1. Home
  2. Stories
  3. Rigodon de Amor (Part 1)
Mencircle

Rigodon de Amor (Part 1)

18 minutes

By: Lito

Isang mini grocery store ang itinayong negosyo ng pamilya ni Sebastian Cruz o Basti sa may Katipunan malapit sa LRT. Kasosyo niya dito ang kanyang mga magulang at dalawang kapatid na nagtatrabaho sa ibang bansa. Style 7-11 ang kanilang grocery pero mas mura ang kanilang paninda kumpara doon dahil hindi sila nagrerenta sapagkat pagaari nila ang kanilang pwesto. Si Basti ang tumatayong Manager, paminsan minsan ay kahera, stock clerk at kung ano ano pa. Siya talaga ang namamahala dito sapagkat may sariling negosyo din ang kanyang mga magulang.

27 years old na si Basti at single. No known boyfriend or girlfriend. Hindi naman siya mukhang bakla at hindi talaga mapagkakamalang bakla. Pihikan lang daw siya sa babae. Gwapo sa pangkalahatan at may height din naman.

Anim lang ang kanilang empleyado, dalawang kahera na parehong babae at apat na tagaayos ng stocks sa bodega at sa display area. Dalawang shifting. Tatlong staff, kasama ang isang kahera sa 6 to 3 shift at tatlo rin sa pangalawang shift na 12 to 9 ng gabi.

Dalawa sa empleyado niyang lalaki ay magkapatid, sina Arlo at Vince, edad 19 at 20 at si Vince ang 20. Rekomendado siya ng kanyang magulang dahil dati nilang naging kasambahay ang namatay na nilang ina, at bilang tulong ay ipinasok na lang sa kanilang grocery. Magkahiwalay sila ng shifting, at una ang bunsong si Arlo.

Dating pangangalakal ang ikinabubuhay nina Arlo. Nang mabalitaan ng mama ni Basti na namatay na ang kanilang kasambahay dati ay agad na inalam ang tinitirhan nito. Pinuntahan niya ang bahay nila at nakita ang hindi magandang kalagayan ng mga iniwang anak. Dalawang lingo na palang naililibing ang ina nina Arlo at Vince at saka lang nalaman ng ina ni Basti na matagal na silang iniwan ng kanilang ama at sumama sa ibang babae. Wala na silang balita simula ng iwan sila ng ama. Sa awa ng ina ni Basti ay pinapunta niya ang dalawa sa kanilang grocery para bigyan ng trabaho. Tamang tama naman at talagang nangangailangan si Basti ng karagdagang trabahador. Laking pasalamat ng magkapatid sa ibinigay na trabaho sa kanila. High school lang ang kanilang natapos kaya hirap silang humanap ng magandang trabaho. Sa pangqngangalakal na lang sila nabubuhay. At iyon na ang simula ng kanilang panibagong buhay.

Sa bahay na nina Basti sila pinatitira para hindi na nila kailangan pang magbyahe, pero mas pinili pa rin nila ang manirahan ng sarili sa dati nilang bahay. Hindi naman kalayuan at isang sakay lang sa jeep.

May angking kagwapohan ang magkapatid at parehong 5”6’ ang taas. Magkaiba lang sila sa pag-uugali. Masayahin si Arlo at palaging nakangiti, palakaibigan at palabiro din. Malakas ang karisma sa mga babae at kunwaring babae. Si Vince naman ay mahiyain, walang kibo at hindi pala usap. Pareho naman silang masipag at mapagkakatiwalaan.

Simula ng dumating ang dalawa ay malaki din ang ipinagbago ni Basti. Dati ay pirmi lang ito sa kanyang opisina at bababa lang kung may kailangan o may itatanong. Ngayon ay madalas na siyang tumatambay sa tindahan at sumasabay pa sa pagkain tuwing tanghalian.

Hindi naman nilalagyan ng kahulugan ng ibang empleyado ang pagbabago ng kanilang boss dahil sa pagdating ng magkapatid. Naninibago lang talaga sila. Lagi ding nitong kinakausap kundi si Arlo ay si Vince. Tuloy pag sila sila lang ay napaguusapan nila ang kanilang boss.

---------------oOo---------------

Nagtsetsek ng inbentaryo si Basti sa kanyang computer, gagawa na kasi siya ng purchase order sa iba’t ibang supplier. Pinatawag niya si Vince.

Basti: Vince, paki tignan mo nga ang bilang ng mga ito. Dito kasi sa computer ay kokonti na at ang iba ay zero na. Ang alam ko ay ka oorder lang natin ng mga iyan.

Vince: (Kinuha ang listahan. Binasa muna ng konti.) Okay po boss. Ngayon din po.

Kahera 2: Anong sabi?

Vince: Pinatsetsek lang ang bilang ng mga item na ito sa bodega at sa display. Pare, bahala ka na muna dito ha! Madami dami din kasi ito eh.

Art: Okay lang pare. Walang problema.

Mag-aalas nwebe na ay hindi pa rin tapos si Vince. Naghahanda na sa paguwi ang iba ay nagbibilang pa rin si Vince sa bodega. Bumaba na si Basti at hinanap si Vince. Itinuro naman ng kahera na nasa bedega. Agad tinungo niya ang bodega.

