1. Home
  2. Stories
  3. Where the Stars Fall Down (Part 2)
Mencircle

Where the Stars Fall Down (Part 2)

51 minutes

By: Kier Andrei

"So… What do you guys want?"

"True love." sabay pang sagot nina Philippe at Joshua sa tanong ko. Nagkatinginan pa sila at sabay uling napabuntong-hininga. Napaka-depressing lang nilang tignan nang mga oras na iyon.

"I'm supposed to be the token gay guy in this trio but the two of you sounded even gayer than me." natatawa ko na lang na sabi bago tinawag iyong waiter at saka umorder ng isang bucket ng beer at saka isang order ng sisig. Nagpadagdag lang ng chicharong bulaklak si Joshua bago kami iniwan noong waiter.

It's been almost fifteen years simula noong maghiwahiwalay kami pagkatapos ng aming high school graduation. Sa Cebu na kasi nag-kolehiyo si Philippe dahil doon nadestino ang papa niyang pulis. Si Joshua naman ay sa state university na katabi lang ng St. Jerome nag-aral. Ako naman, dahil nakapasa sa Ateneo, ay lumuwas ng Maynila. Mabuti na nga lang at ginawa akong scholar ng congressman ng bayan namin dahil kung hindi, baka ni tumapak ng kolehiyo ay hindi ko nagawa.

Hindi ganoon kadalas ang naging komunikasyon namin pagkatapos ng high school kung tutuusin. Idagdag pang pagkatapos noong nangyari kay Mike ay ako na rin talaga mismo ang umiwas. Nagkataon lang na noong parepareho na kaming naghahanap ng trabaho ay nagkita-kita kami. At dahil doon, napagkasunduan na namin na magkita-kita kahit paminsan-minsan lang, for old times sake kumbaga. Ang kaso, kaming tatlo din ang madalas na nagkakasama paglipas ng mga taon.

Senior Accountant na si Philippe sa isang kilalang accounting firm sa Makati samantalang si Joshua naman ay isa nang teacher sa isang exclusive school for boys sa QC. Ako naman ay nasa pitong taon na rin na arkitekto sa isang firm sa Pasay.

We've all grown up, ika nga nila, pero kung pakikipagrelasyon din lang ang pag-uusapan, malayong-malayo ang agwat nila sa akin. Not that their relationships were successful anyway pero at least sila, nasubukan nilang makipag-relasyon sa iba.

"I'm starting to think that I should just start dating guys." sabi ni Joshua na bahagyang ikinataas ng kilay ko. Hindi lang ako agad nakasagot dahil dumating na iyong waiter dala iyong beer. Mukhang depress talaga ang mokong dahil tumungga agad.

"What made you think that you'd have better luck with guys?" hindi ko napigilang pambabara. Nabulunan tuloy si Joshua sa iniinom niyang beer. Napahagalpak naman ng tawa si Philippe.

"Sama din talaga ng ugali mo ano?" angil ni Joshua noong makabawi.

"It was a valid question." Diretsang sagot ko pa rin.

Muntik ko nang pagsisihan iyon ng makita ko na lalong lumungkot ang mga mata niya. Namura ko pa ang sarili ko ng wala sa oras.

"We are all in our thirties. We were supposed to know who we are and what we want at this point, have a family, maybe a kid or two. Yet here I am, drinking with a gay guy who'd probably end up alone and lonely for the rest of his life and that guy who slept with my last girlfriend." bigla ay mahabang pagdradrama ni Joshua.

"At ako pa talaga ang masama ang ugali sa lagay na 'yan." Natatawa ko na lang na sabi. Sa mag-iisang dekada na din naman na halos buwan-buwan kaming lumalabas ay nasanay na ako sa kataklesahan ni Joshua.

"Oy! Break na kayo noong nagkakilala kami. Saka malay ko ba namang ex mo 'yun!" depensa naman ni Philippe sa sarili.

"Bakit ba kasi kayo nag-aapura? Wala namang expiration date ang semilya niyo ah." kako na lamang. Sabay pa silang napatingin sa akin.

"Don't you ever get lonely?" tanong sa akin ni Joshua.

"Not enough reason to get married. Not that I can in this country anyway." sagot ko na lang.

"So hindi ka pa nai-in love ulit?" si Philippe naman ang nagtanong.

"Nope. Masyadong hassle. Hindi ko ikakayaman ang love-love na 'yan."

"So you just never tried." ani Joshua.

"I'm gay. There's no such thing as a happily ever after for me." puno ng kasiguraduhang sabi ko.

Iyon din naman kasi talaga ang totoo. Karamihan naman talaga ng mga nakikilala ko ay sex lamang ang hanap. Kapag minalas-malas ka pa, gagawin kang azucarera ng makikilala mo tapos sa huli, iiwan ka rin. Minsan nga ay gusto ko na ring maniwala na talagang kasalanan sa Diyos ang pagiging bading. Dahil walang kumplikasyon sa pagbubuntis, KSP na ang mantra ng karamihan, tipong kahit sino pwede. Minsan nga, kahit saan pwede na din ang motto ng iba.

The deepest feeling that most gay guys I have met ever felt was totally dependent on how deep down their throats or how deep up their ass they could get a dick reach. Sex lang. Kung hindi man, ang attachment noong partner nila ay depende lang sa kung gaano karami ang zero sa bank account nila. Hanggang doon lang at wala akong balak na maging ganoon. Kaya nga kuntento na ako na mag-isa. Nasa plano ko na rin naman ang pagkuha ng surrogate para magka-anak kaya hindi ko kailangang magpakadesperado na humanap ng makakasama sa kama. At kung kati-kati din lang naman, may pambili ako ng ointment. Mahihiya talaga ang pari sa pagiging celibate ko.

"Ikaw lang talaga ang virgin na sobrang damaged." pambabara sa akin ni Philippe.

"I will be taking that as a compliment." nakangiti ko pang sagot.

"Wala ka man lang bang nararamdamang libog sa katawan?" tanong ni Joshua sa akin bago muling tumungga ng beer.

"Kung sabihin kong nalilibugan ako sa'yo, pagbibigyan mo ba ako?" pang-aasar ko. Nabulunan na naman tuloy siya sa iniinom niya.

"Umamin ka nga? May balak ka talagang patayin ako ano? Ang galing mong tumayming eh!" angal ni Joshua.

"Tanong ka kasi ng tanong. Ikaw nga ang umamin! May pagnanasa ka ba sa akin?" pambabara ko pa rin.

"Masama bang magtanong? Bawal na bang mag-alala man lang para sa'yo?" anito na ikinatahimik ko.

"Well---" simula ni Philippe pero hindi din naman itinuloy.

"Well what?" tanong ko.

"Nah… Hindi importante." sagot lang nito na lalong pumukaw sa curiosity ko. Maging si Joshua ay mukha ding naging interesado bigla.

"Ano nga?" tanong ko ulit.

"Naisip ko lang na kung sakali bang hindi nag-migrate sina Bille sa US ay mag-iiba ang takbo ng pag-iisip mo." ani Philippe.

"I was thinking the same thing. I have always thought that despite what happened, you two would end up together and I'd finally see my first gay wedding." pabiro pang dagdag ni Joshua.

Nakangiting umiling lang ako. Alam din naman nila kung bakit hindi posibleng mangyari iyon.

Bille just looked so much like Mike that the last year of high school was a living hell for me. Sa tuwing nakikita ko siya ay paulit-ulit na naipapaalala sa akin na wala na si Mike. It was unfair to him but talking to him was just too painful. Hanggang sa siya na mismo ang umiwas sa akin. Naitaon pang pagka-graduate namin ng high school ay naaprubahan na rin ang mga papeles nila para magpunta ng US. Ni hindi na kami nakapag-usap pa ulit.

Alam ko rin naman na nasaktan siya sa nagawa ko at ilang beses ko na rin namang naisipang i-contact siya pero nauunahan ng hiya. Wala na rin naman kasing mababago kung sakali. Ang dating kasi, ano man ang meron kami bago pa man dumating at nawala si Mike sa buhay ko, kasama na iyong naibaon noong ilibing si Mike. Pinagsisisihan ko rin naman iyon kahit papaano pero wala naman akong magagawa dahil tapos na ang lahat. I was only sixteen back then and what happened was just to much for me to process. Hindi ko nga din alam kung paanong nagawa ko pa ring i-maintain ang grades ko noon. Ang gusto ko lang kasi, ay ang makaalis at makalayo sa lahat ng mga ala-ala ni Mike.

I was promised heaven but was given hell instead. At that age, it was a miracle that I even survived. Nandoon pa nga rin iyong trauma ko dahil sa tuwing may naririnig akong ugong ng motor o may dumadaan sa harapan ko na mabilis na bus ay biglang akong naitutulos sa kinatatayuan. Kaya nga rin napilitan akong kumuha ng driver imbes na mag-aral na magmaneho ay dahil doon.

"Earth to Alee." biglang sabi ni Joshua sabay pitik-pitik pa sa harapan ko.

