Darwin's Theory (Part 1)
By: Julius
Darwin theory states that all species of organisms arise and develop through the natural selection of small, inherited variations that increase the individual's ability to compete, survive and reproduce. Pero hindi yan ang theory ng isa pang Darwin na kilala ko.
Good eve KM readers, ako pala to ulit, si Julius. Ako yung 24 years old na taga-Cubao at Team Leader sa isang BPO company. Para sa mga hindi nakabasa nung una kong share about my sexperience. Adventurous akong tao. Masasabi ko yan siguro nung tumuntong ako ng 18 years old. Yung hindi na ako kontrolado ng mga tao sa paligid ko especially my parents. When I was little I started to save money from my allowance and when I reached 18, I applied for savings account as well as investments. Oo, ganun kamurang edad bihasa na ako sa ganun. Kaya nga accountancy ang tinapos ko eh. My parents taught me how to save for the future. They are the epitome of being secured. Trust funds, savings account, lahat yun provided saming magkakapatid pero ako lang at ang ate kong isa ang hanggang ngayon ay hindi pa rin gumagalaw sa mga pinrovide samin ng parents namin. Idol ko si ate Dina ko, kaya nga umalis din ako sa bahay namin nung 19 na ako. To be independent. Pwede mo kami sabihan ng mayaman. In contrary sa telenovelas, may mga mayayaman naman na simple lang, yung low profile. At hindi lahat ng pinanganak na mayaman eh spoiled. Yan yung prinove kong point growing up. Yung pressure na makipagsabayan sa ibang bata ay hindi dumapo sa isip ko, at kahit ngayon. I hate mainstream. Hindi ako sunod sa uso at mamahalin. Ako at ang ate ko, we do not let other people dictate what we will wear or eat or define what we are on how we do those things. Sa mundong ito na marami na ang kinain na ng sistema, kami ng ate ko ay kabilang sa mga nananatiling matibay. Just saying. I mean, sana hindi naman boring basahin. Hindi ko naman intention na buhatin yung sarili kong bangko pero ganun lang talaga kasi kami.
So recently I shared my experience sa Uber with Ramil na boyfriend ko na after 2 sex. Haha. We're enjoying our relationship as of now. And I'm going to share naman yung first sexposure ko. Na dating inosente ay may alam na ngayon.
Ok, so I also grew up with very little exposure sa sex and relationships as mentioned above. My father was the one who taught me how to browse porn and how to wank when I reached puberty around 14. I spent most of my life reading books. When I left home to seek a job, I was 19 then, call center agad pumasok sa isip ko. Magaling naman ako mag-English, may magandang educational background though hindi pa graduate ng college, I was taking 1st semester of my third year nung panahon na yun sa course ko na accountancy. I was 19 that time. So, international account ang napasukan ko. Just saying, 1st job ko and I'm still here for 5 strong years. Naka graduate ako supporting myself because of high appreciation and compensation from my company. Also, dito ko na rin piniling mag thrive.
Nagagamit ko pa din naman ang pinag-aralan ko at the end of the day for my personal equity. Hehehe. So ang kwento ko ngayon ay yung first exposure ko sa sex and relationships. I was 19 and no relationship since birth. Pagpasok ko sa call center ay nagkaroon agad akong nakadevelop ng culture shock. Though maganda yung iniimplement na characteristic and ethics, behind all those is the dark side of most call center agents. Vices. Yan, bisyo. Alak, sigarilyo, sex. If call center agent ka, isa or dalawa jan adik ka "daw" . Nung 18 ako, wala akong bisyo. Hanggang ngayon pa din naman, pero lahat yan naexperience ko paunti unti. First week ng training, nayaya ako uminom, manigarilyo. Natuto ako. Ocassionally umiinom at naninigarilyo ako pero hindi ganun kasanay. Sa sex.. It was a co-trainee who stole my virginity away.
