My Lover is A Gangster (Part 2)
By: X-Cupid
AKALA KO makaka-iwas na ako sa topic about fraternity kaso nung kinausap ako ng tatay ko sa phone, iyon din yung lagi niyang sinasabi sa akin: “SUMALI KA SA FRAT. PATUNAYAN MO NA LALAKI KA!”
Kaya pati si Tito Caloy ay pinu-push din ako na sumali sa frat. Kaso ayaw ko talaga eh. Ayaw ko ng gulo. Gusto ko lang ng tahimik na pag-aaral. Kaso pinangako naman sa akin ni Tito at ni Marjon (pinagtulungan talaga nila ako) na magiging maayos naman ako at walang mangyayaring masama sa akin kapag sa frat ni Marjon ako sumali.
“Eh paano pag sa ibang frat ako sumali?” tanong ko para inisin si Marjon kasi nga gusto niya talaga ako sumali sa frat nila.
“Mas safe ka nga sa frat namin. Kasi ang frat namin, chill lang, hindi nang-aaway, mababait at gwapo pa. Kapag doon ka sa iba, nako lagi kang makakahanap ng away at puro pa kayo pangit.” Sagot ni Marjon sa akin.
Nagtawanan nalang kami.
FIRST DAY of school na namin. Magka block kami ni Marjon kaya lagi kaming magkasama. Andaming gwapo sa block namin. Parang malalaki pa nga eh yung mga kargada nila. Haha! Naisip ko lang.
Halos araw-araw kong naririnig mula sa bungaga ni Marjon na sumali ako sa frat nila. Pero araw-araw din yang naririnig ang rejections ko.
“Ang hirap mo naman pasagutin. Para kang babae” sabi ni Marjon nung nagsawa na siya.
Sa isip ko: ‘FYI, you need some effort para sagutin kita Marjon. Hindi ako easy-to-get na bakla. Hahaha.’ Ano ba yan? Kung anu-ano na naiisip ko. Nafa-fall na ata ako kay Marjon. Bakiiiit?
Ilang araw ko din na hindi narinig sa bibig ni Marjon na sumali ako sa frat nila at kasama na rin doon ang mga araw na hindi ko na siya laging kasama. Nakaka-miss din pala na kasama yung asungot na yun. Hindi ko alam pero parang yung feelings ko kay Marlon ay unti-unti nang lumilipat kay Marjon. Si Marjon kasi masayahin at palabiro samantalang yung isang si Marlon ay seryoso at tipid ngumiti. Natatawa lang yun sa mga joke na waleey. Ewan ko ba.
Napanindigan ko ng isang buwan ang pagiging lalaki kasi nasanay na nga rin kaso parang iba ang gusto ng katawan ko eh. Lalo na nung laging lumalapit sa akin ang isang ka block ko na si Ron. Gwapo si Ron, matangkad na payat, basketball player. Ilang araw na rin na siya palagi ang kausap ko. Nagbu-build na nga kami ng friendship eh kaso gusto ko na friends with benefits para naman hindi sayang yung pagkakaibigan namin. Bet ko si Ron, not the boyfriend type ha, pero just for sex. You know what I’m saying? Lust lang, ganun. Feeling ko kasi masarap siya. Hmmm. Yummy! Hanggang sa isang araw ay inimbita niya ako na sumama sa kanya. Siyempre dahil crush ko na rin siya at mukhang bet niya rin ako eh hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at sumama ako.
Gabi noon. Wala na masyadong estudyante sa campus kasi magna-nine na rin iyon. Pumunta kami sa may gymnasium.
“Anong gagawin natin dito?” tanong ko ng mapansin na kami lang yung tao doon.
“Basta. Relax ka lang. Huwag kang ma-excite ng maaga at baka mabilis kang mapagod sa gagawin natin” sagot ni Ron.
Bigla akong nasayahan sa aking narinig. Sa wakas! Makaka tikim na ulit ako ng titi. Dumiretso kami sa may likuran ng gymnasium. May napansin akong isang upuan doon sa may gilid.
‘Hmm. Pinaghandaan ah’, sa isip ko.
“Upo ka” saad niya.
Tila may kuryenteng dumaloy sa aking katawan na nagpatayo ng aking balahibo at pati na rin ng aking alaga. This is it!
