Nokia Thirty-Three Ten (Part 1)
By: Francis
Ako si Francis. I'm now 25 years old and currently working in a multi-national company here in Metro Manila. Lumaki ako sa isang mahirap na pamilya sa probinsya. Pangalawa ako sa limang magkakapatid at maswerte kami dahil nabiyayaan kami ng talino. Sa aking mga kwento, ibabahagi ko ang aking pagkamulat sa mundo ng libog at sex. Ang aking kwento ay nag-umpisa noong ako ay nasa high school.
Marahil lahat tayo ay pamilyar sa kwento ni Ugly Betty--matalino, madiskarte, masipag, at mabait pero medyo hindi marunong mag-ayos ng sarili, in short, baduy. Ganyan ako nung nag-umpisa ako sa high school, ako ang male version ni Betty. Walang gustong tumabi sa akin dati sa classroom, dahil bukod sa transferee ako, ako lang ang naka-tuck ang polo sa pantalon at wala akong kakilala sa mga kaklase ko. Madalas akong pagbulungan ng mga kaklase kong sikat at maporma dahil baduy ako at mula pa sa mahirap na pamilya. Pero dahil medyo healthy ang brain cells ko at mataas EQ ko, di ako nagpaapekto.
Nakilala ko si Jasper na transferee din. Madalas kaming magkasama sa group dahil magkasunod apelyido namin. Madalas din kaming sabay mag-lunch at mag-meryenda.
"Hindi ka ba naiinis sa mga nang-aasar sa'yo? Bakit kasi di ka na lang mag-maong sa halip na slacks? Bakit ayaw mong mag-shirt eh nasa public school naman tayo?" Tanong ni Jasper minsan habang kumakain kami ng meryenda.
"Ito ang nabili ng nanay ko, ito rin ang nakasanayan kong ayos. Hindi naman mahalaga ang sinasabi nila sa pananamit ko eh. Basta ang mahalag, may laman ang nasa pagitan ng tenga. Kahit anong sabihin ng iba, hindi dapat ako paapekto kasi ako rin ang talo pag nawala focus ko sa pag-aaral. Wala rin naman kaming pambili ng maong. Tsaka matagal matuyo yun. Di pwedeng wash and wear." Mahabang paliwanag ko sa kanya.
"Ang dami mong sinabi," pabirong sagot nya. "Halika na, MAPEH na e. Magbihis na tayo ng pang-fitness test."
Sa public school, walang magandang CR o locker room. Kaya hanap kaming dalawa ng pwedeng pagbihisan na lugar. Nagpunta kami sa likod ng school kung saan may mga puno at halaman na magtatakip sa aming pagbibihis.
"Maghubad na tayo dito. Baka ma-late pa tayo e." Mabilis na naghubad si Jasper ng kanyang polo at sando, tapos isinunod nya ang kanyang sapatos at pantalon. Natulala ako sa nakita ko. Medyo naweirdan ako sa naramdaman ko kasi noon ko lang yun naramdaman. Parang nag-init ako nung nakita ko syang naka-boxer lang. Sobrang ganda ng katawan nya. Nanuyo ang lalamunan ko sa aking nakita.
"Huy! Bakit di ka pa naghuhubad? 10mins na lang tapos na break natin! Dalian na natin," pukaw sa aking daydreaming ni Jasper.
Nataranta ako at nahihiya man ay naghubad na rin ako para magbihis. Hindi naman ako pahuhuli sa katawan ni Jasper, dahil makinis ang aking balat, may kaputian kahit bilad sa araw madalas. May hugis ang aging mga braso dahil nagsasideline ako sa palengke para magkargador ng soft drinks tuwing sabado at linggo.
Matapos kaming magbihis ay dali-dali kaming nagpunta sa oval kung saan kami ay kelangang tumakbo. Dahil sanay ako sa pagod, madali lang sa akin ang test. Si Jasper, na medyo may kaya ang pamilya dahil nasa abroad ang mga magulang, ay nahirapang tumakbo. Kaya naman kahit tapos na ako sa set ko, sinamahan ko pa rin sya para matapos nya yung kanya. At doon nag-umpisa ang turingan namin bilang mag-best friends.
Simula noon, hindi na kami mapaghiwalay. Kung nasaan sya, andun ako. Kung nasaan ako, andun sya. Dahil mahilig syang mag-drawing, madalas ay sumasali sya sa mga contest. Ako naman, dahil mahilig magsulat at magbasa, ako ang taga-bigay ng kanyang mga slogan.