1st day ng training, we were 21 students sa training room. Each of us has our own computers. Ang unang unang pinagawa sa amin nun sa naaalala ko ay pinasulat sa bond paper ang pangalan namin or nick name namin. Ipinatong namin ito sa CPU sa computer table para makita ng lahat ang pangalan sa bawat work station. And then nagkaroon na ng introduction. Anjan sila Evangeline, 30 yrs. old, Martin, 27 y.o, etc. Nung ako na ang tumayo dahil pang pito ako ay nakatingin silang lahat sakin. Payat pa ako noon, baby face, serious or suplado ang mukha dahil nga wala akong masyadong kaibigan growing up, malinis tingnan. Nagpakilala ako at tila lahat ng atensyon nila ay nasa akin dahil sa edad ko. Namangha din sila sa ishinare kong background ko as accounting student and sa communication skills ko. Sa pagkakaalala ko noon ay wala akong in-eye to eye contact sa kanila habang nagpapakilala ako though it seem na lumilibot ang mata ko sa buong room at mukhang nakatingin ako sa ibang tao. Pero ang technique ko ay sa workstation nila ako tumitingin nun. Turn na ni Darwin para magpakilala after 4 other students. 20 years old siya. Maganda ang bone structure ni Darwin, unang tingin mo pa lang, mapapansin mo na ang maganda niyang panga, matangos na ilong at cheek bone na lalaking lalaki. Payat din siya pero mahahalatang trying hard magpalaki ng katawan dahil sa pecs or dibdib niya na medyo developed naman at may konting halo ng pagiging amerikano ang mukha niya. Umisang sulyap lang ako sa kanya at humarap sa computer ko habang nagpapakilala siya, sign na wala akong interes makinig sa kung anuman ang sinasabi niya. Dahil na rin sa bago pa kami pumasok sa training room noon ay malagkit na ang tingin niya sa akin kahit nagsisimula na siya makipagkilala at makipag-usap sa iba nun. Defense mechanism ko kasi dati ang pag-iignore sa mga tao. Lalo na sa mga may balak kaibiganin ako. Wala talaga akong interes makipagkaibigan kahit kanino noon. Natapos si Darwin na magpakilala at dalawang tao pa ay tumayo si Marc, turn na niya magpakilala. Magandang lalaki rin si Marc, pormahan pa lang ang may aura na ng pagiging call center agent. Marami na si Marc na experience sa call center dahil nagsimula siya ng 18 years old pa lamang siya. 22 na siya nung nagpapakilala siya. May katawan siya dahil sabi niya ay gym instructor siya as part time job niya. Matangos ang ilong, hindi gaya ni Darwin ay may kulay naman itong si Marc, hindi siya ganun kaputi pero hindi naman ganun kaitim. Mahahalata mo rin na malinis sa katawan si Marc dahil sa kinis ng mukha niya. Nakinig ako ng husto kay Marc at napansin ko sa peripheral vision ko na minsan ay tumitingin tingin sa akin si Darwin. Dahilan para ipakita ko sa kanya ang interes ko sa pakikinig kay Marc lalo. Ilang pagkakaiba nila ni Darwin ay may konting blemishes sa mukha si Darwin, siguro dahil na rin sa puti niya ay lapitin sya sa mga acne. Maganda ang hubog ng katawan ni Marc, si Darwin ay payat. Nagustuhan ko lalo kay Marc ay hindi malagkit ang tingin niya sakin. Nagsimula kami sa training. May pitong linggo kami para ipasa ang dapat naming ipasa para makatuntong sa productions. Unang linggo ay sa grupo na ako ni Marc sumali at nakihalubilo. Dahil hindi sila masyadong close ni Darwin noon. Pinapakita ko kay Darwin nun na hindi ako interesado sa buhay niya at lagi akong umiiwas sa kahit anong pwedeng involved siya. Pero dahil sukluban ng itim ng budhi ng tadhana ay naging official group mate ko si Darwin sa mini teams ng aming class. Nagkaroon ng paligsahan non sa amin. Dahil dito ay napilitan akong makisama kay Darwin at extended ang usapan namin hanggang sa lunch at breaks dahil na rin sa mini teams. Ako naman ay nagpapaubaya lang, nakikipag-usap. Pero minsan bumabalik ako sa grupo namin nila Marc. Lalo kapag maninigarilyo na kami. Naging nakakailang kausap si Darwin dahil sa parang feeling niya yata ay may gusto lahat sa kanya. Dalang dala niya kase ang maganda niyang itsura. Yun ang hindi ko masyadong nagustuhan sa kanya. Si Marc naman ay natural lang kumilos. Walang innuendo hindi gaya ni Darwin. Dahil sa pagsama ko kay