Pagka upo ko sa silya ay lumapit naman siya sa akin. Tumayo siya sa harap ko at kitang-kita ko ang umbok sa kanyang pantalon na gusto nang kumawala. Hahawakan ko na sana ng bigla siyang umikot sa kinauupuan ko. Damang-dama ko ang alaga niya na tumitigas na kasi dinidiin niya ito sa aking mga leeg. Maya-maya pa ay hina-hinay niyang tinatanggal ang belt niya. Habang tinatanggal niya ang belt niya ay patuloy niyang sinasaid ang kanyang alaga sa mukha ko. Hinahalik-halikan ko naman yung umbok niyang nasa loob pa rin. Ramdam ko ang pag kislot ng alaga niya sa loob ng pantalon habang hinahalikan ko iyon. Maya-maya pa ay natanggal na niya ng belt niyang naka pulupot sa beywang niya. This is it! Naisip ko. ‘Ipapasubo na niya ito sa akin. Ayieee!’. Mas lalong tumaas ang libog na nararamdaman ko at mahina ko nang hinahawakan ang alaga niya ng biglang …
“Bakla ka nga, hayop ka!” sambit ni Ron habang pinulupot niya ang belt niya sa aking leeg.
“Sinasabi ko na nga ba eh. Amoy na amoy na kita bakla ka. Masarap ba ha? Akala mo maiisahan mo ako? Hindi!”
“Bita..wan. mo.. a..ko” pagmamakaawa ko nang naramdaman ko na hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa belt na nakapulupot sa leeg ko.
“Pa..rang..awa..mo..na..Hin..di..na..ako..maka..hinga…” dugtong ko.
Tawa lang ang narinig kong sagot niya sa akin. Maya-maya pa ay may apat na lalaki na pumasok sa silid.
“Tulooong!” Sigaw ko nang makita ko sila. Sa wakas, makaka alis na rin ako dito. Pero laking gulat ko nang isa sa kanila ay kumuha ng lubid.
“Walang tutulong sayo, bakla! Matitikman mo ang bangis ng Delta Z!” sabi ni Ron.
Naramdaman ko nalang na naka gapos na pala ako sa silya na kinauupuan ko nang tanggalin ni Ron ang belt sa leeg ko.
“Mga hayop kayo! Anong gusto niyo!” Sigaw ko para takutin sila at para na rin nagbabakasakali na may makarinig sa akin sa labas. Pero wala. Hindi sila natakot at walang dumating na tulong.
“Gusto lang namin ng laro!” sagot ng isang lalaki na naka itim na sa tingin ko ay mas matanda pa sa akin ng ilang taon.
“Wala naman akong ginagawang masama sa inyo ah. Pakawalan niyo ako!” Pagpupumiglas ko. Pero wala. Ayaw masira nung lubid na nakapulupot sa akin.
“Oo naman. Wala kang ginawang masama sa amin. Ang problema lang eh pinsan mo ang nagpapabida at sisiga-sigang kambal dito sa campus! Kaya ang kasalanan nila sa amin ay kasalanan mo rin.” Sabi nung naka itim habang tumatawa.
“Rooon. Tulong.” Pagmamakaawa ko kay Ron.
“Pasensiya na. Requirement kasi ito para masama ako sa frat nila” sagot ni Ron.
At doon ko na realize na away ng dalawang frat pala ito – frat ng pinsan ko at itong frat na dumukot sa akin.
“Good job Ron. Welcome to the Delta Z!” sagot nung naka itim.
“Ako pa talaga ha? Sa dinami-dami ng tao dito ako pa?” sigaw ko.
“Oo ikaw. Kasi nakikita ko na mahina ka. Hindi ka kagaya ng iba. At naaamoy ko ang sekreto mo at napapansin ko din na gusto mo itong si Ron. Kaya ayan, ikaw ang napili ko para ipatikim kay Ron ang unang parte ng initiation ng frat.” Sagot nung naka itim pa rin na para bang siya ang lider ng frat na ito. Kaya pala sabi ni Marjon na pangit nga talaga sila.
“Roooon! Simulan mo na!”
