1. Home
  2. Stories
  3. Ang Groom at Kanyang Bestman (Part 4) Finale
Mencircle

Ang Groom at Kanyang Bestman (Part 4) Finale

21 minutes

By: Lito

Bagaman at nahihirapan ay sinunod ni Keno ang payo ng kanyang ama. Pinilit nitong kalimutan ang binata. Noon ay halos araw araw na may message ito sa binata gamit ang FB messenger. Hindi na rin nito sinasagot ang messages ni Bryan. Hindi na rin ito nagpa-follow up tungkol sa trabahong inaaplayan sa Japan.

Alalang alala naman itong si Bryan. Hinala niya ay nagalit ito ng malamang naging bisita niya ang kaibigan nitong si Emong. Bagaman at talagang nagtapat ito ng pagkakagusto sa kanya ay ni reject naman niya ang binata at sinabing may mahal na itong iba at hindi lalaki. Maayos naman tinanggap ni Emong ang pagkabigo.

Sa kapatid na lang niyang si Ellaine siya nakikibalita patungkol kay Keno.

Matuling lumipas ang mga araw ay hindi na nga nagparamdam sa kanya si Keno. Patuloy pa rin naman niyang ihinahanap ng mapapasukan trabaho doon ang kanyang bayaw. Swerte naman na isang Hapones na kaibigan niya ang tumulong sa kanya at nakakuha ng oras para siya ay interbyuhin on-line.

Agad siyang tumawag kay Keno. Matagal na nagri-ring ang phone sa kabila pero walang sumasagot. Nakailang beses siyang tumawag hanggang sa saguting na rin ito sa kabila.

“Hello.”

“Hello Keno, magandang balita. May mag-iinterview sa iyo on-line sa ganitong oras at araw, kaya abangan mo at dapat ay lagi kang on-line.”

“Bryan, parang ayaw ko na, hindi na ako interesado.”

“Ha! Aba ay bakit. Napakalaking kompanya ito dito sa Japan, sayang naman ang opportunity. Saka huwag mo naman akong ipahiya. Hindi pa naman siguradong matatanggap ka kaya subukan mo muna. May problema ba tayo?”

“Wala, wala. Medyo parang nagbago lang ang aking isipan. Sige, hihintayin ko ang tawag. Susubukan kong magpa-interview”

“Galingan mo ha. Naiinip na ako. Love you.”

Pinutol na nito ang linya at hindi na sinagot ang huling sinabi ng bayaw.

-----o0o-----

Pagkababa nito ng phone ay para itong nahapo. Hindi nito akalaing na malaki pa rin ang epekto sa kanya ng bayaw. Akala nito ay tuluyan na nitong nakalimutan ang binata kaya sinagot na nito ang tawag niya sa pag-aakalang hindi na ito maaapektuhan pa. Sadya kasi nitong iniiwasan na makausap o maka chat man lang ang bayaw. Nagkamali siya, boses pa lang ay muling nanumbalik ang pananabik nito na makita, mayakap at mahalikan ang binata.

-----o0o-----

Nagbabasa ito ng mga messages sa CP nito ng may mag-pop-up na message mula kay Bryan. Binasa niya ang message.

“Tanggap ka na Keno. Pinaprocess na ang working Visa mo. Hintayin mo na lang diyan at ipadadala sa iyong address pati na ang plane ticket. Malapit na tayong magkita uli.” Message ni Bryan.

“Na imagine ni Keno ang kasiyahan ng binata sa pag message pa lang niya, Dama nito ang excitement ng bayaw.

May konting pagtataka pa si Keno kung bakit ito tinanggap ng kompnyang iyon. Hindi na nito inaasahan na tatanggapin pa ito dahil sinadya nitong hindi galingan ang mga sagot sa interview. Hindi nito alam kung matutuwa o malulungkot. Ayaw na sana niyang malapit pa sa bayaw. Ayaw niyang pareho silang magkasala.

Tinawagan nito ang asawa at ibinalita ang maganda sanang balitang natanggap.

“Bakit parang hindi ka excited. Hindi ba matagal mo nang gusto na magtrabaho sa bansang iyon?” – si Ellaine na nasa kabilang linya.

“Ewan ko ba. Kapag naiisip ko kasi na maiiwan ka ritong magisa ay parang ayaw ko nang tumuloy pa. Ano ba sa palagay mo. Tumuloy pa ako?”

“Sayang namang ang opportunity Keno. Ayaw ko rin sanang umalis ka pa, kaya lang ay may mga pangarap ka para sa atin, at ayaw kong ako ang maging dahilan sa hindi mo pagtuloy. Pero nasa sa iyon naman iyan eh.”

“Sige. Siguro ay tutuloy na lang ako. Nahihiya rin ako kay bayaw dahil pursigido rin siyang maikuha ako ng trabaho. Sige na hon. Ingat ka ha. Love you.”

“Love you too.”

-----o0o-----

“Ma! Pa! Tinanggap daw ako ng kompanyang pinagaplayan ko. Hintayin ko na lang daw ang visa at plane ticket na ipapadala dito.” Balita ni Keno sa mga magulang.

Natuwa naman ang mga magulang nito. Halata naman ng papa nito ang agam agam sa anak. Muling nagusap ang dalawa.

“Handa ka na bang harapin ang bayaw mo?”

“Hindi ko pa po sigurado kung anong magiging damdamin ko pa. Noong huling magusap kami, akala ko ay wala na akong nadarama, pero nagkamali ako pa. Kinabahan pa rin ako. Pero Pa, kaya ko na, kaya ko nang iwasan kung ano mang damdamin narito sa puso ko. Ayaw ko rin na may mangyaring gulo. Susundin ko ang payo mo.”

