Bagong Tutor (Part 3)
By: Kentu10
Nanginginig ang mga kamay ko pagkatapos ko basahin yun. Nangingilid ang mga luha ko sa mata. Tangina. Sino si J? Di ko alam kung maiiyak ako sa selos. Di ko alam kung aasa akong para sa ‘kin yung sulat na yun. Gusto ko bang malaman? Sa isang banda, oo, para kahit papaano, alam ko kung sa’n ako lulugar. Sa kabilang banda, ayoko. Simple lang: ayokong masaktan.
Tinitigan kong mabuti ang papel. Di ko alam kung ano gagawin ko. Nakakainis. Hinayaan ko kasing madevelop ang nararamdaman ko kay Niccolo. Fuck with going on with the flow. Naalala kong only dead fish swim with the current nga pala. Isa na lang akong patay na isda ngayon. Patay na malansang isda.
Nakatingin pala sa ‘kin ang supladong si Johan habang nakatulala lang ako. Inipit ko ulit ang papel sa notebook ni Niccolo at kunwari nagpunas ng pawis sa mukha, para matanggal ang mga namuong luha sa mata ko. Si J kaya si Johan? Tugma kasi. Tugmang-tugma.
There, I rest my case. Sa sembreak, uuwi muna ako ng probinsya. Siguro hahanap na lang ulit ako ng ibang part-time na trabaho. Ayoko muna sigurong madikit kay Niccolo. Kelangan, magfocus sa mga mas importanteng bagay. Tama, sa mas importante. Kaya lang, importante sa ‘kin si Niccolo. Di ko na alam ang gagawin ko.
Nang bumalik si Niccolo, napansin niya ang itsura ko. “O? Bakit ka malungkot dyan? Namiss mo ‘kong turuan?” sabi pa niya nang nakangiti habang paupo sa silya niya.
“Sira,” sagot ko. Nanahimik na lang ako.
“Eh anong problema?” tanong ulit niya.
“Wala,” sabi ko sabay buklat sa isang nakakalat na libro.
Inagaw sa ‘kin ni Niccolo ang libro. “Di tayo mag-aaral kung di mo sasabihin sa ‘kin,” sabi niya nang medyo malakas. Nagtinginan ang ibang tutors at estudyante.
Nagulat ako. “Sira,” sabi ko, sabay tawa nang mahina. “Naalala ko lang yung mahirap naming exam kanina. Baka kasi mababa grade ko dun,” palusot ko.
Kumunot ang noo ni Niccolo. “Grades lang yan. Wag ka masyadong grade conscious. Nakakamatay ba yun ha? Ako nagpapatutor lang hindi dahil gusto ko ng grades kundi gusto ko matuto pa.”
Tahimik lang. Balik sa pagtuturo ang mga tutors sa ibang desks.
“Tsaka,” dugtong niya, “makasama yung nagtuturo sa ‘kin.”
Napatitig na lang ako sa kanya. Napanganga ako. Ni hindi ko alam ang sasabihin ko. Nag-eexpect ako ng idudugtong niyang sasabihin na makulit na hirit, pero wala nang katuloy.
Unti-unti nang nagliligpit ng mga gamit ang ibang mga tutors. Si Johan, nakatingin lang sa ‘min habang nagliligpit ng gamit. Nakakainis yung tingin niya. Yung tingin na parang lalamunin ako. Yung tingin na parang sa kanya si Niccolo at di ko dapat galawin. Nagmadali na rin akong magligpit ng gamit.
“Yey, uwian na,” sabi ni Niccolo. “Punta tayo sa inyo?” tanong niya sa ‘kin. “O sa ‘min na lang? Di ka pa nakakapunta dun eh. Sa makalawa na periodical tests ko, kaya dapat…”
“Ah, eh,” sabi ko sabay sarado ng bag, di ko na pinatapos ang sinasabi niya, “May exam kasi ako bukas. Kelangan ko magreview ngayong gabi. Next time na lang.”
Disappointed ang itsura niya. “Ah, sige. Pagtapos kaya ng periodical tests ko?”
Dali-dali akong naglakad palabas ng kwarto. “Siguro. Sige una na ako.”
“Bukas ulit?”
Di na ako sumagot. Ramdam ko ang bigat ng pagtitig niya habang palabas ako ng kwarto. Gusto ko na siyang iwasan. Di naman talaga tamang magkagusto ako sa kanya, lalo na kung may iba naman siyang gusto. Ayoko naman masaktan. Ayoko rin makasakit.
