Barkadang Mamamakla (Part 11)
~~Si Vernie~~
By: Lito
Naging wild ako nitong nakaraang gabi. Hindi ko sukat akalain na magagawa kong makipagtalik sa apat na barkadang mamamakla sa loob lang ng isang gabi
Nag-sosolo na naman ako at walang makausap. Tamad na tamad din akong kumilos, masakit ng konti ang aking katawan dahil sa pagod kagabi. Naisip ko na naman si Jomar, ang manlolokong si Jomar.
Nanalamin ako, pinagmasdan ko ang aking sarili. Ahh ang pangit ko, ang amos pa. Hindi pa nga pala ako naliligo. Kinuha ko ang aking twalya at bumaba para maligo muna.
Balik ako sa salamin, pinagmasdan ko uli ang aking mukha, tumayo pa ako at umikot ikot para makita ang aking katawan na walang saplot. Naalala ko na may make-up at lipstick nga pala akong natanggap sa aming exchange gift noong pasko. Hindi naman talaga ako nagme-make-up at lipstick, nakikipag palit ako sa iba pero hinde raw pwede at walang ganunan.
Ginamit ko iyon at pinagmasdan ko muli ang aking sarili. Hindi ko kaagad nakilala ang aking sarili, ang laki nga pala ng nagagawang pagbabago ng make-up sa gumagamit nito. Si Paolo nga ng Eat Bulaga ay nagiiba iba ang itsura ng dahil sa make-up
Konting ayos pa ng kilay ay nakatitiyak akong magandang maganda na ako. Naisip ko kung anong nakita ni Jomar sa Dave at Junie na iyon.
Naghanap ako ng pinagliitan kong tshirt na maayos pa naman. Nahanap ko ang isang tshirt ng high school ako. Paborito ko ito kaya naitago ko pa. Isinuot ko. Hah! Bitin na, kita ang pusod ko. Isinuot ko rin ang isang pinutol na maong pants. Kumuha ako ng gunting at pinutol ko pa ng mas maiksi, para na itong pekpek short hehehe. Hindi naman masyado. Pinagmasdan ko uli ang aking sarili. Humanga rin ako sa sarili kong katawan. Seksi pala talaga ako, ang puti ang kinis ng aking balat at bilog na bilog ang aking hita at behind. Nag straight body ako, mas lalo pang gumandang tingnan ang aking likoran.
Selfie selfie muna at pinuri ko ng pinuri ang aking sarili. “Ang ganda ganda mo Ben, kamukha mo na si Gretchen hahaha.” Malakas kong wika sa aking sarili. Nakita ko ang wall clock sa salamin. “Nakupo, alas onse na pala, wala pa akong ulam na lulutuin. Hindi nga pala ako nakapamalengke kahapon.” Taranta kong wika. Nagmamadali kong kinuha ang aking wallet at bumaba. Nagpunta ako ang ilog para tumawid sa ibayo at bumili kahit na tilapya kay Tetay. Sakto naman na nag-aabang si Popoy, ang bangkero, na nag tatawid. Kaagad akong sumakay.
“Naku Poy! May maabutan pa ba akong isda diyan kay Tetay? Tanong ko kay Popoy.
“Kilala mo ako? Bago ko lang kayo naisakay ah?”
“Ano ka ba Popoy! Syempre! Kilala kita. Madalas naman akong natawid sa kabila ah.”
“Kuya Ben! Ikaw ba yan? Ang ganda ganda mo.” Namimilog pa ang mata ni Popoy sa paghanga, hindi makapaniwala na ako ang kanyang sakay. “Ang ganda ganda mo talaga, para kang artista yung si Gretchen.”
“Bolero!” pa humble ko pa. Kung sabagay ay yun din ang tingin ko sa aking sarili kanina.
“Totoo Kuya ah eh Ate pala, walang biro. Ano nga palang itatawag ko sa iyo ngayon?”