Basti: (Malumanay na sinabi) Vince kung hindi mo matapos ay pwede na bukas yan. Sige na at magsisiuwian na sila.

Vince: Konti na lang ito Boss. Tatapusin ko na po. Last 2 item na lang po.

Basti: Sige, ikaw ang bahala.

Kahera 2: Boss, uwi na po kami.

Basti: Na tsek na ba ninyo lahat. Secure na ba lahat.

Kahera 2: Okay na po Boss.

Basti: Sige, ingat kayo.

Vince: Tapos na po boss. Eto na po.

Basti: Nagmamadali ka ba Vince?

Vince: Hindi naman po. Bakit po?

Umakyat na sila sa office at naupo sa harap ng computer.

Basti: Marunong ka bang gumamit ng computer?

Vince: Naku Boss, hindi po. Games lang po ang alam kong gamitin.

Basti: Ganun ba. Gusto ko kasing kumuha ng makakatulong ko dito eh. Nahihirapan na akong magisa dito eh. Pati pag eencode ng inbentaryo ay ako pa ang gumagawa. Pati sa bangko at accounting ay sakop ko na eh. Nagkakamali mali na ako sa pageencode eh. Daming mali dito sa pageencode ko. Gusto ko sanang i-train ka. Gusto mo ba?

Vince: Boss baka hindi ko kayanin. Hindi po kasi talaga ako marunong ng computer.

Basti: Sasanayin naman kita eh. Huwag kang magalala. Tuturuan kita.

Vince: Kayo po ang bahala.

Basti: Sige na at baka masyado kang gabihin.

Vince: Sige po sir.

Ihinatid pa ni Basti si Vince hanggang sa exit at tinapik pa ang balikat nito.

---------------oOo---------------

Kinabukasan, pagdating ng second shift at makompleto ang mga tauhan ay nag-pahayag si Basti na mangangailangan siya ng isa o dalawa pang karagdagang trabahador. Hindi pa naman niya sinasabi ang kanyang balak patungkol kay Vince.

Basti: O! Baka may mairerekomenda kayo sa akin na walang trabaho at pwede sa ganitong klase ng trabaho. Hindi naman kelangan na college graduate. Pwede na high school graduate o nakatuntong ng kolehiyo. Basta masipag at mapagkakatiwalaan ay okay sa akin. Lalaki ha, yung pwedeng magbuhat ng mabibigat.

Si Art at ang isang kahera ay may irerekomenda daw,

Basti: Papuntahin ninyo dito. Hindi naman komo rekomendado ninyo ay tanggap na. Syempre dadaan yan sa interview ko. Aalamin ko kung talagang pasado sa akin. Tutal narito na ang second shift at lunch break ng first shift eh kain muna tayo. Nakabili na ba kayo ng ulam? Luto na ba ang sinaing Arlo?

Arlo: Yes Boss. Kanina pa. Tayo na at maghain. Kanina pa nga ako gutom eh.

Libre ang lunch para sa first shift at dinner naman para sa second shift, kaya kahit papano ay nakakatipid naman ang kaniyang mga tauhan.

---------------oOo---------------

Makaraan ang dalawang linggo ay may nakuha nang bagong empleyado si Basti. Isang bente uno anyos na binata na rekomendado ni Kahera 2, yung pang second shift na kahera. Maliit lang siya pero may katawan naman. Dati raw helper sa isang gym, kaya kahit papano ay nakakapag workout at gumanda naman ang katawan. Ivo ang kanyang pangalan.

Ipinahayag na rin niya na malilipat si Vince bilang office worker na siyang may responsibilidad sa inbentaryo at kasama niya na sa office. Magiging 8 – 5 ang office hours niya.

Basti: Simula ngayon ay sa opisina na magtatrabaho si Vince. Ivo, pagbutihan mo at sipagan mo. Probi ka pa at kung maganda ang pagtatrabaho mo dito ay baka ma regular ka. Okay?

Ivo: Yes Boss.

Umakyat na si Basti at kasama na si Vince.

Art: Swerte ng kapatid mo Arlo. Na promote agad.

Arlo: Deserving naman ang kapatid ko ano. Wala ngang salisalita iyon eh. Puro trabaho lang.

Kahera 2: Kahit ba sa bahay ninyo ay walang kibo lagi yang kapatid mo Arlo?

Arlo: Tahimik talaga si Kuya, pero mahigpit yan sa akin. Takot nga ako diyan pag nagalit eh. Disiplinaryan yan. Siga siga nga sa amin yan eh, lalo na ng nangangalakal pa kami. Walang inuurungan yan eh. Pero bilang kapatid ay napakabait niyan. Pag daw nagkatrabaho siya ng maganda ay papagaralin ako sa kolehiyo. Sana nga ay taasan ni Bossing ang sahod niya ano hehehe.

Art: Sigurado iyon. Pang 8 to 5 na siya. Bakit kaya hindi ikaw ang kinuha. Mas gwapo ka naman sa utol mo.

Arlo: Gago! Gagawin mo pang isyu sa amin yun. Trabaho na tayo uli.

---------------oOo---------------

Madali namang turuan si Vince. Sandali lang ay gamay na niya ang pag gamit ng computer pati na ang system na ginagamit nila sa inbentaryo. Mabilis na rin siyang mag type at kabisado na niya ang keyboard lalo na pag sa numbers. Kaya na niyang tipain kahit hindi nakatingin.

