Cool With You (Part 2)
By: LolaNiKing
Nagising ako kinaumagahan na medyo masakit ang ulo dahil sa puyat sa palitan namin ng text messages ni Mikey kaya pansamantalang nawala panandalian sa isip ko yung pinagusapan namin. Kumain, naligo, nagayos at pumasok na ako. Madalas akong sumakay sa LRT dahil nilalakad ko lang ito mula sa aming bahay, mas nakakamura ako at mas convenient siya para sa akin. Nang makarating ako sa station, parang may humihila sa akin na puwesto kung saan tatapat and ikatlong bagon. Normally kasi kung saan ako bumaba dun na ako maghihintay dahil may pagkatamad ako. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang tren. Nung bumukas ang pinto, may nakita akong pamilyar na mukha. Nang makita niya ako ay ngumiti siya, yung ngiting inosente. Napangiti na lang din ako at tumabi kay Mikey.
Mikey: "Kamusta na ang bunso ko?'. Sabi niya nang makaupo na ako
Ako: "Ha? Sinong bunso mo?". Naguguluhan kong sagot
Mikey: "Yan tayo eh". Sabay tahimik
Ako: "Oi Mikey! Ano ba yun? Ba't tahimik ka na?" Tanong ko sa kanya. Naguguluhan pa rin.
Mikey: "Mikey pa more!"
Ako: Nag-isip at nung maalala ko na ay napa-facepalm. "Sorry Kuya". Sabay ngiting inosente.Pero di pa rin niya ko pinapansin.
Ako: "Kuya". Sabay sundot sa tagiliran.
Mikey: "Ay wag mo ko dinadaan sa mga pagpapacute mo ahh" Halatang nagpapanggap na hindi nakikiliti at nagpipigil at naggagalit-galitan
Ako: "Kuya". Sundot ulit sa tagiliran
Mikey: "Ahh ganon! Ayaw mo ko tigilan. Lagot ka sa akin ngayon"
Nagkikilitian, nagpipitikan ng tenga at kung ano-ano pang kalokohan ang pinaggagawa namin habang nasa LRT. Nagharutan kami sa LRT hanggang sa makarating kami sa station na dapat namin babaan. Habang naglalakad
Mikey: "Oh, baka makalimutan mo na naman. Kuya na ang tawag mo sa akin mula ngayon". Sabi ni Mikey
Ako: "Oo na kuya. Napakamatampuhin mo eh. Nakalimutan ko lang naman. Ang daldal mo kasi kagabi. Napuyat tuloy ako at masakit ang ulo ko" Sabay pout para magpaawa (talent ko yan. Napayagan kami dati magredefense dahil sa pagpapaawa ko XD)
Mikey: "Oo na. Haha. Ang panget mo bunso. Wag ka magganyan". Sabi niya na tawang tawa.
Nang makarating kami sa room ay nagtaka ang lahat sa tawagan namin. Pinaliwanag na lang namin at nagpatuloy sa mga lessons. Simula noon tinuring na rin ng mga kaklase namin na magkapatid kami. Parang kami si b1 at b2 na laging magkasama. Masaya ang first sem. Sobrang saya dahil nga may mga kaibigan na akong kasama. Kung sana naging open lang ako nung highshool tiyak na ganito rin kasaya ang aking highschool pero wala na akong magagawa kaya ipagpapatuloy ko na lang ang buhay dito sa college. Isang major electronics related na subject, dalawang math subjects at iba pang minor, yan ang pa-welcome sa aming mga engineering students sa first sem. Nandiyan ang mga review session, dota session pagkatapos ng exam, cabal session naman pag weekends pagkatapos ng ROTC at kung ano ano pang trip.