“Eh di Ben din. Sinubukan ko lang gamitin yung make-up na na exchange gift ko noong pasko at hindi ko na natanggal, nagmamadali kasi ako. Eto pala ang bayad, keep the change hahaha.” Inabot ko na ang limang piso, tres lang naman ang pasahe, at bumaba na.
Naglalakad na ako patungo kina Tetay na makita kong naglalakad si Jomar at kaakbay pa si Dave aka Divina. Sumulak na naman ang dugo ko, napasimangot na naman. Pero naisip ko na papangit ako kapag sumimangot. Ngumiti na ako dahil pinagtitinginan ako ng mga nakakakita sa akin, mapa babae man o lalaki.
Malapit na kaming magsalubong nina Jomar, alam kong tinititigan niya ako, kunwari naman ay hindi ko siya pansin. Nang magkatapat na kami ay sinadya ko pang sagiin ang kanyang braso. “Ay sorry, pasensya ka na, hindi ko sadya.” Wika ko na parang nagboses babae ako. Kaya ko palang magpalit ng boses. Natuwa ako sa aking nadiskubre.
“Okay lang, walang problema.” Sagot naman ni Jomar. “Ang ganda ano? Sino kaya iyon.” Nadinig kong sinabi niya kay Dave makalampas sa akin.
“Mata mo! Magkakuliti ka. Mas maganda ako dun ano?” galit na sagot naman ni Dave. Siguro ay kinurot pa niya si Jomar dahil nag aaray siya.
Sandali akong huminto, tinanaw ko pa sila na sumakay na ng bangka.
“Nakasalubong mo ba si Kuya Ben Jomar?” nadinig kong tanong ni Popoy kay Jomar
“Hinde. Bakit?”
“Ang ganda ganda ano! Para talagang artistang si Gretchen, Kabababa lang dito, baka hindi mo lang nakilala.” Si Popoy uli na talagang gandang ganda sa akin at ipinagyabang pa ako kay Jomar. Nakita ko pang tumingin sa pampang si Jomar at tila hinahanap ako. Nagalit na naman itong si Dave. Nag tuloy na ako sa paglalakad.
“May tilapya ka pa Tetay, yung malalaki ha at buhay.” Wika ko sa boses na babae.
“Meron pa, ilang kilo? Uy! Napakaganda naman ng aking bagong kostumer, kilala pa kaagad ako. Usod ka ng konti at baka ka matalsikan ng tubig na malansa ehehe.”
“Ito talagang si Tetay o. Weno naman, sanay akong humawak ng malansa.”
“Yang kinis mong yan, yung puti at gandang iyan ay hindi bagay na humawak ng malansang isda. Ano nga palang pangalan mo, ako si Tetay, alam mo na naman di ba?”
“Ako si Ben, kumusta Tetay.” Sagot ko sa dati kong boses.
“Ay Kulugo! Ben! Ikaw nga ba iyan? Diyos ko, ang ganda ganda mo, ang seksi seksi pa. Hindi kita nakilala. Walang panama sa iyo si Divina, wala kahit na kapiranggot.”
“Haay naku, bigla akong nagkaroon ng fans. Bilisan mo na iyan at tanghali na ako. Wala pa akong sinaing.”
Kung ano ano pang ang sinabi ni Tetay, tsismosa talaga. Malamang na itsismis din niya ako.
-----o0o-----
Patungo ako kina Junie, dadalhin ko sa kanya ang listahan ng telepono ng ibang kaklase namin na nasa ibang lugar o sa Manila. Sinabi kong siya na lang ang tumawag sa kanila para ma inform ang aming get together sa isang buwan.
Kumatok na ako. Kaagad naman akong pinagbuksan ni Junie at pinatuloy. Kauupo ko lang ng lumabas ng kwarto si Jomar na nakatapis lang ng twalya at hinihingi kay Junie ang shampoo. Napabalik siya ng kwarto pagkakita na naroon ako.
