Sir Chris Lovemakings
By: NICK
Hi. Ako nga pala si Nick. Di tunay na pangalan. Share ko lang story ko sa inyo. Haha pagpasensyahan nyo na at pinilit kong isummarize lahat lahat…
Isa sa pinakaayaw kong subjects nung High School ako ay MAPEH (7 years go). Mahilig ako sa Music, oo. Sa Arts, oo, sa PE at Health, di masyado pero pwede na din. The reason why ayoko ng Mapeh ay dahil sa Teacher naming. Tawagin nalang natin siyang Sir Christian. From third year to fourth year, siya MAPEH teacher namin. Ewan ko ba, di naman siya kagalingan sa Music at Arts. Aaminin ko naming expert siya sa PE at Health. Siya yung palaging head sa mga physical activities sa school naming, lalo na pagdating ng Intramurals at inter-school competitions. Maliit lang kasi school naming. Private at Religious school at tanging tatlong sections lang per year level.
Bata pa si sir kung iisipin mo. Tantya ko nung Highscool kami ay 22/23 years old pa siya. Fresh Teacher sabi nga nila. May mga babaeng studyanteng nakakacrush sa kanya. Matangkad (5’9 ata), moreno, astigin, palakaibigan lalo na sa mga studyante, hindi ko naman masasabing sobrang gwapo pero malakas yung dating. Bilugan ang mga mata, ilong niya ay sakto lang din, di sobrang tangos, di din maliit. Tamang tama sa mukha niya. Makapal yung kilay at may mga nunal sa mukha niya. Minsan para siyang si Piolo Pascual dahil sa malaking nunal sa dulo ng kilay niya.
Ang rason kung bakit ayaw ko sa kanya ay dahil sa siya yung bully na teacher. Alam ko naming katuwaan lang lahat pero minsan talaga ay naooffend na ako. Pinaka ayokong segment ng MAPEH ay yung PE at Health. Mahina ako sa physical activities. Limang push ups lang kaya ko kaya naman inaasar akong lampa o babakla-bakla. Hindi ko alam kung bakit trip niya akong ibully (ang sama niya haha), o baka alam niyang may kakaiba sa akin. Highschool palang kasi ako, alam ko nang may mali sa akin. NAgkakagusto ako sa babae oo, ngunit di ko din maitatanging nagkakagusto din ako sa kapwa ko lalaki. Mga kaklase ko namna ay sinasabayan lang ng tawa si sir. Ako kasi yung tipong di mahilig sa mga pisikal na activities. Medyo matangkad din naman ako (5’7), ngunit may kapayatan. Medyo maputi ako, mapula ang labi, malalaki mga mata pero sabi nila parang sa manika daw, medyo malamya din kumilos, mabagal sa maraming pagkakataon, nakasalamin ngunit di naman yung weirdong nerd. Siguro ay MAHINA lang talaga ako. Nag eexcel ako sa academics maiban nalang sa PE at sports. Ibabahagi ko sa inyo young mga experiences kong nabully ako ni sir Christian. Susubukan kong igsian para naman di ko na kailangang putulin ang kwentong ito sa dalawang parts.
***
PE subject. Physical Workout. Push up. Hirap ng hirap akong magpush up nun. Sobrang bagal ng pagtaas baba ng katawan ko, dagdagan mo pa ng mga pang-aasar mula kay Sir Christian. “Isipin mo nalang nasa sahig ako”, sabi niya habang tumatawa kasabay mga kaklase ko. Di ko na nakayanan at napadapa na ako sa sahig. “Ok 4 pts lang out of 20 nakuha mo”.
***
Baseball. “Kaw na Nick. Sinong pupusta!”, pabirong sabi ni sir. “Ako bigyan ko kayo ng bente sir pag natamaan yan”, sagot ni Bryan mula pitcher’s area. “Naku papaburger ako sayo pag natamaan yan”, sagot ni Sir. Ako naman sobrang asar, nagconcentrate. Nakakadalawang strike na ako at that time, ginawa ko na yung lahat lahat para di ako mapahiya. “Nick sama kita sa burger pagnatamaan mo yan”, sabi ni sir. 1,2,3. Natamaan ko nga, chamba. Di nila inaasahang malayo yung binyahe ng bola. Ako naman ay kumaripas na nag takbo hangang umabot ako ng third base. Nung uwian nga ay nilibre ni Sir ng burger sila Bryan at barkada niya. Tinawag nila ako mula sa entrance ng canteen. Lumapit ako at binigyan ng burger ni Sir. May word of honor naman pala siya. Mga kakalse ko naman ay binibiro pa ako, ngunit sabi nila bilib daw sila kanina. Si Sir naman ay umakbay sa akin. “Naku, kailangan pa atang asarin tong si Nick bago lumabas yung galing”, sabi ni Sir tapos ginulo yung buhok ko. “Hehe chamba lang yun kanina Sir”, sabi ko. “Yan tayo kapag inspired eh”, sabi ni Drew yung isa kong kaklase. Madami na kasing nakakaalam na nililigawan ko yung kakalse kong si Anne. “Oh barako pala talaga to e”, sabin ni Sir. Angtawanan kami sadali at lumabas na ako para umuwi.
