Mr. Jollibee Glorietta
By: Mike
Sa mga nakabasa ng Paasang Italian Sausage, Inclusio Antes by Ryan at Club Outdoors, maraming salamat. Sharing this new story that happened to me recently (January 2018 to be exact). Wala na pong introduction masyado about me (read those 3 stories nalang hehe). Again po, real events plus tweaked storytelling for privacy and fun. Sikapin kong igsian ang lahat. Thank you!
---
Sobrang tagal naman kasi ng service sa Jollibee, yung sa Glorietta. Not sure if anong glorietta yun (4?), yung sa may open circle, sa may greenwich, sa may bagong starbucks. Yun. Kung kelan naman kasi lunch at madaming tao tsaka pa dalawang cashier lang ang available. Pero ang nakaagaw sa akin ng pansin ay itong si Mr. Jollibee, JB nalang. Sabihin nalang natin umandar ang kabaklaan ko nung time nayun. Haha. Let me describe him. Tall (5'9/5'10?), may kaputian, may kalakihan katawan, naka-eyeglasses (same kami), wearing a gray polo exposing his arms na medyo mabalbon, blue jeans, brown leather shoes, hairstyle niya medyo clean at regular lang, pero bagay sa kanya, matangos ilong pero di naman sobrang tangos, mapungay mga mata niya pero di naman singkit, mamulamula ang mga labi, at di pa ata siya nakapagshave ng mukha (bagay naman). Gets nyo na? Kaso, medyo turn off ako sa mga mapuputi, he's the type na PARANG TYPICAL GYM GUY. By PARANG is di ko alam talaga, di ko naman narinig boses niya. Kilos niya naman yung normal lang, wala naman pilantik ng daliri akong napansin. Haha. Alam nyo naman yung kadalasang gym guys, maskulado nga pero mas feminine pa sa babae. Turn off (di naman lahat). Busy siya kaka cellphone habang nakapila. Magkatabi pala kami nun, nasa kabilang pila ako. Nauna akong kumain, C1 spicy plus coke yung akin, yun din order niya. Malapit lang kasi sa table ko siya umupo. Medyo malakas siyang kumain pansin ko. Hindi ko masyadong pinapahalatang tinitingnan ko siya nun, at dahil diba nga, nagbago na ako (haha), nagpasalamat nadin akong hanggang tingin nalang ako. Ayoko nang mapasubo, mahirap na. The whole time di niya talaga ako napansin, kaya naman sabi ko, okay nadin. Tumayo na ako at akmang aalis na nang nagkasalubong mga tingin namin, pero parang split second lang nangyari yun at umalis na ako ng jollibee.
Inisip ko siya habang naglalakad papuntang Landmark. Straight kaya yun? Tripper? Ewan. Papalapit na ako sa entrance ng Landmark, bale diba glass kasi yun kaya may reflection. Napansin kong may lalake sa likod ko, nakasunod. Lumakas tibok ng puso ko bigla. Hindi naman ako takot. Parang na excite bigla? Ewan.
Di ko pinahalata, pumasok ako ng Landmark, di ako lumingon pero tuwing may salamin ay pansin ko talagang nakasunod siya sa akin… O baka nag aassume lang ako. Baka naman kasi Nagkataon lang. Haha. Assuming talaga kahit kelan. Anyway, nagmadali na ako at nakalabas, sa greenbelt, ako nalang mag-isa. Wala na siya, kaya naman sabi ko sa sarili ko, okay na din. Gaya nga ng sabi ko, ayaw ko nang mapasubo. Aaminin ko namang nakakatemp talaga siya kung tama man ang iniisip ko. That time, di ko an siya nakita.
4 days later, sa MRT, papunta akong Makati mula Ortigas. Siksikan at tulakan. Pinilit kong makapasok at tiempong may lalaking nag give way para makapasok pa ako. "Thank You", sabi ko. Pamilyar yung lalaki. Dahil nakatagilid ako sa kanya, pansin ko parin mukha niya. Shit, si JB. Mainit sa loob, pero nanlamig ako nun. Kinakabahan at di ko maipaliwanag bakit. "I think I saw you last week", napalingon ako sa kanya dahil bigla siyang nagsalita. Okay, manly naman pala boses niya. Di masyadong malalim pero manly. "Uh, sorry?", nauutal kong sagot.