Naging parang assistant na si Vince at pati receiving ng inbentaryo ay siya na ang nag veverify, syempre may kasama pang iba, maliban kay Arlo. Hindi pwede na may relasyon ang parehong mag tsetsek.

Halos lahat ng ginagawa ni Basti ay itinuro niya kay Vince maliban sa pananalapi na tanging siya lang ang nakakaalam.

Kapag hindi masyadong busy ang dalawa ay nakakapagkwentuhan naman sila. Kahit anong topic, me mapagusapan lang.

Basti: May girlfriend ka ba ngayon Vince?

Vince: Ako? Wala po Boss. Wala naman pong magkakagusto sa isang basurero.

Basti: Uy ha. Marangal na trabaho ang pagiging basurero, saka masyado mo namang ninamaliit ang sarili mo. Sinubukan mo bang manligaw man lang?

Vince: Hindi na po Boss. Wala naman din akong ipagmamalaki sa kanila. Saka bata pa po naman ako. Eh kayo po Boss, May GF po ba kayo ngayon?

Basti: (Natigilan, napaisip) Ah eh eh. Nag break din kasi kami after 4 years na relasyon. Hindi ko alam kung bakit. Nasaktan ako kaya umiwas muna ako sa babae. Matagal na iyon. Limang taon na ang nakaraan. Pagkagraduate namin ay umalis na siya, nagpunta ng ibang bansa. Wala na kaming balita sa isa’t isa.

Vince: Ah. Walang closure. Pero naka move on na po kayo.

Basti: Wala. Oo naman, naka move on na. Maiwan muna kita ha. Baba lang muna ako.

---------------oOo---------------

Mga 30 minutes na ang lumipas ay hindi pa rin bumabalik si Basti. May itatanong sana si Vince. Medyo nainip na rin ito at sinilip kung nasa ibaba pa ang kanyang Boss. Malakas na tawanan ang agad na bumungad sa kanyang pandinig. Naroon si Vince at nakikipagkulitan sa kanyang mga tauhan, katabi si Arlo at tila nakaholding hands pa, masayang masaya. May kung anong bagay siyang naramdaman, parang nainis siya at binigyan ng ibang kahulugan ang nakita. Bumalik na lang siya sa opisina.

Pagbalik ni Basti sa kanyang mesa agad na siyang nagtanong tungkol sa kanyang ginagawa, walang binangit sa kasayahan nasaksihan.

---------------oOo---------------

Pagdating sa bahay ni Vince ay agad niyang hinanap si Arlo. Nadatnan niyang natutulog ito at hindi pa nakakaluto kaya siya na ang nagsaing matapos magpalit ng kasuotan.

Arlo: (pupungas pungas nang lumabas ng silid.) Kuya, dumating ka na pala. Nagsaing ka na?

Vince: Oo, akala ko eh hindi ka pa gigising eh. Bili na lang tayo ng lutong ulam.

Arlo: Oo Kuya, hindi nga ako nakadaan sa talipapa. Pasensya na kuya, nakatulog ako eh.

Vince: Sus, para yun lang. Nga pala, ang saya saya ninyo kanina ah. Ano bang pinagtatawanan ninyo.

Arlo: Ah kuya, si Boss kasi nakipaglokohan sa amin. Puro green jokes ang kinuwento. Nakakatawa naman talaga. Okay din pala siya ano kuya. Sa kwarto ninyo, nagkukuwentuhan din ba kayo?

Vince: Ah ganon ba! Eh bakit parang nakaholding hands pa kayo. Alam mo Arlo, me napapansin ako sa boss natin, parang masyadong mabait sa atin, lalo na sa iyo. Ingat ka ha, baka kung anong binabalak niya sa iyo ha.

Arlo: Si kuya ang sama ng isip. Buti nga at mabait sa atin at hindi mahigpit. Ginawa ka pa ngang assistant niya. Saka kilala nila si Nanay, matagal palang naging kasambahay nila si Nanay at siguro ay talagang mabait lang sila.

Vince: Basta, magingat ka pa rin. Bile ka na ng ulam, kahit pritong isda at gulay na lang. Yung pinabibiling pangulam natin bukas ni Boss ha, baka malimutan mo.

---------------oOo---------------

Simula noon ay naging mapagmasid na si Vince, lalong lalo na kapag si Arlo ang kausap. Wala naman siyang kakaibang napapansin sa kanyang Boss. Naghihinala kasi siya na may pagka silahista ang kanyang boss.

Isang araw ay nagpaalam si Basti na lalabas matapos kumain ng tanghalian. Ibinilin niya ang tindahan kay Vince.

Sa isang mall lang naman nagpunta si Basti at may kinatagpong isang lalaki. Matagal tagal din nagusap ang dalawa sa fastfood ng mall. Bandang alas kwatro na ng hapon ng maghiwalay si Basti at ang kausap niya.

Noon oras naman na iyon ay naglalakad si Arlo dahil bibili siya ng sapatos. Lumang luma na ang ginagamit niyang sapatos at dahil kasusuweldo lang ay pinayagan siya ng kanyang kuya na bumili na ng bagong sapatos. Tyempong nakita niya si Basti habang ihinatid papalabas ang lalaki. Nagtama ang kanilang paningin at agad naman siyang nilapitan ni Basti.

