Ang Panadero (Part 3) Finale
By: Lito
Kumakatok si Kenneth sa silid ni Kenji. Walang tumutugon. “Kenji, buksan mo naman pinto mo. Magusap naman tayo. Gusto ko kasing magkaayos muna tayo bago kami umalis.”
“Umalis? Sinong aalis? Bakit sila aalis?” tanong sa sarili ni Kenji. Naalarma siya sa narinig. Nagmamadaling bumangon at binuksan ang pinto.
“Sinong aalis?” ang salubong na tanong ni Kenji pagbukas ng pinto. Medyo nagulat pa ng konti si Kenneth.
“Ha ah kami. Nakakita na si tatay nang malilipatan namin, malapit lang naman dito.”
“Bakit! Pinaalis na ba kayo ni mama. Bakit daw. Ayoko hindi kayo aalis dito. Makikiusap ako kay mama.” At tuluyan nang bumuhos ang luha ni Kenji.
“Hindi! Walang nagpapaalis sa amin dito. Kami ang may gusto. Sinabi ko kay tatay na maghanap na lang kami ng ibang matitirhan kasi nahihiya na ako sa iyo. Baka kasi ayaw mo na sa amin dito kaya hindi ka na namamansin. Hindi ko naman alam kung bakit bigla ka nalang nagalit sa akin eh, kaya bago man lang sana kami lumipat ay magkaayos muna tayo. Sorry din kung may nagawa ako sa iyong hindi maganda.
“Hindi. Hindi ako papayag. Nasaan si kuya Angelo kakausapin ko siya para hindi na kayo lumipat huhuhu. Basta ka na lang mangiiwan, ganun ba kadali ang iwanan ako dito huhuhu.” Malakas na turan ni Kenji, halos sumigaw na siya at lalong lumakas ang iyak, humahagulgul na.
Marahan tinulak ni Kenneth ang kaibigan para makapasok sa loob saka niya inilock ang pinto. “Huminahon ka naman Kenji. Hindi ba ikaw ang may gusto nito. Ikaw naman ang unang hindi kumibo. Ano pang saysay ang pag stay namin dito kung bale wala lang naman ako sa iyo. Alam mo bang pinahihirapan mo lang ako sa hindi mo pagimik sa akin. Ang tagal kong nagiisip kung anong nagawa kong kasalanan sa iyo. Kaya sabi ko ke tatay ay sa iba na lang kami tumira. At least doon panatag ako at makakakilos ng normal.” Mahabang litanya ni Kenneth.
Sumisinghot singhot na si Kenji dahil sa tumutulong sipon sanhi ng walang tigil na pagiyak. “Hindi ko naman gustong iwasan ka eh. Nagselos lang ako sa babaing iyon, ke Chona. Nasasaktan kasi ako sa tuwing magkukwento ka tungkol sa kanya, kasi mahal kita Kenneth, matagal na, simula pa lang ng una kitang makita dito. Apat na taon na kitang mahal huhuhu.”
“Talaga, mahal mo ako? Parang hindi naman. Hindi mo nga ako kinakausap eh.” Panunudyo pa ni Kenneth.
“Totoong mahal na mahal kita, hindi ko lang masabi sa iyo noon kasi ayaw kong masira ang pagkakaibigan natin. Kasi yun lang naman ang turing mo sa akin eh, kaibigan lang, best friend. Eh ayaw kong best friend mo lang ako, gusto ko higit pa roon. Kaya nang malaman kong GF mo na si Chona ay iniwasan na kita, kasi nga nasasaktan ako. Tapos aalis kayo, eh hindi ko kayang hindi kita makita, kasi nga mahal na mahal kita Kenneth. Dito na lang kayo. Okay lang na may GF ka basta dito lang kayo para makikita ko pa rin ikaw Kenneth huhuhu huhuhu.”
