Not All Love Stories Have Endings (Part 3)
~~By Raleigh~~
Daig ko pa ang mga nabiktima ni Medusa sa pagkakaestatwa nung naramdaman ko ang paninigas ng kalamnan ni Ryou na nakadikit sa pwetan ko. Pigil hininga din ako sa takot na gumalaw, malay natin lalong tumigas. Ano bang kasalanan ang nagawa ko para parusahan ako ng ganito? Hindi biro mag exert ng chakra para pigilan ang sarili na mapapak ang ulam na nasa tabi. Mag biro ka na sa taong lasing, wag lang sa taong horny!
Biruin mo, napilitan akong mag abstain from sex dahil sa takot na pandirihan ng mga tao sa paligid ko, tapos bigshot yakuza pa ang pinaglalawayan ko. Kinurot ako ng konsensya ko at dahil sa malaki din ang respeto (a.k.a. TAKOT) ko sa pamilya nila, pinili kong iwaksi ang tawag ng kalamnan. Hindi na tumatalab ang pagkanta kanta ko ng soundtrack ng Les Misérables (exactly how I feel!) dahil sa bilis ng neuronal impulses sa utak ko na halos ikakumbulsyon ko. Malapit ko nang makamit ang ruruk ng "inner peace" habang kumakanta ng 'I Dreamed a Dream', pero gumuho ang mundo ko. Balak yata akong patayin ni Ryou mga bessy by the virtue of heart attack. Bakit?
Umungol ang gago. Actually wala namang masama sa umungol, hindi din ipinagbabawal yan. Lahat tayo ginagawa yan, mas masarap ngang pakinggan pag nag duet kayo ng partner mo diba? Pero please lang… Wag mo naman sanang ikiskis ang alaga mo sa pwet ko! Madafaqa!! Halatang nasasarapan ka eh! Ako din naman ahh.. hahaha… swabeng swabe yung paggiling. Yes! Diin mo p---- wait! Teka, teka… where was I? Oh! I VALUE MY LIFE.
"Ryou-bocchan? Hoy… gising ka!!" Mahina kong bulong sa mofo, tutal magkalapit lang naman kami.
"Hhmmm… uuhhh…" ungol pa din sya ng ungol, ang sarap pakinggan nun lalo pa't dumadampi sa tenga ko ang mainit nyang hininga. Natutukso na akong magpadarang sa naglalagablab na apoy ng pagnanasa. But sareh… diving into rivers inside a cement-filled barrel isn't a hobby that appeals to me.
"Bocchan.. gising.. huy!" Tinapik tapik ko na sya at pilit akong lumalayo. Walang hiyang mofo! Lamfaque sa mga efforts ko. Bigla nya akong binuhat at pinadapa, saka pumatong sa likod ko at tuluyan nang ikiniskis ng mariin ang naghuhumindig na sandata nya. Napakislot na din ang kanina ko pang matigas na alaga. Pero as I said, malaking problema yon.
Hindi biro ang bigat ni Ryou, at ang kaninang baby elephant na dumapa sa akin sa sofa ay naging full-grown na. Palagay ko ay na flatten ang mga bronchioles ko sa ginagawa nya, at hindi makapasok ang hangin sa baga ko. Nagpupumiglas na ako, hindi alintana ang mas madiin nyang pag kiskis sa akin. Naiimagine ko yung sarili ko na nakahook sa cardiac monitor. Pababa ng pababa ang O2 sat ko…95%..92%..88%.. malapit na ding mag flat line ang ECG ko. Huling effort na talaga ito. Kailangan ng matinding push!
"Ryouichiro!!!" Sigaw ko na hindi naman kalakasan dahil wala na akong hangin, sabay hila sa buhok nya. Sapat na yon para maalimpungatan sya.
"Huh??" Natigil sya sa pag galaw, bagama't nagtataka kung bakit nasa ilalim nya ako.
"Ugghh..a..aaiirrr.."
"Shit! Sorry.. sorry!! Shit.. ayos ka lang?" Taranta nyang tanong sa akin habang inalalayan ako sa pag upo. Ahhh!! My lungs finally met sweet, sweet oxygen!
"Sensei? Sorry, sorry!!" Paulit ulit nya habang hinahaplos ang likod ko, ang balikat, ang buhok.
"Lasing ka kasing mofo ka!" Singhal ko sa kanya habang habol hininga ako. Pinagpawisan ako ng malamig dun ah. Hindi ko pa nga nagagawa ang mga gusto ko tapos mamamatay ako dahil dun? Cheap ah! Pero payag na din ako kung 'fukujoushi' (death during sex by cardiac arrest due to extreme physical exhaustion). Kung ganun ba kasarap eh parang gusto ko ngang subukan, LOL.
"Inom kasi ng inom, di naman kaya. Haaay!" Saway ko sa kanya na ikinanlumo naman nya. Habol hininga pa din ako. Para syang guilty na Alaskan Malamute kaya di ko napigilan matawa.
"Okay na… basta ba hindi na mauulit?"
"Talaga? Di ka galit?" Nagpa-puppy dog eyes naman sya. Kahit galing sa buwan lang ang ilaw namin eh naaaninag ko yung expressions nya. Tumawa ako ng mahina. Niyakap nya ako.
"Salamat Sensei ha! Kala ko magagalit ka eh.. sorry talaga… kala ko panaginip lang yon."
"Ayos na nga…saka, ano eh. Yang anu mo.. tinutusok ako…" panunudyo ko sa kanya.
"Ah! Sorry po.. nakakahiya! Sandali.. CR lang ako." At dali-dali na syang nagtungo papuntang banyo nya. Tsk, di man lang ako sinama, daya! Baka ba ka'ko eh kailangan mo nang tulong? Willing pa naman ako.
Ilang minuto pa at lumabas na sya ulit ng banyo, halatang pagod. Tutuksuin ko sana sya pero naawa ako sa kanya dahil hiyang-hiya na sya. Ayoko naman na maging awkward kami kaya hindi ko na inopen yung nangyari kanina. Natulog kaming magkatalikod, kaya't wala nang mga milagrong naganap. Pero kinabukasan, nagising na lang ako na nakayakap sa kanya habang nakayakap din ang mga braso nya sa akin.
Pinag masdan ko ulit ang features nya. May konting stubbles sya sa lower jaw nya. Mahahaba at makapal ang lashes, mejo messy yung bedhair, tapos ang tangos ng ilong. Gwapo talaga! Nagpi-feeling teenager ako pag kasama ko sya, kakahiya noh? Bahala na oy, crush lang naman yun. Wala naman sigurong masama?