“Mabuti naman anak. Tama naman ang naging desisyon mo. Pasasaan ba at malilimutan mo rin ano mang feelings na mayroon ka sa bayaw mo.”

-----o0o-----

Sinalubong niya ang bayaw sa airport. Hindi maitago ang sayang nadarama niya pagkakita sa kanyang bayaw. Pilit namang itinatago ni Keno ang kaligayahang nadama na sa wakas ay nagkita na rin sila pagkaraan ng mahaba haba ring panahon. Hindi ito nagpahalata na sabik na sabik nitong mayakap at mahalikan ang minahal na niyang totohanan na bayaw.

Pansamantala ay sa apartment muna niya tumuloy ang bayaw. Balak niyang kumuha ng malakilaking unit na kwarto o Condo para sa kanilang dalawa. Masikip kasi ang kanyang kwarto para sa dalawa. Hihintayin na muna niyang makapag-adjust ito sa bagong environment.

Wala pa namang pasok itong si Keno. Lunes pa siya magrereport sa trabaho kaya iginala muna niya ito sa kapaligiran. Itinuro kung saan siya sasakay, isinama sa malapit na mall at kung saan saan pa para maging pamilyar na ito sa lugar. Maging sa mga murang kainan ay itinuro din niya sa bayaw.

Sa buong maghapon ay puro gala muna sila. Walang masyadong ipinakikitang excitement ito. Napansin naman iyon ni Bryan kaya pagdating nila ng apartment ay hindi na niya natiis na hindi magtanong.

“Keno, parang naninibago ako sa iyo. Kahapon ko pa napapansin na tahimik ka, na hindi ka masyadong nagkikikibo. Hindi ikaw yung Keno na makulit, na sa unang pagkikita pa lang natin ay puro kaangasan na ang ipinakita sa akin. Hindi ka ba masaya?.”

“Naninibago pa lang ako. Hindi pa kasi ako sanay na mawalay sa magulang ko at kay Ellaine. Huwag mo akong pansinin.”

“Hanggang ngayon ba ay galit ka pa rin sa akin dahil dito tumuloy si Emong noon pumasyal siya dito sa Japan.”

“Ano namang ang ikagagalit ko. Wala naman akong karapatan.”

“Kasi simula noon ay nagbago ka eh. Hindi ka sumasagot sa aking tawag, maging sa chat ay nag si-seen ka lang at hindi nagrereply. Nagtatampo ka pa ba hanggang ngayon.”

Nagkatitigan sila ng bayaw, hinihintay ang sagot nito. Hindi naman nakatagal sa pakikipagtitigan ito at agad na nagbaba ng tingin.

“Matagal na iyon. Wala na sa akin yun. Pahinga na muna tayo, napagod ako sa pag-gala natin.” Ang nasabi na lang ni Keno para makaiwas sa komprontasyon. Inilatag na nito ang kutson at nahiga na. Nakakain na naman sila ng hapunan bago sila umuwi.

-----o0o-----

Nakapagreport na sa trabaho si Keno. Naging maayos naman ang pagtanggap sa kanya ng mga katrabaho. May ilang Filipino rin palang nagtatrabaho doon, sa iba nga lang departamento. Dahil computer science ang kanyang kurso ay sa systems development ito napabilang.

Nakahanap naman si Bryan ng bago nilang lilipatan. Isang condo unit ito na tamang tama para sa dalawa. Isa lang ang kwarto pero may kalakihan at may mga kagamitan na rin. Isa lang kama na double ang size. Kasya naman ang dalawang kama pero minabuti na lang nilang sa sahig na lang maglagay ng isa pang kutson, si keno ang sa kama at si Bryan ang sa lapag. Nagkasundo naman silang hati sa lahat ng gastusin at tulong sa mga gawain sa bahay. Si Bryan ang magluluto dahil mas marunong siyang magluto habang si keno naman ang naglilinis ng bahay. Siya rin ang nagliligpit ng kinainan kung sabay silang kumain.

Kanya kanya silang laba at plantsa. Sa paglalaba ay madalas na isinasama na lang ni Bryan ang mga labahin ni Keno. Washing machine lang naman ang gamit niya. Sa plantsa ay kanya kanya sila.

Magdadalawang buwan na sila ay wala pa ring nabago sa kanilang samahan. Nagkailangan na sa isat isa, naguusap lang kapag may itinatanong sa bawat isa. Bihira na silang magkwentuhan na tulad ng dati. Para silang hindi magkakilala. Sa pagkain ay hindi sila nagsasabay, sa pamamasyal ay ganun din. Tuluyan ng nagkahiyaan.

Sa sitwasyon ganoon ay pareho naman silang nahihirapan. Gustong gusto niyang mabalik ang dati, yung parang magkaibigan lang at magturingan na hindi iba sa isa’t isa, tutal naman ay magbayaw sila, pero hindi naman niya malaman kung paano gagawin o sisimulan. Hindi naman siya ang nagsimulang magbago. Masayang masaya pa nga siya ng dumating na roon ang bayaw, kaya lang ay napansin niya kaagad na iba na ang kilos ng bayaw, yung para bang umiiwas na ito sa kanya.

Hirap na hirap din itong si Keno. Gusto man nitong kausapin ang kanyang kuya para sabihin kung bakit ito nagkaganoon ay hindi nito magawa. Ayaw kasi nitong masaktan ang bayaw ng dahil sa kanya.

Minsang ginabi siya ng uwi dahil nagkaayaang mag-happy happy ang kanyang mga kasamahan. Lasing siya ng umuwi pero hindi lango. Marunong pa rin naman itong magkontrol sa paginom. Nadatnan pa niya ang kanyang bayaw na gising pa at nanonood ng video. Hindi na nakatiis na punahin nito ang kuya Bryan nito.

