Austen
By: Tencity
Ako yung author ng The Other Daddy kaso nagkaproblema lately kaya ayaw ko na munang pag usapan. Salamat sa kung sino man ang mag e-exert ng effort para basahin to. More kilig moments to come! Cheers sa mga paasa at pinaasa!
Nagising ako sa atungal ni Xit. Kumakain ito ng ice cream habang pumapalahaw ng iyak sa aking tabi. Pupungas-pungas akong bumangon t’saka tiningnan siya ng masama.
“Huwag mo akong tingnan ng ganyan Pike! Palibhasa wala kang lovelife!” Irap nito sa akin habang tuloy pa rin ang ngat-ngat nito sa cookies in cream na hawak hawak nito.
Napailing na lamang ako. Alam ko na ang dinadrama nito. Umaarte na naman ito ng hindi naayon sa kanyang ganda. Tumaas ang isa kong kilay. Mapapalampas ko ang pagiging broken hearted nito pero hindi ko mapapalampas ang pagiging patay-gutom nito. Ice cream at 7:00 AM? Seriously? For Pooh’s sake!
“So, anong drama this time?” Inis kong tanong na tila hindi alam ang lahat habang tinutulungan ko siyang lantakan ang ice cream. Kung hindi lang talaga ito cookies in cream flavour e!
“Ayaw ko na sa kanya! Makikipaghiwalay na ako sa kanya. Tama na to! Sobra na! Ba’t ako magtitiis sa kanya kung ‘di na rin kami magkakasundo diba?” Mariin nitong sabi habang sisinghot singhot.
“Sigurado ka? Pang sampu ko nang narinig yan mula sayo Xit. Ang arte-arte mo. kulang lang yan sa himas uy.” Bara ko sa kanya.
“Hoy pokpok! Iba ako! Huwag ako! Tingnan natin. Siya na naman ang paiiyakin ko.” Banta nito habang naglulupasay pa rin sa tabi ng kama ko.
“Bumangon ka nga dyan. Baklang babae ka.” Inis ko siyang hinatak sa damit. Kakain tayo ng nachos at mag ta-tacos tayo. My treat.
“Talaga??” Halos lumuwa ang mata nito. Mabilis nitong pinahid and luha at nauna pa itong nag suot ng sapatos. Napabuntunghininga ako. Bakit ba kasi naging friend ko pa ang patay gutom na ito.
Habang bumibili si Xit, pumunta ako ng banyo para umihi. Habang papuntang banyo, mabilis kong tinawagan si Dad, ang boyfriend nito.
“Dad, ano na? Mauubos pera ko sa syota mo kung araw araw kayong maghihiwalay.” Reklamo ko ngunit nakangiti. Kabisado ko na kasi ang kaartehan ni Xit. Palibhasa, iniispoil nitong si Dad.
“Malapit na pinsan, kalma lang.” Tila humahangos ito sa kabilang linya. “Basta kahit anong mangyari, huwag nyu siyang hayaang umalis. Susunduin ko kayo after 30 mins. Please! O shit!” Sigaw nito sa kabilang linya.
“Okay , okay! Pakibilisan please. Mamumulubi ako kay Xit nito e!” mabilis akong nagpaalam sa kanya at binalikan ang babaeng parang may anaconda sa tiyan. Ang lintek, kumakain na naman! Mabilis ko siyang hinila palabas ng mall.
“Maligo ka nga, ang baho mo na e!’ Taboy ko sa kanya pagdating sa apartment ko.
“Wala akong pakialam. Plano kong matulog buong araw. Kung may plano kayong anek-anek, bahala kayo, pero hindi nya na ako madadala sa mga paandar nya. It’s a quit!” Ismid nito at tumalukbong ng kulambo. Natawa ako sa naisip ko. Bahala ka sa buhay mo, sa isip ko.
40 mins later, dumating si Dad sakay ng Montero nito. Halos maghilaan pa kami nina Xit bago siya namin nakumbinseng sumakay. Ako, si Dad, si Xit, si Biboy at Charles. Wala kaming imikan habang lulan ng sasakyan. Nang makababa ng sasakyan, nagulat si Xit nang makitang nasa isang resort kami.
Hinila nya kami ni Charles at pinitik sa ilong. “Hoy mga pokpok, plano nyo palang mag swimming dinamay nyo pa ako?!” Inis na inis na ito.
“Okay lang yan Xit at ng makaligo ka naman.” singit ni Biboy. Binatukan ito ni Xit pagkatapos.
Psssst, andito tropa ni Dad,” tili ni Xit. Nagulat pa ako ng kalabitin ako nito.
“O, tapos?” Kunot-noo kong tanong.
“Ipapakilala kita mamaya kay Alekxz at ng magkalove life ka naman at hindi kung sino sino ang kalandian mo sa phone na malayo naman. Gwapo yun. I’m sure bet mo yun.” Nakalabing sabi nito na tila may kung anong klaseng kati sa katawan.
“I agree, at nang maranasan mo na ring makantot. Tigang ka na uy!” Sabat ni Biboy.
“Tigiltigilan nyo ako sa mga kalandian nyu, pwede? Wala akong pakialam kung gwapo ba yang Alekxz na yan. Mas gwapo pa rin ako.” Buong kumpiyansang sabi ko sa kanila.
Ilang sandali pa, may dumating na bakla at pilit pinapasuot si Xit ng isang magandang damit. Nagkatinginan kaming tatlo nina Biboy at Charles sabay ngumisi. Mabilis namin siyang iniwan habang nagtataka pa rin ito sa mga nangyayari.
Bago ako tuluyang pumasok sa hall, tinawagan ko si Ounze at nagpaalam. Matapos pindutin ang end button, akma na akong papasok nang makitang kong tumatawag si Lorenzo. Napangiwi ako. Patay. Baka mabuking ako ni Ounze na humaharot ako sa iba. Mabilis kong isinet sa air plane mode ang aking phone at pumasok na sa hall kung saan mangyayari ang surprise party ni Dad para kay Xit.
Pagbukas ng pinto, bumulaga sa gitna si Xit, nakaupo ito at may nakapatong na korona sa ulo habang panay ang iyak. Dagdag karma na ang hindi siya nakaligo sa isa sa mga mahahalagang araw sa buhay nya bilang isang “totoong babae”. Drama Queen version 2.0 na naman ito. Lahat ng galit nito ay napalitan ng saya at kilig. Malandi talaga, sa loob loob ko pero talagang masaya ako para sa kanila ni Dad.