One time napagdesisyunan namin na magovernight para magreview pero syempre pag ganitong mga overnight, nauuwi ito sa kwentuhan, food trip at walang hanggang dota session. Dito rin ako natuto magtong-its, pusoy way at pusoy dos with my master kuya as instructor. Halatang sanay na sanay si Mikey. Unbeatable sa buong gabi. Napapalitan lang pag napagod na maglaro. Dahil sa wala silang pasok at na-cancel ang ROTC class namin ay pwedeng magpuyat kaya inabot ng anim na oras ang paglalaro ng DOTA. Siguradong masarap ang tulog namin ni Kuya dahil kampi kami lagi at 3 - 2 ang standing. Medyo hilo na rin kami gawa ng matagal na paglalaro kaya pagdating sa bahay ng kaklase ay naghanda na agad matulog habang nag-aasaran kung sino ang weak. Haha. Ang dami pang sinasabi sila naman talo. Haha. Hindi na ako tumulong sa paghahanda dahil ang dami na nilang nagtutulong-tulong kaya nag-toothbrush na lang ako. Pagkatapos kong mag-toothbrush ay tapos na silang mag-ayos ng hihigaan kaya pumwesto na ko sa pinakadulo ng kutson. Yung higaan namin ay pinagdugtong-dugtong na kutson at banig kaya okay na rin na nauna ako at doon ako sa kutson. Mabilis akong makatulog kaya hindi ko na alam pa ang mga nangyayari pagkatapos kong mahiga. Naalimpungatan na lang ako nang may maramdaman akong yumakap sa akin. Naramdaman ata nung yumakap na nagising ako kaya nagsalita siya.
"Bunso, ikaw muna dantay ko ahh. Di kasi ako sanay matulog ng walang dantay. Buti na lang amoy baby ka"
Si Mikey pala ang yumakap. Dinantay niya ang ulo niya sa likod ko tapos kinukuskos niya yung paa niya sa paa ko pagkatapos yumakap ng mas mahigpit at nakatulog. Honestly, wala akong naramdamang libog ng mga panahon na ito kahit na nakadikit pa sa pwetan ko yung tulog niyang anes dahil literal na straight ako ng mga panahon na ito. Kumbaga bromance lang ang nangyayari sa amin na malimit mangyari pag malapit ang dalawang lalaki sa isa't isa. Natawa lang ako dahil may pagkuskos na paa na mannerism niya pala bago makatulog. Kumportable naman ako sa pagkakayakap niya at saktong malamig ng mga panahong iyon kaya napasarap din ang tulog ko. Mula noon, tuwing may overnight, ako ang laging tinatabihan ni Mikey at madalas na gawin na niyang kutson dahil halos buong katawang na niya ata eh nakapatong sa akin. Nasanay na rin ako kaya walang naging problema sa akin. Naging mas lalong malapit pa kami ni Mikey. Pinanindigan na namin ang pagiging magkapatid namin.
Dumating na ang finals week na sinabayan pa ng final project sa major subject. Yung final project namin, binigyan kami ng circuit na may specific range of output ng voltage. Ang hindi namin alam ay may twist pala ang final project, sadyang minali ang values ng mga components. Dahil kampante kami na wala ng magiging problema sa circuit dahil galing sa professor ay hindi na namin dinobol check at gumawa na agad ng circuit board. Bilang baguhan, hindi rin namin alam ang ibang ways para gumawa ng circuit board bukod sa pentel pen at masking tape. Napaka-primitive nung ginawa namin na way kaya natagalan kami, ang pangit pa ng ng output kaya lagi nare-reject ang mga pinapasa namin. Yung board pa lang pahirapan na, wala pang components. Nung nakagawa na kami ng disenteng cirtcuit board ay agad na namin hininang ang mga parts (hindi pa kami aware sa breadboard). Nang i-test na namin nanlumo kami, ang layo ng required range. Hindi rin kami naglagay ng variable resistor para iadjust kaya no choice at uulit kami kasi hindi na pwede gamitin ang naunang circuit board dahil masisira din yon pag tinanggal ang hinang ng mga nakakabit na parts.