"Okay ka lang?" nag-aalala na ring tanong ni Philippe.

"Oo naman. Bakit sana hindi?" palusot ko pa.

"You're white as sheet." diretsang sabi lang ni Joshua.

Hindi na lang ako kumibo. Pasimple ko pang minura ang sarili ko.

"I'm starting to think that this is a very bad idea." narinig kong bulong ni Joshua kay Philippe.

"What is?" tanong ko agad pero bago pa man sila nakasagot ay may nagsalita na sa likod ko.

"Hey there stranger." anang isang baritonong boses na ikinatigil ko. Agad kasing sumaksak sa isip ko si Mike kaya ipinaalala kong patay na siya. Isa lang ang ibig sabihin noon. Kapag lumingon ako ay siguradong si Bille ang mabubungaran ko.

Napakagat na lamang ako ng labi na napatingin kina Joshua at Philippe. Alanganin ang pagkakangiti nila sa akin kaya sigurado akong tama ako ng hinala.

"Surprise…" sabay pa nilang sabi pero halatang nag-aalala.

Pinilit ko ang sarili kong ngumiti kahit na gustong-gusto ko nang tumakbo papalayo. Pahirapan din ang ginawa kong paglingon pero pinilit ko ang sarili ko. Napasinghap pa ako ng bumungad sa akin ang pamilyar na mukha ni Bille. Sa paningin ko, lalo pang lumaki ang pagkakahawig nila ni Mike sa paglipas ng panahon. Daig ko pa tuloy ang tinadyakan sa dibdib ng wala sa oras.

"Hi…" bati niya ulit sa akin, ngiting-ngiti.

"Hi back at you." pilit ko namang sagot.

Nagulat na lang ako nang bigla niyang hinawakan ang pisngi ko at basta na lamang akong kinintalan ng halik. Mabilisan lang iyon pero daig ko pa ang nasabugan ng bomba sa dibdib sa sobrang lakas ng kabog noon.

"I've always wanted to do that." Nakangisi pa niyang sabi pagkatapos. Tulalang napatitig lang ako sa kanya.

Hindi ko alam kung ano ang nakita niya sa pagmumukha ko pero biglang nabalot ng pag-aalala ang mukha niya. Napatingin pa siya kina Philippe at Joshua, tipong nagpapasaklolo ng wala sa oras.

"Alee… I'm sorry.. I didn't---" Aniya na hindi na niya naituloy pa. Agad naman akong natauhan ng dahil doon at muling pinilit ngumiti.

"Don't apologize. Nabigla lang ako." sabi ko na lang.

"Still, I'm sorry. I just got a little excited." hinging paumanhin pa rin niya.

"Excuse me. Magbabanyo lang ako." paalam ko na lang at agad na tumayo.

"That was a disaster." narinig ko pang sabi ni Joshua bago ako nakalayo.

Nakalimang hilamos yata ako sa banyo bago ako muling lumabas. Pasalamat ko na lang na malamig iyong tubig dahil kahit papaano ay nagising ang ulirat ko ng wala sa oras. Kahit papaano rin ay kumalma na ang dibdib ko mula sa labis na pagkabigla. Kaya pagbalik ko sa lamesa, nagawa ko nang tignan ng maayos si Bille nang walang pagnanais na tumakbo papalayo.

"So… Kailan ka pa bumalik?" tanong ko kay Bille pagkaupong-pagkaupo.

"Two weeks ago." alanganin pa rin niyang sagot. Hindi rin nakakatulong na hindi nagsasalita sina Philippe at Joshua.

"Let me just make this clear. I hate all of you and I wish you were dead!" kako sa kanilang tatlo.

"Paano na lang kung inatake ako sa puso? Sayang! Wala pang nakikinabang sa katawang lupa ko!" dagdag ko pa na ikinatawa na nila. Kahit ako ay bumilib sa sarili ko na nagawa ko pang magbiro ng mga panahong iyon.

"It's good to see you." baling ko ulit kay Bille. Hindi pa ako nakuntento doon at bigla ko siyang hinila para yakapin. Hindi ko naman kasi itatanggi na na-miss ko siya ng sobra. He was my best friend until the day Mike died, after all.

"Group hug!" Biglang sabi ni Philippe at bago pa man ako nakaangal ay nakayakap na silang pareho sa amin ni Bille.

"God! I missed you guys!" bulalas pa ni Bille na ikinatawa naming lahat.

Kung akala ko ay tapos na ang surpresa ng mga gabing iyon ay nagkamali ako dahil nang tapusin namin iyong group hug, biglang hinila ni Bille si Philippe at hinalikan din sa labi. Ganoon din ang ginawa niya kay Joshua na hindi na naka-iwas sa sobrang pagkabigla.

"Now you're all even!" ngising-ngising sabi ni Bille. Hindi na siya nakaiwas nang sabay siyang dagukan nina Philippe at Joshua.

"You ruined me! Take responsibility!" Kunwari ay drama pa ni Joshua pwro halatang pinagtatakpan ang pagkakabigla.

"Putang-ina! Lumubog ang bayag ko ng wala sa oras. Naging pepe na yata." sabi naman ni Philippe pero nakangiti na rin.

Natawa na lamang ako doon sa naging reaksiyon noong dalawa. Pero hindi man inaasahan, naging daan ang ginawang iyon ni Bille para mas maging magaan ang sumunod na usapan. Maging ako ay nakampante sa pakikipagkumustahan kay Bille. Napansin ko na nga lang na noong tumagal ay ako na ang tanong ng tanong sa kanya.

"I'll be here for a long time, Alee, kaya hindi mo kailangang ubusin ang lahat ng tanong mo tonight." Natatawa pa niyang saway sa akin.

"So nakabakasyon ka lang?" tanong ko sa kanya.

"Indefinitely." maikling sagot lang niya sa akin. Hindi na din naman ako nangulit pa.

It would be stupid to say that one night got us back to the way we were before. Masyadong maraming nangyari at mahigit isang dekada din naman ang lumipas. Bille had changed a lot compared to how he was before he left. Mukhang naging maganda ang impluwensiya sa kanya nang pagtira sa US. He was more playful at mas kumportable sa sarili. Sina Philippe at Joshua pa nga ang medyo naiilang dahil masyado siyang touchy. Mukhang sa aming apat, siya ang may pinakamalaking ipinagbago.

Kung meron man sigurong halatang-halata sa gabing iyon ay ang pag-iwas naming lahat na pag-usapan si Mike. Tanging iyong mga nangyari sa mga buhay-buhay namin sa nakalipas na labinlimang taon ang pahapyaw na napag-usapan. Nalaman ko na rin na nagtratrabaho na pala bilang isang engineer sa isang recording studio sa LA si Bille. Pero kahit na nang mabanggit iyon, hindi nabanggit ang pangalan ni Mike.

Pauwi na kami nang lapitan ako ni Joshua at pasimpleng tanungin.

"Okay ka lang ba?" aniya sa akin na bumalik na naman ang pag-aalangan sa boses.

"Oo naman!" natatawa ko pang sagot. "I admit that I was really surprised, shocked even. It wasn't as bad as I thought it would be."

Titig na titig pa si Joshua sa akin ng mga panahong iyon, naninigurado. Pinitik ko na lang ang noo niya at tumawa.

"Josh, it's okay. Besides, we all need to move forward. Kung may na-realize man ako ngayong gabing ito, it's the fact that if I have the time to mope around then I have the time to move on even if it's just one step forward." Dagdag ko pa.

Gumaan ang dibdib ko pagkatapos kong sabihin iyon kay Joshua. Kaya siguro hanggang sa makauwi sa bahay ko ay nakangiti la rin ako. It was our reunion after all.

"Seems like we've all grown up, Mike." bulong ko pa bago ako natulog.

Tanghali na akong nagising kinabukasan. Kung hindi pa nga tumawag si Nanay ay baka hindi pa talaga ako bumangon. Wala din naman kasing pasok dahil Sabado kaya balak ko talagang matulog sana hanggang hapon. Nangangamusta din lang naman sila at tinatanong kung kailan ako uuwi. Nabanggit ko na rin na nagkita kami ni Bille.

"Mabuti naman kung ganoon. Sana magkaayos na din kayo." sabi lang ni Nanay.

Napangiti na lang ako. Tulad ng dati, hindi siya nagtanong. Maging si Tatay din naman ay wala ding sinasabi kahit na noong mamatay si Mike. Basta ipinaramdam lang nila na nandoon lang sila para sa akin. Malamang ay gumaya na din lamang sa kanila ang mga kapatid ko.

"Okay naman kami, 'nay." sagot ko na lang.

Nang matapos kaming mag-usap ay si Dr. Adviento naman ang tumawag sa akin, iyong OB na kausap ko tungkol sa paghahanap ng surrogate mother. May nahanapan na daw siyang puwedeng maging surrogate.

"Are you sure you don't want to just find a wife?" biro pa nito pagkatapos naming i-schedule ang pakikipagkita ko doon sa babae.