Pagkasabi ng lalaking naka itim na iyon ay bigla ko na lang naramdaman ang isang kamao na tumama sa mukha ko at isang kamao pa sa tiyan ko. Hindi ko alam ang feeling ng sakit na tumama sa tiyan ko para akong masusuka. Ilang sapak pa ang tumama sa bahagi ng katawan ko. Hanggang sa may naramdaman akong tubig na gustong lumabas sa bibig ko. Sinuka ko ito at napansin ko na dugo pala iyon. At naramdaman ko din na may dugo rin na lumalabas sa ilong ko pati na rin sa gilid ng labi ko.
“Tama na yan Ron. Sumuka na siya ng dugo. Good job. First part ng initiation is complete!”
Iyon ang huling narinig ko dahil bigla na lang nagdilim ang paligid ko at maging ang katawan ko ay hindi ko na maigalaw.
NAGISING ako sa isang hindi pamilyar na silid. Kinabahan ako at natakot na baka dinala na naman nila ako sa lugar nila. Na baka pagtulungan na naman nila ako. Bigla ko ulit naramdaman ang sakit ng katawan ko lalo na sa may bandang tiyan ko.
“Tsoy, gising ka na pala. Kumusta ka?”
Si Marjon. Sa wakas! Naka hinga na rin ako ng maluwag kasi alam ko na safe na ako kasi nandito si Marjon.
“Walang hiya talaga mga Deltazwang na yan. Ang lakas ng loob tumira ng mahihina!” sigaw ng isang lalaki naka uniform ng school namin. Sa tingin ko nasa mas mataas na year na siya kasi may uniporme na siya at mukhang mas matanda pa sa akin.
“Hoy, Rigor huwag ka nga! Sinong mahina? Pinsan ko? Nakow, kung alam mo lang hindi ito mahina dahil may dugong Acedilla ito. Pasalamat lang sila at marami sila.” Sagot ni Marjon.
Nahiya ako sa sinabi ni Marjon dahil sa totoo lang mahina nga naman ako kasi nga heto bakla naman kasi ako. Hindi ko kayang lumaban. Hindi ko kayang makipag-sabayan sa suntokan. Heto lang ako oh, bakla – lagi nalang nasasaktan.
“Ayos lang ako insan. Malayo ito sa bituka.” Tugon ko para hindi na masyadong mag-alala sa akin si Marjon.
Pinilit kong tumayo kaso ang sakit pa talaga ng katawan ko. Mabuti nalang at nandyan si Marjon na umalalay sa akin. Sumandal ako sa higaan at nakita ko ang buong silid.
“Nasaan ako?” tanong ko.
“Nasa headquarters ka” sagot nung bet kong chinito. Kasama nga pala ni Marjon ito sa frat.
“Huwag kang mag-alala, safe ka dito tsaka walang makakagalaw sayo kasi kasama mo kami.” Sabi nung isa na naka uniporme kanina.
“Siya nga pala insan, mas mabuti na ipakilala kita sa mga ka-brad ko total nandito naman itong dalawa. Yang naka uniporme si Rigor at yang …” Hindi natapos ni Marjon ang pagsasalita dahil sumingit si chinito na naka-ngiti at nakipagkamay sa akin.
“Just call me Jin” pagpapakilala niya na naka ngiti. Ang cute niyang tignan lalo na kapag ngumingiti siya kasi parang nawawala mga mata niya.
With all these three cute boys sa paligid ko ngayon, I’m sure mabilis akong gagaling.
“Kaya mo na mag lakad? Uuwi na tayo.” Tanong ni Marjon.
Sinubukan kong tumayo at nagawa ko naman kasi inalalayan ako ni Jin, my chinito crush. Hindi ko alam kung bakit nakukuryente ako nung nagka-bangga ang aming mga katawan. Parang gusto kong matunaw. Inalalayan ako ni Jin hanggang sa labas ng headquarters nila. Habang naglalakad kami ay palaging naka ngiti si Jin sa akin at siyempre marupok ako pagdating sa mga smile-smile effect na yan. Unti-unti akong namumula at sa tingin ko napansin iyon ni Jin.
“Matagal ka na sa frat?” Tanong ko nalang para iwas-kilig kasi sa totoo lang kinikilig talaga ako.
“3 years. I started when I was in my first year sa school” sagot naman niya.
“Are you half?” tanong ko.
“Half? Hindi ah. Straight ako. Cute lang talaga ako tignan”
“Haha. Confident mo rin nuh. Tsaka what I mean is that half-Chinese ka ba?”
