My Lover is A Gangster (Part 1)
By: X-Cupid
Matagal na rin akong nagbabasa ng mga kwento dito at may napupulot talaga akong aral at siyempre kalibugan din. At ngayon, masaya po ako na ibahagi ang kwento ng buhay ko.
Ako nga pala si Reinhart Bermudo, tawagin niyo nalang akong “Hart” para medyo babae pakinggan. I’m 21 years old na po ngayon pero ang ibabahagi kong kwento ay nangyari nung mga nasa 19 years old palang ako. Gusto ko e describe ang sarili ko sa inyo sa kung paano ako e describe ng ibang tao kasi hindi talaga ako nagagwapuhan sa sarili ko. Pero sabi nila, moreno daw ako at may attractive na mga mata na siguradong magpapatili sa mga chicks. 5’6 ang height ko at fit na katawan – yung hindi payat at hindi rin mataba at hindi rin gaya nung nag-gigym. Since I was a child, alam ko na attracted talaga ako sa mga kapwa ko lalaki pero dahil sobrang strict ng tatay ko ay hindi man lang ako makapagladlad. Kaya ayun hanggang window shopping nalang ako sa mga crush ko na lalaki. Naitago ko ang tunay kong kasarian sa aking pamilya hanggang sa matapos ako ng Senior High. Kahit alam ko na naitago ko ito sa kanila, aware ako na napapansin na ni tatay ang kalambotan ko at may balak siya na baguhin ko ito at maging isang matigas na lalaki. Naiintindihan ko naman siya kasi nga ako lang ang nag-iisang lalaking anak nila.
Dahil nga wala masyadong paaralan na Kolehiyo sa aming probinsya at medyo mahal ang tuition ng kursong gusto kong kunin, nag decide sina nanay at tatay na doon ako ipatira sa tiyuhin ko (bunsong kapatid ni Mama) at maging working student doon. Pumayag naman si Tito Caloy kaya I just grabbed the opportunity na magkaroon ng chance na makapag-aral sa isang University at sa gusto kong kurso.
Apat na oras ang biyahe mula sa bayan namin hanggang sa siyudad kaya naman pagkababa ko ng Bus Terminal ay hilong-hilo ako. Nakita ko si Tito Caloy na may kasamang dalawang lalaki na magka mukha.
“Dalawa ba talaga sila o nahihilo lang ako, Tito?” tanong ko kay Tito Caloy pagkalapit nila sa akin.
“ Haha! Ano ka ba Botsoy, dalawa talaga yan sila.” Sagot ni Tito na tinawag pa talaga ako sa pinaka-hate kong palayaw. Hahaaay.. Sa dinami-dami ba kasi ng ipalayaw sa akin ni Papa e Botsoy pa talaga naisip niya e ang ganda kaya ng pangalan ko.
“Eh bakit po magka mukha?”
“Siyempre kambal sila! Siya nga pala, mga pinsan mo, si Marlon at si Marjon”
Ngayon ko lang nalaman na may kakambal pala si Marlon kasi dati nung bumibisita kami kina Tito si Marlon lang nakikita ko. Kaya nagulat ako na may kambal pala siya lalo na matagal na akong may tinatagong paghanga kay Marlon.
Sa sobrang gwapo at ganda ng katawan ng kambal, mapapa-tulo talaga ng laway ang sinumang babae. Parehas talaga sila ng hulma ng mukha, kopyang-kopya talaga mula sa mga kilay hanggang sa mga mapupulang labi nila. Mahirap tukuyin kung sino si ito at sino yung isa.
“GAMITIN MO muna itong kwarto ni Marcus. Minsanan lang naman umuwi iyon dahil sa trabaho sa barko. May isang bakanteng cabinet dyan at dyan mo nalang ilagay mga gamit mo. Paalala lang iho, yang cabinet na naka lock kay Marcus yan ha kaya hwag mo bubuksan yan. Ayaw pa naman nun na may nagbubukas ng cabinet niya ng walang paalam.” Si Tita Corazon ang nag sabi.
“Sige po Tita. Promise po.”
“Oh siya magpahinga ka na at alam kong pagod ka.”
At umalis na nga si Tita habang ako ay naiwan mag-isa sa kwarto ni Marcus. Naalala ko dati, kapag bumibisita kami dito ay minsan ko lang makita si Marcus kasi palagi siyang nasa labas gumagala kaya hindi ako masyadong pamilyar sa kanya pero gwapo din naman siya gaya ng kambal. Sayang lang at wala siya sa bahay, seaman na kasi.