Marc at pilit na pagdikit naman sakin ni Darwin ay naging tukso sa aming tatlo ang pagiging love triangle na umikot sa class namin. Sobra kami kung tuksuin lalo na nung isa naming classmate na si Berna, or Bernardo pag hindi babae. Kase siya ang dikit ng dikit kay Darwin nun. Minsan pinagseselosan pa ako. Noon kase ay maamo ang boses ko at medyo may pagkahinhin at pino ako kumilos kaya lahat ng nakakasalamuha ko ay bading na agad ang tingin sa akin. Though ayun nga suplado pa ako at hindi agad namamansin. Palagi kaming tinutukso ni Berna at sabi ko ay sila ni Darwin ang magsama. Sabay balik sa libro or work papers na binabasa ko nun para ipakitang wala akong interes sa sinasabi niya. Nagsimula lumapit ang loob sa akin ni Darwin ng palagi niya akong tina-try kausapin. Straight tingnan si Darwin. Lalaking lalaki ang itsura at boses pero dahil sa innuendo niya ay hindi mo rin maikakaila na minsan pwedeng sumagi sa isip mo na pumapatol ito sa kapwa niya lalaki. Well, totoo naman, dahil dati sa usapan nila ay narinig kong nagkaroon na siya ng girlfriend na bakla. So, isa yun sa dahilan para mas lumayo ako sa kanya noon. Dahil siguro inosente ako noon at wala talagang interes kahit kanino. Si Marc naman ay may girlfriend nung panahon na nagte-training kami kaya friends lang talaga, which I find better company kaysa potential boyfriend. So ayun. Training lang. Nakatatlong linggo kaming ganun lang. Ikaapat na linggo ay muli kaming hinati sa iba't ibang grupo. Dahil na rin sa pagclassify sa amin as red, yellow, at green. Kabilang ako sa green wavelength, na ibig sabihin ay outstanding ang performance. Si Darwin naman ay kabilang sa Red wavelength. Hinati ang class para sa bawat grupo ay may green, yellow at red para mag-improve lahat. Muli. Magka-team ulit kami ni Darwin. Dalawa kaming green sa grupo na naatasang tulungan yung dalawa naming red teammate. Si Darwin at yung isa si ate Sha. Si kuya Marlon yung isa kong kateam na green at magkakilala naman kami. Nagkaroon kami ng group discussion. Naglahad ng kanya kanyang suggestion ang bawat isa sa amin kung pano magiging green lahat. Napagpasyahan namin na ang mga yellow, tuloy lang sa pagperform, at mas pagtutuunan ng pansin ang red though magbibigay din naman ng attention para sa yellow para makapasa lahat. So nagkausap kami ni kuya Marlon. Sabi ko ay ako na ang bahala kay ate Sha dahil mas nagkakausap naman kami. So natapos ang fourth week na maayos naman. Except sa team namin. Nagkaroon kami ng hirap ni kuya Marlon. Umamin akong hindi nagwowork yung samin ni ate Sha dahil sa age gap namin. Na minsan ay naghehesitate ako magturo dahil mas matanda nga si Ate Sha sakin baka masabihan pa kong nagmamarunong. Si kuya Marlon naman ay nahihirapan kay Darwin dahil makulit ito. So, nagswitch kami ng partner. Ako ang umalalay kay Darwin para makapasa. Nagwork naman. Mas naging malawak ang time namin ni Darwin para sa isa't isa. Minsan ay tinutukso na kaming magboyfriend dahil sa akin lang nakikinig si Darwin. Dumapo sa isip ko ang potential na relationship ko sa kanya. Nakakakilig, oo, pero ayoko lang talaga. Sabay na kami nagla-lunch, nagbibiruan na kami. Kulang na nga lang daw ay holding hands, biro ni Berna. Ako naman I made it clear na ayoko ng relationship more than friendship dahil single ako since birth. Aside sa mga porn na pinapanood ko, at yung pagtuturo sakin ng papa ko kung pano magjakol, wala talaga akong sex encounters sa friends or stangers. Well, minus the friends kase wala akong kaibigan talaga noon. So it came to the point na minsan sweet na sakin si Darwin. Ako naman minsan unconciously naging sangkalan ko si Marc nun. Though Marc don't mind, naging tukso nga na love triangle kami. It was awkward for me. Being compressed to a situation where Marc doesn't give a damn, Darwin give too much and is having fun and me being stuck in limbo and not sure how to react. One morning after ng pangalawang sahod namin, by the way, sa company na pinapasukan ko ay every other friday ang pay day like most of BPO companies, ay inaaya nila ako pag mag-eat out. Si Darwin ang unang nagyaya sa akin.