"Unless ikaa ang nag-a-apply, doc, huwag na lang." balik biro ko naman.

Tinawanan lang nito ng malakas ang sinabi ko. Kahit sino naman siguro ay ganoon din ang magiging reaksiyon. Unang-una, lalaki si Dr. Adviento. Pangalawa, sa pagkakaalam ko ay may asawa at anak na rin siya. Nagkakilala lang naman kami dahil sa ako ang nagdisenyo ng clinic niya.

Nagkasundo kaming i-schedule na lamang ng susunod na Sabado ang pakikipag-usap ko doon sa babae. Ang gusto ko kasi, sa bahay ko na siya titira bago pa man iyong artificial insemination. Hindi naman sa gusto ko itong pagdudahan pero gusto ko lang talagang makasiguro na anak ko ang ipagbubuntis at iluluwal niya. Malaki din naman ang isang milyon na offer ko sa surrogate kung tutuusin. Pinag-ipunan ko din naman kasi talaga iyon ng matagal.

Nang matapos kaming mag-usap ni Dr. Adviento, saka pa lamang ako magdesisyong maligo at lumabas. Sinabihan ko na din iyong dalawang kasambahay ko na hindi ako sa bahay maghahapunan bago ko pinasabihan iyong driver na ihanda iyong kotse.

Pagkaligo, saka ko pa lamang tinawagan si Joshua kung gusto niyang makipagkita. Ewan pero sa sobrang saya ko kahit hindi pa kumpirmado ang lahat ay gusto kong ibalita sa lahat ng kakilala ko na malapit na akong maging tatay.

"Coffee?" Bungad ko sa kanya. Nagulat pa ako noong tatlong boses ang sumagot sa akin ng tumataginting na yes.

"Bilisan mo ang pagpapaliwanag dahil biglang ang dumi nang pumasok sa isip ko." biro ko pa. Pinagmumura niya tuloy ako ng wala sa oras sa gitna ng pagtawa noong mga kasama niya. Nagsalubong na lang ang kilay ko ng makilala ang boses nina Bille at Philippe.

"Bakit magkakasama pa kayo?" tanong ko na lang. Sa aming apat naman kasi, nauna na akong umalis.

"Magkapitbahay kami ni Joshua di ba? Tapos, malapit lang dito iyong hotel na tinutuluyan ni Bille. Eh gusto pa nilang mag-inom kagabi. Kaya ayun. Hindi ka na rin naman sumasagot ng tawag." si Philippe ang sumagot.

"Bakit ka defensive?" bara ko kay Philippe.

"Mabuti na iyong maliwanag! Teka. Pumunta ka na lang kaya dito?"

"Ayaw. Baka ma-rape ako. Kita na lang tayo ng Glorietta at may bibilhin pa ako." sabi ko na lang.

Nagpahatid lang ako sa driver sa Glorietta saka ko pinauwi na rin. Magpapahatid na lamang ako kung sakali kay Philippe kung gagabihin kami. Mga isang oras din siguro akong naghintay bago sila sunod-sunod na dumating. Nakabili na din ako noong libro na dapat kong bilhin. Sa isang coffee shop na kami nagkita-kita. Natawa pa nga iyong barrista dahil parepareho kaming black coffew ang hiningi.

Nang maka-upo, iyong librong binili ko ang agad na inusyoso ni Joshua. Tungkol sa pag-aalaga ng baby iyon.

"You're pregnant?" sabay-sabay pa nilang bulalas, Tagalog nga lang iyong kay Philippe.

"May matres ba ako?" natatawang pambabara ko lang.

"Although I probably would be a father before you three." dagdag ko pa bago sila nakapagsalita.

"You're straight?" mataas ang boses na sabi ni Bille. Napabulanghit na tuloy ako sa kakatawa. Ilang minuto pa ang lumipas bago ko na-control iyon at naipaliwanag sa kanila ang plano ko. Tulalang nakatingin lang sila sa akin.

"You're not kidding." ani Joshua kapagdaka.

"Nope." nakangiting sagot ko pa rin.

"Wow." sabay-sabay ulit nilang sabi.

"Sigurado ka na ba diyan?" tanong sa akin ni Philippe. Umoo lang ako.

"But honestly, a million is a lot of money." komento naman ni Bille.

"Medyo. Pero pikit mata na lang. I want a kid and since this is the most viable option for me na walang kumplikasyon, handa akong gumastos."

"I kinda wish I have a fallopian tube right now." hindi pa rin makapaniwalang sabi ni Joshua.

"Joel Cruz spent twenty times more than I am spending." apela ko.

"He has an empire." bara sa akin ni Joshua.

"Requirement?" natatawa ko na lang na sagot. Naiintindihan ko rin naman kasi kung saan siya nanggagaling. Maliit lang ang sweldo ni Joshua bilang isang guro. Idagdag pang nag-aaral pa rin siya ng doctorate kaya malaki talaga ang nagagastos niya.

Alam ko naman na swerte din lang ako na malaking kumpanya ang napasukan ko. Nagkataon din na propesor ko noong kolehiyo iyong isa sa mga senior partners doon kaya mabilis akong naka-angat sa trabaho. Isa pa, matipid din naman talaga ako. Nagkataon pang halos nagsabay-sabay ang proyekto na ipunahawak sa akin kaya malaki-laki talaga ang naipon ko sa loob ng huling apat na taon. May trabaho na rin naman kasi iyong dalawang sumunod na akin kaya hindi na lang ako ang tumutulong kina Nanay.

"Are you sure about this?" tanong sa akin ni Bille, halatang hindi pa rin kampante.

"Mas sigurado pa ako sa desisyong ito kaysa sa pagkalalaki ng dalawang 'yan." pabiro pero seryoso kong sabi.

Ilang minuto rin silang natahimik na nakatingin lang sa akin. Hindi na din naman ako nagkomento. Normal naman kasi ang reaksiyon na iyon sa laki ng balitang natanggap nila.

"Well, if you're really sure." sabi na lang ni Bille kapagdaka.

"Hindi talaga pwedeng boyfriend na lang muna ang hanapin mo? Anak talaga agad? Ang lakas mo lang maka-Virgin Mary eh." hirit pa rin ni Philippe.

"You're kidding." nanlalaki na naman ang matang tanong ni Bille.

"Kapag bading ba, puta na agad?" bara ko na lang sa kanya.

"He's kidding, right?" si Joshua naman ang binalingan niya.

"Nope. Pure as a white dove. Dinaig pa si Maria Clara." sagot lang ni Joshua.

"Is that even possible?" manghang-manghang tanong ni Bille.

"Bakit pakiramdam ko, may nabigla ka sa virginity ko kesa sa desisyon kong magka-anak?" tanong ko kay Bille.

Imbes na sumagot ay hinawakan niya bigla ang magkabilang kamay ko at saka masusing ineksamen. Hinayaan ko rin lang naman.

"You must have some talented hands." aniya.

"Tarantado!" sagot ko na lang.

Napansin ko ang bahagyang pagtamlay ni Bille pagkatapos ng usapang iyon pero hindi ko na lamang pinansin. Malamang ay iniisip niyang si Mike ang dahilan ng lahat. Hindi naman iyon nalalayo sa katotohanan. After Mike, I just couldn't see myself being with anyone. Malaking katangahan siguro para sa iba pero hindi ko lang talaga mapilit ang sarili ko na tumingin sa iba.

Hindi nga ako nagkamali ng hinala dahil bago kami naghiwahiwalay ng gabing iyon ay kinausap niya ako.

"You still love him." aniya noong mapagsolo kami. Hindi ako sumagot.

"The world may not be unconditionally kind but it isn't unnecessarily evil either, Alee. Don't hide yourself away." aniya. Napangiti na lang ako.

"Are you talking from experience?" pabiro kong tanong. Isa pa kasi iyon sa hindi namin napag-usapan, iyong tungkol sa kung kamusta ang personal na buhay niya. Maging sina Joshua kasi ay inilagan din iyon, malamang dahil sa akin.

"Yes." maikling sagot lang niya.

"Love isn't for everyone. Swerte-swertehan din lang iyan. At mukhang sa pera na lang napunta lahat ng swerte ko." sabi ko na lang.

"That's just lonely."

Umiling lang ako bago ako nagsalita.

"It's how reality works. Kung meron man akong natutunan sa nangyari, iyon na iyon." pagtatapos ko sa usapan namin.

Nang sumunod na mga araw ay lutang na lutang pa rin ang pakiramdam ko. Lalo pa akong nalunod sa tuwa nang makilala at makausap ko na si Irene, iyong magiging surrogate mother. Madali ko kasi siyang nakasundo. Magaan din ang loob ko sa kanya na lalo pang gumaan noong malaman ko na single mother siya at kaya niya iyon gagawin ay para makapag-tayo ng business para sa anak niya. Ikinatuwa ko iyon dahil sa edad niyang beinte-uno ay may ganoon na siyang pag-iisip. Biniro pa nga niya ako na sa guwapo ko daw, hindi na daw ako dapat naghanap ng surrogate dahil kahit na sinong babae ay papayag na anakan ko. Tinawanan ko lang iyon. Nagkasundo kami na lilipat siya kinabukasan sa bahay ko na hindi naman niya tinanggihan. Iyon nga lang at pagdating ko sa bahay, nadatnan ko na si Bille doon, dala-dala ang mga maleta niya.