Basti: Mag sashopping ka yata Arlo.

Arlo: Bibili lang po ako ng sapatos bossing. Pudpud na pudpod na kasi ang swelas ng aking sapatos hehehe.

Basti: Pag sa labas, huwag mo na akong bino-boss, nakakahiya. Basti na lang, magkaibigan naman tayo di ba?

Arlo: Kayo po ang bahala bo..bo Basti hehehe. (Napakamot sa ulo, nahihiya.)

Basti: Pati ‘po’ ay alisin mo na rin. Tumatanda naman akong masyado niyan.

Arlo: Okay. Mauna na ako para makapili na ako ng sapatos at makauwi ako ng maaga.

Basti: Samahan na kita.

Nang makapili na si Arlo ay nagtungo na ito sa kahera para magbayad. Ngunit sa halip na siya ang magbayad ay ang credit card ang ibinigay ni Basti. Kumunot ang noo ni Arlo at gustong magprotesta. Naunawaan naman agad ni Basti ang ikinilos ni Arlo.

Basti: Sa akin mo na lang ibigay ang cash mo at wala akong cash na dala ngayon. Magagamit ko pa iyan ngayon, tutal, sa isang buwan pa ang bayaran niyan hehehe.

Palabas na sila ng department store ng iabot ni Arlo ang kanyang pera.

Basti: Mamaya na. Mag miryenda muna tayo.

Arlo: Boss ah eh Basti, magluluto pa ako ng hapunan namin. Saka busog pa naman ako.

Basti: Eh di mag takeout ka na lang. Tayo na.

Inakbayan ni Basti si Arlo habang naglalakad papasok sa Jollibee. Ang kamay ni Basti ay umabot pa sa dibdib ng kanyang tauhan. Habang kumakain ay nag-uusap ang dalawa.

Basti: Hindi pa nga ba nagkaka GF ang kapatid mo?

Arlo: Wala akong alam na naging GF niya. Hindi ko lang alam. Tahimik kasi iyon dati pa at hindi nagkukuwento. Pero maraming nagkaka gusto sa kanya noong high school pa kami. Meron pang bading na patay na patay sa kanya. Gwapo naman talaga si Kuya.

Basti: Sinabi mo pa. Eh ikaw, nagka GF ka na ba.

Arlo: Dati noong Grade 9 ako. Nagalit si Kuya ng malaman iyon. Hirap na hirap na nga daw kami ay mag ge-girlfriend girlfriend pa. Kaya nakipag break agad ako. Simula noon ay hindi na ako nanligaw. Mas lalo na ng namatay si Nanay.

Basti: Pareho kayog napakagwapo. Wala bang bading na nagparamdan sa inyo hehehe. Pwede mo nang hindi sagutin. Alam ko na naman ang sagot hehehe.

Arlo: Okay lang. Oo, marami. Huwag na huwag nyo lang pong masasabi kay kuya.

Basti: Walang ‘po’. Kulit nito.

Arlo: Ay sorry hehehe. Hindi pa ako sanay na walang “po” eh. Yun nga, minsan na akong pumatol sa bakla. May sakit kasi noon si Nanay at wala kaming pambili ng gamot o pagkain man lang. Kaya ayun, kapit sa patalim ika nga, nakumbinsi ako ng kaibigan ko na patulan na ang isang bakla na patay na patay sa akin. Kahit papano ay nakabili ako ng gamot ni Nanay saka pagkain. Idinahilan ko na lang na marami akong napulot na kalakal at malaki laki ang napagbentahan.

Basti: Naulit pa ba iyon dahil sa pangangailangan o dahil nagustuhan mo na rin.

Arlo: Naulit pa, mga dalawang beses. Kapos talaga at tama ka, nasasarapan din ako. Ngayon ay hindi na. Kami na lang naman ni Kuya ang iniintindi namin eh. Wala na si Nanay. Ang maganda ay hindi kami naupa ng bahay. Minana pa kasi ni nanay ang maliit la lupang kinatitirikan ng aming barong barong.

Natahimik ang dalawa. Naubusan na yata ng itatanong si Basti. Napatanga. Naglakbay ang isipan sa kawalan. Nagbalik lang sa kasalukuyan ng magsalita na uli si Arlo

Arlo: Si kuya, baka naghihintay na si Kuya. Wala naman kaming cellphone para ma itext man lang siya.

Basti: Sandali lang. Hinihintay ko lang ang ating takeout. Ayan na pala.

Basti: (Inabot ang supot kay Arlo.) Pang dinner ninyo. Saka eto yung pera. Regalo ko na lang sa iyo iyang sapatos. Huwag mo na lang sabihin sa kuya mo na bigay ko iyan pati ang chicken. Ipunin mo yan para sa pag-aaral mo kung sakaling maisipan mong mag-aral uli.

Arlo: Nakakahiya naman.

Basti: Huwag ka nang mahiya. Kahit papano ay pasasalamat iyan dahil naalagaan ako ng nanay mo kahit sandali lang. Sige na, ihatid na kita sa sakayan ng tricycle. Kung ihahatid kita sa inyo ay baka kung anong isipin ng kuya mo.