Tatawa tawa lang si Kenneth. “Kung talagang mahal mo ako, kiss mo nga ako” sabay turo sa kanyang pisngi. “O! Yun ba ang mahal, pisngi lang hindi kayang halikan.” Naghintay pa siya ng konti. “Sige na alis na ako, baka naghintay na si tatay.”
“Sandali!” Mabilis na lumapit sa binata, niyakap ito saka hinalikan sa labi. Tumutolo pa rin ang luha. Ramdam na ramdam ni Kenneth na sinsero ang sinabi ni Kenji. Yumakap na rin ito kay Kenji at tinugon ang halik nito, matagal, halos maubusan ng hangin ang baga bago naghiwalay.
“Alam mo bang ikaw ang first kiss ko Kenji? Wala pa akong nahalikan kahit na sa babae, ikaw pa lang”
“Ikaw din naman ang first kiss ko eh, pero bakit ang galing galing mo nang humalik.”
“Ikaw naman, kelangan pa bang may magturo niyon? Dami halikan sa TV. Saka pag mahal mo ang isang tao eh talagang masasarapan ka sa halik pa lang hehehe.”
“I love you too Kenji. Matagal na rin kitang minahal. Tulad din ng pinagtapat mo, hindi ko rin maihayag sa iyo kasi kaibigan lang ang turing mo sa akin. Wala naman akong girlfriend eh, yung Chona, gawa gawa ko lang iyon. Yung pinakita kong picture sa iyo, galing lang sa facebook iyon. Mabuti na lang pala at ginawa ko iyon, kundi eh hindi ko malalaman na mahal mo rin ako hehehe.” Pahayag ni Kenneth, yakap yakap pa rin ang umiiyak na si Kenji.
“Yun naman pala eh, bakit pa kayo lilipat?”
“Mabuti na rin ang ganon. Pangit kasing tingnan na ang nililigawan ko ay sa parehong bahay lang nakatira. Mas maganda kung aakyat ako ng ligaw sa iyo, baka sabihin pa ng iba na hindi ka dalagang Filipina kapag nagligawan tayo eh isa lang bahay ang tinitirhan natin. Baka isipin din na agad ka bumigay sa akin hahahaha. Pano, tayo na ba? I love you.” Saka hinalikan sa noo ang kaibigan.
“Oo na! Tayo na. I love you too.” Kinikilig na sagot ni Kenji.
“Sige na, labas na, ihahatid kita sa lilipatan ninyo. Basta pangako, wala ka munang chicks ha. Akin ka lang.”
---------------o0o---------------
Masayang masaya ang dalawang nagmamahalan. Madalas na naman magkasama sa pamamasyal, ngayon, may paholding holding hands pa while walking. Malaya naman nakakapunta si Kenneth sa bahay nina Kenji. Wala naman nakakaalam sa relasyon nila maging ang tatay ni Kenneth.
Kasabihan kapag may ligaya ay kaakibat din ang lungkot. Nagkatoto ito sa relasyon nina Kenneth at Kenji.
Isang araw ay masayang naglalaro ang dalawa ng xbox sa kawarto ni Kenji. May pustahan pa at may parusa ang matatalo. Pag natalo, ang parusa ay hahalikan sa lips ang nanalo. At nagsimula na silang maglaro. Mabilis na natatapos ang laro dahil laging nagpapatalo si Kenneth, kaya panay ang halik kay Kenji. Nakahalata yata si Kenji na kahit matalo siya ay hahalik din siya kay Kenneth kaya nagkakulitan na sila. Madaya daw si Kenneth dahil matalo o manalo ay may halik din siya. Nagkikilitian na ang dalawa.
Maya maya ay natahimik na. Kaya pala ay torrid kissing na ang nagaganap sa kanila. Marunong na silang maglaplapan, magsipsipan ng dila. Nasa kasarapan na ang kanilang paghahalikan ng maaktuhan sila ni Amanda sa ganong kalagayan.