“Ginabi ka yata at lasing na lasing ka pa yata.” Wika ni Keno na inalalayan ang susuray suray na bayaw. Naisipang niyang maglasing lasingan pata kausapin at sabihin ang sama ng loob niya dito.

“Hindi naman, nakainom lang. Kaya ko ito, huwag mo na akong alalahanin, tutal naman ay wala ka namang ng pakialam sa akin. Kaya ko ito at hindi ako lasing.” Garalgal na sabi niya at itinaboy palayo ito. Para tuloy napahiya ito at binitiwan na siya. Nagkunwari namang babagsak siya at maagap namang nasalo siya nito.

“Huwag ka ngang maarte! Kahit kelan talaga ay maarte ka. Kapit ka na at ihatid na kita sa silid.” Maangas na wika ni Keno. Sa ginawi nito ay parang may nanumbalik sa kanyang isipan. Ito yung ugaling gusto, nagustuhan niya sa kanyang bayaw, na sa unang pagkikita pa lang nila ay pinakitaan na siya nito ng kakaibang paguugali. Nagpatuloy siya sa pag-arte.

“Ano bang problema mo. Huwag mo nga akong pakialaman.” Nagpumiglas pa siya, Magaling ang kanyang pag-arte.

“Umayos ka! Baka bigwasan kita riyan. Kapit.” May diin ang pagkakasabi nito.

“Tapang mo ah. Ano ba kita ha. Asawa ka lang ng kapatid ko kaya huwag mo akong sisigaw sigawan. Ano bang problema mo? Tumabi ka na diyan!”

Sa inis ni Keno ay naitulak siya nito. Nagulat siya sa ginawang iyon ng bayaw. Pero mas ikinagulat niya ang daganan siyang bigla at sibasibin ng halik, maririing halik na para bagang dudurugin ng husto ang kanyang mga labi. Hindi siya nagakalaw sa pagkabigla at hindi rin nakaganti ng halik bagamat biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Nakatulala lang siya, dilat ang mata, parang hinapo.

Bumitiw na sa paghalik si Keno. “Ikaw! Ikaw ang problema ko. Matagal ko nang gustong gawin sa iyo ito, ang tagal kong tinikis ang sarili ko huwag lang tayong magkasala sa asawa ko na kapatid mo. Hindi ko na kaya pa. Mahal kita Bryan, siguro mas higit pa kesa sa kapatid mo. Hirap na hirap an akong iwasan ka. Sadya akong nanahimik para lang hindi ako matukso.”

Pumatak na ang luha sa mga mata ni Bryan. Naawa ito sa bayaw. Ramdam niya ang paghihirap nito. Siguro ay nadarama din nito ang paghihirap niya. Dahil pareho lang sila. Naawa din siya kay Ellaine na walang kamalay malay sa kataksilang nagawa nila bago pa man sila ikasal.

Niyakap niya ang bayaw, mahigpit, pero walang halong kamunduhan. Gusto lang nitong aluuin ang mahal din naman niyang bayaw dahil umiiyak na rin ito.

“Tama na Keno. Tama naman ang ginawa mong pag-iwas. Alam ko naman na iyon ang dahilan kung bakit ka nagbago. Sana lang ay kinausap mo ko, nagusap tayo para tulong tayo na makalimot.”

Matagal silang nagusap nang masinsinan, heart to heart at nagkasundo silang kumilos na lang ng normal, ng parang walang namagitan sa kanila, na wala silang nadaramang pagmamahal ng higit pa bilang mag bayaw.

“Magturingan tayo bilang magkaibigan, magbayaw. Magusap tayo ng wala lang. Basta kung may problema ka ay pagusapan natin, magtulungan tayo na malutas ang bawat problemang makakaharap natin.” Wika ni Bryan.

“Kung may napupusuan ka naman ay hindi naman na kita hahadlangan. Kung mahal mo na si Emong ay sige lang. Sinabi niya noon pa na tinamaan daw siya sa iyo at gusto niyang ligawan ka. Noon ay todo selos ako pero nitong mapagtanto ko na wala akong karapatan ay nagsimula na akong umiwas sa iyo. Hindi ko na sana gustong ituloy pa ang pagaaplay at tinanong ko pa nga si Ellaine tungkol doon. Sabi niya ay sayang daw ang opportunity at nakakahiya din sa iyo.”

Nagkaunawaan naman sila at nagkasundo na. Masaya naman sila dahil malinis ang kanilang konsensya. Magkakatuwaan na sila at madalas ng magbiruan. Tanggap na nila ang katotohanan.

Naging libangan nila ang makipag-video chat kay Ellaine at sa kanilang mga magulang. Kahit papano ay nawawala ang pagka home sick nila.

-----o0o-----

Halos mag-iisang taon na si Keno sa Japan. Regular naman silang naguusap ng kanyang asawa through Fb messenger. Malapit na rin itong magbakasyon at nasabi na nito iyon sa asawa

-----o0o-----

Dumating ang araw ng uwi ni Keno. Masaya at excited ito dahil hindi lamang sa dahilang magkikita na uli silang mag-asawa. Gusto rin naman niyang makipagbonding sa kanyang magulang at kapatid at sa mga barkada nito. Pinipilit pa nitong umuwi rin si Bryan pero tumanggi ito dahil hindi raw siya papayagan ng kanyang boss. Hindi pa kasi niya bakasyon nang time na iyon

Sa Airport ay mga magulang lang ni Keno ang sumalubong dito. Hindi nila kasama ang asawang si Ellaine. Agad naman nitong inusisa kung nasaan ang asawa at bakit hindi kasama sa pagsaluboong. Nagdahilan naman sila na masama ang pakiramdam.

