Where the Stars Fall Down (Part 1)
By: Kier Andrei
Author's Note
If you're reading this part, malamang ay minumura na ninyo ako dahil sa ending noong kwento. Pero bago po ninyo ako ipakulam ng tuluyan, please know that Alee's story doesn't end there. Kumbaga sa telenovela, may Book 2. Napansin ko na kasing masyado nang mahaba samantalang gitna pa lang kung tutuusin. The next part would start fifteen years after. Other than that, wala na akong ibang sasabihin pa para kunwari, may suspense. Hahaha Anyway, despite the abrupt ending, I hope you still enjoyed reading. Alam kong medyo mabagal iyong takbo noong kwento pero sana ay na-enjoy niyo pa rin kahit papaano. And with that, hope you read the next part of Alee's story.
“Bille?”
Napilitan akong magmulat ng mga mata nang walang sumagot sa akin. Antok na antok pa ako pero maging ang makapal na kumot ay hindi na kaya pang labanan ang lamig sa loob ng kuwarto kaya kailangan kong bumangon. Malamang ay iniwan na naman ni Bille ang aircon na nasa pinaka-malakas. Kung gusto kong makabalik sa pagtulog, kailangan ko iyong hinaan.
Ilang beses ko ding ikinurap ang mga mata ko para sanayin ang mga ito sa dilim saka ako tumingin sa paligid. Malamlam ang ilaw na nagmumula sa poste ng kuryente mula sa labas ng bintana pero sapat na iyon para makita kong wala nga si Bille sa loob ng kuwarto. Sigurado ko ding wala siya sa banyo dahil patay ang ilaw doon. Wala din naman akong ibang marinig maliban sa mahinang ugong noong aircon. Napatitig na lang tuloy ako sa may bintana at nag-isip.
Kung tuluyan akong babangon ay siguradong mahihirapan na akong matulog ulit kaya ako nagdadalawang-isip. Alas dos pa lamang ng madaling araw ayon doon sa digital alarm clock ni Bille na nasa lamesang katabi ng kama. Kapag bumaba ako sa kama at gumalaw, malamang-lamang na wala nang tulugang magaganap pagkatapos. Sa huli, pinili ko pa rin bumangon na lamang.
Inilibot kong muli ang mata ko sa loob ng kuwarto bago gumalaw. Tulad noong unang pagkakataon na natulog sa kanila, hindi ko naiwasang ikumpara ang kuwarto ni Bille sa kuwartong tinutulugan ko sa bahay kasama ang apat ko pang nakababatang kapatid. Hindi man lamang kumalahati iyong kuwarto namin sa kuwartong iyon. Wala din kaming malaking kama katulad noong kay Bille na kasya yata ang limang tao nang hindi nagsisikikan. May sarili din siyang computer, stereo, at TV, at kung anu-ano pang gamit sa loob ng kuwarto na sa aming mga magkakapatid ay hanggang pangarap na lamang.
“Magkakaroon din kami nito pagdating ng araw.” Sabi ko na lang sa isip ko bago itinutok sa pinaglalagyan ni Bille ng gitara ang mga mata ko. Wala doon iyong acoustic guitar niya at isa lang ang ibig sabihin noon. Nasa bubong siya ng bahay ng mga oras na iyon.
Kumuha ako ng jacket mula sa cabinet niya at isinuot iyon bago marahang nagpunta sa likod bahay.Niyakap ko na lamang ang sarili ko pagkalabas para labanan ang lamig. Madali kasi talaga akong lamigin. Mahipan lang nang malamig na hangin ang likod ko ay kinikilabutan na ako.
Bago pa man ako makarating doon sa pader na pinagsandalan niya noong hagdan para makaakyat sa bubungan nila, dinig ko na ang mahina niyang pagtugtog ng gitara.
Pataas iyong lugar na kinatitirikan ng bahay nina Bille kaya halos kita mo talaga ang kabuuan ng barangay kapag umakyat ka sa bubong. Iilan din ang matataas na puno doon kaya pakiramdam mo ay nasa pinakatuktok ka ng daigdig lalo na sa mga gabing katulad noon na parang ang lapit lang ng buwan at mga bituin.
Napangiti na lang ako nang makita ko siyang nakaupo paharap sa buwan at patuloy na naggigitara. Pamilyar sa akin iyong tugtog dahil madalas niya iyong gitarahin pero hindi ko alam kung anong kanta iyon.
Marahan na lamang akong lumapit at saka umupo sa tabi niya. Ngumiti lang naman siya sa akin pero hindi tumigil sa pagtugtog. Hindi na din naman ako nagsalita at tumingin na lamang sa buwan.
Bata pa kami ay magkakilala na kami ni Bille. Naglalaba kasi ang Nanay sa bahay nila bago pa man sila nagpakasal ni Tatay kaya noong maipanganak ako, lagi niya akong isinasama doon. At dahil nag-iisang anak at isang buwan lang naman ang pagitan ng edad naming, mabilis kaming nagkasundo.
Noong una ay nag-aalangan ako sa kanya dahil na din sa pagkakalayo ng antas ng pamumuhay ng mga pamilya naming. Isang abogado ang Papa ni Bille at manager naman sa rural bank ang mama niya samantalang si Tatay ay nakikisaka lang sa bukid habang si nanay naman ay namamasukan lang na tiga-laba sa bayan namin. Nagkataon lang talaga na matagal nang magkaibigan sina Tatay at ang Papa ni Bille kaya kahit papaano ay malapit ang mga pamilya namin.
“Hindi ka din makatulog?” Tanong ni Bille sa akin kapagdaka. Umiling lang ako.
“Nagising ako sa lamig.” Sagot ko lang.
Nagsalubong agad ang kilay niya at napatingin sa akin.
“Pinatay mo na lang sana iyong aircon.” Aniya sabay taas noong zipper ng suot kong jacket.
Kung may namana man kasi si Bille na iba mula sa Papa niya maliban sa kaguwapuhan, iyon ay ang pagiging maalaga ni Tito Mario.
Simpleng bagay siguro sa paningin ng iba katulad na lamang noong pagsasara niya noong jacket na suot ko o di kaya ay iyong paniniguro niyang kumportable ang sino mang kasama niya pero para sa akin ay malaking bagay na iyon. Marahil ay dahil na din sakapag nasa bahay ako, sa dami naming magkakapatid, halos hindi na ako mabigyan ng atensiyon ni Nanay dahil sa ako naman ang pinakamatanda. Kailangan ko ring alagaan ang mga kapatid ko kaya kapag ganoong ako ang inaalagan kahit na sa mga simpleng bagay lang, hindi ko maiwasan ang matuwa.
“Excited ako para bukas.” Aniya na nakangiti kapagdaka. “Kaya yata hindi ako makatulog.”
Natawa na lamang ako sa sinabi niyang iyon. Unang araw ng pasukan namin sa St Jerome Academy kinabukasan. Hindi na iyon bago sa kanya kung tutuusin dahil doon naman talaga siya nag-aral simula pa kinder.
Kung meron mang dapat na excited ay ako iyon. Maliban sa first year high school na kami, sa eskwelahan pa nila na tinaguriang eskwelahan ng mayayaman sa bayan namin ako mag-aaral.Ang kaso, mukha talagang mas excited pa siya sa akin dahil ipinilit pa niyang sa bahay na nila ako matulog para sabay kaming pumasok kahit sa unang araw man lamang daw. Dahil mapilit, pinagbigyan ko na lang.
Alam ko namang sabik lang sa kapatid na lalaki si Bille kaya siya ganoon. Sa bahay man kasi nila nakatira ang pinsan niyang si Ate Aubrey ay iba pa rin naman kapag kapareho mong lalaki ang kasama. Isa pa, sa lakas mang-asar ni Ate Aubrey, ikaw talaga mismo ang maghahanap ng kakampi o ibang makakasama.
Hindi ko nga alam kung paanong natatagalan ni Kuya Reynold, iyong boyfriend ni Ate Aubrey, ang pang-aasar niya. First year pa lang sina Ate Aubrey noong maging sila ni Kuya Reynold pero iyon nga at sila pa rin samantalang pareho na silang nasa huling taon ng high school. Magkaibang eskwelahan pa sila nag-aaral sa lagay na iyon.
“Excited kang kumugin na naman ng mga babae mo bukas. Hindi ka pa ba sanay?” Biro ko kay Bille. Pinaningkitan niya lang ako ng mga mata.
Magkatabi lang kasi iyong pampublikong paaralan na pinasukan ko noong elementarya at ang St. Jerome kaya hindi na bago sa akin ang balita ng mga nagkakagusto kay Bille. Maging sa eskwelahan din naman namin ay may mga nagkakagusto sa kanya na hindi naman katakataka dahil maliban sa matangkad para sa edad niya, guwapo naman talaga si Bille. Matangos ang ilong, malamlam ang medyo singkit na mga mata, may kanipisan ang mga labi na laging nakangiti. Idagdag pang anak-mayaman at hindi isnabero katulad ng ibang nag-aaral sa St. Jerome. May kayabangan nga lang kung minsan pero hindi naman iyong tipong nakakairita.
Alam lang talaga ni Bille kung ano ang meron siya at hindi niya ikinakahiya iyon.
“Ano namang akala mo sa akin? Manyak?” Angal niya.
“Ikaw nagsabi niyan. Hindi ako.” Sagot ko lang na tumatawa.
Pareho lang kaming trese anyos ni Bille pero minsan, pakiramdam ko, malayong mas matanda siya sa akin. Parang ang bilis lang niyang nagbinata samantalang ako ay naiwan pa rin sa pagiging isang totoy.
Pinitik niya ang ilong ko bago pa man ako nakaiwas saka siya nagpakawala ng isang buntong-hininga.
“I just feel like something big is about to happen.” Aniya.
Napangiti na nlang ako. Sa mga ganoong pagkakataon ko mas nararamdaman ang pagkakaiba naming dalawa. Para kasing ang lalim na niyang mag-isip. Idagdag pang nakatitig siya ng matimtiman sa buwan ng mga oras na iyon kaya iba ang dating para sa akin.
Tumingin na din lang ako sa buwan dahil wala naman akong alam na isasagot. Bilog na bilog iyon ng mga oras na iyon at para bang ang lapit-lapit. Tipo bang kapag inabot mo ay talagang mahahawakan mo na. Ganoon din ang mga bituin.
“Ang ganda talaga ng langit kapag ganitong oras.” Sabi ko.
“Yeah…” Sagot lang niya.
“Buwan nga ba talaga? Eh bakit iyong isa diyan, kung saan-saan nakatingin?” Biglang sabat nang isang boses na muntik ko nang ikatalon. Kung hindi pa ako nahawakan ni Bille ay baka nahulog na ako.
“And with that, kumpleto na ang gabi. Oo nga naman. Bilog ang buwan. Lalabas talaga ang mga aswang.” Naiiling na sabi ni Bille bago pa man nakalapit sa amin si Ate Aubrey.
Binatukan ni Ate Aubrey si Bille bago siya tumabi sa akin. Napaggitnaan tuloy nila akong dalawa.
“Anong meron at nagmo-moment kayo?” Tanong sa akin ni Ate Aubrey.
“Ewan kay Bille.” Sagot ko, pilit pa ring kinakalma ang sarili. Hindi pa rin kasi ako nakakabawi sa pagkagulat.
“Hoy, panget! Bakit ka nagdradrama?” Si Bille naman ang tinanong ni Ate Aubrey.
Inaasahan ko na ang pagsiko sa akin ni Bille kaya nagkunwari na lang akong hindi iyon napansin. Alam ko na din naman kasi ang susunod niyang saabihin.
“Panget daw. Tinatanong ka ng impakta.” Aniya. Binatukan na naman tuloy siya ni Ate Aubrey.
“Tarantado. Ikaw ang tinatanong ko.” Ani Ate Aubrey.
“Ang pogi ko kaya.” Sagot naman ni Bille. Tinignan ko na lang siya ng masama.
“So, panget ako?” Tanong ko habang titig na titig sa kanya. Nagpa-cute lang sa akin ang kumag. Sinamahan pa niya iyon ng pagpisil sa ilong ko.
“Sabi ko nga, ang cute-cute mo.” Aniya.
Inirapan ko na lang siya at ibinalik ang pansin sa buwan. Sakto namang umihip ang malamig na hangin kaya nanginig ako ng bahagya sa lamig. Sabay pa silang yumakap sa akin.
“Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng tinga.” Natatawang sabi ko na lang. Natawa na din lang silang dalawa pero hindi ako binitawan.
Sa awa ng Diyos ay hindi na din naman umangal si Bille nang magyaya na si Ate Aubrey na bumaba. Isang oras din yata kami sa bubong na nagkukuwentuhan at nagkakantahan lang bago nagsimulang maghihikad si Ate Aubrey.
Pagdating sa kuwarto, nauna na akong sumampa sa kama dahil hininaan pa ni Bille iyong aircon.
“Nilalamig ka pa ba?” Tanong niya sa akin pagsampa niya ng kama.
“Hindi na mayado.” Sagot ko lang saka tumagilid na para matulog.
Naramdaman ko na lang ang pagsiksik sa akin ni Bille at ang paglalapat ang likod naming dalawa maya-maya. Napangiti uli ako.
“Kahit kailan talaga…” Sabi ko pa sa isip ko bago ako muling nakatulog.
Kung meron man sigurong bago para sa akin sa pagpasok ko sa St. Jerome Academy ay ang mga facilities na mayroon ang eskwelahan. Hindi man air-conditioned ang mga classroom ay maluwang iyon at maayos lahat ng mga gamit. Imbes din na blackboard ay whiteboard ang gamit ng mga guro sa pagtuturo. May kanya-kanya din kaming locker sa loob mismo ng classroom.