Galit na galit si Amanda, sa sobrang galit ay nahambalos pa ng hawak na walis tambo si Kenneth at walang tigil sa katatalak at dinig hanggang sa labas ng bahay ang pagmumura. Masasakit na salita ang binitiwan ni Amanda kay Kenneth. Kahit anong pagsansala ni Kenji ay hindi napigilan si Amanda. Ipinagtulakan na pababa si Kenneth at patuloy pa rin ang hataw sa binata. Nakita iyon ni Angelo. Nayakap ang anak para masalag ng kanyang katawan ang patuloy na pananakit ni Amanda.
Iyak ng iyak si Kenji at kahit na anong pigil sa ina ay naging balewala. Tumigil lang ang babae ng mapagod sa kahahataw. Wala pa ring tigil sa kadadakdak si Amanda at kung ano anong masasakit na salita ang binibitawan patungkol sa mag-ama. Pinalayas na niya ng tuluyan si Angelo nong araw na iyon. Hindi na naman nagdalawang isip si Angelo na layasan ang matapobreng si Amanda.
---------------o0o---------------
“Patawad po ‘tay. Nang dahil sa akin eh nawalan pa tuloy kayo ng trabaho. Sorry po sa gulong dulot ko.” Humihikbi si Kenneth habang nahingi ng paumanhin sa ama.
“Wala iyon anak. Okay lang na mawalan ako ng trabaho, ang hindi ko gusto ay alipustain ka ng matapobreng babaeng iyon. Saka magaling na panadero tatay mo. Madali akong makakakuha ng trabaho. Pero anak, ano ba talaga ang nangyari at galit na galit ang babaeng iyon?”
“’Tay, nahihiya na ako sa inyo. Ang dami ko nang nagawang kasalanan sa inyo, naglihim po ako tungkol sa amin ni Kenji. Boyfriend ko po si Kenji at naaktuhan po kami na naghahalikan ni Aling Amanda. ‘Tay mahal ko po siya.” Tumutulo ang luha ni Kenneth habang nagtatapat sa ama. “’Tay patawad po huhuhu, ‘tay mahal ko po talaga si Kenji. Siya lang po ang minahal ko. Huhuhu.”
Nayakap ni Angelo ang anak. Ganun din ang naramdaman niya noong magkahiwalay sila ni Lando, dahil naman sa isang babae. “Anak, tatagan mo lang ang sarili mo. Naunawaan kita. Pinagdaanan ko rin yan kaya alam ko ang nararamdaman mo. ‘Wag kang magalala. Maayos din yan, maniwala ka sa akin.”
“Itay, ano pong ibig ninyong sabihin na pinagdaan mo rin? Hindi ko po maunawaan.”
“Ganito iyan anak. Ikwento ko na sa iyo para gumaan ang loob mo kahit papano at maging ako rin. Matagal ko nang itinago ito sa sarili ko.”
Pilit niyang inalala ang pangyayari at ito ang kanyang kwento.
Bata pa ako noon, nagtatrabaho ako sa isang konstruksyon. Isang aksidente ang nangyari. Nagbubuhos kasi ng semento sa ginagawa naming bahay nang may sumablay na tukod na naging sanhi ng pag-guho nang isang parte ng binubuhusang sahig. Madadaganan sana ako ng mga kahoy at semento kung hindi naging maagap ang aming engineer at agad akong nahatak, ganun pa man ay tinamaan pa rin ako ng ilang kahoy. Nagkasugat ako sa likod, sa braso, sa dibdib at nagkaroon nang maraming galos. Nadala ako sa ospital. Ilang araw din ako doon at ang engineer namin ang nagbantay sa akin dahil nagsosolo lang ako noon. Wala naman akong bahay, sa barracks lang ako natutulog at tagabantay na din ng mga materyales. Alalang alala siya sa akin dahil siguro ay tauhan niya ako. Siya rin ang nagbayad sa ospital.