Hindi ko namalayan na nakatulog ako. Nagising na lang ako dahil sa mga katok sa pinto. Hindi ko alam ano magiging reaction ko na makita yung crush ko na nasa may pintuan ng kwarto at naka titig sa iyo. Hahaay, ang sarap lang ng feeling na sa pag gising mo ay mukha ng crush mo ang makikita mo.
“Kakain na daw.”
Iyon lang ang sinabi niya at umalis na agad pababa ng hagdan. Ako naman parang nabuhusan ng kumukulong tubig kasi yun lang pala ang pakay ni Marlon na gisingin lang ako para anyayahang kumain. Akala ko pa naman siya yung gustong magpakain. Raaawwwrrr! Oo naaah. May pagnanasa ako kay Marlon. Mali ba yun? I guess not for someone like me. Just wait and I’ll find ways to taste him. Grrrr!
“BOTSOY, bukas ay sasamahan ka na ni Marjon na magpa-enrol. Dala mo na ba lahat ng papers na requirements mo for enrolment?” tanong ni Tita Corazon.
“Opo Tita Azon. Dala ko na po lahat.” Sagot ko naman.
“Good.”
Pagkatapos mag hapunan ay pumunta ako sa kusina para tulungan mag hugas ng pinagkainan si Tita pero sabi niya siya na lang daw ang gagawa. Nahiya naman ako kasi nga nandito ako para maging working student kaso parang ako pa yung boss dito na hinahayaang maghugas ng pinggan ang may-ari ng bahay.
Lumabas nalang ako ng bahay at nagpa hangin sa may garden. Ngayon ko lang napansin na malawak pala ang lupain nila Tito kasi may garden pa sa likod-bahay nila. Refreshing yung gabi at napakaliwanag ng mga bituin sa kalangitan. Nakaka-miss ang buhay sa probinsya. Nasa gitna ako ng pagrerelax ng biglang may usok na nagpa-dilat ng mga mata ko. Bigla akong naubo.
“Ay pasensiya insan. Hindi ko sinasadya. Akala ko sanay ka na sa usok ng sigarilyo.”
Nasa likuran ko ay isang lalaking naka topless at tanging boxer short lang ang suot sa ibaba kaya naman hulmang-hulma ang tarugo niyang naka-usli sa kanan. Oh my ghaaad! Nanlaki ang mga mata ko. Sarap papakin, sa isip ko. Pero kaninong kargada ito – kay Marlon o Marjon?
“Kuya Mar--”
“—Jon,” dugtong niya.
Nakoooow! Kay Marjon pala. Hmmm. Chereeep!
“Kuya Marjon. Haha. Pasensiya medyo nalilito pa ako sa inyo ni Kuya Marlon eh.” Sabi ko.
“Hindi mo naman kailangan malito kasi mas gwapo ako kay Marlon at mas malaki yung akin,” pabirong sabi ni Kuya na may pangindat pa.
“Ahh. Ehh. Malaking ano po?” patay-malisya muna ako. ‘Hwag muna Hart kasi first day mo palang dito. Behave ka muna girl.’ Sabi ko sa sarili ko.
“Katawan. Oh tignan mo pa.” At nag flex ng muscles si Marjon.
Habang ginagawa niya ang pagpi-flex ng muscles niya ay hindi ko naiwasang titigan ang katawan niya mula leeg pababa sa namumutok niyang chest pababa sa bukol na nasa harapan niya. Totoo nga naman, mas malaki nga kay Marjon – hindi lang katawan ha pero kasama na dun yung alaga niya. Malaki na nga na hindi pa tumitigas eh, panu pa kaya kapag tumigas, paniguradong sira ang boxer brief niyang suot.
“Okay ka lang?” tanong ni Marjon ng mapansin niyang kanina pa ako hindi nagsasalita habang naka titig sa baba niya. Bigla akong nahiya sa ginawa kong pagtitig. Dahil sa pagkahiya ko ay bigla ko nalang naitanong ang isang bagay na dapat hindi ko itanong.
“Anong brand ng boxer short mo kuya?” Ang bobo naman ng palusot ko. Hahayst! Patay na.
Tawa lang ang narinig ko mula kay Kuya Marjon.
“Ang weird mo insan.” Sabi niya habang patuloy na tumatawa. “Sige mauna na ako sa loob at tapos na akong mag yosi.” At umalis na siya papasok sa bahay.