“Sandali lang Ben ha, ibibigay ko lang sa mahal ko ang shampoo. Maliligo kasi siya at ayaw ng shampoo na gamit ko, katatapos lang namin kasi ahaayyyyyyy hihihi.” Si Junie na hindi na nahiyang ipagyabang ang ginawa nila ni Jomar.
“Mamaya na ako maliligo, pag-alis ng bisita mo, nakakahiya. Hindi mo naman sinabi na may bisita ka.” Pabulong na wika ni Jomar na narinig ko rin naman.
“Nahiya nang lumabas hihihi.” Nakangiting turan ni Junie.
“Ibibigay ko lang naman itong listahan ng telephone number. Eto na at ikaw na ang bahala. Sumabay ka na rin sa paliligo niya at amoy ano ka pa hahahaha.”
“Ito talaga! Sige na, ako na ang bahala.” Malanding sagot ni Junie.
-----o0o-----
“Sino kaya yung kung maka pindot sa doorbell ay wagas. Sandali lang! Nariyan na!” sigaw ko.
“Jomar! Anong kailangan mo? Baka naliligaw ka, hindi ito ang bahay ni Dave o ni Junie.? Sarkastiko kong wika.
“Magusap tayo. Please!?” Pakiusap niya.
“May dapat pa ba tayong pag-usapan? Wala na tayo hindi ba? Break na tayo, wala na tayong relasyon, tapos na, the end. Ano pang kailangan nating pag-usapan.”
“Hindi pa ako pumapayag sa hiwalayang iyon. Magpapaliwanag ako. Noon pa kita gustong kausapain, kaya lang ay ayaw mo akong labasin. Please Kuya Ben, pleaseeee.”
“Umalis ka na! Hindi na kita gustong makita at makausap.” Wika ko sabay talikod at iniwan na siya.
“Hindi ako titigil ng ka do-doorbell dito. Mabubulahaw ang mga kapitbahay mo, maniwala ka.” Sigaw niyang banta at sinimulan na niyang mag doorbell na naman. Alam kong hindi siya titigil kaya nilabas ko siya uli.
“Ano ka ba! Baliw!”
“Sandali lang naman, gusto ko lang talagang makapagpaliwanag, last na ito at hindi na kita gagambalain pa.” Disidido talaga siya kaya pinagbuksan ko na ng gate at pinapasok. Doon na lang kami nagusap sa isa pang gate bago ang aking pinto sa bahay.
“Dito na lang tayo mag-usap, mahirap na at baka kung anong gawin mo sa akin. Mabuti nang dito na lang at madali akong makatatawag ng tulong. Magsalita ka na.”
“Hindi ko sila gusto, ikaw ang mahal ko, maniwala ka sana. Sila ang nanligaw sa akin sila lang ang may gusto sa akin.” Wika niya.
“Hahaha hahahaha!” malutong kong tawa na may panguuyam. “Kung hindi ko pa mismo nadinig kung paano mo sila sabihan na mahal na mahal mo ay baka maniwala pa ako sa iyo. Pinabayaan mo na nga ako eh, ang lapit lapit ng bahay natin ay minsan mo lang akong nabisita, nagmamadali ka pa sa pag-alis.”
“Oo, sinabi ko iyon para lang hindi na sila mag-inarte pa. Saka narahuyo ako sa binibigay nila sa akin ng kung ano ano at maging pera. Isa pa ay marami silang umorder ng pagkain sa amin kaya lumalaki ang benta namin at syempre malaki rin ang kikitain namin.”
“Ah, kaya pinabayaan mo na ako dahil wala kang mahihita sa akin, wala kang mahuhuthut sa akin, ganun ba? Naintindihan ko na. Tama ka naman, naunawaan ko, kaya lang ay hindi ko kayang pantayan ang binibigay nila sa iyo, mahirap lang ako. Isa pa ay ayaw ko na niloloko ako. Alam mo, kung tunay na babae lang ang ipinalit mo sa akin ay wala namang problema sa akin eh. Napagusapan na naman natin iyon. Libre kang makipag syota at mag-asawa. Wala kang maririnig sa akin at hindi rin ako magagalit.” Mahaba kong litanya.