***
Intrams na. Sinali ba naman ako sa 200-meter relay. Oo talo kami dahil sa akin. Hindi ko nga alam kung bakit ako nag sign-in sa event na yun. Actually walang may interes na sumali doon kaya naman agad din akong tinggap. Bale ganto yung nangyari, malapit na ako sa finished line ngunit natisod ako bigla, natumba at gumulong mismo sa track. Nagkasugat sugat ako nun. Nahilo ako habang nakahiga at naramdaman kong dumulim bigla dahil sa mga taong nakapalibot sa akin. Hindi tulong agad yung natanggap ko ngunit mga tawa lang. Malademonyo yung mga tao sa amin eh. “Naku anyara Nick!”, gulat na sabi ni sir Christian. Di ko siya Makita kung nasaan siya ngunit alam kong nasa palibot ko lamang siya. “Dali bangon. Students tulungan nyo nga kaklase nyo”, sabi ni sir. Inakay nila ako at pinaupo sa bench. Sinabihan ni Sir yung mga kakalse kong tawagin yung school nurse para malapatan na ako ng first aid. “Ok kalang ba Nick? Nagpasabi kasana para ginawa ko nalang kutson yung race track”, pabiro niyang sabi. Kaming dalawa nalang naiwan dun sa bench. Wala akong sinabi at di ko siya pinansin, nakatitig lang ako sa mga sugat ko sa tuhod dahil nagkapunit punit yung jogging pants ko nun. Dumating yung school nurse at ginamot yung sugat ko.
***
Health Class. Lesson naming tungkol sa blood and benefits of blood letting. Habang naglelecture siya, bigla ba naman akong isingit sa lecture niya, sa green daw kulay ng dugo ko kaya marereject daw ako sa red cross. Ayun tawanan. Ako naman nagmake face lang, yung di naman parang galit, yung nilabas ko lang dila ko na para bang sinasabi kong “Ay ang corny”, pero aaminin ko nasaktana t napahiya ako dun.
***
Christmas Party. 3rd year. Magaala 6 na at uwian na. Bawal alak sa school naming pero dahil matitigas ulo ng mga tao dun, lasing yung iba kong kaklase. Naglalakad ako sa hallway kasama barkada ko (Binasted nga pala ako ni Anne bago paman mag December), nang biglang sinalubong kami ni Sir Christian. Kakalabas palang niya sa isang classroom (ibang section), at halatang nakainom. “Uy, may lechon pa ba kayo sa classroom nyo?”, bungad niya sa amin. “Ah eh wala na sir eh”, sagot namin. “Ikaw talaga… Hmm ikaw talaga…”, sabi niya habang umaakbay siya sa akin. Di ko maintindihan yung ibig niyang sabihin. Nakainom eh. Yung akbay na parang sinasakay yung leeg ko. “Sir taman na Ah child abuse na to ah”, sabiro kong sagot, ngunit deep inside may iba akong naramdaman. Kaba at …Kilig? Kumawala ako at umuwi na kami.
***
Valentines day. Halday lang class naming dahil may school activity adter lunch, ngunit di kami makauwi dahil required lahat sumali. Singing contest, poetry… kakainip. Mag isa akong nasa playground habang nagbabasa ng Harry Potter. Bale yung payground kasi isang open space lang na may maraming puno ng Acacia. Tambayan yun at nasa bandang main gate naming. May narinig akong sumipol mula sa bandang may gate. Si Sir pala. Nagbibisekleta papasok ng campus. Nakabisekleta kasi yun maliban nalang kapag umuulan ay nakakotse na. “Good Afternoon Sir”, bati ko. “May dementors sa likod mo”, sabi niya. This time papalabas na siya gn Campus. Pinagmasdan ko lang siya hanggang tuluyan na siyang nakalabas ng Campus. “Potterhead pala yun”, sabi ko sa sarili ko.