Ngunit napukaw ang atensyon ko ng matangkad na lalaki na panay ang kuha ng photo at video kina Xit habang sinasayaw ito ng ama ni Dad. Moreno ito at malakas ang dating sa suot nitong simleng shorts at t-shirt. Halos mapagkit ang aking mga mata dito. Maya maya ay lumakad si Dad sa gitna at lumuhod.
Nagsigawan ang lahat ng naroon ng may lumabas na mga lalaki at sumayaw sa tugtog ng Will You Marry Me ni John Legend. Nilapitan ko si Xit at ibinigay ang bulaklak na hawak ko at niyakap ito ng mahigpit.
“I hate you!” Umiiyak ito habang yumayakap din ito sa akin.
“Shhhhhhhh. Tahan na. kanina pa nakaluhod si Dad o. Baka umatras, akala nagugutom ka na naman, “ Biro ko sa kanya kahit naiiyak na rin ako.
Lumapit ito kay Dad at naghiyawan ang lahat ng isuot ni Dad ang engagement ring sa daliri ni Xit matapos sumagot ang huli ng malakas na YES habang panay pa rin ang iyak.
Napangiti ako tsaka lumabas. Tiningnan ko ulit ang lalaking abala pa rin sa pag kuha ng mga larawan sa newly-engaged couple.
Nagdesisyon akong maglakad lakad habang abala ang lahat sa pagbati sa bagong engaged couple. Napaisip ako. Landiin ko kaya ang photographer nayun. Napangiwi ako sa naisip. As if ang gwapo ko naman. 5’3 lang ako at maputi. Makinis. Minsan daw cute at kadalasan maarte na lalake. Yun lang kung idescribe ako ng mga patay-gutom kong kaibigan.
Omurder ako ng isang light at uminom habang nagmamasid sa paligid ng resort pagkatapos kong magbihis ng isang maluwang at gupit gupit na t-shirt. Labas ang kaputian ng katawan ko habang naghuhumiyaw ang dalawa kong nipples kapag nahahanginan ako.
Ilang sandali pa at nainip na ako. Ayaw kong istorbohin sina Biboy habang kalampungan si Charles sa kwarto kaya bumalik ako sa hall na pinagdausan ng engagement party kanina sa pagbabakasaling naroroon si Mr. Photographer.
Pagpasok ko, nagulat ako sa nakita. Nandoon si Xit nakaupo habang nag-uusap sila ng mamang photographer. Tiningnan ko ulit ng malagkit ang lalaki at patay-malisyang naglaro ng phone sa tabi ng kaibigan ko.
Noon ako napansin ni Xit. “Pike, okay ka lang?” tanong nito at inihinto saglit ang pakikipagdaldalan nito.
“Uhummmmh!” Sagot ko sabay tango ngunit hindi inialis kunwari ang mata sa phone.
“Alekxz, si Pike nga pala, ang peke kong pinsan at malandi kong best friend.” Pagpapakilala ni Xit.
Napamulagat ako sa narinig. Ito si Alekxz na sinasabi ni Xit kanina????
“Pike, si Alekxz, kasamahan ni Dad sa trabaho at isa mga bosses nya.” Dugtong niya.
Hindi ako nakakilos. Para akong tinamaan isang milyong boltahe ng kalandian ng ngitian ako ng mokong.
“Hi.” Tipid kong bati bago bumalik sa paglalaro. Shit. Ayaw ko ng ganito. Bakit tila hinihigop ako ng presensya nito?
Is it what we called dominant aura? Magnetic field? Stimulus-response? Shit! Maybe I really need that scaffolding thingy dahil sa mga naiisip ko at baka bigla na lang akong mag-collapse sa harapan ni mamang nanghihigop ng katinuan. Well, landi version 9.0!
Nagdesisyon akong bumalik sa kwarto namin sa resort at doon mamalagi. Kasama ko sa room si Dad at Xit samantala, kumuha ng sariling kwarto sina Charles. Kantot to the max din ang gusto ng mga pota. Napangiti na lamang ako at napailing.
Nakatulog na ako ng maalimpungutan ako nang tila may humihila sa paa ko. Si Xit, at magiinuman daw sa pool side. Wala akong nagawa kundi sumama. Hinanap ng mga mata ko si Alekxz ngunit hindi ko ito mahagilap.
“Wala pa sya. Nandoon sa kwarto katabi ng kwarto natin at maraming ginagawa. Lalabas din yun mamaya.” Si Dad na tila natunugan ang nasa isip ko.
Ano??? Di ko kayo gets. Ismid ko bago tunggain ang RH na nasa harap ko.
“Susss! Wag ka ng magkaila uy! Halata namang tinamaan ka ng matindi kay Alekxz e.” Kantiyaw ni Biboy at sabay-sabay silang apat na humalakhak. Nakitawa na rin ang dalawang barkada ni Dad, ang mag asawang Kuya Rod at Ate Lanie.
Namula ako sa narinig. Ganoon na ba ako ka obvious?
“Bahala kayong mga hinayupak kayo!” Inis kong sagot at binuksan ang phone ko. Nang muli kong iactivate ito, limang messages mula kay Ounce, dalawa kay Lorenzo at lima kay Mr. seaman.
Nagexcuse ako sa kanila ng mapansin kong tumatawag si Ounze. Almost an hour ng bumalik ako sa grupo. Nang mapadaan ako sa kabilang kwarto, naroon si Alekxz sa labas ng pinto at may kausap sa phone. Ni hindi niya ako tinapunan ng tingin ng dumaan ako sa tabi nya. Bigla akong nanlumo at tila kay bigat ng aking hakbang. Siguro girlprend nya yun o di kaya kalandian kaya ‘wag na akong umasang mapapansin nya ako. Baka straight talaga ang binata at no-epek ako sa kanya.
Pagdating ko sa pool, nagulat ang lahat ng tunggain ko ang malaking bote ng RH na 1 liter yata yun. Halos mabulunan ako pagkatapos ngunit tiniis ko iyon at pinanindigan.
Mabilis na umepekto ang iniinom kong dahil hindi naman talaga ako umiinom. Dulot lang siguro iyon ng inis kaya nagawa ko.
