Barkadang Mamamakla (Part 8)
~~Napakasakit Kuya Eddie~~
By: Lito
Hindi ako nakaiwas sa tukso. Nagtaksil ako sa aking mahal na si Jomar. Ang hindi maganda ay sa pareho pa niyang barkada.
Hindi ko rin maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay may natitira pa akong pagtingin sa kaibigan niyang si Ivan. Inamin kasi nitong may pagtatangi rin siya sa akin.
Hindi rin ako nakatanggi sa pangaakit ni Ronron. At least sa kanya ay walang involvement, puro kalibugan lamang.
Nasundan pa ang pagtatagpo namin ni Ivan at Ronron sa magkakahiwalay na pagkakataon. Nagi-guilty talaga ako sa ginagawa ko, kaya lang ay talagang kakaiba ang tawag ng laman. Sa tuwinang sasapian ako ng kalibugan ay ako pa mismo ang nagtext sa kahit na sino sa kanila para puntahan ako sa bahay. Hindi ko na feel ang mag-masturbate na lamang. Iba talaga ang kaligayahan ko, ang sarap na nakakamtam ko kapag may partner ako sa kama.
Nagkaroon din ng time na magtagpo kami ni Jomar. Paliwanag niya sa akin na bumabalik na raw ang dating sigla ng kanilang negosyo. Bukas na kasi ang kanilang karinderya pero hindi pa pinapahintulutan ang magpakain sa loob. Puro take out at delivery pa lang ang pwede. Palagi silang pagod sa buong maghapon kahit na may katulong na silang isa.
Tulad na kinasasabikan ko ay may nangyari uli sa amin. Mabuti na lang at siya ang naunang nag-aya at hindi ako. Nakakahiya rin kasi na magmula sa akin ang pagkakagusto sa pakikipagtalik kahit na talagang sabik na sabik ako sa kanya.
Sa aming pagsisiping ay may napansin akong kakaiba. Kakaiba dahil sa ilang beses kong pagkikipag sex kay Ivan at Ronron ay hindi ko maiwasang ihambing ang kaligayahan kong natatamasa sa kanila kumpara kay Jomar. Iba pala talaga kapag tunay mong mahal ang iyong kapiling. Napakasaya ko at talagang ramdam na ramam ko ang glorya. Yakap at halik pa lamang ay ibayong kaligayahan na sa aking dibdib. Siguro ay dahil sa matagal din kaming hindi nagkasiping.
Hindi ko rin hinahanap sa kanya, kay Jomar, ang madalas na sex. Kwentuhan lang, kulitan, basta kasama ko siya ay sulit na sa akin. Kahit nga text lang na para pa ring kaming nagliligawan ay kinikilig pa rin ako. Iba talaga siya sa aking puso.
Dahil doon ay pinilit ko nang umiwas kina Ivan at Ronron. Sa tuwing gusto nilang puntahan ako ay nagdadahilan ako palagi na hindi pwede. May ginagawa, wala ako sa bahay at kung ano ano pang dahilan. Bandang huli ay tinapat ko na sila na ayaw ko na dahil sa sobra na akong nagi-guilty at kelangan ko nang magbago.
Nakipaghiwalay na rin ako kay Ivan na pumayag naman at tila wala lang. Batid ko naman na kahit na nakakapagtrabaho na sila kahit papano ay ginagawa pa rin nila ang pamamakla, ayon na rin sa kwentuhan nila na aking nadidinig. Wika nga ni Ronron ay “may pera na, may sarap pa” sabay hahalakhak.
Kaya naman palang umiwas sa tukso. Ang ginagawa ko na lang para ilabas ang init ng aking katawan ay manood ng m2m video at magjakol habang nanonood. Syempre iba pa rin kapag may tunay kang partner at hindi imahinasyon lang. Kahit madalang lang kaming magkaharap ay bumabawi na lang kami sa madalas na pag chat.
Paminsan minsan naman ay nakakasingit din siya sa bahay. Basta narito lang siya at kausap ko na nakaunan sa hita ko at hinahaplos ang buhok at mukha ay masaya na ako. Hindi raw kasi siya pwedeng magtagal dahil marami silang gagawin at naawa na sa kanyang ina.
Ganoon kami palagi, lambingan lang kahit sa text at chat. Paminsan minsan din naman ay nakakapagsarilinan kami.