Pero ang pinakanagustuhan ko ay ang library nila at computer laboratories. Ang dami kasing libro sa library nila at halatang alagang-alaga. Iyon namang computer laboratory nila ay puro bago ang gamit at may internet connection pa. Idagdag pang tig-iisa kami ng gamit kapag klase. Pwede din daw naming gamitin iyon kapag bakante namin at walang ibang gumagamit.
Ibang-ibang kasi iyon kumpara sa nakasanayan ko sa pampublikong paaralan na maliban sa gulagulanit na ang libro, tatlo pa kayong maghihiraman sa klase. May mga pagkakataon tuloy na pakiramdam ko ay nanaginip ako.
Hilig ko naman na kasi ang mag-aral dati pa. Mahilig din akong magbasa ng kung anu-ano lang. At dahil may internet connection, nagagawa ko na ring magbasa ng iba pang bagay na wala sa libro. Inaasar na nga ako ni Bille dahil kung wala daw ako sa computer laboratory, nasa library lang ako.
“Apat na taon ka pa dito, hoy! Huwag mong sabihing balak mong basahin lahat ng libro ng library.” Puna niya sa akin minsan madatnan niya ako doon.
“Isang buwan ka pa lang dito, nakalahati mo na yata.” Dagdag pa niya.
“OA! Mga one-fourth pa lang naman!” Patol ko na lang sa sinabi niya.
“Anong ginagawa mo dito? Buti hindi ka nangangati?” Tanong ko sa kanya.
Hindi naman kasi mahilig sa libro si Bille. Nagkataon lang talaga na biniyayaan talaga ng utak kaya mataas ang mga grado. Ni hindi ko nga siya nakikitang nagsusulat kapag klase pero pagdating ng eksamen, hindi naglalayo ang mga mga marka naming dalawa. Iyon nga lang at tamad siyang gumawa ng mga assignment kaya sigurado kong mas mababa ang grade na makukuha niya sa akin.
Ayoko man sanang ikumpara iyon ay hindi ko maiwasan. Academic scholarship kasi ang dahilan kung bakit ako nakapasok sa St. Joseph kaya bantay-sarado ako sa pag-aaral ko. Pero kahit ganoon, aminado ako sa sarili ko na kapag nagseryoso sa pag-aaral si Bille, siguradong makakalaban ko siya sa pangunguna sa klase.
“Buo tayo ng banda.” Sagot ni Bille sa akin, nagniningning ang mga mata.
Kitang-kita ko ang excitement sa buong mukha niya ng mga oras na iyon lalo at magkaharap kami. Tinitigan ko siya ng mariin para tignan kung seryoso siya sa sinasabi niya.
Patay. Mukhang seryoso talaga ang mokong.
“I’ll pray for your success.” Sagot ko na lang saka muling itinuon ang atensiyon ko sa binabasa ko ng mga oras na iyon.
Wala akong oras para sa anumang bagay maliban sa pag-aaral. Konting pagkakamali lang kasi, pwedeng mawala sa akin iyong scholarship ko. Mabuti sana kung kaya nina Tatay na bayaran ang matrikula ko sa St. Jerome kung sakali pero hindi naman. Iyong allowance ko na nga lang na pumapasok ay hirap na sila, matrikula pa kaya.
“Sige na, Alee. May Battle of the Bands sa December. Weekend lang naman tayo magpa-practice.” Apela niya sa akin.
Kalagitnaan pa lang ng Hulyo ng mga panahong iyon. Kulang-kulang limang buwan pa bago iyong kompetisyon kaya may oras pa kung tutuusin. Pero wala talaga akong balak na mag-aksaya ng panahon para doon.
Unang-una, marunong mang tumugtog ng gitara si Bille ay hindi din naman ganoon kagaling. Mas magaling pa nga yata ako ng kaunti sa kanya pero hanggang basic chords din lamang ang alam ko. At huwag nang pag-usapan ang pagkanta dahil talagang babagyo kapag si Bille na ang bumirit. Happy Birthday na nga lang ay hindi pa niya magawang kantahin ng maayos.
“Bantay ako ng mga kapatid ko kapag Sabado at Linggo kaya hindi pwede.” Dahilan ko na lang. Iyon din naman ang totoo.
Kapag Sabado kasi ay nagtitinda si Nanay ng mga gulay sa palengke ng katabing bayan namin. Kapag Linggo naman ay sa mismong palengke nang bayan namin siya nagtitinda. Naglalaba din siya ng hapon kaya walang ibang magbabantay sa mga kapatid ko maliban sa akin lalo pa nga at wala namang day-off ang pagpunta ni Tatay ng bukid.
“Eh di isama mo sila. Sa bahay naman tayo magpa-practise kung sakali.” Aniya na may himig pa ng pagmamakaawa.
“Gusto mong masunog ang bahay ninyo ng wala sa oras?” Angal ko.
Malikot kasi talaga ang mga kapatid ko. Iniisip ko pa lang kung anu-ano ang mga pwede nilang masira sa bahay nina Bille ay parang hihimatayin na ako.
“They can stay in my room. Oh di kaya pabantayan natin kina Manang Lusing. Sige na, Alee. Ngayon lang naman ako hihiling sa iyo. Pagbigyan mo na ako.”
Muli ko na lamang na tinignan si Bille. Kitang-kita ko sa mukha niya na talagang gusto niyang gawin iyon.
“Konti lang ang alam ko sa pagtugtog ng gitara, alam mo iyon. Lalo ka na. At saan ka sana hahanap ng iba nating kasama? Hindi naman pwedeng tayong dalawa lang. At sino sana ang kakanta? Huwag mong sabihing ikaw maliban na lang kung gusto mong mawalan ng respeto sa iyo ang lahat ng tao dito.” Diretsa ko nang sabi.
Sinimangutan lang niya ako.
“Grabe ka din eh. Masakit ka ring magsalita kung minsan.” Aniya na kunwari ay nagtatampo.
“That’s the thing about the truth: It hurts.” Banat ko sa kanya.
“Ganito na lang. Umoo ka lang, ako na bahala sa lahat. Wala ka bang tiwala sa akin?” Pangungulit pa rin ni Bille.
Ako naman tuloy ang napabuntong-hininga. Mukha kasing wala na talaga akong lusot kahit pa ano ang sabihin ko. Gusto ko rin naman siyang pagbigyan. Totoo din naman kasi na noon lang siya hihiling sa akin.
“Sa isang kundisyon,” Simula ko.
“Anything!” Sagot niya agad.
“Dapat nasa Top 5 ka ng klase hanggang sa Battle of the Bands.’ Sabi ko sa kanya na ikinasimangot na naman niya.
Ibig sabihin lang kasi noon, maliban sa matataas na marka sa mga pagsusulit, kailangan din niyang gawin ang lahat ng assignments at projects. Sa maikling sabi, kailangan niyang seryosohin ang pag-aaral.
“How about I buy you a new cellphone?” Aniya.
Pinaningkitan ko lang siya ng mata.
Aminado naman ako sa sarili ko na hindi ko maiwasang mainggit sa mga kaklase namin na may kanya-kanyang cellphone. Iyong iba nga ay dala-dalawa pa ang dala-dala at laging bagong modelo.
Hindi naman iyon kataka-taka kung tutuusin dahil karamihan naman ng mga kaklase namin ay talagang may kaya sa buhay. Maging si Bille ay dala-dalawa din ang cellphone na ginagamit. Ako nga lang yata sa buong klase ang walang cellphone kung tutuusin.
Pero alam din ni Bille na hinding-hindi ako papayag na ibilhan niya ako, lalo na at manggagaling naman sa magulang niya ang perang gagamitin niya. Pakiramdam ko kasi ay napakalaking sampal noon sa akin kapag nagkataon. Para na din akong namalimos ng wala sa oras kahit pa sabihing may kapalit naman ang pagbibigay niya at iyon ang hindi ko kayang sikmurain.
“Iyon ang kundisyon ko. Take it or leave it.” Sabi ko na lang sa kanya.
Siya naman napatitig sa akin, tipong naninimbang. Malamang ay alam na niya agad ang itinatakbo ng isip ko. Sinalubong ko lang ang mga tingin niya.
“Okay! Deal!” Aniya sabay lahad ng kamay niya sa akin para makipagkamay kapagdaka. Tinanggap ko na din lamang iyon.
“My mom would kiss you for this.” Dagdag pa niya sa akin bago binitawan ang kamay ko.
“Pakisabi na huwag lang sa lips at baka umasa ako.” Biro ko na lang. “Wala akong balak na maging anak ka.”
Kilalang Beauty Queen sa bayan namin ang mama ni Bille na si Tita Lysel at isa lang ako sa mga kabataang siya ang unang naging crush. Maliban kasi sa talaga namang maganda ay mabait pa ito.
“You and me both.” Nakangising sagot lang niya sa akin.
Buong maghapon akong kinukulit ni Bille noong araw na iyon tungkol sa pagbuo ng banda. Naninigurado talaga na hindi ako aatras sa usapan naming dalawa. Kaya pagdating sa bahay, iyon pa din ang nasa isip ko.
Kahit papaano naman ay nakaramdam din ako ng konting excitement sa ideya na bubuo kami ng banda. Mahilig din naman kai talaga akong tumugtog ng gitara at kumanta pero hindi lang talaga pumasok ni minsan sa isip ko na bumuo ng banda dahil lamang doon. Pampalipas oras lang iyon kumbaga.
May lumang gitara din naman kasi si Tatay sa bahay na binubutingting ko kapag may pagkakataon. Si Tatay din ang nagtuturo sa akin dati pero iyon nga lang at hindi din naman siya talaga ganoon kagaling.
“Bahala na.” Sabi ko na lamang sa isip ko at saka pinilit na ang sarili kong matulog.
Nang mga sumunod na araw ay itinutok ko na ulit sa pag-aaral ang atensiyon ko. Mas dinoble ko pa ang oras ng pag-aaral ko lalo na noong malapit na ang first periodical examination. Mas mabuti na kasi na simula pa lang ay ako na ang may pinakamatataas na marka sa klase para hindi ko kailangang maghabol. Kailangan kasing ako ang manguna sa klase para hindi mawala ang scholarship ko.
Hindi din ako nagtatanong ng anuman kay Bille tungkol sa banda na gusto niyang buuin. Basta ang sabi lang niya sa akin, lead guitars daw ang hahawakan ko kapag nagkataon. Umoo lang naman agad ako. Kung sakali, pag-aaralan ko na lang, iyon ang nasa isip ko.
Saka pa lamang ako nakahinga nang matapos ang mga pagsusulit namin. Kahit papaano kasi ay kumpiyansa ako na matataas ang mga magiging marka ko. Nasabihan na din naman ako ng class adviser namin na malaki ang tiyansa na ako ang mangunguna sa klase kahit hindi pa namamarkahan iyong mga pagsusulit namin.
Pagkapaskil noong Top Ten sa bulletin board ilang araw pagkatapos ng pagsusulit, napangiti na lang ako nang makita kong ako ang nangunguna. Mahigit limang puntos ang agwat namin noong pumapangalawa sa akin sa klase. Pero ang mas malaking dahilan ay dahil si Bille iyong sumunod sa akin.
“Sandali lang ha.” Biglang sabi ni Bille na nasa likod ko na pala ng mga oras na iyon.
Bago pa man ako nakapagtanong kung anong meron, ginuhitan na niya ng pulang highlighter ang pangalan niya.
“Pogi daw kasi ‘yan eh.” Kumindat pa siya sa akin pagkasabi niya noon. Natawa na lang ako at iyong ibang nasa paligid namin ng mga oras na iyon.
“Taas din ng tingin mo sa sarili mo ano?” Pambabara ko na lang.
“Medyo lang. Mga five-eight.” Aniya.
Siniko ko na lang siya bilang sagot. Nang mga panahong iyon kasi ay nasa five-four pa lamang ang taas ko at talagang kapag may pagkakataon, ipinamumukha niya sa akin na mas matangkad siya sa taas niyang limang talampakan at walong pulgada.
“Paano ba ‘yan?Wala ka nang kawala. Hintayin ko ang buong barangay sa weekend.” Ngiting-ngiti niyang sabi sa akin.
“Maghanda ka ng piging at darating ang hari.” Biro ko na lang.
Pagdating ng Sabado, nahiya pa ako ng bahagya nang madatnan namin sina Tito Mario at Tita Lysel sa sala ng bahay nila, halatang kaming magkakapatid ang hinihintay. Kahit na ganoon naman talaga silang mag-asawa kapag bumibisita kami doon ay hindi ko pa rin maiwasang mailang ng kaunti lalo na at lima talaga kaming dumating.
“Hindi pa handa ang piging, Mahal na Hari.’ Biglang biro sa akin ni Tita Lysel na ikinapula ko ng sobra. Nangingiti lang si Tito Mario sa tabi niya, halatang planado ang pang-aasar na iyon.
Hindi pa man ay gusto ko nang gilitan sa leeg si Bille.
“Oy! Mahal na Hari! Sakto! Nasa likod na sila.” Banat pa sa akin ni Bille paglabas na paglabas niya ng kanyang kuwarto at makita kami.
Muntik ko na talaga siyang sugurin para bigwasan ng mga oras na iyon sa sobrang hiya pero pinili ko na lamang na manahimik. Pasimple ko na lang siyang siniko noong makalapit siya sa amin.
“Ikukulong ko lang ang mga ‘to, Mahal na Hari.” Aniya na ikinatawa na ng tuluyan ng mga magulang niya. Ni hindi man lamang niya ininda ang paniniko ko sa kanya.
“Kayong dalawa talaga, pinagtulungan na naman ninyo si Alee. Mamaya niyan, papugutan niya tayo ng ulo sa mga kawal” Ani Tito Mario na umakbay pa sa akin. Ang sarap lang talagang pagbuhulin nang buong pamilya nila kung minsan.