Maya-maya hinahatak na ako ni Dad patungo sa kwarto nina Alekxz. Napahinuhod nila ako. I was terrified that time, but still find myself peeping in the door and staring at him in the corner of the room. He was with his laptop that time and a bit surprised of my presence, apparently.
Hinawakan ni Dad kamay ko at pinatong sa kamay ng lalaki. Hindi ko alam ang gagawin at sasabihin ko. Teenager ang peg?
“Uy bro, magkakilala na kami. Kanina pa”. Magalang pa rin ang lalaki.
“Y-yep. Nauutal kong sagot. W-we knew each other na Dad.” Tila nabibikig kong pahayag. Shit! Nakakahiya e! Ba’t tila wala akong maisip na tama that time. Am I that dumb?
“Number mo daw brad..” Hirit ni Dad kay Alekxz. Doon na ako nahimasmasan.
“Hey, this is crazy…. Sorry bro. pagpasensyahan mo na kami. Halika na Dad. Balik na tayo sa labas. Nakakahiya.” Halos itulak ko si Dad palabas ng kwartong iyon. Ngumiti lamang si Alekxz matapos sabihin na okay lang. Pahamak talaga ang mga lintek kong kaibigan.
“O ano? Sila na ba??” Salubong ni Xit sa amin ng dumating kami sa pool.
Isa ka pa e! Kinutusan ko ito pagkatapos.
“Aray! Para naman sayo yun ah?” Angal nito.
“Sasagot ka pa?” Iniamba ko ang kamao ko sa kanya. “Magsitigil nga kayo. Ako napapahiya sa kagagahan nyu e. Sarap nyung sunugin, sa totoo lang.” Naiinis na ako ng mga oras na iyon. Nagmukha tuloy akong cheap sa paningin ng lalaki.
Inilabas ko ang phone ko ng hablutin ito ni Biboy at itinakbo. Nagulat ako sa bilis ng pangyayari.
Pagbalik, hila-hila na nito si Alekxz habang isiwinasiwas nito ang phone ko.
‘Eto na number ni Alekxz. Save mo na dito.” Si Biboy habang halos pandilatan ko siya ng mga oras na iyon.
Samantala, itinulak naman ni Xit si Alekxz sa kandungan ko. Halos manginig ako ng magdantay ang mga balat namin.
“Huwag nyo naman akong ibenta bro.” Tila batang sabi ni Alekxz pagkatapos.
“Please stop it, hindi na nakakatuwa!” Nagbabanta na ang tono ko ng mga oras na iyon.
Natapos ang gabi ng puno ng asaran at tawanan.
Umuwi kami kinabukasan at as expected, pinagtabi kami ni Alekxz at hindi na ako kumibo upang matigil na ang pambubuyo ng mga leche kong barkada. Sarap pagtitirisin e.
Hindi ako makatulog ng makauwi ako. Tinitingan ko ang number ng binata sa phone ko. Naalala ko ang sinabi ni Xit na invited daw kami sa birthday ni Alekxz sa August 10. I decided not to go unless there will be a proper invitation from the celebrator.
Sa office, nagulat ako ng mabasa ko ang message coming from him.
Iimbitahan ko raw kayo sa birthday ko sabi ni Xit. Hehehehe. See you. Sana makapunta daw kayo.
Biglang nagdilim ang aking mukha. Pinuntahan ko si Xit sa office nito tatlong pinto lang mula sa office ko ang layo. Hindi na ako kumatok. Nagulat pa ang sekretarya nito ng pabalibag kong isinara ang pinto.
“Xit, ano to?” Galit kong tanong.
“Ang ano??” Maang maanganan pa ito.
“Cut that crap bitch. This is not a playtime.” Banta ko sa kanya.
“I did it for you.” Inis nitong sabi habang tumatayo.
“The hell I care! Alam na alam mong ayaw kong tila kinakawawa ako Xit. Hindi ko ugali ang pilitin ang taong ayaw ako. Ayusin mo yan.” Malamig kong tugon bago umalis.
IIMBITAHAN KO DAW, so napipilitan? Tila nakakapogi ang dating ah. Napaismid ako sa naisip.
Huwag ka nang magalit kay Xit. Invited kayo lahat. Ty.
Yan ang natanggap kong mensahe kinagabihan. I smiled. Great! Sa loob-loob ko.
August 10, hapon, sinundo kami ni Dad from the office. Ni hindi ko magawang magpalit dahil sa kinaladkad na ako ng mga termites kong kaibigan. Infairness sa kanila, alam nilang two hours ako kung magbihis ng damit. Lahat kasi, pati brief at boxers, dapat plantsado.
Humirit si Xit ng isang black forest cake sa akin ng dumaan kami sa bakeshop. Dahil saulado ko na ang katakawan nila, hindi na ako umalma para sa ikakatahimik ng mga buhay namin sa loob ng sasakyan.
Pagkababa, agad nilang hinanap ang birthday celebrant.
“It isn’t a celebrant. It’s a celebrator.” Pagtatama ko kay Xit.
“Whatever! Basta nag iis-start sa C. Magkatunog naman ah. Pamimilosopo nito. Masyado kang magaling. Bakit di mo galingan lovelife mo ng magkasex life kanaman!,” pambabara nito sa akin.
So, there we had it. Digital na ang karma at nagbounce ito pabalik sa akin.
“Nasa city pa sya. May pa SEMEN-nar kasi si mayor.” Si kuya Rod sabay halakhak katabi ang Misis nito na si ate Lanie.
Maya maya ay dumating ang binata na may bitbit na manok-inasal. Nagulat pa ito ng makita kaming lahat at parang nahihiya.
“Teka lang. Teka lang. Maliligo muna ako mga brad. Ang baho baho ko na.” Nagmamadali itong pumasok sa bahay habang kami ay naiwang nagtitinginan.
Siniko ako ni Charles. “Pare, magkasing arte kayo!”
Pinandilatan ko ito pagkatapos.
Mga 40 mins din bago ito lumabas ulit. Nakaputing shorts ito na halatang mamahalin at putting t-shirt din. Nagcompliment ito sa pagiging Moreno nya at hindi ko mapigilang mapanganga. Maging si Charles, bakas ang paghanga sa kanyang mga mata.