Magpapasko na, unang pasko na may pandemya kaya halos hindi ramdam ang pagsapit ng pasko. Busy sa trabaho ako palagi at busy rin si Jomar sa kanilang negosyo. Dumalang ang aming pagkikita at maging sa pagtext.
Nag text ako sa kanya pagdating ko ng bahay galing trabaho. “Punta ka naman dito, may ibibigay ako sa iyo. Sandali lang.” Sumagot naman siya kaagad at sinabing may tatapusin lang daw. Dumating naman siya after 30 minutes, 6pm na yata. Inabot ko lang naman sa kanya ang aking pamasko na isang pabango na paborito niya at may kamahalan din. Niyakap naman niya ako at hinalikan. Wala pa raw siyang regalo sa akin.
“Halik lang ay sapat na sa akin hehehe.” Sagot ko.
Naglalandian pa kami sa sala ng tumunog ang kanyang CP. May tumawag na kung sino at agad naman niyang sumagot. Nadinig ko na sinabi niya sa kausap na pupunta na siya kaagad. Nagpaalam na siya sa akin dahil sa may idedeliver siyang order at nag-follow-up na raw. Syempre, negosyo yon kaya okay lang sa akin kahit na frustrated ako kahit papano.
Umpisa iyon ng pagdalang niyang mag text sa akin, lalo na ang makipagkita sa akin. Minsan nga ay hindi na niya sinasagot ang mga message ko.
Hindi ko na rin siya nakikita na tumatambay sa tambayan nila ng kanilang barkada. Minsan ay natanong ko si Makoy kung nakaka-bonding pa nila si Jomar pero madalang na ang sagot nila.
Ayaw ko namang magtanong sa kanya kung may problema. Inintindi ko na lang siya dahil abala palagi.
-----o0o-----
Isang gabi bago ang valentines day ay pinuntahan niya ako sa bahay, may dalang tatlong rosas na alam kong pinitas lang niya sa kanilang tanim. Alam ko dahil sa akin siya humingi ng punla at tulad din ng rose ko ang kulay ng bulaklak na red at pink. Gayon pa man ay masaya na ako at naalala niya ako.
Inabot niya sa akin ang rose sabay sabi ng “Happy Valentines” at saka ako niyakap. Ang hinihintay kong kiss ay nalimutan na yata.
“Advance na kitang binati dahil sa baka hindi na ako makalabas bukas. Pasensya ka na ha at baka hindi man lang tayo magkakwentuhan sa araw ng mga puso.” Paumanhin ni Jomar.
“Ikaw naman, parang others. Alam ko naman ang dahilan at naunawaan ko. Huwag mong isipin o akalain na magtatampo ako. Pandemya pa naman at may social distancing pa at wala naman tayong pupuntahan.”
“Ang bait bait mo talaga. Ang swerte swerte ko sa iyo, napaka maunawain mo.”
“Nambola pa ito.”
“Hindi ah. Pagamit naman ng CR mo.”
“Alam mo naman kung nasaan yun.”
Tinungo na niya ang aking banyo. Naiwan pala niya ang kanyang CP sa sofa dahil parang umilaw kaya napansin ko. May notification akong nakita. “Mahal, huwag mong kalimutan ang date natin bukas ha.” Mula iyon sa nagngangalang Dave. Biglang sumikip ang aking dibdib at tinungo ang kusina para kumuha ng tubig. Siyang paglabas naman ni Jomar.
“Alis na rin ako Kuya Ben. Happy Valentines, I love you.” Paalam niya.
“Love you too.” Walang gana kong sagot na ewan ko kung nahalata niya.
Sa aking pagiisa ay inisip ko kung sinong Dave ang nag message at may date pa sila mismong sa araw ng nga puso at tinawag pa siyang mahal. Walang pagaalinlangan na inisip kong may relasyon sila. Kung naging babae lang sana ang Dave na iyon ay wala namang problema sa akin, kaya lang ay sa lalaki ang pangalan.
Nagtungo ako sa terrace at doon sana magmumukmok ng maulinigan ko ang boses nina Orly at Ronron. Daglian akong bumaba at tinungo ang tambayan. Agad ko silang binati, kumpleto maliban kay Jomar.
“Happy valentines sa inyo. Nadinig ko lang ang boses mo Orly kaya bumaba ako para batiin ka. Kumpleto ah, si Jomar na lang ang kulang.”
“Happy valentines din Kuya Ben.” Sabay sabay nilang tugon. “Saan ang date ninyo ni Jomar.” - Si Ivan.
