah—eh.. Sorry… Um… (10 seconds) Opo kilala ko yan”, nauutal kong sabi.
KILALANG KILALA KO!
Pinagsisihan ko ang sagot ko. Sana sinabi ko nalang na Hindi ko siya kilala.
“Ah sir nag-papaassist kasi sa Elevator eh. Assist ko ba?”
“Ah---WAG! … sorry. I mean ako nalang bababa jan”, binaba ko yun.
Fuck Seb. Ano bang trip mo! Di ko makontrol ang kaba ko at panginginig. Nanlamig buong katawan ko nung marinig ko yung receptionist.
Bumaba ako, habang nasa elevator, nananalangin na sana naman kung ano man sadya niya, sana lang talaga…ewan. Di ko din kasi alam kung ano sadya niya eh. Di ko din alam ang sasabihin o gagawin sa kung ano man ang sadya niya. Bahala na.
Nilapitan ko siya sa Lobby. Dun siya nakapupo sa sofa.
“Ah. Bakit?”, mahinahon kong sabi.
Tumayo siya, inayos ang suot na polo. Ramdam kong na-awkward din siya. He’s wearing the usual white polo, jeans and rubber shoes na sinusuot niya kada punta niya ng resto.
“Ah—eh… Ho—Mike… Can we talk?”, sabi niyang pautal.
Do I have a choice? WALA!
“Sure. Tungkol saan ba?”, sabi ko.
“Wag Dito”
---
“Ah ikaw… Um anong kape gusto mo?”, sabi niya habang nakatayo kaharap ko, ako nakaupo. Nasa isang coffeeshop kami.
“Kahit wag na? ahh ewan ikaw bahala..”
“Nagkakape kaba? Gusto mo tea?”
“Ok na kape. Thanks”
Pumunta siya sa Barista para mag-order. Nagulat ako at natawa nadin sa inasal niya. Nabangga niya kasi yung upuan na kinaupuan nung matandang mataray.
“S-sorry. I’m sorry”, sabi ni Seb habang bahagyang yumuko.
“Hijo ingat ingat naman!”, mataray na sagot ng babae.
“Sorry po Maam”
Anyare Seb? Lutang ka ata.
---
“so anong pag-uusapan natin?”, sabi ko. Di ko ginalaw yung kape.
“ah—mike. Please don’t get me wrong…”
Mike na tawag niya sakin. So ano yun? Friendship over nadin?
“Sa ano?”
“sa—alam mo na… Yung sinabe ko nung inuman…”
“Alin dun”, kinuha ko ang kape, uminom para naman matakpan bahagya mukha ko. Kahit konti lang.
“Yung kakilala ko”, sabi niya.
“Hah? Wala akong maalala”
“Yung pinag-usapan naming ni Insan…”, nilapit niya mukha niya sakin.
“Sorry Seb. Pero wala talaga akong maalala. (Kunwari… pakipot eh) Tsaka kung yun lang naman pag-uusapan natin, I think aalis na ko. Kailangan ko pang magayos ng gamit ko. Mauna na ako”, kunwari di ko naaalala. Pero alam naman naming dalawa kung bakit ako nagkakaganto. OA lang. Pakshet.
Lumabas na ako, nagmadali. Mabilis ang lakad ko nun pero narinig kong sinundan niya ako.
“MIKE!”, nilingon ko siya.
“ANO!?”, halong nagsigawan na kami, buti nalang, 11 pm na, Sunday pa. Kaya naman halos wala nang tao. Tsaka buti nalang madilim yung area. Nakakahiya naman kung ganun. Bale nasa may Ortigas Park na kami, yung area malapit sa may Pancake House, yung sa may ADB. Dun. HAHA! Grabe…
“Saan ka pupunta?”, narealize kong nasa kabilang way pala ang pauwi. Wala na ako sa katinuan ko.
“Ah. BAsta… wag kang susunod.. wag kang susunod!”, sabi ko.
“Ewan ko sayo!”, bugok sumunod naman.
Tumakbo ako pero dahil siguro mas mahahaba mga paa niya kaya’t nahabol niya ako bigla. Parang mga baliw lang, naghabulan. Nasa may Stock Exchange kami nun, walang tao na at medyo madilim kaya saktong walang makakarinig ng sigawan. Kung saan saan nalang ako lumiko. Siya naman , sunod parin ng sunod.