Sumunod lang ang mga kapatid ko kay Bille sa kuwarto niya habang ako naman ay iginiya nina Tito Mario at Tita Lysel doon sa kuwartong nagsisilbing opisina ni Tito Mario sa bahay nila. Wala pa rin akong maisip na isagot sa mag-asawa lalo na at patuloy sila sa panunudyo sa akin.
“Ano pong meron?” Tanong ko na lang noong makapasok na kami sa loob noong opisina. Nagkatinginan pa ang mag-asawa at ngumiti sa akin.
Imbes na sumagot ay may kinuha si Tita Lysel mula sa kabinet at saka iniabot sa akin. Napanganga na lang ako nang makitang isang bagong cellphone iyong laman noong paper bag na iniabot niya sa akin. Hindi lang kasi basta bagong cellphone iyon kundi katulad pa ng cellphone ni Bille na isang bagong modelo. Napalunok ako ng wala sa oras.
“Huwag mo nang tanggihan iyan, anak. Pasasalamat na lang namin iyan sa iyo ng Tito mo.” Ani Tita Lysel noong mag-alangan akong kunin iyon.
“Who would have thought na ikaw lang pala ang makakapilit na mag-aral ang luko-lukong iyon. Kung alam ko lang, elementarya pa lang kayo, ako na mismo ang nagpasok sa iyo sa St. Jerome.” Dagdag pa ni Tito Mario na ikinapula ko na naman.
“Wala naman po akong ginawang kahit na ano…” Tanggi ko pa rin.
Kung tutuusin naman kasi talaga, wala naman silang dapat ipagpasalamat sa akin. Matalino naman kasi talaga si Bille.
“Alee, kilala mo ang kababata mo. Hindi iyon basta-basta nakikinig kanino man. Kaya tanggapin mo na ‘yan. Magtatampo ako kapag hindi mo tinanggap.” Pilit pa rin ni Tita Lysel.
Tumango na din lang tuloy ako at nagpasalamat na lang.
Paglabas ko ng opisina ni Tito Mario, naghihintay na sa akin si Bille, ngiting-ngiti.
“I hate you right now.” Nanghihina kong sabi.
“I know.” Sabi lang niya saka ako inakbayan at iginiya na sa likod-bahay.
Tambakan lang nina Bille ng lumang mga gamit ang shed na iyon pero halos kasing laki na ng buong bahay namin. Ilang beses na din naman akong nakapasok doon dahil kung wala kami sa kuwarto ni Bille o sa bubong, doon kami tumatambay kapag bumibisita ako. Minsan ay kasama namin si Ate Aubrey at Kuya Reynold pero madalas ay kaming dalawa lang.
Iyon daw ang hideout namin ayon kay Bille. Medyo magulo nga lang dahil nga sa mga gamit na nakaimbak doon. Kaya napanganga na lang ako ng pagpasok dahil maliban sa maayos na nakasalansan ang mga gamit doon, may naka-set-up na din na drums, organ, at dalawang gitara sa gitna. Kumpleto pa pati speakers at iba pang gamit. May mikropono din sa gitna.
“Iba na talaga ang may pera,” Sabi ko na lang sa isip ko.
Tulad ng sabi ni Bille, nandoon na din iyong dalawang makakasama pa namin. Kaklase din namin sina Philippe at Joshua pero hindi ko masyadong nakakausap. May kanya-kanyang grupo din naman kasi ang dalawa.
Miyembro ng drum and lyre si Philippe samantalang isa naman sa mga organist ng choir si Joshua. Dahil wala naman kaming pagkakapareho sa interes at bago din lang naman ako sa eskwelahan, hindi pa kami nabibigyan ng pagkakataon na magkasama kumbaga.
“Kamusta, Mahal na Hari?” Nakangising bungad pa sa akin ni Philippe.
Nasiko ko na naman tuloy si Bille. Siya at siya lang naman ang alam kong magsasabi ng tungkol doon sa kanila. Mabuti na lamang at wala si Ate Aubrey ng mga oras na iyon dahil baka naiyak na ako sa pang-aasar niya.
“Tatandaan mo itong araw na ito na tinuldukan mo ang pagkakaibigan natin!” Inis kong sabi kay Bille.
Hindi na siya nabigyan ng pagkakataon na makasagot dahil biglang may nagsalita sa likod namin.
“That’s him?” Sabi noong boses.
Sabay pa kaming napatingin ni Bille sa pinanggalingan ng boses.
“He doesn’t look special.”
Natulala pa ako nang makita ko ang isang lalaking nakatayo sa likod namin, titig na titig sa akin, tipong nanunukat. Sa unang tingin kasi ay mapagkakamalan mo talagang si Bille, mas pinatanda lamang ng kaunti. Ang lakas din kasi nang dating, mukhang siguradong-sigurado sa sarili. Iyon bang tipo nang tao na alam niya sa sarili niyang may itsura at ibubuga siya.
“He’s cute but that’s nothing special.” Dagdag pa nito, sa akin pa rin nakatingin.
Nagsimula na tuloy akong mairita. Ang yabang lang kasi nang dating niya.
“Kuya Mike!” Tuwang-tuwang bati dito ni Bille saka sinugod ng yakap.
“Akala ko hindi ka makakarating!”
“It’s not like I can say no to your dad.” Sabi lang nito pero sa akin pa rin nakatutok ang mga mata.
Nailang tuloy ako. Para kasing tumatagos ang mga tingin niya sa akin. Iyong pagkakatitig kasi niya sa akin ay tipo bang tingin na ibibigay mo sa isang tao na may ginawa sa iyong masama.
“Guys! Pinsan ko, si Kuya Mike. Siya ang tutulong sa atin. Kuya Mike, si Philippe, si Joshua, saka si Alee.” Pakilala ni bille sa amin.
Tumango lang ako.
Imbes na sumagot ay may inilabas lang itong papel mula sa suot niyang mailman bag at saka ibinigay sa akin. Napilitan na lamang akong tanggapin. At dahil lumapit siya, nasamyo ko pa ng bahagya ang suot niyang pabango.
Pamilyar sa akin ang amoy na iyon dahil minsan na ding ginamit ni Bille. Kung tama ang pagkakaalala ko ay Fahrenheit ang pangalan noon. Alam ko din na mamahalin iyong pabango.
Hindi ko alam pero kay Bille, hindi bagay iyong pabango. Masyadong matapang. Pero kay Mike ay parang bumagay iyon. Nakadagdag lang iyon sa lakas ng dating niya.
Pasimple ko na lamang siyang sinundan ng tingin. Binigyan din niya ng kopya si Joshua bago niya basta na lamang inilapag iyong bag niya at pinulot iyong lead guitar. Binutingting niya iyon panandalian, inaayos ang tunog.
“Do you remember what I taught you?” Tanong niya kay Bille nang makuntento.
Tumango lang si Bille sa kanya at kinuha na din iyong isa pang gitara. Sa pagkakaalam ko ay bass guitar iyon. Napakunot tuloy ang noo ko dahil noon ko lang makikita si Bille na tutugtog ng ganoon.
“Can you play that?” Baling naman ni Mike kay Joshua bago pa man mai-ayos ni Bille iyong strap ng gitara sa balikat niya.
Kita kong hindi maganda ang dating noon kay Joshua pero maging ito ay tumango din lang. Sa lakas ba naman kasi ng presensiya ni Mike ay hindi na iyon nakakapagtaka.
“I hope you’re better than your brother.” Si Philippe naman ang binalingan niya na nakatayo sa tabi ni Joshua ng mga oras na iyon, nakatingin sa papel na ibinigay ni Mike dito.
Hindi sumagot si Philippe pero halatang nanggigigil noong umupo sa likod noong drum set.
“And you,” Baling niya ulit sa akin.
“I don’t know which far-flung barrio you sprouted from and I don’t really care either way but I expect you to at least know that song.”
Sumulak na ang dugo ko sa inis, hindi lang para sa akin kundi para sa aming lahat.
Isang masamang tingin muna ang ibinato ko kay Mike bago ko tinignan iyong papel na iniabot niya sa akin. Hindi pa man kasi ay gusto ko nang isalaksak iyong papel sa ngala-ngala niya. Ang kaso, nanlumo ako nang makita ko na lyrics ng Born to be My Baby ng Bon Jovi ang nandoon.
Alam ko iyong kanta dahil madalas iyong kantahin ni Tatay sa videoke kapag nagkakainuman sila ng mga kapitbahay. Ilang beses ko na din namang kinanta iyon pero wala akong kaide-ideya kung paano iyon tugtugin sa gitara.
“Hindi ko ito alam tugtugin.” Napipilitang pag-amin ko.
“Obviously.” Mayabang na bara lang sa akin ni Mike, halatang may kasamang pangmamaliit.
“Kuya Mike…” Saway sa kanya ni Bille pero hindi man lang nagbago ang pag-aangas niya.
“What? Nagsasabi lang ako ng totoo.”
“Kaya mo nga kami tuturuan, di ba?” Mahinahon pa rin ni Bille.
“I have to hear him sing first.” Sabi nito na ikinatulos ko sa aking kinatatayuan.
Napatingin na lang ako kay Bille. Wala sa usapan namin iyon.
“I’m betting he can’t anyway so let’s give it one go and be over with it.” Dagdag pa ni Mike na tuluyan nang ikinapantig na ng tenga ko.
Kung meron man kasing isang bagay na mabilis kong ikinapipikon, iyon ay ang sasabihan ako ng ibang tao na hindi ko kayang gawin ang isang bagay.
Isinantabi ko na lang muna ang pagkabanas ko kay Bille. Saka ko na pagplaplanuhan kung saan ko siya ililibing ng buhay sa pagpapasubo niya sa akin ng mga oras na iyon. Ang mahalaga lang sa akin ay ang supalpalin si Mike.
Walang imik na pinunit ko iyong papel at saka naglakad papunta sa may mikropono. Inihagis ko pa iyong papel sa mukha ni Mike. Tinaasan din lang niya ako ng kilay.
Kung kantahan din lang naman, alam kong kahit papaano ay may ibubuga ako kaya talagang nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya. Isang masamang tingin pa ang ibinato ko sa kanya bago sinubukan kung bukas na iyong mikropono. Nang masiguro gumagana iyon, ni hindi na ako naghintay ng anuman at nagsimulang kumanta.
Rainy night and we worked all day
We both got jobs cause there’ bill to pay
We got something they can’t take away
Our love, our lives
Close the door, leave the cold outside
I don’t need nothing when I’m by your side
We got something that will never die
Our dreams, our pride
My heart beats like a drum
Flesh to flesh, one on one
And I’ll never let go cause
There’s something I know deep inside
Hanggang sa makarating ng chorus ay hindi ko binitawan ang pakikipagsukatan ng tingin kay Mike, nanghahamon. Nakatingin din lang naman siya sa akin.
You were born to me my baby
And baby, I was made to be your man
We got something to believe in
Even if we don’t know where we stand
Only God would know the reasons
But I bet he must have a plan
Cause you were born to be my baby
And baby, I was made to be your man
Ako naman ang napataas ng kilay nang magsimulang tumugtog si Mike pagkatapos noong unang chorus. Saktong-sakto pa talaga iyong timing. Pero mas nagulat ako nang pati sina Bille, Philippe at Joshua ay tumugtog na din, humahabol sa ritmo ni Mike.
Binalingan ko na lang si Bille at nginitian. Kumindat lang siya sa akin at saka pinag-igihan ang pagtugtog. Hinayaan ko na din lang ang sarili ko na malunod doon sa awit. Pagkarinig noong cue, sinimulan ko na ang sumunod na stanza noong kanta.
Light a candle, blow the world away
Table for two on a TV tray
It ain’t fancy. Baby that’s OK
Our time, our way
So hold me close better hang on tight
Buckle up, baby, it’s a bumpy ride
We’re two kids hitching down the road of life
Our world, our fight
If we stand side by side
There’s a chance we’ll get by
And I’ll know that you’ll believe
In my heart till the day that I die
Pagdating ng chorus ay wala na akong ibang iniisip kundi iyong mismong kanta. Ni hindi ko na napansin na nakatingin silang apat sa akin ng mga oras na iyon.
Nang dumating iyong solo noong lead guitar ay si Mike naman ang nagpakitang gilas. Alam ko na mahirap ang parteng iyon noong kanta dahil ilang beses ko na rin namang subukang tugtugin iyon.
Aminin ko man o hindi, ang lakas lang ng dating niya habang naggigitara ng mga oras na iyon. Kahit ako ay hindi napigilang mamangha sa galing niya dahil saktong-sakto ang bawat nota. Kaya noong ako na naman ang kakanta, ibinuhos ko na lahat-lahat.
My heart beats like a drum
Flesh to flesh, one on one
And I”ll never let go cause
There’s something I know deep inside
Walang umimik sa amin na kahit isa, tipo bang nagtitimbangan, noong matapos iyong kanta. Ako man kasi ay iba ang pakiramdam ng mga oras na iyon. Para bang may magic. Ang kaso, hindi nagtagal iyon dahil nagsalita na ang anak ng dilim.
”So, the humonculus can sing.” Sabi niya na sa akin nakatingin kasabay ng pagbaba niya noong gitara. Pinamaywangan pa niya ako pagkatapos.
Nagdilim na ang paningin ko nang marinig ko ang humonculus. Ang ibig sabihin kasi noon ay isang napakaliit na tao o malataong nilalang.
Bago pa man ako mapigilan ng sino man, tinuhod ko na ang bayag niya. Hindi pa ako nakuntento, sinapak ko pa siya nang yumupyop siya sa sakit at pumantay ang mukha niya sa mukha ko. Nakangangang nakatingin lang sa amin sina Bille.