Close your lips please. Bawal tulo-laway. Bulong ni Dad ng mapadaan ito sa harapan ko. Napamulagat ako at napayuko dahil sa hiya. Kasi naman e! Ba’t kailangang galingan ang porma??? Nainlove ako tuloy lalo. Sa loob loob ko.
“Hi Alekxz! Happy birthday!! Kaya pala AUSTEN tawag sayo ng mama mo. August 10. Cake pala. Favourite mo. black forest. Courtesy of Sir Pike.” Nakipagbeso ito pagkatapos kay Alekxz matapos ilapag ang cake.
Halos takasan ako ng kulay ng mga oras na iyon. Anong pakulo ang naisip ni Xit. Naisahan ako ng loka. Tila iisang taong napatingin sila sa akin.
Thank you. Ngumiti ito ng matiim sa akin pagkatapos. Para akong nauupos. Shit! Shit X10 X10.
“Teka--------“, nagtangka akong magpaliwanag ngunit hindi ako hinayaan ni Xit.
“Let’s eat. Gutom na ako.”, Pilya nitong sabi.
Hindi ako halos makakain. Nakaupo si Alekxz sa tabi ng mga pagkain habang nakikipagkwentuhan sa mga kukuha. Napilitan akong tumayo at kumuha ng pagkain. Nakayuko ako at sinubukang deadmahin sya.
“Kumuha ka ng baked mac. Masarap yan. Ako nagluto nyan.”, Sabi nito.
Shit. Lalaking lalaki ang boses nito.
“O-Okay po. Thanks.” Halos hindi ako makahinga ng mga oras na iyon. Kasi naman ulit e!
“Bawal diet dito ha. Ang payat mo o. Samantala ako, ang laki.”, Maging si Xit ay nagulat sa sinabi ng lalaki.
Nagpatay malisya na lamang ako at ayaw kong bigyan ng kulay ito.
“Uyyyyyyyy! Keleg si ako. Patabain mo muna sya ‘Lex bago sagpangin.” Panunukso ni Biboy.
“Isang kibot mo pa Biboy, hihilahin ko dila mo pare,” banta ko dito ngunit tumawa lamang ito.
Nagsimula ang kainan na puro “kami ni Alekxz ang ulam” at nagtapos din ito sa “kami parin ni Alekxz” ang dessert.
“Gusto ko ng cokies and cream na ice cream.”, Maya-maya ay saad ni Alekxz.
E-di bumili ka. Ang barat barat mo kasi,” true to life na patutsada ni ate Lanie na ikinatawa naming lahat.
“Wala sa budget yan.”, Pacute nitong sagot. “Sige, laro na lang tayo ng charades.”, pag-iiba nito sa usapan.
Palihim kong tinawag si Dad upang hiramin ang susi ng Montero upang magbihis. Ang sagwa palang lumantak sa handaan ng naka complete uniform with matching ID e. Ngunit bago umalis si Dad ay inabutan ko ito ng pambili ng ice cream after ng laro.
I spent 40 mins inside the car dahil hindi makadecide ng susuotin ko.
Lumabas ako ng nakashorts na gray at t-shirt na gray din na may accent ng black sa parehong gilid.
“Kanina ka pa hinahanap ni ALekxz. Bulong ni Xit na obvious ang kilig. Palinga linga ang potah noong wala ka.”, Dagdag pa nito.
“Bakit daw?” Maang maangan ako kahit kinikilig din.
“Kantot daw kayo.”, Si Biboy na halatang nakainom na. Mabilis ko itong tinapakan ng suot kong Reebok shoes. Timing. Nakaputi ito ng rubber shoes.
Ang sama mo! angal nito habang nagpapagpag.
“Hindi lang yan ang gagawain ko sayo kapag hindi ka tumigil sa pagiging balahura mo, ogag ka.”, Nakangisi kong tugon dito.
“Beb o, si Pike!”, Sumbong nito kay Charles sabay yakap na tila sawa kung makalingkis.
“Halika dito beb. Iki-kiss na lang kita. Hayaan mo na yan si Pike. Matalino sa trabaho, sa pagibig napakabobo.” Malanding sagot ni Charles.
Nagkantyawan ang grupo ng “Kiss!” para sa dalawa habang ako ay tila naalibadbadran ng tiningnan ang kalandian nila. Hindi ko talaga kaya ang ganon, pramis!
Photo taking daw, kaya napilitan akong tumabi kay Alekxz. Pahamak na mga kaibigan ito.
“Lalo tuloy naemphasize na maitim ako.” Mahina nitong sabi habang tumatawa nang tinitingnan ang pictures namin. “Paitim ka naman ng konti.” Tiningnan nya ako sabay ngumiti ng nakakaloko.
Ghaaad! Ayaw ko na!!! Naiihi ako sa kilig.
Maya-maya ay dumating si Dad. “O brad, ice cream mo. Pinabili ni Pike, with love daw”. Tumingin silang lahat sa akin.
“Totoo, para sa akin to?” Seryoso ang boses ni Alekxz sa kanyang tanong habang hindi ako sigurado kung ngiti ang nakikita ko sa kanyang mga mata.
Hindi ko alam ang aking sasabihin. Nakupo! Halata na talaga e.
“Syempre, para sa lahat!”, Sigaw ko bago pumasok sa banyo. Halakhakan sila pagkatapos.
More poker face aura please. Hiling ko bago lumabas ng cr at bumalik sa grupo.
Napag alaman ko mula kay Dad na engaged ito sa isang babae for almost 3 years na nasa Canada at isa ring nurse. Nagpaplano na ang mga ito para sa kasal ng biglang umatras si Alekxz ng walang dahilan. Ayun daw dito, gusto nyang hanapin muna ang sarili nya.
“Baka lalaki din ang gusto.”, Si Xit bago ako tiningnan ng nakakaloko.
At si ako??? Hayun, asang asa ng mga oras nayun! Potek!
After ng charades at ice cream, nagkayayaan ang tropa na itutuloy ang inuman sa resort malapit doon. Ayaw kong uminom ng mga oras na iyon dahil masyado akong pasaway kapag nakainom at kailangan kong maging demure sa harapan niya kung gusto kong mapansin, naisip ko.