“Ah. Oh yeah. My mom is Filipino and my dad is Chinese.”
“That makes sense” sabi ko.
May isang magarang kotse sa labas at may isang lalaki na naghihintay sa may pintuan. Pamilyar sa akin ang mukha ng lalaking iyon dahil siya iyong naka suot ng itim na mukhang rebel nung nagpa-enrol kami.
“Kumusta buddy? Ayos ka na?” tanong niya. Naka uniporme din siya.
“Yeah buddy. I’m good.” Bumalik na naman pagiging low voice ko para magtunog matso. Hahay! Nakaka-inis gawin ng boses na iyon at ayaw ko pakinggan. Kaso nasa stage of discretion pa ako sa tunay kong identity kaya tiis-tiis muna.
“Siyanga pala, I’m Nico and I will be your driver tonight” saad niya.
TAHIMIK sa loob ng sasakyan habang binabagtas namin ang kahabaan ng Magsaysay Road. Madilim na sa paligid kasi mag-aalas-dos na ng madaling araw. Hindi ko alam kung makaka pasok pa ba ako bukas dahil sa sakit ng katawan ko at sa sugat ko sa may labi. Pero nalinis na naman yung mga sugat ko at hindi ko lang alam kung sino ang naglinis.
“Salamat nga pala sa tulong niyo. Kung wala kayo, hindi ko alam kung anong nagyari sa akin.” Sabi ko.
“Huwag kang mag-alala, Reinhart kasi sino man ang malapit sa isa sa mga miyembro ng grupo ay kaibigan na rin namin.” Sagot ni Jin na katabi ko. Hindi ko alam kung bakit tumabi sa akin si Jin. Ang weird lang sa feeling kasi ngayon lang naman siya ganito sa akin.
“Pasalamat ka dito kay Nico at narinig niya pagsigaw mo doon sa likod ng gym kaya agad ka niya napuntahan at nadala sa HQ.” sabi ni Marjon.
“Salamat Nico.” Tugon ko. Nakita ko naman na ngumiti si Nico habang nagda-drive.
Maya-maya pa ay naka uwi na kami sa bahay. Madilim na sa loob, tanging maliliit lang ng ilaw sa may bakod ng bahay ang nagpapaliwanag dito. Alas dos y media na pala ng madaling araw.
NAGISING AKO sa alarm ng aking cellphone. Haaayst! Alas sais na pala ng umaga. Ilang oras lang tulog ko kaya parang ayaw ko pang bumangon. Tsaka masakit pa yung katawan ko dahil sa paggulpi sa akin kahapon. Ilang minuto din ako sa pagkakahiga ng biglang pumasok si Marlon sa silid ko.
“Ayos ka lang?” tanong ni Marlon. “Sinabi sa akin ni Jon yung nangyari sa iyo. Patingin nga ng sugat mo.”
Lumapit siya sa akin at umupo sa higaan ko. Tinitigan niya ako. Pakiramdam ko para akong matutunaw sa mga titig niya sa akin. Mas napansin ko tuloy ang ka-gwapuhan ni Marlon at naalala ko na naman ang paghanga ko sa kanya. Maya-maya pa ay hinawakan niya ang mga labi ko at mahina niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Isang daloy ng kuryente ang biglang nabuhay sa katawan ko dala ng kilig. Unti-unti na namang nabubuhay ang alaga ko na kakagising lang din. Pinikit ko ang aking mga mata upang mas lalo kong malasapan ang tamis ng aming unang halik. Ilang segundo ko ring hinantay ang pagdampi ng mga labi niya sa mga labi ko ngunit parang masyado na atang matagal. Nagulat nalang ako ng bigla niyang pinisil ang sugat ko sa may labi.
“Araaaaay!” sabi ko nang nasasaktan.
“Masakit ba?” tanong ni Marlon.
“Baliw ka ba?! Masakit talaga yan kasi pinisil mo. Gag* ka pala eh.”
“Chine-check ko lang kung okay na ba para kung hindi pa okay eh malinis ko pa at malagyan ng gamot.”