“Shit! Alee!” Bulalas ni Bille kapagdaka bago saka ako nilapitan. Akala niya siguro ay babanatan ko pa ulit ang pinsan niya.
“Dineretso ko lang ang dila. English ng English eh.” Sabi ko kay Bille.
Nagmumurang nakayupyop lang sa sahig si Mike.
“Buti nga sa’yo!” Sabi ko pa sa isip ko.
Pare-pareho kaming napatingin sa may pintuan noong shed nang may marinig kaming pumapalakpak.
Ngiting-ngiting nakatingin sa akin si Ate Aubrey samantalang halatang hindi makapaniwalang nakatingin lang sa akin si Kuya Reynold. Malamang ay nagulat ito na nagawa ko iyon. Ako man din ay medyo nagugulat din sa sarili ko.
“And now you know that he can throw a mean punch too.” Ani Ate Aubrey kay Mike bago lumapit sa akin at saka ako niyakap, tuwang-tuwa.
Sa tono nang pananalita niya, ibig sabihin lang noon ay kanina pa sila doon. Malamang ay hindi ko lang napansin dahil nakatutok ang atensiyon ko sa pagkanta.
“Mahal na kita!” Sabi pa ni Ate Aubrey sa akin na tuwang-tuwa.
“Kamusta ang pakiramdam nang masuntok dahil sa kayabangan, insan?” Nang-aasar pang tanong ni Ate Aubrey kay Mike.
“He punches like a girl.” Sagot lang ni Mike, masama ang pagkakatingin sa akin.
Imbes na mag-alala nang makita kong dumudugo ang ilong niya ay natawa pa ako.
“Ang ibig sabihin niyan, dumugo ang ilong mo sa suntok ng isang babae. Ganoon ka pala kalamya.” Nanunuya ko bang sabi.
Mukhang noon din lang niya napansin na dumugo ang ilong niya at agad na napamura. Nagmamadali din siyang lumabas ng shed. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng tuluyan.
“Did that really happen?” Narinig kong sabi ni Bille kaya siya naman ang binaligan ko.
Wala pa man akong sinasabi ay nagtago na siya sa likod ni Ate Aubrey. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ako o maiinis.
“Sa likod ko talaga dapat nagtatago?” Bara sa kanya ni Ate Aubrey kasabay ng pagtulak.
“Ayoko pang mamatay.” Sagot lang ni Bille na nagpumilit uling magtago sa likod niya.
“Sa dinami-dami naman kasi ng mga demonyo sa mundo, si Kuya Mike pa ang tinawag mo. Alam mo naman ang ugali noon.” Sermon sa kanya ni Ate Aubrey.
“Eh sorry na. Desperado ako eh. Gusto kong manalo. Saka, umuwi na din lang naman siya, nagpatulong na ako.” Paliwanag lang naman ni Bille.
“At kailan mo balak sabihin sa akin na ako ang kakanta?” Singit kong tanong ko kay Bille.
“N-ngayon?” Nauutal pa niyang sagot, nagtago na naman sa likod ni Ate Aubrey.
“At siguradong-sigurado ka talaga na papayag ako?”
“Well, we had a deal.” Sagot lang ng kumag sa akin.
Nagpakawala na lang ako ng buntong-hininga. Alam din naman kasi ni Bille na kapag sinabi kong gagawin ko ang isang bagay, hindi ko iyon aatrasan.
“Ang tanong ay kung babalik pa ba ang pinsan mo pagkatapos noong nangyari.” Singit ni Philippe.
“Huwag kayong mag-alala, babalik iyon.” Kumpiyansang sabi ni Ate Aubrey.
“Ang tanong ulit, would that be a good thing or a bad thing. He looks like he knows what he is doing though.” Tanong naman ni Joshua, sa akin nakatingin.
“May sarili siyang banda sa US until last year. Nakapag-tour na rin siya doon. Music major siya sa Berklee.” Ani Ate Aubrey.
Aaminin kong hindi ako masyadong pamilyar sa mga eskwelahan sa ibang bansa pero narinig ko na ang Berklee. Kahit ayaw ko ay hindi ko maiwasang bumilib dahil kilala ang eskwelahang iyon.
Gusto ko pa sanang magtanong pero bumalik na si Mike sa shed. Natahimik lang kaming lahat lalo na nang maglakad siya diretso sa akin.
“Welcome to hell.” Diretsang sabi niya sa akin, nagbabanta.
Kinabahan ako ng mga oras na iyon dahil na din sa kaseryosohan ng boses niya pero magkakamatayan na bago ako umatras. Pride na ang nakataya eh at ng mga panahong iyon, iyon lang ang mayroon ako. Isa pa, hindi ko talaga matiis ang kayabangan niya.
“It already feels like home.” Tapang-tapangan kong sagot.
Hindi nakawala sa akin ang pagngisi ni Bille at Ate Aubrey sa tabi ko. Nakipagsukatan din ako ng tingin kay Mike at talagang hindi ako natinag hanggat sa hindi siya ang unang nagbawi ng tingin.
“Bahala na.” Bulong ko na lang ulit sa sarili ko.
Nang sumunod na pagkikita namin para sa practise, bigla ay gusto kong pagsisihan ang pagsagot-sagot ko kay Mike. Literal kasing giawa niyang impiyerno ang practise namin, lalo na para sa akin. Kulang na lang ay literal na igisa niya ako sa sarili kong mantika. Kung hindi nga ang siguro sa katotohanang ayaw ko ring magpatalo ay baka sumuko na ako.
Sa awa naman ng Diyos, hindi naapektuhan ang pag-aaral ko kahit na nag-eensayo kami. Pinag-awayan pa namin ni Mike iyon noong una dahil sa ang gusto niya ay gawing araw-araw ang practise na tinutulan ko.
“Pwede ko bang pambayad ng matrikula ang pagtugtog?” Bara ko sa kanya nang mapag-usapan iyon.
Hindi na siya nakasagot. Ang kompromiso ko na lamang ay ang pag-eensayo sa bahay ng kalahating oras bago ako matulog. Tinututukan din niya ang pagtuturo sa akin nang pagtugtog noong lead guitar kapag nasa practise kami kaya kahit papaano ay nakakasunod ako sa gusto niyang mangyari.
Kung meron man siguro akong kinabiliban, iyon ay ang pagtugtog ni Bille ng bass. Ang bilis niya kasing nakukuha iyong ipinapagawa sa kanya ni Mike. Mukhang iyon talaga ang instrumento na para sa kanya.
Habang tumatagal ay nagsimula na din akong magkainteres tungkol sa buhay ni Mike. Kahit naman kasi mahigpit siya sa amin ay kita namang gusto lang talaga niya kaming matuto ng maayos. Naintindihan ko na din na natural na sa kanya ang kayabangan kaya hindi na ako masyadong naiirita. May karapatan din naman kasi siyang magyabang kung tutuusin.
“Naka-leave siya ngayon sa university.” Maikling sagot lang ni Bille sa akin noong itinanong ko kung kailan babalik ng US si Mike. Hindi na din naman ako masyadong nag-usisa.
Mukhang may sa-demonyo yata talaga si Mike dahil noong araw ding iyon, bigla niya akong sinundo sa eskwelahan at may pupuntahan daw kami. Hindi na ako umangal dahil Biyernes naman iyon at wala akong pasok kinabukasan. Ni hindi ako nagtanong noong iabot niya sa akin ang isang helmet at saka sinabihang umangkas sa motor na dala niya. Si Bille ang mas nagtanong nang nagtanong kay Mike kung saan kami pupunta.
“I’ll bring your boyfriend back alive! Jesus!” Sagot lang sa kanya ni Mike.
Nasupalpal na hindi na lang umimik si Bille. Naawa tuloy ako ng wala sa oras. Hindi ko din nagustuhan ang sinabing iyon ni Mike pero hindi ako agad umimik. Hinintay ko munang makaalis si Bille.
“Wala talaga sa bokabularyo mo ang pagiging mabait ano?” Patuya kong sabi kay Mike nang nakalayo na si Bille sa amin.
Hindi niya ako pinansin at basta na lamang pinaharurot ang motor. Malamang ay nahulog na ako kung hindi ako napakapit sa kanya. Pinagmumura ko tuloy siya sa utak ko ng wala sa oras.
Wala kaming imikan hanggang sa makarating kami sa isang bar sa kabilang bayan. Kilala iyong bar na iyon dahil na din sa mga banda na tumutugtog. Maliban doon, karamihan kasi ng ibang bar ay tipong inuman lang talaga na may videoke machine kaya angat talaga iyong bar kaysa sa iba.
Hindi pa bukas iyong bar ng mga oras na iyon pero basta na lamang siyang pumasok. Sumunod na din lamang ako. Iyon ang unang pagkakataong nakapasok ako sa isang bar kaya kung ano ang sinabi ni Mike, sumusunod lang ako.
Nasa kalagitnaan pa lamang ng paglilinis iyong mga tao habang may isang banda naman na nag-eensayo sa maliit na entablado doon. Hinintay lang ni Mike matapos iyong kantang iniensayo ng mga ito bago siya lumapit sa mga ito.
Naupo na lamang ako sa isang sulok noong bar. Hindi naman nagtagal ay bumalik din siya sa kinauupuan ko.
“Listen.” Sabi lang niya sa akin sabay abot ng isang papel.
Kunot ang noong napatingin lang ako doon. Music sheet iyon ng isang kanta na hindi ako pamilyar. Basta ang nakasulat lang na titulo ay Standing at the Edge of the Earth. At bago pa man ako makapagtanong kung ano iyon ay nagimula nang tumugtong ang banda.
Malumanay lamang iyong kanta kung tutuusin. Tanging iyong base, lead, at organ lamang ang tumutugtog sa simula pero iba pa rin ang dating. Tumango pa sa amin iyong lead vocals nila bago ito nagsimulang kumanta.
I knew that this moment would come in time
That I have to let go and watch you fly
I know you’re coming back so why am I dying inside
Are you searching for words that you can’t find?
Trying to hide the emotions but eyes don’t lie
Guess there’s no easy way to say goodbye
Kung boses lang ang pagbabasehan ay walang masyadong dating iyong kumakanta pero kahit ganoon ay ramdam na ramdam mo iyong lungkot sa pagkanta niya. Tipo bang kahit wala namang espesyal sa boses niya ay makikinig ka pa rin.
Wala kaming imik pareho ni Mike hanggang sa matapos sila. May parte pang napapangiwi ako dahil pakiramdam ko ay sasabit iyong boses noong kumakanta pero hindi naman nangyari.
Pero pagkatapos noon ay iyong Born to be My Baby naman ang tinugtog nila at aaminin kong bumilib ako ng todo. Bagay na bagay kasi sa boses noong bokalista iyong kanta. Nahiya pa ako sa sarili ko dahil pakiramdam ko ay magaling na ako pero malayong mas magaling ito sa akin.
Nang pati iyon ay natapos, nakipag-usap lang sandali si Mike sa mga ito at umalis na kami. Nagpilit siyang ihatid na ako sa bahay at hindi na din naman ako tumanggi dahil madilim na.
Pagdating namin sa bahay, saka pa lamang niya ako kinausap.
“Did you see the difference?” Tanong niya sa akin.
Napakunot lang ang noo ko dahil hindi ko naman alam kung ano iyong pinupunto niya. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga noong hindi ako umimik at tumingin lang sa kanya.
“First, it’s not just about getting the notes right. You have to bring me chills when I listen to you, make me feel the emotions when you sing. Second, between you and him, who sang Born to Be my Baby better?” Aniya.
“Siya.” Walang gatol kong sagot.
“Why?”
Nag-isip pa ako ng bahagya bago sumagot.
“Mas bagay sa boses niya iyong kanta?”
“Exactly. So, we’re changing your songs. Awit ng Kabataan then Standing at the Edge of the Earth, instead of Born to be My Baby and whatever song it was that you are planning to sing. We have to get songs that would match your voice better.”
Ni hindi niya ako hinintay na makasagot. Kinuha lang niya ang isang mas maliit na bag mula sa mailman bag na sa tingin ko ay lagi nang nakakabit sa kanya at iniabot iyon sa akin.
“Learn the song by tomorrow. We don’t have much time.” Sabi lang niya sa akin.
Tumango na lamang ako.
Sa loob ng bahay ko na binuksan iyong bag na iniabot niya sa akin. Headset at saka Personal CD player ang laman noon. Pagbukas ko noong player, may CD na iyong laman.
Hindi ako nagkamali nang hinala na Awit ng Kabataan at Standing at the Edge of the Earth ang laman noong CD. Nandoon iyong original at saka instrumental version. Hanggang sa makatulog ay inulit-ulit ko lamang ang mga iyon.
Wala kaming naging ensayo kinabukasan dahil may lakad ang pamilya nina Philippe. Nakiusap din si Joshua na kahit noong linggong iyon lang kami makapagpahinga man lang. Pumayag naman si Bille at Mike. At dahil walang gagawin, nakatunganga lang ako sa bahay.
Nagtaka na lang ako nang marinig ko ang paghinto ng motor sa tapat ng bahay namin pagdating ng pananghalian. Tuluyan nang nagsalubong ang kilay ko nang makita kong si Mike iyon. May bitbit pa siyang gitara.
“Anong meron?” Tanong ko sa kanya.
“Want to go somewhere?” Sagot lang niya sa akin. Dala nang kuryosidad, sumama naman ako. Nandoon din naman kasi si Tatay ng mga panahong iyon kaya may magbabantay sa mga kapatid ko.
Akala ko ay kung saan na kami pupunta pero doon lang pala sa mahabang tulay na nagdurugtong noong probinsiya namin sa kabilang probinsiya. Nasa isang oras mahigit din kaming nagbiyahe. Picnic area iyon kung tutuusin kaya may mga kubo doon at bangka na ipinaparenta.