Pagdating ng resort, kanya kanya kaming pwesto. Pangiti pangiti si Alekxz habang nag-uusap ang tropa. Maya-maya ay tumayo ito at sinagot ang tawag. Sinundan ko ito ng tingin.
Inabutan ako ni Kuya Rob ng isng bote ng RH. Hindi ko na ito nahindian. Naisip kong isa lang.
Ngunit nakadalawang bote na ako ay hindi pa rin ito bumabalik.
“Kausap nya ex girlprend nya”, Bulong ni ate Lanie.
“Baka gusto ng closure kasi may ipapalit na syang iba”, Makahulugang sabi ni Xit bago ako tiningnan.
Hindi ko mapigilang kiligin dahil doon. Slight.
“O baka, narealize na mahal nya pa pala yung syota nya at gustong makipag ayos. Si Biboy na halatang tipsy na. Kaya wag kang umasa, baka mahopia ka pare”, Dagdag pa nito bago lumagok sa bote.
Natigilan ako. He’s on point, naisip ko.
Kaya ang dalawang RH bottles, naging lima, hanggang walo.
Nagsimula na akong maging wild pagkatapos. Naroroong magpakiss ako sa cheeks sa mga baklang naroon sa resort ng maglaro kami ng spin the bottle, at mangbara ng mga kausap ko.
Tinawag kong Harry Potah si Charles dahil sa suot nitong salamin na lakas maka Harry Potter.
Si Biboy na maraming napupuna at nagtatapos ang convo sa sagot ko na “O, dahil ikaw nagsuggest, ba’t di ikaw ang gumawa!”. Hagalpakan kami ng tawa pagkatapos.
Sinubukan ni Xit na maghugas kamay ngunit tinira ko pa rin ito.
“Yang babaeng yan, kay ganda! Pero kung kumain pang kargador ang drama! Hagalpakan ulit pagkatapos.
Maging si Dad ay hindi ko pinalampas.
“Ang itim ko na noh? Palagi kasi akong nasa field this month”, Reklamo nito na binara ko ng, “ E-di ikaw na ‘magsasaka. Lagi ka pa lang nasa FIELD e”, sabay tawa ko ng nakakabwisit.
Kaninang mabait ako, ako tinitira nyo. Hala, sagupaan tayo! Sa loob loob ko.
Maging si Kuya Rod na seryoso sa hinaing nya ay sinupalpal ko rin.
“Gusto ko nang mag kaanak mga brad”, Wika nito na sinagot ko ng, “so kami pa makikipag kantotan para sayo k’yah???…
Bukod tanging si ate Lanie ang hindi ko pinatutsadahan.
“E si Alekxz, anong kapintasan masasabi mo sa kanya?”, Sulsol ni Xit habang nakatawa.
“Huwag mong idamay yung mga taong ayaw makipag usap sa grupo. May pabirthday pang nalalaman, ang kj naman! Marami pa lang kausap sa phone, bat di na lang mag call center???”, Pahaging ko sa kanya na nasa kabilang cottage lamang at nakahiga habang may kausap parin sa telepono nito.
“Nakikinig naman ako sa usapan ah.. dito lang muna ako,” Mahina nitong paliwanag na narinig pala ang sinabi ko.
“Wala akong pakialam!”, Nababagot kong sagot bago pasuray-suray na pumunta sa banyo. Lasing ako, pero hindi superv lasing kaya alam ko ang ginagawa ko.
Pagbalik ko, inakay ako ni Charles papuntang parking lot. Nasa likuran namin si Alekxz ngunit wala akong planong kausapin sya.
Magkatabi kami sa hulihan ng Montero, sa gitnang upuan sina Charles at Biboy na mukhang lasing rin.
Habang nasa tabi ni Dad, sa may manibela, si Xit at convoy namin sina Kuya Rob gamit nila ang Rider.
“Okay ka lang?”, maya maya ay mahinang tanong nito.
“Bakit doctor ka ba?”, Pamimilosopo ko. Wala po akong sakit.
“Licensed nurse ako bago naging Community Worker”, Ayaw patalo nitong sagot.
“Galit yan sayo Lex kasi dineadma mo raw sya kanina”, Gatong ni Xit
“E, hindi nga nya ako binati simula pa kanina e”, Tila nagmamaktol ang mokong kung pakinggan o ako’y sadyang lasing lamang? Birthday ko pa naman. Dagdag pa nito.
“Hanashhhhhh! Dami mong alam. Bakit di ka na lang mag call center ulit?”, Sarkastiko kong hirit. Pumikit ako.
“Ba’t ang tahimik mo ngayon?”, usisa na naman nito.
“Kapoy ko maghambal tagalong”, Inis kong bara.
“Hayan na sya!”, Kantiyaw ni Charles habang yakap si Biboy na naka upo sa aming harapan.
“I can speak English well, anyway.” Pangungulit pa rin ni Alekxz.
“Wow. Ti, kundi congrats!”. Ang talino ko ng mga oras na yun para hindi maubusan ng pambara sa kanay. “Dad, pakipara sa IMart! Gusto kong magcoke! Malakas kong sigaw.”
“Lasing ka na e.”, Tutol ni Alekxz na nasa tabi ko.
“Malamang, kasi uminom kami. Ikaw, kasi nag call center ka kanina, sumahod ka na ba?”, Nakangisi kong pang aasar. Narinig kong napabuntung hininga ito at tumingin sa labas ng bintana. I won! Sigaw ng isip ko.
“Hayaan mo na yan Lex. Hindi ka mananalo dyan.”, Nakisali na si Xit bago humagikhik na tila kinikilig. “Nagtatampo yan sayo. Dagdag pa nito.”
Pumara kami sa IMart ngunit hindi na nila ako hinayaang makababa. Iniharang ni Alekxz ang malaki nitong katawan sa pintuan at tsaka seryoso akong tiningnan.
“Ayaw ko ng pasaway. Pagod ako.” Tiningnan nya ako sa mata habang sinasabi iyon. Sinalubong ko ito ngunit hindi nagtagal ay ako din ang unang nagbaba ng tingin.
Nakalabi akong tumalikod dito at tumingin sa kabilang deriksyon. Akala nya pati ako tauhan nya siguro. Umismid ako ngunit hindi na ako nagpumilit pa.
Hinatid namin sina Alekxz sa bahay na tinutuluyan ng mga ito bago kami umuwi sa bahay nina Dad.