“Uso pa ba ngayon yun. Kanina, pinuntahan ako ni Jomar at binigyan ng 3 roses, ibig sabihin ay “I Love You”.” Sagot ko na parang nagyayabang at nangiinggit. “Kayo, meron na ba kayong ide-date.”
“Naks naman. Kaya pala ang aliwalas ng tingin ko sa itsura mo eh. Narasyunan ba.? – si Makoy.
“Ikaw talaga Makoy, kahit kelan puro biro, bastos pa. Kaya wala kang mai-date eh dahil sa pagiging palabiro mo. Magseryoso ka naman hahaha.”
“Yun nga ang panlaban ko eh ang pagjo-joke.” Sagot ni Makoy
“Yun nga lang, kahit bading, walang gustong makipagrelasyon sa iyo hahaha.” Pangaasar ni Ivan. Hagalpakan naman sila ng tawa.
“Bukas! May booking ako eh.” Singit ni Ronron.
“Kanino? Kay Roda? Bwah hahahahaha.” Kantyaw ni Orly.
“Mano naman kung kay Roda, may pera naman.
“Ikaw Ivan, sinong nakapag book sa iyo.”
“Si Kosa. Kahit na naman mukhang galing ng preso iyon, galante naman bwah hahaha.” Turan naman ni Ivan na nakuha pang magbiro at pintasan ang sinasabing Kosa.
Kahit papano ay nalimutan ko ang selos na naramdaman ko kanina. Lumuwag luwag ang aking dibdib dahil masaya naman ang pakikipagbiruan sa kanila.
“May kilala ba kayong Dave. Kasi ay nag text sa akin at iwasan ko raw si Jomar. Wala naman akong kilalang Dave at hindi ko rin alam kung pano nalaman ang number ko.” Tanong ko. Mabuti na lang at naalala ko at naisingit na maitanong.
Napaisip sila. Si Makoy ang sumagot. “Baka yung Dave na diyan nakatira sa kabilang Ibayo. Maganda iyon at may kaya, may patahian kasi sila. Matagal na yang may gusto kay Jomar. Balita ko ay panay pa ang regalo kay Jomar eh. Nagseselos siguro sa iyo, insecure, kasi mas maganda ka. Konting make-up ka lang at lipstick at kahit hindi magbihis babae ay talbog ang Dave na iyon.”
“Yun bang sinasabi mong Dave ay kung tawagin ay Divina na seksi na laging naka pekpek short?” kumpirma ko.
“Mismo. Nadale mo.” – si Makoy.
Natameme ako. Kung sa yaman ay wala akong laban, pero sa itsura ay hindi naman ako patatalo sa beking iyon. Bigla tuloy akong nakapag-paalam.
-----o0o-----
Masakit pala talaga ang pagtaksilan. Gusto kong maiyak pero walang luhang pumatak sa aking mga mata. Masakit isipin na niloloko ng taong mahal mo. May namumuong galit sa aking dibdib ngunit napagisip isip ko naman na wala pa naman akong pruweba. Sa ngayon ay maituturing na tsismis pa lang ang konting nalaman ko. Baka nga hindi yung Dave na Divina ang nag text kay Jomar. Pilit kong kinalimutan muna ang tungkol sa Dave na iyon.
-----o0o-----
Linggo, nag-isip ako ng lulutuin kong ulam sa tanghalian. Walang laman ang aking ref kundi baboy at ayaw ko na ng baboy dahil sa opisina ay palagi na lang karne ang aming ulam. Isda ang naisipan kong lutuin. Tumawid ako ng ibayo at baka may dalag pa si Tetay. Sakto at may natirang isang malaki. Binili ko na at pinalinis. Habang hinihintay ko ay nakipagtsismisan pa ako dito kay Tetay.
“Masarap i-pesa yan Mars dahil sariwang sariwa at bagong huli.” Wika ni Tetay.
“Oo nga Mars. Pesa nga ang gagawing luto ko dahil sa may nabili na akong gulay na upo.” Sagot ko na gumilid sa kanilang bahay dahil parang may nakita akong dumaan na pamilyar sa akin. Sinilip ko pero hindi ko nakilala dahil nakatalikod na.
“Si Jomar iyon, magdadala siguro ng pagkain kay Divina. Alam mo Mars, palaging diyan na order ng ulam yan si Divina at palaging si Jomar ang nagdadala. Magsyota na pala ang dalawa at inamin naman mismo ni Jomar na sila na. Ang swerte swerte ng lalaking iyon, alam mo na, busog palagi siya at maging si Divina ay busog na busog din palagi.”