Pagkahatid ni Basti kay Arlo ay nagbalik na siya sa tindahan. Maraming nabili at pila sa kahera. Nagmadali na siya para makatulong kung kinakailangan.

---------------oOo---------------

Habang wala masyadong tao at kumpleto ang mga tauhan ng grocery ay may sinabi si Basti.

Basti: Sino nga pala sa inyo ang wala pang cellphone?

Halos lahat naman ay may cellphone na maliban sa magkapatid na Arlo at Vince.

Basti: Kung gayon, lahat pala kayo ay may cellphone na at sina Arlo at Vince na lang ang wala. At dahil sila na lang ang wala ay ibibili ko silang dalawa ng cellphone.

Hiyawan ang mga empleyado. Ang daya daya daw. Biglang wala na lang silang cellphone ang isinisigaw.

Basti: Sandali, sinabi ko, ibibili ko pero hindi ko sinabing libre. Huhulugan ninyo sa halagang kaya ninyo. Ano ako, mayaman hehehe. Kala ninyo eh libre ano hehehe.

Naging interesado ang mga empleyado at tinanong kung anong modelo.

Basti: Hindi naman yung mamahalin masyado na iphone iphone. Yung halagang 10 to 15k lang at huhulugan sa loob ng tatlong taon, salary deduction. Tatagal ba kayo dito ng tatlong taon?

Kahera 1: Opo naman bossing, ako nga eh naka tatlong taon na at pioneer ako dito hehehe.

Basti: So, lahat kayo gusto. Sige mamili na kayo. Eto ang mga brochure, mamili na kayo. Pero sana ay parepareho na lang ng klase para madaling bumili. Syempre, kekelanganin ninyo ng internet, ang internet ko sa bahay ang gagamitin ninyo at hindi yung dito sa tindahan. Okay na?

Tuwang tuwa ang mga empleyado. Kahit na may bayad eh magaan naman ang hulog.

---------------oOo---------------

Nagkasabay sa CR si Arlo at si Basti.

Arlo: Salamat. Alam kong dahil sa akin kaya naisipan mo na ibili kami ng CP. Maraming salamat talaga. Napakabait mo talaga.

Basti: Maliit na bagay. Saka hindi libre iyon no. Babayaran naman eh.

Arlo: Kahit na. Hindi namin kayang bilhin ng cash iyon.

Basti: Bukas, pagkatapos ng shift mo ay samahan mo ako ha. Tayong dalawa ang bibili. Pakisabi na sa isang brand na lang para hindi mahirap mamili.

Arlo: Okay po bossing. Nasa office tayo kaya boss uli hehehe.

Nag thumbs up lang si Basti at sabay na silang lumabas. Nakita naman sila ni Vince na sabay lumabas ng CR. Nag-iba ang timpla niya. Nainis. Hindi lang ipinahalata ng magkasalubong sila ni Basti at ng kanyang kapatid.

---------------oOo---------------

Makaraan ang dalawang araw ay may bago na silang CP.

Basti: Sa bahay na dutdutin ha. Huwag dito. Yung number ninyo ay kelangan meron dito sa office ha. Ibigay ninyo sa kahera 2.

Tuwang tuwa ang mga empleyado. Sobrang excited na magamit na ito agad.

Sa office ay parang walang kasiglasigla naman si Vince ng ibigay sa kanya ang kanyang CP. Napansin ito ni Basti.

Basti: May problema ba Vince?

Vince: Wala po Boss.

Basti: Eh bakit parang hindi ka masaya. Ayaw mo ba ng CP. Hindi ba mas maganda na may CP kayo pareho para nababantayan mo ang kapatid mo at alam mo kung saan napunta?

Vince: Hindi po sa ganoon Boss. Gusto ko po sanang magipon siya para may pang enroll siya sa susunod na pasukan. Eh dahil sa may huhulugan pa kami ay hindi kami makakaipon agad.

Basti: Saan mo ba gustong papag-aralin si Arlo, sa private university ba?

Vince: Hindi naman Boss. Sa state university lang. Hindi naman niya kaya sa UP. Siguro sa PUP na lang po.

Basti: Alam na ba ni Arlo ang balak mo?

Vince: Napagusapan na po namin.

Basti: Nakakuha na ba siya ng application?

Vince: Hindi pa po boss. Hindi kasi namin alam kung kelan. May exam pa rin daw eh.

Basti: Ah Okay. Sige baka makatulong ang kaibigan ko. Magtatanong ako sa kanya. May kakilala siya na doon nagtatrabaho.

Vince: Naku salamat ng marami.

Basti: Tungkol sa trabaho niya dito eh mapaguusapan natin iyan. Saka na natin problemahin kapag nadyan na.

Sa sobrang tuwa ni Vince ay nayakap niya si Basti. Niyakap din naman siya ni Basti at hindi nila namalayan na may dalawang mata na nakamasid sa kanila. Si Arlo, hindi agad tumuloy dahil sa nakita sa dalawa. Nang bumitiw na ang dalawa ay saka lumapit si Arlo.

Arlo: Kuya, paki tingin naman ng presyo nito. Walang nagaapear eh. Bagong stock ito eh.

Vince: (Sinilip ni Vince sa computer.) Wala pa ngang nakalagay na Presyo. Bossing magkano ang selling price natin nito.

Basti: Gawin mong 25% mark up plus VAT.

