Professor Angelo (Part 5) Finale
Isang araw ay nagpaalam si Vlady kay Angelo na uuwi lamang sa kanilang probinsya. Sa unang pagkakataon ay hindi isinama ni Vlady si Angelo sa kanilang bahay. Buhat kasi noong naging sila na ay laging kasama ni Vlady si Angelo sa pag-uwi nito sa probinsya. Laking gulat ni Angelo ng bumalik si Vlady agad sa Maynila. Ni hindi ito nagpalipas ng gabi doon. Halata sa itsura ni Vlady na may malaki itong suliranin kaya naman hindi na nagdalawang isip si Angelo na tanungin ito.
“O para kang binuhusan ng malamig na tubig sa ayos mong iyan.” ang panimula ni Angelo.
“Si Honey kasi . . . .” halos hindi maituloy ni Vlady ang nais niyang sabihin tungkol sa kanyang girlfriend.
“Anong nangyari kay Honey?” ang tanong ni Angelo.
“Ikakasal na siya sa ibang lalaki. Hindi na daw siya makakapaghintay sa akin kaya naman sinagot na niya ang isa pang masugid na manliligaw niya. Wala naman daw yata akong balak na pakasalan siya kaya nagdesisyon na siya ng ganoon.” halos mapaiyak si Vlady sa kwento niya kay Angelo.
“Huwag ka ng malungkot, nandito pa naman ako. Hinding hindi kita iiwan.” ang sinabi ni Angelo kay Vlady.
“Alam ko naman na financial din ang dahilan kung bakit siya pumayag na pakasal sa lalaking iyon. Madalas magbalik-bayan ang lalaking iyon sa aming baryo. Matagal ko ng alam na malaki ang gusto niya kay Honey. Pero nangako si Honey na hindi niya ako ipagpapalit sa lalaking iyon. Pero bakit ganito?” ang nasabi ni Vlady at biglang tumulo na ang luha sa kanyang mga mata.
“Ganyan talaga ang buhay. Mga pagsubok lamang iyan. Iyan ang magpapatibay sa iyo.” ang tanging nasabi ni Angelo.
“Oo, pero masakit iyon. Napakasakit.” ang nasabi naman ni Vlady.
“Hoy, tama na yang paiyak-iyak. Kalalaki mong tao ay iiyak-iyak ka dyan.” ang biro ni Angelo kay Vlady.
“Ikaw nga ang unang nagtaksil kay Honey di ba. Simula ng naging tayo, di ba pagtataksil din iyon.” ang dugtong pa ni Angelo.
“Pinagi-guilty mo naman ako nyan eh. Iba naman ikaw at iba rin si Honey. Basta magkaiba ang pagmamahal ko sa inyo.” ang naging tugon ni Vlady.
“O sige na. Tahan na empoy, tahan na. Pumapangit ka na nyan.” ang biro muli ni Angelo.
Nagpatuloy si Angelo sa mga biro niya kay Vlady upang mapatawa ito at gumaan ang loob niya.
Nagdaan pa ang mga araw ay mukhang nalimutan na ni Vlady ang nangyari sa kanila ng girlfriend niya. Nag-concentrate na lamang siya sa basketball at kay Angelo. Naging lalong supportive naman si Angelo kay Vlady sa paglalaro nito ng basketball. Hanggang sa dumating ang championship game nina Vlady. Best of 7 games ang championship at ng gabing iyon ay 3 wins na sila Vlady laban sa iisa pa lamang panalo ng kalaban nila. Walang mintis sa panonood sa mga nakaraan laro ni Vlady si Angelo at ang gabing iyon ay hindi rin palalampasin ni Angelo ang laro ni Vlady. Bago nagsimula ang laro ay nagbigay muna ng award sa mga players. At si Vlady nga ang tinanghal na MVP ng tournament na iyon. Mas lalong naging kumpleto ang gabi ni Vlady ng talunin nila ang kalabang team at hirangin silang kampeon ng tournament na iyon. Sa tuwa ni Vlady ay agad niyang pinuntahan si Angelo sa kinauupuan nito at hindi rin niya napigilan ang sarili na buhatin si Angelo. Hindi na naman nagtaka ang mga teammate ni Vlady dahil kilala nila si Angelo na bestfriend niya at kasama sa apartment nito.
Nang magsiuwian na sila ay laking gulat nila ng salubungin sila ni Sonny sa may parking lot.