Doon sa bahay nina Ellaine ito ihinatid ng magulang. Naghihintay naman ang mga magulang ni Ellaine sa pagdating nito. Masaya naman ang pagsalubong nila sa kanilang manugang.

“Mama, nasa kwarto pa ba si Ellaine?” Tanong ni Keno. “Masama raw ang pakiramdam.” Sagot naman ng kanang Mama.”

“Iho, tayo muna ang magusap, bago mo puntahan si Ellaine, may gusto lang kaming sabihin sa iyo at ipaliwanag.”

“Mama, naguguluhan po ako. Ano pong paguusapan natin? Ano pong ibig nyong sabihin na pagpapaliwanag. May nangyari po ba kay Ellaine, May problema po ba?” Nagtatakang sunod sunod na tanong ni Keno. Nakamasid lang sa kanila ang kanyang mga magulang.

Hinarap niya ang mga magulang at nagtanong din sa kanila. :”Ma! Pa! Alam ba ninyo ang paguusapan namin? Kasi nagtataka ako at kayo ang sumundo sa akin. May masama po bang nangyari.”

“Huminahon ka anak. Iyon nga ang dahilan. May konting problema at iyon nga ang gusto naming pagusapan natin at ng mga magulang mo. Nauna na kaming nagusap at nagkaunawaan na naman kami.

“Ano nga po ba iyon. Huwag na kayong magpaligoy ligoy pa. Pagod po ako sa byahe at gusto ko ring magpahinga muna. Ano ba yung problemang tinitukoy ninyo?”

Minabuti na ng ama ni Ellaine na sabihin ang totoo. “Buntis si Ellaine at hindi ikaw ang ama.”

“Ano po! Buntis? Ayaw po muna niyang mabuntis dahil hindi pa raw kami handa dahil wala pa kaming ipon, kaya nga nagpumilit akong makapagtrabaho sa ibang bansa.” Nanlulumong nasapo ng palad nito ang kanyang mukha. Hindi nito sukat akalaing na magagawa siyang pagtaksilan ng asawa.

Bumuntong hininga muna ang biyenan bago nagtuloy sa pagkukwento. “Hindi ka niya sinadyang pinagtaksilan. Ipinagtapat niya sa amin ang pangyayari, sa amin ng mga magulang mo. Hindi naman niya sinasadya ang nangyari. Minsan daw ay sumama siya out of town sa mga kaibigan. Overnight iyon. Nagpaalam naman siya sa Mama niya at pinayagan dahil kilala naman niya ang mga kasama. Nagkatuwaan syempre at nagkainuman at nalasing. Nang malasing ay nagpunta na raw siya ng kwarto para matulog na dahil nahihilo na raw siya habang ang ibang kasamahan ay patuloy pang nagkakatuwaan. Hindi niya namalayan na pumasok ang isa nilang kasama na dating manililigaw niya. Nagising daw siya na nakadagan na sa kanya ang lalaki at pareho na sila walang saplot. Hindi daw niya nagawang sumigaw o manglaban dahil nanghihina siya. Kaya lang ay unti unti raw siyang nadadarang sa ginagawa sa kanya ng lalaki. Babae lang daw siya at may kahinaan din.” Kwento ng Byenan nito.

Uminom muna ng tubig dahil parang natuyuan na ng laway ang matanda bago nagpatuloy.

“Simula ng umalis ka ay nalungkot daw siya. Tuwing gabi at nagiisa siya ay hinahanap hanap daw niya ang yakap mo. Kaya nung gabing iyon ay madali siyang bumigay. Hindi niya akalaing na sa isang gabing iyon ng kataksilan ay mabuntis siya. Sana ay maunawaan mo siya anak. Sana ay mapatawad mo siya.”

“Anak” Putol ng Papa nito. “Kaharap kami ng ipagtapat niya ang nangyari at huli na raw ang lahat dahil nangyari na. Hindi ka raw niya kayang harapin dahil napakabuti mo raw sa kanya. Siya na rin ang nagpasya na hihiwalayan ka niya at hindi niya kayang ipaako sa iyo ang dinadala niya sa kanyang sinapupunan. Kahit na raw hindi ka pumayag na makipaghiwalay ay hindi mo na raw siya mapipilit na pakisamahan ka. Nagpasya na siya. Ano ngayon ang iyong pasya.”

“Bakit hindi niya nasabi sa aking ang kanyang problema? Bakit nagpasya siya ng hindi muna ako kinausap kung papayag ako. Paano kung hindi ako pumayag na makipaghiwalay?”

“Ikaw ang bahalang magpasya. Nasasa iyo na iyan anak. Kung ayaw mo ay magkunsulta ka sa abogado dahil nag-file na muna siya ng legal separation at darating din ng araw na baka pag file na rin siya ng annulment.”

Marami pa silang pinagusapan. Maraming paliwanagan, maraming kurokuro. Medyo huminahon na si Keno. Kalmado na siya habang nakikipagusap.

“May alam po ba si Bryan tungkol dito?”

“Wala. Wala kaming sinasabi.”

“Mabuti naman po kung ganun. Sana ay wala muna kayong sabihin sa kanya habang wala pa ako doon. Alam kong magagalit siya dahil alam niya kung gaano ako naging tapat sa aking asawa. Ako na ho ang bahalang magsabi sa kanya ng buong pangyayari. Pwede po ba?”

“Ikaw ang bahala”

“Nasaan po si Ellaine? Gusto ko rin po siyang makausap at makita.”