Vince: Okay na. May nabili na ba?

Arlo: Oo eh. Sige po bossing. Salamat. Salamat kuya.

Parang natulala si Arlo. Iniisip ang nasaksihan. Maraming tanong ang nabuo sa kanyang isipan. Isa na rito ay kung may relasyon ang kanyang kuya at ang kanilang Boss. Naisip rin niya na sa kanya nagpakita ng kabaitan ang kanilang Boss at ang akala nga niya ay nagkakagusto sa kanya ito. Sa katunayan ay parang bibigay na nga ito sa kanya.

Kahera 1: Arlo ano sabi, Paki bilis.

Arlo: (Nagulat, nagising sa pagmumuni muni.” Hah! Okay na. Punch mo na lang.

Continue Reading Next Part

Related Stories

Mencircle

Supermarket Assistant (Part 9)

By: Rafael Y. Nagpaalam si Joven at Noli, akmang isosoot na nila ang briefs ng sabihin ni Bobby na kinaugalian ng kanyang mga bisita, na magiiwan n
17 Minutes
Mencircle

Tutor Daniel (Part 4)

First Client By: JonSum Nakatanggap ako ng text message from Chloe na clear ako sa medical exam. This is what I expected anyway dahil wala naman n
11 Minutes
Mencircle

Supermarket Assistant (Part 8)

By: Rafael Y. Nasa mesa ang dalawang opisyales upang magatasan na parang baka. Ang makakatas na tamod ay gagamiting pantimpla sa kape. Katulong si
23 Minutes
Mencircle

Tutor Daniel (Part 3)

Medical Exam By: JonSum Ilang beses nagring ang cellphone ko pero hindi pa din ako nagising. Marahil sa sobrang pagod sa paglalaba ng mga damit na
13 Minutes
Mencircle

Porn Star (Part 5) Finale

By: Lito Napansin ko na panay ang tingin sa lugar namin si Eric. Kung hindi man sa akin ay baka kay Nathan o kay Daniel. Tumayo ako at
16 Minutes
Mencircle

Tutor Daniel (Part 2)

Job Interview By: JonSum Hinubad ni Sir Chichi ang kanyang polo at lumantad ang napakagandang katawan nito sakin. Kitang kita ko ang well-defined
9 Minutes
Mencircle

Porn Star (Part 4)

By: Lito Kinabukasan ay maaga kong hinanap ang address na nasa calling card. Hinanap ko ang pangalang Ramon Cortez. Kaharap ko na si M
22 Minutes
Mencircle

Tutor Daniel (Part 1)

New Job By: JonSum Ako nga pala si Daniel Ilagan, isang 35 year old na single dad na nagtatrabaho bilang call center agent dati. Dati yun... nung
15 Minutes
Mencircle

Supermarket Assistant (Part 7)

By: Rafael Y. Hinihintay ng lahat ang sasabihin ni Bobby matapos inumin ni Sarhento Joven ang drinks na may tamod ni Noli at Noel. Malagkit ang har
34 Minutes
Mencircle

Porn Star (Part 3)

By: Lito Maraming mga larawan, mga shirtless na gwapong lalaki ang naka post sa group page na iyon. May ilang ding video ng tiktok. Isa
19 Minutes
Mencircle

Supermarket Assistant (Part 6)

By: Rafael Y. Pinatuloy ni Bobby ang dalawang nakaunipormeng opisyal at ang nakahubad na si Noel. Tinakpan agad ni Noel ang kanyang kahihiyan, ng m
29 Minutes
Mencircle

Porn Star (Part 2)

By: Lito Ayaw magkwento ni Nathan sa eksenang ginawa niya dahil nahihiya raw siya sa akin. Sa kapipilit ko ay nagkwento na rin pero isa
16 Minutes
Mencircle

Ang Kargador (Part 2) Finale

By: Lito Nasilaw na nga si Nardo sa laki ng kikitain kaya napapayag siya ni Ferdie sa pambubugaw sa kanya ng huli at sa kagustuhan na r
20 Minutes
Mencircle

Ang Kargador (Part 1)

By: Lito Nagtatrabaho bilang isang kargador sa bigasan si Nardo sa loob ng isang palengke sa Pasig. Galing siya sa malayong bayan sa la
19 Minutes
Mencircle

Porn Star (Part 1)

By: Lito Ako si Oliver Smith, labing siyam na taong gulang, tubong Angles Pampanga. Isa akong Ameresian dahil amerkano ang aking ama na
16 Minutes
Mencircle

Supermarket Assistant (Part 5)

By: Rafael Y. Samantala sa unit ni Sir Bobby, nakayapos si Ayars sa katawan ni Bobby na lumupaypay sa pagod dahil sa dami ng tamod na nilabas. Maka
10 Minutes
Mencircle

Training with Coach Hiro (Part 2)

By: Marchosias_0711 Isang linggo na ang nakakalipas simula nang magtransfer ako sa bago kong school. Maayos naman ang naging simula ko dahil madali
11 Minutes
Mencircle

Training with Coach Hiro (Part 1)

By: Marchosias_0711 Maaliwalas ang hapon nang makarating kami sa bago naming lilipatang bahay. Bumaba ako sa aming kotse na drive-drive ni Daddy at
10 Minutes
Mencircle