"Morning…" bati nya, sabay bukas ng isang mata at nag smile. Ang kyut nyang tignan dun! Kinabig nya ako palapit at mas hinigpitan yung yakap sa akin. Magkadikit na yung mga dibdib damin.
"Good morning." Bati ko din at nagsmile ako sa kanya. Nagulat ako dahil dinampian nya ng halik ang ilong ko, pagkatapos ay sa noo. Pagktapos nun ay siniksik nya yung ulo ko sa dibdib nya at pinatong nya yung baba nya sa ulo ko (kayo na mag imagine).
"Tulog pa tayo." Ramdam ko ang vibrations sa dibdib nya at talaga namang napangiti ako. May konting amoy pa ng alak sa balat nya na naghahalo sa natural nyang amoy. Ewan, parang nagha-hallucinate ako. Amoy jasmine kasi yung balat nya, at yun talaga ang paborito kong scent next to cherry blossoms at orange blossoms.
"Hoy, 6 na po young master. Tulong tayo dun sa kusina." Sabi ko naman, pero di pa din ako kumakalas sa pagkayakap sa kanya.
"Maya na… sarap pa ng panaginip ko eh."
"Haha.. di halata ah? May matigas na naman dito oh." Tukso ko sa kanya. Na totoo naman talaga.
"Weh, kaw nga rin eh."
"Natural sa umaga yan. Sayo kasi nagwe-wet dream kapa. Para kang baby damulag."
"May baby damulag ba na ganito ka ganda yung abs?"
"Ay wow! Di ka naman narcisso ha."
"Totoo naman ah. 6% body fat to noh." Pagmamayabang ng mofo. Kunwari ay tinignan ko ang katawan nya at nakataas ang isang kilay. Sa loob loob ko ay natatakam akong dilaan yun. Lalo pa't hot pandesal nga ang nakahain. Sarap ipares sa kape, pero mas masarap pag may gatas *wink wink*
"Luh? Di naman ah! Baka 60%?" Pang-aasar ko.
"With this bod? Humph! I can bench press 12 reps in 180kg no problem, babe." Kaya pala malakas ang mofo eh. Sang suntok lang tulog na yung kalaban. Wait…what? May problema ata sa pandinig ko. Babe daw? As in B-A-B-E?? Eheek, eheek! Stop it.. kinikilig eke! Strike 1.
"Remind me, how old are you again? Weight and height?"
"Oooo, what's that? It oozes 'interest' huh…"
"Hmmm.. is that 'narcissism' I smell?" Sabi ko naman with matching pa amoy amoy sa hangin.
"Haha! You're cute, babe. I'm turning 25 next friday. 185 lbs, 6'3." Dayum!! Strike 2. That's my pupil right there turning into hearts!
"God.. you're tall."
"Ikaw? Ilan kaya mong bench press?"
"Ugghh.. don't ask! Di ako gym buff like you."
"Gym buff? I don't do gyms. Pag yakuza ka, kulang ang gym para sa training."
"Huh? Ano naman ginagawa nyo? Tatakbo uphill hila-hila ang trak na may kargang troso? Mag tutulak ng boulder? Bubuhat ng kawayan na may dawalang timba nang tubig na nakasabit sa dulo tas tatakbo paakyat ng Mt. Fuji?"
"Hmm.. parang ganun? Gusto mo mag train? Para naman lumaki yang muscles mo."
"Tsehh! Wag ako ha.. delicate issue yang muscles na yan." Sabi ko nga, lean ako at may abs pero di gaanong kalakihan ang muscles ko. Treadmills lang ang inaasahan ko ngayon as form of exercise.
"Hahaha… so babe? Ilan rep max ng bench press mo?"
THADUMP! That was the sound of my heart beating loudly. Nakaka-strike 3 ka na! Sheyt na babe yan. "Hmmm.. 5 reps on 80?"
"What? You're such a lame ass!" At tinawanan nya lang ako. 80kg lang ang max ko ibarbell, but I can run 5-6km sa treadmill naman.
"Shut it. Cocky bastard, aren't ya?" Duhh.. use the wrong word, why don't I?
"Cocky? I like that.. gusto mo hawakan?" Ngingisi ngisi sya habang hinihila ako padikit sa kanya. Tumama ang kargada nya sa tyan ko, naka half mast na yun.
"No thanks. Liit eh." Poker face switch on. Lakas ng kabog ng dibdib ko. May morning wood pa talaga ako. Baka tuluyan nang mag full salute yon.
"Ha! Liit daw? Daming nasarapan dito noh."
"You are one cocky SOB." *smirk smirk*
"Hawakan mo kasi para malaman mo kung 'cocky' nga ako." Gumanti sya ng smirk.
"Hentai! Anata wa iyarashii! (Manyak! Kadiri ka!) Bangon na nga…" kinurot ko ang tagiliran at ilong nya.
"KJ mo naman… dapat yung sa baba ang kinurot mo." nakangisi na naman sya. Maya maya pay hinalikan na naman nya ang noo ko. Ilang beses yon, hanggang bumaba sa leeg ang halik. Nakikiliti ako nun, tapos biglang kagat.
"Aray ko putang ina ka!!" Sigaw ko naman. With matching reflex knee jerk. Napaupo ako sapu-sapo ang leeg ko.
"Hheeeuukkk!!!" Napa baluktot ng higa si Ryou, namula at nanlaki ang mga ugat nya.
"Gago ang sakit nun putang ina!!" Kinapa ko ang leeg ko at may basa. Akala ko laway lng nang mofo (mas mataas infection rate ng human bites pero mas malaki ang direct injury from animal bites), pero nang tingnan ko ang daliri ko eh may dugo. "Hoy gago ka talaga!! Dumugo yung kagat mo!! Mother fucker!!"
"Sen..s…tama muna…ugghh…" pigil nya sa akin. Halos lumuwa ang chinito nyang mata at hawak hawak ang Yamashita's treasure sa ibaba. Napagtanto ko, siguro may tinamaan yung tuhod ko…?
"Pakshet ka kasi…sorry!! Sorry!! Masakit ba?" Magkahalo ang galit at concern ko nun, pero mas nangibabaw ang gusto kong tumawa.
"Palagay mo?" Sabi nya habang namimilipit pa din at habol ang hininga. Haha, oo nga no? Ang bobo ng tanong.
Hindi ko napigilang tumawa sa kanya. "Ikaw kasi eh…hahaha!! Sorry, sorry talaga… bwiset ka kasing animal ka eh… aso ka ba?" Hihi..ako na lang bitch mo?
"Sorry… natakam ako eh." Buti na lang talaga namula ako sa galit, kundi malalaman nya na nagblush ako dun. Pa keyeme na naman ako.
"Gago!! Ano, masakit pa? Kaya mo na tumayo?" Tanong ko. Di ko alam kung hahawakan ko sya. Baka kasi gantihan ako.
