I Topped Our Class Dean's Lister (Part 1)
By: Brix
Hi everyone. Ako si Brix at ito ang aking kwento. “Anak, lagi mong tatandaan na dumarating tayo sa buhay ng isang tao hindi para mahalin tayo. Dumarating tayo sa buhay nila para maiparamdam sa kanila na karapat-dapat silang mahalin.”
Tatlong taon na rin ang lumipas mula nang namatay si mama. Tatlong taon na ang nakalipas ngunit sariwa pa rin sa akin ang mga huling salita niya. “Ma, kung buhay ka pa ngayon, alam kong lsgi mo pa rin akong ipinagluluto ng breakfast. Sana ma nan…”
Ate Marita: Arlo bumaba ka na diyan at kumain kana dito. Male-late ka na sa first day mo sa school. Baka mapagalitan ka ng instructor mo!
Arlo: Opo ate Marita! Pasigaw kong sabi habang itinatago ang hair clip ni mama sa bulsa ko.
Pababa na ako sa hagdanan nang napalitan ng excitement ang lungkot na nararamdaman ko. First day of school nga pala ngayon. Ang bilis ng takbo ng kamay ng orasan. Parang espada na sinasaksak ang nakaraan para pilitin kang ito ay kalimutan at itinataas sa langit at nagsasabing kailangan mo nang lumisan at harapin ang kasalukuyan. First year college student na ako. Excited na akong magkaroon ng bagong mga kaibigan at sana mabait at magaling magturo ang mga magiging instructors ko.
Ate Marita: Arlo! Bumaba ka na riyan at male-late ka na!
Arlo: Opo bababa na po ako ate!
Bababa na nga kasi ako ee mamaya mahulog na naman ak— ta-ta-ta-ta-ta! Aray!!! Sabi na nga ba eh. Ungsssskkkkkttttt! Fffffffft huuuuh
AM: Arlo, nahulog ka na naman ba sa hagdanan?! Araw-araw na lang. Hindi ka ba nababalian ng buto niyan at parang gustung-gusto mong nagpapahulog dyan! Diyos ko ko pong bata ka. Pinapakaba mo ako lagi ee. Alam mo namang sa akin ka na ipinagkatiwala ng mama mo bago siya namatay. . . Ah eh pasensya na Arlo.
A: Okay lang un ate…. Fffffffft. Sumang-ayon na lang ako kay ate Marita kahit masakit ang pwet ko. Nakatingin pa rin siya sa akin habang nakaupo ako sa bandang ibaba ng hagdanan.
AM: Oh siya sige. Tumayo ka na diyan at kakain na tayong dalawa. Hinihintay na ako ng Kuya Nanding mo sa palengke.
Masakit pa rin sa akin ang maalala ko si mama. Mas masakit pa sa araw-araw na pag-untog ng pwet ko sa hagdan. Pero kailangan kong sabihin kay ate na okay na sa akin ang lahat. Ayoko kasing nakikita niya akong umiiyak at baka sapian nanaman siya ng presensya niya Vilma Santos.
Gustung-gusto ko talaga ng breakfast. Mainit-init na scrambled eggs, ang kakaibang bango ng mainit na Milo, yung mabangong garlic rice at tuyo at ang huni ng dalawang love birds na alaga ni mama. Haaaaays.
AM: Kumaen ka ng marami para lumakas ang mga tuhod mo nang hindi ka na mahulog sa hagdanan. Araw-araw na lang eh.
A: Ang sarap talaga ng luto mo ate! Bidabest ka talaga magluto!
AM: Sus binola mo nanaman akong bata ka. Matalino ka nga, lampa ka naman! Ha Ha Ha!
A: si ate talaga oh pinuri ko na nga ang luto niya, inaasar pa niya ako. Ang sakit na nga ng pwet ko eh. Magkapareho talaga kayong dalawa ni mama. Magbestfriend nga tlga kayong dalawa. Pag itong muscles ko lumaki, who you ka talaga sa akin!
AM: Aba-aba marunong ka pa lang magjoke!
A: Hindi ako nagjo-joke. Advanced lang talaga ako mag-isip!
AM: Oh siya aalis na ako at kelangan ko pang tulungan si Kuya Nanding mo.
A: Sige po. Ingat po kayo ate Marita! Labyuu!
AM: Sus. Labyowtuu!
Ang bait talaga ni Tita Marita. Ay “Ate” Marita pala. Bestfriend siya ni mama. As in super bestfriend! Pero ayaw niyang tinatawag siyang “Tita”. Ang sagwa at nakakatanda daw. Maganda naman siya at sexy. Nasa 29 years old pa lang naman siya kaya okay lang na tawagin ko siyang “ate.”
Niligpit ko na ang aming pinagkainan at umalis ng bahay. Ni-lock ko na lang ang pinto at ang gate kasi nauuna pa rin akong nakakauwi ng bahay. Madalas eh alas-10 na ng gabi sila nakakauwi ng bahay. Marami rin kasi silang inaasikao sa mga paninda nilang mga isda.