“Napanood ko ang laro nyo. Ang galing galing na pala ng kaibigan ko.” ang bungad ni Sonny.
“Congratulations pala at ikaw ang naging MVP.” ang dugtong pa ni Sonny.
“Salamat. Kailan ka pa dumating?” ang tanong ni Vlady.
“Noong isang Linggo pa.” ang tugon ni Sonny.
“Kumusta na kayo ni Sir Angelo?” ang tanong naman ni Sonny.
“Okey naman kaming dalawa.” ang naging tugon ni Angelo.
“Ikaw, kumusta ka na?” ang naitanong naman ni Angelo.
“Okey din naman.” ang tugon ni Sonny.
“Maybe, we should celebrate your victory. Tara na, treat ko.” ang paanyaya ni Sonny sa dalawa.
“Sige na, please.” ang pakiusap ni Sonny ng medyo nagdadalawang isip ang dalawa.
“Sige, Sonny. Saan ba gusto mong pumunta?” ang tanong ni Vlady.
“Doon sa paborito nating kainan noon.” ang tugon ni Sonny.
“Pwede bang mauna ka na doon kasi dadaan lang ako sa munting celebration ng team namin. Huwag kang mag-alala at susunod kami.” ang pakiusap naman ni Vlady.
“Baka pwedeng samahan na muna ako ni Sir Angelo.” ang pakiusap naman ni Sonny.
“Kung gusto ni Angelo.” ang nasabi ni Vlady.
“Walang problema sa akin. Nakakahiya naman kay Sonny kung nag-iisa siyang maghihintay sa atin.” ang tugon ni Angelo.
“Okey, see you there Vlady.” ang paalam ni Sonny kay Vlady at sumakay na sa kotse ni Sonny si Angelo at si Vlady naman ay sumakay na rin sa kanyang kotse.
Tumuloy sa restaurant na paborito nina Sonny at Vlady sina Angelo. Nag-order sila ng pagkain. Sa simula ay halos hindi makapagsalita si Angelo. Subalit ng humingi ng tawad si Sonny sa nagawa niya noon ay tinanggap naman ito ni Angelo. Iyon ang naging simula ng masasaya nilang usapan tungkol sa buhay buhay nila. Inamin din ni Angelo na may relasyon na sila ni Vlady na ikinatuwa naman ni Sonny dahil nakatagpo din daw si Angelo ng magmamahal sa kanya. Halos dalawang oras din ang naging kwentuhan ng dalawa bago dumating si Vlady. Beer na lamang ang inorder ni Vlady at ng makailang bote na siya ay nagyaya na rin siyang umuwi. Naging maayos naman ang paghihiwalay nila kay Sonny ng gabing iyon.
Nang sumunod na mga araw ay panay tawag ni Sonny kay Angelo sa telepono. Naibigay kasi ni Angelo ang telephone number sa tirahan nila pati ang celphone number niya. Ikinairita naman ito ni Vlady sa tuwing matyetyempuhan na kasama niya si Angelo at tatawag si Sonny. Halos magselos si Vlady sa dati nitong matalik na kaibigan. Kaya naman ng minsang naunang umuwi si Vlady kay Angelo ay uminit ang ulo ni Vlady.
“Dumaan ako sa school. Kanina ka pa daw nag-out.” ang bungad ni Vlady.
“Saan ka ba pumunta?” ang tanong ni Vlady.
“Ah eh. . . Dumaan ako sa bahay. May pinag-usapan lang kaming magpapamilya.” ang naging tugon ni Angelo.
“Dumaan din ako sa inyo. Sabi nga nina Tatay at Nanay na dumaan ka nga doon. Pero hindi ka naman nagtagal.” ang nasabi ni Vlady.
“May bibilhin sana ako sa bookstore pero walang stock kahit sa anong branch nila.” ang naging tugon ni Angelo.
“Bakit ba? Ano bang nasa isip mong pinuntahan ko?” ang tanong naman ni Angelo.
“Siguro iniisip mo na nakikipagkita na ako kay Sonny. Magsabi ka ng totoo.” ang dugtong pa ni Angelo.
“Sa bibig mo na naggaling yan.” ang naging tugon ni Vlady.
“Nagdududa ka pa ba sa akin?” ang tanong ni Angelo.
“Mahal mo pa rin ba si Sonny?” tanong din ang sagot ni Vlady sa tanong ni Angelo.