Tumayo si Marlon at lumabas na ng silid ko. Hahayst! Akala ko pa naman hahalikan na niya ako kaso hindi pala, chineck lang pala niya ang sugat ko. Haaay nako naman! Mukhang wala talaga akong chance na matikman ang kambal na ito ah. Halos isang buwan na ako dito kaso wala pa akong natitikman ah. Lugi ata ako. Hirap talaga kapag tinatago mo ang kabaklaan mo kasi hindi ka nakaka-score ng titi mula sa mga boys.
Maya-maya pa ay bumalik si Marlon na may dalang tuwalya at first aid kit box.
“Linisin ko muna iyang sugat mo.”
“Huwag na. Ako na. Kaya ko pa naman.” Sagot ko kasi nakakahiya naman sa kanya. Nakaka abala pa ako.
“Hart, I insist!”
‘He just called me Hart? Oh my ghosssh Marlon. Ang sweet mo!’ Natatawa ako habang iniisip ko yun.
Unti-unti na namang nabubuhay ang mga kuryente sa aking katawan nang dumampi ang tuwalyang hawak ni Marlon sa mga labi ko. Alam kong masakit iyon habang nililinis niya ang sugat ko kaso hindi ko nararamdaman ang sakit dahil masaya ako habang ginagawa iyon ni Marlon sa akin. Mabait talaga si Marlon at napaka gentle. Hahayy! Bumabalik na naman iyong paghanga ko sa kanya. Nalipat na sana iyon kay Marjon kaso itong si Marlon ay lumalaban din eh. Hahaayst! Sige na nga. Bet ko nalang silang dalawa.
Ilang minuto din kami sa ganoong sitwasyon na magkalapit ang aming mukha at amoy namin ang hininga ng isa’t isa. Nilasap ko bawat kurba ng mukha niya – sobrang perfect talaga. Pati mga sulok ng labi niya ay nilasapan ko sa pagtitig. If there is one perfect man I wanna have in my life – not just for sex – pero pang forever, it will be someone like Marlon.
“Oh ayan insan. Tapos ko na.” Sabi ni Marlon.
“Salamat insan.” Tugon ko naman.
“Sige bababa na ako para mag-prepare. Baba ka na rin kasi kakain na.”
“Sige kuya. Susunod ako.”
NAKAHANDA na ang almusal pagkababa ko. Tocilog ang almusal namin kasi may tocino, sinangag, at itlog. May gatas pa. Lumapit muna ako kay tita na nasa kusina para tulungan siya sa ginagawa niya doon.
“Magandang umaga po Tita Azon. Tulungan na po kita dyan.” Sabi ko.
“Huwag na pamangkin. Ako na bahala dito. Pumunta ka na sa sala at bababa na maya-maya mga pinsan mo pati na rin tito Caloy mo.”
Mabait talaga si Tita Corazon. Halos lahat ng gawaing bahay ay siya na gumagawa pero siyempre kapag mas bakanteng oras ako ay tinutulungan ko din naman siya. Maya-maya pa ay bumaba na nga sina Tito at ang kambal.
“Ayos ka na ba, iho?” tanong ni Tito. “Nabalitaan ko yung nangyari sa iyo. Naikuwento sa akin ni Jon-jon.” Napansin ko ang pagngiwi ng mukha ni Marjon ng marinig niya ang ‘Jon-jon’. Haha! Alam ko na palayaw mo asungot ka.
“Alam mo iho,” pagpapatuloy ni Tito. “Ganyan talaga sa College, may mga magtitrip sa iyo. Isa yan sa mga magiging challenge mo sa college lalo na sa university na yan. Maraming mga siraulo dyan! Akala mo sinong matapang eh bahag pala ang buntot kapag lalabanan. Kaya kawawa ka talaga kapag walang magtatanggol sa iyo. Mabuti nalang may mga kasamahan sa frat itong anak ko kaya at least may nakatulong sayo. Kaya kung ako sayo pamangkin, sumali ka sa frat nila para maging safe ka at may reresbak pa sayo kapag na-agrabyado ka.”
HINDI MAWALA sa isipan ko ang sinabi ni Tito Caloy. Totoo naman kasi na marami ngang siraulo dito sa campus na hindi mo alam kung sino ang kaibigan mo at sino aaway sayo. Lalo na ngayon na baguhan lang ako dito sa campus at wala masyadong kaibigan. Sino tutulong sa akin kapag pinagtripan ulit ako?