Paglabas ko sa kalsada, biglang bumuhos ang ulan. Sakto, umiyak na ako.
———-
Nang sumunod na araw, nilagnat ako. Pero di ako umabsent sa kaisa-isang class ko. Sabi nga ng prof ko, “Never be absent in class unless it’s a matter of life and death.” Ginawa ko nang motto yan sa pagpasok ko sa school araw-araw. Di naman nakamamatay ang lagnat. At kasalanan ko rin naman, nagpaulan kasi ako kahapon, kasabay ng pagdadrama ko. Mas okay nga ako ngayon. Di baleng may lagnat, makakaiwas naman kay Niccolo. Ayoko muna siya isipin. Mas importante ang exam ko ngayon.
Maaga ako natapos mag-exam, kaya alas dos pa lang diretso na ako sa boarding house. Nagpaalam na ako kay Ma’am Lisa na hindi ako makakapasok sa trabaho dahil may lagnat ako. Okay lang daw, enough naman daw ang tutors for the day kahit hell week ng mga high school students.
Ako lang mag-isa sa kwarto pagdating ko. Malamang, may mga exams din ang mga roommates ko at ako lang ang maagang nandun. Ibinaba ko ang mga gamit ko at dahan-dahang nagbihis. Ang sakit ng ulo ko. Ang sakit ng katawan ko. Ang sakit ng puso ko. Magpapahinga muna ako. Isa pang exam bukas, sembreak ko na. Di na ako makapaghintay umuwi ng probinsya. Namimiss ko na sila dun. Mamimiss ko si Niccolo.
Nakatulog ako kakaisip. Paggising ko, 4:30 na ng hapon. Ayos, dalawang oras ang tulog sa hapon. At umuulan pa. Anlamig. Buhay-tamad. Karapatan ko yun nuh. May sakit kaya ako. Medyo giniginaw nga ako. Dahan-dahan akong bumangon para umihi sa labas. Pero paglabas ko, laking-gulat ko, nakadukdok sa may lamesa si Niccolo. Si Niccolo, ang lalaking iniiwasan ko.
Nang mapansin niya ako sa may pintuan, dali-dali siyang tumayo. “May sakit ka raw? Kanina pa ako katok nang katok sa kwarto nyo eh. Nakatulog ka ba? Ba’t di ka nagtext man lang sa ‘kin na may sakit ka pala? Okay na ba pakiramdam mo?” sunud-sunod niyang tanong.
“Alin dyan uunahin kong sagutin?” sabi ko. “Excuse me muna, naiihi ako.”
Nangiti siya. “Kelangan mo ng tagahawak?”
Napatingin ako sa kanya. Nakakunot ang noo ko. Tangina. Mamimiss ko yang mga ganyang hirit.
“Tagaalalay,” sabi niya, nakangiti. “Alam mo na, baka nahihilo ka, bigla kang bumagsak, ganyan.”
“Kaya ko. Okay lang ako. Wag kang OA,” sabi ko sabay pasok sa cr at lock ng pinto. Ba’t ba siya nandito? May test kami pareho bukas tapos nanggugulo siya dito. Di ba niya naramdamang gusto ko siyang iwasan? Sabagay, kahapon lang ako nagsimula sa drama ko. Hindi nga naman halata. Tsaka na niya mahahalata pag sembreak na, pag di ko na siya itetext. Pag pasukan na, kasi hindi na ako magtututor sa kanya. Nagtagal pa ako sa banyo. Di ko alam kung dapat ko pa ba talaga siyang harapin.
Paglabas ko ng cr, wala si Niccolo sa kusina kung saan ko siya iniwan. Tiningnan ko siya sa kabilang cr pero wala rin. Pagpasok ko ng kwarto, andun na siya, nakaupo sa kama ko. Nakasando at pantalon na lang siya. Yung uniform niya, nakasabit sa isang hanger. Yung sapatos at medyas niya, nasa paanan ng kama ko. Andun siya, at naglalabas ng mga notebook at libro galing sa bag niya.
“O, ano yan?” sabi ko sa kanya.
“Magpapaturo ako eh. Periodical test namin bukas sa math at physics,” sagot niya, nakangiti.
“Langya ka talaga. Pumunta ka pa talaga dito para magpaturo,” sabi ko habang lumalapit sa kanya. Naupo ako sa katapat na double deck bed. Shet, ang sarap niya kapag nakasando at pantalon lang. “Ba’t di ka na lang magpaturo dun sa center?”
“Ayoko dun. Sa’yo ako sanay magpaturo, lalo na sa math at physics. Sa’yo lang ako nakakapagconcentrate eh,” sagot niya habang binubuklat ang isang libro.