“Hihiwalayan ko na sila, iiwan ko na kahit na hindi na sila umorder ng pagkain sa amin. Pangako ko, huwag mo lang akong hiwalayan.”
“Sasaktan mo rin sila, ganon ba? Alam mo ba kung gaano ako nasaktan? Minahal kita ng tunay, simula nang naging tayo ay hindi na ako tumingin pa sa ibang lalaki, pero anong ginawa mo. Dapat pa bang pagkatiwalaan kita? Hahaha, wala ka bang puso. Wala kang awa at bale wala sa iyo kung sino man ang masaktan. Hindi. Tama na, hindi na mababago ang aking pasya. Alam mo bang kaibigan ko si Junie? Ano na lang ang sasabihin niya sa akin sakaling malaman niya na may relasyon din tayo. Pagbibintangan pa niya na isa akong ahas. Sige na, umalis ka na.”
Pumasok na ako ng bahay pagkasabi ko niyon. Nakatayo lang siya, hindi kumikilos. Sinilip ko pa siya sa bintana kung naroon pa. Matagal bago niya nakuhang maglakad papalabas.
-----o0o-----
Ang sarap ng aking pakiramdam matapos ang paguusap namin iyon, nagluwag ang aking dibdib, para bang nabunutan ako ng tinik na matagal na nakatusok sa aking dibdib. Iyon lang pala ang kailangan para mawala ang sakit, ang makausap siya at maibulalas ang aking sama ng loob. Maluwag ko nang tinanggap na hindi kami para sa isa’t isa.
Sa unang pagkakataon, sa loob ng mahaba haba ding panahon ay nakaramdam ako ng saya. Pakanta kanta na ako habang nagluluto na nalimutan ko nang gawin nitong nakalipas na mga araw.
Maging sa trabaho ay nakitaan ako ng pagbabago, para daw akong blooming. Hahaha. Nakakatawa talaga. Masipag akong nagtrabaho buong maghapon at sa mga sumunod na araw.
Naisip ko rin na hindi maganda ang ginawa ko noong unang araw na kami ay naghiwalay ni Jomar. Nakuha ko kasing makipag kangkangan sa magbabarkada. Iniwasan ko rin muna ang makipagusap sa kanila. Dati rati ay hinihintay ko na tumambay sila sa kanilang tambayan sa river control para makipag kulitan na ang hangad ko lang talaga ay malaman kung naroon si Jomar.
Masarap naman silang kausap, hindi naman nila ako binastos. Napakisamahan ko naman sila ng maayos, ewan ko lang matapos ang mainit na eksenang nangyari sa amin, lalo na kina Makoy, Orly at Ronron na sabay sabay kong nakatalik. Minsan ay nakinig rin ako sa paguusap nila at wala naman akong narinig na masamang bagay na sinabi buhat sa kanila na masama patungkol sa akin.
Lumipas ang maraming araw na hindi ko halos namalayan. Naka move on na talaga ako. Minsan na nagbrowse ako ng FB sa phone ko ay di sinasadyang mapindot ko ang file ko ng mga selfie at unang bumungad ang picture ko na naka make-up. Pinagmasdan ko uling mabuti ang larawang iyon, Ibang iba talaga ako kapag may make-up. Hindi naman sa gusto ko nang mag cross dress, susubukan ko lang na magpakita sa mga mamamaklang barkada at sa aking mga kaibigan sa trabaho na naka make-up para malaman ko rin ang opinyon nila. Baka nga palagian na akong mag suot ng make-up kapag pabor ang kanilang sasabihin.
Nanood ako sa youtube ng mga paraan ng pagme-make up na simple pero maganda. Pagdating ng sabado ay nagpunta kaagad ako sa karatig bayan para bumili ng mga kakailanganin ko sa pagpapaganda. Bumili rin ako ng ilang mumurahing palda at bestida na babagay sa maliit kong katawan.