At iyon na ang huli kong natandaan matapos kong uminom ng coke.
Nang magising ako, ang sakit ng ulo ko. Napansin kong mag isa ako sa kama, habang sa sahig magkayakap sina Dad at Xit habang sa kabilang kama naman sina Biboy at Charles na magkayakap din. Wow. Ang agang pang asar yun ah!
Chenick ko ang phone ko.
It’s now or never. May gusto ako sayo. Aalis ako bukas. Ansakit lang na hindi mo ako pinansin. Okay na rin yun. Baka hindi na rin naman tayo magkikita ulit. Salamat at nakilala kita.
—delivered
—seen
Nakupooooo! Halos himatayin ako ng mabasa ko ang chat ko sa kanya. Bakit wala akong maalala??
Life must go on. May mga bagay na kailangang kalimutan, may mga damdaming kailangang isantabi, may mga pagkakataong kailangan ding tumanggap ng pagkatalo at higit sa lahat ay kailangang maging matapang at amining paminsan minsan—naging tanga ka rin.
Two weeks after ng nangyari, balik kami kina Dad dahil nagkasakit ito sa atay. Ako, si Xit, si Charles, at syempre si Biboy.
Isa man sa kanila ay walang nagbanggit o umungkat ukol sa nangyari. Masaya kaming nagkukwentuhan ng tumili si Xit.
“Pupunta daw dito si Aelkxz”, Nakangising saad nito.
“Bakit daw?”, Nakataas ang kilay ni Biboy habang nasa akin ang tingin.
Tinaasan ako rin ito ng kilay pagkatapos so, it’s a tie.
“Manghihingi daw ng episodes ng latest na meteor garden”, Si Xit ulit.
“Baka ibang meteor gustong Makita”, Si Dad at Hagalpakan ulit sila pagkatapos. “Any comments Pike? I mean, okay lang?”, tanong ni Dad.
“Sure.”, Malamig kong tugon bago nagsuot ng headset.
“Sowwwwwssss! Hoy, wag ako agi”, Pang aasar ni Biboy.
“E kung pakainin kaya kita ng kamao ko at nang malaman mo kung sino ang bakla???”, Asar kung sagot. Hindi ko alam kung saan ako naaasar at wala akong pakialam.
Maya maya ay dumating ito sakay sa motorsiko nito.
Nakipagkwentuhan dito sina Biboy, Charles at Dad habang ako ay wala akong planong batiin ang bagong dating. Tuloy lang ako sa pag pindot ng phone ko.
“Pike o, si Alekxz!!!!”, Kantiyaw ni Xit.
I pretended I’m on the other dimension then. Ni hindi ako tumingin sa kanila.
“Galit ba sya?” Mahina ngunit dinig kong tanong niya kina Biboy.
Uminit ang dalawa kong taenga ng marinig iyon at muli kong naalala ang pag uusap namin sa chat after kong malasing sa birthday nya.
Hindi sya nagreply sa chat ko bagkus ay nagtext sya kay Xit na kapag nakauwi na raw kami ay saka sya may sasabihin sa akin sa chat. Ito yun e.
(Flashback muna baby)
Thank you. It was nice meeting you. I even enjoyed the whole company with friends. With what happened, there’s no big deal about it, it’s just so normal that friends would really bully you til the last drop and you just have to be cool with it. And with regards to your feelings, maybe it was just purely admiration, I am even glad but knowing you as a friend. We can always be friend and continue being with the whole bunch of crazies as we are when with them with no awkward things and indifferences.
Maybe you were just swayed with too much teasing and who knows, it will be gone in few days. So, we can still hangout with the gang, do a lot of travel and dine everywhere else we can, as far as we can do—as friends. God bless.
Nasaktan ako ng mabasa ko iyon, tumaas kilay ko nang manotice ko ang grammar—expecting from a boss who is also a licensed nurse is not only about being perfectionist, instead, it is about looking up to the capabilities of a person because of his status in the society. Pero on the contrary, I admired him for being genuine and brave to tell me the truth. Yung hindi paasa. Oo, masakit pero naappreciate ko sya kasi, para sa akin, bihira ang taong ganyan.
Mabilis na gumana ang aking isipan at inutusan ang aking mga kamay na tumipa. It goes like this:
Thanks. This sounds better (not literally audible because this is just a chatbox) than any I love youS and I miss youS I heard though it took me minutes to decipher the thought(s). English abi ay, indi ko kaintindi. Haha. Kidding aside, I don’t have any issues with you only that it was too awkward to pretend that things went smooth and remained cool after those bully moments. The good part was, I found amzing friends, not implicitly YOU alone but most likely the gang themselves. You are all wonderful people. Regarding with my feelings, I got it. Gusto ko lumubog sa hiya. Anyway, it WAS just pure admiration nga siguro because your personality really depicts the archetype of cool, well-mannered, tactful and silent-type KUYA I’m looking, in all fairness sayo. Last ko nang papuri yan kasi ibubully na rin kita sa muli nating pagkikita. Happy Friendship day Kuys! Let’s forget it na lang. The next time we meet, hopefully, aside from the wedding day ofcourse, you’ll discover the real me, I promise. Case closed na siguro. Don’t worry, open-minded naman ako. RIP sa grammar ko. I have no time of pretentious na magaling ako. God bless you too, brodeer.
Kay sarap sa feeling pala kapag ganoon. Kinabukasan, maaga pa lang ay nasa opisina na ako ni Charles para maglabas ng nararamdaman, as usual. Papasok pa lang ako ng marinig ko silang naghahalakhakan kasama si Xit. Masigla ko silang binati.
“Masaya?” Tanong ni Xit.
“OO. Natatawa kong sagot. Iba pala pag may closure kahit na wala kayong relasyon noh? Pagbabahagi ko. At tsaka, English yun ha.. yun nga lang wrong grammar halos. Nadissappoint lang ng konti kasi PM sya dba? Licensed nurse pa”, Humalakhak ako pagkatapos. Pero keri na yun.
“E, hindi naman sya gumawa ng chinat nya sayo e. Si Ate Lanie yun, tanga!”, At humagikhik ito.
Napamaang ako.
“At tsaka, hindi sa kanya yung number na nilagay ko sa phone mo. Sa friend daw nya yun. Ayaw nyang ibigay number nya.”, Pambubulgar ni Biboy tsaka ngumiti ng nakakaloko. “Tinext mo ba?”