"Sandali lang… sakit pa, hufff…hufff… yakap please?"
"Aga aga minamanyak ka! Tara na nga sa baba!"
"Sige.. kisspirin na lang?" Sabay nguso sa akin.
"Hoy tumigil kang manyak ka ha.. Kadiri kaya!"
"Hug na lang please? Sige na… baka maimpotent ako nito, sige ka." Pangongonsensya nya.
"Buti nga para matigil yang kamanyakan mo.. nakuuu!!" O tukso, layuan mo ako!
"Hug mo na nga ako… Sumbong kita kay Orio? Magaling pumatay yun. Di nate-trace.."
Tang-inang biro yan! Diba jokes are half-meant truth? Gago talaga… baka totohanin nya! Di pa nga nasusulat ang pangalan ko sa mga libro tapos mawawala na ako sa mundong ibabaw? Hell no! Sige, yakap kung yakap. Tutal gusto ko din naman.
"Talagang wala akong option eh no? Lika dito!" Nayayamot kong tugon.
"Ikaw lumapit, babe. Sakit ng jewels ko…" hay syet! Manok pa ba palalapitin sa palay?
Wala akong choice kundi mahiga ulit at yumakap sa kanya. Tawagin ba akong babe? Nangingisay na naman yung mga bulate ko sa tyan.
"Oh ano, masakit pa ba?" Tanong ko.. mga 10 minutes ata kaming ganun, ako yung nakayakap sa kanya tapos nasa dibdib ko yung ulo nya. Konting gawi sa kanan o sa kaliwa eh masasagi nya talaga nipples ko.
"Hmmm.. konti pa." Nang aasar na tong mofo na to eh. Baka tigasan ulit ako. Iwas sa mansanas ng temptasyon Eba!
"Tara na, okay ka na eh. Tulong tayo sa kusina." Pilit ko sa kanya. Para kaming mag-asawa nito. Hihi.
"Tsk.. sakit pa nga eh." Umangal na naman sya, pero bumangon na din ang loko. Mukhang wala na ngang sakit. Sabay kaming nagtoothbrush bago bumaba. Biruin mo, magkatabi ang toothbrush namin sa lalagyan. Indirect kiss! Sya pa mismo ang naglagay ng band-aid dun sa sugat ko, pero makikita pa din yung pamumula na lumagoas sa band-aid. Ang laki pala nun. Sinuntok ko sya sa dibdib pero mas nasaktan pa yung kamao ko kaysa sa kanya. Pinahiram nya ako ng shorts at shirt nya na talagang malaki sa akin. Medium ako, L/XL naman sya. Mahahaba pa ang limbs nya. Guysss.. kakapalan ko na ang mukha ko. Boyfriend shirt itech!
Bago kami lumabas ng kwarto nya ay tinulugan pa nya akong tupiin ang sleeves ng shirt nya. Hinalikan nya pa yung leeg ko sa taas ng band-aid. Halos maglulundag ako sa kilig, at kinagat ko ang inner cheek ko para di ako mapa smile. Bumaba kami ng hagdan na nakahawak sya sa bewang ko habang nakasunod sya sakin, yan tuloy nagmukha kaming caterpillar. Ayoko namang bigyan ng malisya ang mga body language ni Ryou, kaya inenjoy ko na lang. Sadyang malambing lang siguro sya pero infairness di ko maiwasan na kiligin sa kanya.
Pagdating namin sa first floor eh malinis na ang lahat. Wala na ang mga nakahandusay na katawan, nailigpit na din ang mga boteng nakakalat kagabi. Nagpalitan kami ng good morning. Napatigil ako nang makita ko ang garden nila na hindi ko napagmasdan kagab. Ang ganda nito; malawak, andaming mga halaman, at may Koi pond duon sa ilalim mismo ng verandah nila. Tuwang tuwa ako dahil may mga koi duon. Sa bahay kasi ay may garden din kami bagama't walang koi. Yung bamboo pump lang meron kami, at mostly dry garden ang sa amin.
Parang mini Kenrokuen Garden ito na may malaking pond (maliban sa koi pond duon sa verandah) at may stone bridge. Later on, naikwento ng Lola ni Ryou sa akin na tea garden ito, kaya may stone path papunta doon sa tea house nila sa likod (ibang kwarto ang ginagamit nila para sa katame-no-sakazuki [exchange ng sake as pledge of friendship]. Mas malaki yon para ma accommodate ang mga importanteng witness sa bondinh ceremony na yun). Niyaya ako ng Lola nya na mag tsaa doon mamaya, na sinang-ayunan ko naman. Marami silang sakura trees doon, at sabi ng iilan kong natanong ay parang party kapag nagtitipon silang lahat at maglalatag ng maraming tela doon para sa Sakura Viewing tuwing April. Madaming pagkain na pampicnic ang inihahanda ng mga kusinero, syempre di mawawala ang onigiri. Sabi nga ni Lola, parang inherent na sa lahat ng Japanese ang mahalin ang sakura, kung kaya't meron talagang araw sa pagview nito.
"Alam mo ba, pinakamagandang tingnan ang sakura sa gabi, yung punong-puno ito ng mga buko na malapit nang mamukadkad. Para 'yong mist na tinatabunan ang mga puno under the moonlight. " Dagdag ni Ryou.
"Hmmm.. I'd like to see that someday…" wala sa sarili kong tugon.
"Then come back here so I can look forward to seeing it with you." Nginitian nya ako.. parang may nag babanda naman sa loob ng dibdib ko nang marinig yon. Alam ko nag blush ako, pero hindi ko pinahalata. Natawa na lang sya at hinalikan ulit ang leeg ko - same place kung saan nya ako kinagat.
Niyaya ko si Ryou na pakainin ang mga Koi, at tawa lang ako ng tawa the whole time. Hindi ko nga napansin na maraming nakatingin sa akin habang tumatawa ako, lalo na itong kasama ko. Nag eenjoy ako ng husto. Papasok na sana kami ng kusina pagkatapos magpakain sa Koi nang may narinig kaming hiyawan at tawanan dun sa pinagkainan namin kagabi. Sinilip namin yon, at nakita namin sina Rin at Orio na sige pa din ang inuman. Talaga ngang inabutan na sila ng araw sa inuman. Naks!! Stomach of steel and liver of iron itong dalawa.
"Dad! Umaga na ah. Tama na yung inom." Saway ni Ryou sa ama nya, habang binatukan naman nya si Orio.