"I'm renting one of your bedrooms." aniya sa akin. Apat ang kuwarto sa bahay ko maliban pa iyong maids quarter kaya hindi iyon problema pero nag-aalangan ako dahil alam ko amg dahilan ng lahat.

"Bille, I'm a virgin, not stupid." sabi ko na lang pero hindi ko naman siya pinigilan noong ipasok niya iyong mga maleta niya. Balak ko na rin namang i-offer iyong isang kuwarto para sa kanya dahil nanghihinayang ako sa ibinabayad niya sa hotel.

"I'm still staying whether you like it or not." Nakangiti lang niyang sabi. Imbes na makipag-argumento ay sinamahan ko na lamang siya sa isa sa mga guest room.

"How long are you going to be here anyway?" tanong ko na sa kanya.

"Not sure yet." sabi lang niya sa akin. Hinayaan ko na rin lang.

Kahit naman kasi ganoon ang naging paghihiwalay namin ay malaki pa rin ang naitulong ng pamilya niya sa akin. Isa pa, alam ko namang kaya siya nandoon ay para din sa akin. Naiilang ako kung tutuusin pero hinayaan ko na rin lang.

"Bahala na," sabi ko na lang sa sarili ko.

Pagdating ni Irene kinabukasan, daig pa niya ang dumaan sa immigration sa dami ng tanong ni Bille. Imbes na mainis ay natatawa lang na sinagot nito ang lahat ng tanong. Nang makuntento, saka pa lamang niya nilubayan si Irene at nagsabi na lalabas.

"Ang pogi ng boyfriend mo, Kuya Alee!" komento ni Irene pagka-alis na pagka-alis ni Bille.

Binilinan na din naman ako ni Dr. Adviento na huwag masyadong ilalapit ang sarili ko kay Irene para hindi kami magkaproblema sa dulo. Sinabihan na din niya ako na mas magandang in vitro fertilization na lamang ang gagawin at maghanap na lamang kami ng egg donor para kung sakali man ay wala talagang magiging habol si Irene sa bata.

"Let's be honest. Kapag usapang ganyan na ang usapan at malaking pera ang kasali, mahirap na talaga ang magtiwala. We can get a donor na ikaw mismo ang pipili pero hindi ka makikilala." Sabi pa nito sa akin.

Dagdag gastos iyon kung tutuusin pero pumayag na din lamang ako. Nakita ko din naman kasi na ako din lang ang iniisip ni Dr. Adviento. Nasabi na rin naman daw niya iyon kay Irene at wala naman itong problema doon.

"Dinaig na niya ang immigration sa pagtatanong sa iyo pero itsura pa rin talaga niya ang tumatak sa iyo? Saka hindi ko boyfriend iyon. Kaibigan ko lang." kako na lang sa sinabi ni Irene.

Isang buwan mahigit pa ang hinintay namin bago isinagawa iyong operasyon at aminin kong ganoon na lamang ang takot ko ng mga panahong iyon. Pakiramdam ko kasi, masyadong umaayon sa akin ang panahon at baka bigla na lang uli akong tatadyakan ng wala sa oras. Talagang nag-leave pa ako ng dalawang linggo ng wala sa oras dahil hindi ako makapag-concentrate sa trabaho. Kung wala pa nga siguro si Bille na nakaalalay palagi ay baka nag-breakdown na ako sa sobrang pag-aalala.

"Hey… Nothing bad is going to happen…" ilang beses na pangungunsula sa akin ni Bille. Pati sina Philippe at Joshua ay ganoon din ang ginawa kahit halata ko namang hindi pa rin sila ganoon kakumbinsido sa desisyon ko.

Ang mga tarantado, nagprisinta pang maghubad sa harapan ko nokng araw na kailangan ko nang magbigay ng semilya para sa fertilization. Inaabot kasi ng mga limang araw bago masigurong na-fertilize nga iyong eggs. Mabuti na lamang at may trabaho sina Philippe at Joshua kaya si Bille lang ang nakasama. Ayaw ko pa nga sana pero nagpumilit siya kaya hinayaan ko na rin lang.

Dahil sa nararamdamang tensiyon, hindi talaga ako tinitigasan. Nakadalawang balik na si Dr. Adviento sa kuwarto ay wala pa ring nangyayari. Nanood na ako at lahat ng porn ay hindi pa rin nabubuhay si junior.

"Doc, ayaw!" Nagpa-panic ko nang sabi. Pilit lang niya akong pinakalma pero wala pa rin talaga. Maiyak-iyak na talaga ako sa frustration ng mga oras na iyon. Maging si Bille ay mukhang nakahalata na din na may problema dahil sumilip na siya.

"What's wrong?" tanong niya sa akin. Ni hindi na ako nahiyang aminin ang totoo.

"You want me to help?"

Pareho pa kaming nagulat ni Dr. Adviento sa suhestiyon niyang iyon. Literal na napanganga ako ng wala sa oras.

"I'm going to pretend I did not hear that and walking out of this room, locking the door behind me." biglang sabi ni Dr. Adviento na lalo kong ikinatulala.

Saka pa lang ako natauhan noong lumapit na sa akin si Bille at tumabi sa kinauupuan kong kama.

"Don't think too much. If it makes you feel more at ease, isipin mo na lang na isa itong one night stand." Aniya sa akin.

Bago pa man ako nakasagot ay sinibasib na niya ako ng halik. Halos habulin ko ang hininga ko ng wala sa oras. Napaungol pa ako nang ipasok niya sa loon ng hospital gown na suot ko ang kamay niya at sinimulang paglaruan ang magkabilang nipples ko. Sa sobrang lutang ng pakiramdam ko, ni hindi ko na namalayang natanggal na niya iyong hospital gown. Ni hindi ko na nga rin alam kung paanong naiharap na niya ako sa kanya.

Malamang ay dahil wala naman talaga akong karanasan kaya nang bumaba ang halik niya sa leeg ko, pababa sa dibdib ay wala na akong pakialam. Napasinghap pa ako ng bahagya nang bigla niyang sunggapan ang kanang nipples ko at paglaruan iyon gamit ang dila niya. Lalo pang lumalim ang singhap ko nang kagatin niya iyon ng marahan.

Tuluyan na akong nadala nang simulan niyang magtaas-baba sa alaga ko. Muli din niyang inayos ang posisyon naming dalawa doon sa kama para makasandal ako sa dibdib niya. Napahalinghing na naman ako nang ang tenga ko naman ang sinimulan niyang dilaan at kagat-kagatin. Ni wala na nga akong pakialam noong maramdaman ko ang paglalaro ng daliri niya sa may bukana ko ng mga oras na iyon kasabay ng pagtatas-baba niya sa alaga ko. Napahaling-hing na talaga ako ng malakas nang bigla niyang sipsipin ang leeg ko.

Hindi pa nakuntento si Bille doon at literal na kinalong na ako at saka isinampay ang mga braso ko sa balikat niya. Nakapantalong maong din siya noon pero ramdam na ramdam ko ang paninigas ng alaga niya na halatang sinasadya niyang ibundol sa may puwet ko.

Hindi ko alam kung anong kademonyohan ang pumasok sa utak ko ng mga oras na iyon dahil natagpuan ko na lang ang sarili kong tinatanggal ang pagkakabutones ng pantalon niya at pagbaba ng zipper niya. Hindi din naman niya ako pinigilan. Siya pa nga mismo ang nagtanggal noong suot niyang t-shirt. Ako na ang nagbaba noong suot niyang pantalon at brief pero hanggang tuhod lang bago ako muling kumalong sa kanya.

Ramdam ko ang pagbundol-bundol noon sa may butas ko na lalong nagpa-ulol sa akin. Lalo pa akong nawala sa sarili nang muli na naman niyang isampay ang mga braso ko sa balikat niya para malayang mapaglaruan ang kaliwang nipples ko.

Nang hindi na ako nakatiis, kinuha ko iyong lube na dala-dala ko pero ayaw ipagamit sa akin ni Dr. Adviento at nilagyan ko iyong alaga ni Bille. Napanganga pa ako at bahagyang kinabahan nang mapagtanto ko kung gaano kataba at kahaba iyon. Pero naunahan na ako ng libog at kuryosidad. Mukha namang nadala na din si Bille dahil siya mismo ang naglagay ng lube sa butas ko. Muntik na naman akong mapasigaw ng wala sa oras.