“Sira ka talaga eh nuh? Alam mong may sakit ako. Bahala ka diyan,” sabi ko sabay higa sa kamang inupuan ko.
“Talaga? Okay lang na dito ako?” sabi niya, nakangiti. “Kahit wag mo na ako turuan. Magtatanong na lang ako pag may di ako alam.”
“Oo, sige na. Wag lang makulit,” sabi ko sabay talikod.
“Yey. Di mo talaga ako matiis nuh? Di mo ko paaalisin?”
Oo, di kita matiis. Tangina. “Kapal mo, umuulan kaya sa labas. May payong ka ba? Gusto mo rin magkasakit?”
“May kapote ako, di tayo magkakasakit,” sabi niya.
Tangina. “Ano?”
“Wala, malakas resistensya ko. Di tulad mo, maambunan nang konti, may lagnat agad. Haha,” sabi niya. “Thanks sa concern,” dugtong pa niya. Naiimagine ko, nakangiti siya habang sinasabi yung huli.
“Mag-aral ka na lang diyan,” sabi ko.
Naririnig ko lang siyang nagbubuklat ng libro. “Teka nga, ba’t ba nakatalikod ka sa’kin?” tanong niya.
“Maliwanag yung ilaw, nasisilaw ako,” palusot ko.
“Papatayin ko? Lights off pala gusto mo?” tanong niya, sabay tawa.
“Sira ka ba. Andilim kaya pag pinatay mo. Paano ka mag-aaral?”
“Eh ba’t andyan ka sa kabilang kama? Sige ka pag dumating yung roommate mo, dadaganan ka nun. Gusto mong pumatong siya sa’yo dyan?” sabi niya sabay tawa.
“Loko ka pala eh. Nakakalat kaya mga gamit mo sa kama ko. Paano ako hihiga dyan?” Di na palusot yun. At ayaw ko talaga siya katabi. Masagi na naman niya titi ko.
“Ililigpit ko na?” sabi niya.
“Sira. Mag-aral ka na lang diyan. Di ba sabi ko wag makulit?”
“Okay. Uminom ka na ng gamot?” tanong niya. Andami niyang tanong. Sinabi nang wag makulit eh.
“Oo, kanina pa. Mamaya pa ulit alas-otso.”
“Eh ba’t di ka pinagpapawisan? Gusto mo magpapawis?” tanong niya. Ramdam ko, nakangiti siya, yung nang-iinis na ngiti.
“Umuulan kaya di ako pinagpapawisan.”
Tumahimik siya. Mga five seconds. Pagtapos, naramdaman ko, kinukumutan niya ako. “Pahinga ka lang dyan. Dito lang ako sa kama mo,” sabi niya.
Di ko na siya sinagot o kaya tiningnan. Pumikit na lang ako. Gusto ko lang yung nararamdaman na nasa malapit lang siya sa ‘kin.
Tahimik lang siya nang matagal. Di naman ako makaidlip, nakapikit lang ako. Naririnig ko lang yung paminsan-minsan niyang paglipat ng pages ng libro o notebook, mga tatlong beses na pagkahulog ng ruler at calculator, at dalawang beses na pagpindot sa cellphone. Hindi siya nagsasalita. Ni hindi siya nagtatanong ng kahit ano tungkol sa lesson. Mga kalahating oras na siyang ganun. Lalong lumakas ang ulan.
Bumaling ako nang kaunti para tingnan kung ano na ginagawa niya. Pagkakita ko, nakahiga siya sa kama ko, nakatingin sa akin. Yung isa niyang libro, nakabuklat lang sa may dibdib niya.
“O, ba’t di ka nag-aaral?” tanong ko. “Wala ka bang itatanong sa ‘kin?”
“Tungkol sa lessons? Wala naman,” sagot ni Niccolo. “Tungkol sa’yo, siguro, marami.”
“Ano naman?” Natakot naman ako sa kung anong mga bagay ang gusto niyang malaman tungkol sa ‘kin. Baka nahahalata niyang gusto ko siya. Baka nahahalata niyang may nararamdaman ako para sa kanya. At sa huli, baka siya rin ang umiwas sa ‘kin. Alam mo na, pareho kaming lalake. Di kami talo.
“Di ko alam kung sa’n magsisimula eh,” sagot niya, sabay tingin ulit sa libro niya.