"Bocchan naman eh…" reklamo ni Orio, na biniyayaan na naman ng isang malutong na batok mula sa amo nya. Napaluha na lang ito. Nagtataka man, hindi ko makuhang magtanong kung bakit hindi gumagalaw ang shades (take note: Oakley XX 2012, sosyal!!) nya kapag inuupakan sya ni Ryou. Ginamitan siguro nang Bulldog Superglue, yung may commercial na nilagyan ng Bulldog ang sapatos tapos binitay ng patiwarik yung kalbong mama? Ganun kakapit ang sunglasses nya.
"Ah, good morning po." Bati ko sa kanila.
"Ah, good morning!" Masiglang bati ni Rin bago sya napatigil. Nagkatinginan sila ni Orio habang kunot noo naman ako.
"Aheem… bawal muna mabuntis ha." Mahinang sabi ng ama ni Ryou.
"Po?"
"Wala, wala!" Ngisi lang ang kaninang umiiyak na Orio. "Hmmm.. baka Ane-san na ang itawag ko sa kanya sa susunod, Boss?"
"Anong kabobohan na naman ang pinagsasabi mo jan?" Unti-unting namumula ang tenga ni Ryou. Nakatanga lang ako, pabalik-balik ang tingin sa kanilang tatlo. Hindi ko sila masundan.
"Nakuu, wala yon! Hehe, baka pwede mo kaming kunan nang kape, Ai-chan?" Huh? Ai-chan? Tinamaan na siguro ng alak itong si Rin.
"Haaay! Dad, Orio! Tigilan nyo na yan. Kunin nyo sarili nyong kape sa kusina!" Nag tantrums na naman ang toddler sa tabi ko. Lakas pa naman nang boses nya.
"Haha.. bakod lang? Uyy…" tukso ni Orio, na sinuklian naman ni Ryou ng paa sa mukha nya.
"Kingina ka Orio, tigilan mo ako ha. Tatambakan kita ng trabaho ngayong araw tarantado ka!!" Saway ni Ryou at gigil na gigil nyang pinagsisipa si Orio. Tawa lang nang tawa si Rin. Sadista nga naman.
"Hoy tama na. Sasakit ulo nyan." Saway ko naman sa kanya. Tumayo na si Rin, ngunit lumingon ulit nang makarating banda sa pintuan.
"Kelan ang kasal?" Nakangisi si Rin nang magtanong.
"Po?"
"Aha! Aha! Haha.. gusto mong subukan mag seppuku (death by disembowelment; uri ng ritual suicide)?" Matalim pabinigay nya sa ama, na sya namang humalakhak.
"Sya… Orio hali ka na.. Oy kid, sabihin mo samin ha? Baka magulat na lang kaming buntis ka. Saka… itago mo nang mabuti yung marka mo. Baka mainggit kaming mga single sa ginawa nyo kagabi." At humalakhak sya ng pagkalakas-lakas na wari'y maririnig sa buong bahay. Sa inis ni Ryou ay tinapon nya ang ashtray dito, pero naisara na ng ama nya ang pinto kaya't hindi ito tinamaan. What the hell? Nag-init ang mukha ko. Kung alam mo lang ang nangyari kagabi, Waka. Kung hindi lang ako muntikang mamatay sa bigat ng anak nyo eh baka nga nabuntis na ako ng ilang beses. Lol.
"Hayaan mo yung baliw na yun. Tara, kitchen's this way." Anyaya ni Ryou na nauna nang naglakad, kaya't sumunod na lang din ako. Namumula naman ang batok at tenga nya. Putik, nakita ata ng tatay nya yung band-aid sa leeg ko at kung anu-ano ang pinag-iisip. Tinaas ko na lang yung kwelyo para hindi makita nang iba.
"Good morning, Ryouichiro-Bocchan." Parang chorale na sabay sabay ang sumalubong samin nang makapasok sa kusina. Malaki ito, at andaming mga kagamitan. Sa buong bahay, ang mga banyo at kusina lang ang nirenovate para ma preserve pa din ang pagiging traditional. Naroon sa isang sulok ang kamado (parang kalan na open fire) na nasa gitna nang irori (fire pit). May sliding door na papunta sa dining hall, at may pinto papunta sa labas. Baka connected duon sa pinagkukunan ng panggatong. Marmol ang mga countertop, bagamat simpleng concrete ang sahig at kahoy ang mga aparador. May double-door fridge at isang malaking chest freezer din sila. May isang maliit na pintuan doon sa gilid, at nalaman ko na papunta yun sa cellar na pinaglalagyan ng mga sake at importes na wine nila.
Nagkanya-kanya kami ni Ryou, at dahil mahilig naman akong magluto ay duon na ako sumama sa mga nakakatanda at masaya kaming nagkukwentuhan habang nagtutulungan. Since hindi ko pa kabisado ang pagluluto ng Japanese, nagpaturo na din ako sa kanila. Si Ryou naman ay tumulong sa pagsisibak ng kahoy, na syang naging atraksyon duon ng mga kababaihan, young and old, at pati na din ako. May kung anong pagkayamot akong naramdaman kapag napapa'haaayyy' ang mga dalaga doon. Hindi nama alintana ng mga lalaki na inagawan sila ng trabaho ng amo nila, bagkus ay nag cheer pa sila dito. Nagkakatawanan at nagbibiruan pa sila. Ang nakakatawa lang eh bakit ang aga aga, naka shades at naka porma na yung iba. May nag ala cowboy pa na fashion. Labas ang mga tattoo sa braso nila.
Doon ko nalaman na hindi lang babae ang humahanga sa kanya, kundi pati na ang mga shatei (little brothers) at mga kyodai (big brothers). Isa daw sya sa mga pinakamalakas sa grupo at mapagbigay sya sa mga ito. Katunayan daw ay nagagalit sya kapag binibigyan sya ng regalo ng mga ito tuwing birthday nya. Ayaw daw nyang gumastos ang mga subordinates nila sa mga bagay na hindi naman importante kahit pa nga alam nila ang gusto nito. Mahal sya ng mga ito.
"Sana nga ay mabait na babae ang mapangasawa nya at mabigyan sya ng maraming anak." Sabi ng head cook nila.
"Hmm, oo nga! At dapat responsable yun, at mahal ang Bocchan natin." Sang-ayon naman ng isa. May mangilan ngilan pang nagpahayag ng kanilang mga saloobin.
"Maganda.."
"At matalino…"
"Siguro yung matiyaga…"
"Mas gusto ko kung maunawain…"
"Haha! Eh yung malaki ang dibdib?"
May kumirot na naman sa dibdib ko. Babae ang gusto nila. Wala ako lahat nun, at tanggap ko naman yun. Pero bakit parang nasasaktan ako? Kaibigan ko si Ryou…pwede kayang maging ka-ibigan? Papayag kaya siya kung ako…. haha! Ano ba tong iniisip ko? Syempre kailangan nya ng tagapagmana at di ko kayang ibigay yun. Mejo nalungkot ako dun..