Hindi na din yata natiis ni Bille ang lahat dahil bigla niya akong pinatuwad sa kama at saka marahang ipinasok ang alaga niya. Napakagat na lang ako sa braso ko noong pumasok iyong ulo dagil sa sobrang sakit. Hinintay din naman muna niya na makapag-adjust ako bago niya ipinasok lahat. Pakiramdam ko talaga ay batuta ang ipinapasok niya sa butas ko ng mga oras na iyon. Pero imbes na manlambot ay lalo pa yata akong tinigisan. Namuti na talaga ang mga mata ko sa pinaghalong sarap at sakit noong magsimula siyang gumalaw na sinabayan pa niya nang pagtataas-baba sa alaga ko. Nawala na nga din sa isip ko ang dahilan kung bakit kami nasa clinic ng mga oras na iyon. Basta ang alam ko lang, masarap. Umabot pa sa puntong sinasalubong ko na ang bawat ulos niya.

"Fuck! You feel so good." sabi pa niya sa akin habang pabilis ng pabilis ang paggalaw niya. Umikot na talaga ang paningin ko ng mga oras na iyon. Dalang-dala ako noong nangyari. Hindi ko alam kung ano iyong tinatamaan niya sa loob ko pero sa tuwing nasasaling iyon at napapa-ungol ako dahil sa sarap.

"Damb it! Take it! Take it all! Fuck! You're so tight." sabi pa niya na lalong nagpa-ulol sa akin.

Mayamaya pa ay naramdaman kong malapit na akong labasan. Wala na talaga sa isip ko kung ano ang nangyayari dahil ni hindi ko na napansin naitinutok niya iyong alaga ko sa lalagyan ng specimen na ibinigay noong doctor bago ako tuluyang labasan.

Lutang na lutang ang utak ko sa bawat putok. Lalo pang lumipad ng tuluyan iyon ng maramdaman kong nilabasan na din siya sa loob ko. Akala ko nga ay papanawan na ako ng ulirat kaya hindi ko na napansin na maingat niyang tinakpan iyong lalagyan ng specimen bago siya nagsalita.

Hindi man niya basta hinugit na lamang iyong alaga niya ay ramdam ko ang pagmamadali sa galaw ni Bille ng mga panahong iyon. Narinig ko pa ang pagpa-pop noong tuluyan niyang mahugot ang alaga niya mula sa puwet ko. Laking pasasalamat ko na lang na regular akong pagpapa-colon cleansing kaya maliban sa konting bahid ng dugo ay malinia iyon. Ni hindi ko na nga pinansin iyong dugo dahil mas tumatak sa akin kung gaano iyon kalaki.

Ni hindi na nag-abalang maglinis si Bille at basta na lang inayoa ang brief at pantalon saka nagmamadaling usinuot iyong t-shirt niya. Agad din siyang lumabas ng kuwarto dala iyong semen specimen ko.

Noon pa lang ako natauhan. Lalo pang umukilkil sa utak ko kung ano ang nangyari nang maramdaman ko ang mainit na likidong dumadalaw mula sa puwet ko. Ni hindi na ako nag-isip at basta na lamang kinuha iyong hospital gown at itinapal doon. Saka pa lamang ako napamura nang maalalang makikita iyon noong maglalaba. Bigla akong parang binuhusan ng malamig na tubig.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatulala lang pero saka lang ako muling gumalaw noong muling pumasok si Bille sa kuwarto. Kita ko agad ang pag-aaalala niya nang magsalubong ang mga mata namin.

"Please don't look so guilty…" sabi ko na lang sa kanya.

"And don't you dare apologize either." dagdag ko noong mapansin kong magsasalita siya.

"He said that you can take a shower." sabi na lang ni Bille sa akin bago muling lumabas.

Dalawang oras din ang hinintay namin bago kami muling hinarap ni Dr. Adviento. Halatang-halata sa pagkakatingin niya na may hinala siya kung ano ang nangyari sa kuwarto.

"I don't offer that kind of service here, Alee, so I'm just going to pretend that it did not happen. And a handjob wouPero bilang isang kaibigan mo, I need to verify some things." anito na tinanguan ko na lang.

"When was the last time you got tested for STD?" tanong niya kay Bille.

"Last month. I was negative." diretsang sagot din lang ni Bille.

"Did you have sex in from that time until now?" tanong ulit ng doctor.

"No. I wouldn't have done it if I did." sagot lang ni Bille.

"Can you trust his words?" baling sa akin ni Dr. Adviento. Tango lang ulit ako.

"Okay. Again, this did not happen. I'm still prescribing you something though. There was blood on the gown and the sheets. I've already disposed of both but you're paying for it. Inunahan niyo pa akong binyagan ang clinic ko." dagdag pa ni Dr. Adviento na ikiputla ko ng tuluyan. Alanganing tawa lang naman ang isinagot ni Bille.

Wala kaming imikan ni Bille noong umuwi. Dahil kasama ko naman siya ay hindi na namin isinama iyong driver at siya na lamang ang nag-drive. Pakiramdam ko tuloy ay nasasakal ako sa katahimikan. Palingon-lingon pa kasi sa akin si Bille.

"Tuturukin ko na iyang mata mo!" banta ko na noong hindi ako makapagpigil.

"So we had sex, in a clinic, in my ex-client's clinic, and he knew, and he prescribed me medicine for my ass, which you tore, with THAT. It's not exactly how I wanted to get devirginized but it's done. Okay? I mean, it already happen. Okay? How the hell did you get that big anyway?" parang tanga kong sabi. Nagsalubong pa ang kilay niya dahil sa huli kong sinabi.

"Don't you dare answer!" pigil ko agad nang akma siyang magsasalita.

"Sabi mo nga, I should consider it as a one night stand. At iyon ang gagawin natin. Okay?"

"Okay…" sagot din lang ni Bille.

"Siguraduhin mo lang na wala kang AIDS na hayop ka dahil mapapatay talaga kita!" dagdag ko pa.

"I'm clean, Alee, believe me." mariin niyang sagot.

"Okay."

"Okay?"

Natawa na ako bago ako sumagot.

"Okay." kako na lang.

Napakunot-noo na lang si Dr. Adviento noong mismong araw noong paglalagay noong embryo kay Irene dahil sumama pati sina Philippe at Joshua. Nag-alala pa ako ng bahagya sa pagkakangiti ni doc pero wala naman siyang sinabi tungkol sa nangyari. Boys Over Flowers daw kasi ang dating namin kaya ganoon ang reaksiyon niya. Gandang-ganda tuloy sa sarili si Irene.

"So, when are you two going to have your own kids?" tanong pa niya kina Philippe at Joshua sa pag-aakalang mag-partner ang dalawa. Nawala tuloy lahat ng tensiyon ko sa katawan sa kakatawa.

Pagkatapos noon, sampung araw pa ulit ang hinintay bago nakumpirmang succesful ang implant. Inunahan pa ako ni Bille na tinawagan sina Philippe para sabihin ang balita. Pagdating namin sa bahay ay nandoon na iyong dalawa. Akala mo si Bille ang ama dahil excited na excited siyang ini-recite ang sinabi ni doc sa dalawa. Ako naman ay iginiya na si Irene sa kuwarto dahil inaantok na daw ulit ito.

Pagpunta ko ng sala ay nasa kalagitnaan pa rin ng pagbibida si Bille. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ako o hindi. May katinikan pa man din si Joshua kaya sigurado akong magtataka ito na ganoon ang mga galaw ni Bille.

"Okay, wait." biglang singit ni Joshua kaya kinabahan na ako.

"Just how much HELP did you get from him that he sounds like he's the father?" baling ni Joshua sa akin. Namula na lang ako at hindi nakasagot.

"Malamang, nagkanaan ang dalawang iyan sa clinic." pabirong sawsaw ni Philippe.

Hindi ko tuloy napigilan ang mag-iwas ng tingin. Si Bille din ay hindi umiimik.

"YOU HAD SEX AT THE CLINIC?" pasigaw nang sabi ni Joshua.

"Bunganga mo!" natatawang saway ni Philippe kay Joshua bago tumitig sa akin.

"Sa tingin mo magaga---" malamang ay nakita ni Philippe ang guilt sa mukha ko dahil nanlalaki ang mga matang napatigil siya.

"You had sex at the clinic." sabay pang sabi noong dalawa.

"Holy shit! Please tell me you didn't let the doctor watch." bulalas ni Joshua noong walang umimik sa amin ni Bille.

"Of course not!" depensa ko na.

"Why not? I did it with a nurse once and Philippe was watching." sabi pa ulit ng mokong na ikinalaki na ng mata ko.

"Technically, bino-blowjob ako noong nurse kaya wala akong choice kundi makita ang lahat." dagdag naman ni Philippe na ikinanganga ko na.

"Did you---" hindi ko pa man natatapos ang tanong ko ay sabay na silang umiling.

"We have some kinks but were not gay." ani Joshua.

Kami naman ni Bille ang nagkatinginan.

"Iyong totoo?" tanong ko kay Philippe.

"Tarantado. May hangganan ang kamanyakan ko oy!" sabi lang niya na ikinatawa ko na.

"Pero bago tayo magkalimutan, nag-DTR na ba kayo?" tanong sa akin ni Philippe.