Naalala ko yung laro namin ng mga kabarkada ko nung high school. ‘Confessions’ ang tawag. May pitong tanong ang bawat isa. Kapag may gusto kaming itanong sa isa, itatanong namin. Salitan sa pagtatanong. Pero bawal nang ulitin ang natanong na. At isa pa, bawal magsinungaling. Inexplain ko yun kay Niccolo.
“Sige nga, game,” sabi niya.
“Basta ah,” pahabol ko, “walang makakalabas sa kwartong ‘to sa kung anuman ang masheshare natin.”
“Go. Trust me.”
Trust. Big word. Haha. “O sige, una ka na,” sabi ko.
“Hindi, una ka na. Excited ako sa kung ano itatanong mo,” sabi niya sabay sarado ng libro at bagsak nito sa lapag.
“Hmm. O sige. Ano pinakamalaking frustration mo sa buhay?”
Natawa si Niccolo. “Ano ba yan? Ang korni. Walang kabuhay-buhay yung tanong mo, Jelo. Affected ng lagnat yang utak mo?”
“Sagutin mo na lang,” sabi ko. Ang totoo, wala pa akong maisip na maitanong. Sa ngayon siguro, dead fish swimming in the current muna ako ulit. Mamaya na ako lalangoy.
“Sige, ano nga ba,” sabi niya, nakatingin sa kisame. “Gusto kong maging band member. Sumulat ng mga kanta. Maging sikat nang kaunti. Frustration ko yun. Gusto kong mas matutong mag-play ng guitar.”
“Marunong ka?” tanong ko. Alam ko naman may alam siya sa music. Nakasulat nga dun sa love letter niya. Ugh.
“Konti lang. I know the basics. A bit of techniques. Magtono kahit walang tuner,” sagot niya. “Minsan jamming tayo. Marunong ka?”
“Konti. So, nakasulat ka na ng kanta?” tanong ko na naman.
Tumingin siya sa’kin. “Andaya mo. Ba’t andami mo nang tinatanong? Akala ko ba salitan tayo ng tanong?”
“Follow-up questions lang yun,” sagot ko.
“Wushu. Wala naman sa rule yun.”
“Bakit, ikaw ba gumagawa ng rule?”
“Andaya mo. Ako na magtatanong,” sabi niya, excited.
“Sige. Shoot.”
“Straight ka ba?”
Natulala ako. Sa’n galing yung tanong na yun? Eto na yun. Huhulihin na niya ako. Halata nga yata talaga na may gusto ako sa kanya.
“Ano? Straight ka ba?” tanong niya ulit, sinisiguradong narinig ko ang tanong niya.
“Ano bang klaseng tanong yan?”
“Eh di tanong. Valid question na kelangan sagutin nang may buong katapatan at paninindigan.”
“Hindi.” Yun na. Umamin na ako. Ready na ako sa pag-walkout niya.
“Talaga? In a relationship ka ba ngayon? Sa girl o sa boy?” tanong ulit niya.
“Ba’t may tanong pang kasunod?” sabi ko.
“Follow-up question yun.”
“Hindi na follow-up question yun. Tsaka mo na itanong yan pagtapos ko magtanong.”
“Andaya mo,” sabi na naman niya. “So, single ka ngayon? Mukha kasing hindi kasi ang gwapo mo, mukha kang habulin. Both girls and boys ah. Sigurado may mga nagkakacrush sa’yo paglabas mo pa lang ng boarding house nyo.”
Binato ko siya ng unan. “Ako na sabi magtatanong eh.” Di ko inexpect na ganung kadali niyang matatanggap ang sagot ko. At least, one secret less ang nasabi ko na. Mas magaan na sa pakiramdam.
“Di naman ako nagulat. Ang hinhin mo kasi eh,” pahabol pa niya. “Although alam ko naglalaro ka ng basketball and all that, pero parang ambait-bait mo kasi. Gentleman na gentleman ang dating. Ang perfect. Just too good to be true.”
“Andaming sinabi. Ako na magtatanong. Andaya mo,” sabi ko.
“Okay. Go.”
“Who are you ten years from now?” tanong ko.
Tumawa na naman siya. “Ang korni mo talaga! Ano ‘to, job interview? Sa tingin mo mananalo ka sa game natin kung ganyan mga tanong mo?”
“Sira. Walang mananalo sa game. The object is to get to know each other better,” sabi ko.
“Fine. Whatever Jelo. Basta ako, I’m gonna win this game.”
“O sagot na? Ano sa tingin mo ikaw in ten years?”
“Hmm. Gusto ko talaga sa research. Sa news. Big companies. High school pa lang ako, so in ten years, I may be an assistant manager or something. Kung hindi man, may sarili akong business.”