“Si Jomar pala yun. Nakita kaya niya ako? Siguro ay hindi dahil kung nakita ako ay siguradong babatiin ako.” Wika ko sa aking isipan. “Mars! Yung bang Divinang tinutukoy mo ay si Dave?”
“Korek ka diyan Mars.”
Nanlumo ako bigla. Parang nanlambot ang aking tuhod. Kung gayon ay sila ang magkasama noong valentines day. Sumilip muli ako sa dinaanan niya. Napaatras ako dahil nakita ko si Jomar, kasama ang sinasabing si Divina na naglalakad. Nakaakbay pa sa kasamang beki habang itong beki naman ay nakapulupot ang isang kamay sa bewang ni Jomar. Malamang ay tatawid na pabalik.
Kumubli ako sa may pintuan nina Tetay. Pagdaan nila sa tapat ng bahay ni Tetay ay palihim ko siyang kinuhanan ng video hanggang sa tawiran, hindi niya ako nakita. Dinig ko pa ang usapan nila.
“Uy mahal, agahan mo ang pagdala ng tanghalian namin ha. Love you. Kiss.” Wika ni Divina. Isang malutong na halik naman ang ibinigay ni Jomar kay Divina, sa pisngi nga lamang pero gumanti si Divina at sa labi niya hinalikan si Jomar.
“Sige mahal, mamaya uli, Love you.”
“Inggit ka ano? hehehe.” Si Tetay na biglang bumulaga sa harapan ko dala ang isang plastic na may lamang isda na binili ko.
“Nakakagulat ka naman Mars. Eto ang bayad. Suklian mo ako at wala akong pambayad sa bangka.”
“Ito talaga, para limang piso hindi pa mai tip sa linis. Ayan na oh. Sweet nila ano. Ganyan sila palagi kapag nagkikita. Ang laki na talaga ng pinagbago ng panahon. Dati ay tagong tago ang relasyong parehong lalaki, ngayon ay hayagan na. Tanggap na naman ng mga tao eh.” Komento ni Tetay.
“Salamat dito ha. Alis na ako at nang makapagluto no. Pasyal uli ako dito para makasagap ng tsismis sa iyo hahaha.”
“Anong palagay mo sa akin. Tsismosa?”
“Ano pa ng ba?”
Mabigat ang paa ko na naglakad. Nasalubong ko pa ang beking si Divina. Nginitian naman niya ako, kaya ngumiti rin ako. Pagdating ko ng tawiran ay hindi pa pala nakakaalis ang bangka kaya doon ako napasakay at naroon pa si Jomar.
“Saan ka galing Kuya Ben.” Kaswal na tanong ni Jomar, parang namutla bahagya dahil hindi akalain na magkikita kami.
“Bumili ako ng isda dyan kina Tetay. Ikaw?”
“Nagdeliver ako ng miryenda diyan kina Divina.” Sagot niya na parang kabado.
“Ahhh.” Nasabi ko lang.
“Sweet nga nila eh, may pa kiss kiss pa nga hehehe.” Si Popoy, ang bangkero.
“Agad pinamulahan ng mukha si Jomar sa sinabi ng bangkero.”
“Hindi naman! Palabiro ka talaga Popoy. Baka may magselos dyan hehehe.” Sagot naman ni Jomar na itinago sa biro ang pagkabigla.
Narating na naman namin ang pangpang at dahil ako ang nasa unahan ay ako ang unang bumaba, Hindi ko na hinintay pa si Jomar at mabilis akong naglakad patungo sa amin.
-----o0o-----
May bisita ako kinahapunan, si Jomar.
“Kuya Ben, baka naman naniwala ka kaagad kay Popoy. Nagbibiro lang yun. Tuloy ay baka iniisip mo na may relasyon kami. Wala, maniwala ka. Ikaw ang nagiisang karelasyon ko.” Paliwanag ni Jomar
“Bakit ka naman nagpapaliwanag, may dapat ka bang ipaliwanag? Wala sa akin yung ganong biro. Saka hindi naman patungkol sa akin ang birong iyon ni Popoy, alam ba niya ang tungkol sa atin. Para sa iyo yun. Tinutukso ka para kay Divina. Kinilig ka naman, aminin.”