"…sei"
Papano kaya kung mahulog ako sa kanya? May pag asa din kaya ako? Mahuhulog din kaya sya sa akin? Lalayuan kaya nya ako kapag nalaman nyang bakla ako? Pandidirihan nya ba ako? O matatanggap nya pa din ako?Andaming tanong na bumabagabag sa isip ko. Kaya hindi ko namalayan na may tumatawag sa akin.
"Sensei!" Tapik sa akin no Ryou.
"Huh?" Wala sa sarili kong sagot.
"Ayos ka lang? Tulala ka yata ah?" Tiningnan ko sya. Pawisan sya, at bumubulto ang mala-bato nyang mga braso. Naghubad sya ng pang-itaas kaya't tumambad ang makalaglag panga nyang abs. Pinampahid nya yon sa basa nyang ulo at katawan. Ni hindi nga sya hinihingal sa dami ng kahoy na sinibak nya eh. Tumalikod sya sa akin, at parang gumagalaw ang malaking dragon na tattoo sa likod nya. Ang ganda ng pagkakagawa nun. Parang pinoprotektahan nito ang tatlong sakura na nasa gitna. Namangha ako dun sa tattoo at hindi ko namalayan na humarap sya ulit. Agaw pansin din ang butil ng pawis na tumutulo pababa sa pusod nya. Ano kaya ang lasa nun? Ilang beses akong napalunok, parang tuyong-tuyo ang lalamunan ko. Muntik na akong mapadila sa labi ngunit narinig ko ang pagtikhim ng mofo.
"Heh, makabutas-pader yang tingin mo ah?" Natauhan naman ako. Nakapamewang ang mofo, malaki ang ngisi sa mukha. Para syang si Hideo Muraoka/Bernardo Velasco noon, mas maganda lang ang ngiti nya. Poker face mode on.
"Aba syempre! R18+ yang ginagawa mo noh, alam mong may mga bata dito! Striktong patnubay at gabay ng magulang ang kailangan!" Hirit ko. Pwede na akong pang Oscars sa galing ko umacting eh.
"Sooo.. anong klaseng tema kaya ito? Lemme guess.. sexual?" Hinimas himas nya pa ang baba nya na parang nag iisip.
"Horror." *smirk smirk*
"If I know, kanina ka pa naglalaway sa abs ko." At nag pose pa ang mofo.
"Ughh.." *eye rolling* "Puh-lease. Naglalaway ako kasi ang bango nang nililuto dito. Alis na, shoo, shoo! Mas matapang pa amoy mo sa sibuyas eh. Alis na, baka mahawa sayo at mag amoy bulok ang pagkain!" Pagtataboy ko sa kanya.
"Sus! Palusot pa kasi." Biglang nagliwanag ang mata nya at itinapon sa akin ang pawisan nyan tshirt.
"Eeewww!!! Hentai ka talaga!" Binato ko ulit sa kanya ang damit nya. "Uugghh! Mag aamoy bulok na ako nito!"
"Hindi ah! Ang bango nga nang pawis ko eh." Bigla na naman nyang pinunas sa mukha ko ang damit nya. Sheeeettt! Ambango nga! Wait…control yaself, madafakka!
"Eeww! Yuck kadiri!! Bleeerrgghhh!!" Umakto pa akong nasusuka. Pinagtatawanan lang kami ng mga tauhan nila doon.
"Good morning, Aiden-sensei, Ryou-Bocchan." Bati ni Uchida na kakapasok lang sa kusina. Naka white sleeveless, gray tie, at itim na vest at pants.
"Ah, good morning Uchida." Nakangiti ako sa kanya. Tumango lang si Ryou.
"Sensei, Bocchan, Uchida-san, punta na po kayo sa dining hall. Ihahanda na po namin ang pagkain." Sabi ng isang katulong.
Nakasama ko sa hapag ang Kumicho, si Lola, Rin-sama, at Ryou. Nagtaka ako bakit hindi nakikikain si Orio at si Uchida. Inisip ko malamang eh dahil yon sa respeto, kaya mejo nailang naman ako. Simpleng breakfast lang yun. Kanin, tofu and miso soup, pritong salmon, tamagoyaki (rolled omelette) at salad vegies. Nag tsaa na din ako. Masaya ang kwentuhan namin bagama't nahihiya ako kapag nakikita kong nakangisi si Rin.
Pagkatapos nun ay naglibot muna kami ni Ryou sa garden nila, at talaga namang sariwa ang hangin dito. Hindi mo aakalain na nasa Tokyo ka dahil tahimik ang lugar. Maya maya pa ay bumalik na din kami sa loob ng bahay. Nakaupo ako nun sa kotatsu at naglalaro ng Shogi (Japanese chess) kahit di ako marunong. Mapagpasensya naman si Orio sa pagtuturo, habang si Uchida ay nirereview ang mofo para sa exam nito. Naroon din si Rin na nagtatrabaho ng tahimik at kaharap ang laptop nito. As usual, naka kimono lang ito, at paminsan-minsang tinataktak ang tabako sa ashtray sa harapan nito.
Nang matapos sa pagrereview ay agad lumapit si Ryou sa amin at nagbalat ng mikan orange na inihatid ng isang shatei kanina. Susubuan nya sana ako na isa pero umiling ako.
"Bakit?" Pilit nyang dinidikit ang pirasong yun sa bibig ko.
"Allergic ako…" simple kong sagot habang umiiwas sa kanya. At dahil nga mahaba ang kamay ng mofo ay naidikit nya ito sa bibig ko.
"Hmph, sayang naman." Nakabusangot sya at kinain mismo ang hawak nyang piraso ng orange na dumikit sa bibig ko. Namula kaagad ako dahil sa ginawa nya.
"Aiyee!! Indirect kiss!" Tukso naman ni Orio.
"Haha.. ayos lang yon." Tawa nang tawa ang mofo. Tumayo naman ako para mag unat ng paa at para maitago ang namumula kong mukha. Naglakad lakad ako banda sa may sofa, na sya namang tinungo ng mofo at inupuan habang pumapapak ng orange. Napaisip ako ng schedule ko para bukas, kaya nabigla nalang ako sa sumunod na kaganapan.
"Hoy! Nako-conscious ka? Dumbass." Tukso ni mofo, at biglang tinapik ang harapan ko.
"Aacckk!!" Nabigla ako at tinakpan ko ang harapan ko. Katahimikan….
"Abaaaa… hindi na masama ah!" Ngisi nya na parang demonyo.
"Ano bang ginagawa mo at nanghahablot ka basta basta?!" Bulyaw ko habang nakatakip pa din ang kamay ko sa harapan ko.