“Like what business?”
“Bar or something. Yung may light music. I like cooking. Isama mo pa yung hilig ko sa music at pagtugtog.”
“You cook pala. Ano fave mo?”
“Ikaw, ano ba gusto mo? Ipagluluto kita. Kaw kasi di ka man lang pumunta sa bahay eh. Ipaghahanda sana kita.”
“Ng ano?” tanong ko.
“Hotdogs and eggs?” sabi niya sabay tawa. “Footlong and eggs. Yung binati.”
“Bastos ka talaga,” sabi ko sabay bato ulit ng unan sa kanya.
“Haha. Ngayon mo lang ako tinawag na bastos.”
“Sira.”
“Hoy, Jelo, ako na pala magtatanong.”
“O sige, go.”
“Hmm.” Nakatingin siya sa kisame. “Tell me about your first love na boy. Or first crush. Basta yung pinakamatindi.”
“That’s not a question,” depensa ko.
“Eh di sige, how was your first love or pinakamatinding crush? Yung boy ah.”
Napakunot ako ng noo. Ansakit sa ulo. Nakakahilo. “Ba’t naman kelangan boy pa?”
“Wala lang,” sagot niya. “Eh sa yun ang gusto ko malaman eh. Nakakaintriga kaya.”
Umikot ang mata ko. “Tsismoso.”
“Sagutin mo na lang. Idescribe mo na kasi. Di ko naman ibabalita sa buong barangay.”
Tahimik. Ayoko yata sumagot.
“Huy Jelo, ano? Andaya mo eh,” sabi niya.
“Uhmm, yung pinakagwapo sa paningin ko,” sagot ko.
“Like the gwapo tindero ng tinapay sa kanto?” tanong niya.
“Yuck.”
“C’mon man. Di naman ako manghuhula. Idedescribe mo lang naman.”
“Matangkad, maputi, chinito. Parang rabbit yung ilong kasi nagki-crinkle. Makulit. Pero matalino, di lang siguro niya alam. Gusto niya maging news researcher someday. High school student pa lang siya.”
Natigilan si Niccolo. Ako, naghihintay ulit na magwalk-out siya.
Ilang sandali pa, natawa siya. “Talaga?” sabi pa niya habang tumatawa.
“Sige, pagtawanan mo pa ako.”
“Kasi ikaw eh,” tawa pa siya. “Parang yun lang, hirap na hirap ka magsabi. Ano, natatakot kang mareject? Man, you can tell it straight to my face. Don’t you trust me?” Ngumiti lang siya. “Thanks ah. Flattered naman ako. Crush mo pala ako. Matagal na?”
“Sorry Niccolo, ako na magtatanong,” sabi ko.
“So, kelan mo pa ako crush? Masaya ka ba na araw-araw kasama mo crush mo?”
“Shut up, Niccolo.”
“Ba’t mo ako naging crush? Pogi ba ako?”
“I said shut up.”
“Haha, sorry.”
“My turn,” sabi ko. “So, who is your crush ngayon?”
Nagulat si Niccolo. “Kala ko ba walang ulitan ng tanong?’
“My question is different. Di ko pinadedescribe. I’m asking you to name the person.”
“Ginaya mo pa rin. Alam mo, kung basketball to, tambak ka na. Free throw lang, di mo pa mai-shoot,” sabi niya.
“Sagutin mo na lang kasi.”
“Wala. Wala akong crush. Wala akong panahon sa crush crush na yan. Sakit sa ulo. Nakakatigyawat lang.”
“Maniwala naman ako sa’yo,” sabi ko.
“Kakabreak ko lang kasi ilang months na rin. Five? Six months ago? Wala akong panahon talaga sa crush crush na yan.”
“Sige.”
“Pero,” pahabol niya, “kung kelangan talaga magbigay ng sagot, teka. Hmm, sino ba pinakacrushable na kilala ko? Wala akong maisip eh. Ikaw na lang.”
“Ang korni mo. Yung seryoso naman.”
“Totoo naman eh!” sabi niya. “Sige, iba na lang kung ayaw mo.”
“Gago, napipilitan ka lang eh.”
“Hahaha. Pano ba yan Jelo. Crush mo ‘ko. Crush kita. Meron na tayong malanding ugnayan.”
“Siraulo. Ugnayan mo mukha mo.”
“Bakit, ayaw mo ba?”
“Yan na ba tanong mo?” tanong ko.
Tawa siya. “Oy, hinde ah. Excited ka.”