Wala akong kamalay-malay na nahuhulog na pala ang loob ko sa kanya. Nung dumating ang summer break, at wala akong celphone, matinding pangingulila ang aking naramdaman. Sa ikalawang linggo ng bakasyon, nakita ko sya sa tindahan kung saan ako nagbubuhat ng soft drinks.
"Francis! Francis! Hoy kolokoy!," ang tawag ni Jasper sa akin habang nagsasalansan ako ng mga basyo ng bote.
Nung makita ko sya, napatakbo ako at nagyakapan kami ng mahigpit. Yung parang akala mo dalawang taon kaming hindi nagkita?!
"Jas, kumusta? Ba't napadaan ka? Akala ko nasa Baguio kayo ng family mo?"
"Na-miss na kasi kita eh."
Lumipas ang ilang sandali ng katahimkan. Hindi ako nakapag-react kaagad kasi parang tumigil sa pagtibok ang puso ko. Nung mahimasmasan ako, ang bilis na ng tibok. Para akong ninerbyos na ewan.
"Ano, ang lagay eh hindi mo ako na-miss? Gago ka ah. May pasalubong pa naman ako sa'yo. Nakakatampo ka, Francis." Nakita kong medyo nalungkot sya. Wala sa character ng beat friend ko yung mga sinabi nya bilang isa syang bruskong basketball star sa school. Biglang may nag-click sa utak ko para mag-function na tama.
"Syempre na-miss din kita! Halika nga at payakap ulit! Tara, punta tayo sa likod at ililibre kita ng coke at magic flakes kapalit ng pasalubong ko."
"Buti at na-miss mo rin ako. Kasi kung hindi, hindi ko talaga ibibigay yung pasalubong ko."
Habang kumakain kami ng meryenda, kinuha ni Jasper yung bag nya at inabot yung celphone nyang Nokia 3210.
"Pahawak nga saglit nitong phone ko." Tila may hinahanap sya sa bag nya.
"Fran, tignan mo to o, bigay ng ate ko from Hawaii!" Proud nyang ipinakita yung maliit na celphone, Nokia 3310. "Ganda no? May magandang game dito!"
"Ay teka, ito pala yung pasalubong mo." Sabay abot sa akin ng isang maliit na square na parang kuko na may gold.
"Gago ka! Ano to?"
"Para di mo na ako mamiss!"
"Ano to? Eh plastic square lang to. Parang basura lang to na galing sa kung saan e."
"Alam mo ikaw, matalino ka sa klase pero sa technology ang engot mo lang talaga. SIM card yan!"
"Ano yun?"
"Pasalubong ko yan sayo. Ganito yan," sabay hablot nya ng 3210 nya sa kamay ko. Sinalpak nya yung card at ini-on ang celphone. "Pahawak saglit. Naiihin ako, san CR ng tindahan?"
"Walang CR dito. Hahaha. Punta ka na lang dun sa may pader." At pumunta nga ang loko para umihi. Habang umiinom ako, nag-ring ang 3210, Jasper ang nasa screen. Sinagot ko.
"Hello?"
"Fran, Jasper to."
"Ha? Bakit ka tumawag sa celphone mo?"
"Ang slow mo eh no? Gamit ko yung celphone ko. Yan ang pasalubong ko sayo."
"Itong celphone mo?"
"Sa wakas, nagets mo rin! Hahaha. Alam ko pinaglumaan ko yan pero yan muna gamitin mo para naman kahit bakasyon, at kahit nasa Baguio ako, makakapag-usap tayo."
"Jas, parang hindi ko kayang tanggapin to. Mahal to e. Wala akong pambayad dito."
"Ano naman tingin mo sa akin? Nagpapabayad? Best friend kita, mali bang bigyan kita ng gamit e wala naman akong kapatid?"
"Basta. Nakakahiya e."
"Sige, hintayin mo ako dyan."
Pagbalik ni Jasper, umupo sa tabi ko sa bangko at nagtanong, "Gusto mo talagang bayaran?"
"Oo, basta hulugan ha?"
"O sige."
"Jas,…" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil bigla na lang nya akong hinalikan sa labi. Libong boltahe ang gumapang sa aking buong katawan at sobrang sarap sa pakiramdam.
"Fran, 1st installment pa lang yan. Sisingilin na lang ulit kita next time," nakangiti nyang sinabi sabay tayo at alis papuntang Baguio.
Wala akong kamalay-malay na yun na pala ang umpisa ng makulay, nakakakilig, at nakakaiyak na first love.