"Hala! Di maaaring may kalakihan yang sa'yo. Patingin nga ulit!" At hinawakan nya na ang bewang ko.
"Aaeecck! Ano'ng ginagawa mo!" Pilit kong iniiwas ang katawan ko pero malakas talaga sya. 80kg vs
180kg ang bench press na pinag-uusapan dito, 100kg ang lamang nya. Paksheet.
"Wag ka ngang magalaw!"
'Ah..ano kami? Invisible?' Isip isip ni Rin, Orio, at Uchida ng mga oras na yon.
"Sige ka, pag pinagpatuloy mo yan susumbong kita sa Lola mo!" Tumigil ang kamay nya. Ngumiti sa akin nang pagka laki.
"Sige gawin mo. Ise-serve ko ang ulo mo sa pinggan tapos ipapaanod ko sa Shinano-gawa*." Ngumiti sya ng nakakaloko at nag umpisa na naman akong galawin. *pinakamalaki at pinakamahabang ilog sa Japan.
"Eh hindi nama yan mangyayari kung-"
TOK..TOK..TOK!!
Natigil ang pagpupumiglas ko at nabaling ang tingin namin sa pintuan. Saved by the bell!! Dali-dali akong kumawala at inunahan si Orio sa pagbukas ng pintuan. Pagpihit ko ng doorknob ay bumangga ako sa pader. Huh???
"Hukk!! Aray… ano kaya yon…" hawak hawak ko naman ang ilong ko at nang tumingin ako sa pinto ay nagulat ako. 'Bear! He's not human, he's a freaking BEAR!!!'
"Sino kang gago ka?" Nakataas ang kaliwang kilay nya na may peklat, nakakapanindig balahibo ang malalim nyang boses. "Bago ka ba? Anong ginagawa ng isang 'pretty little bitch' na kagaya mo dito?" Dagdag nya at parang kinikilatis nya ako.
"Po? Ahm..kasi.."
"Bata, bukas nga pala zipper mo." Sabay turo sa BUKAS ko ngang zipper.
"Grrr!! Ikaw talaga..!!" Dali-dali kong itinaas ang zipper ko at tinapunan nang matalim na tingin ang mofo na nakangisi dun sa sofa. At hindi yon nakalampas sa paningin nitong Oso.
"Ah.. ganun pala. Nagbago na ang type ni Boss ah." Tugon naman nya at tumalikod na… Langhiya! Nakalimutan ko ang status ko bilang Doctor sa harap ng mga gangsta na to ah!
"Ah, magandang araw idol!"
"Kamusta na po chief?"
"Idol! Tagal nating hindi nagkita ah!"
Tuwang-tuwa ang mga tauhan pati na si Orio nang makita ang lalaki. Ang iba nga ay pumasok pa doon sa kwarto.
"Ah, tagal na din mga bata." Sabi nya bago humarap at nag bow ng lampas tuhod kay Rin na nag-eenjoy sa napapanood nya, pati na din kay Ryou. "Magandang araw po, Waka, Boss Ryou."
Halos magkasing tanda sila ni Rin pero 'Boss' ang tawag nya kay Ryou. Bakit kaya? Nakipag-usap ang malaking mama dun sa mag-ama.
"Ah, sya si Black Bear. Naging alamat yan dati sa grupo, lam mo ba?" Pagmamalaki ni Orio nang magtanong ako sa kanya. Heeeh?? Kelan pa naging alamat ang isang buhay na tao?
"Noong nag-eexpand kami ng teritoryo matapos nagkaayos ang mga bigwig eh may nakaaway kami na grupo. Halos patas ang dami ng myembro ng dalawang grupo at nagtagal yung away. Nagdesisyon na lang na gawin yung old-fashioned na pag-aaway: one-on-one, winner takes all."
"Si Ryou-Bocchan ang nagrepresenta sa grupo nun. Umayaw kami pero pumayag ang Waka, para na din mapatunayan ni Bocchan ang sarili nya noon." Dagdag ni Uchida.
"Hah! Nakahanga si Bocchan nun! Biruin mo, wala pa syang bente nun?"
"Ah… Har…har.." pilit kong tawa. As if dapat ika-proud yon!
"Tapos yung si Black Bear ang galing sa kabila, hinarap nya si Bocchan." Huh? Sa kabilang grupo?
"Haayy.. ang tinding bakbakan yun. Sa huli, nanalo pa din si Bocchan. Hanep! Tapos bigla na lang lumuhod at nag bow si Black Bear saka sinabing 'Simula ngayon, pagsisilbihan kita at makikipag-away sa tabi mo!'"
"Tapos, tapos… kinabukasan halos mabaliw kami sa grupo dahil dun sa ginawa ni Black Bear. Bata pa masyado nun si Bocchan." Dagdag nitong isang myembro nila na kaedad ni Ryou. "Parang pelikula yung nangyari. Tapos na isip namin, Ah! Boss nga talaga sya! Simula nun, lumaki ang nasasakupan ng grupo. Hindi nagtagal, naging kanang kamay ni Bocchan yan si Black Bear. Napanatag kami nun."
"He's the shit -- ang nabuhuhay na alamat. Tapos mga 3yrs ago, nag asawa at tuluyan nang tinalikuran ang buhay yakuza. Pinayagan naman ni Bocchan. Ayun, nagtayo ng negosyo. Pero balita ko parang hindi maganda ang lagay nya ngayon." Pagpapatuloy ni Orio.
This just keeps getting better and better. Mejo natahimik kami kaya nagtimpla ako nang kape at lumapit sa sofa kung saan nakaupo yung Oso. Bisita sya, bisita din ako. Wala naman sigurong masama kung ngingiti ako sa kanya, diba?
"Ah.. kape po, sir?" Sabi ko, with matching ngiti, tapos inabot ko ang kape sa kanya. Natigilan sya.
Eh?????
*Generally, ang mga "tough" men ay helpless sa mga "submissive"*
"Ahemn.. hindi naman pangit ang itsura mo bata. Anong trabaho mo?" Tanong nya sakin na hindi makatingin. 'BATA'????? Yes for peace na lang. Baka upakan pa ako nito, siguradong butas ang tyan ko. Ano bang ibig sabihin nya?
"Sir? Ah! Doctor po ako."
"Ganun ba… edad?"
"32."
"Anong trabaho ng mga magulang mo?"
Ha???
"Kono yarou Black Bear! (Black Bear, you shit!)" Malakas na bulyaw ni Ryou kasabay ng pagtama ng ashtray sa noo ni Black Bear. "Nani hanashite no aho?(Anong pinagsasabi mo idiot?)"