“Kaya mo na ba” Kung pwede ay hinahon lang ha. Sandali at tatawagin ko.”

Nakayukong lumapit ang asawa rito. Mugto ang mata sa pag-iyak. Halata na ng konti ang tiyan, hindi na nga maitatago pa. Paglapit sa asawa ay lumuhod pa sa paanan nito at umiiyak na humihingi ng tawad.

“Alam mong mahal kita at magpahanggang ngayon ay ikaw pa rin ang aking mahal. Pero hindi ko maaatim na panagutin ka sa aking kasalanan. Binuhay ko ang bata dahil hindi ko kayang dagdagan pa ang aking kasalanan.”

Patuloy ang pag-iyak ni Ellaine. Naawa naman si Keno at hinawakan siya sa balikat at pinatayo. Yumakap naman sa kanya ang asawa. Yumakap na rin ito.

“Naunawaan kita. Maging ako man ay malungkot tuwing gabi. Tiis tiis lang. Siguro kung hindi ko kasama si Bryan, marahil ay nakagawa na rin ako ng kabulastugan. Hindi naman kita masisisi. Sino ang lalaking lumapastangan sa iyo.”

‘Sasabihin ko sa iyo, pero ipangako mo na wala kang gagawing hakbang na ikapapahamak mo at pagsisisihan balang araw. Nangako naman siya na hindi niya ako pababayaan. Hindi ko siya mahal, totoo iyon. Nanligaw siya sa akin at binasted ko para sa iyo. Hindi ko rin naman gustong walang amang makikilala ang anak ko. Nagkaroon din ako ng agam agam na sakaling kilalanin mo siyang anak ay hindi mo rin maibibigay ang pagmamahal sa tunay na anak. Kaya pumayag akong pakisamahan siya. Alam ko na alam mo na pinangalagaan ko ang aking pagkababae at pinatunayan ko iyan sa iyo.”

“Alam ko. Alam ko. Sino siya?”

“Si Jonas, office mate ko dati. Syanga pala, Pirma mo na lang ang kulang para sa ating legal separation.” Isang envelope ang ibinigay niya rito.

Inilabas nito ang laman ng envelope. Naroon ang dokumento ng kanilang hiwalayan at pirma na lang nito ang kulang, at isang passbook at withrawal slip at atm card.

“Ano ito. Bakit mo ibinibigay sa akin.”

“Sa iyo naman iyan. Lahat ng remittance mo ay inipon ko sa account natin. May konti lang bawas. Sa iyo lahat iyan dahil hindi na naman ako nakapagdagdag ng galing sa atin dahil nagamit na natin noong ikasal tayo. Tanggapin mo at ikaw naman ang nagpakahirap na kitain iyan.”

“Nagsasama na ba kayo ni Jonas?”

“Hindi pa, gusto na niya kaya lang ay hindi ako pumayag hanggat hindi pa tayo naguusap. Ang totoo ay narito siya at personal na gustong humingi ng tawad sa iyo. Sana lang ay maging mahinahon ka.”

Naging mahinahon naman si Keno. Nagkaunawaan sila at ipinaubaya na niya ang asawa, dating asawa sa bago nitong asawa. Binalaan pa nitong huwag sasaktan o paiiyakin ang dating asawa dahil mananagot siya rito.

Magaan ang pakiramdam nilang naghiwahiwalay, si Keno ay sa kanila na umuwi. Iniwan naman nito ang uwing pasalubong sa kanila.

-----o0o-----

Hindi na tinapos pa ni Keno ang isang buwang bakasyon. Sabik na sabik na ito kay Bryan kaya nagpasya na itong bumalik ng Japan. Nakapag-bonding na naman ito sa kanyang pamilya lalo na sa bunso nitong kapatid. Ilang beses din itong nakipagbonding sa dating kaopisina at barkada.

Hindi nito muna ipinaalam sa bayaw ang maagang pagbabalik nito kaya nasorpresa pa si Bryan nang makitang nakahiga sa kama ang kanyang bayaw at natutulog. Nagtaka siya kung bakit.

“Ano kayang nakain nito ay kaagad bumalik. Baka may problema sa pamilya o sa kanilang mag-asawa.” Ang sabi sa kanyang isipan. Wala naman siyang maisip na dahilan para biglaang bumalik ito ng wala sa takdang panahon.

Pinagmasdan niya ang nakahigang lalaki at inalam kung tulog nga ito. Nahirati siya sa pagtitig, hindi niya kaagad maalis ang paningin sa maganda nitong mukha. Matagal tagal din niyang hindi nasilayan ang kagwapuhan ng bayaw. Hindi maikakailang nasabik siya dahil gumaan ang kanyang pakiramdam at masayang masaya.

Wala sa sariling hinaplos ng palad ang pisngi ng bayaw at sinuklay suklay pa ang buhok. Hinalikan pa niya ang pisngi nito at hindi namalayan na naisatinig ang nasa isipan. “Mahal na mahal kita Keno. Sayang at huli na ng kita ay makilala. Kung sana ay hindi kapatid ko ang napangasawa mo ay walang pagaatubiling papayag akong maging kabit mo.”

“Talaga lang ha! Papayag kang maging kabit ko?”

Biglang tayo ni Bryan sa kabiglaanan. Hindi niya namalayan na gising na ang bayaw na sa totoo lang ay kanina pa gising pagdating pa lang niya. Lalo siyang nagulat ng hatakin siya nito bigla at napadagan rito.

“Gagawin na kitang kabit. Hindi na ako makatiis pa. Ang tagal kong nanabik sa iyo kaya pasensyahan na tayo at gagahasain na kita.” Banta ni Keno.