“Matagal na iyon. Hindi naman naging kami at walang pagtingin sa akin si Sonny. Papaano magkakaganoon?” ang nasabi naman ni Angelo.
“Panay kasi ang usap ninyo sa telepono. Eh kung galit ka sa kanya sa mga nagawa niya sa iyo noon ay dapat hindi mo na pansinin ang mga tawag niya sa telepono.” ang nasabi ni Vlady na medyo nagagalit na ang boses niya.
“Vlady, telepono iyon. Syempre dapat kong sagutin. At tsaka, humingi na naman ng tawad yung tao. Kaya pwede ba itigil na nating diskusyong ito. Wala tayong mararating nito kundi away lang.” ang paliwanag ni Angelo.
Masama man ang loob ni Vlady ng gabing iyon ay hindi na siya nakipagtalo kay Angelo. Maaari ngang selos lang ang kanyang nararamdaman ng gabing iyon kaya nakapagbitiw siya kay Angelo ng ganoong pangungusap. Minabuti na lamang niyang matulog ng maaga upang wala ng ano pa mang diskusyon na maaaring maganap. Subalit hindi lamang iyon ang naging pagtatalo ng dalawa tungkol kay Sonny. Sa tuwing hindi nalalaman ni Vlady ang kinaroroonan ni Angelo ay tiyak na sisitahin niya ito pag-uwi sa tinitirahan nila. Hanggang sa dumating ang punto na nagpaalam na si Angelo kay Vlady na babalik na lamang siya sa kanyang mga magulang. Kahit anong pigil ni Vlady kay Angelo ay hindi ito nagpapigil. Kaya naman simula ng araw na iyon ay naghiwalay ng landas ang dalawa.
Si Sonny naman ay nakapasok agad sa isang professional team ng basketball. Ito ay labis ikinainggit ni Vlady. Naunahan pa kasi siya ni Sonny na makapasok sa isang professional team. May mga kumukuha din kay Vlady na maglaro sa isang professional team subalit kailangan pa niyang tapusin ang kanyang kontrata sa koponang kinabibilangan niya. Nagsuspetsa din siya na binabalikan ni Angelo si Sonny dahil ni hindi na siya kinakausap ni Angelo. Mas lalong lumaki ang suspetsa ni Vlady ng madatnan niya si Sonny na bumibisita kay Angelo sa bahay ng huli. Halos gumuho ang mundo ni Vlady ng makita niya ang dalawa na masayang nag-uusap. Kaya naman hindi na nagtagal si Vlady sa bahay nina Angelo.
Nang sumunod na araw ay si Angelo naman ang gustong makausap si Vlady. Nais niyang magpaliwanag kay Vlady na nagkataon lamang ang pagdalaw ni Sonny sa kanilang bahay. Subalit hindi nagpakita si Vlady kay Angelo. Ang sama ng loob ni Angelo ay inihinga niya kay Sonny. Nakinig naman si Sonny sa mga sinabi ni Angelo at upang makalimutan muna ni Angelo ang kanyang problema ay niyaya siya ni Sonny sa isang club. Nakailang bote din sila ng beer doon lalong lalo na si Angelo na nalasing sa nainom nito. Sa halip na ihatid ni Sonny si Angelo sa tirahan nito ay nag-check-in sila sa isang hotel.
Marahil dahil sa kalasingan ni Angelo ay muling naulit ang pagtatalik na dalawa. Natauhan lamang si Angelo na may nangyari sa kanila ng magising na siya at katabi niya si Sonny at pareho silang hubo’t hubad. Ginising niya si Sonny.
“Bakit nandirito tayo?” ang tanong ni Angelo kay Sonny.
“Sorry ha. Hindi na kita iniuwi dahil lasing na lasing ka na kagabi.” ang naging tugon ni Sonny.
“Kung may nangyari sa atin ay sorry din. Di ko alam yun dahil sa nainom kong beer.” ang paumanhin ni Angelo kay Sonny dahil sa ayos nilang iyon ay tiyak na may nagyari sa kanilang dalawa.
“Huwag kang mag-alala. Bukal sa loob ko ang nangyari kagabi at kagustuhan ko rin iyon.” ang paliwanag ni Sonny.
“Kung wala na kayo ni Vlady, pwede naman na maging tayo na. Nanghihinayang nga ako ng tinanggihan ko ang pagmamahal mo sa akin.” ang dugtong pa ni Sonny.
“Pero tapos na sa akin iyon. Ayaw ko ng masaktan.” ang nasabi naman ni Angelo.
