Stethoscope
By: Lukas VIII
Araw ng byernes nagsagawa nang isang Medical Mission ang Rotaract Team sa liblib at mabundok ng Pililla, Rizal kasama ang mga volunteer ng Red Cross mahigit 3 araw nasabing programa sa Pamumuno si Mr. Ocampo isa ang Hulo ES ang pinupuntahan ng grupo namin upang magsagawa ng dental and health check up, sa part naming rotaract volunteer naka focus ang grupo sa pag repacking na pamimigay na goods and cloths sa mga batang sakop ng naturang barangay.
Ako si Lukas 27 years old Financial Staff at isang public servant, itong story ko nangyari noong 2010, 5'5 in height carlo aquino look and dimples ko nalang ang pang akit ko.
Nagkataon na Sumama ang panahon ng unang araw namin sa pagbisita sa naturang barangay, ang kasama ko sa sasakyan sina erwin, micheal and vince mga kasama ko sila sa student council at patuloy nag serve bilang member ng rotaractor sa lungsod ng QC.
Alam naman nilang tatlo kung ano talaga ang preference ko pero ni rerespeto nila ang bawat kilos at mga salita ko, professional decent parin, King-Paminta kung tawagin nila pero kapag kami mag kakasama sobrang malambing ako sa 3 bibe, Mataba si Erwin, payat naman si Micheal at Hunk look naman si Vince pang bugaw naman kapag wala na kaming ibang way para mag ka fund binebenta namin sa mayamang bading.
Ni minsan hindi sumagi sa isipan kong gaguhin isa sa kanilang 3 parang mga kapatid ko na sila, kahit gusto nilang makisabay sakin maligo hindi nila magawa dahil gulo at away lang mangyayari.
Malakas parin ang ulan ng narating namin ang brgy. Hulo at marami nang nauna sa amin lalo na ang mga taga Red cross, nag training din kaming tropa sa redcoss kasama nayun sa basis information needs bilang isang volunteer ng organization nasa 2 years palang kaming kasapi ng organization at patuloy sa service dahil marami kaming pangarap sa community sabi nga sa Four way Test of the things we think, say or do
1. Is it the TRUTH?
2. Is it FAIR to all concern?
3. Will it build GOOD WILL and better Friendships?
4. Will it will be BENIFICIAL to all concern?
Sa dami naming pinagsamahang apat kilala na namin ang isa't isa at kung ano ang gusto sa buhay.
Habang patuloy ang buhos ng ulan, karipas kaming lahat para makapag set up, si erwin, micheal ang bahala sa mga pamimigay safe naman ang ito na hindi nababasa, si vince naman kasalukuyang hinahanap ang coordinator para bigyan ng signal na nandito na kami for other matters habang ako abala sa paghahanap ng parking na hindi maputik.
Malapit sa isang bakanteng lote napansin ko yung kotse na Pula sinipat ko ang bakanteng damo kung may putik ba at pwede bang pumarada, mukhang ok naman sa tabi ng Pulang kotse na yun napag tripan kong itabi parang couple car, same color same brand wala trip lang.
Nagpahinga muna ako saglit, medyo mahina narin ang ulan nag ayos pa ng mga gamit, nag check nang list kung meron pabang nalimutan, napansin ko nalang merong Enchong Dee looks katawan naman ni Billy Crawpord pero ang height Dingdong Dantes na papalapit sa sasakyan ko, "siguro sakanya itong katabi ko" natatawa ako sa mga reakyon niya kung hindi pa niya i-open ang sensor key di niya ma-detect agad kung alin ang kanya.
Nagtaka ako kung bakit hindi siya dumiretso sa driving seat tapos kinatok niya yung glass window ko, kinabahan ako baka magalit sa trip ko, pag open ko ng bintana.
"Hi Bad weather unahan na kita Sorry" ang sabi ko agad sabay smile ko sa kanya.
"Hello lukas, alam ko ikaw yan pinapasundo ka ng mga kasama mo kaya pinuntahan kita dito, madali kong napansin itong car mo nang sinilip ko ang car ko."
"Kilala mo agad ako? taga red cross ka? Sige thanks sabay na tayo pumunta tutal umambon nalang din naman" napaka pogi naman nito, alam nung tatlo kung ano talaga fetish ko
"Doc Chino nga pala, Chino nalang tutal a head lang naman ako ng 1 year sa iyo"
Pati ba naman age ko na idaldal na ng 3 bibe "ah sige Chino tara na, kanina paba kayo dito?"
"Kararating lang din namin, di pa kami tapos mag set up, medyo konti palang din ang tao kaya Ok lang ba kung mag Coffee muna tayo?"