“Alam mo?”, bigla akong nakaramdam ng pagkalito.
“Oo. Bakit ba? Huwag mong sabihing sineryoso mo na naman?”, Biglang sumeryoso si Charles. Sa tatlo kong kaibigan, ito yata ang may pinakamatalas na maternal instinct.
Hindi ko na sinagot ang tanong niya. Nanlalata akong lumabas sa opisina ni Charles. Nag init ang mga sulok ng aking mata. Gusto kong sumabog. Naalala ko ang feelings ko sa kanya, ang pag effort kong mareplyan ang huling messages nya at ang pag aakalang totoong tao nya. Huli ko nang napansin na umiiyak na pala ako. Ang tanga ko nga! Bat kao umiiyak sa taong wala namang koneksyon sa akin. Shit. X20 na ngayon.
(End of the Flashback baby)
Napakurap ako matapos kong maalala ang lahat. Okay na siguro yun. I can be civil. Ngumiti ako sa sarili ko matapos kong magpalit ng sando na labas likod para presko at tsaka pumikit. Tutulugan ko na lamang ang negrong to.
Nagising ako ng makaramdam ako ng sakit sa puson. Pupungas pungas akong bumangon para umihi ng mapansin kong tulog din pala silang lahat. Magkayakap sina Charles at Biboy samantala tabi naman sina Xit at Dad sa kabila at nagulat ako na nakadapa sa tabi ko si Alekxz. Gising ito at tila may kinakalikot sa ipod nito.
Tumingin ito sa akin ngunit mabilis akong nagbawi ng tingin at nagbanyo. Ayaw ko sa mga taong sinungaling at paasa, kahit bilang friends lang.
Parang walang ano mang bumalik ako sa puwesto ko at sumiksik lalo sa isang tabi. Bahala ka sa buhay mo! gigil kong bulong.
Pagkagising ko, wala na silang lahat. Lumabas ako ng kwarto upang makiusyuso. Nanonood ng TV sina Charles sa sala habang sina Dad at Xit ay tumutulong kay Alekxz sa kusina. Paimpress ang potah,” Sa isip ko.
Tahimik akong naupo sa isang silya. Nakakagutom ang amoy ng niluluto nila. Lalo na ang piniprito ni Negro (Alekxz).
“Uy, insan, gising ka na?”, si Dad habang naghuhugas ito ng plato.
Tumango ako at ngumiti.
“Ano ba yan?”, Inginuso ko ang niluluto nila.
“Smashed squash with egg. Gusto mong tikman?”, Nakangiting alok ni Alekxz.
“Pike, masarap. Si Alekxz nagluto nyan. Para daw healthy kasi may sakit si dad. Baka makalimutan mo pangalan mo kapag tinikman mo.”, Susog ni Xit habang sumusubo ng isang piraso.
“Talaga? Come to think of it. Lahat naman ng pagkain masarap para sa iyo.”, Sarkastiko kong sagot.
“Ang gaga hu! Ka OA ah.”, Inis na bulalas ni Xit.
Tila wala akong narinig. Tumayo ako tsaka lumabas ng bahay.
Wala akong planong makipagplastikan sa negrong yun kaya sinubukan kong maghanap ng malapit na karenderya subalit nabigo ako. Medyo malayo sa bayan ang lugar na iyon kaya imposibleng may karendirya doon at ayaw ko namang maglakad sa mainit na panahon.
Gutom akong bumalik sa bahay.
“Kain na tayo.”, yaya ni Xit sa akin.
No choice, tahimik akong sumunod. Pinili ko ang pinakadulong upuan. Masarap nga. Pero wala akong sinabing kahit ano. Natapos ang tanghaliang iyon na wala silang nakuha mula sa akin.
September
Masyado na sigurong OA kung hindi ako makakamove on sa nararamdaman ko kay Alekxz. In the first place, hindi naman naging kami, pangalawa, ako lang ang may gusto sa kanya at pangatlo, wala siyang obligasyon sa akin kahit bilang kaibigan man lang.
They decided to spend week end at inland resort in Capiz. Magalang akong tumanggi sa paanyaya nila at sinabing wala akong pera.
Nabasa ko kasi sa group chat na sasama si Alekxz which is, sa original plan ay wala sya dapat. Sige, ako na lang ang mag aadjust.
“Busy ako sa katitipa ng laptop ko ng may dumating.”, Si Xit.
“Ano yan?”, Usisa nito.
“Wala. Entry ko sa isang blog (dito sa blog na to at itong story ang tinatype ko sa abot ng aking maalala).”, Mabilis kong tiniklop ang aking gamit. O, bat andito ka pa? Akala ko aalis kayo? Nagtataka kong tanong.
“Ayaw kong umalis na wala ka. Matutulog na lamang ako dito.”, Wika ni Xit at pasalampak na nahiga sa kama ko.
“What? Are you kidding????”, Gulat kong tanong. “Look lady, hindi sa pinapaalis kita, pero andun na sina Dad at nakabooked na yun.”
“Hoy pokpok, sa tropa, walang iwanan! Kung ayaw mo, ayaw ko na rin.” Nakaismid nitong pahayag bago pumikit.
“Insan naman e. Di ba sabi ko sayo, wala akong budget?”. Sumakit ulo ko sa babaeng ito. “At tsaka ayaw mo bang maka move on na ako ng tuluyan kay Alekxz?”. Seryoso kong tanong.
“Gusto. Pero paano ka makakamove on kung iiwas ka palagi pero patuloy mo pa ring iniisip? Hanggang kailan ka magiging duwag para harapin ang katotohanang walang kayo?”. Deretsahan nitong sabi. “Kilala mo ako, suportado kita kasi mahal kita bilang ikaw pero insan naman, wag mo namang gawing makitid mundo mo dahil lang sa kanya.”
“Opo sister.” Napangiwi ako pagkatapos. “Tama na Xit. Di bagay sayo ang magseryoso. Reklamo ko.”
Binatukan nya ako. “Gaga! Magbihis ka na. Bayad na yung trip mo. Pauutangin ka ni Biboy.”
Napasimangot ako. “Ayaw kong magka utang na loob sa kanya. May kasalanan pa yun sa akin. Hindi kami bati.”