Darwin: hey dude! Sama ka samin mamaya we'll eat out, korean.
Ako: I'm sorry hindi ako pwede ngayon, may date ako with my parents.
Darwin: ok, enjoy.
Ako: you too.
Then he walked back towards the training room. Ako din ay sumunod na dahil patapos na naman ang break. Sa training room, dahi iba na ang sitting arrangement ng mini teams ay nagkatabi kami ni Marc, dahil nasa dulo siya ng team nila, ako naman ay nasa dulo rin na kasunod ng upuan niya. Si Darwin ay umupo sa pinakadulo malayo sakin. Dahil siguro nakaramdam ng rejection.
Marc: hey, Jules, may time ka mamaya?
Ako: for what?
Marc: we'll eat out, just a few of us. May kanya kanyang lakad na sila eh so we decided to go somewhere as well, ikaw ba?
Ako: well, my time's yours… And we have to listen, we're being noticed by boss Ricky.
And natapos ang training day namin na everyone ay masaya dahil bagong sahod. So everyone used the elevator. As well as darwin. They head out kung san sila pupunta. Kami ni Marc hinintay namin bumalik yung elevator kase medyo natagalan kami mag-ayos ng kanya kanyang locker. Soon as we reach ground floor Marc pulled out a stick and another to smoke and offered one to me which I accepted. Natuto akong magsmoke but I don't usually finish it dahil hindi ko feel. Sometimes dahil sa panghihinayang ni Marc sa kalahati ng stick na natitira ay kinukuha niya sakin yung stick so he can finish it. There's one instance na kinuha niya yung stick sakin to finish it and then pasimple akong agaw sa kanya ng stick and told him na ako na ang uubos just so I can taste his mouth. Hahaha sorry, childish pa ko nun. So today, aside from othe class na nasa baba to smoke, wala nang matanaw na classmate namin dahil sa kanya kanyang lakad nila. Soon as I shoot the cigarette butt to the trash bin, we started walking towards the place they discussed. Naglalakad kami nun at wala naman akong tanong kung saan yun. So tahimik lang kami up until makapunta kami sa restaurant. Nakita namin yung iba naming classmates na kasamang niyaya ni Marc and umupo ako. Marc being a gentleman pull the chair for me and push it so I can sit properly. He stayed behind my chair and nakahawak yung isang kamay niya sa sandalan, at yung isa naman ay sa balikat ko. Nakatingala ako sa kanya nun at siya naman ay nakayuko para magkausap kami.
Marc: anong order mo?
Ako: what's the best seller? I'll have that.
Marc: hmm.. Masarap dito Bibim…. And.. Tsa….. Sou….
Habang nagsasalita si Marc about best seller food ay approaching si Darwin from the restroom and nakatingin siya sakin. I had one glance to him and though it seem like I'm listening to Marc, I can't actually hear him. Kahit halos magkalapit na yung mukha namin. I'm not sure kung anong nararamdaman ko nun but I can feel Darwin staring at me and how Marc holds me. So I decided to tap Marc's hand away from my shoulder lightly, and told him na kahit ano na lang ang iorder niya para sakin. Or better, kung anong oorderin niya ay yun na lang din yung akin. It was uncomfortable for me. He's sitting at the other side sa pinakadulo and si Marc naman ay umoorder na.
Darwin: guys, picture tara.
He pulled his phone and turned his front cam para magpicture na kaming lahat. I smiled a bit. Pero when he clicked the picture, I dropped one of my things so I can bend down and pick it up and hindi na ako makasama sa picture. Darwin no longer initiated for another photo.