"Baka di mo na naalala. Sa Jollibbe Glorietta dun kita nakita. You were wearing black shirt and gray cap to be exact?"
Futa. Ibang klase siya!
"Ah opo I was there.", siyempre nagpanggap ako na di ko naalalang nandun siya. Baka sabihin pang obssessed. Haha. Pero sa tutuo lang, kinilig ako, at the same time parang creepy lang din. Madami na namang maiinis sa inyo dahil pakipot na naman ako. Sorry…
"Hahaha", tumawa siya ng mahina.
"Bakit po?"
"Ganun na ba ako katanda?", narealize kong nag-PO pala ako.
" Ah sorry. Hehe", yumuko na ako. Awkward din eh. Binaling ko nalang tingin ko sa bintana.
Ilang minuto din ay nakarating na ng Ayala Station. Walang usapan masyado. Sa escalator, magkasunod parin kami. Di ko alam kung magsasalita ba ako pero pinili kong manahimik nalang. "San ang punta?", tanong niya.
"A may kikitain lang"
"Girlfriend?"
"No"
"Boy…fr?"
"Excuse me?", tanong ko.
"Ah--nothing. Sorry.", sabi niya.
Teka, ganun ba ako kahalata? Walangya, may gaydar ata siya. O baka pansin niya yung mga tingin ko nung nasa Jollibee kami.
Malapit sa entrance ng SM Makati.
"Sige ah. Mauna na ko", nagsmile ako, nagpaalam.
"Wait. I'm *** (JB nalang)"
"okay?"
"I know this sounds weird pero can I get your number?"
"Um. Sorry pero I don't give my number to strangers", sagot ko. Oo naman, bakit ko naman ibibigay, baka scammer pa to. Poging scammer. Haha.
"Okay. Sige. Save mine then"
"uh… O--okay"
I saved his number. So nauna na akong naglakad. Shit, akala ko ba naman last na yung kay TREVOR! (read Paasang Italian Sausage para magets nyo kung bakit. Haha makapromote lang). Ayoko na. Pero, bihira lang tong may isang poging lalaking magrereach out sa akin. Sige na nga, pagbigyan.
That night, nagdadalawang isip talaga ako kung itetext ko siya. Nahiga ako, nagisip isip, binilang ang kung ilang beses na nga ba nawasak puso ko. Arte lang e.
1. Gf ko nung College
2. Francis na Gagu
3. Seb
4. Trevor
Naisip ko din, baka this one's worth a try.
"Hi. Mrt. Earlier. Remember?", text ko. Ang tagal magreply. One hour after pa ata bago nagblink yung phone ko.
" Glad you texted me", I smiled.
"Bakit naman"
"Wala lang. I'm just happy"
"haha ok", wala akong maisip na reply.
"What u doin"
"About to sleep. U?
"Playing DOTA. haha"
"Haha talaga"
"Name mo nga pala?"
"secret…", I was hesistant to tell him my name at first. Di ko alam. Di na ako masyadong nagtatrust sa mga katulad nitong trippers. Mahaba haba na din conversation namin. Umabot na sa puntong tinanong ko siya kung bakit niya hiningi number ko. Opo, alam ko kung bakit, alam kong trip niya ako. Alam ko yun, ako pa? Pero gusto ko parin malaman mula mismo sa kanya. Wala lang, trip ko lang din. Haha.
"Ur so hot kse haha", napanganga ako sa reply niya. Hot? What?
"Ano daw? Hot ka jan. Haha"
"Yes Bboy"
Fuck. Bboy daw? Teka, ano to, throwback?
"Bboy? Ano?", painosente kong reply.
"Bboy nalang tawag ko sayo. You look like a baby boy naman"
"Teka di ako baby", di ako makapaniwalang mangyayari to. Sobrang, nakakanganga lang.
"bakit ba hindi nga ako baby", sa tutuo lang, nakakakilig ang sabihan na babyboy pero pota naman, hanggang ngayon ba naman? Ayoko nang matawag ulit na babayboy pramis. Di ko na explain kung bakit. Basahin nyo nalang ang Italian Sausage na story.