Pagdating ko ng bahay ay kaagad kong sinubukan gamitin ang mga bago kong biling make-up kit.
Ibang iba talaga ang aking itsura kapag nalagyan ng kolorete. Inayos ko ang aking kilay at pilik mata. Dati na naman mahaba ang pilik mata ko kaya lang ay nilantikan ko pa. Nakuha ko naman ang gusto kong resulta.
Isinukat ko rin ang palda kong binili pati na ang hanging tshirt. Para na talaga akong babae. Nagpaikot ikot ako sa salamin na parang isang fashion model. Ang ganda ganda ko pala talaga hehehe, yun eh para sa akin lang. Hindi ko alam kung magagandahan din ang mga kakilala ko. Hindi ko kasi nakahiligan na mag-ayos babae dahil mas komportable naman ako sa nakalakihan kong suotin na para sa mga lalaki.
Napansin ko na may kulang pa, ang aking boobs at buhok. Nag hanap ako sa shopee. May mura naman palang wig at iba iba ang sukat at kulay, Pumili ako ng magandang kulay at haba, tatlo ang napili ko at agad na umorder.
Tumingin din ako ng fake na boobs. May kamahalan naman pala ang ganon. Naghanap ako ng medyo mababa lang ang presyo. Nakakita naman ako na higit 500 ang isang pares. Gawa raw naman iyon sa silicone.
Magastos pala ang magpaganda. Wala naman akong rason para magpaganda at magmukhang babae, subok lang talaga. Malay ko naman at baka magustuhan ko na hehehe.
Nakabihis na rin lang at naka make-up ay hinayaan ko na lang muna. Hapon na naman at mamaya ay maliligo na ako. May pagkain na naman ako para sa hapunan na niluto ko kangina namang tanghalian. Nanood muna ako ng TV. Nakatulog pala ako sa panonood at ng magising ay alas sais na ng hapon.
Pinatay ko na ang TV at umakyat muli. Tumingin uli ako sa salamin, ang ganda ko pa rin hahaha.
Nagtungo ako ng terrace para magpahangin. Naulinigan ko na naroon sina Makoy. Nakinig ako sandali sa usapan nila para malaman ko kung sino pang naroon. Syempre hindi mawawala si Orly, naroon din si Ronron at Ivan. Kumpleto, pwera lang si Jomar. Sa tagal ko na hindi nakikipag-usap sa kanila ay hindi ko na alam kung natambay pa rin doon si Jomar.
Pumasok uli ako ng bahay. Nakita ko ang isang sombrerong pambabae na nakasabit sa isang sulok ng cabinet. Naiwan ito ng kaibigan ko na sa Manila na nagtatrabaho. Isinuot ko at lalo naman akong naging mukhang babae. Naisipan kong tumungo ng river control at makipagkwentuhan uli sa barkada.
-----o0o-----
“Pwede bang makitambay?” Wika ko sa boses babae.
Natigilan sila sandali at hindi kaagad nakasagot. Nakatitig lang sa akin na para bang sinisino ako. Si Makoy ang unang nagsalita. Syempre dahil siya lang palagi ang pabida hehehe.
“Oo naman, pwedeng pwede. Sino ba namang tatanggi sa ganda mong iyan miss. Ano nga palang pangalan mo? Ako, tawagin mo na lang Makoy, at your service.”
Pabibo talaga itong si Makoy kahit kelan. Nakilala kaya niya ako kaagad o hindi, mapagbiro kasi ang lokong ito at baka sinasakyan lang ang trip ko
“Vernie, Vernie ang name ko.” Inabot ko naman ang kamay ko sa kanya para makipag shake hands.
“Nagagalak akong makilala ka Vernie” wika ni Makoy na hinalikan pa ang aking kamay. “Aruuuuuuuu ang lambot at ang bango”
“Sila naman sina” isa isa silang lumapit at nagpakilala sa akin. Hindi ko lang talaga malaman kung talagang hindi nila ako nakilala.