Gumaling naman ako agad at nagbalik na uli sa trabaho. Simula noong pangyayaring iyon ay naging malapit na siya sa akin. Habang tumatagl ay lalong kaming nagiging close. Parang barkada ko na. Tinutukso na nga ako ng kasamahan ko dahil ang lakas ko daw sa engineer.
Sabado noon, nagsiuwian na ang iba kong kasama sa barracks dahil walang trabaho pag linggo, ako lang ang naiwan. Nakatambay lang ako noon at nainom ng isang beer nang bisitahin ako ni Engineer. May dala siyang lechon manok at ilang beer na nasa lata. Kwentuhan lang kami. Ewan ko kung bakit napakasaya ko noon habang kausap at kaharap ng malapitan ang aming engineer. Ubos na ang beer ay hindi pa rin siya umuuwi, ang sabi ay sa barracks daw matutulog at sasamahan ako.
Magkatabi kaming nahiga. Nakatagilid kami pareho paharap sa isa’t isa. Natagpuan na lang namin ang sarili na naghahalikan na kami, hindi lang halikan, higit pa doon ang aming ginawa. Walang nagsasabi na mahal namin ang bawat isa. Basta ramdam namin na mahal namin ang isa’t isa.
Simula noon kapag may problema ako ay hingahan ko siya ng sama ng loob. Nakatulong din siya sa akin kapag kinakapos ako hanggang dumating ang isang araw na nalaman ko na ikinasal na pala siya. Sa kasamahan ko lang nalaman, hindi mula sa kanya. Nabalitaan ko na nabuntis daw nito ang kanyang nobya at napilitang pakasalan agad.
Nag-iiyak ako. Naging malungkutin, hanggang dumating sa puntong inisip ko na hindi na lang pumasok sa trabaho at umuwi na lang ng probinsya. Nagpasiya ako na umuwi na lang ng probinsya, sinabi ko sa foreman na hindi na ako magtatrabaho pagkakuha ng sweldo ko sa araw ng Sabado. Naka leave kasi noon ang aming engineer dahil nasa honeymoon pa raw.
Biyernes ng gabi ay dumating si Engineer. Ayaw ko sanang kausapin pero mapilit siya. Nagpaliwanag siya sa akin. Mahal na mahal daw niya ako. Umiiyak siya sa harap ko at dahil mahal ko siya ay napatawad ko rin naman. Nangako siya na kahit may asawa na siya ay patuloy pa rin niya akong mamahalin. Nakiusap din siya na huwag na akong umuwi at ihahanap daw ako ng ibang trabaho na magaan gaan.
Napasok nga ako bilang helper sa bakery ni Amanda. Doon ko nakilala ang iyong ina. Dating tindera siya doon. Nabuntis ko rin ang mama mo at dahil buntis na ay nagpakasal din kami sa huwes. Tinulungang pa rin ako ni Engineer sa pagpapakasal ko. Napilitang umalis sa trabaho ang inay mo dahil malapit na siyang manganak, kaya pinauwi ko na lang ng probinsya nila sa Iloilo. At ikaw nga Kenneth ang bunga ng aming pagmamahalan.
Dahil malayo sa asawa ay may pangangailangan pa rin naman ako Kenneth. Nakipagkita sa akin si Engineer. Dahil mahal namin ang isat isa ay hindi namin maiwasan na muling magtalik. Matagal na kaming walang ugnayan simula ng pakasalan ko ang inay mo subalit nitong wala na ang inay mo ay muli na naman naulit ang matagal na naming kinalimutan gawin. Naramdaman kong mahal ko pa rin si engineer at mahal pa rin niya ako. Nararamdaman naman namin ang pagmamahal na iyon.
Aaminin ko Kenneth, magpahanggang sa ngayon ay nagkikita pa rin kami at sa tuwinang pagkikita namin ay pinaparamdam namin ang aming pagmahalan kahit na bawal.