"Aray ko po…"
"Uhmm.. Ah! Balita ko po mejo taghirap tayo. Kamusta po ang negosyo natin Sir?" Tanong ko ulit habang inalalayan sya sa paglalagay ng yelo sa ulo nya. Mag-amang sadista talaga ang nakatira dito. Di na ako nagtataka kung bakit bugbog sarado ang mga alipores nila. Si Uchida lang ata ang makinis dito eh. Ah, si Ryou pa pala.
"Tsk.. isang maliit na tang nang karinderya lang yun. Isa pa, nagkamali na naman ako dun kaya tyak na palalayasin ako dun. Sino ba naman ang baliw na tatanggap ng ex-con diba? Babalik nga sana ako dito sa grupo pero sabi nga ng asawa ko: 'gusto mo bang malaman ng anak mo na ganster ka'?"
"Hahaha! Kauna-unawa talaga yan!" Kantyaw ng mga kasama nya.
"Lalaki ang mga bata kaya lalaki din ang tang nang gastusin. Kung ganito ang takbo nga buhay ko, siguradong dalawang araw lang itatagal ko." Napasandal sya sa sofa. "Haaay! Ginagawa na nga yung tama, wala pa ding pagbabago. Tang inang buhay to oh."
Hay.. kawawa naman sya. Pwede kaya sya dun sa ospital? Tanungin ko kaya---
"Nakakatawa ka." Imik ni Ryou sa gilid kaya napatingin kami sa kanya. "Wala namang nagpupumilit na manatili ka sa ganyang buhay ah. Tangna, tiis ka nang tiis kaya nagkakaganyan ka."
Ehhh.. kanina lalaking-lalaki ka tapos ngayon magta-tantrums ka naman na parang bata? Tsk..tsk..
"Putang ina, naiinis ako. Oo nga may record ka dito pero hindi lang naman Tokyo ang syudad sa buong Japan ah? Kaya hindi ko naiintindihan kung bakit lahat ng puta eh ngawa nang ngawa kung hindi sila umaasenso dito. Hay bwiset, naiirita ako sayong gago ka!" Tumayo sya at lumabas ng kwarto.
Tang-ina here, tang-ina there, tang-ina everywhere… dudugo na yata eardrums ko sa kanila eh.
"B-boss…" lumuha si Black Bear. Napangiti ako.. Haay, nagpipigil pa nang emosyon eh. Ilabas mo kasi yan. Pati si Rin ay mukhang nag eenjoy.
"Sundan mo na." Sabi ko sa kanya. Ayaw pa sana nyang tumayo pero tinulak ko sya. "Dali!"
Tumayo si Oso saka dali-daling sumunod kay Ryou at sinara ang pintuan. Nakasandal kami nina Orio, Uchida, yung dalawang underlings, pati na si Rin doon sa pinto para makinig sa pag-uusap ng dalawa.
Thwap! "B-boss! Ang dami na ng nagawa mo para sa akin. Hindi ko pwedeng tan--"
"Wag mong pagurin ang sarili mo sa pagkakayod hanggang buto sa isang shithole na lugar na to." Putol ni Ryou sa protesta ng Oso. Palagay ko ay pera yon o di kaya bankbook ang binigay sa kanya.
"Umuwi ka sa probinsya nyo, magtayo ka ng sarili mong negosyo dun." Dagdag ng nakababatang lalaki. "Isa pa, noon mo pa ako kinukulit at pinagpipilitan na sumama sa'yo pabalik sa probinsya nyo diba."
Natahimik nang matagal sa labas ng kwarto kaya't nagtaka kami… maya-maya pa.
"Maraming salamat, Boss."
"Ahmm.. Boss? Pwede po humingi ng pabor? Gusto ko sana makasama kayo sa labas kasama nung kasintahan nyo…"
"Huh? Kasintahan? Pano mo naman nasabing meron?"
Haaa? Merong kasintahan si Bocchan? Nagkatinginan kaming lahat. Mejo may kumirot ng konti sa puso ko.
"Boss naman, nagmamaang-maangan pa eh. Matagal na tayong magkakilala."
"Baka na jai no? (Hindi ka naman tanga, ano?)"
"Tinutukoy ko yung 'cuddly porcelain dollface' na nanjan sa loob ng kwarto." Mejo excited pa na report ni Oso.
Nagkatinginan kaming lahat. "Cuddly porcelain dollface"? Ilang sandali pa at lahat ng mata ay nakatutok na sa akin.
"Haaa???!! Ako?? Sa tangkad kong ito?" PUTANG INA!! Kailan pa naging 'cuddly' ang 5'11?
The pain, the humiliation!! I've never felt so emasculated my whole life. My height? Are they friggin' serious? Except I didn't say 'friggin'.
Habang nagluluksa ako ay biglang bumukas ang pintuan. May humablot sa kamay ko.
"Halika, Sensei!" Si Black Bear yon.
"Sandali lang! Hindi ako yun!"
"Ah, Waka-gashira! Labas na kami. Babalik ko si Boss Ryou mamaya." Tinaas lang nang sadistang ama ang kamay nya habang kinakaladkad ako palayo ng mabangis na hayop.
"Ryou-Bocchan! May kendo practice ka mamaya!" Paalala naman ni Orio.
"Alam ko."
"Sandali lang! Waaaahhh!!" Walang nakarinig sa mga pagtutol ko.
- makalipas ang 30 minuto -
"Ahaha, Sensei! Nung una kitang nakita sabi ko 'bah! Gandang lalaki nito ah!'. Kala ko nga eh playboy ka. Mali pala ako. Hehe, nakahinga ako ng maluwag! Magkakasundo kayo ni Boss Ryou nito! Magaling kang makisama, tapos matalino ka pa! Ang swer--- gghhuuukk!!"
Hindi na ako nagulat nang may lumipad na naman at tumama sa noo ni Oso. Kung ano man yon, wala na akong pakialam. Makukuha ko na yata ang Guiness World record sa longest fake smile record.
"Anong akala mo dito? Blind date?!" Sigaw ni Ryou.
Okay, fine. Pero… ano itong tatlong lalaki sa aerial tram?? Na-iimagine ko pa din yung look of disgust nang operator kanina pagsakay namin. Binayaran ba naman ang 18-passenger gondola para masolo naming tatlo. Tsk..tsk..tsk.. Nagiging weird ang sitwasyon pero kailangan kong maging optimistic.
Ah, sige sige. Mag-iimagine na lang ako na nasa 'date' ako with the hottest guy on Earth. After all, how often do I get to ride on a tram with someone so handsome? Heh.. gusto ko tong idea na 'to. Well, gwapo naman talaga si Ryou. Brusko sa labas, gentleman sa loob. Perfect blend ng Yin at Yang. Crouching tiger, hidden dragon be like.