Natapos ko ang buong araw na hindi pinapansin si Ron. Galit na galit ako sa traydor na iyon. Akala ko pa naman siya na magiging ‘sex buddy’ ko kaso hindi pala – kalaban pala siya. Binibiro pa niya ako sa tuwing titingin ako sa kanya. May mga ginagawa siya sa mukha niya para inisin ako. Mabuti nalang at hindi ako iniiwan ni Marjon.
Pagkatapos ng klase ko nung araw na iyon ay napagdesisyunan ko na na sabihin kay Marjon ang totoo. Alam kong hindi ko pa kaya na sabihin itong nararamdaman ko kaso wala nang ibang panahon para sabihin ito sa kanya.
“Insan. Nakapag-decide na ako.”
Nagulat si Marjon sa sinabi ko. “Na ano?”
“Sinasagot na kita,”
Biglang natahimik si Marjon at makikita mo talaga ang gulat niya sa ekspresyon ng mukha niya.
“I mean, sasama ako sa fraternity niyo.” Tugon ko.
“Sigurado ka insan?”
“Oo insan. Kailangan ko ito to survive. Matatanggap kaya ako sa frat niyo?”
“Nakadepende iyan sa resulta ng initiation insan.”
“Paano ba?”
“Kung hindi mo kayang gawin ang initiation o kapag hindi mo magawa, siyempre hindi ka matatanggap.” Explain ni Marjon.
Naalala ko ulit iyong ginawa ni Ron sa akin. Naalala ko na ginawa niya iyon bilang parte ng initiation niya sa frat na sasalihan niya. Naisip ko, ganoon din kaya ang gagawin ko sa initiation? Hindi ko naman alam panu makipag-away o kahit nga manuntok eh hindi ko magawa. Baka ako pa ang mapatay sa gagawin ko. Thinking about that, my body chills.
“Huwag kang mag-alala. Hindi kami harsh magbigay ng initiation. Saktong sakit lang naman mararamdaman mo. Parang ganun lang din sa ginawa ni Ron sayo.” Sabi ni Marjon nang napansin niya ang malalim kong iniisip.
Nang marinig ko iyon ay mas lalo akong kinabahan. Gusto kong bawiin ang sinabi ko.
“At insan, once na nakapag-decide ka na, wala nang bawian at wala nang atrasan.”
At ayun nga, I have no choice.
KINABUKASAN SABADO ay pumunta kami ni Marjon sa Headquarters ng frat nila. Sakto naman at wala kaming pasok kapag Sabado kaya iyon na rin na araw nila gagawin ang initiation ceremony ko.
Nasa isang madilim na kwarto ako habang ang ibang grupo ng frat ay nasa living room at nag-uusap. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila pero alam ko na pinag-uusapan nila kung ano ipapagawa nila sa akin. Maya-maya ay narinig ko ang tawanan nila. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako sa posibleng mangyari. But I need this! I decided na gusto kong maging malakas para hindi na ako laging sinasaktan at kung saktan man ako ay alam ko panu bumawi. In short, I decided na magpakalalaki na para na rin sa tatay ko. Siguro ito na panahon para baguhin ang sarili ko. Isang buong gabi ko itong pinag-isipan at napagdesisyunan ko na magpakalalaki na. Kaya heto ako ngayon, nasa HQ ng Stitches and Burn, sisimulang baguhin ang pagkatao ko.
Maya-maya pa ay may pumasok na limang lalaki sa kwarto kung saan ako naroroon. Kilala ko ang ilan sa kanila – nandyan si Nico, si Jin, si Rigor, at may dalawa na hindi ko pa kilala. Nagtaka ako kung bakit wala doon si Marjon. Maya-maya pa ay pinaupo nila ako sa isang upuan na nakalagay sa gitna ng kwarto.
“Handa ka na ba sa initiation mo, Reinhart?” tanong ni Rigor.
“Oo naman. Simulan niyo na.” Sabi ko na upang lakasan ang loob ko.
“Sige sige. So here’s the choice na ibibigay namin para sa magiging initiation mo.”
Aba may choices pa pala. “Ano iyon” tanong ko.
“HIRAP O SARAP” sabi ni Rigor sabay tawa. Sumama na rin sa pag tawa ang iba. Naisip ko anong nakakatawa doon.
“Ano Reinhart. Anong gusto mo – HIRAP O SARAP?!”
Continue Reading Next Part