“Taga saan ka Vernie?” tanong ni Makoy.
“Diyan lang ako nakatira oh.”
“Bisita ka ni Kuya Ben” – si Ivan.
“Hindi, dyan talaga ako nakatira.”
“Ah kapatid ka ni Kuya Ben. May kapatid palang maganda si Kuya Ben, ngayon ko lang nalaman. Kelan ka umuwi.” Si Ivan.
“Matagal na ako diyan. Hindi ba ninyo ako nakikita. Kung sabagay ay hindi muna ako masyado nalabas ng bahay.”
“Ang ganda ganda mo kasi Vernie, pwede ba kitang ligawan?” – si Ivan.
“Ikaw talaga Ivan, napaka playboy mo. Makita ka dyan ng jowa mo.”
“Wala akong jowa.” Protesta ni Ivan.
“Eh ano mo si Roda at si Kosa at kung sino sino pang bading.”
“Ahhh hahaha hahaha.” Malakas na tawa ni Ronron. “Bistado ka kaagad hahahaha.” Pang-asar pa nito. Hindi ko tuloy malaman kung talagang hindi nila ako nakilala.
“Hindi yata ninyo kasama yung isa pa, anong pangalan nga nun?” tanong ko.
“Ah si Jomar. Palaging busy kasi iyon sa kanilang negosyo. Madalang na naming makasama rito sa tambayan. Bakit mo siya natanong, nakita mo na rin ba si Jomar? – si Makoy na may pagtataka
“Baka busy lang sa pamamakla, para ding kayo hihihihi.” Biro ko.
“oy hindi ah, saan mo naman nakuha ang ideyang iyan. Kung kwento yan ni Kuya Ben ay hindi totoo yun, peksman.” Tanggi ni Makoy.
Matagal tagal din akong tumambay at nakipaglokohan sa kanila. Wala talaga akong ideya kung namukhaan nila ako. Hindi ko naman nakitaan na nagkukunwari lang na ngayon lang nila ako nakilala. Nagpaalam na ako sa kanila.
“Uwi na ako, nice meeting you all ha.”
“Ihatid ka na namin.”
“Ikaw talaga Makoy, kahit kelan puro biro, sige, bye.”
“I-kumusta mo na lang kami kay Kuya Ben ha. Pakisabi na miss na namin siya.”
-----o0o-----
Kaagad kong tinungo ang terrace at baka may marinig ako sa kanilang kwentuhan na nakilala ako.
“Liligawan ko talaga si Vernie, na love at first sight yata ako sa kanya.” Dinig kong wika ni Ivan.
“Tumigil ka nga Ivan, sira ka na kay Kuya Ben. Hindi ba at sinaktan mo rin siya.” – pambabara ni Orly.
“Pero bakit kaya hindi natin siya nakita dyan noon pa kung matagal na siya diyan ano?” si Makoy.
“Eh si Kuya Ben nga eh, mahigit na yatang tatlo o apat na buwan na hindi natin nakita simula ng makipag-break kay Jomar. Hindi pa naman siguro katagalan diyan si Vernie. Baka sa Manila siya nagwo-work ay umuwi lang dahil sa pandemya.” – si Ronron.
Pumasok na muli ako sa bahay. Nakakasiguro na akong hindi nila talaga ako nakilala. Pagdating ng order kong wig at boobs ay magpapakita uli sa inyo si Vernie. Hintayin lang ninyo.
-----o0o-----
Naisipan kong mag-ihaw ng dalag na bakuli, nag crave ako bigla ng nakaamoy na ng usok na parang may iniihaw.
Kaagad akong tumawid sa ibayo sakay ng bangka. Iba ang bangkero, hindi si Popoy kundi ang kapatid nitong nakatatanda.
“Nasaan po si Popoy?”
“Hayun! Masakit daw ang ulo, may hang-over at nalasing ng husto kagabi.”