Ako naman kilig konte "sorry sa abala pwede ba akong makisabay sa payong mo, yun din ang problema ko kung bakit di ako makababa kanina" paraparaan hehehe nagkunwari lang akong wala payong pero tinago ko agad
"Tara na lukas huwag kana mahiya, doon na muna tayo sa rest house ni Mr. Ocampo mag Coffee tutal di pa naman nag uumpisa" pag pupumilit niya sumama narin ako, bet ko eh! bet kong makipag kwentuhan
"Ah pare pwedeng dumaan muna tayo sa court silipin ko lang yung mga kasama ko" syempre dapat King-Paminta parin
" Chino nalang itawag mo sakin, sige pero saglit lang tayo baka lumakas pa ang ulan" naglalakad kami magkasalo sa iisang malaking payong na dala niya patungo sa covered court kung nasan sina erwin, micheal and vince. Nang marating namin ang court nagbilin lang ako at nag recall ng task nag paalam muna akong makikipag kwentuhan lang kay Doc at magpapadala nalang ako ng breakfast sa kanila, "ui ang aga mo naman magLande iiwan mo pa kami"sabat ni micheal, "hayaan mo na micheal para mag karoon naman ng lovelife at hindi na mainit ang ulo sa atin" ang sabi ni erwin, "sige na luke sibat na kami na muna bahala dito, pa extra rice ako ha!" ang magana sa pagkain na si vince "sige basta call me if merong problem, love you bro's" sabay favorite hand sign (../..) at binalikan si Doc para makipag kapihan lang.
Marami kaming kwentuhan samot saring experience, school, work, business and family, pagkatila ng ulan unti-unting dumarami ang mga tao papunta sa court para sa medical and dental check up, inabutan din kami ni Mr. Ocampo na nagbo-bonding "Oh! mga Iho mag kakilala na pala kayo, Doc siya yung na ikwento ko sa iyo si Lukas ang Most Financial Director Award lately, magkakasundo kayo sige at maiwan ko muna kayo punta na kayo sa covered court ha! habang mina masahe ang mga balikat ko ni Mr. Ocampo may ibang meaning yon. "Ano? ginawa ninyo akong topic?"natatawa lang ako sa reaction and facial expressions ni Doc namumula siya. "Wala maloko talaga si Sir gumawa pa ng story" sabay higop ng mainit na kape at tingin sa alapahap.
Mahigit 4 Months din kaming may contact ni Doc Chino, twice a week kami kung mag kita, minsan nagpupunta siya dito bahay para lang magluto tapos mag dinner date, wala na kaming time lumabas pa at maghanap ng makakainan kaya madalas siya dito sa bahay, small bonding kinikilala namin ang isa't isa.
Alam namin sa sarili namin kung saan papunta itong landian namin, Doc Chino he is average, tall and white guy nasa 6'1 ang height niya may mga baby abs pero di ganon ka evolve tsinito thats my ideal guy nasa kanya na lahat kaya hinahanap ko nalang kung matapang ba siya, kung matapang sa lahat mg bagay.
After 8 months niyang pakikipag friend sa akin, bonding etc. pangliligaw sinagot ko siya habang magkasama kami nag cruise papuntang corregidor island isa sa mga local bucket list ko. "talaga tayo na? promise di kita sasaktan, mamahalin at patuloy kitang liligawan habang buhay, makita ko lang ang mga ngiti mo, pro-protektahan kita sa lahat ng bagay, walang mananakit sa iyo" and drama ni Doc, pero makikita sa mga gilid ng kayang mga mata yung mga butil ng luha ng saya, " Oo iyo na ako, natagalan lang alam mo naman kung ano ang gusto ko at alam nating hindi tayo nag mamadali diba, kilala na natin ang isa't isa, Mahal na mahal kita Christopher Ninio 'Chino' Solis my Laloves forever" moment na magkahawak kami ng mga kamay "Mahal na Mahal rin kita Juan 'Lukas' Anton Dela Cruz" isang mainit na halik mula sa kanya, na ever since magkasama kami kahit date no kiss na nangyari even sex respeto lang.
Lumipas ang first montsary, 2 - 11 months na masayang pag-sasama both Family namin magkakilala na, legal kaming magkasama kahit mga friends niya at sa Hospital lalo na sa office ko na madalas siya ang sumusundo sakin kapag uuwi na tapos babalik siya ng Hospital after namin mag bonding, masarap kasama ang mahal mo sa buhay kahit may konting problema at di pag kakaunawaan pero hindi natatapos ang araw na hindi ito napag uusapan at di' na aayos.
Sa tagal namin mag kasamang dalawa, halos dito na siya sa bahay namin tumira para magkasama lang kami, na mas napapadalas pa ang sleep over niya and ibang things niya unti unti nang dumarami parang naglilipat na siya kasama ko.