Houseboy Gardener

By: Lito Pumasok bilang isang hardinero at houseboy si Marco sa mayamang magasawang sina Mr. and Mrs. Angelo at Kristina Hernandez. Gal
29 Minutes
Mencircle

Salesman sa Appliance Store (Part 3) Finale

By: Lito Nanonood si Andrew ng TV sa salas ng bumukas ang pinto. Si Celso at agad na tinabihan si Andrew. Celso: Tito, pwede ka bang makausap sand
20 Minutes
Mencircle

Supermarket Assistant (Part 4)

By: Rafael Y. Bumalik agad ang dalawang opisyal sa opisina. Dinala ni Noli ang mga gamit na kinumpiska sa coche ni Ryan. Nakita nila na may kinakau
24 Minutes
Mencircle

Salesman sa Appliance Store (Part 2)

By: Lito Isang buwan na ang nakalipas ay hindi pa rin nagpaparamdam si Celso kay Andrew, ganun pa man ay malaki pa rin ang pag-asa niya na magpapak
18 Minutes
Mencircle

Supermarket Assistant (Part 3)

By: Rafael Y. Nagdoorbell si Jaren sa unit ni Bobby. Nagulat sya ng ang nagbukas ng pinto ay isang matangkad na lalaki na naka bikini briefs lang.
28 Minutes
Mencircle

Rigodon de Amor (Part 3) Finale

By: Lito Hindi makagulapay sa kalasingan si Arlo. At hindi na napigilan ang paghagulgul pagdating sa kanilang bahay. Vince: May problema ka ba Arl
18 Minutes
Mencircle

Ang Driving Instructor

By: Lito Manager ako ng isang food manufacturer dito sa Muntinglupa. Isa sa benepisyo ng aming kompanaya ay ang car plan para sa mga opisyal at sak
22 Minutes
Mencircle

Binigay ang V-card kay QA (Part 2) Finale

By: Kenjie Pagkarating ko ng bahay, di pa ako nakakapag park ng kotse ay nakabantay na si mama at pagkababa ko ng sasakyan ay pinagalitan na ako da
19 Minutes
Mencircle

Rigodon de Amor (Part 2)

By: Lito Hanggang sa pagtulog ay ang nasaksihan pa rin ang nasa isipan ni Arlo. Hindi siya dalawin ng antok. May konting inggit siyang naramdaman s
19 Minutes
Mencircle

Binigay ang V-card kay QA (Part 1)

By: Kenjie Hi everyone! This is Kenjie, yung author din sa nauna kong story na shinare dito which is "Yung Biro Ko Ay Tinotoo Niya". That time I wa
13 Minutes
Mencircle

Yung Biro Ko Ay Tinotoo Nya

Hi! I am a silent reader here since 3rd year college ako, 2018. To be honest, naiinggit talaga ako sa mga sender dito sharing their true to life sex
9 Minutes
Mencircle

Linisin Mo Ang Tubo Ko

Isa akong janitor ng isang janitorial services at dito ako nakaassign sa isang building na nasa Ayala Avenue malapit lang sa Rustan’s Department Sto
16 Minutes
Mencircle

Salesman sa Appliance Store (Part 1)

By: Lito Isang salesman sa isang appliace store si Celso na matatagpuan sa isang malaking mall sa Cainta. Mahusay siyang salesman dahil sa mabulakl
20 Minutes
Mencircle

Shut Up And Dance With Me (Part 1)

Ang Baklang Martial Artist By Torchwood Agent No. 474 AUTHOR’S NOTE: Magandang araw sa inyo! Matagal-tagal rin since huli akong nakapagsulat ng L
21 Minutes
Mencircle

Supermarket Assistant (Part 2)

By: Rafael Y. Umandar na ang sasakyan ni Ryan papuntang drive thru. Hindi na nagawang kuhanin ang kanilang damit; kalsada na ang kasunod car park e
13 Minutes
Mencircle

Rigodon de Amor (Part 1)

By: Lito Isang mini grocery store ang itinayong negosyo ng pamilya ni Sebastian Cruz o Basti sa may Katipunan malapit sa LRT. Kasosyo niya dito ang
18 Minutes
Mencircle

Security Guard on Duty (Part 3) Finale

By: Lito Nagpatuloy ang pang araw-araw na routine ng ating bidang si Melvin. Patuloy pa rin ang araw-araw na pagdaan sa tapat ng building ng agency
21 Minutes
Mencircle

Office Affairs (Part 9)

By: CJT17 Mga Kaganapan sa Opisina Jerome’s POV Nakita ko sa mukha ni Ren ang pamumula at pangamba. Hindi niya alam ang isasagot niya. Hindi ko m
10 Minutes
Mencircle

Ang Panadero (Part 3) Finale

By: Lito Kumakatok si Kenneth sa silid ni Kenji. Walang tumutugon. “Kenji, buksan mo naman pinto mo. Magusap naman tayo. Gusto ko kasing magkaayos
21 Minutes
Mencircle

Supermarket Assistant (Part 1)

By: Rafael Y. Natural na matulungin si Jaren. Nagtatrabaho sya sa isang supermarket. Si Bobby ay isang customer na naghahanap ng ice cream at nagta
35 Minutes
Mencircle

Ang Panadero (Part 2)