"Anong DTR?"

"Define the relationship." si Joshua ang sumagot.

"We're friends." sabay pa naming sagot ni Bille.

"May tirahan ng puwet na naganap tapos friends lang? Ang friendly naman yata ng virgin tumbong mo? Ano 'yan? Imbes na handshake booty shake na lang?" bara ni Philippe sa akin. Namula na naman tuloy ako.

"Okay! That's enough. Huwag mo nang ipilit." saway ni Joshua noong hindi ako sumagot.

Kung anu-ano na lang ang napag-usapan naming apat bago nagpaalam iyong dalawa. Hindi na din naman namin binalikan ni Bille ang nangyari.

Nang mga sumunod na araw, ramdam ko na mas naging malambing sa akon si Bille. Maging si Irene ay napansin din iyon at pasimple kamong tinutudyo. Nariyan kasi na kapag dumating ako ng bahay ay asikasong-asikaso niya ako. House husband lang ang dating kumbaga. Hindi ko naman masaway dahil aaminin kong nae-enjoy ko din iyong atensiyon. Noon ko lang din naman ulit kasi naranasan na may nag-aalaga sa akin.

Hanggang sa umabot na lang sa punto na may nagaganap nang halik pag-alis at pagdating ko ng bahay. Nagtataka na nga din ako kung bakit hindi siya nagtratrabaho dahil pag-alis at pagdating ko ay nandoon siya. Saka ko na nga lang napagmamaneho iyong driver ko kapag nasa opisina ako dahil hatid sundo niya ako. Iniiwan ko rin naman kasi iyong sasakyan ko sa bahay for emergency kaya iyong sa opisina ang ginagamit ko kapag nagsa-site visit o may ibang pinupuntahan.

Nasa ikalawang buwan na ng pagbubuntis si Irene noong umuwi ako ng maaga dahil sa sakit ng ulo ko. Napatigil na lang ako nang may marinig akong tumutugtog ng organ mula sa loob ng kuwarto na ginagamit ni Bille.

Can you here me?

I guess it's been a long time coming

And I can't help but wonder

If I would get to where you're standing

in time

Can you see me?

As I run down the road you've taken

Rushing towards you

Before you decide that it's the end

and walk on

You said "I'd walk on ahead

take your time, clear your head

I'll see you there when you come back home"

and now

Napangiti na lang ako dahil kahit gaano kaganda iyong pagtugtog ni Bille ay sintunado pa rin talaga ang boses niya. Ilang beses pa siyang pumiyok pero hindi iyon nakapigil sa kanya.

I'm heading back to where the moon always shine

up the roof where the earth meets the sky

We will wait until the sun brings an end to the dawn

until the moment that the darkness' all gone

I'll see you there

At the place you said you'd wait

Where the stars fall down

Napasandal na lang ako sa pintuan ng kuwartong ginagamit ni Bille noong marinig ang mga linyang iyon. Tama nga si Mike. Isinulat ni Bille ang kantang iyon na ako iniisip. Iyon nga lang, nagkamali siya noong sabihin niya na para sa akin iyong kanta. Isinulat iyon na Bille para kantahin ko sa kanya.

Dalawang beses pa niyang inulit iyon at nakinig lang ako. Nakakatawa dahil ang simple lang kasi noong gustong sabihin noong kantang sinulat niya, na sa dulo, sa kanya pa rin ako pupunta.

Dahan-dahan na lamang akong naglakad papunta sa kuwarto ko. Napailing pa nga ako dahil nawala iyong sakit ng ulo ko ng wala sa oras. Napansin ko din na hina-hum ko na iyong tono noong kanta hanggang sa makatulog ako.

Wala akong sinabi tungkol sa narinig kong pagtugtog niya noong gisingin niya ako para sa hapunan. Tinanong niya lang ako kung okay lang daw ba ako. Aliw na aliw tuloy si Irene na nanonood lang sa amin.

Dahil sa nakatulog ako ng hapon, hindi na ako tumanggi noong niyaya niya akong manood muna ng DVD sa sala. Naghanda pa talaga siya ng popcorn para daw parang sine. Nakahalata naman agad si Irene at nagpaalam na matutulog na.

Napangiti na lang ako noong iyong animated film na Up ang isinalang niya. Ilang beses ko nang pinanood iyon pero hindi ko pinagsasawaan. Naiyak pa nga ulit ako noong mamatay na iyong babae sa palabas.

"If only that's possible." Narinig kong bulong ni Bille. Hindi na lamang ako nagkumento kahit na noong umakbay siya sa akin at hilahin akong sumandal sa dibdib niya. Ramdam ko rin ang paghalik niya sa buhok ko pero hindi ako nagreklamo.

It felt like home in his arms. Noon ko rin lang ulit naramdaman iyong posibilidad na pwede pa uli akong magmahal. It was Bille after all.

Nang yayain niya ako sa kuwarto niya nang matapos kaming manood ay hindi na ako tumanggi. Hindi man iyon ang unang pagkakataon na gagawin namin iyon ay hindi ko pa rin maiwasang kabahan ng bahagya. Wala na kasi kaming pwedeng idahilan hindi katulad noong nasa clinic kami. Hindi din naman namin pwedeng sabihin na dahil sa pelikula iyon dahil ang weird lang kapag nagkataon. Pareho naming alam na kung may mangyayari man sa amin noong gabing iyon, ginusto namin iyong dalawa. Pero nang halikan niya ako, wala na akong ibang inisip kundi ang lahat nang naipaparamdam niya sa akin ng gabing iyon.

Madaling araw na nang makatulog kami at ni hindi na kami nag-abala pang magsuot muli ng damit. Niyakap lang niya ako ng mahigpit.

Kinabukasan, nauna pa rin siyang nagising sa akin. Pagmulat ko ng mata ay ang nakangiting mukha niya ang bumungad sa akin.

"This feels like a dream." Bungad niya sa akin.

Ngumiti lang ako at hinalikan siya ng mariin.

The next few weeks were more like a honeymoon period for Bille and me. Maliban doon sa pag-uusap tungkol sa dinadala ni Irene ay nakatutok lang ang atensiyon namin ni Bille sa kung anong meron kami ng oras na iyon. There was no talk of the future. We were just living by the moment.

Kahit nga noong malaman na nina Nanay at Tatay ang tungkol sa dinadala ni Irene at saka sa sitwasyon namin ay wala kaming naisagot sa mga tanong nila tungkol sa kung ano ang plano namin. Sa akin din naman kasi, i-enjoy na lang muna namin kung ano amg meron kami. Ganoon na lang muna.

Falling in love with Bille was a given. Kahit sino naman siguro ang pahalagahan ng ganoon ay hindi magtatagal ay mahuhulog din. Taking into consideration what happened between me, him, and Mike, and the fifteen years that went by, it was almost like a miracle that we found each other again. Tama si Bille, everything felt like a dream. And it was. That's why it was really hard when I had to wake up.

Halos kababalik-balik lang namin sa bahay galing sa check up ni Irene noong dumating si Ate Aubrey. Sinamahan na ni Bille si Irene sa kuwarto para maalalayan kaya ako lang ang nagbukas ng pinto. Halos magtatatalon pa ako sa tuwa dahil muli ko siyang nakita. Inasar ko pa nga siya dahil may kasama siyang Amerikano na ipagkakamali mo talagang modelo.

"Hi! Welcome to the Philippines. My name is Alee." Parang tanga ko pang sabi.

"Pleasure." Maikli lang na sagot noong Kano na hindi man lamang ngumingiti. Kinabahan na din ako nang makita na alanganin ang tingin sa akin ni Ate Aubrey.

"Can I speak to my husband, please." Malamig na sabi ulit noong kano. Nag-iwas lang ng tingin sa akin si Ate Aubrey noong bumaling ako sa kanya.

Pinapasok ko na lamang sila sa sala at saka pinuntahan si Bille sa kuwarto ni Irene. Sakto namang inaayos na lamang niya iyong kumot ni Irene noong pumasok ako.

"Sino iyong dumating?" sabay pa nilang tanong sa akin. Sabay din silang natawa pero agad ding tumigil iyon nang hindi ako ngumiti man lang.

Tinitigan ko na lamang si Bille bago ako lumapit sa kanya ay bumulong para hindi marinig ni Irene.

"You're husband is here." sabi ko sa kanya na ikinatulala niya.

Hindi ko na hinintay na makapagsalita pa si Bille at dali-dali na akong lumabas. Gusto kong tumakbo papalayo pero bumalik ako sa sala para harapin sina Ate Aubrey.

"He'll be here in a while. He is just attending to something. Would you like anything to drink?" dirediretso kong sabi. Dinaig ko pa ang guard at waiters sa fastfood.

"Alee…" tawag ni Ate Aubrey sa pangalan ko pero nginitian ko lang siya.

"I'm okay." sabi ko lang saka umalis papuntang kusina. Nandoon iyong isa sa mga kasambahay ko kaya sinabihan ko na lang siyang dalhan ng juice sina Ate Aubrey. Sinunod din lang naman ako nito.