Nadatnan na namin doon iyong mga miyembro noong banda na tumutugtog doon sa bar. Doon ko na nalaman na kababata pala niya iyong bokalista noong banda na si Kuya Bryan. Nakilala niya ang mga ito bago pa man siya kunin ng mga magulang niya sa US. Noon ko nga rin lang nalaman na bahay pala nila iyong katabing bahay nina Bille.
“Bakit hindi kita nakikita dati?” Tanong ko pa kay Mike.
Tinawanan lang niya ako.
“I was eight when I went to the US. Hindi pa kayo ipinapanganak ni Bille noon.” Sabi lang niya.
Nahiya pa ako nang bahagya dahil Mike lang ang tawag ko sa kanya samantalang isang dekada pala ang pagitan nang edad namin. Akala ko naman kasi ay talagang malaking bulas lang siya katulad ni Bille.
Kantahan lang kami ng kalahating araw. Nag-inuman din iyong ibang miyembro ng banda pero hindi uminom si Mike. Hindi din naman ako interesado sa pag-inom kaya hanggang soft drinks lang ako.
Bago magdilim, nagyayang mag-boating sina Kuya Bryan. Ang kaso, dalawa lang ang pwede sa bawat bangka na pinaparenta doon. Kaya nang magpares-pares, wala na akong nagawa nang si Mike ang nakapareha ko. Halatang gustong makipareha noong isang babaeng kasama noong banda kay Kuya Mike pero hindi niya pinansin. Pinabitbit pa niya sa akin iyong gitara bago niya ako pinasakay sa bangka.
Sunud-sunuran lang naman ako ng mga oras na iyon. Wala din naman akong balak kumontra dahil sa unang pagkakataon ay nakita kong nagsasaya si Mike. Kapag ganoon palang hindi niya ako sinisinghalan ay ang aliwalas ng mukha niya. Hindi din katakatakang gusto siyang makasama noong isang babae dahil guwapo naman din kasi talaga siya. Idagdag pang maganda ang katawan niya na naka-balandra ng mga oras na iyon. Nahiya pa tuloy ako dahil kumpara sa lahat nang nandoon, totoy na totoy pa rin talaga ang katawan ko.
“It’s been so long since I was here. Dinaldala ako dati ni Tito Mario dito kapag nami-miss ko sana mama.” Sabi ni Mike noong nasa gitna na kami noong ilog.
Hindi ganoon kalakas ang alon kung tutuusin kaya hindi niya kailangang magsagwan nang magsagwan.
“All rivers connect to the sea, and everyone else is just a wave away.” Dagdag pa niya na nakatingin sa tubig.
Napatitig lang ako kay Mike. Ibang-iba kasi ang Mike na nasa harapan ko ng mga oras na iyon kaysa sa nakasanayan ko. May malumanay, mas mabait, mas maasikaso. Kung tutuusin nga, parang ibang tao talaga iyong kasama ko.
“Alam mo iyong kantang kanlungan?” Bigla niyang tanong sa akin.
“Oo naman. Lahat naman yata ng tao, alam iyon.” Natatawa kong sabi.
“Okay, I’ll play, you sing.” Sabi lang niya saka kinuha sa akin iyong gitara. Hindi na rin naman ako kumontra. Kinuha ko na lamang iyong sagwan para ako na lang ang maninigurong hindi kami maiaanod. Kalmado naman iyong tubig kaya hindi ako mahihirapang gawin iyon.
Nakatingin lang siya sa akin nang magsimula siyang tumugtog. Nailang pa ako nang bahagya pero hindi ko na iyon inintindi.
Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?
Simula ko na ikinangiti niya. Ngumiti na din lang ako at ipinagpatuloy ang pagkanta.
Natatandaan mo pa ba
Nang tayong dal’wa ay unang magkita?
Panahon ng kamusmusan
Sa piling ng mga bulaklak at halaman
Doon tayo nagsimulang
Mangarap at tumula
Natatandaan mo pa ba
Inukit kong puso sa punong mangga
At ang inalay kong gumamela
Magkahawak-kamay sa dalampasigan
Malayang tulad ng mga ibon
Ang gunita ng ating kahapon
Hindi nagtagal ay wala na akong ibang napapansin kundi iyong tunog noong gitara at iyong sarili kong boses. Natuwa pa nga ako sa sarili ko dahil simula noong turuan kami ni Mike, napakadali na lang sa akin na malunod sa tunog lang noong awit. Iyon bang tipong wala kang ibang iniisip kundi iyong tunog noong instrumento at boses mo.
Ganoon ang pakiramdam ko hanggang sa matapos iyong kanta. Kung hindi ko pa nga siguro narinig ang pagpalakpak noong mga miyembro ng banda na nakalapit na pala sa amin sa sarisarili nilang bangka ay hindi pa ako mahihimasmasan. Namula tuloy ako ng wala sa oras.
“I knew it.” Nakangiting sabi lang sa akin ni Mike.
Buong linggo pagkatapos noon na sinusundo ako ni Mike pagkatapos ng klase. Kadalasan ay sa bar kami napapadpad kung saan nakiki-jam kami doon sa banda ni Kuya Bryan. Nadagdagan din ang nagtuturo sa akin ng wala sa oras. Nagka-voice lesson pa ako ng libre ng dahil sa kanila.
Tuluyan ding nawala sa isip ko iyong sinabi ni Mike na babaguhin iyong piyesa namin para sa battle of the bands hanggang sa dumating ang Sabado at napag-usapan iyon. Inaasahan ko nang magrereklamo ang mga kasama ko pero hindi ko inaasahan na si Bille ang pinakamagrereklamo. Halos magsigawan pa sila ni Mike sa harapan namin.
“Kuya Mike naman! Huwag mo naman kaming i-lebel sa kakayahan mo. Hindi naman kami kasing talentado mo.” Sabi pa ni Bille na hindi ko talaga inaasahan.
Iyon ang unang pagkakataon na narinig ko si Bille na umain na may bagay siyang hindi kayang gawin.
“But he is.” Sagot lang ni Mike sabay tingin sa akin.
Gusto ko tuloy na lamunin ako ng lupa ng mga oras na iyon.
Walang imik na pumunta sa may organ si Mike bago ako sinabihang tumayo sa may mikropono. Sumunod lang naman ako. Kinabahan pa ako nang simulan niyang tugtugin iyong simula ng Standing at the Edge of the Earth. Kinailangan pa niyang ulitin iyong intro ng dalawang bese dahil natulala lang ako.
“Alee, please sing…” Sabi pa niya sa akin. Iyon ang unang pagkakataon na tinawag niya ako sa pangalan ko.
Pumikit ako panandalian at saka nagpakawala ng isang buntong hininga. Nang magmulat ako, ang malungkot na mga mata ni Bille ang bumungad sa akin. Nanikip tuloy ang dibdib ko ng wala sa oras. Pero pagdating noong cue, nagsimula na akong kumanta.
I knew that this moment would come in time
That I have to let go and watch you fly
I know you’re coming back so why am I dying inside
Are you searching for words that you can’t find?
Trying to hide the emotions but eyes don’t lie
Guess there’s no easy way to say goodbye
So I’ll be standing at the edge of the earth
Hoping that someday you’ll come back again
I’ll be standing at the edge of the earth hoping for someday
Isang malungkot na ngiti lang ang ibinigay sa akin ni Bille ng mga panahong iyon. Pakiramdam ko tuloy ay sasabog ang dibdib ko sa emosyon noong kanta at sa lungkot na nakikita ko sa kanya.
Don’t misunderstand what i’m trying to say
I don’t want to let you leave this way
I want you to know that I stand right by your side
And I know this maybe
The very last time that we see each other cry
But whatever happens know that I’ll…
I’ll be standing at the edge of the earth
Hoping that one day you’ll come back again
I’ll be standing at the edge of the earth
Hoping that someday you’ll come back to me
I’ll be praying for whatever it’s worth
Believing that one day you’ll come back to me
I’ll be standing at the eadge of the earth
Hoping for someday
Hanggang sa matapos ko iyong kanta ay nakatingin lang sa akin si Bille. Ni hindi ko na nga napansin na nakatulala din sa akin sina Philippe at Joshua dahil ang atensiyon ko ay nakatutok lang sa lungkot na naaramdaman ko mula sa kanya.
“You said you wanted to hear him sing.” Mahinang sabi ni Mike kapagdaka.
“And I heard him.” Malungkot pa ring sagot ni Bille.
“Pero ikaw, kuya? Si Alee pa ba ang naririnig mo kapag kumakanta siya?” Dagdag pa ni Bille na ikinakunot na ng noo ko.
Paglingon ko kay Mike ay nag-iwas sya ng tingin pero kita ang pagkislot ng panga niya.
Hindi ko masundan kung ano ba talaga ang nangyayari sa pagitan ng magpinsan kaya hindi na din lamang ako nagsalita. Maging sina Philippe at Joshua ay nanahimik na din lamang. Si Bille din ang bumasag ng nakakasakal na katahimikan sa loob ng shed maya-maya.
“Gusto mo bang iyon na lang ang kantahin?” Tanong niya sa akin.
“Hindi naman pwedeng ako lang ang magdedesisyon. Unang-una, ikaw ang bumuo ng bandang ito.” Sagot ko na lang, umiiwas. Ayoko naman kasing isipin ni Bille na kinakampihan ko si Mike.
“Ito naman opinyon ko lang pero mas bagay sa boses ni Alee iyong dalawang kanta. And kung magagawa niyang kumanta sa mismong contest katulad ng pagkanta niya ngayon, mas malaki ang tiyansang manalo tayo.” Sabi ni Joshua. Muntik ko na siyang yakapin ng mga oras na iyon.
“May dalawang buwan pa naman tayo, Bille.” Gatong pa ni Philippe.
Tumango na lamang si Bille at saka naglakad papunta sa kung nasaan iyong base guitar. Pagkasukbit niya noon sa balikat niya ay tumingin muna siya sa akin bago niya hinarap si Mike.
“You better start teaching then.” Sabi lang niya kay Mike.
Buong araw noon at pati sumunod na araw na halos hindi kami nagpahinga para pag-aralan iyong timing ng dalawang kanta. Doble ang hirap sa akin noon dahil maliban sa pagkanta ay kailangan ko ding pag-aralan iyong paggigitara.
Lunes na nang magkausap kami ni Bille tungkol sa nangyari. Pero imbes na sumagot ay sinabihan lang niya akong sumama sa bahay nila pag-uwi. Ipahahatid na lang daw niya ako sa driver nila.
Pagdating sa kuwarto niya, dumiretso lang siya sa computer niya at binuksan iyon. Saka pa lamang niya ako pinaupo nang naka-pause na sa screen ang isang video.
Napakunot pa ang noo ko nang makita ko si Mike na tumutugtog ng piano sa isang entablado. Isang lalaki lamang ang kasama niya doon. At sa unang nota pa lang ay alam ko nang Standing at the Edge of the Earth ang piyesa.
Nanliit talaga ako nang magsimulang kumanta iyong lalaki. Ang linis lang kasi noong boses. Mas magaling pa ang pagkakanta niya kaysa sa orihinal na kumanta. At dahil piano lang ang accompaniment, litaw na litaw ang ganda ng boses niya.
“Sino siya?” Tanong ko kay Bille.
“Ivan. Ex-boyfriend ni Kuya Mike.” Diretsa niya lang na sagot. Hindi ko tuloy alam kung sa balitang boyfriend iyon ni Kuya Mike ako mabibigla o sa pagkakasabi ni Bille na parang napaka-normal na bagay lang niyon.
“Nasaan na siya ngayon?” Tanong ko na lang ulit kahit na ang gusto ko talagang itanong ay kung bakit sila nagkahiwalay.
“He died last year. Suicide. Nalaman kasi ng pamilya nina Kuya Ivan ang relasyon nila ni Kuya Mike. Dean sa university nina Kuya Mike ang tatay ni Kuya Ivan. Maliban sa pinaghiwalay sila, ginawan pa ng parent’s ni Kuya Ivan ng paraan na makick-out si Kuya Mike sa university. Hindi din malinaw sa akin ang detalye pero nadatnan na lang daw nila sa bahay si Kuya Ivan na patay na.” Malungkot na kwento ni Bille.
Napatanga na lang talaga ako at napatitig sa mukha noong Ivan sa screen. Maliban sa gulat na patay na iyong taong tinitignan ko ay may isang parte pa nang utak ko na nagsasabing may kailangan akong pansinin pero hindi ko lang mapunto kung ano.
“Pansin mo?” Tanong sa akin ni Bille kapagdaka.
“Ang alin?”
“Malaki ang pagkakahawig ninyong dalawa.” Sagot lang niya.
Natulala na lang ako. Mukha nga namang mas matandang ako lang iyong nasa video. Sa hindi ko malamang dahilan ay nanikip ang dibdib ko lalo na nang pumasok sa isip ko si Mike.
“Putang-ina! Gusto lang naman kitang marinig na kumanta.” Bulalas ni Bille bigla.
Iyon ang unang pagkakataon na narinig ko siyang magmura.
Bigla ay nilamon ako nang bigat sa dibdib. Madami akong hindi maintindihan sa nangyayari. Ano ba naman kasi ang aasahan sa isang trese anyos? Ang daming tanong sa isip ko ng mga oras na iyon pero sa hindi ko malamang dahilan, natatakot akong magtanong kay Bille.
Nagtuloy ang pagsundo-sundo sa akin ni Mike sa eskwelahan nang sumunod na mga araw. Hindi naman ako makatanggi dahil alam kong ginagawa lang niya iyon para din lamang sa akin at sa banda. Ilang beses din kaming nakita ni Bille pero ni hindi na siya nag-abalang lumapit pa.