Patawarin mo rin ako Kenneth. Tao lang din naman ako na may pangangailangan at nagmahal. Kaya nasabi kong naunawaan kita at dama ko ang iyong nadarama.
---------------o0o---------------
“Salamat at naunawaan nyo ako itay. Naunawaan ko rin kayo itay dahil totong ganun din ang nadarama ko. Kung ako ang nasa kalagayan mo ay ganun din naman ang gagawin ko lalo na at iniwanan na tayo ni inay” wika ng lumuluha pa ring si Kenneth.
Katahimikan. Si Kenneth ang unang bumasag sa katahimikan. “Tay, anong gagawin ko. Mahal na mahal ko si Kenji. Ayokong mawalay sa kanya.” Pagmamaktol ni Kenneth.
“Alam mo Kenneth, ang lahat ng pangyayari ay may dahilan. May nakalaan para sa iyo, para sa inyo. Maghintay ka lang ng tamang panahon.” Payo ni Angelo sa anak. “Magpahinga muna tayo, may pasok ka pa bukas, at maghanap din ako ng ibang mapapasukan.”
---------------o0o---------------
Kinabukasan ay muling kinausap ni Angelo ang anak. Sinabi niyang baka magtransfer siya ng ibang paaralan dahil medyo malayo ang nahanap niyang mapapasukang bakery. Kasisimula pa lang naman ng school kaya pwede pa mag transfer.
“Wala naman akong magagawa itay. Sige po. Kayo ang bahala.
---------------o0o---------------
Makalipas ang mga araw ay nakailang balik si Kenneth sa bahay nina Kenji, Subalit laging nakabantay si Aling Amanda kaya hindi na siya lumalapit pa at baka mageskandalo na naman. Nakailang tawag din siya pero laging unattended ang phone ni Kenji. Hindi na niya alam kung ano na ang nangyari sa kanya dahil hindi na sila nagkausap mula noong magkagulo dahil sa kanila.
Naging busy rin ang binata dahil naging busy sa eskwelahan at tumutulong na rin siya sa ama sa paggawa ng tinapay at may sweldo na rin siya.
Matuling lumipas ang mga araw, unti unti ay naka move on na rin si Kenneth. Hindi na niya masyadong naiisip ang kasintahan.
Samantala ay hindi na rin nagkita sina Lando at Angelo. Minabuti na rin ni Angelo na huwag nang ipaalam kay Lando kung nasaan na sila.
---------------o0o---------------
Naka graduate na ng senior high si Kenneth. Nag training din siya sa Tesda para sa kursong bread and pastry making.
Sinwerte naman ang mag-ama dahil nang isasara na ng may-ari ang bakery ay nakiusap sa may-ari na kung pwede ay sila na ang magpapatuloy sa pagpapatakbo ng bakery at rerentahan na lang ang pwesto. Dahil may katandaan na ang lalaking may-ari at lahat ng anak ay stable na ang kabuhayan at nasa ibang bansa pa ay pinayagan naman sila ng matanda. Lahat ng kagamitan ay ibinenta sa kanila ng hulugan at ang kontratang pinirmahan ay sa loob ng 10 taon.
Umunlad naman ang kanilang panaderya. Talagang masarap naman ang mga gawa nilang tinapay, mura na ay may quality pa, kaya pila ang bumibili sa kanila, lalo na ang pandesal sa umaga.
Nagkasunod sunod naman talaga ang swerte sa mag-ama dahil nakapanalo sila sa lotto. Malakilaki laki rin ang nabahagi nila dahil maraming tumama sa numerong tinayaan nila.
Dahil may pera na sila ay nabili nila ang katabing bakanteng lote na pagmamay-ari din ng dating may-ari ng panaderya. Nagpagawa sila ng bagong gusali at bumili ng bago at modernong mga kagamitan.