***
After final exam ng MAPEH. Bale exam naming sa PE ay ginawa na naming last week pa, something physical exam namin. Meanwhile habang nagmimiryenda kami sa canteen, bila akong tinawag ni Sir Christian “Nick halika”, pagtawag niya mula sa entrance ng canteen. Pinuntahan ko siya at inutusan akong bumili ng mga materials dun sa school supplies sa labas ng school naming. Nainis naman ako ngunti wala akong nagawa. Binigyan niya ako ng 1000 at lumabas na ako. Pumunta ako ng office at nilapag ko sa table niya yung mga pinamili ko. Umuwi na daw si sir. Nilagay ko din dun yung sukli. May nakita akong note sa table niya. “Bring those to my house late. Thanks”, napakagat labi ako sa inis, at nag isip muna kung susuwayin ko ba siya o susundin ko. Pumunta ako ng bahay nila. Probinsya kasi, kaya mgakakalapit lang. 4 blocks away lang bahay ko mula school, kina sir nasa 8 blocks away lang din. Pumunta ako ng bahay nila at kumatok. Pinapasok ako ng kapatid niya at pinaupo muna sa sala. Malaki bahay nila. Bale nasa second floor yung bahay nila at yung ground floor ay convenience store na sila din may ari. “Uy sakto andito kana. Thanks Nick”, Kinuha niya yung paperbags mula sa akin. “Ah sir naiwan ko pala sukli sa table mo”, sabi ko. Ok lang daw. Nagpaalam na ako at bababa n asana nang tinawag niya ako ulit. “Para sayo to”, inabot ni sir sa akin yung librong The Alchemist, andun yun sa listahan niya. “Sa akin?”, nautal ako nun. “Yup. Mahilig ka pala magbasa. Completo kaba ng Harry Potter?”, tanong niya. “Ah hindi po Sir”, sabi ko. Bigla siyang umalis at pumunta kung saang bahagi ng bahay nila. Pagbalik niya ay may hawak na siyang supot na Malaki at mabigat pa. Dun ko narealize na Harry Potter books pala iyon. “Balik mo nalang pag tapos kana”, sabi niya. Nagpaalam na ako at umuwi. Medyo natouch naman ako nun. Hehe.
***
Diretso na tayo sa part na malapit na graduation namin. Puro rehearsal analng nangyayari. Naisauli ko na lahat ng librong pinahiram sa akin ni sir bago paman matapos yung fina exam. Naging magkaibigan na din kami ni sir. Palagi parin niya akong inaasar ngunit nasasakyan ko na siya. Minsan nagyaya yun sa mag inuman sa bahay nila kasama mga kabatch niya at iba kong mga kakalse ngunit palagi kong tinatanggihan.
After graduation, naiwan kaming lahat mga students sa multipurpose hall naming para sa aming graduation party. Dun nangyari lahat ng inuman, sayawan at landian nadin ng ibang mga studyante. Sumayaw ako at kinalimutan kong di ako marunong sumayaw. Madilim naman at di anman halta. Tsaka inenjoy na yung hulig pagkakataong nasa highschool ako. Nag uwian na kami ngunit iba sa amin ay tumambay muna sa labas ng school. Yung moment na nakaupo lang kayo sa sidewalk at magmamadaling araw na pero tuloy parin yung kwentuhan at tawanan. Yung tipong ayaw mo nang umuwi. Pero pinauwi nadin kami nun ng guard ng school namin. Naisipan naming tumambay muna sa Mcdo. Bale lima kami nun, nagkakape habang kumakain ng fries. “Sir!”, bati ng isa kong kaklase. Si Sir Christian pala kakapasok lang ng MCdo. “Ay sabing uwi na e”, patawang sabin ni sir. “Sir naman, di na naming kayo teacher a”, sagot naman ng kaklase ko. Nagtawanan lang kami. AKo naman, mahina lang tawa ko at sumanda ang sa pader, natamaan ata ako ng redhorse. First time ko kasing uminon ng ganun kadami. Di naman ako lasing, tipsy lang. hehe. Tumabi sa amin si sir at nakipagkwentuhan nadin. Sabi niya kami daw pinakamasayang batch na naturuan niya. Eh alangan third year kami nun nung una siyang nagturo sa school namin. Naguwian kami nun bandang 4am na. Nagtaxi yung iba, yung iba ang jeep. Kami naman ni sir, dahil isang barangay lang kami, nagsabay na kami. Naisipan naming maglakad lamang, hila hila niya bisekleta niya. “Sigurado po ba kayo sir na maglalakad kayo?”, tanong ko. “Bakit naman?”, tanong niya.