Darwin: guys, magkano sinahod niyo?
Berna: not enough para bilihin ka eh, hahaha
Darwin: loko
So the group had a conversation. I felt like an outcast. It's like being an anchor. Heavy and sinking. Para na ring may tubig yung tenga ko nun dahil sa hindi talaga ako komportable at nasabi ko nga kay Darwin na may date ako with my parents. Bumalik yung pandinig ko when Marc came back and tapped my shoulders with his hands and he was behind my chair again. He took a seat beside me. He asked me if I can join him smoke outside. I told him I've had enough. So he walked out and smoked. I can still feel Darwin's gaze. I stood up and muntik na tumumba yung chair ko dahil sa force. And I walked towards the restroom. So to calm myself I started to observe the lights, which are good. Yung design sa salamin na koi fish. I looked at my pupils if they are dilated. And they were. Inaatake ako ng anxiety ko. Then reality came back when a stranger entered the room and was intimidated by my presence. So the stranger took piss and washed his hand and walked out. Ako naman ay kinuha ko na yung gamot ko for anxiety and when I was at the moment na ishoo-shoot ko na sa bibig ko yung pill, biglang pumasok si Darwin resulting to me being shocked and I dropped my medicine sa marble sink.
Ako: ugh!! Ffrrrrhhh.
Darwin: what was that for?
I put my hand over my forehead due to being upset.
Ako: meds. Anxiety.
Darwin: bakit ka naman anxious?
Ako: no I'm not!!
Nagkatitigan kami ni Darwin for a split second. I put my hands on my face and turned the faucet on. kitang kita ko yung pagkagulat niya. And takot when he saw my eyes.
Darwin: pulang pula ka na. I'm sorry, if you have extra you should take your medicine. I'll go back to them. I'm sorry if my presence bother you.
He walked out and I watched the pill dillute. I took another and ingest it.
Pagbalik ko sa table ay nakatingin sakin lahat. Mapula pa din kase yung pisngi ko.
Berna: ateng 30 minutes ka sa cr anong meron? Naligo ka na yata?
Biro ni Berna.
Ako: I'm sorry I took my medicine. Don't ask what for. I refuse to disclose any information.
Berna: ay, ok. Bebe Darwin ano ginawa niyo sa loob?
Darwin: wala nga akong isang minuto dun. Chineck ko lang baka nahimatay na.
Berna: ay kaloka, mahal na mahal ka ng prinsepe mo ateng. Kung ikaw si Bagani, eto si Darwin si Sinukuan. Sinukuan na laban pa din. Darwin, ako na lang ipaglaban mo. Hahahaha
Back then hindi ko nagets pero and reference was Amaya. Bagani being Sid and Sinukuan was Glaiza De Castro.
Berna: so Amaya, (he's talking to Marc), kayo ni Bagani, anong ginawa niyo at ang tagal niyo sumunod?
Ako: we smoked. Wag mo na ako idamay sa dirty mind mo. I'm still young and not interested.
Berna: bongga. Bagani naman.
Marc: yaan mo yan siraulo yan eh. Loka loka (imitating Berna's voice)
Ako: where's our food?
Berna: hinaharvest pa ateng yung lettuce at sesame seeds.
Darwin: anong oras date niyo ng parents mo?
Berna: ay, updated siya oh, ateng nagkakausap pala kayo, hahahahahaha!
Ako: mamaya soon as I finish here I'll contact them.
Darwin: ahh, so pano ka kakain nun? Busog ka na dito?
Ako: I don't plan eating that much in this restaurant.
Darwin: I see, much as you don't plan to…
Tumingin si Darwin sa lahat ng katable namin at hindi na tinuloy ang sasabihin niya. It was Berna who extinguished the pressure.
Berna: oh ayan na yung food. With poging poging waiter. And his girlfriend ayan na si ateng waitress oh, protective!!
Tumawa ang lahat at napangisi na lang din yung mga attendant pero Poker face kami ni Darwin.. Later I got sms from Darwin and he said there's something he needs to tell me.
I hope you subscribe! Maganda po yung kwento namin nila Marc and Darwin. Some detail are just hard to include. And hirap kase iexplain through writing. Anyway. Until the next post :)
Itutuloy….