“Hindi ah. Kilig ka diyan. Nagdaan ako sa tapat nina Tetay kanina ah, Hindi mo ba ako napansin? Hindi rin kasi kita nakita pagdaan ko.”
“Hindi rin kita nakita. Nasa loob kasi ako at hinihintay ko ang linilinisang isda. Paglabas ko ay nasalubong ko si Dave, ihinatid ka ba niya?”
“Parang ganun na rin kasi ay binibilin ang mga order niyang ulam sa pananghalian pati ng kanyang mananahi.”
“Nag kiss ba kayo?”
“Siya lang, may gusto sa akin yun eh.”
“Alam ba niya tungkol sa atin?”
“Hindi, ikaw naman may gustong ilihim natin eh. Barkada ko lang naman ang may alam at binilinan mo pa na hindi lalabas.”
Ilang minuto pa rin kaming nagusap. Kinamusta ko lang ang tatay niya pati na rin ang negosyo nila at nagkwento naman ako sa trabaho ko sa munisipyo. Sinabi ko rin na kasama ang pamilya nila sa listahan ng bibigyan ng ayuda, yun eh kung maaprobahan ng DSWD.
“Sana lang nga. Dagdag puhunan din iyon. Sige na Kuya, aalis na rin ako at may mga hihiwain pa kaming gulay ni Nanay.” Paalam niya. Hinihintay ko ang nakagawiang kiss, pero wala na.
-----o0o-----
Ang class section namin ng highschool ay may naka-schedule na get-together sana nitong March 2021 kaya lang ay hindi natuloy dahil sa nag lockdown uli dito sa amin. Postpone muna at napagkasunduan na kapag muling inalis ang lockdown ay ituloy na namin. Dahil ako ang class president ay sa akin napaatang ang pag-a-update sa dati naming kaklase katulong ang bise president na si Junie.
Ngayon nga ay may usapan kami na magkita sa kanilang bahay. Dahil may trabaho ako ay sinabi ko na lang na pagtapos na lang ng office kami magkita. Nagkataon na wala naman akong masyadong ginagawa ay nagpaalam ako na maagang umuwi at nagdahilan na importante lang. Pinayagan naman ako ng aking supervisor.
Alas kwatro pa lang ng hapon ay naglalakad na ako papunta sa bahay nina Junie. Malapit na ako sa bahay nina Junie ng may dumaang isang bisekleta, kilala ko ang bisekleta na iyon, kay Jomar iyon.
“Hindi kaya niya ako nakita o nakilala man lang? Marahil ay dahil may suot akong facemask at faceshield.” May pagtataka kong sabi sa sarili.”
Sinundan ko siya ng tingin habang napahinto sa paglalakad. May nagbukas na ng pinto. Nakilala kong si Junie. Pinapasok, at matapos na itago ang bisekleta sa loob ng kanilang gate ay pinapasok na siya sa kabahayan.
“Kung maghahatid lang ng order, bakit kaya pinapasok pa ng bahay at pati bisekleta ay ipinasok din sa garahe. Hindi na lang pinaghintay sa labas.” Tanong ko sa sarili.
Na curious ako. Sumilip muna ako at baka papalabas na rin. Naghintay pa ako sandali. Tatawagin ko na sana si Junie pero nagdalawang isip na ako. Binuksan ko ang bakal na gate, mabuti na lang at hindi lumikha ang tunog.
Sumilip ako sa may bintana sa harapan, nakababa ang kurtina kaya wala akong makita at nakasara. Lumigid ako papunta sa bandang likoran. Nakababa rin ang kurtina at wala akong makita. Tahimik din sa loob, wala akong maulinigan na naguusap.
Doon naman ako sa kabilang gilid, malapit sa garahe. Walang sasakyan na nakagarahe. Alam kong doon ang silid ni Junie dahil nakapasok na ako roon. Nakababa rin ang kurtina pero may konting nakabukas na puwang.
May nadinig akong parang pamilyar na tunog, alam na alam ko ang tunog na iyon dahil ganun din ang tunog kapag may subo subo akong lollipop at sinisipsip iyon. Kinabahan ako bigla, umakyat ang dugo ko sa ulo. Hinawi ko bahagya ang kurtina. Natakpan ko ang aking bibig dahil muntik na akong mapasigaw sa aking nakita.