“Patawad, pero noon pilit kong tinapos iyon. Subalit sa totoo lang natakot din akong pumasok sa ganoon relasyon. Noon pa man ay napamahal ka na sa akin. Pero pilit ko itong pinaglaban. Nagpunta ako sa ibang bansa upang hanapin ko ang aking sarili dahil lubos akong naguluhan ng pumasok ka sa buhay ko. Hindi madali iyon dahil hindi tanggap sa lipunang ating ginagalawan ang ganoong relasyon. Patawarin mo ako kung naging mahina ako noon. Matagal ko na sanang binalak na bumalik subalit nabalitaan ko na sa iisang bubong na kayo naninirahan ni Vlady at alam ko na kayo ng dalawa ng minsang macontact ko si Vlady. Di ko nais na guluhin pa kayo pero si Vlady na mismo ang hindi nagtitiwala sa iyo. Matatawag mo bang pagmamahal iyon. Sarili lamang niya ang mahal niya.” ang mga nasabi pa ni Sonny.
“Unfair na sabihin mo iyan kay Vlady. Noong panahong nasaktan mo ang damdamin ko ay si Vlady lamang ang naging kaagapay ko. Mahaba-haba na rin ang pinagsamahan namin ni Vlady kaya kilala na namin ang isa’t isa. Lilipas di ang selos na nararamdaman ni Vlady sa ngayon.” ang paliwanag naman ni Angelo.
“Isang tanong, isang sagot. Mahal mo pa ba ako?” ang tanong ni Sonny.
“Walang ganyanan. Hindi ko alam. Magulo ang aking isipan.” ang naging tugon ni Angelo.
“So, does it mean that you still have feelings for me?” ang tanong muli ni Sonny.
“Ewan ko. Siguro nga meron pa.” ang naging tugon ni Angelo.
Di nagtagal at nagyaya ng umuwi si Angelo. Inihatid siya ni Sonny sa kanyang tirahan. Simula noon ay lalong gumulo ang isipan ni Angelo kung sino nga ba ang mahal niya. Mas lalo pang gumulo ang isipan ni Angelo ng iparating ni Vlady na kinausap siya ni Sonny at ibig niyang palayain na ni Vlady si Angelo. Sinumbatan na naman siya ni Vlady kaya naman ng tanungin siya ni Vlady kung mahal pa niya si Sonny ay umamin siya na may natitira pang pagmamahal siya kay Sonny. Labis na ikinalungkot ni Vlady ang mga narinig niya kay Angelo. Kaya naman nasabi niya rin kay Angelo na sundin na lamang niya ang tinitibok ng kanyang dibdib at sabihan na niya si Sonny na mahal pa rin niya ito. Handa na siyang magparaya upang lumigaya lamang si Angelo.
Ilang araw din na hindi kinausap ni Angelo sina Sonny at Vlady. Hindi rin siya nagpapakita sa dalawa kahit na bumisita sila sa kanilang bahay. Hanggang sa makapagpasya siya ng dapat niyang gawin. Sabay niyang kinausap ang dalawa upang magkaliwanagan na. Bago niya sinabi ang kanyang desisyon ay hiningi muna niya ang pangako ng dalawa na kung ano man ang magiging desisyon niya ay susunod sila dito.
“Kailangan na sigurong malaman ninyo ang desisyon ko upang hindi na tayo mahirapan pa. Ikaw Sonny ang nagpatibok ng aking puso sa pagmamahal sa isang kauri ko. Ikaw din ang nagdulot ng labis na pasakit sa aking damdamin. Ikaw na yata ang isang perfect gentleman. Gwapo. Mayaman. Matipuno ang katawan. Subalit napagtanto ko na ang pagtingin ko sa iyo ay mas matimbang sa panlabas mong kaanyuan. Maaaring nabulagan lamang ako sa iyong kagandahang lalaki. Kay Vlady ko lubusang nadama ang pagmamahal na hinahanap ko. Hindi pa ganoon kalalim ang pagmamahalan namin. Subalit ang mga pagsubok tulad ng ganito ang magpapatibay sa aming samahan.” ang nasabi ni Angelo sa dalawa.
Simula ng araw na iyon ay muling nagkabalikan sina Angelo at Vlady. Si Sonny naman ay hindi na ipinagpatuloy ang paglalaro ng basketball sa halip ay nangibang bansa na lamang siya.
- W A K A S -