Ang arteeeeeeeeeeeeeeee! Siya, ako na magpapautang sa iyo! Inip na inip na ito.
“Okay, let’s go. Kanina pa ako naka empake. Ang tagal mo lang talagang dumating.” Nakangisi kong sagot sabay hila sa kanya.
“Abat! Pokpok talaga!”, Galit nitong turan habang halos madapa ito sa paghila ko.
Dumating kaming apat sa resort ng magkasabay. Ako, si Xit si Biboy at Charles habang nauna na Doon sina Dad at Alekxz, masama daw ang pakiramdam ng huli.
Matapos magbatian, nginitian ko si Alekxz at pormal na pumili ng kama ko. 8 doubled beds ang room kaya maluwang ito para sa dalawang taong nag iiwasan.
May asaran pero hindi ko pinapatulan. Pursigido na akong tuldukan kung anong feelings meron ako sa kanya.
Pumunta kami sa pool side para doon maghapunan. Halos kalahating oras na kami roon ngunit wala pa ang aming order. Maya maya pa ay umulan ng malakas. Napatingin ako kay Alekxz. Shit. Mura ko sa aking isipan. Mabilis kong hinubad ang suot kong cap (that cap ay regalo pa sa akin ni Mr. Seaman) at ibinato sa kanya.
“Isuot mo…” malamig kong tugon bago tumakbo pabalik sa room. Sumunod silang lima sa akin.
Pangiti ngiti sina Dad, Biboy at Charles habang ngising aso naman si Xit. Tila nanunudyo ang mga ito.
“Here’s your cap. Salamat.” Mahinang sabi ni Alekxz. Ewan ko ba, bakit ang hinhin nito taliwas naman sa ugali kong garapal at loud masyado.
Walang imik kong tinanggap ang cap at lumabas.
Habang kumakain kami sa labas ng room, tumawag si Ounze. Dahil kaharap ko si Alekxz at katabi ko naman si Biboy ay sabay silang napatingin sa akin.
“Excuse me. I’ll pick this one. Baka importante.” Magalang akong nagpaalam.
Nakita kong napaismid si Xit.
Halos 1 hour akong nawala at pagbalik ko ay tumatagay na sila.
“Sino yun?”, Daig pa ang SOCO kung makaimbistiga nitong Xit. “Si O, si S or si L?”
“Bat ang dami mong bf?” Halos lahat kami ay sabay na napatingin kay Alekxz dahil sa tanong nito.
“Ako ba kausap mo?” paninigurado ko.
“Oo.” Nakangiti nitong tugon.
Nagkibit balikat lamang ako. Wala akong planong sagutin ang tanong nya.
Inanyayahan ako ni Dad na uminom.
“Hindi na muna ako Dad. Baka maulit yung nakaraan.” Napahalakhak ako pagkatapos.
“Andito naman ako e”, ani Xit. “Liligpitin kita kapag nagkalat ka mamaya.” Nakangiti nitong sabi. Kinuha ko ang straw ng juice ni Biboy at nagtagay ng RH.
“Bakit ayaw mong sumagot?” Pangungulit ng negrong manhid.
“Bakit, ano ba kita? At tsaka ni wala nga akong alam ukol sayo maliban sa iniwan mo dyowa mo.. Opppppss! Tactless ba?” Nakangisi kong wika. Maoffend na ang pwedeng maoffend. Sa loob loob ko.
“Pwede ka namang magtanong kahit ano sa akin. Sasagutin ko.” Hamon nito sa akin na ikinagulat ko.
Kaagad kaming binuyo ng barkada hanggang sa naparami na ang nainom ko.
“Virgin ka pa?” umpisa ko.
“Hindi na.” game nitong sagot.
Halakhakan kami nina Xit pagkatapos.
“Sa girlfriend mo?” hirit ko.
“Hindi.” Maagap nitong sagot.
“Babae o lalake?” Pilyo kong tanong.
“Babae syempre.” Natatawa nitong sagot.
“Bat ang pangit ng jowa mo e ang gwapo mo?” prangka kong tanong.
“Hindi naman basehan ang physical attributes kapag nagmahal ako e. kahit mabaho pa kili kili nya, e sa mahal ko, mahal talaga.” Nakangiti nitong sagot.
“Ahemmmm. So, impotent ka?”, Muli kong hirit. “Kasi hindi kayo nag sex o sadyang may iba kang gusto?”
“Wala sa nabanggit.” Seryoso nitong sagot.
“E, sino si Trek?” Malisyoso kong tanong.
Nawala ang ngiti sa kanyang mga labi.
“Bakit nasali si Trek?” Nagtataka nitong tanong. Kahit sina Dad ay nagulat sa tanong ko.
“Sa gusto ko lang malaman.” Depensa ko. Okay lang kung ayaw mong sagutin. Nakangisi na naman ako. Medyo tipsy na ako that time habang si Alekxz ay hindi umiinom dahil sa masama nga ang pakiramdam.
“Honestly, Trek is just a friend. A travel buddy. Ganon. Mali ang iiniisip mo”. sagot nito.
“Nagseselos yan!” Kantiyaw ni Biboy.
“Hindi ako nagseselos. Bahala sya kung sino ang gusto nyang patulugin sa kwarto nya. Prerogative nya yan.” Pagpapatuloy ko.
“Hala. Walang ganun”, Tanggi ni Alekxz. “Galit ka ba sakin? Galit ka ba dahil sa sinabi kong friends lang tayo?”
“Hindi ako galit. Sinong galit?” Medyo plastic ang pagkakasabi ko ngunit ang totoo ay gusto ko nang ipamukha sa kanya kung gaano ako kagalit ng mga oras nay un..
“Bakit ka nagagalit, diba sa friends naman nagsisimula ang lahat?” Makahulugan nitong saad bago ako tiningnan.
Napasinghap ako. Andito na naman ang mga pafall!
“Ahemmm. Remind namin kayo, andito pa kami ha..”, singit ni Dad. “Relax insan. Inom muna.”
Mabilis kong tinungga ang RH at tiningnan ng masama ang binatang nananakit ng damdamin ko.
“Huwag kang pa fall uy! Nakamove on na ako.” Pilit kong pinayapa at pinakalma ang aking sarili bago muling nagsalin ng maiinom.