"Basta. You're my babyboy"
"please no", pero sa bagay, halos lahat na ata ng kaibigan ko nasabihan na akong sobrang baby face ko daw. Hihihi. Pero para sa akin di ako gwapo sa tutuo lang.
"Pangalan mo kasi"
"!!!!", kakainis na.
"Okay Bboy nalang"
"Ok. Mike. Basta wag mo na akong tawaging bboy ok?"
"Ok Mike. :)"
.
.
.
"Tanong lang naman. Straightforward ako ngayon. Are you gay?", text ko.
"I'm not gay. But I think minsan I'm not straight."
"So Bisexual?"
"Di ko alam. Kelangan ba may label? Haha pero ang alam nilang lahat I'm straight."
"Haha closet gay"
"Don't say that"
"Bakit naman"
"Wala di ko lang gusto", reply niya.
"Sorry", sabi ko.
"Kelan ba tayo magmimeet?", reply niya.
"Bakit naman tayo magmimeet?"
"Wala lang"
"Anong wala lang?"
"I want to see you"
Habang nagtetext, my heart was beating so fast, so loud. Kakaibang kilig ang naramdaman ko. Summary about sa kanya. JB, 31 years old. I'm not going to mention his work. Taga Makati, may sasakyan (kasi namention niyang HABANG NAGDADRIVE AKO NUNG ISANG ARAW… Yayamanin pala), may anak pero nasa ex niya yung bata, nasa Los Angeles, 4 years old. Sabe ko sa sarili ko, lalaki din naman pala. Hahaha. Ang weird ko na pramis.
"Okay. Saturday. 3pm. Megamall. See you Bboy"
"Mike pala. Sorry."
---
Sinadya kong late dumating, trip lang. Ang daming arte. Tsaka sa tutuo lang, malapit lang naman sa megamall condo ko. Naabutan ko siya sa third floor sa may elevator, sa may cinema. White tshirt, jeans, sneakers, black cap. Leche, kahit ganun lang suot niya ay sobrang hot niya tingnan. Ako naman, nakasapatos yung slip-in (sanuk) , nakashorts at tshirt na maluwang, yung parang pambahay lang. Grabe, di ko inexpect na manlilit ako katabi niya (aside sa 5'6.5 lang talaga ako at 5'10 siya). Bakit ba kasi di ko naisipang magbihis ng maayos.
"Ahem. Oh ayan. Turn off kana. Dugyot ko ngayon haha"
"Haha di naman. You're still cute", sabi niya. I bit my lips kasi napapangiti na ako. Para mapigilan lang yung pagngiti ko. Di pa naman ako magaling magtago tuwing kinikilig or natutuwa ako.
"Haha ewan ko sayo. You look great though", sabi ko.
"Thanks. Tara? What do you want to do?"
"uh. Di ko alam. Diba idea mo naman na magkita tayo"
"Haha wala akong idea sa gagawin. Basta Gusto lang kita makita"
"Gagu. Haha. Tara samahan mo nalang ako sa Uniqlo", sabi ko. Kasi bibili ako ng Jacket na bago, napunit na kasi yung jacket kong water resistant.
Nasundan pa yung ng napakaraming meetings. Halos every weekend na ata. Walang rated XXX pong nangyari. Na judge ko siya, kala ko trip lang niya talaga ako, yung alam nyo na. Pero iba pala siya. We became close friends. Pero siyempre, nag-assume na akong gusto niya ako. Haha. Bigay nyo to sa akin.
Fastforward March. I went to Makati para kitain siya. 6pm pa usapan namin kaya naman nakipagmeet nadin ako sa College friend kong si Camela bandang 3.30 pm Dun kami sa Greenbelt, sa garden lang nag uusap. Sobrang close kami ni Cam, kami ng barkada ko, kami yung type na nagyayakapan, nagaakbayan, nagchachansingan na nga minsan (haha mga baboy) mapababae man o lalake. Kaya naman nung nagkita kami, ako nakaakbay sa kanya, isa niyang kamay naman nakayakap sa bewang ko. Yung parang magjowa lang. Ganun na talaga kami since college. Ang di ko inexpect, 5pm palang, nakita ko na si JB. He approached us habang naglalakad lakad lang kami. "Mike!", sabi niya. Napalunok ako bigla. "Teka.. JB?", tinaasan ko siya ng kilay, yung parang sinasabi kong AKALA KO BA 6PM PA?