Pinaghahalikan na siya ni Keno sa kung saan saang parte ng kanyang katawan, mahigpit ang yakap nito kaya kahit anong pagpupumiglas ay hindi siya makawala sa mahigpit na yakap na iyon.

“Huwag kuya, huwag po.” Palahaw ni Bryan.

“Gago! Ikaw ang kuya ko no. Gusto mo rin ano hehehe.” Si Keno, lumitaw na naman ang pagka maangas. Tuloy ang panghahalay nito sa bayaw.

“Ayyyy kuya, huwag diyan, may kiliti ako diyan ayyyyyy.”

“Tumigil ka nga ng kangangawngaw! At hindi mo ako kuya ano!”

“Joke lang. Sige payag na rin akong maging kabit mo. Bahala na si kulafu kapag nagkabistuhan.” Wika ni Bryan. Yumakap na rin siya sa bayaw at tinugon na ang halik ng bayaw, mas mainit mas may pananabik. Nagpagulong gulong sila sa kama hanggang mahulog na sila sa sahig, walang puknatan ang halikan. Ipinadama na nila ang pananabik sa isa at isa.

Isa isa na nilang hinubad ang kanilang kasuotan, Nawala na ang pagtitimpi at ipinakita na ang pagkasabik na matagal nilang pinagkait sa sarili. Sinuyod na ng labi ni Bryan ang mga muscle sa katawan ng bayaw, bawat madaanan namang ng kanyang dila ay ibayong kiliti at sarap ang dulot kay Keno. Hindi tuloy matigil ang pagungol nito, para kasi siyang kinukuryente, init na init, libog na libog. Halos buong katawan nito ay nagawang halikan ni Bryan, walang nilagtawan, walang di nabasa ng laway.

Hindi naman nagpatalo si Keno. Gusto rin kasi nitong ipalasap sa bayaw ang kagaya ng sarap na nadama nito buhat sa kanya. Hindi mang gaano kaeksperto ay nakaya pa rin naman nitong mapaungol, mapaikot at mapatirik ang mga mata ng katalik hanggang sa humantong sila sa pagbabaliktaran. Hindi kasi nito gustong siya lang ang lumigaya gaya noong una silang magtalik. Kaya pala nitong gawin ang ganong kahalayan dahil mahal niya ang kaniig. Makaraan ang mahaba haba ring salpukan ay kapwa na sila nilabasan at pareho rin nilang kainain ang kanilang inilabas na katas.

Pagod at hapong hapo ang dalawa na nahiga nang patagilid, magkaharap sa isat isa at nagtititigan.

“Bakit napaaga ang balik mo?” ang unang lumabas sa bibig ni Bryan.

Ikinuwento naman ni Keno ang lahat lahat. Nalungkot siya sa pangyayari. Gusto niyang magalit sa kapatid. Bandang huli ay naunawaan naman niya at humanga pa ito sa kapatid dahil hindi nito nagawang ilihim ang pangyayari sa magulang nila at sa mga byenan. Sa isang banda ay natuwa rin siya dahil wala na silang alalahanin, hindi na makakaramdam ng guilt kung gusto nilang magmahalan.

“Totoo bang mahal mo ako Keno.”

“Noon una ay totoong libog lang ako, pero nagiba nang malaman kong may interes sa iyo si Emong. Hindi ko gusto iyon at hindi ako makapapayag na mapunta ka sa iba. Mahal na mahal na kita, walang biro.”

Muling naglapat ang kanilang mga labi, mas mainit, mas nagbabaga.

“Aangkinin na kita.” – si Keno.

“Ikaw ang bahala. Iyong iyo na ako.”

WAKAS

Related Stories

Mencircle

Fratboy (Part 2)

By: DonJuan Ilang Buwan..narin ang nakalipas mula nung nasaksihan ko ang pagtatalik ni Sir bert at alvin.. hindi ito mawala sa isip ko.... Ultimo s
11 Minutes
Mencircle

Mga Bisita ni Kuya

By: Lito Semestral vacation na naman kaya magugulo na naman ang buhay ko dito sa bahay. Uuwi na kasi ang nag-aaral kong kapatid sa Maynila na si Ku
52 Minutes
Mencircle

Pinsan ni Tropa

By: ur_engineer Gusto ko lang mag share ng first experience ko with a guy. Naisipan kong e share ang kwento ko dahil nagkita kami ulit ng taong nag
7 Minutes
Mencircle

Masarap na Buhay sa Probinsiya (Part 5)

By: Marc Angelo Mga alas siyete ng umaga nang umalis sila Josh, Ron at Ate Mercy. Di na naabutan ni Clyde ang kanilang pagaalis dahil l
9 Minutes
Mencircle

Dream Come True (Part 1)

"Paano ako makakacode ng system na to kung di naman tinuro samin mga gagamitin na components kung paano gamitin?" sabi ko sa sarili ko habang nakati
11 Minutes
Mencircle

Daddy ni Nico

By: Aaron Bilang isang tao na may pakiramdam at rasiyonal kung mag-isip, magmahal, at makiramdam ay likas na sa atin ang humanga sa taong may kakai
40 Minutes
Mencircle

Masarap na Buhay sa Probinsiya (Part 4)

By: Marc Angelo Naglinis na at nagsuot muna ng shorts na sila Josh at Clyde at nagpahinga muna saglit. C: "mukhang napagod ka bunso a
10 Minutes
Mencircle

Dugo ng Kamunduhan (Part 4)

Pagsasalo By: gletorma25 Back story sa father-in-law ng ating bida: Tagaktak ang pawis. Hinahabol ang hininga. Hingal na hingal. Nakahilata’t
29 Minutes
Mencircle