Kumuha sila ng mga tauhan na mamamahala sa tindahan, at nagdagdag pa nang mga trabahador. Kumuha rin sila ng accountant para sa paggawa ng report sa BIR at para ma record lahat ng transaksyon sa araw araw.
Asensado na ang mag-ama, pero ramdam nila na may kakulangan sa kanilang buhay. Wala pang nobya si Kenneth at hindi na rin nag-asawa pa si Angelo.
---------------o0o---------------
Isang araw ay may nadatnan siyang bisita ng ama sa kanilang opisina. May pinaguusapan sila at naulinigan pa niya na nabanggit ang kanyang pangalan.
“’Tay sinong bisita ninyo.” Lumingon ang bisita sa kanya. “Mang Lando, buti’t napasyal kayo. Paano ninyo nalaman ang aming lugar.” Sunod sunod na tanong ni Kenneth.
“May nagbigay sa akin ng tinapay at sabi napakasarap daw. Ang ganda pa ng balot. Binasa ko ang nakalagay sa balutan, Ken-Ken Bakery, pati address at numero ng telepono. Napansin ko ang pangalan ng may-ari at sabi ko ay kilalang kilala ko ito, kaya pinuntahan ko at hinanap ang may ari, ayun natunton ko na na si Angelo nga pala talaga ito, baka kasi kapangalan lang eh.” Mahabang paliwanag ni Lando.
“Kumusta naman po si Kenji.” Hindi nakatiis si Kenneth na magtanong tungkol sa dating boyfriend.
Hindi agad makasagot si Lando. Nagaalangan at napatitig kay Angelo, tila nagpapasaklolo. Hindi naman ito nakaligtas sa paningin ni Kenneth.
“Mang Lando, may nililihim ba kayo sa akin. Kasi kanina pagpasok ko ay naulinigan ko na nabanggit ang pangalan ko. May pinagusapan ba kayo tungkol sa akin?”
“Mabuti naman ang aking anak, Kenneth. Huwag mo siyang alalahanin. Kinukumusta lang kita kaya nabanggit ng pangalan mo.” Tugon ni Lando.
“Anak, ikuha mo nga ng maiinom si tito Lando mo. Nakalimutan ko na painumin man lang siya. Ikuha mo rin ng espesyal empanada natin.” Utos ni Angelo sa anak.
Tumalima naman agad si Kenneth. Pagbalik niya ay may nakita siyang kakaiba sa kanyang ama at sa bisita nila. Gumilid siya sa may pinto para hindi makita. Kahit mahina at parang pabulong ay malinaw na malinaw sa kanyang pandinig ang sinabi ni Lando.
“Miss na miss kita Angelo, ang tagal mong hindi man lang nagparamdam. Mahal mo pa ba ako ha Angelo.” Tanong ni Lando at tangkang hahalikan.
“Ano ka ba Lando, baka biglang dumating si Kenneth at makita tayo.” Kabadong wika ni Angelo.
“Wala na akong pakialam pa Angelo, magkabistuhan na kung magkabistuhan. Ano, Sagutin mo ako, mahal mo pa ba ako?” Malakas na sabi ni Lando.
“Oo na, oo na. Mahal na mahal pa rin kita, pero mamaya na tayo magusap tungkol diyan, baka dumating na si Kenneth.”
Nakontento naman si Lando sa sagot ni Angelo, umaliwalas ang mukha, at bumalik na sa pagkakaupo.
“Tay, siya ba ang kinukwento ninyo sa akin noon, si Mang Lando ba?”
Natigilan ang dalawa sa biglang pagsulpot ni Kenneth, napipi at walang nakapagsalita. Nang mahimasmasan si Angelo ay wala nang nagawa kundi ang umamin. “Oo anak, siya yung engineer na sinasabi ko sa iyo na minahal ako at minahal ko rin, siya yung walang sawang palihim na tumutulong sa akin kapag nagigipit ako. Patawad anak at naglihim ako sa iyo. Alam mo na naman ang dahilan, hindi ba? Naikwento ko na, ang hindi ko lang naman nasabi ay ang tunay na katauhan ng lalaking iyon. Siya siya anak, ang asawa ni Amanda.”