“Ano ba kasing problema! Oo kung ano man yang inisip mo sa akin, yung ang problema. Kaya Seb naman maawa ka!”, naiirita kong sabi habang humihingal.
“Mike! Leche ka ang dami mong drama!”
“Pucha ka din. Sabi ko nang labas ka na sa problema ko!”
“Walangya eh problema natin to dalawa!”
“Gohddd Seb! Wag mo nang problemahin ang di sayo!
“Pesteng buhay to oh!”
“Pakisabi kasi sa kakilala mo na okay lang di na siya dapat nakokonsensya.”
“Sabi kasi ng kakilala ko naguilty daw siya!!!”
“Guilty niya mukha niya. Pabayaan nalang niya yung BROTHER niyang dumistansya!”
“Bobo ka rin ano?”
“Fuck you!”, sabi ko.
“Di mo gets eh. Bobo ka…”
“Pwede ba uwi na ako”
“Sabi kasi ng kakilala ko mahal niya yung kaibigan niya…”
*tiktok*
O__O
“Sabi.. Sabi niya kasi… Guilty siya dahil nadeny niya yung kaibigang mahal niya…”
*tiktoktiktok*
“Sabi din niya… Na gagawin niya lahat para di siya layuan ng kaibigan niya… kasi… Mahal niya yun…”
Di ko alam kung paano ilalarawan ang sarili ko nung time na yun. Ang alam ko lang madilim, pero kitang kita ko mukha ni Seb nun. Di ako nakapagsalita, mistulang nabingi ako nun dahil sa pagtibok ng puso ko. Parang lumindol, bumagyo, nagtsunami sa loob ko. Di ko maexplain…
“sabi din kasi ng kakilala ko… Sana bumalik yung kaibi---mahal niya mula bakasyon… kasi may nakapagsabi na baka daw di na siya bumalik…”
“Seb naman…”, nanginginig kong sabi. Pinigilan ko mga ngiti ko, ewan ko kung napigilan ko.
“Mike… Sabi ng kakilala ko tanggapin daw sana sorry niya.”
“Ok..”
“Tapos… Sana daw mahal din siya nung kaibigan niya..”
“Mahal na mahal daw sabi nung kaibigan niya”, sabi ko.
Bigla niya akong niyakap. Niyakap ko din siya. Naririnig ko mga mahihina niyang tawa, yung tawang masaya. Ako din man ay natawa sa nangyari, sa sobrang saya. I felt my eyes. Lumuha. Pero di naman yung luhang parang ulan, yung paunti unti yung patak dahil sa saya. Sobrang Mahal din kita Seb. Salamat, dahil tinapos mo na ang paghihirap kong layuan ka.
“I love you daw”, bulong ni Seb.
“I love you din daw”, sabi ko.
He held my face, hinay hinay siyang yumuko. We kissed.
(END)
---
Author’s Note: Salamat sa pagsubaybay. Sa mga comments, negative man o positive, tatanggapin ko po. Hoping makapagsubmit pa ako ng stories. Paninindigan ko na po ang fiction. Pero kahit man semi-fiction ito, espesyal parin ito dahil hango siya sa mga personal kong karanasan. Sa mga magtatanong (kung meron man), hindi po naging kami ni Seb. Opo, tutuong umasa ako… ng konti. Sino ba kasing di aasa, may pa-surprise birthday pa diba? Pero bigla nalang naging mailap yung pakikitungo namin sa isa’t isa. Ewan ko din. He denied it. Kaya nagdeny nadin ako. It’s been three years na din, Hindi na din ako sumasama sa mga adventures ng groupo. Kung sumama man ako, minsan lang talaga. Btw, I saw him last month sa Greenbelt with his girlfriend (ata). After we smiled at each other, tumalikod na ako at naglakad papalayo. Sabi ko sa sarili ko, gwapo parin siya. I got invited sa birthday ng pinsan niya pero nagdadalawang isip ako kung pupunta ako. For sure, andun si Seb. HAHA. Nakakatawa lang. Ok tama na. Try ko lang replayan mga comments nyo, wala kasi akong account dito. This is Author Mike, signing off.
(Salamat sa mag nagbasa ng Incluso Antes by Ryan at Paasang Italian Sausage)