Habang tumatagal ay nagsisimula na din akong mag-isip nang kung anu-ano. Sabihin na kasing wala akong karanasan sa pakikipag-relasyon pero iba na din kasi ang dating sa akin nang pagdikit-dikit sa akin ni Mike. Hindi naman ako ipokrito para sabihing hindi ko nagugustuhan iyon. Pero sa isang sulok kasi ng utak ko, nandoon iyong kaisipang may mali.
Una, pareho kaming lalaki. Hindi naman kasing liberal ng US ang Pilipinas sa mga ganoong bagay. Pangalawa, malayo ang agwat ng edad namin. Pero ang pinaka-importante sa lahat, pinsan siya ni Bille.
Nang minsang katatapos naming maki-jam sa banda ay tinanong niya ako kung ano ang plano ko tungkol sa pagtugtog.
“Huwag mong sayangin.” Sabi pa niya sa akin. Napatitig lang ako sa kanya ng mga oras na iyon.
“Bakit?”
“Minsan-minsan lang kita marinig na mag-Tagalog.” Diretsang sagot ko. Iyon din naman kasi ang dahilan kung bakit talaga ako napatitig sa kanya. Madalas kasing puro siya English kapag kausap ako. Isa pa, gusto ko ding iwala iyong tanong niya tungkol sa mga plano ko dahil wala pa rin naman talaga akong maisasagot doon.
“English is vague. You can hide a lot when you’re using it.” Sabi lang niya sa akin na hindi ko na kinomentuhan.
Marahil ay dahil sa madalas kaming magkasama, nalapit ang loob ko kay Mike. Nagsimula na din naman kasi kaming mag-usap tungkol sa mga sarili namin sa mga pagkakataong sinusundo niya ako sa eskwelahan. Umabot pa nga sa punto na pati iyong pagtawag ko sa kanya ng Mike ay napag-usapan namin.
“I like it when you say my name so it’s okay.” Sabi lang niya sa akin.
Noong araw ding iyon ay hindi kami makaalis-alis sa bar dahil pinilit kaming tumugtog nina Kuya Bryan kahit sa first set lang daw. Pumayag naman ako nang ako ang tanungin ni Mike. Sino ba naman kasi ang tatanggi.
Tinitigan lang niya ako saglit bago niya dinukot ang kanyang wallet at iniabot sa akin. Kung ganoon din lang daw na doon kami, kumain na lang muna ako dahil puro pulutan lang ang meron sa bar na iyon. Hindi pa naman daw siya nagugutom kaya ako na lang muna. Hindi na din naman ako tumanggi at nagpunta sa isang malapit na fastfood chain.
Dala ng kuryosidad, binulatlat ko ang wallet ni Mike habang naglalakad. Muntik ko pang mabitawan iyon nang makita ko ang ilang lilibuhin sa loob. Muntik na nga akong bumalik sa bar para ibigay sa kanya iyong wallet kung hindi ko lang napansin ang isang wallet size na larawang nakasingit doon. May hinala na ako kung ano ang makikita ko pero hindi ko pa rin napigilang tignan.
Nalungkot na lang ako nang makita na ang nakangiting mukha nila ni Ivan doon. Magkayakap pa silang dalawa doon, nakangiting nakatingin sa camera. Pagtingin ko sa likod, may nakasulat pa doon.
I’ll see you there
At the place you say you’d wait
Where the stars fall down
- Ivan
Ang simple lang noong nakasulat doon kung tutuusin pero hindi ko napigilan ang maluha. Kahit kasi ganno kasimple iyong mensahe, ramdam mo iyong gusto nitong iparating. Lalo tuloy akong nalito.
Ni hindi ko naubos iyong inorder kong burger. Pagbalik ko sa bar, katatapos lang nilang mag-set up. Tawa pa ng tawa si Mike, hatalang excited sa mangyayari.
“Iv---” Baling sa akin ni Mike pero hindi niya itinuloy.
Mukha namang napansin din niya agad ang pagkakamali niya at agad na tinawag ako sa pangalan ko. Nanikip na naman ang dibdib ko.
“Bakit?” Tanong ko na lang pagkalapit.
“You’ll be singing Standing at the Edge of the Earth.” Ngiting-ngiti niyang sabo sa akin. Tumango na lamang ako.
Sa unang pagkakataon, muntik na akong naiyak habang kinakanta ko iyon. Tuwang-tuwa pa si Mike at sina Kuya Bryan dahil ang galing daw nang pagkakanta ko pero hindi ko magawang maging masaya. Doon ko kasi naintindihan iyong tanong ni Bille kay Mike. Ako man kasi ay gusto na ding tanungin kung ako ba talaga ang naririnig at nakikita niya o si Ivan.
Pagkahatid niya sa akin ni Mike sa bahay noong araw na iyon ay hindi na siya pumasok. Hindi na tuloy niya nakita na nandoon si Bille, hinihintay ako.
Ipinaalam lang ako ni Bille kay Nanay na mag-uusap kami saglit bago niya ako hinila sa labas. Kahit anong tanong ko sa kanya ay hindi siya kumikibo hanggang sa medyo makalayo kami sa bahay.
“Hoy! Anong meron?” Tanong ko na sa kanya.
Imbes na sumagot ay inilabas lang niya ang isang notebook mula sa bag na bitbit niya. Napakunot pa ang noo ko nang makita kong akin iyon. Siya pa mismo ang nagbuklat noon at ipinakita sa akin ang isang malaking question mark sa isang pahina kung saan dapat nakasulat iyong mga sagot ko sa huling assignment namin.
Muntik ko nang mamura ang sarili ko na ipinasa ko iyong notebook na walang sagot.
“Hinahanap ka ni sir kanina pero nakaalis ka na.” Malamig lang niyang sabi sa akin. Hindi tuloy ako makatingin sa kanya ng diretso.
“Isang assignment lang naman iyan. Mahahabol ko pa.” Sabi ko na lang.
“Naririnig mo ba ang sarili mo?” Tanong niya sa akin na ikinatameme ko.
Wala akong maisip na ipalusot. Ako man din kasi ay naiirita sa sarili ko dahil doon. Ni hindi ko man lang namalayan na napapabayaan ko na pala ang pag-aaral ko.
Nang may dumaang tricycle ay sumakay na si Bille, wala ding sinasabi sa akin. Naiwan tuloy akong nakatayo lang sa gilid ng daan.
Pagbalik ko ng bahay, parang lalo akong sinampal ng katotohanan nang madatnan kong kinagagalitan ni Nanay ang bunso namin habang hawak iyong isa pang uniporme ko sa eskwelahan. Dalawa lang iyon kaya literal na gabi-gabing nilalabhan ni Nanay ang isa para lagi akong may magamit. Ang problema, may malaking butas na sa harap iyong hawak niya.
Iyak na ng iyak iyong kapatid ko pero patuloy lang sa pagpalo si Nanay. Kung hindi ko pa talaga inawat ay hindi siya titigil. Maging si Tatay man kasi ay halatang nagtitimpi din lang ng galit. May kamahalan kasi iyong uniporme ng St. Jerome kaya nga dalawa lang ang nabili nina Tatay.
Kinabukasan, laking pasasalamat ko na lang na natuyo iyong uniporme ko. Kaya nagtaka pa ako nang bigla akong tanungin ni Bille kung anong nangyari.
“Iyan din iyong suot mo kahapon. Hindi ka na nga naligo, hindi ka pa nagbihis?” Biro pa niya sa akin.
“Mas malaki nang kaunti iyong isa. Mas malapit na sa siko iyong dulo ng manggas.” Paliwanag pa niya noong hindi ako agad nagsalita.
“Pansin mo talaga pati iyon?” Natatawa ko na ding tanong bago ko ikinuwento kung ano ang nangyari.
Ang mas ipinagtaka ko ay pati si Mike, napansin din iyon nang sunduin niya ako kinahapunan.
“The other one is bigger. The end of the sleeves are closer to the elbow.” Sabi niya na ikinanganga ko na. Sino ba naman ang hindi eh literal na ini-English lang niya iyong sinabi ni Bille.
“Magpinsan nga kayo.” Sabi ko na lang saka inulit sa kanya iyong paliwanag na ibinigay ko kay Bille.
Inihatid lang ako ni Mike sa bahay at umuwi na din.
Pero kung may talagang ikinagulat man ako nang araw na iyon ay ang magkasunod nilang pagdating ni Bille, may dalang uniporme para sa akin, kinagabihan. Halata din ang pagkakailang nila sa isa’t isa.
Nag-alala na ako ng tuluyan nang imbes din na sumabay kay Mike ay nag-tricycle lang din pabalik sa bahay nila si Bille.
Pagdating ng Sabado, lumalim ang pag-aalala ko nang si Bille pa mismo ang nagkansela ng ensayo. Dalawang linggo na lang noon bago iyong mismong kompetisyon. Kung normal na sitwayon iyon, makikipagpatayan si Bille matuloy lang iyong practise.
Kaya nga kahit itinawag na niya sa akin na kanselado ang practise, nagpunta pa rin ako sa bahay nila. May usapan na din naman kasi kami ni Mike na magkikita kaya mas mabuti na iyon para hindi na niya ako kailangang sunduin pa sa bahay.
Nadatnan ko siyang nagmumukmok sa kwarto niya, tumutugtog lang ng gitara. Wala sina Tito Mario at Tita Lysel. Nasa retreat naman daw si Ate Aubrey sabi nang kasambahay na nagpapasok sa akin. Para iyon sa mga malapit nang magtapos na estudiyante ng St. Jerome.
“Anong meron?” Tanong ko kay Billepagpasok ko ng kuwarto. Ni hindi niya ako tinignan at diretso lang sa pagtipa sa gitara.
“Hoy!” Sabi kong may kasamang pabirong suntok sa braso niya.
Tinignan lang niya ako ng masama. Hindi tuloy ako nakaimik dahil iyon ang unang pagkakataon na ginawa niya iyon sa akin.
“May nagawa ba ako?” Mahina ang boses na tanong ko na lang.
“Anong araw ngayon?” Sagot-tanong niya sa akin.
“Sabado. May schedule ba ang regla mo?” Pabiro ko pang sabi para sana pagaanin ng kaunti iyong sitwasyon.
Ang bigat-bigat lang kasi sa pakiramdam na malamig ang pakikitungo niya sa akin.
“Wala.” Sabi lang niya.
Napaisip na tuloy ako kung ano bang meron pero wala talaga akong maisip na dahilan para magkaganoon siya. Dahil wala din naman akong maisip na sasabihin, nanahimik na lang ako.
Hindi nagtagal, narinig ko ang boses ni Mike papalapit sa kuwarto.
“Happy Birthday, insan!” Bulalas niya pagbukas na pagbukas niya noong pinto ng kuwarto.
Daig ko pa ang binuhusan ng malamig na tubig. Pagtingin ko kay Bille, nakatungo lang siyang patuloy sa paggigitara, hindi umiimik. Mukha namang nakaramdam agad si Mike dahil umalis din agad nang walang sumagot sa aming dalawa.
“Tama nga ako. Nakalimutan mo nga.” Mahinang sabi ni Bille.
Gusto ko na tuloy maiyak ng wala sa oras. Ramdam na ramdam mo kasi iyong hinanakit sa boses niya.
“Sorry…” Iyon lang ang naisagot ko bago ako nagmamadaling lumabas dahil sa sobrang hiya.
Pakiramdam ko ng mga oras na iyon, napakawalang kwenta kong kaibigan. Sa dinami-dami nang pwede kong makalimutan, iyong birthday pa niyang talaga.
“Anong nangyari?” Salubong agad sa akin ni Mike nang makalabas ako ng bahay nina Bille.
Ni hindi ko magawang sumagot. Hindi din naman siya nagpilit magtanong at pinasakay na lamang ako sa motor.
Naglibot-libot lang kami kung saan-saan para daw makabawas man lang ng pressure lalo at malapit na iyong kompetisyon. Banat din siya ng banat ng mga korning jokes, pilit akong pinapatawa. Nang mapagod, inaya niya ako doon sa bar para daw maki-jam kami sa banda na inoohan ko lang naman.
Malamang ay napansin niya na matamlay pa rin ako kaya tinanong niya ako ulit. Napilitan na tuloy akong magsabi ng totoo.
“Well, it’s not too late.” Aniya pero bumuntong-hininga lang ako.
“I have an idea.” Sabi niya kapagdaka.
Pinakinggan ko lang naman iyong suhestiyon niya. Nang magkasundo, iniwan na niya ako kasama noong banda.
Bigla kong naalala iyong kanta na madalas tugtugin ni Bille sa gitara noong sabihin ni Mike na kantahan ko na lamang siya bilang regalo. Hindi naman ako nagka-interes na hanapin iyon dati. Mabuti na lamang at noong kantahin ko iyong tono sa banda ay nahulaan kaagad nila kung ano iyon. Stay pala iyon ni Carol Banawa.
Kaya ang plano, kakantahin ko iyon sa bar bilang supresa. Kaya umalis si Mike ay para sunduin si Bille.
Nakadalawang practice lang yata ako kasama iyong gitarista nang mag-text si Mike na pabalik na sila doon. Mabuti na nga lang at nakabalik na din iyong ibang miyembro noong banda para bumili ng cake.
Pagpasok na pagpasok ni Bille sa pinto ay nagsimula na akong kumanta.
I want you stay
Never go away from me
Stay forever
But now, now that you’re gone
All I can do is wait for you
To be here beside me again
Why did you have to leave me
When you said that love will conquer all
Why did you have to leave me
When you said that dreaming
Was as good as reality
Bago ko pa man masimulan iyong susunod na linya ay nakalapit na sa akin si Bille at pinatay iyong mikropono. Nangingilid na din ang luha niya ng mga oras na iyon at halatang pinipigilan lang niya.