“Ah mukhang lasing kasi kayo kanina e”
“Ako lasing? Di ako nalalasing hahaha”
“Ah ..ok”
“Kaw ba. Lakas mo palang uminom ah tapos di ka sumasama kapang niyayaya kita”, sabi niya habang nakatitig sa akin.
“Ah actually first time kong makipag inuman ng todo kanina sir eh”
NAgkwentuhan lang kami hanggang sa marating na main bahay namin. Hindi muna siya umalis at naghihintay na makapasok ako ng bahay. Tinatawagan ko ate ko ngunit di sumasagot kaya naman di ako nakapasok ng bahay. Inalok ako ni sir na makitulog na muna sa kanila, nung una ay nagaalangan ako ngunit wala din akong nagawa. Siya nalang pala mag isa sa bahay niya. Yungkapatid niya bumalik nang Manila. Pinahiram niya ko ng damit. Maluwang na tshirt at shorts. Siya naman nagbihis nadin, nakatopless lang nakashorts lang din. Nailang ako at di makatingin sa kanya dahil first ko siyang Makita ng ganun. Maganda pala katawan niya, di siya mataba, di din payat, hulmado yung mga braso niya, may konting tiyan ngunit generally flat din. Gifted din dibdin niya. “Uh libre kang mamboso ngayon ah”, sabi niya habang tumatawa. Wala naman akong sinabe. Pumunta na ako ng kwarto niya, sabi kasi niya tabi nalang daw kami, ngunit nag inisit akong sa sahit nalang. May makapal kasi siyang matress at nilatag ko lamang sa sahit katabi ng kama niya. Pinipigilan ko siya ngunit di ako nag pawat. Habang nakahiga na kami, nakapatay ang ilaw, nagkukuwentuhan parin kami. Madami akong nalaman kay sir. Nagkafiance na pala siya nung nasa Manila siya. 21 years old siya nun, ngunit hiniwalayan ng fiancé, masyado pa kasi silang bata. Grabe pala si Sir. Wagas kung makapagplanong magsettle down. Ilang minute ay nakatulog na kami…
Nagising ako dahil naramdaman kong may mabigat. Nagulat akong nakayakap na si sir sa akin. Di ko alam kung nahulog siya mula sa kama niya o sadyang bumaba lang talaga siya. Di ako nakagalaw at nagpakaba sa akin yung init ng katawan niya. RAmdam ko yung hininga niya, yung muscles niyang nakabalot sa katawan ko. Somehow nagustuhan ko yun ngunit dahan dahan ko siyang inalis sa pagkakayakap sa akin. Tumayo ako at dahan dahan ding nagbihis. Umalis ako at umuwi, habang inisip yung nangyari. Nakangiti ako nun ngunit nag-alala din. Nagkakagusto na ata ako kay sir Christian, ngunit dahil inisip kong mali iyon, kinain ako ng takot.
***
College na ako nun. Pilit kong inisip na yung nangyari samin ni sir Christian ay resulta lang ng pagod at tama ng alak. Masaya naman first sem ng college ko. Mahirap ngunit marami din akong mga nakilalang bagong kaibigan. Aaminin ko na minsan naaalala ko parin si Sir Sir. Napagtanto ko na nagging crush ko siya mulang nung maramdaman ko yung yakap niya. Ngunit nagging busy din ako kaya naman natuon sa iba yung attention ko.
***
Sembreak. Umuwi ako sa amin. Reunion dito reunion doon. Inuman ditto inuman doon. Dun kami tumambay sa isang latenight café malapit sa amin. Katabi lang yung ng convenience store nila sir Christian. Nung una ay kinabahan ako dahil baka Makita ko ulit siya ngunit I brushed off that thought. Ilang oras pa ay nakita ko nga siya. “Sir kumusta”, bati ng kasama ko. Papasok sila ng café, may kasama siyang babae, nakayakap yung babae sa braso niya. “Andito pala mga studyante ko ah”, nagbatian kaming lahat. Naging awkward sa akin lahat. Siguro dahil naramdaman ko na naman yung biglang lukso ng puso ko. Nagpawis ako nun at ramdam ko yung dugo sa mukha ko, buti nalang di masyadong maliwanag. Ramdam ko din yung pagkadismaya ng konti dahil may kasama si sir. Gf niya? Siguro. “Uy Nick”, pagbati sa akin ni sir, tinaas lang niya kilay niya at tumungo na sa table nila.
