Ang Laro ng Alon (Part 3)
~~Kyleson Tan~~
By: Thom
Kyle’s POV
On my first day sa trabaho ko dun sa hotel na yun, mali ako ng pasok, sa main entrance ako pumasok. I introduced myself as a new staff ng Food and Beverage Department, and the front desk staff led me to the Restaurant. Immediately, nakilala ako ng Head ng F&B department, kasi isa sya mga nag-interview sa akin. He knew me, and ayun, sermon agad. Sinabihan ako that we have employees’ entrance. Malay ko ba, hindi naman nasabi yun during my interview nor they conducted an orientation to familiarize the staffs. Sa first job ko, hindi naman sila ganito. Baka stressed lang si boss. Haha. Hayaan ko na nga lang. He endorsed me to an employee, kasamahan ko na waiter for sure based sa uniform na suot nya. Sinamahan nya ako sa locker room para kumuha ng uniforms and magbihis na din.
Maayos yung locker area, yun nga lang, hindi din ako naorient na kailangan ko palang magdala ng sarili kong padlock. And kailangan, closed din yung pockets ng pants. Ayaw kasi nila na may lumilitaw na pockets while serving, gusto lahat presentable. After i placed my belongings sa locker ko, which for now ehh walang lock, sinamahan nya ako sa may dulo ng mga lockers, may isang parang window dun na may mga uniforms na nakasabit, may pieces of paper din tsaka ballpen. Sabi sakin ng kasama ko, sulat ko daw pangalan ko sa papel, department, tsaka kung anong size.
“Pano ko malalaman size ko?” Tanong ko.
“Tingin ko, medium ka. Hiram ka ng isang medium, tapos kung di kasya, hiram ka ng size na tingin mo kasya.” Tugon nya habang lumalapit yung isang lalaki. Same height kami, ang linis tingnan. Tingin ko sa front desk to, based sa uniform nya tsaka ung uniform nung nag-assist sakin kanina na una.
“ Bago, tropa?” tanong nung lalaking nakapang-front desk.
“Oo pre, ano sa tingin mo, good ba? Mukha bang mapagkakatiwalaan?” sagot naman ng kasama ko.
“Gago ka pre, mukhang mayaman. Baka anak ni CEO yan. Hahaha.”
“Tukmol, ehdi hindi pwede kasama sa take-out yan. Hahaha”
“Bahala ka jan tropa, pero department nyo yan, basta ahh, masarap yung chicken lollipop, tsaka yung teriyaki na yun, yung binigay mo nung isang araw.”
“Haha, sige tropa, kapag meron, abutan nalang kita kapag nasa graveyard shift ka.”
“Salamat pre, teka, ayos ba yan? Nagdala ba?”
Gagong to, ako pa naging topic. Haha, Pero ganun din naman sa dati kong trabaho. Hindi ko planong magtagal sa isang kompanya, andito ako para mag-aral kung pano tumakbo ang isang restaurant, hindi maging empleyad habang buhay.
“Wala nga pre, baka may extra ka jan, pahiram mo muna.” Sagot ng kasama ko.
“Teka, andito pa yata yung luma ko.” Sabay hanap dun sa bag niyang maliit, tingin ko konti lang mailalagay dun. Parang cellphone lang tsaka wallet. Hindi ko pinahalatang nakikinig ako, nakatutok lang ako sa pagsusukat ng uniform ko. Kasya na sa akin ang medium. Napansin ko nalang na papalapit na sa akin yung lalaking nakapang front desk.
Inabot nya sakin yung isang maliit na padlock na may nakasukbit na susi. “Luma ko yan tropa, pero naisasara pa naman, bili ka nalang ng bago mo para bukas, pang trick lang yan, baka may magkainteres sa locker mo, mukha pa namang Iphone lang ginagamit mo na cellphone. Haha.” Lakas mag-asar, hahaha. Pero sakyan lang ang trip, mukha namang OK tong mga kumag na to.
“Uy, salamat. Soli ko nalang bukas kapag nakabili na ko.”
“Tapon mo na pre kapag nakabili ka na, sabi ko nga, pang trick lang yan. Sira na kasi yan, kahit hilahin mo lang, mabubuksan, pero at least naka lock yung locker mo, wag mo nalang ipaalam sa iba.” Pabulong nyang sabi sa akin. “Sya nga pala tropa, day off ko bukas, so kung isosoli mo yan, next time nalang.” Dagdag nya sabay kindat.
Natutuwa ako sa uniform na suot ko, meron maliit na bulsa sa loob ng uniform, lalagyan ng susi ng mga lockers. This is so thoughtful, parang designed sya para sa mga empleyado na kagaya namin. Dun ko nilagay yung susi ng sirang lock nung locker ko for now.
Bumalik na kami sa Restaurant, at nagumpisa na akong turuan ng ibamg mga kasamahan ko sa trabaho. Dun ko din nalaman na may pagka-malikot pala ang kamay nung kasama ko kanina. Kaya siguro pabulong na sinabi sa akin nung nasa front desk na sira yung lock. Mukang delikado yung cellphone ko ahh. Sana di nya naramdaman yung buong sakin kanina. Kung magkataon na mawala yun, patay ako kay mama, kabibili lang nun.