Naiwan ako sa garden na parang estatwang hindi maka galaw sa kinatatayuan dahil sa sobrang hiya.
MALAKI AT MALAWAK ang unibersidad na pinag-aaralan ng kambal at siyempre magiging paaralan ko na rin. Masasabi kong environmental-friendly ang campus kasi may mga mini-parks sa bawat kanto na may mga puno at halaman pa. Unlike sa ibang university na sobrang init ng paligid, kakaiba dito kasi maraming matataas na punongkahoy na nagbibigay ng malamig na pakiramdam sa paligid. At isipin mo, nasa gitna ng siyudad ang campus pero hindi masyadong mainit, hindi kagaya sa labas na sobrang init.
“Namangha ka. Maganda school ko nuh?” tanong ni Kuya Marjon.
“School mo kuya, ikaw may-ari?” sagot ko habang tumatawa.
“Ah. Pilosopo ka rin ah.”
May nakasalubong kaming isang grupo ng mga lalaking ang gagwapo. Nagulat na lang ako ng biglang nag handshake ang mga ito sa kambal habang sinasabi ang katagang “Braaaad!”
“Oy braaad. Musta ang bakasyon?” tanong ng isang lalaki na naka asul na suot.
“Saraaaap! Haha. Alam mo na kung bakit.” Sagot ni Kuya Marjon.
Sabay namang tumawa silang lahat. Naisip ko, ‘anong nakakatawa?’
“Kaya ka pala wala lagi sa bahay Jon ha. Kung kani-kanino ka tumatambay.” Sabi ni Marlon.
Tawanan na naman sila. Haayst! Iyan yung hindi ko maintindihan pag kasama ko mga lalaki, hindi ko gets pinag-uusapan nila. Pero ito sila parang kilalang-kilala na yung isa’t isa. Siguro magkakabarkada mga ito.
“Sino naman yan? Bagong recruit?” tanong nung naka puti na may killer smile. Ayiee. Bet ko na rin itong isa.
“Hindi Brad. Pinsan namin si Reinhart. Dito na siya mag-aaral” sagot ni Marlon.
“Oh ano na, recruit na natin yan? Pinsan mo naman yan eh” sabi nung naka black na medyo maypagka rebel ang mukha.
“Depende na yun sa kanya. At yeees, magpapa enrol muna kami at mahaba na ata ang pila.” Tugon ni Marjon.
“Suus! Huwag na kayong pumila. Matatagalan lang kayo. Bigay niyo na yan papers niyo kay Dean para mabilis lang” sabi nung chinito na nasa pinakagilid.
“Tapos na kayo?” tanong ni Marlon sa kanilang lima.
“Oo. Kami pa. Si Dean na pinaasikaso namin.” Sagot nung naka asul.
“Kayo talaga. Oh siya siya pupunta na kami doon.” Wari ni Marlon.
“Welcome sa university.” Sabi nung chinito na nakipag kamay pa sa akin habang palakad kami.
“Thanks dude.” Sagot ko naka boses bruskong lalaki. Haha! Natawa ako sa ginawa ko.
Papunta kami sa building na may naka lagay na Administration at nakita ko ang sobrang dami ng mga estudyanteng pumipila para sa enrolment. Akala ko pipila din kami doon kaso nagpa tuloy kami sa paglakad at lumiko sa may gilid. Pumunta si Marlon doon sa may bintana at kumatok ng tatlong beses. May bumukas naman ng bintana at nakita ko isang lalaki na medyo may edad na rin nasa mga early 30s na kausap ni Marlon. Pagkatapos ng pag-uusap nila ay bumalik si Marlon sa kinatatayuan namin at kinuha ang mga papeles namin ni Marjon. Dinala niya ito at binigay sa lalaking nasa bintana.
“Si Dean na mag-aayos ng mga papeles niyo. Hintayin niyo na lang siya doon at may pepermahan kayo. Punta muna ako sa Engineering Building at pinatatawag daw ako.” Pagkasabi nun ni Marlon ay umalis na siya. Habang kami ni Marjon ay pumunta malapit sa may bintana kung saan nakatayo si Marlon kanina.
“Wait lang. Naguguluhan lang ako sa mga pangyayari.” Sabi ko naman kasi nga naguluhan talaga ako. Kung sino ba yung mga lalaki kanina, bakit hindi kami pumila sa mga nagpapa enrol at kung sino yung lalaki na kumuha nga papers naming. Di ba kung kayo nasa sitwasyon ko, hindi ba kayo maguguluhan?