First suprise anniversary galing sa kanya 2 tickets tour package to El Nido palawan, settled na lahat flight nalang hinihintay, nasa palawan na kami parehas, maganda lahat then lahat ng makikita mo 'wow' lang masasabi mo at more pictures, swim sa beach, island hopping, dive, and etc. tapos matatapos sa pag hintay ng sunset habang may hawak na red wine katabi ang pinaka mamahal na tao sa buhay ko.
3 months later sa masasayang magkasama namin nauwi sa di inaasahang balita, I received call emergency, naaksidente si Chino car accident, critical condition 50/50 ang buhay niya na halos di ko kayanin ang lagay niya, hawak ko mga kamay niya habang umiiyak, nag dadasal na sana kayanin niya at di ako iwan, marami siyang buhay na nasagip na sana ang buhay naman niya ang masagip, hindi ko kayang makita siya na halos maghabol ng paghinga, iniwan kami ng mga parents ko at niya na kami lang sa room kinakausap ko siya, "Mahal na Mahal kita kahit ano pa man ang mangyari sa iyo, ikaw lang ang mahal ko please kaylangan kita, huwag kang bibitiw sakin huwag mo akong iiwan, kaylangan ko ang matapang na tulad mo, mahal na mahal kita, mahal na mahal kita Chino" 2-4 hours lang ang tinagal ng pinaka mamahal ko sa operating room di kinayang masagip ang buhay niya, hindi ko kinaya kung saan ako dadamputin ng mga panahon na yan, wala na ako matandaan.
"Condolence" naririnig ko lang pero sa pakiramdam ko wala akong reaction, na imagine kong mala telenovela ang hitsura kong tulala nakatingin sa isang berdeng box na puno ng bulaklak sa mga paligid nito, Gwapo parin ang Mahal ko, masakit sa pakiramdam lutang ang diwa ko.
Ang kwento ng mga tropa kong sina erwin, micheal at vince halos isang lingo akong di lumalabas ng kwarto, tahimik at tulala ni hindi nagagalaw ng husto yung mga pagkaing nakahain na minsan sila pa ang nag dadala dito sa room ko, wala ako maalala pero base nalang ito sa mga kwento nila, ni minsan di raw ako nag lock ng room kaya malaya silang nakakamusta ako pero di sila kinakausap, tahimik lang ako iyan ang sabi ng mga butihin kong kaybigan.
Nag pa emergency resignation ako ayaw kong ma apektuhan ang work ko, almost 6 months din akong nasa bahay lang minsan lang lumabas para dalawin ang puntod ni Chino, nakita ko nalang ang sarili kong ginagabi sa puntod niya, kinakausap at umiiyak, ito yung mas masakit ang tuluyang iniwan at wala nang balikan pa.
Hindi ko inisip na tapusin ko rin ang buhay ko, dahil alam kong merong plano si God sa amin, sa akin na maging matapang sa lahat ng hamon nang problema.
After a year accident hindi ko namang iniwan at kinalimutan ang taong nagbigay ng higit pa sa tapang kung ano meron ako ngayon, ang mahalaga babangon ako para sa ibang tao na kaylangan ako, at patuloy mabubuhay lalo na sa serbisyong makatulong sa kapwa.
Nag balik ang lahat nang alala at mga unang pagkikita namin ni.Chino nang nag volunteer ulit ang tropa para sa Medical and dental checkup kasama narin ang pamimigay namin ng mga damit at pagkain sa mismong Brgy. Hulo probinsya ng Rizal.
Doon ko naisipang I-park ang aking sasakyan kung saan nag umpisa ang lahat, ina alala ang lahat ng bawat mga matatamis na ngiti ng Mahal ko, bumaba ako ng sasakyan para tumungo sa rest house upang mag coffee sa mismong inupuan namin ng Mahal ko at inalala ang bawat tawa, masasayang kwentuhan at mga init ng usapan, masasayang luha na pumatak sa aking mga pisngi at sabay ihip ng malamig na hangin.
"MAHAL NA MAHAL KITA"
na di ko namalayan, ang tatlo kong kaybigan ay nasa likod kona pala at sabay silang yumakap sa akin, "tama na yan lukas, alam namin na masakit pero ayaw namin na ganyan ka, nasasaktan din kami, naging malapit din sa amin si Chino ang hirap ng wala na siya" tama nga sila, hindi ko kaylangan mag moved on pero dapat ipakita ko parin ang natural at pag patuloy ang buhay, na kahit nasasaktan, malungkot dapat maging matapang sa lahat ng bagay at ipag sa Diyos na ang lahat, ipag dasal at magtiwala.
Wakas