Naging tahimik na ako nun, hanggang napagdesiyunan naming maguwian na. Halos magkasabay lang kami nila sir, umuwi nadin gf niya at hinatid niya sa sasakyan nitong nakagarahe sa tapat ng convenience store nila. Nagsiuwian nadin mga kasama ko, ako yung huling natira sa café, dahil malapit lang naman yung amin. May tumapik sa balikat ko mula likod. “Musta?”, tugon ni sir Christian, nakangiti at namumula mukha niya dahil nadin siguro sa nainom niya.
“Ah eto sir ok parin. Kayo po”, sagot kong pautal
“Tara kape tayo”, yaya niya
“Ha?”
“Tara…”
Niyaya niya ako sa bahay niya. Dun kami sa balcony tumambay. Pinagtimpla niya ako ng kape. Magkatabi kami dun sa sofa sa balcony habang nakatingala sa maulap na kalangitan. Walang buwan, walang mga bituin. Tahimik ako nung una at si sir lang palaging nagsasalit. Kumusta college. Kkumusta maynila… kumusta… hanggang sa nagtanong siya na kinagulat ko.
“Bakit ka nga pala di nagpaalam sakin noon”
“Sir?”
“Nung dito ka natulog… bigla kang nawala e”
“Ah eh. Ano kasi”
“Tapos di na kita nakita simula noon”, humigop siya ng kape, nilapag sa mesa yung tasa at ymuko sa pagkakaupo, sinandal niya braso niya sa tuhod niya at tumingala lang sa kalangitan.
“Sir ano kasi yun..”, natameme ako nun. Ehto na naman tong feeling na to. Dugdugdug. Nakakabingi yung tibok ng puso ko. Di napigilan, siguro dahil nadin sa alak na nainom ko, at nagsalita ako.
“Sir. Gano na ba kayo katagal ng gf mo?”, tanong ko.
“Ha? Sinong gf?”, napatingin siya sa akin.
“yung kanina”
“hahahaha”
“bakit po?”
“Pinsan ko yun”
Natahimik ako at napalunok ng matindi. Napahiya ako. Tsaka basin ko naman kasing naisip tanungin si sir ng mga ganun. Ano ba ako sa kanya.
“Kaw ha binabago mo topic”, sabi niya. “Ehto sagutin mo, bakit ka umalis nun”, that time sobrang serious ng aura niya.
“Sir naman eh paulit ulit tanong mo”, hindi ako nagpahalatang kinakabahan
“Pwedeng yakapin kita ngayon Nick”, at dun ako natigilan, napatingin sa kanya, at nanigas. Yung parang tumigil mundo mo ng ilang segondo, walang hingahan, walang galawan.
Inisip kong lasing lang siya. Ngunit niyakap niya ako bigla. Ang init ng yakap niya, ang higpit higpit. Di ako nagreact at pinagmasdan lang siyang yakap yakap ako.
“Sir…”, mahina kong sagot, nanginginig. Pero … kinikilig.
“Nick, ngayon lang. Lam kong inis ka sa akin. Binubully kita noon oo alam ko. Pero ngayong lang, hayaan mong maramdaman man lamang kita.”, nararamdaman ko din basa na yung damit ko sa bandang balikat. Narinig ko din siyang suminghot ng sipon. Umiiyak? Bakit naman? “Miss na miss na kita Nick”
“Miss na din kita Sir”, dun ko na pinakawalan yung tinatago kong nararamdaman. Lalong humigpit kapit ni sir sa akin, niyakap ko nadin siya. Naiyak ako sa sobrang tuwa, gusto din pala ako ng taong gusto ko. Tinatahan ko siya sa pag iyak, ang cute pala niya eh kapang umiiyak.
“Mahal kita”, sabi niya. Hinalikan niya ako sa labi. Di ako nakagalaw. Hindi ako gumanti ng halik at natulala lang. ang lambot ng mga labi niya, ang bangi ng hininga niya kahit amoy alak, ang init ng yakap niya sa akin. “Mahal din kita Sir”, sabi ko. NAghalikan kami, nagyakapan. Natulog kami ng sabay habang magkayakap. Walang nangyari nung time nayun. Nilasap lang naming yung sandaling magkayakap kaming natutulog.
***
Nagging mas malalim relasyon naming ni Chris (yun na tawag ko sa kanya). Ilang lovemakings nadin nagawa namin. Hindi ko na idedetalye yun. Hehe amin nay un. Masasabi kong habang tumatagal, lalo ko siyang minamahal. Nakilala ko na siya ng maigi, nakita mga kahinaan niya, ngunit tanggap ko siya. Salamat sa pagbabasa. Hehe! Hanggang sa muli