Naghanap na din ako ng iba pang pwedeng maipaharap. Nang makita ko ang isang suppot ng chocolate chip cookies, binuksan ko agad iyon at inilagay sa bowl ang laman. Muntik pa akong madulas noong matapakan ko iyong nahulog sa sahig pero hindi ko ininda iyon.

Pagbalik ko sa sala ay nandoon na din si Bille. Mataas na iyong boses noong kano.

"You said you just wanted closure and I trusted you." bulyaw nito kay Bille.

Parang walang narinig na inilapag ko lang sa lamesa iyong bowl bago ko tinignan si Bille.

"Pakisabi sa asawa mo na may buntis dito sa bahay. Baka ma-stress. Baka lang naman pwede niyang babaan ang boses niya. Kasi Bille, iyong batang dinadala ni Irene na lang ang meron ako. Kung gusto ninyong magsigawan, huwag sa pamamahay ko. Please lang." Mahinahon ko pang sabi bago ko sila iniwan.

Pinigilan ko amg sarili kong umiyak. Ni isang luha ay hindi ko pinayagang tumulo. Pinilit ko ring kalmahin ang sarili ko kahit na gustong-gusto ko nang magwala, kahit ang sakit-sakit sa dibdib ng lahat.

Kahit noong maalala ko iyong sinabi ni Bille noong nanonood kami ng pelikulang Up ay nagpigil pa rin ako.

"If only that's possible."

Kaya pala niya nasabi iyon. Hindi pala talaga posible.

Nang sabihin sa akin noong kasambahay na papaalis na sina Ate Aubrey ay pinilit ko ang sarili ko na lumabas. Isinaksak ko na lang sa isip ko na kilala ang mga Pilipino sa pagiging hospitable. Mukhang hindi nila inaasahan na lalabas pa ako dahil nasa may pintuan na sila noong makita ko sila.

"You didn't know." anito sa akin. Isang malungkot na ngiti lang ang naisagot ko. Ni hindi ko magawang tumingin kay Bille ng mga oras na iyon.

"It was a pleasure meeting you." sabi ko na lang.

"Alexander. That's my name. He calls me Alee though." malungkot na sagot din lang noong kano.

Kahit anong pagpipigil pa ang gawin ko, tumulo pa rin ang luha ko kahit na nakangiti.

"I guess he found his wonderland then." kako saka tumingin kay Bille.

"You were right. It was a dream. At oras na para gumising." sabi ko kay Bille.

Sinugod pa ako ng yakap ni Ate Aubrey bago sila tuluyang umalis. Kasama si Bille.

Mukhang mabilis kumalat ang balita dahil wala pa yatang isang oras ay nasa bahay ko na sina Philippe at Joshua. Pareho silang walang sinabing anuman. Niyakap lang nila ako nang mahigpit.

"Anong plano mo?" tanong ni Philippe sa akin. Ni hindi ako nag-isip bago ako sumagot.

"Be thankful. I had my forever for a few months. It's enough. It should be enough." nagpipigil ulit ng iyak.

Mukhang naubos yata ang swerte ko ng araw na iyon dahil dumating iyong isa ko pang kasambahay na namalengke. Naka-headphone pa itong bumibirit.

"And if forever's not enough for me to love you…" sintunado pa nitong birit.

Ang sama talaga ng tingin kong tumingin dito na noon lang kami napansin na nagdradramahan sa sala.

"Putang-ina naman! Nananadya na eh!" bulalas ko na pero balik din agad sa pag-iyak. Wala akong narinig na ano man pero ramdam ko ang pagpipigil ng tawa noong dalawanf hayop.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal umiyak ng araw na iyon pero isa lang ang sigurado ko, baka nabuwang na ako kung wala doon sina Philippe at Joshua. Kahit noong mga sumunod na araw ay halinhinan silang dalawa sa pagpunta sa bahay.

Noong tumawag si Ate Aubrey tungkol sa mga gamit ni Bille ay sinabihan kong kunin na lang nila sa check up ni Irene. Hindi na rin naman umapela pa si Ate Aubrey. Hingi din siya ng hingi ng tawad sa akin pero sinabi ko lang na wala siyang kasalanan sa akin.

Pagdating namin sa bahay pagkatapos ng check up, wala na ang mga gamit ni Bille. Ramdam ko ang awa ni Irene sa akin ng panahong iyon pero wala naman siyang sinabi. Hinawakan lang niya ng mahigpit ang kamay ko.

"Ang malas naman natin sa love life." komento lang niya minsang atakehin siya ng hormones niya at maalala iyong nakabuntis at nang-iwan sa kanya.

"Love can take different shapes and forms, Irene. May anak ka. Ako, magkaka-anak na rin. That's more than enough love for the both of us." tapang-tapangan kong sabi kahit na ako mismo ay hindi iyon pinapaniwalaan.

It took years before I finally started believing those words. Sinabi ko na lang, fake it until you make it, fake it until it comes true.

Kung meron man siguro akong naging lakas ng mga panahong iyon ay si Miggy.

Nag-resign ako sa trabaho bago pa man mag-pitong taon ang anak ko at nagdesisyon akong umuwi na lamang sa probinsiya. Aaminin kong hindi naging madali ang lahat pero kinaya ko. Kinaya namin ng anak ko.

Nataon namang ibinebenta na pala nina Bille iyong bahay nila. Ewan kung anong kademonyohan ang pumasok sa isip ko at binili ko iyon. Good and bad, parte na din naman kasi nang kung sino ako ang bahay na iyon. Siguro ay pagtanggap ko na rin sa katotohanan. I had to appease my demons after all.

Mag-iisang linggo pa lang yata kamong nakakalipat doon ni Miggy nang magising ako kalagitnaan ng gabi at marinig ko ang mahinang pagtugtog ng gitara. Kumabog pa ang dibdib ko ng wala sa oras dahil pamilyar sa akin ang tonong iyon.

Nagmamadali akong lumabas ng bahay. Hindi nga ako nagkamali ng hinala dahil may hagdan na nakasandal doon papunta sa bubong. Kinilabutan pa ako noong magsimulang kumanta si Miggy.

Can you here me?

I guess it's been a long time coming

And I can't help but wonder

If I would get to where you're standing

in time

Kulang na pang ang liparin ko iyong pag-akyat sa hagdan. Ilang beses ko ring kinurot ang sarili ko para siguraduhing hindi panaginip lang ang lahat.

Can you see me?

As I run down the road you've taken

Rushing towards you

Before you decide that it's the end

and walk on

Nahigit ko na ang paghinga ko nang makita ko ang isang pamilyar na bulto ni Miggy na naggigitara habang nakaharap sa buwan. Ganoon na ganoon kasi palagi ang posisyon ni Bille noon.

You said "I'd walk on ahead

take your time, clear your head

I'll see you there when you come back home"

and now

Nang simulan niyang tugtugin ang chorus ay sumabay na ako sa pagkanta.

I'm heading back to where the moon always shine

up the roof where the earth meets the sky

We will wait until the sun brings an end to the dawn

until the moment that the darkness' all gone

Nakangiting itinuloy lang ni Miggy ang pagtugtog at pagkanta hanggang sa maka-upo ako sa tabi niya.

I'll see you there

At the place you said you'd wait

Where the stars fall down

"Saan mo natutunan ang kantang 'yan?" tanong ko kay Miggy pagkatapos.

"Internet. Single ng isang bagong banda. How did you know about the song?" balik-tanong naman niya sa akin. Kitang-kita sa mga mata niya ang hindi pagkapaniwala na alam ko iyon.

"Maniniwala ka ba kapag sinabi kong ginawa ang kantang iyan para kantahin ko?" sabi ko lang sa kanya.

"Stir!" sagot lang niya sa akin na hindi ko na pinatulan.

Napatingin na lang ako sa buwan noong magsimula siyang tumugtog ng isa pang kanta.

I did not get my fairy tale love story. Parehong hindi tinupad nina Mike at Bille ang pangakong hihintayin ako. Masakit pa rin kung minsan pero sa tuwing nakikita ko si Miggy ay masaya na ako.

I came back to the place where the stars fall down. But it wasn't Mike or Bille waiting for me there. It was my son. And that's more than enough for me.

ALTERNATIVE ENDING:

"Love can take different shapes and forms, Irene. May anak ka. Ako, magkaka-anak na rin. That's more than enough love for the both of us." tapang-tapangan kong sabi kahit na ako mismo ay hindi iyon pinapaniwalaan.

Mahirap ang mga sumunod na araw at linggo. Pakiramdam ko ay ramdam ko ang bawat segundong lumilipas. Ang bigat sa dibdib pero pilit kong kinaya ang lahat.

Nang manganak si Irene at nakita ko ang anak ko, pakiramdam ko ay bawing-bawi na ang lahat. Sulit na kumbaga. Nakiusap na din si Irene na huwag nang ipakita sa kanya iyong bata na pinagbigyan ko naman. Pero noong lumabas siya ng hospital, ako pa mismo ang naghatid sa kanya sa hotel kung saan siya pansamantalang titira bago siya magbiyahe pabalik ng probinsiya nila.

