Katapat Barracks (Part 1)
By: Quayeth
Nakatira ng solo sa kanyang naipundar na bahay si Royen sa isang pribado pero maliit na subdivision at mayroon siyang maliit na tindahan na siya ring source of income niya sa nakaraang limang taon simula ng mag resign siya sa kanyang dekada nang trabaho sa isang pribadong kompanya.
Walang katabi o katapat na ibang bahay ang lote ni Royen pero kahit ganun ay marami pa ring kustomer ang nabili sa kanya dahil sa kinumpleto at marami talaga siyang paninda sa kanyang sari sari store. Sa second floor ng kanyang bahay ang kanyang kuwarto at sa baba naman ang living, dining at kitchen at karugtong na rito ang kanyang tindahan.
Hanggang sa isang araw ay may itinatayo nang bahay sa tapat ng kanyang lote.
Ang foreman ng ginagawang bahay sa tapat ng bahay ni Royen ay si Ramsy. May limang tauhan si Ramsy para sa proyekto na iyon pero uwian ito at tanging si Ramsy lamang ang stay in.
Nag-volunteer si Ramsy na mag-stay in dahil nag abroad ang kanyang asawa at wala pa silang anak sa loob ng dalawang taon nilang pag aasawa. Kailangan din kasi ng malaking kita ni Ramsy upang mas makaipon dahil plano nilang mag asawa na magpagawa ng sariling bahay kaya todo kayod sa work sila pareho. At dahil sa kanyang tindahan madalas ding bumili ang mga trabahador at maging si Ramsy ay nakagaanan na ng loob ni Royen ang mga ito.
Halos mga edad 20 to 25 lang ang mga tauhan ni Ramsy, samantalang napag alaman ni Royen na 31 na si Ramsy samantalang siya ay 41 years old na. Mga naging kabiruan na ni Royen ang mga tauhan at minsan ay biniro si Royen ng mga tauhan na halata nila na tila may gusto si Royen kay Ramsy dahil halata nila na natatameme ito kapag si Ramsy na ang kausap. Todo deny naman si Royen sa panunudyo ng mga tauhan ni Ramsy sa kanya.
Bagama't in denial, sa kanyang pag iisa ay si Ramsy ang laman ng kanyang utak. Hindi naman talaga niya napapansin nung una si Ramsy, dahil walang dating ito sa kanya, pero nang lumaon na madalas na niyang nakakausap ito kapag nabili sa tindahan niya ay unti unti nang nahuhulog ang kalooban niya rito. Dagdag pa rito ang sinasabi ng mga tauhan nito na nasa abroad nga ang misis ni Ramsy kaya malamang ay sabik ito.
Samantala, ay ibini-build up naman ng mga tauhan ni Ramsy si Royen dito at sinasabi nila na "matandang dalaga" ito at halata nila na may gusto ito kay Ramsy. Natatawa na lamang si Ramsy lalo na kapag inuudyukan siya ng mga tauhan niya na sumubok itong pumatol sa bading kahit minsan lang.
Lahat kasi ng tauhan niya ay aminadong may karanasan na sa bading nung teenager pa sila pandagdag allowance, pambili ng sapatos at cellphone. Laking probinsya kasi si Ramsy at hindi siya exposed nung kabataan niya sa mga kamunduhan. Simula nang malaman ni Ramsy ang tungkol kay Royen ay nakikipag-usap na siya ng mas matagal rito hindi kagaya dati na isang tanong, isang sagot lang silang dalawa.
Tuwang tuwa naman ang mga tauhan ni Ramsy dahil tila lumilinaw ang palihim na pagbubuyo nila kina Ramsy at Royen upang lalong magkalapit ito. Alam kasi nilang matinong bading si Royen kaya kung sakali mang dito magkaroon ng unang karanasan ang foreman nilang si Ramsy ay aprub sa kanila. Kapag silang lima lang ang magkakausap tungkol kina Ramsy at Royen ay daig pa nila ang mga babae sa sobrang pagkakilig at natutuwa sila na tila nagiging kupido sila sa dalawa.
Isang gabi, pagkagaling nila sa munting inuman at pauwi na si Ramsy na nag commute lang sa project site ay hindi niya alam na isa sa kanyang tauhan ang kumuha ng susi ng barrack at sinabi ng tauhan na kunyari ay nakita nila ang susi. Mahigit isa't kalahating oras ang tatahakin ni Ramsy kung magko commute siya at hindi pa siya sigurado kung may biyahe pa.