“Alam mo ba kung bakit ko pinag-aralang tugtugin ang kantang ‘yan?” Tanong niya sa akin kasabay ng pagpatak ng luha niya.
“Para sa’yo. Para sa araw na makilala mo ang taong mamahalin mo.” Dagdag pa niya saka nilingon si Mike.
Wala akong nasabi kahit na noong halikan niya ako sa pisngi. Hindi ko din siya pinigilan noong lumabas siya ng bar. Maging si Mike ay nakatingin lang sa akin.
Nang lumapit sa akin iyong miyembro noong banda na may hawak na cake, hinipan ko lang iyong kandila at saka bumaba na ng entablado. Dirediretso lang ako sa labas kahit na pinipigilan ako ni Mike.
“Alee, ihahatid na lang kita…” Sabi pa niya sa akin.
Napatingin lang ako kay Mike. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya ng mga oras na iyon. Pero mas maliwanag sa akin ang pagkalito na lumulunod sa mata niya. Malamang ay iyon din ang nakikita niya sa mga mata ko.
Umiling lang ako at saka naglakad papalayo. Nang may dumaang tricycle ay sumakay na ako doon at inarkila ko na para ihatid ako hanggang sa amin. Mabuti na lamang at nandoon na si Nanay sa bahay dahil nagkulang pa iyong dala kong pera.
Ramdam kong gustong tanungin ni Nanay at Tatay kung ano ang nangyari pero umiwas ako. Hindi ko din naman kasi kayang ipaliwanag sa kanya kung ano ang nangyari kapag nagkataon. Paano mo ba ipapaliwanag sa mga magulang mo na hindi man diretsahan ay nagtapat sa iyo ang kababata mong kapareho mong lalaki na mahal ka niya kasabay nang pagpapatanto niya sa iyo na mahal mo na ang pinsan niya na isang lalaki rin?
Ni hindi ako lumabas noong tawagin ako ni Nanay na maghapunan. Maging ang mga kapatid ko na kadalasang nangungulit ay nangilag din sa akin ng mga oras na iyon. Hinayaan lang nila akong magmukmok sa isang sulok.
Madaling araw na yata nang makatanggap ako ng tawag mula kay Mike at sabihan niya akong nasa labas siya ng bahay namin. Napilitan tuloy akong lumabas.
“Hey…” Bungad niya sa akin. Tango lang ang naisagot ko.
Hindi na ako tumanggi noong hawakan niya ang kamay ko at igiyang maglakad papalayo sa bahay. Iniwan niya pala sa may kanto iyong motor niya.
“Ayoko nang dagdagan pa iyong iniisip mo.” Sabi lang niya nang titigan ko iyon.
“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko na lang.
“You can’t expect me to leave you alone after what happened.” Sabi lang niya kasabay nang pagpisil sa kamay ko.
“Hindi mo kailangang magdesisyon ngayon, Alee. Bata ka pa. Bata pa kayo ni Bille. So until you’re sure---.” Mahina niyang sabi na hindi na din naman niya itinuloy.
“Hindi ako si Ivan, Mike,” Biglang sabi ko na hindi ko alam kung saan nanggaling. Ngumiti lang siya sa akin.
“I know.” Sabi lang niya sa akin bago niya ako niyakap ng mahigpit.
Ilang minuto din na yakap-yakap lang ako ni Mike. Hindi din nagtagal ay nagpaalam na siya sa akin. Inihatid pa niya ulit ako sa haraan ng bahay bago siya naglakad pabalik sa kung nasaan iyong motor niya. Saka na din lamang ako pumasok noong hindi ko na marinig ang ugong noon.
Para kaming nagpapatinterong tatlo nina Bille at Mike noong sumunod na mga araw. Pero kahit ganoon, patuloy pa rin kami sa pag-eensayo. Ako na rin mismo ang nagdesisyon na araw-arawin na iyon. Hindi na din naman tumanggi si Bille.
Para walang maging problema, dinoble ko ang pag-aaral. Kinausap na din ako noong adviser namin at sinabihan kaya talagang nagpursige ako. Sa isip ko ng mga panahong iyon, kailangan ko silang pagsabayin dahil hindi ko pwedeng basta na lamang bitawan ang alinman sa dalawa.
Dalawang araw bago iyong mismong kompetisyon ay kinausap na rin ako sa wakas ni Bille. Siya pa ang humingi ng pasensiya sa akin. Nahihiya man ako ay tinanggap ko na din lang naman iyon.
“Hindi naman ako umaasa dati pa, Alee. Pero sana, magkaibigan pa rin tayo.” Sabi pa niya sa akin. Tinanguan ko lang iyon kahit na alam ko sa sarili ko na mahirap nang ibalik sa dati ang lahat.
Si Mike naman, nagsimula na ding magparamdam. Hindi naman ako ipokrito para sabihing hindi ako natutuwa doon pero hindi ko rin maiwasang matakot at mag-alangan. Nasa likod pa rin naman kasi ng utak ko iyong hirap noong sitwasyon. Nandoon din iyong kaisipan na malaki ang tiyansang nakikita lang niya si Ivan sa akin.
Araw ng battle of the bands ay sinundo ako ni Mike sa bahay umaga pa lang. Nagulat pa ako noong dalhin niya ako ulit doon sa ilog kung saan kami nagpunta kasama noong banda dati pero hindi na ako nagtanong. Wala din akong naging pagtutol noong yayain niya ulit akong magbangka.
Ikinuwento niya sa akin ang tungkol sa kanila ni Ivan ng mga oras na iyon. Inilabas din niya iyong picture nila ni Ivan mula sa wallet niya at iniabot sa akin.
“He was the first person I’ve faught for, the first person I’ve loved. Hindi ko iyon itatanggi. Hindi ko alam kung maiintindihan mo iyon. Sabi ko nga, bata ka pa. Pero sana, huwag mong isipin na kaya ako nakikipaglapit sa iyo ay dahil sa kanya. In all honesty, I wanted to cut you off the first time I saw you. You reminded me so much of him that it was painful. But as time went by, I just can’t seem to keep away from you.” Mahaba niyang sabi.
Nakikinig lang ako noon, nakatingin doon sa larawan nilang dalawa ni Ivan.
“Alam kong hindi ikaw si Ivan, Alee. I wasn’t even sure if I had a chance. I’m a decade older plus Bille was always around.” Dagdag pa niya.
Naalala ko bigla iyong nakasulat sa likod noong picture kaya tinignan ko iyon. Napatingin din lang doon si Mike.
“Anong ibig sabihin nito?” Tanong ko sa kanya. Napakunot din lamang ang noo niya.
“Honestly, hindi ko alam. Ang sabi lang sa akin ni Ivan noong ibigay niya iyan, nabasa daw niya sa isang papel sa apartment ko noon. Galing daw yata sa isang kanta.” Sabi lang niya.
Nadismaya pa ako ng bahagya pagkarinig ng paliwanag niyang iyon pero hindi ako kumibo.
“Alee, I love you. Sa maniwala ka at sa hindi, iyon ang totoo. Hindi ko hihilingin na bigyan mo ako ng sagot ngayon. Gusto ko lang na malaman mo. This is also me promising that I would wait for you.” Sabi ni Mike kapagdaka.
Tango lang ang naisagot ko.
Hindi din naman kami nagtagal doon sa ilog. Imbes na dumiretso kami sa bahay ay dinala niya ako sa isang mall sa kabilang bayan at ibinili ng damit. Pinagupitan din niya ako kahit na reklamo ako ng reklamo.
“You have to look like a star tonight, remember?” Sabi lang niya sa akin.
Pagdating sa St. Jerome ay hinanap kaagad namin sina Bille. Sakto namang nasa classroom pala namin sila, kasama ang iba pa naming kaklase. Maging si Ate Aubrey ay nandoon din. Napatingin pa silang lahat sa akin noong pumasok ako.
“Bakit?” Tanong ko nang wala nagsalita. Nakatingin lang kasi silang lahat sa akin.
“Wait lang, kapatid. Nagmo-move on pa sila sa pagkalaglag ng mga brief at panty nila. Give it a minute.” Sabi ni Ate Aubrey na ikinapula ko talaga. Iyong mga kaklase ko naman, natawa lang.
“At hindi ka pa kumakanta sa lagay na ‘yan!” Sabi naman ni Philippe saka ngiting-ngiti na lumapit sa akin.
“Pasimsim naman ako.” Dagdag pa niya saka ako sininghot sa leeg. Natatawang binatukan ko na lang siya.
“You look great.” Narinig kong sabi ni Bille.
Pagtingin ko sa kanya ay nakangiti siya sa akin. Noon ko lang siya ulit nakitang ngumiti ng ganoon. Bago pa man ako nakaisip nang isasagot ay may kinuha na siya sa bag niya at saka lumapit doon sa bulletin board ng classroom namin, may hawak na highlighter.
“Pogi daw kasi nito eh.” Nakangiti pa niyang sabi sa akin bago niya nilinyahan iyong pangalan ko sa listahan ng Top Ten. Ang kaso, nilinyahan din niya iyong pangalan niya na kasuod lang noong sa akin.
“Pero ito, Greek God.” Aniya pagkatapos.
Binatukan lang siya ni Ate Aubrey.
“Minsan lang magmo-moment si Alee, kukumpitensiyahin mo pang hayop ka!” Sabi sa kanya ni Ate Aubrey. Natawa na lang kaming lahat.
“I’ll see you later then.” Biglang sabi ni Mike.
Tumango lang ako at pinanood siyang umalis. Pagbalik nang tingin ko kina Bille, titig na titig sa akin si Ate Aubrey. Si Bille naman ay nag-iwas lang ng tingin.
“You do realize na wala pang pangalan ang banda natin right?” Biglang singit ni Joshua.
“Oo nga pala.” Bulalas ko.
“Sinong nagsabi?” Sagot lang ni Bille. May kinuha ulit siya sa loob ng bag niya. Nang iabot niya sa akin, nakita kong kopya iyon ng registration form para sa kompetisyon. Napasimangot na lang ako nang makita ang pangalan na inilagay niya doon.
“Alee’s Wonderland.” Malamig kong basa sa nakasulat doon.
“Maganda naman ah.” Apela agad ni Bille.
“Ang baduy mo!” Halos sabay pa naming sabi ni Ate Aubrey.
“Hindi ka man lang ba kinilabutan nang isulat mo ‘yan? Nakakahiya.” Sabi ko pa.
“Medyo double meaning din.” Dagdag pa ni Philippe na nakangisi.
“Well, wala na tayong magagawa kung iyan ang naka-register.” Tawa nang tawa na sabi ni Joshua.
“I guess we just have to let them discover how wonderful Alee’s Wonderland is.” Dagdag pa niya na halatang iba ang gustong sabihin.
Tinawanan ko na rin lang iyon. Tama din naman kasi si Joshua na wala na kaming magagawa.
“Ay wait! Ako muna ang di-discover!” Singit bigla ni Ate Aubrey saka ako pinupog ng halik sa pisngi na sinamahan pa niya ng paghimas-himas sa akin.
“Wonderland nga!” Hirit pa niya bago ako pinakawalan. Tawa lang tuloy kami ng tawa sa loob ng klase.
Alas singko nagsimula iyong mismong contest kaya kahit papaano ay nakapag-ensayo pa kami ng isa pa. Si Ate Aubrey naman ay wala nang ginawa kundi kumuha ng picture namin. Naiilang pa nga ako noong una pero nang lumaon, nasanay na din ako.
Itinutok din sa akin ni Mike ang atensiyon niya ng mga oras na iyon. Siya din ang nag-ayos ulit noong buhok ko bago magsimula iyong programa. Iyon nga lang at inaasar din niya ako sa pangalan noong banda.
“Wonderland, huh?” Sabi pa niya sa akin, nang-aasar.
“Should I be following the yellow brick road?” Dagdag pa niya.
“Huwag ka nang sumama sa mga nang-aasar sa akin. Kasalanan ni Bille ito eh.” Sabi ko na lang.
“But you are wonderful.” Seryoso niyang sabi sa akin. Inismiran ko lang siya.
Aligaga ako noong nagsimula nang tumugtog iyong unang banda. Pangalawa kaming tutugtog ng hapong iyon. Maging sina Bille ay halatang ninenerbiyos din.
“Hey… I’m here, okay? Just look for me in the crowd later.” Sabi sa akin ni Mike sabay hawak sa kamay ko. Pinisil pa niya iyon.
Hindi na ako umapela nang bigla niya akong hilahin para maitago at basta na lamang hinalikan sa labi. Ewan, pero imbes na lalong kabahan ay kumalma ako ng wala sa oras.
“Okay?” Tanong pa niya sa akin na nakangiti pagkatapos.
“Okay.” Sagot ko lang din naman.
Isang malalim na buntong-hininga lang ang pinakawalan ko nang tawagin na ang pangalan namin. Nagmamadali ding umalis si Mike para daw makasingit siya sa harapan. Nandoon na din naman si Ate Aubrey ayon sa kanya.
“Kamusta?” Alanganing tanong ni Bille sa akin nang papasok na kami sa entablado. Isang malapad na ngiti lang ang ibinigay ko sa kanya.
“Let’s bring everyone to Wonderland.” Sabi ko sa kanya na ikinangiti niya. Narinig din iyon nina Philippe at Joshua na ikinatawa nila.
Kahit kabado pa rin ay ikinundisyon ko na ang utak ko para sa unang kanta. Standing at the Edge of the Earth kasi ang mauuna. Warm up song, kumbaga. Pero dahil alam kong nandoon si Mike, hindi pwedeng basta-basta lang ang lahat.