"Tapos naalala mo Boss, parang ganito ako… blah..blahh..blah..MUHAHAHAHA!!"
Uuurkk.. masyadong baritono tong boses ni Oso. Hirap mag imagine. Pero considering kung paano nya hinanda yung pera, tapos pumunta dito kahit na magrereview pa sya eh nagpapakita lang na talagang may malasakit sya dito kay Black Bear.
"Hmm.. kanina ka pa nakatitig ah." Puna ni Ryou. Aba't! Grrrr…
"Boss, wag mong takutin yung bata. Dapat maging sweet ka sa kanya." Saway ni Oso na ngayo'y nakahawak sa balikat ko, waring pinoprotektahan ako. Magkatabi kami, nasa harap namin si Ryou. Kitang-kita ang ganda ng tanawin sa Mt. Fuji.
"Tang'na! Sinabi kong tama na!"
"Gghhuukk!" Ayun, may tumama ulit sa noo ni Oso. Tsk, napaka hot-tempered nitong mofo na ito ah.
"Umm, Boss. Bago sana ako umalis may gusto akong makita."
"Ano naman?" Nakakunot ang noo nya, pero di ito nakabawas sa kagwapuhan nya.
"Gusto ko sanang makita na maligaya ka. Pakiramdam ko makakauwi ako sa probinsya na panatag ang loob ko." Nakangiti si Oso na naka bow nang kaunti, seryoso sa hiling nya ngunit nandun pa din yung respeto.
"Haaayyyhhh.." buntong hininga naman ng Bocchan. Teka, teka! Bakit sa akin sila nakatingin? Eehh??
Unti-unting lumapit sa akin si Ryou, nakatutok ang mata nya sa mata ko. Nagsimula na namang bumilis ang tibok ng puso ko, parang sa karera ng kabayo. Malakas, mabilis. Parang kinakabahan ako sa mangyayari. Gusto kong umiwas ng tingin pero hindi ko magawa. Parang may magnetic force ang tingin ni Ryou, at ako'y isang walang kalaban-laban na bakal na nahihila papunta sa kanya. Tumigil sa pag-ikot ang mundo, tumigil ang pagpatak ng bawat segundo. Naglaho ang mga tunog, nawala ang mga tanawin. Tanging ang malalakas na kabog ng puso ang aming narinig.
Nabigla na lang ako nang kabigin ni Ryou ang aking ulo at siniil ng maalab na halik ang aking mga labi. Nang maramdaman ko ang kanyang malambot na labi ay hindi ako nagdalawang isip na sagutin ang kanyang mga halik. Pumasok ang dila nya at hinalughog ang bunganga ko, tila may hinahanap. Bawat sulok ay dinaanan, walang pinalampas. Nang matagpuan nya ang dila ko ay tinudyo nya ito, dahilan upang masipsip ko ang dila nya. Binawi nya ang dila nya, at parang ulol na lumabas ang dila ko para habulin yon, at pumasok na din sa bibig nya. Sinipsip nya iyon, at napaungol kaming dalawa ng mahina.
'Kung maghalikan eh parang wala ako dito..' sa isip ni Black Bear. "Aahhheemm, ahem!"
Pareha kaming nabigla sa tunog na yon, waring nagising mula sa masarap na panaginip ng napagsaluhang halik. Minulat ko ang aking mata mula sa pagkakapikit at tumingin sa lalaking hawak-hawak pa din ang pisngi ko. Nagkatinginan kami, nangungusap ang mga mata. Muling bumalik ang ingay ng paligid, ang mga tanawin, ang mga taong paroo't parito. Napagtanto ko na narating na nang tram namin ang station at nakahinto na ito. Nag init ang mukha ko. Nauna nang lumabas sina Ryou.
"Shit… he'a a good kisser." Naibulong ko.
"Boss, hindi na po ako babalik dito sa Tokyo pagkatapos kong umuwi ngayon." Sabi ni Oso habang naglalakad kami patungo sa exit ng parke. May konting bahid ng kalungkutan, pero mararamdaman mo na nabunutan sya ng tinik. "Ang laki ng utang na loob ko sa'yo at --"
"Mahirap makahanap ng isang taong tapat at mapagkakatiwalaan kagaya mo." Putol ni Ryou kay Oso. "Alam kong mahirap magtrabaho sa katulad kong tarantado, kaya… Salamat."
At inilahad ni Ryou ang kanyang palad kay Oso. Maluha-luha naman ang malaking mama. Pinahid nya muna ang dalawang kamay sa damit, at nang masigurong malinis na ito ay hinawakan ang naghihintay na palad ng dating amo at malapit na kaibigan.
"Ingatan mo nang mabuti ang sarili mo, Boss." Tugon ni Oso at nag bow bilang respeto. Ewan ko ba, pero nakaka-touch ang tagpong iyon. Kahit ang lalaking parte ng puso ko ay na touch dito. (Note: male part = 33%, 77% female).
"Ikaw din, ingatan mo ang sarili mo." Nagulat ako nang akbayan ako ni Oso. "Pagsilbihan mo nang mabuti ang Boss."
Ugghh.. I'm getting tired of saying no. Tiningnan na naman ako ng mariin ni Oso. Sa puntong ito ay nawala na ang takot ko sa kanya.
"Ano yun?" Nag-umpisa nang maglakad palayo si Black Bear.
"Kung kasing gwapo at cuddly lang ako gaya mo, talagang popormahan ko si Boss." Hirit nya habang papalayo. "Haaay!! Alam kong may asawa na ako at anak pero bakit kasi ipinanganak akong ganito ka pangit?" Sigaw nya pa.
"Haha.. sikat ka talaga noh?" Tukso ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa kotse nya.
"Ha? Anong pinagsasabi mo?" Sabi nya nang ma-unlock ang pinto ng kotse.
"Pero masarap isipin… yung may totoong pagkakaibigan at samahan kahit sa mga yakuza." Sabi ko nang pinaandar nya ang kotse. Nilingon ko sya at ngumiti ako. Ngumiti din sya. Nagtama ang mga mata namin, at naalala na naman namin yung naganap sa aerial tram.
Umiwas ako ng tingin, at tinanaw ang papalubog na raw. Alam ko pulang pula pati tenga at leeg ko dahil sa hiya. Hindi umimik ang mofo. Nag sumulyap ako sa kanya eh nakita ko din na namumula ang tenga nya, at may bakas ng ngiti sa mga labi nya. Lihim na nagbunyi ang puso ko. Ibig sabihin ba nito…
---
Ano kaya ang mangyayari kay Aiden-Sensei at Ryou-Bocchan?
Continue Reading Next Part