Hubo at hubad si Jomar na nakatayo at nakatalikod sa kinaroroonan ko. Nasa harapan naman niya ang inakala kong si Junie na nakasubsub ang mukha sa harapan habang nakaluhod. Gusto ko sanang sigawan. Naisip ko na lilikha ako ng eskandalo at hindi ko ibig na mangyari ang mapahiya si Junie, lalo na si Jomar. Pero sobrang sakit ng aking naramdaman. Para akong sinaksak na maraming beses sa aking nasaksihan. Gusto ko na sanang lisanin ang bahay na iyon pero gusto ko munang kumuha ng ebidensya. Kinuha ko ang aking CP at kumuha ng Video.
Nanginginig ang aking kamay, muntik nang mahulog ang aking CP dahil sa kaba at galit. Nang muli akong sumilip ay hubad na rin si Junie at nakatayo na at mahigpit na magkayakap at naghahalikan na.
Nakarecord na ako ng mga dalawang minuto at naisip ko na sapat na iyon. Papaalis na ako ng mapagisip isip ko na kelangan ko pa nang mas matibay na ebidensya. Sakaling sitahin ko si Jomar ay baka idahilan lang niya na bayad ang kanyang serbisyo. Dati na niyang inamin sa akin na namakla rin siya noon at sa pamamakla siya nakakuha ng puhunan. Balik uli ako at kumuha pa ng video. Nasa kama na sila at nagpapagulong gulong pa habang magkayakap at patuloy na naghahalikan. Ilang sandali pa ay kumalas si Junie at sinimulang romansahin. Dinig na dinig ko ang ungol ni Jomar na sarap na sarap sa ginagawa ni Junie.
“Ang galing galing mo talaga Junie, kaya mahal na mahal kita eh, sige pa ahhhhhhhhhh.” Ungol ni Junie.
Umangat ang ulo ni Junie at sumagot. “Mahal na mahal din kita Jomar, kaya nagagawa kong gawin ito. Ikaw lang ang mahal ko.” Saka nagpatuloy sa pagromansa.
Napaupo ako sa nadinig. May relasyon sila at napatunayan ko iyon. Nagsikip na talaga ang aking dibdib. Hindi lang pala ako ang karelayon ng manlolokong lalaking ito pati pala ang kaibigan kong si Junie at si Divina at siguro ay may iba pa.
Sumilip uli ako at nakaluhod na si Jomar at nakabukang binti na lang ang nakita ko kay Junie pero dinig ko ang kanyang daing. Kinakantot na ito.
Matapos kumuha ng karagdagang video ay walang ingay na akong umalis. Kinalma ko ang aking sarili. Nang makalayo layo ako ng konti ay tinawagan ko si Junie. Nakadalawang beses akong nag-dial bago niya sinagot.
“Hello Junie.”
“Hello, anong atin.” Sagot sa kabilang linya. Garalgal ang boses. Hindi ko akalaing sasagutin niya ang tawag ko habang nagpapakantot.
“May ginagawa ka ba? Bakit parang nahihirapan ka?”
“Oo eh. Ano bang sasabihin mo ahhhhhh shet.” Sagot niya at dinig ko pa kahit mahina ang kanyang ungol.
“Sasabihin ko sana na bukas na lang ako pupunta diyan. Marami kasi akong gagawin eh.”
“Sinong kausap mo?” ang nadinig kong boses na tanong ni Jomar.
“Okay lang, sige at may ginagawa lang ako.” Tugon niya. Akala ko ay pinatay na niya ang phone pero nadidinig ko pa ang kanilang mga ungol.
“Kaklase ko at best friend. Ituloy mo na ahhhhhhh.” Sabi sa kabilang linya. Ewan ko kung bakit patuloy akong nakikinig. Malalakas na ungol ang nadidinig ko sa dalawa at malalaswang salita. May epekto sa akin ang mga ungol nilang iyon at hanggang sa labasan na sila siguro saka ko pa lang tinapos ang pakikinig.
-----o0o-----
Ganon pala ang pakiramdam na pagtaksilan, lalo na at nasaksihan ko pa ang pagtataksil. Siguro kung nakita rin niya kami ni Ivan at ni Ronron noong karelasyon ko na siya ay baka masaktan niya ako. Siguro ay sinadya talagang makita ko para iparamdam din ang sakit na ginawa kong pagtataksil.