Nilapitan ko yung lalaking kasama ko na pumunta sa locker kanina. Tsaka ko tinanong kung ano ang pangalan nung front desk staff na nakausap namin kanina. “Bakit pre, ayos ba? Hahahaha.” Tugon nya.
“Para lang alam ko kung sino hahanapin ko kaoag sinoli ko yung padlock sakanya sa susunod na araw.” Sagot ko. Sabay tawa, pero sa totoo lang, anlakas ng dating nya saken. Nagka-crush yata ako sa kanya. Ang bait pa, naprotektahan ako sa magnanakaw, kahit hindi nya pa ako totally kakilala at bago lang ako sa kompanyang ito.
Unti-unti akong nagtanong sa mga kasamahan ko kung sino ba sya, doon ko nalaman na Alonzo pala pangalan nya. Mahigit two years na daw sya sa kompanya, kaya ayun, permanent employee na sya. Kaya pala alam na nya yung mga pasikot-sikot sa establishment. Alam na din nya kung sino yung mga dapat hindi pagkatiwalaan. Ang cool nya. Shet. Mapapasakin ka din, Alonzo.
Matagal akong kumukuha ng tyempo para makausap ko ulit si Al. minsan, sumisilip ako sa front desk para lang makita ko sya. Pero madalas, busy sya, either nkaharap sa computer, may paperworks, o kaya naman, nasa telepono, may kausap. Pero napaka-professional nya tingnan sa mga ginagawa nya, laging naka-ngiti. Laging relax. Pano nya kaya nagagawa yun. Sana ngitian nya din ako.
Kung kailan naman hindi ako handa, tsaka naman pumanig ang takbo ng hangin. Mahigit isang taon na din ako sa kompanya, at hanggang ngayon, hanggang tingin parin ako sakanya, at hindi ko parin naisoli sa kanya yung padlock na pinahiram nya, hindi pa ako nakapag pasalamat, pero sabi nga nya, itapon ko na daw after ko makabili ng bago. Pero ang totoo, nakatago pa yung padlock sa kwarto ko. Syempre, galing sa crush ko yun.
Pagpasok ko sa locker room para magbihis pagkatapos ng shift ko, dun ko nakita si Al, nakaupo habang nagpapalit ng sapatos. Napatigil ako. Hindi ko alam sasabihin ko, lahat ng inihanda kong script sa utak kom it all went out of the window. Hanep, star-struck ampupu. Napalingon sya saken, “Uy trops, musta?” Casual lang sya, sabay balik sa tinatali nyang sintas ng sapatos nya.
“Ahm, ok naman.” Di ko alam itatawag ko sakanya. “Sya nga pala, salamat dun sa ginawa mo nung first day ko dito ahh.”
“Ano yun?” sagot nya, probably, nakalimutan na nya.
“Yung sa padlock.”
“Ahh, hanep na yan, wala yun, hayaan mo na. haha.” Wala lang sakanya pero sakin, malaking bagay yun.
“Bali, nalaman ko din yung ugali nung kasama ko that day, kaya ayun, salamat talaga.” Same line lang ng lockers yung locker namin, kaya pwede ko parin sya makausap kahit naglalakad na ko papunta sa locker ko. “Gusto ko bumawi, dinner tayo, sagot ko.” Shet, totoo ba to? Sana pumayag.
“Uy, tropa, di mo naman kailangan bumawi, ok lang yun, ano ka ba?” teka teka, pano ko ba sya mapipilit. Hindi pwede, ito na yung chance na hinihintay ko. “Pero,” dagdag pa nya, ayun, mukang may chance. Hahaha, nabuhayan ako ng loob. “Matagal pa sweldo ehh, tsaka medyo stressed na ko, tara magdinner, libre mo ha. Hahaha.”
Isang malaking buntong-hininga ang napakawalan ko. Pero bumilis lalo yung pintig ng puso ko, hindi ko mahubad ng maayos yung polo ko para maisurrender sa laundry area. Nakangiti ako ng abot-tenga. Narinig ko nalang sya, “Hintayin kita sa employees’ entrance tropa, take your time, text ko din tita ko.”
Ako na namili ng kakainan namin, tumangi sya nung una kasi sa good-quality na restaurant kami nagpunta, wala akong dalang cash, sa totoo lang, buti nalang, nakita ko yung debit card ko na nakalagay sa wallet. Kadalasan kasi sa transpo, naka-link na sa online payment yung mga taxi bills ko.
Buti nalang, naging maayos yung dinner namin. Nakuha ko din number nya, at nakwento ko din sakanya over dinner kung bakit sobrang thankful ako sakanya kasi nga, bagong bili lang yung phone ko that time. Natawa din sya. Pero kung ako yung isang lalaki, tingin ko maiinis ako knowing na target nya yung cellphone ko. Parang napurnadang plano. Buti nalang din, hindi sya naregular. At naalis sa trabaho after 2 months kong nakapasok.
After ng dinner, umuwi ako ng nakangiti. Hindi ko din alam kung ano yung una kong itetext sakanya para magpasalamat. I just go with the simplest “Thank you sa oras pre, ingat pauwi.” Pero di ko namalayan na dalawang oras ko palang pinagiisipan yung itetext ko sakanya. “Nakauwi na ko tropa, pero andaming sermon ni tita. Haha. Nyt tropa, salamat din sa libre.”
Magdamag yata akong nakangiti nung gabing ‘yon, hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Continue Reading Next Part