Masarap na Buhay sa Probinsiya (Part 3)

By: Marc Angelo Maagang nagising si Renz para gawin ang mga trabaho sa farm, nagkape muna siya at tumambay sa isang kubo na katabi ng m
9 Minutes
Mencircle

Masarap na Buhay sa Probinsiya (Part 2)

By: Marc Angelo Kinagabihan ay dumating na ang pamangkin ni Ate Mercy na si Josh. J: "Magandang gabi po, Sir Clyde." C: "Magandang g
10 Minutes
Mencircle

Ang Groom at Kanyang Bestman (Part 3)

By: Lito Nagkaroon ng pagtatalo ang bestman at groom ng dahil sa hindi maipaliwanag na selos. Muntik pa silang magkasakitan. Mabuti na lamang at is
19 Minutes
Mencircle

Masarap na Buhay sa Probinsiya (Part 1)

By: Marc Angelo Si Clyde ay galing sa isang mayamang pamilya na may ari ng isang farm sa Batangas at siya ang naatasang mamahala sa kan
9 Minutes
Mencircle

Ang Groom at Kanyang Bestman (Part 2)

By: Lito Pagpasok pa lang ng bahay ay nakorner na si Bryan ni Keno. “Nabitin ako kanina. Wala ka nang kawala ngyon.” Mariing hinalikan nito ang
21 Minutes
Mencircle

Barkadang Mamamakla (Part 13) Finale

Kambal na Ligaya By: Lito Magaan na magaan ang aking pakiramdam simula ng mangyari iyon. Masigla ako sa aking trabaho, walang reklamo kahit pa mat
15 Minutes
Mencircle

Ang Groom at Kanyang Bestman (Part 1)

By: Lito Ikakasal na ang kapatid ni Bryan na si Ellaine sa nobyo nitong si Keno for five years. Matagal nilang pinaghandaan ang kasal na ito kaya m
20 Minutes
Mencircle

Barkadang Mamamakla (Part 12)

Shopee Delivery By: Lito Naaisipan kong mag-ayos ng sarili, nag make-up, lipstick at nag damit pambabae. Ang ganda ko pala kung naging tunay akong
21 Minutes
Mencircle

Barkadang Mamamakla (Part 11)

Si Vernie By: Lito Naging wild ako nitong nakaraang gabi. Hindi ko sukat akalain na magagawa kong makipagtalik sa apat na barkadang mamamakla sa l
19 Minutes
Mencircle

When You're Not Around (Part 3)

By: KenKlark "IT WAS A MISTAKE," YOU SAID. BUT THE CRUEL THING WAS, IT FELT LIKE THE MISTAKE WAS MINE, FOR TRUSTING YOU. — LADY GAGA EMIL'S POINT
19 Minutes
Mencircle

Barkadang Mamamakla (Part 10)

Me, Being Wild By: Lito Nakipag-break na ako kay Jomar dahil sa kataksilang ginawa niya sa akin. Tatlo kaming pinagsabay sabay niyang syotain, iyo
21 Minutes
Mencircle

Macho Dancers (Part 3) Finale

By: Lito Sa Birthday Party ni Macho Dancer Jose Hindi agad naulit ang enkwentro nina Romeo at Manny. Madalas na magtext o tumawag si Manny sa una
21 Minutes
Mencircle

Macho Dancers (Part 2)

By: Lito Ang Macho Dancer na si Manny Ating alamin ang naging pagbabago sa buhay ni Romeo matapos siyang ikasal at matapos makaranas ng pakikipagt
16 Minutes
Mencircle

Barkadang Mamamakla (Part 9)

Break-up By: Lito Napakasakit pala talaga ang pagtaksilan ka ng iyong minamahal, lalo na kung sariling mong mga mata ang nakasaksi sa kataksilang
22 Minutes
Mencircle

Napagtripan ang Kaibigan

By: Lito Sa isang unibersidad sa Baguio nag-aaral si Kyle. Kumukuha siya ng kursong Information Technology o IT. Apat silang magkakaibigan at magka
23 Minutes
Mencircle

Macho Dancers (Part 1)

By: Lito Stag Party Matagal nang magkasintahan sina Rona at Romeo at ngayon nga ay naisipan na nilang magpakasal. Nagkasundo ang dalawa na isang s
20 Minutes
Mencircle

When You're Not Around (Part 2)

By: KenKlark "I DO NOT WANT TO BE ALONE FOREVER, BUT I CAN BE TONIGHT." — LADY GAGA KEVIN'S POINT OF VIEW "Napapadlas ang mga pag-uuwi mo ng gab
19 Minutes
Mencircle

Barkadang Mamamakla (Part 8)

Napakasakit Kuya Eddie By: Lito Hindi ako nakaiwas sa tukso. Nagtaksil ako sa aking mahal na si Jomar. Ang hindi maganda ay sa pareho pa niyang ba
21 Minutes
Mencircle

When You're Not Around (Part 1)

By: KenKlark "YOU FOOLED ME AGAIN." — LADY GAGA KEVIN'S POINT OF VIEW Takot na takot ako nang mabangga ng kotse ko ang isang isang lalaki na nag
19 Minutes
Mencircle

Barkadang Mamamakla (Part 7)

Nadarang..Natukso..Bumigay By: Lito Hindi ko malilimutan ang naging karanasan ko sa sex sa una kong boyfriend na si Jomar. Napapanaginipan ko pa a
20 Minutes
Mencircle

Bakasyon Grande sa Batanes (Part 3) Finale

Pahabol Mula Batanes Hanggang Manila By: Lito May usapan kami ni Gerry na magtatagpo sa gabi. Pasado alas diyes na ay wala pa siya. Nainip na ako
20 Minutes
Mencircle