Sa puntong iyon ay bumuhos pa ang malakas na ulan na may kahalong kulog at kidlat. Nasa kanyang kwarto na pero gising pa si Royen at natatanaw niya si Ramsy at sa mga kilos nito ay tila nahulaan niya na nakalimutan nito ang susi hanggang sa bumuhos na ang ulan at nakita niyang tumawid si Ramsy patungo sa kanyang tindahan upang makisilong marahil. Nahiga na siya pero sa loob ng kalahating oras ay patuloy pa rin ang napakalakas na buhos ng ulan at naisip niya na paano na kaya si Ramsy. Andun pa rin kaya ito sa harapan ng tindahan niya.
Dahil sa pagkabalisa at malasakit kay Ramsy ay minabuti na ni Royen na bumaba at tingnan na rin ang tindahan niya kung binaha na ba ito. Nag flashlight lamang siya at nagtungo sa kanyang tindahan habang napakalakas ng kanyang kaba ng binuksan niya ng palihim at dahan dahan ang pintong palabas ng kanyang tindahan.
Tama ang kanyang hinala. Andun pa rin si Ramsy ng sipatin niya ito ng ilaw sa flashlight.
"Ramsy? Ikaw ba yan, anong nangyari at diyan ka sumilong. Basang basa ka na dyan. Baka magkasakit ka niyan. Gusto mo bang pumasok muna dito sa tindahan. Dito ka muna sa loob."
"Royen, naiwanan ko kasi sa bahay ng isa sa tauhan ko yung susi ng barracks babalikan ko nga sana kaso bumuhos nga itong malakas na ulan kaya sumilong muna ako sa harapan ng tindahan mo. Sige papasok na ako. Salamat at gising ka pa pala at nakita mo ako rito."
"Bumaba kasi ako upang i check ang tindahan dahil nga sa walang tigil na malakas na ulan kaya tiningnan ko na rin itong labas at andyan ka pala at basang basa sa ulan."
Pumasok na si Ramsy sa tindahan pero isinama na siya ng tuluyan ni Royen sa living room area kung saan may malaking sofa na puedeng tulugan.
Ipinagtimpla muna ng kape ni Royen si Ramsy upang maibsan ang ginaw nito. Habang nagkakape si Ramsy ay umakyat sa kuwarto si Royen at pagbaba ay may dala itong malinis na tuwalya, t- shirt at shorts at ini offer niya kay Ramsy upang makapagpalit ito.
"Ramsy, ipinagdala na kita ng mga tuyong damit at malinis na tuwalya, hiramin mo muna para naman makapagpalit ka.. maganda siguro kung mag hot shower ka para hindi ka tuluyang magkasakit..kasi pag cold or normal water ang ipapaligo mo lalo ka lang giginawin. "
"Salamat Royen, mabuti na lamang at narito ka at handang tumulong sa akin..Oo tama ka hot shower nga ang kailangan kapag nababad sa ulanan. Hinding hindi puede pa naman akong magkasakit at nasa kasagsagan na ang project namin na bahay sa tapat nyo."
Dahil apektado pa rin kahit paano ng espiritu ng alak na ininom nila sa birthday ng tauhan niya kaya naman hindi naging mahiyain si Ramsy lalo pa at main topic din nila kanina si Royen sa inuman at todo buyo ang kanyang mga tauhan na patusin na niya si Royen kung may pagkakataon dahil tiyak daw na jackpot si Ramsy kay Royen dahil negosyante ito, may maayos na bahay at ilang sasakyan gaya ng kotse, tricycle na ipinapapasada at motorsiklo.
Bagama't naninibago rin si Royen sa kilos ni Ramsy ay inintindi na lamang niya dahil halata namang may hangover pa ito at tapos ay nababad pa sa malakas na ulan.
Pagkaubos ng kanyang kape ay biglang tumayo si Ramsy at agad na hinubad ang kanyang basang t-shirt at tumambad kay Royen ang matipuno nitong pangangatawan na moreno at napaka balahibuin ng dibdib at bandang pusod nito. Nagulat ng husto si Royen dahil hindi niya akalain na ganun kaganda ang katawan ni Ramsy na halos may 6 pack abs pala na taglay ito kaya naman napanganga siya at halos tumulo ang laway sa paghanga sa bigotilyong foreman.
Kitang kita ni Ramsy ang pagkatakam ni Royen sa kanyang katawan kaya lalo pang umandar ang itinatago nitong kapilyuhan at agad rin niyang hinubad ang basa rin niyang pantalon hanggang sa mamasa masang brief na lamang ang suot niya. Lalong sumidhi ang pagkatakam ni Royen kay Ramsy ng halos hubo na itong nakaharap sa kanya. Lalo pang nagsungawan ang mas mabalahibong bahagi ng katawan ni Ramsy at tanging ang kapirasong brief na lamang ang sagabal upang makita niya ang pinakaka asam asam na makita kay Ramsy.
Continue Reading Next Part