Sa loob ng apat na araw matatapos na ang first sem. May finals sa Algebra, may finals sa trigonometry, may finals sa iba pang minor subjects at may final project pa na uulitin namin sa umpisa. Kamusta naman ang first sem ko. Gandang pa-welcome ng college life. Magkaiba kami ng grupong sinamahan ni Mikey kaya sa mga panahon na ito malimit kaming mag-usap. Parte siya ng mga studios sa amin. Mga honorable mention kasi sila nung highschool kaya may pagkacompetitive. Yung sinamahan ko naman tamang aral at gawa lang. Dito ko naranasan ang literal na hell weak. Magrereview sa madaling araw, papasok sa tanghali, gagawa ng project sa gabi, matutulog ng 2 - 3 hours tapos ulit ang routine. Nung huling araw na ay nagdesisyon magovernight. Napagana naman namin ng tama ang project pero mga alas 9 na ng umaga. Ibig sabihin walang natulog sa amin. Tapos hindi na kami naligo dahil may finals kami sa math ng 11 AM. Naghilamos, nagsipilyo, nagayos ng gamit tapos diretso na sa school. Yung mga nakapagpagana ng maaga-aga eh napakapagreview pa ng kaunti at umidlip sa byahe at yung iba naman nagreview sa byahe.
Natapos na ang exams. Sobrang pagod na kami pero kailangan pa ipacheck yung final project. Pumunta na kami sa room at naghintay. Dun ko lang ulit nakita si Mikey. Halatang puyat din siya at pagod pero mabango. Lumapit ako sa kanya
Ako: "Kuya! Gumagana na yang sayo?" Sabay turo sa project niya.
Mikey: "Oo bunso. Napagana namin ng alas diyes yung circuit kaya natapos kami lahat ng mga ala-una". Sagot niya habang nakatingin sa project niya
Ako: "Buti pa kayo. Kami halos umaga na natapos". Paawa kong sabi
Mikey: "Kawawa naman ang bunso. Puyat. Dapat sa amin ka na lang sumama". Sabi niya
Ako: "Naka-oo na kasi ako kina Mark, nakakahiya din tumanggi". dahilan ko
Mikey: "Okay na yan. Ang mahalaga natapos natin". sabi niya
Ako: "May point" Sabay sandal ng ulo ko sa balikat niya. As in sobrang antok na ko nito. Naamoy ko siya at di ko inaasahan na mapapakalma pala ako noon. Na-miss ko siguro amoy niya kasi tagal na namin hindi nagkasama.
Mikey: "Bunso, ba't amoy alimuong ka na?" Natatawa niyang sabi
Ako: Napangiti ako nung narinig ko. "Haha. Hindi pa ako naliligo. Bakit? Hindi mo na ko papasandalin sa balikat mo. Kawawa naman ako, wala na ngang tulog". Nagtampu-tampuhan at paawa effect kong sambit.
Mikey: "Dami mong arte. Eh nakasandal ka pa rin naman sa balikat ko. Tulog na. Haha". Sabay tapik sa ulo.
Nakatulog rin ako ng isang oras. Nagising na lang ako sa tapik ni Mikey. Dumating na pala ang prof. Pinalabas lahat at isa isang papasok para magpacheck.
"blagag" Narinig naming tunog galing sa room. Pagkalabas nang naunag nagpacheck ay agad na umupo, binuksan yung project niya at naghinang ulit. Tuloy-tuloy pa na malalakas na pagbagsak ang narinig namin pagkatapos. Ayon sa mga nakapagpacheck na ay may drop test pa raw bago icheck para malaman kung maayos ang hinang. O diba. may twist ulit. Edi lahat kaming mga natira mas kinabahan. Yung height ng babagsakan ay mula table hanggang sa sahig so medyo mataas siya kaya nagtatalsikan ang mga diode at resistors.
Mikey: "Makakapasa tayo. Wag ka kabahan". Sabi niya pero mas mukha pa siyang kabado sa akin
Ako: "Kwento mo sa pagong. Mukha ka ngang di matae jan". Pang-aasar ko sa kanya. Para mas marelax siya
Mikey: "Haha. Ganun ba ako kahalata? Kilalang-kilala na ko ni bunso". Sabay akbay
Ako: "Syempre. Kuya kita eh" tapos nanahimik na kami dahil malapit na ako pumasok.