Malaking tulong sa mga panahong iyon si Dr. Adviento dahil siya ang naghanap ng yaya para sa akin. Sina Philippe at Joshua naman ang naging emotional support ko ng mga panahong iyon. Ang mga tarantado, ini-offer pa ang mga katawang lupa nila gayon din lang daw naman at hindi na ako virgin. Kahit sabay pa daw sila.

Siguro nga kapag ganoong ang daming nag-aagawan sa atensiyon mo ay talagang mabilis ang takbo ng panahon. Ni hindi ko namalayan na maglilimang taon na ang anak kong si Miggy. Ikaw ba naman ang magkaroon ng sobrang kulit at daldal na anak.

Dahil gustong makita nina Nanay at Tatay ang apo nila, pinagbigyan ko na rin sila at umuwi ako ng probinsiya.

It was bittersweet having to see the place I grew up in. Punong-puno kasi ang bawat lugar ng mga alaala noong dalawang taong minahal ko. Halos wala din naman kasing nagbago sa lugar na iyon.

Nasa huling araw na kami ni Miggy doon nang magdesisyon akong bisitahin ang puntod ni Mike. Natawa pa ako nang ma-realize ko na dalawang dekada talaga ang pinalipas ko bago ako bumisita doon. Kasama ko pa si Miggy dahil ayaw magpaiwan. Tinukso kasi ito ng mga pinsan na iiwan na siya doon.

"Hey stranger." kako sa puntod ni Mike bago pa man ako magtirik ng kandila. Wala na akong nasabing iba pa pagkatapos noon. Wala na rin naman kasi akong dapat sabihin pa. Umusal na lamang ako ng isang dasal para sa kanilang dalawa ni Ivan.

"Sana masaya na kayong dalawa diyan." Sabi ko pa bago ako umalis.

Kinagabihan, nagsabi lang ako kay Nanay at Tatay na may pupuntahan saglit. Iniwan ko na iyong kotse at iyong driver at nag-arkila na lamang ng tricycle. Hindi na nga ako nagreklamo noong literal na over pricing iyong tricycle driver. Ang mahalaga, makarating ako sa gusto kong puntahan.

Pagdating namin sa may tulay kung saan ako dinala ni Mike dati, hindi ko napigilan ang luminga-linga. Wala namang sinabi si manong driver at hinayaan lang ako. Sandali din lang ako doon. Tipong gusto ko lang makita ulit.

Noong pabalik na kami ay kung saan-saan na ako idinaan noong driver para short cut daw pabalik. Hindi naman ako umapela dahil sa aming dalawa, mas importante sa kanya ang maihatid na ako dahil gabi na. Nakatulog pa nga ako sa loob ng tricycle at nagising lang noong maramdamang hindi na kami umaandar.

"Anong nangyari, manong?" tanong ko sa driver. Hindi din daw niya alam pero bigla na lamang namatay. May gas naman daw pero ayaw lang mag-start. Bumaba na lang ako at hinayaan itong tignan kung ano ang problema. Napangiti pa ako nang makita kong maliwanag ang bilog na buwan. Natatakpan kasi iyon ng ulap noong nasa tulay kami kaya hindi ko napansin.

Nang mainip, binayaran ko na lang iyomg driver at nagsimulang maglakad. Pamilyar na rin naman kasi sa akin ang lugar na iyom dahil malapit na sa bahay nina Bille. Sigurado din akong may mga tricycle na nakaparada malapit sa bahay nina Bille kaya doon na lamang ako dumiretso.

Iyon nga lang at noong malapit na ako sa bahay nila ay nagsimula akong makarinig ng tunog ng gitara. Kinilabutan pa ako noong una dahil akala ko ay guni-guni ko lang ang lahat. Pero habang lumalapit ako ay lalong lumalakas ang tunog noon. Tuluyan nang nanayo ang balahibo ko nang pagkatapat ko sa bahay nila Bille ay isang malamig na hangin ang dumaan. Bitbit noon ang tunog ng gitara, ang isang pamilyar na tunog at tono.

Hindi ako magdalawang isip na umakyat sa gate nina Bille at dumiretso sa likod bahay kung nasaan iyong shed. Muli na naman akong kinilabutan dahil dumaan na naman ang malamig na hangin.

Pero nawala ang lahat ng iyon nang mapansin ko ang isang hagdan sa may pader. Napapikit na lang ako at huminga ng malalim bago naglakad papunta doon. Maya-maya pa ay narinig ko na ang isang boses na kumakanta.

Can you here me?

I guess it's been a long time coming

And I can't help but wonder

If I would get to where you're standing

in time

Kulang na pang ang liparin ko iyong pag-akyat sa hagdan. Ilang beses ko ring kinurot ang sarili ko para siguraduhing hindi panaginip lang ang lahat.

Can you see me?

As I run down the road you've taken

Rushing towards you

Before you decide that it's the end

and walk on

Nahigit ko na ang paghinga ko nang makita ko ang isang pamilyar na bulto na naggigitara habang nakaharap sa buwan.

You said "I'd walk on ahead

take your time, clear your head

I'll see you there when you come back home"

and now

Nang simulan niyang tugtugin ang chorus ay sumabay na ako sa pagkanta.

I'm heading back to where the moon always shine

up the roof where the earth meets the sky

We will wait until the sun brings an end to the dawn

until the moment that the darkness' all gone

Kahit noong tumigil na siya sa pagtugtog at humarap sa akin ay tuloy-tuloy lang ako sa pagkanta.

I'll see you there

At the place you said you'd wait

Where the stars fall down

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Ang dami kong gustong itanong. Ang dami ko ring gustong sabihin. Pero nang mga oras na iyon ay hindi ko mailabas.

"Hey there stranger." iyon lang ang nasabi ko.

Ngumiti lang si Bille sa akin bago siya nagsalita.

"Welcome home." aniya na nanginginig pa ang boses.

"Wala nang bawian ha?!" paninigurado ko sa kanya.

"Wala na." aniya saka ako hinalikan ng madiin.

"I've always wanted to do that. Here. Just the two of us." sabi ni Bille sa akin.

Muli pa niya akong hinalikan. Kung hindi pa nga siguro namin narinig iyong busina ng tricycle ay hindi siya ihihiwalay.

"Boss! Okay na! Magpapahatid ka pa ba?" Sabi noong driver. Napatingin na lang ako sa langit at na-imagine ang tumatawang mukha ni Mike.

"So, tuwang-tuwa ka na niyan?!" Sabi ko na lang sa buwan. Ang hayop, mukhang sumagot pa talaga at biglang umihip na naman ang malamig na hangin. Natatawang niyakap na lang ulit ako ni Bille.

Dalawang dekada ang hinintay ko para lamang makarating sa lugar na iyon. Dalawang dekada ng pagkawala, paghihintay, pagsuko, at paghahanap. Saka ko lang pala makukuha kapag bumalik ako sa kung saan nagsimula ang lahat.

Author's Note

In all honesty, mas gusto ko iyong unang ending because it was more realistic. Pero hindi ko rin mapakawalan iyong pangalawa dahil gusto ko talagang bigyan si Alee ng isang fairy tale ending. Pakiramdam ko kasi, pagkatapos ng lahat, deserved niyang maging masaya ng sobra-sobra.

Kaya kayo na lang ang humusga kung alin sa dalawa ang mas gusto ninyo.

After all that, I hope you enjoyed Alee's journey. Please don't hesitate to honestly tell me what you think about the story.

Hanggang sa muli!

Related Stories

Mencircle

Minsan Pa

“Habulin mo ako Pards kung kaya mo akong abutan.” ang hamon ni Ace sa minamahal niyang si Ryan. “Sprinter yata ako kaya ibalik mo na ang sombrero
11 Minutes
Mencircle

Tadhana

Si Elbert ay isang executive sa isang bank dito sa Maynila. Una ko siyang nakilala noong elementarya pa lamang kami. Bagong lipat sila noon sa aming
13 Minutes
Mencircle

Ang Maling Pag-ibig

By: Joruz Itago nalang po natin ang aking pangalan bilang Joruz. Ang kwento ko po sa inyo ay base sa tunay na karanasan na aking pinagdaanan. Ako p
26 Minutes
Mencircle

My Hearty

By: Akhi Ryu Go We started out as bestfriends. From the very first time he already knew that I was gay. We first met at a treehouse by the forest a
17 Minutes
Mencircle

Where the Stars Fall Down (Part 2)

By: Kier Andrei "So... What do you guys want?" "True love." sabay pang sagot nina Philippe at Joshua sa tanong ko. Nagkatinginan pa sila at sabay
51 Minutes
Mencircle

Where the Stars Fall Down (Part 1)

By: Kier Andrei Author's Note If you're reading this part, malamang ay minumura na ninyo ako dahil sa ending noong kwento. Pero bago po ninyo ako
77 Minutes