By: Lito Galing probinsya ang binatilyong si Kenneth, labing apat na taong gulang, anak ni Angelo na isang pandero sa panaderya ni aling Amanda. Pi
19 Minutes
Mencircle

Office Affairs (Part 8)

By: CJT17 Sir Richard’s POV Hindi ko alam pero sobrang tumaas ang libog ko nung nalaman kong may nanonood na sa kantutan namen. All of these expe
7 Minutes
Mencircle

Security Guard on Duty (Part 2)

By: Lito “Bilisan mo na Melvin, nandyan na yata si Jorge, nadinig ko na ang busina ng bisikleta.” “Ihinto ko na ba. Tila matatagalan ka pa yata eh
22 Minutes
Mencircle

Ang Panadero (Part 1)

By: Lito “Angelo, luto na ba pandesal!” sigaw ni Amanda, ang may ari ng panaderyang pinagtatrabahuhan ni Angelo. Napakamot na lang si Angelo dahil
13 Minutes
Mencircle

Office Affairs (Part 7)

By: CJT17 Ren’s POV Masakit pa ang pwerta ko dahil sa laki ni Sir. Pero eto ako ngayon, binuhat niya at pinasakay muli sa ari niya. Eto na nga an
5 Minutes
Mencircle

Office Affairs (Part 6)

By: CJT17 Sir Richard’s POV I felt the need to stop him. Kasi kung hinayaan ko siyang tumuloy pa pababa ulit sa ari ko ay sasabog na akong muli.
7 Minutes
Mencircle

Office Affairs (Part 5)

By: CJT17 Ren's POV Hinihingal pa rin ako after nung ginawa namen. Nakaupo ako ngayon at umiinom ng tubig habang si sir ay nakatayo at nakasandal
7 Minutes
Mencircle

Security Guard on Duty (Part 1)

By: Lito Isang security guard lover itong si Melvin. Humaling na humaling siya sa mga men in blue or men in blue and white uniform. Iba kasi ang da
20 Minutes
Mencircle

Tuwing May Overtime

By: Lito “Panay ang overtime mo yata brad ah. Madami bang trabaho? Tanong ng isa kong kaopisina na si Bobby habang pareho kaming naihi. “Month end
25 Minutes
Mencircle

Ang Boss Ko (Part 1)

By: Immino Ito ay nagsimula kay Albert isang taga probinsiya siya ngayon ay 20 years old at umaaral sa isang universidad sa kanilang lugar. Siya ay
5 Minutes
Mencircle

Office Affairs (Part 4)

By: CJT17 Sir Richard’s POV I think I am really out of my mind. Masiyado na kong nalulong at nagpapadala sa tawag ng laman. Mahigit isang taon na
5 Minutes
Mencircle

Office Affairs (Part 3)

By: CJT17 May mga paimpit na ungol ang lumalabas sakin habang hinihimas ni Sir ang hita ko, at nakikipagkwentuhan siya sa driver. Buti na lang at g
9 Minutes
Mencircle

Night Shift

By: Lito Pang-gabi ang duty ni Nomer bilang gwardya sa isang building dito sa may Quezon Avenue malapit sa Rotonda. Isang maliit na building lang n
21 Minutes
Mencircle

My PE Teacher

By: Lito Mr. Marciano Dela Torre, ang pangalan ng pinakabata at pinakabagong guro dito sa pampublikong paaralang elemetraya sa bayan ng Magdalena.
19 Minutes
Mencircle

Ang Laro ng Alon (Part 5)

Ace of Spade By: Thom A/N: I’ll Try to write longer chapters from now. I hope everyone is enjoying this story. Knowing how Kyle behave whenever t
18 Minutes
Mencircle

Ang Laro ng Alon (Part 4)

Kyle’s Place By: Thom Al’s POV Even up to this time, hindi pa rin one hundred percent clear kung bakit ako sumama kay Kyle. Hindi ako fan ng mga
12 Minutes
Mencircle

OJT ni Sir Pol (Part 10) Finale

By: Mark Sir Pol: Ron and Jules nag enjoy ba kayo sa birthday celebration ko? Hahahaha Ron at Jules: oo nman Pol, ang sasrap ng alaga mo. Walang t
12 Minutes
Mencircle

OJT ni Sir Pol (Part 9)

By: Mark Sir Pol: Almer, Jason hawakan nyo si Mark sa kamay para di makagalaw. Patay ka sa akin ngayon. Eto na lang di ko nagagawa sa iyo Mark. Ma
11 Minutes
Mencircle

OJT ni Sir Pol (Part 8)

By: Mark Sumakay ako ng trayskel at dumerecho sa resort na sinabi ni Sir Pol. Isa nga syang private resort dahil para syang nasa gitna ng gubat dah
15 Minutes
Mencircle

Ang Laro ng Alon (Part 3)

Kyleson Tan By: Thom Kyle’s POV On my first day sa trabaho ko dun sa hotel na yun, mali ako ng pasok, sa main entrance ako pumasok. I introduced
8 Minutes
Mencircle

OJT ni Sir Pol (Part 7)

By: Mark Inihinto ni Sir Pol ang kotse di kalayuan kung saan ko itinuro ang aming bahay. Bago ako bumaba ay inabutan ako ni Sir Pol ng 1000 pesos,
9 Minutes