Tumawa lang si Marjon.
“Pamilyar ka sa Fraternity?” tanong ni Marjon.
“Oo naman. Iyong malaking version ng Gangs?” sagot ko naman.
“Parang ganun na rin kaso ang kaibahan lang kapag fraternity kasi eh recognize siya ng school.” Sagot ni Marjon.
“Ah okay. So anong meron?” takang tanong ko.
“May fraternity kami dito sa school. Yung limang lalaki kanina, ka-brad ko yun sa frat. At itong si Prof Dean, founder ng frat. Kaya may mabilis kaming access sa admin kasi nandito siya.” Paliwanag ni Marjon.
“So that makes sense.”
Maya-maya pa ay may iniabot yung lalaki na kausap kanina ni Marlon na ngayon ay may pangalan na – Professor Dean.
“Paki fill-up niyo yan.” Sabi nung Prof.
At nag fill-up kami ng Enrolment Form sa may dingding ng gusali. Na-try niyo ba gaano kahirap mag sulat ng nakatayo habang ang nakatayong dingding ang naging desk niyo? Ganoon kami nag fill up ng form.
“Bagong kurso na naman Marjon ah. Bumagsak ka na naman ba sa dating course mo?” tanong ni prof na ikinagulat ko.
“Hindi naman sa bumagsak Prof. Na-realize ko lang na hindi para sa akin ang pagsi-seaman.” Sagot ni Marjon na parang may halong tawa.
“Iyan din sabi mo nung nasa Criminology ka.” Tawang sabi ng Prof.
“Prof talaga.”
At doon ko na realize na kaya pala mag eenrol sa first year Engineering si Marjon habang ang kakambal niyang si Marlon ay nasa third year na kasi dalawang beses na pala siyang nag-shift ng kurso.
NATAPOS NAMIN ng maaga ang pag-enrol. Salamat sa mga koneksiyon ng mga mokong.
“Meryenda? Tara?” yaya ni Marjon sa akin.
Habang nag-memeryenda kami ni Marjon ay naitanong ko ang tungkol sa fraternity.
“Anong name ng fraternity niyo?” tanong ko.
“Stitches and Burn” sagot ni Marjon.
“Kanta naman yan ah.” Sagot ko na tumatawa.
“Sounds funny pero seryoso, iyon talaga pangalan ng Brotherhood namin.”
“Alam ba ng papa mo na kasama ka sa frat?”
“Oo naman. Siya nga nag sabi sa akin na sumali ako ng frat para maka survive sa college.”
“Ha? Survive sa college? Anong konek?”
“Alam mo Botsoy …”
“Isa pang Botsoy at sasapakin na kita. Kaganda ng pangalan ko.”
“Eh mas gusto ko na tawagin ka sa palayaw mo. Ang cute kaya. Kasing cute mo”
Hindi ko alam kung nag-blush ba ako pero kinilig ako dun sa sinabi niya.
“Oh sige. Bahala ka. Pag nalaman ko palayaw mo lagot ka sa akin.” Sagot ko.
“Haha. Ang cute ng palayaw ko kaya.”
Eh bat napunta kami sa palayaw? Haaay ewan ko ba.
“Back to the topic. Bakit ba?”
“Alam mo kasi Tsoy, oh ayan ha ginandahan ko na. Kasing ganda mo…”
“Baliw! Anong maganda?” Sabi ko naman na simula na namang kiligin. Sa isip ko: ‘alam ko naman na maganda ako kaso hindi pa panahon para malaman mo.’
“Ah. Gwapo pala. Akala ko maganda ka eh.”
Woow! Offensive din itong mokong na ito ah.
“Sige na. Ano na?” balik kong tanong.
“Basta. Hindi ko kayang ma-explain kung bakit pero makakatulong talaga yung fraternity sa iyo. Kaya kung ako sayo, sumali ka sa fraternity.”
“Nge. Ayaw ko. Makakahanap lang ako ng kalaban.”
“Haha. Hindi naman nakikipag-away yung frat namin sa ibang frat. Sila nga yung nauunang umaaway sa amin kaya siyempre bumabawi kami.”
“Eh kahit na. Ayaw ko ng gulo. Magpo-focus ako sa pag-aaral.” Tugon ko.
“Ikaw bahala.”
Continue Reading Next Part