Nabuo na sa aking isipan na makipaghiwalay na sa kanya. Ayaw ko nang masaktan. Siguro ay talagang pinaglaruan lang niya ang aking pagmamahal. Sadya sigurong hindi makukuntento ang isang lalaki sa isa lang. Ang ikinagagalit ko lang naman ng husto ay kung bakit sa mga bakla rin ako ipagpapalit. Kung babae lang ang ipapalit niya sa akin ay papayag pa siguro ako na maging kabit lang o di kaya ay parausan lang sakaling abutin siya ng libog.
Magdamag akong umiyak ng umiyak.
-----o0o-----
“Bakit namumugto ang mga mata mo? Umiyak ka ba o may sore eyes.” Tanong ng isa kong kaopisina pagpasok na pagpasok ko ng office.”
“Umiyak kaagad, hindi ba napuyat lang o napuwing. Sana nga naging sore eyes na lang para hawahan kita hehehe.” Sabay lapit ko sa kanya at tinitigan ng titig na titig. Agad naman siyang lumayo sa takot na baka nga sore eyes ito. Tawa ako ng tawa.
Hindi na ako nagpa apekto pang masyado. Masigla akong nagtrabaho buong araw.
Gaya nang napagusapan namin ay nagpunta ako sa bahay nina Junie para pagusapan ang plano sakaling matuloy ang aming get-together na magkakaklase. Hindi naman humaba pa ang aming pagpaplano, walang kalahating oras ay nagkasundo na kami.
Hindi naman ako kaagad na umalis, nakipagtsikahan pa ako sa kanya.
“Hoy besi, sino yung kausap mo kahapon, aminin, may sumingit na boses ng lalaki at siguro ay may ginagawa kayong kababalaghan ano ahahayyyyyyy hihihi, sino yung malas na lalaking iyon ha.”
“Ikaw talaga besi, napaka tsismoso. Pero tama ka ahihi. Wrong timing kasi ang tawag mo eh.”
“Tama ako ano? Nagtsuktsakan kayo kahapon.”
“Oo ahihi ahay ahay hihihi.” Proud pa siya na umamin.
“Iba na naman?”
“Hindi ahh, matagal tagal na rin. Mag six month na rin. At last ko na siya, mahal na mahal ko na kasi.”
“Besi, paalala lang ha, ingat ingat din pag may time. Baka pineperahan ka lang.”
“Hindi naman siya nanghihingi, kusa ko naman siyang binibigyan.”
“Kung pangkain lang o pang sigarilyo ay siguro okay lang, baka pati naman mamahaling CP, ipad, laptop at kung ano ano pang luho ay bigay todo ka.”
“Actually, naibigay ko na lahat sa kanya iyon, pero okay lang, basta ba mahalin lang niya ako eh.”
“Siguro ay binubusog ka lagi ano hahahaha.”
“Oo naman at huwag ka, dalawang kamay na ang hawak ay may sasampalin ka pa hahaha.”
“Puro ka kalokohan kapag ganyan ang usapan. Paalala ha, ilang beses ka na bang naloko.”
“Salamat, pero this time ay sigurado na ako.”
“Kilala ko ba?”
“Siguro, malapit lang sa inyo ang bahay eh, si Jomar, ang gwapo ano. Oy besi, alam kong mas maganda ka sa akin kaya kung pwede lang, huwag mo nang hangarin pa hehehe. Me may ari na.”
“Hindi ko sya type kahit pa anong gwapo niya. Marami kayang mamamakla doon sa may amin at mas gwapo pa sa kanya hahaha.”
“Natikman mo na ba? Ang totoo ay kilala ko yung sinasabi mo at lahat sila ay natikman ko na.” pagyayabang muli ni Junie. “Alam ko kilala mo sila, si Makoy, si Orly, si Ivan at si Ronron. Bayad naman sila lahat hehehe. Nang makilala ko si Jomar ay etsa pwera na sila lahat pati ang ibang taga rito sa amin.”
“Ibig mong sabihin ay binayaran mo rin siya.”
“Inalok ko siya noong una. Na taypan ko talaga nung magdeliver minsan sa akin ng pagkain. Hindi Raw siya namamakla pero nagpapaligaw kaya niligawan ko.”
“Gamit din ang pera mo. Siguro ay panay regalo mo.”
“Hindi naman. Madalas akong magpadeliver at karaniwan na nagbibigay ako ng tip. Ayun. Doon na nagsimula hanggang maging kami.”
“Mahal mo ba talaga?”
“Ipaglalaban ko ng away hehehe.”
“Basta, yung paalala ko ha. Sige na at aalis na ako.
Continue Reading Next Part