Biglang pumasok sa isip ko iyong larawan nina Mike at Ivan ng mga oras na iyon. Napangiti na lang ako. Sa isip ko, kakantahin ko iyon para sa kanilang dalawa.
Nagkatinginan pa kami ni Bille bago kami nagsimulang tumugtog. Pero nang malapit na akong kumanta, si Mike ang hinanap ng mata ko. Nakangiti lang siya sa akin nang magsalubong ang mga mata namin.
“Samahan mo akong kantahin ito ara sa kanya, Ivan.” Bulong ko pa sa sarili ko bago ako nagsimula.
Hindi malinaw sa akin kung ano ang nangyari sa buong pagkanta ko. Wala kasi akong ibang naririnig kundi iyong tunog noong mga instrumento. Wala din akong ibang nakikita maliban kay Mike.
Nang magsisimula na kami para sa pangalawang kanta, biglang may pumasok na ideya sa utak ko. Nilapitan ko panandalian sina Bille at sinabi ang gusto kong mangyari.
“Sigurado ka ba?” Nag-aalangan pang tanong sa akin ni Joshua.
“Mukha bang hindi?” Kumpiyansa kong sabi. Natawa na lang silang tatlo.
Pagtingin ko muli sa direksiyon ni Mike ay kunot ang noo niyang nakatingin sa akin. Ngumiti lang ako. Hindi din nakaligtas sa akin ang pagnganga niya nang magsimula kaming tumugtog at imbes na Awit ng Kabataan ay Born to be My Baby ang tinugtog namin.
Kumindat pa ako kay Mike bago ako nagsimula. Kahit malayo ay nakita ko siyang namula.
Rainy night and we worked all day
We both got jobs cause there’ bill to pay
We got something they can’t take away
Our love, our lives
Close the door, leave the cold outside
I don’t need nothing when I’m by your side
We got something that will never die
Our dreams, our pride
My heart beats like a drum
Flesh to flesh, one on one
And I’ll never let go cause
There’s something I know deep inside
Pagdating sa chorus ay itinutok ko na talaga ang tingin ko kay Mike. Naiiling na sumabay na lang siya sa pagkanta ko.
You were born to me my baby
And baby, I was made to be your man
We got something to believe in
Even if we don’t know where we stand
Only God would know the reasons
But I bet he must have a plan
Cause you were born to be my baby
And baby, I was made to be your man
Pakiramdam ko ay sinapian ako ng mga oras na iyon. Maging sina Bille ay parang ganoon din. Tipo bang kung iyon ang huling pagkakataon na tutugtog kami, wala kaming pagsisisihan. At bago pa man matapos iyong kanta, kumpiyansa na akong kami ang mananalo.
Sinalubong kami ng hiyawan pagkatapos. Pakiramdam ko talaga, nasa tuktok kami ng mundo ng mga oras na iyon. Ni hindi maalis-alis ang pagkakangiti ko.
“Ngayon lang kita nakita na ganito kasaya.” Sabi pa sa akin ni Bille noong pabalik na kami ng backstage.
“Ngayon lang ako naging ganito kasaya.” Sagot ko lang. Niyakap lang ako ni Bille ng mga oras na iyon.
“I’m genuinely happy for you.” Sabi pa niya bago ako pinakawalan. Siya namang pagsugod ni Mike at Ate Aubrey sa backstage.
“What the hell was that?” Hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Mike sa akin.
“Kailangan pa bang itanong ‘yan?” Balik-tanong ko lang sa kanya na ngiting-ngiti. Nginitian lang niya ako ng sobrang tamis. Hindi naman kasi namin kailangang sabihin kung ano ang ibig sabihin noon para magkaintindihan.
Halos mapatid ang ngala-ngala namin nang ianunsiyo na kami ang nanalo sa battle of the bands. Literal na naiyak pa sina Philippe at Joshua sa sobrang saya. Tawa pa kami nang tawa nang magyakapan talaga sila sa mismong stage noong tanggapin namin iyong premyo. Niyakap din ako ni Bille noon pero sandali lang.
“Go make it the best night ever.” Sabi pa niya sa akin pagkatapos sabay muwestra sa kinatatayuan ni Mike.
“Salamat…” Sabi ko lang kay Bille bago ako tumakbo papunta kay Mike. Natawa na lang ako nang pabuhat pa niya akong niyakap.
“Hoy! Huwag niyong gawing motel ang backstage!” Pambabara pa sa amin ni Ate Aubrey pero hindi naman siya tumigil sa kakukuha ng picture.
“Mga immoral!” Sabi pa niya na ikinatawa lang namin.
“Ready to go?” Tanong sa akin ni Mike noong ibaba niya ako. Napatingin muna ako sa direksiyon nina Bille. Noong tumango siya sa akin, tumango na din lang ako kay Mike.
“Got! Why aren’t you eighteen just yet?” Sabi pa niya na ikinapula ko na naman. Hindi naman kasi ako tanga para hindi maintindihan ang ibig niyang sabihin.
Hindi din kami agad nakaalis ni Mike dahil na rin sa nandoon din sina Nanay at Tatay, kasama pa ang mga kapatid ko. Maging sina Tita Lysel at Tito Mario ay nandoon din pala para manood. Ilang minuto din akong pinaggigilan ni Tita Lysel bago kami tuluyang nakawala.
Pagdating sa kinapaparadahan ng motor ni Mike, agad niya akong pinasakay dahil may hahabulin daw kami. Tawa lang ako nang tawa na sumunod.
Kahit nagmamadali ay naging maingat sa pagmamaneho si Mike lalo pa nga at gabi na. Sinabihan pa nga niya ako na para daw kaming magtatanan sa lagay na iyon.
“Pwede naman.” Matapang ko pang sagot na tinawanan lang niya.
“I can wait, okay? Huwag mong apurahin. We’ll get there.” Sagot lang niya sa akin.
Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko kay Mike pagkasabi niya noon. Ni wala man lang kasi akong maramdaman napag-aalinlangan na tutuparin niya ang sinabi niya, na talagang hihintayin niya ako.
“I just remembered. Tanda mo iyong isinulat ni Ivan sa likod noong picture namin?” Aniya nang huminto siya sa isang intersection dahil may dumaraang mga bus.
“Anong meron doon?” Tanong ko naman.
“Nagbasa ako ng e-mail kanina tapos bigla ko iyong naalala. Si Bille ang nagsulat noon. Ipinadala niya sa akin para lagyan ng tono. Malamang ay nai-print ko iyon noon kaya nakita ni Ivan. Akala niya siguro ay ako ang gumawa.” Kwento lang niya.
“Good lines, actually. I’m planning to finish it.” Dagdag pa niya.
“Okay.” Sabi ko lang. Hindi ko kasi alam kung ano ang gusto niyang puntuhin.
“Hindi mo man lang ba tatanungin kung bakit?” Natatawa niyang tanong.
“Because I think it’s for you.” Pagtutuloy niya na hindi na ako hinintay na sumagot.
“I just think it would be nice to have you sing a song that was made by the two people who loves you the most.” Dagdag pa niya.
“Okay…” Sabi ko na lang.
“I just told you I love you again. Baka gusto mo namang kiligin nang kaunti?” Pang-aasar niya sa akin. Nakatingin siya sa may daan ng mga panahong iyon kaya hindi ko makita ang mukha niya, lalo pa nga at pareho kaming may suot na helmet. Pero napansin kong namumula ang leeg niya.
Napangiti na lang ako. Alam ko naman na gusto din lang niyang marinig na mahal ko siya ng mga oras na iyon.
Pero bago pa man ako nakasagot ay bigla na lamang niya ako itinulak papalayo. Sa lakas nang pagkakatulak niya sa akin, literal na sa sidewalk na ako bumagsak. At bago pa man bumalik ang huwisyo ko, narinig ko na ang langitngit ng pagkikiskisan ng metal sa metal.
Pinilit ko ang sarili kong tumayo para tignan kung ano ang nangyari. Naitulos na lang ako sa kinatatayuan ko nang makita kong nasa ilalim ng isang bus ang motor ni Mike. Maging iyong katabi naming kotse na naghihintay na makatawid ay nahila din noong bus.
Hindi ko na alam kung ano ang nangyari pagkatapos noon dahil nawalan na ako ng malay. Ang alam ko lang ay huminto ang mundo ko ng mga oras na iyon.
Pagkagising ko ay nasa ospital na ako. Iyak pa ng iyak si Nanay kahit na noong sabihin noong doctor na maliban sa gasgas ay wala akong ibang tama. Kung tutuusin nga daw ay pwede na akong iwui ng mga oras ding iyon.
Tulala lang ako habang inaayos nina Nanay ang pag-uwi namin. Saktong papalabas na kami ng ER noong ospital nang makita kong nakasandal si Bille malapit sa pinto, umiiyak.
Pagkakita niya sa akin ay lalo pa siyang napahagulgol. Napaatras na ako noong magtangka siyang lumapit sa akin. Hindi na din naman siya nagtuloy. Hindi din siya nagsalita pero hindi na din iyon kailangan.
“Nay, umuwi na po tayo.” Mahina kong sabi.
“Alee…” Tawag ni Bille sa pangalan ko.
“Nay! Gusto ko nang umuwi!” Mas malakas kong sabi.
“Alee, anak…”
“Umuwi na tayo, Nay! Umuwi na tayo!” Sigaw ko na pero imbes na gumalaw ay niyakap lang ako ni Nanay.
Tuloy-tuloy lang ako sa pagsigaw ng mga oras na iyon. Hindi talaga ako tumigil kaht na noong lapitan ako ng doctor. Sa huli, napilitan silang turukan ako ng pampakalma.
“Alee…” Narinig ko pang tawag ni Bille sa pangalan ko habang inaalalayan ako nina nanay pabalik ng ER para ihiga.
“Sabi niya, hihintayin niya ako.” Mahina kong sabi bago tuluyang nagdilim muli ang paningin ko.
Malaking tulong na isang linggo pagkatapos noon ay Christmas break na. Hindi ko kasi alam kung paano akong papasok sa eskwelahan pagkatapos noong nangyari. Hindi din naman ako pinilit nina Nanay na pasukan pa iyong huling linggo na iyon. Tulala lang ako sa bahay at hindi nakakausap.
Ramdam kong gusto akong kausapin nina Nanay at Tatay pero hindi din naman nila ako pinilit. Wala din silang sinasabi tungkol sa burol at libing ni Mike. Kung meron mang nagpapaalala sa akin noon, iyon ay ang pagbisita ni Bille sa akin.
Halos araw-araw niya akong pinupuntahan para sunduin. Tumagal din naman kasi ng dalawang linggo iyong burol dahil hinintay pa nila ang pag-uwi ng mga magulang ni Mike. Iyon nga ang at kahit na anong pamimilit ni Bille ay hindi ako natinag.
Hanggang sa mismong araw ng libing ni Mike ay hindi ako lumabas ng bahay. Hindi ko matanggap na hanggang doon na lang ang lahat.
Sa isip ko kasi, unang pasko at bagong taon dapat namin iyon. Iyon din sana ang unang birthday ko na makakasama ko si Mike. Pero ni hindi man lamang ako pinagbigyan ng pagkakataong maranasan iyon.
Hapon na nang dumating si Bille sa bahay namin. Nauna pa nga siya kina Nanay at Tatay na dumating. Nagpunta kasi sila, kasama ang mga kapatid ko, sa mismong libing.
“Alee, tatayo ka ba diyan o kakaladkarin kita.” Diretsang sabi lang ni Bille pero hindi ko siya pinansin.
Nang hindi ako sumagot, literal na hinila niya ako papalabas ng kuwarto. Kahit anong pagpupumiglas ko ay hindi niya ako binitawan. Ilang beses pa akong natisod pero hindi siya tumigil. Napababa pa tuloy ng kotse iyong driver nila para pigilan siya pero hindi pa rin siya nagpapigil.
“Ayoko nga sabi eh.” Sigaw ko na kay Bille sabay tulak sa kanya.
Galit na galit na may kinuha si Bille sa bulsa niya saka ibinalibag iyon sa akin. Tumama pa iyon sa dibdib ko bago bumagsak sa lupa. Pagtingin ko, isang maliit na kahon iyon at dahil nakabukas, kita ko ang singsing sa loob.
“Huwag mo namang balewalain si Kuya Mike, Alee!” Nanggigigil na sabi sa akin ni Bille.
“Alam kong mahirap tanggapin pero sana naman, huwag mong hayaan na mailibing siya na hindi ka man lang nagpapaalam!” Dagdag pa niya.
“Ang sabi niya, hihintayin niya ako.” Galit ko na ring sagot.
“Ang sabi niya, hindi ko kailangang mag-apura dahil handa siyang maghintay para sa akin. Nasaan na iyong sinabi niyang ‘yun? Nasaan? Saan niya ako hihintayin? Sa hukay? Nangako siya, Bille! Nangako siya sa akin! Pero hindi niya tinupad.”
Kahit ako ay nabingi sa lakas ng boses ko ng mga oras na iyon. Pakiramdam ko rin ay bigla akong nawalan ng lakas at napasandal sa kotse nila.
Si Bille na rin mismo ang pumulot noong kahon na may lamang singsing bago siya ako niyakap ng mahigpit.
“Nangako siya sa akin, Bille. Nangako siya…” Ulit ko bago tuluyang napahagulgol.
“Alam ko…” Sabi lang ni Bille sa akin.
Hindi na ako pinilit pa ni Bille pagkatapos noon. Hinayaan lang niya akong umiyak nang umiyak. Pero kahit anong pangongonsula ang sabihin niya sa akin ay walang nagawa.
Patay na si Mike. Tapos na din ang lahat bago pa man magsimula.
Continue Reading Next Part