Habang papalapit ako sa pinto ay lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Nasa likuran ko si Mikey pero maging siya ay di maipinta ang mukha. "Blagag". Tunog na lalong lumalakas sa paglapit namin sa pinto. Tila ang tunog ay sumasabay sa mabilis na pagtibok ng aming puso. "Morales", tawag ng professor mula sa loob ng classroom. Feeling ko aatakihin na ako sa puso. Hinawakan ako ni Mikey sa balikat, tumingin ako sa kanya at tumango naman siya para mapalakas ang loob ko, huminga ako ng malalim at pumasok. Nakita ko si prof. Halatang natutuwa sa pagterrorize sa amin at sa mukha kong puno ng kaba.
Prof: "Iset-up mo na yan". Agad naman akong sumunod
Ako: "Okay na po". Sabi ko
Prof: "Matibay ba to?" Nakangising tanong ni prof
Ako: "Sana". Ang tanging naisagot ko.
Tinest niya ang output at eksakto naman sa requirements niya. Tinignan niya ang mga wirings sa loob at sinabing okay ang pagkakakabit ko. Nang biglang hinampas niya ito at bumagsak sa lupa. Parang nahulog ang puso ko dahil sa gulat, kahit na expected ko na mangyayari pero hindi ko inexpect na walang pasabi niyang gagawin yun. Tumalsik yung project ko ng malayo - layo. Bihira ako mapamura pero napamura ako talaga nung nangyari yun. Buti na lang di narining ng prof. Sinabi niyang ite-test daw ulit ang output, buti na lang at hindi naapektuhan. Pagkalabas ko ng pinto ay halos magtatalon ako dahil officially tapos na ang first sem ko. Maghihintay na lang ng grades. Ilang minuto pa ay lumabas na rin si Mikey na nakangiti. Alam kong good news din ang dala niya kaya di na ako nagtanong. Niyaya ko siya sa baba para magpahangin habang ang iba sa amin ay busy pa rin dahil nasa pila pa o kaya magpapacheck ulit dahil natanggal ang mga components ng project nila.
Mikey: "Ang sakit ng balikat ko bunso". Nakapout na nagpapaawa
Ako: "Aba! Ikaw ang kuya. Dapat di ka nagrereklamo" Sabay ngiti sa kanya
Mikey: "Ang sakit talaga bunso. Kailangan ko ng hilot. Bunso hilutin mo ko sa balikat". Paawa pa rin niya.
Ako: Dahil sa pagod na rin ako ay napagdesisyunan ko na lang na ilibre siya. "Kuya ang arte mo. Wag mo na ko konsensyahin. Ilibre na lang kita ng meryenda. Tara"
Mikey: "Yan! Haha" Tumayo kami at bumili ng makakain
Nang matapos na ang lahat makapagpacheck ay nagdecide ang tropa na magdota dahil tigang na kami sa dota sa sobrang busy ng buong week. DOTA is life!. Pagkatapos ay kumain ng gabihan bago maghiwa-hiwalay para umuwi na.
After a week, bumalik kami para mag-clearance. Kasabay din ang pagencode ng mga professors namin ng grades online. Naging bonding moment na rin namin dahil hindi kami nagkita-kita ng isang linggo. Natapos na namin mapapirmahan ang clearance. Nakatambay kami sa lagoon ng biglang magtext ang president ng klase na may
grades na raw online. Takbuhan kaming lahat sa comp shop. Kanya-kanyang rent ng pc. Nakita ang mga grades tapos nagdecide na maglaro ng isang game dahil may oras pa. Pagkatapos ng laro ay nagtatanungan na ng grades. Napansin ata ni Mikey na hindi ako masyado nagsasalita at pangiti-ngiti lang pag tinatanong kaya lumapit siya sa akin. Inakbayan niya ako sabay tanong
Mikey: "May problema ba ang aking bunso?"
Ako: "May good news ako at bad news kuya" sabi ko sa kanya habang nakayuko
Mikey: "Ano yun?". Sumeryoso ang mukha niya
Ako: "Basta wag mo muna ipagsabi sa iba ha?"
Mikey: "sige bunso. Ano ang good news?"
Ako: "Wala akong tres". Sabay ngiti ng pilit
Mikey: "Yun naman pala eh. Bat malungkot?" Sabi niya
Ako: "Ang bad news eh may singko ako" Halos naiiyak kong sabi