“Pasensya ka na Kenneth. Mahal namin ang isa’t isa at kung hindi naman ako niloko ni Amanda ay siguro masaya pa rin kaming nagsasama ni Angelo, pero siguro talagang may parahilan kaya nangyari ang ganoon dahil kung hindi nagkagayon ay wala ka sa mundong ito.” Sabat ni Lando.
“Anong niloko Mang Lando, pano kayo niloko.” Si Kenneth, naguguluhan sa rebelasyon ni Lando.
“Hindi ko anak si Kenji. Nabuntis si Amanda at sa akin pinaako ang pinagbubuntis niya dahil iniwan siya ng lalaki. May nangyari din sa amin noon kaya napaniwala ako at pumayag na pakasalan siya. Hiniwalayan ko na siya dahil sa nangyari kay Kenji.” Napaluha na si Lando nang mabanggit ang pangalang Kenji.
“Ano hong nangyari kay Kenji Mang Lando, sagutin ninyo ako, para na po ninyong awa.” Humahagulgul na si Kenneth
“Huwag kang mag-alala Kenneth. Dadalhin kita sa kanya. Matagal ko na kayong hinahanap dahil nga kay Kenji, inisip ko na ikaw lang ang makagagamot sa sakit nang anak ko Kenneth”
“Puntahan na natin siya mang Lando, gusto ko na siyang makita. Sa sasakyan na lang kayo magkwento, pakiusap po Mang Lando.”
“Sige na Lando, siguro ito na ang tamang panahon.” Wika ni Angelo.
---------------o0o---------------
Habang daan ay kinuweto ni Lando ang buong pangyayari.
Nagkaroon nd depression si Kenji sumula ng malaman ni Amanda ang relasyon ng anak kay Kenneth. Kinuha ang cellphone at winasak ito dahil sa galit kaya nawalan siya ng komunikasyon kay Kenneth. Hindi na rin ito pinalabas ng kwarto. Ikinulong ni Amanda si Kenji sa kwarto at kahit anong pagmamakaawa ay hindi pinakinggan ni Amanda.
Wala akong nagawa dahil ipinamumukha sa akin ni Amanda na hindi ko anak si Kenji at wala akong pakialam kahit anong gawin sa kanya.
Palagi kaming nag-aaway, halos araw-araw dahil kay Kenji. Itinuring ko na siyang tunay na anak at mahal na mahal ko siya at dinadala niya ang aking pangalan.
Simula noon ay hindi na lumabas si Kenji ng silid, tulala at hindi nagsasalita. Malayo lagi ang tingin. Pinagamot siya ni Amanda at sabi ay matinding depression ang tumama sa bata.
Hindi na siya nakapagaral. Naisipan ko hanapin kayo pero hindi ko kayo mahanap. Kung saan saan ako nagpunta, nilibot ko ang karamihan ng bakery dito sa Manila pero walang nakakakilala sa inyo. Naisip ko na baka umuwi na kayo ng proinsya kaya huminto na ako sa paghahanap. Sumuko na ako.
Dahil sa paglala ng kalagayan ni Kenji ay sinisi ko siya na naging sanhi ng matindi naming pagtatalo hanggang sa masaktan ko siya at nagpasyang hiwalayan na siya. Isinasama ko si Kenji subalit tutul na tutol siya at laging ipinangangalandakan na hindi ko siya anak. Inreklamo ko sa barangay na minamaltrato niya si Kenji at ikinulong na naging dahilan ng pagkakasakit nito.
Sa akin ibinigay ang bata at isinama ko na siya sa akin. Kumuha ako ng tagapag-alaga para may magasikaso sa kanya kapag nasa trabaho ako.