Inabot ko na ang bayad bago pa dumating sa kabilang ibayo. As usual, maaga na naman ang tsismis dahil naguumpukan na naman ang mga tsismosa kahit na maaga pa. Baka nga ang iba ay hindi pa nag-aalmusal at tsismis na muna ang inatupag.
“Tetay, may bakuli ka ba? Isang kilo lang, daingin mo at magiihaw ako.”
“Ben! Ben! May tsismis ako sa iyo, sayang at nahuli ka ng konti.” Excited na wika ni Tetay. Basta tsismis, excited naman talaga itong babaeng ito.
“Ano naman iyon? Kaaga aga eh tsismis na ang dala. May nangyari ba at sabi mo ay nahuli lang ako.”
“Ay naku, may sumugod dito kanina, yung bang Junie, sinugod si Divina, nagtalakan! Kesyo mang-aagaw daw ng jowa ng may jowa. Sagot naman ng isa ay siya raw ang mang-aagaw. Kung ano anong masasakit na salita ang pinagbatuhan ng dalawa. Alam mo ba kung sinong pinag-aawayan nila. Eh di yung gwapong nagdedeliver ng pagkain diyan sa baranggay ninyo si Jomar, tama Jomar nga. Ang gwapo nga naman nun. Patulan lang niya ako ay may araw araw siyang dalag at tilapya sa akin hihihi.” Kwento ni Tetay habang sige lang sa pagdadaing ng binili kong dalag na bakule.
“Tumigil tigil ka nga diyan Tetay, kaya hindi ka magka jowa eh puro ka ka-alembongan at puro tsismis pa ang laman ng utak. Gumagaya ka pa diyan sa kabaranggay mo. Tapos, anong nangyari. Bilis na at ng makauwi na ako.”
“Ayun! Tsismosa raw ako ay ikaw yung atat hahaha.” Wika niya. Pahiya ako doon ah.
“Ganire nga, talakan ng talakan, syempre walang patatalo sa kanila, parehong palaban. Nagpang-abot na at parang nagkagyera dine kanina, sabunutan, sampalan, nagpagulong gulong sila diyan, Nasira pa nga ang damit ni Divina, nahubaran ng pang-itaas. Tunay pala ang suso nun, nagpaturok yata. Ere na, uwi ka na. 120 lang.”
Inabot ko na ang bayad. Ituloy mo ang kwento. Yun lang ba ang nangyari, wala ba si Jomar ng mangyari ang away.
“Abay wala. Hayun, nabarangay ang dalawa, galos galos, lumitaw ang tunay na itsura ng dalawa, papangit din pala nang mawala ang kung ano anong nakapahid sa mukha hahaha. Hindi tulad mo na kahit na walang make-up eh ubod ng ganda. Bakit nga pala hindi ka na naka make-up?”
“Nambola ka na naman eh. Naku ayoko na, baka ako ma rape hehehe. Ang daming lalaking kung makatingin eh parang nakakita ng multo hahahaha. Joke lang Tetay. Hindi naman ako mukhang multo di ba? Sabi mo nga eh ang ganda ganda ko. Alis na nga ako at baka mabilasa pa itong isda ko.
-----o0o-----
Hindi ko alam kung paano ako magre-react. Matutuwa ba ako o maawa. Natuwa ako dahil hanggat maaga ay nalaman ng dalawa ang panloloko ng kanilang karelasyon. Naawa rin ako sa kanila dahil batid kong nasaktan din sila, tulad ko. Ang sakit kaya ng lokohin, lalo na ng minamahal mo.
Tinawagan ko si Junie para kumustahin. Ayun, nalaman ko na nakipaghiwalay na ito kay Jomar.
“Pinaalalahanan naman kita dati, matigas lang ang ulo mo eh. Huwag kang masyadong kapagmahal. Pag-aralan mo muna kung pera mo lang ang hangad. Lessons learned ha.” Payo ko uli sa kanya.
Continue Reading Next Part