Excited na akong pumasok sa school! Naku, 6:48 am na! Mabuti na lang may masasakyang jeep jan sa labasan. Kinuha ko ng cellphone ko sa aking bulsa at nilagay ang earphones. Pinatugtog ko na yung paborito kong playlist at binalik ko na sa bulsa ko yung cp ko. Papikit-pikit pa akong kumakanta ng mahina habang nakahawak sa earphones sa aking tenga nang may biglang bumangga sa akin nung pinara ko yung jeep na paparating.
Siya: Excuuuse me!
Ako: “Bakit, umalis nang wal—“ Ay ano ba yan! Magsorry ka naman!
Siya: Sorry pre
Kainis talaga! Ang aga-aga may mambubwisit na sa’yo. Di man lang lumingon nung nag-sorry! Teka pareho kami ng uniform ha. Hay ewan. Mabuti na lang talaga at umupo siya sa bandang kanan at ako naman sa kaliwa. Yun nga lang magkatapat kami. Aba naka-headset din pala siya pero yung bandang kaliwa lang nakasuot. Ano ba ‘to. Pinapansin ko na siya masyado. kainis tong paepal na to! Makita ko lang talaga siya sa univ mamaya at sirang-sira na ang araw ko. Hmpft!
Mr. Stranger’s POV
“Sorry pre” ‘Di na ako nakalingon nung nagsorry ako sa student na nabangga ko nang paakyat na ako ng jeep. Paharang-harang kasi. Ang tagal pang umakyat sa jeep. Wala ba siyang relo? Male-late na ako oh. Balita ko sa katropa ko na strikto daw yung magiging instructor ko sa first subject.
Kainis na buhay to oh. First day of school may asungot na agad mambubwisit sayo. Di man lang gumilid nung nag-excuse ako. Bingi ba siya? Pero teka, pareho kami ng uniform ha. Hay naku naman. Huwag sanang magbiro ang tadhana. Sana hindi ko siya makita sa univ mamaya at baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya. Ano ba yan ang kati ng ilong ko. May kumi-kiss yata sa picture ko.
Ako nga pala si Jon Brix L. Montemayor, 17 years old. Dalawa na lang kami ni kuya Karl sa buhay. Ulila na kami ni kuya three years ago. Si kuya kuya ay 28 years old na at nagtatrabaho as It Specialist sa isang kumpanya sa Taguig. Madalas kaming nasa gym kaya siguro pareho kaming defined ang mga katawan namin. Kapag mag-isa lang ako sa bahay, nag-a-upload ako ng mga videos ko sa YouTube. Mahilig kasi akong kumanta habang naggigitara at madalas gumagawa ako ng male covers ng mga kantang sikat ngayon para mas mapadami pa ang aking mga subscribers.
Saglit lang ha. Nakatingin tong lalakeng to na nasa harapan ko ha. Ano kayang problema neto? Makikinig na nga lang ako sa favorite kong kanta.
Jeepney Driver: Oh Gate 4!
Ako: “Nang ako’y ituro mo sa panalangin ko”. . . Ay para ho manong!
Siya: . . . “sa panalangin ko” . . .
Aba nang-aasar talaga tong asungot na to. Wag lang talagang magkukrus ang landas namin mamaya at baka kung ano talaga ang magawa ko sa taong to. Baka masapak ko pa!
Arlo’s POV
Luh. Bakit ganun siya makatingin sa akin? Diko naman nilalakasan ang boses ko. Maganda naman boses ko ha. Aa baka naiinggit lang siya sa boses ko. Makababa na nga.
Coleen: Uy Arlo!!!! Grabe 2 months lang ang bakasyon pero mas gwapo ka na ngayon. Mas makinis pa balat mo sa akin. Siguro di ka na naman lumabas ng bahay niyo no?
Ako: Ay grabe! grabe! Si ate kasi ayaw akong pasamahin sa palengke. Kaya ko naman yung mga gawain dun ee. Ang boring talaga sa bahay. Maaga silang umaalis ng bahay at late pa kung umuwi. Halos kain-tulog lng ginawa ko araw-araw.
Coleen: Edi ikaw na! Eh bakit kasi ayaw mong pumunta sa amin nung iniinvite ka ni mommy? Pati siya namimiss ka na niya. Bisita ka naman uy!
Ako: Eh kasi ano. . . uhm. . .
Coleen: Kasi ano? hays!!!! Kilala na kita Mr. Mark Arlo C. Johnsons. Baby johnsons kiss mo na lang ako para di na ako magtampo sa’yo at para absuwelto ka na rin kay mommy.
Ako: Ay sorry. Ayoko ngang halikan ka. Ni hindi pa nga ako nagkaka-Gf tapos hahalikan kita?
Coleen: Edi ikaw na ang boyfriend ko!
Ako: Ayoko. Ha Ha Ha Ha
Coleen: Ha Ha Ha Ha. Alam na this.
Nagkukwentuhan kaming dalawa ni Coleen sa hallway papunta sa Rm. 19 nang biglang may tumatakbong student. Gumilid na lang kami kaagad kaya di kami nabangga. Nagmamadali siya at bigla na lang lumiko sa bandang kanan sa dulo ng floor. Teka, mukhang kilala ko yun ha! At bakit sa direksyong papunta rin sa Rm. 19???!!!!!
Continue Reading Next Part