At yun nga dahil sa tinapay ay natunton ko kayo.
---------------o0o---------------
Saktong natapos ang kwento ni Lando ay dumating sila sa bahay ng huli. Agad tinungo ang silid kung saan naroon si Kenji. Laking panglulumo ni Kenneth ng makita ang kalagayan ng minamahal. Nakaupo sa wheel chair at nakatingin sa kawalan pero parang walang nakikita, halos hindi kumukurap ang mata at walang kagalaw galaw. Malaki ang ipinayat ng katawan.
Nilapitan ni Kenneth si Kenji at lumuhod sa harapan nito. Kinuha ang mukha at ihinarap sa kanya. “Kenji, Kenji, si Kenneth ito, kilala mo pa ba ako, ako ang kaibigan mo, ang mahal mo.” Nanginginig ang boses ni Kenneth. Awang Awa sa kalagayan ng minamahal na si Kenji.
Walang reaksyon sa mukha ni Kenji. Tila walang nadinig, walang nakita, basta nakatunganga lang.
“Mang Lando, Tito Lando pala, pwede bang isama na lang namin si Kenji sa bahay para personal ko siyang maalagaan. Baka kahit papano ay manumbalik ang dati niyang sigla.” Pakiusap ni Kenneth.
“Siguro pati na rin ikaw Lando ay dumuon na muna. Malaki naman ang bahay at may bakanteng silid pa na matutuluyan mo. Dadalawa lang naman kami doon.” Si Angelo.
“Oo nga tito Lando. Sa amin na lang muna kayo. Saka bakit bubukod pa siya ng silid eh ang laki namang ng kama mo itay.” Panunudyo ni Kenneth.
---------------o0o---------------
Matiyagang inalagaan ni Kenneth si Kenji. Unti unti naman ang paggaling nito. Patuloy pa rin ang gamutan at dinala pa nila ito sa isang psychiatrist.
Isang gabi, mahimbing na natutulog si Kenneth sa tabi ni Kenji, nang magising siya sa mga hikbi ng katabi. “May masama sigurong napanaginipan.” Sabi niya sa sarili, nang biglang sumigaw ito at ang isingaw ay ang pangalan ni Kenneth. Agad niyugyug ni Kenneth ang katawan ni Kenji para gisingin ito.
Nagmulat ng mata si Kenji, at tila sinisino ang kaharap. “Kenneth, Kenneth, ikaw ba ‘yan.” Tumutulo ang luha habang nagsasalita. “Bumalik ka na ba sa akin mahal ko. Hindi mo na ba ako iiwan.” Patuloy niya.
Sa kagalakan ni Kenneth ay nayakap ng mahigpit si Kenji. “Hindi, hindi na tayo maghihiwalay kahit kelan.” At hindi na napigilan pa ang pag-iyak.
---------------o0o---------------
Tuluyan ng gumaling si Kenji, bumalik na ang dating sigla. Nagpatuloy na rin sa pagaaral at malapit ng magradweyt sa kursong Business Management.
Samantala ay muling nakakuha ng malaking kontrata ang kompanya ni Lando na muntik nang mahinto dahil sa naging problema nilang magasawa. Sa ngayon ay masayang masaya na ang mag-aama. Bumukod na ng tirahan sina Angelo at Lando at naiwan sa pamamahala naman nina Kenneth at Kenji ang bakeshop. Nagtayo naman ng branch ng bakery si Angelo sa bahay nila ni Lando.
---------------o0o---------------
“Ano nga pala ang ibig sabihin ng Ken-ken sa pangalan ng business mo mahal.” Tanong ni Kenji sa kanyang katabing si Kenneth.
“Hindi mo pa ba gets. Tagal na eh hindi mo pala alam. Ang ibig sabihin non ay Kenneth at Kenji, Ken-Ken. Hehehe.”
WAKAS