Dugo ng Kamunduhan (Part 3)

Pagsasalo By: gletorma25 Mabilis na dumaan ang mga araw. Maglalabinlimang linggo na ang dinadala ni Diana sa kanyang sinapupunan. Maselan man ang
35 Minutes
Mencircle

Dugo ng Kamunduhan (Part 2)

Panibagong Kalaro By: gletorma25 Sa sumunod na mga araw ay naging payak naman para sa mag-anak ni Mang Pablo kasama ang kanyang manugang na si Man
22 Minutes
Mencircle

Kakaibang Init (Part 2)

By: MJC Paalaala: Lahat ng mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang. Ang ano mang pakakatulad sa mga nalathalang babasahin ay hindi sinasadya.
5 Minutes
Mencircle

Barkadang Mamamakla (Part 6)

Food And Sex Delivery ng Una Kong Boyfriend Part 5 and 6 has been switched before. Please read the new updated Part 5.By: Lito Nagsitayuan na kami
22 Minutes
Mencircle

Barkadang Mamamakla (Part 5)

Istorya ni Jomar By: Lito Habang gumagawa ako ng tulog ay kung ano ano ang aking naiisip matapos ang mainit na pagtatalik namin ni Ronron. Parang
22 Minutes
Mencircle

Manong Rodel

Driver/Lover By: Christopher Greetings to the readers. I am Christopher. From La Union. 38 years old. I am not a regular visitor of the website
13 Minutes
Mencircle

Dugo ng Kamunduhan (Part 1)

Nang Dinalaw Ako Ng Estranghero Isang Gabi By: gletorma25 Read Prologue “Ahhhh... ahhhh...” “Ahhh... ahhh...” Mahihina pero buong buong mga un
28 Minutes
Mencircle

Bakasyon Grande sa Batanes (Part 2)

Huling Hirit By: Lito Nagkita kami sa lobby ng hotel ng magsyotang sina Gerry at Melissa. Nakipagkwentuhan sila sa akin at naisipan naming uminon
21 Minutes
Mencircle

Kakaibang Init (Part 1)

By: MJC Paalaala: Lahat ng mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang. Ang ano mang pakakatulad sa mga nalathalang babasahin ay hindi sinasadya.
8 Minutes
Mencircle

Dugo ng Kamunduhan

Panimula Bago ang Unang Kabanata By: gletorma25 Note - m2m po ito. prologo lamang itong chapter na to. “Eto na ko, haaa... haa. Putang ina eto n
19 Minutes
Mencircle

Gapang

Panibagong Kwento By: Lito Masaya kaming naguusap habang nakain ng tanghalian nang aking mga kaklase na sina Neil, Jonjon at Ronnie tungkol sa pag
21 Minutes
Mencircle

Ang Dabarkads at si Manong

By: Lito Matandang binata si Pedring, kilala sa tawag na Manong Pedring o Manong sa mga kalugar, 45 taong gulang. Mabait na tao si Manong, matulung
23 Minutes
Mencircle

Bakasyon Grande sa Batanes (Part 1)

Unang Hirit By: Lito Februry 2018, ng pumunta ang barkada ng Batanes. Matagal na namin plano ito na makarating sa malayong islang iyon na palaging
22 Minutes
Mencircle

Friends' Zone (Part 2)

By: Cupid Lumipas ang isang linggo mula nung may nangyari sa amin ni Ace sa camping. Nagdesisyon na din ako na huwag nalang sabihin sa kanya iyon d
11 Minutes
Mencircle

Friends' Zone (Part 1)

By: Cupid Tawagin niyo nalang ako sa aking palaway na 'Rob', labing-pitong taong gulang, at nasa Grade 11 na sa Senior High. Isa akong typical na k
13 Minutes
Mencircle

Barkadang Mamamakla (Part 4)

Unang Tikim Kay Ronron By: Lito Naubusan ako ng bigas kaya dumaan ako ng palengke para bumili. Bumili na rin ako ng konting grocery at karne para
24 Minutes
Mencircle

Barkadang Mamamakla (Part 3)

Si Ivan Na Naman By: Lito Naulit muli ang mainit na tagpo sa pagitan namin ni Ivan. Kung noong una ay walang halik halik sa labi, nito ngang huli
20 Minutes
Mencircle

Home Alone

By: Lito Naranasan na ba ninyo ang maiwang magisa sa inyong bahay? Ano ano ang ginawa mo at pinagkaabalahan habang nagiisa ka sa inyong bahay? Isa
26 Minutes
Mencircle

Barkadang Mamamakla (Part 2)

Si Ivan Pa Rin By: Lito Natukso akong patulan si Ivan. Bakla lang kaya madali akong matukso lalo na sa mga gwapo at batang lalaki na tulad niya. H
19 Minutes
Mencircle

Ang Tatay ni Sam (Part 2)

By: Idge Nagising akong masakit ang ulo. Nakasando at brief pa rin ako gaya ng suot ko kagabi bago ako nawalan ng malay. Umaga na. Nakita ko sa wal
13 Minutes
Mencircle

Barkadang Mamamakla (Part 1)

Si Ivan By: Lito Paunawa: Ang kwentong ito ay may temang pag SPG at hindi angkop sa mga mambabasa na wala pang sapat na gulang. Kathang isip lang
23 Minutes
Mencircle

Ang Tatay ni Sam (Part 1)

By: Idge Sa wakas ay nakuha ko rin ang matamis na oo ni Sam. Matagal ko na siyang nililigawan, college palang kami, kaya laking tuwa ko nung napasa
14 Minutes