"Sorry naistorbo ko ba date nyo?", sabi niya.
"Haluh. Ano ka ba? I'm Camela by the way. Friend ni Mike from Cebu", they shook hands.
"Um. Di kami nagdedate", sabi ko. Nakaakbay parin ako.
" Pero you look so sweet ah", poker face si JB this time.
" Ah Cam. Si JB nga pala. My..a friend", sabi ko.
Bumulong sa sakin si Cam. "Jowain ko to pag ayaw mo haha"
"Baliw haha…Teka JB, ano nga palang ginagawa mo dito? May kameet na naman ba?", sabi ko.
"Haha parang ganun na nga kaso mukhang iinjanin ata ako. Phewww"
"Teka may ka eyeball ka JB?", tanong ni Cam. Di naman siya sinagot. Tumawa lang ng mahina si JB. Yung naasar.
"Diba Mike may bali pa yang balikat mo? Hinawakan niya yung braso kong nakaakbay kay Cam aktong ibababa niya.
"Teka what happened?", tanong ni Cam.
Ako, ilang segundong natameme. Bali sa balikat? Ano? Pero gets ko na si JB kaya sinakyan ko nalang.
"Uh oo nga pala. Last week kasi nainjure ako habang nag gigym", potaenang dahilan. Di naman ako naggigym. Halata nga bilbil ko.
Na feel ko yung dark aura niya sa akin. Yung mga tingin na parang may iba. Di ko din gusto yung tono ng pananalita niya. Galit? Tsaka bakit naman siya magagalit. Ano bang nagawa ko? Gagu lang. Tsaka ang rude niya kay Cam.
Nagpaalam nadin si Cam. So kaming dalawa nalang naiwan. Sa garden, umupo ako. "Lam mo ang bastos no kanina", sabi ko, katabi niya.
"Anong bastos sa ginawa ko. Ikaw nga tong may kalandian palang iba", ayoko sa tono niya.
"Kalandian mo mukha mo. Kaibigan ko yun. Tsaka bakit ka ba galit?", feel ko na kung bakit. Nagseselos ang ugok.
"nevermind!", at nagmamatigas pa.
"Aba ikaw ah. Tsaka wala naman akong obligasyon mag explain sayo…"
"Ano!?"
"So bakit ka nga galit?", tanong ko.
"kasi…ehto Mike ah. 2 months na tayong magkaibigan. Pero alam mo naman diba na di normal friendship natin. You are especial. Feel ko naman din na ganun ako sayo. Haha sorry okay assuming ako. Pero Mike, hindi ko gusto yung naramdaman ko kaina habang may nakayakap sa yo. Ayoko…"
"Nagseselos kaba Jb?", tanong ko, kahit halata naman.
"What do you think!"
"Bakit ka naman nagseselos. Ano ba tayo?", tatanga tanga kong sabi. Haha alam ko naman yung namamagitan sa amin, gusto ko lang na siya mismong magsabi kung ano talaga kami.
"Edi TAYO! Diba sabi ko nga special ka sa akin… So ako, what do you feel about me?"
"You're special, JB", I smiled at him.
He smiled at me. Napatawa lang siya ng mahina pero tumigil din. He looked at me while smiling. Aaminin kong kilig na kilig ako nun. Grabe.
Nagmadali kaming pumunta ng parking. Halos patakbo na nga yung ginawa namin. Pumasok kami ng kotse niya, dahil tinted na tinted, di kita yung loob. Hinawakan niya kamay ko, we faced each other. Hinalikan niya ako passionately. I also did. I was really happy that time. Siyempre walang nagyari agad. Haha. Tsaka di ko na idedetalye yun. Amin na yun. Masayang lang buhay ko ngayon.
Present. April 2018. Special Friends kami ni JB. Siyempre secretly. Tsaka baka ito na muna huling story ko dito sa KM (may mga semi-fiction pa akong draft pero wala lang masyadong time at motivation magsulat). Tinanong ko siya about sa KM at wala pala siyang idea about sa KM. Buti naman kung ganun. Hahaha.
Di ko alam kung tatagal kami, pero bahala na. Ayokong maging pessimistic. Basta, kung ano man ang mangyari, mangyayari.
Salamat sa pagbabasa!