Kuya Armando (Part 9)
By: VersaDad
Sa lahat ng sumusubaybay sa aking bawat mainit na karanasan kasama si Kuya Armando, maraming salamat po.
Sa puntong ito, pakiwari ko ay masyado ng marami ang nangyayari sa amin ni Kuya Arman. Patapos na rin ang taon at mas pinili kong mamasukan bilang working student sa loob ng isang buwan at hindi ko akalain na kakaibang karanasan naman ang mararamdaman ko. Ang umibig.
Tama. Hindi ito naglalaman ng maseselang kaganapan ngunit nais ko rin itong ibahagi dahil isa ito sa mga nagmulat sa akin kung ano ba talaga ako at kung ano ang sakit at sarap ng isang pagmamahal.
Nagsimula ako sa aking trabaho sa isang di kilalang kumpanya. Marami rami rin kami noon. Galing sa iba ibang eskwelahan ngunit may iisang taong pumukaw sa aking atensyon, si Owen.
Matangkad, gwapo, maputi, at tila marami ang nakakakilala sa kanya. Kaya naman kahit nais kong mapalapit sa kanya ay umiwas na rin ako. Hindi sya palakibo ngunit mahusay sa trabaho. May mga nagkakagusto rin sa akin doon ngunit ang araw araw kong sinusulyapan ng palihim ay si Owen.
Hindi ko rin masisi ang aking sarili. Sya talaga yung tipo ng tao na lilingonin mo at talaga namang mapapatitig ka.
Lumipas ang ilang araw at nagkaron ako ng pagkakataong makausap sya ng magkasabay kami sa pantry.
"Owen? Kamusta trabaho? Nakakapagod din no?" Bungad ko. Nagbabaka sakaling magsimula ang usapan.
"Uy Greg! Oo nga. Pero masaya naman. Kaw kamusta? Tara dun na tayo sa table." Yaya naman nya matapos naming mag-init ng pagkain.
Totoo ba to? Akala ko ba iiwas ako? Pero bakit parang ako pa ang gumagawa ng paraang mapalapit sa kanya? Tugon ko sa sarili. Bahala na.
Naging maayos ang usapan namin. Masaya. Pakiwari ko ay naging magaan ang loob namin sa isat isa. Simula noon ay lagi na kaming magkausap. Magkasabay kumain. Sabay rin kaming umuuwi.
Masaya ako sa kung anong mayroon kami kaya minabuti kong isantabi na lamang ang pagnanasa ko sa kanya. Sobrang saya ko na basta magkausap at magkasabay lang kami ay ok na ok na ako.
Isang araw pauwi kami ay sumakay kami ng van. Ibang ruta kaysa dati para makita namin kung mas mabilis ba ang byahe. Sa pinakadulo na kami nakaupo, ako sa tabi ng bintana. Nagulat kami ng biglang pinatay ang ilaw sa loob. Madilim at naguusap kami sa text at nagbabantay kung may panganib bang dala ito. Napansin namin na tulog na halos lahat pati mga katabi nya sa kanyang gilid kaya naisip namin na baka ganito talaga.
Nagulat na lang ako ng bigla nyang sundutin ng daliri nya ang tagiliran ko. Buti at hindi ako nagingay sa gulat at kiliti.
"Hahaha. Nakikita ko kasing tuwing lalapit ang iba nating kasamahang babae ay kinikiliti ka nila sa tagiliran mo. Tinitignan ko lang kung totoo o nagpapagwapo ka lang sa mga yun." Sabi ni Owen.
"Adik ka. Buti hindi ako napasigaw o napatawa ng bigla. Andami ng natutulog oh. Hahahaha." Sagot ko ngunit sa loob loob ko ay kilig na kilig ako at tila ba pinagmamasdan nya rin ako sa malayo? Pero malabo!
Napansin ko na hawak pa rin ng kanang kamay ko ang kaliwang kamay nya dahil sa pagpigil ko sa pagkiliti nya kanina. May demonyo atang sumapi sakin at dahan dahan kong hinihigpitan ang hawak ko. Ngunit, hindi ko alam pero napansin ko na lang na magkadaupang palad na kami, nakababa ang mga kamay namin sa aming gilid, sa pagitan ng aming mga hita.
Sandali! Bakit? Ano to? Gulong gulo ako pero pilit ko itong binabalewala.
"Nasaan na ba tayo?" Pilit kong pagiba sa usapan namin. Bahala na. Ayokong bumitaw sa pagkakahawak. Ngunit nagtataka rin ako dahil nakahawak din naman si Owen sa mga kamay ko. Kasing higpit ng hawak ko sa kanyang kamay.
"Hindi ko rin alam pero mukhang malapit na siguro dahil sabi nila mas mabilis raw ang byahe dito sa van." Sabi naman ni Owen.
Sa mga sandaling iyon alam kong sobrang init na ng buong katawan ko dahil sumasagi sa isip ko si Kuya Arman. Tila ba naiisip ko kung pano kung payag din si Owen sa mga ganung bagay? Andaming tumatakbo sa isip ko ng biglang ibangga ni Owen ng bahagya ang kanyang ulo sa aking ulo…
"Uy, tulala ka na. Matulog ka kaya muna?" Tanong nya.
"Ah? O, oo nga. Pero pano ako matutulog? Ganito?" Sabay sandal ng ulo ko sa balikat nya. Mas matangkad si Owen sa akin kaya naman saktong sakto lamang ito.
Putcha! Anong ginagawa ko? Nakakahiya na. Pero! Ibang saya ang nararamdaman ko.
"Ikaw bahala." Sabi ni Owen.
Para akong kinuryente sa sagot nya at para bang mawawalan ako ng malay. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Para akong sasabog!
Napakabango ni Owen. Napakasarap hawakan ng kamay nya. Ayoko ng matapos ito kung panaginip man ito ng biglang bumukas ang ilaw ng van at nagsimulang gumising ang mga tao.
Agad agad kaming kumalas ni Owen. Nagpaalam na kami sa isat isa pagkababa namin.
"Ang saya ng van ah!" Tuwang tuwa kong sabi sa kanya.
"Oo nga. Ang bilis saka kumportable ang byahe." Sagot naman niya.
"Bukas ulit Greg! Ingat!" At nagsimula na syang maglakad papalayo.
"Mag-ingat ka! Text na lang bukas!" Sigaw ko naman.
Nilingon nya ako at kumaway na may kasamang matamis na ngiti.
Text na lanf bukas? Ano yun? Para akong baliw. Hindi ko na alam pinagsasabi ko.
Bukas. Ano kaya ang mangyayari bukas? Sigurado akong hindi ako makakatulog mamayang gabi kakaisip kay Owen at sa lahat ng nangyari sa araw na ito.
Nasa kama na ako at paikot ikot upang makatulog ng biglang may dumating na text. Si Owen?
Continue Reading Next Part