Totek (Part 3)
By: SJ
âAnu ba yan, ang aga aga, may ngtxt. Storbo!!â, una kong reaksyon dahil ala singko palang at mamaya pang 6:30 ang talagang gising ko.. Pungas pungas ko pang kinuha ang cellphone ko dahil inaantok pa tlga ako. âPambihira namang buhay to oo. Natutulog yung tao eh!â. Pagkita ko ay may 6 na miscalls at 3ng txt na ko. Agad kong binuksan at nabasang,
âTagal mo gumising kanina pa ko!!â, na kinagulat ko naman at bigla kong narinig na may kumakatok pala. Agad akong bumangon at binuksan ang pinto kahit topless pa ko at nakaboxer na blue lang. Madalas kasi nakahubad talaga ako matulog kahit pa naka aircon ang kwarto ko.
âGood Morning. Tagal mo naman bumaba.â Laking gulat ko ng pagbukas ko ay si Philip pala.
âOh bes, napaaga ka. Pasensya na, inaantok pa ko eh.â Humihikab kong sinabi habang pabalik sa kwarto at nahiga. Ngunit makulit tlga si mokong at sinundan ako.
âHuy, gising na. Nagdala ako ng almusal para satin dalawa. Alam ko kasi wala ka kasabay sa almusal ee.â Pangungulit na sinabi nya.
âPhilip, inaantok pa ko. Cge, kmain k n jan, mamaya pag gising ko sabayan kita. Humiga ka nlng muna jan.â
âAyoko nga. Gumising ka na! umaga na!!â
âAno ka ba! Anong oras na kaya ko nakatulog, ginawa ko pa ung project ko nohâ
âPag di ka gumising, kakagatin kita sa pwetâ
âBahala ka dyanâ
âI-saâ
âDa-la-waâ
âTat-loâ
âABA!!!!â
Napasigaw nalang ako ng isang malaking âAAARRRGGGGHHHHHHHâ ng naramdaman kong may nakabaon na mga ipin sa pwetan ko. Parang lahat ng antok ko ay biglaang nawala. Agad akong napahawak sa parteng kinagatan nya ng makawala ako.
âNaknampucha naman oh! Ano ba problema mo?! Nangagat ka pa talga!â, inis kong bungad saknya. Sabi nga nila, biruin mo na ang lasing wag lang ang bagong gising. Kaya ayun, pagkagising ko, badtrip na agad ako. Isang malakas na tawa naman ang kumawala kay Philip. Sa inis ko, pinalo ko tuloy sya sa noo na mas lalo naman nyang kinatawa.
âTawa ka pa dyan ha. Ikaw kaya kagatin ko sa pwet!â sabay kamot sa pwet dahil ang kati na nung parteng kinagat nya. Mas lalo naman sya tumawa ng malakas na tuluyan kong kinainis.
âKaw naman, tagal mo kasi gumising ee. Sabi ko sau, kakagatin kita ee.â Sabay tawa nanaman ng malakas.
âAsar, may araw ka rin!â, sa loob loob ko.
Pero ang tuluyang nakapagpagising ay hindi ang pagkakagat nya sa aking pwetan kundi ang biglang pagkagulat ko ng bigla nya kong hinalikan sa noo. Ung tipong panakaw ha. Hindi ung dahan dahan na pasweet. Ung talagang mabilisan. Sabay tayo at palabas ng kwartong sinabi, âNaka score nanaman ako! Philip â 2, Jerry â Itlog pa rin! Itlog na nga, bugok pa! Bwahahahahahaâ
Nakita ko ang paglabas nya, pero imbis na mainis ay nawala naman ang pagka asar ko at palihim na ngumiti.
Pagpasok ko sa school ay hinatid pa ko ni Philip sa classroom. Pagpasok ko naman ay tila di ko napansin si Art at ang kanyang masigasig na pagbati ng âGood Morningâ sabay ngiti ng pagkasigla sigla. Ang pangungulit nya pagkaupong pagkaupo ko palang, at ang isip na bata nyang ugali. Hmmm, parang may kulang sa umaga ko.. Nasanay kasi ako nay un na halos ang almusal ko. Nakakasigla kasi ng araw pag andyan si Art. Kahit pa halos mangulit at mang asar lang sya maghapon, e okay lang sakin. Sa totoo lang, pinapasaya nya talaga ang araw ko, kaya pag wala sya, parang may parte sakin na di kumpleto.
Morning break na naming noon at nakabalik na ko ng classroom ng nakatanggap ako ng masamang balita na namatay daw ang ama nito kaya di nakapasok. Nagulat ako sa nalaman. Hindi ako magandaugagang kakaisip kaya dali dali akong lumabas ng room para tawagan sya pero hinarang ako ng kaklase ko. Kanina pa daw sila tawag ng tawag pero di sumasagot. Pero nagbakasali pa rin ako. Lumabas pa rin ako at tnawagan sya. Nakakadalawang ring palang ako saknya ng bigla syang sumagot.
âJerryâŚâŚ.. Wala na sya. Tangina. Kailangan kita. Para akong masisiraan, tulungan mo ako..â, umiiyak sya at ramdam ko ang tinding kalungkutan sa boses nya. Alam kong kailangan nya ko kaya sinabi ko na pupunta ako pagtapos ng klase dahil nasa school na ko.
Hindi ko na rin napigilan di umiyak. Sa sandaling pagkakakilala k okay Tito Lance, napalapit na rin ako dito kaya di ako makapaniwalang wala na ito. Halos manginig ang tuhod ko sa pagkumpirma ni Art sakin ng naturing balita. Di ko din maiwasan na di malungkot para kay Art.gustong gusto ko na sya agad puntahan para madamayan sya ngunit nasa loob na ko ng school kaya din a ko makalabas pa. Agad ko ding pinuntahan si Philip sa room nya para ipaalam ang nangyari sa ama ni Art.
âPhilâ
âOh, bakit?
âSi Art..â
âBakit?! Anong nangyri?â
âPatay na daw ang daddy ni Art.. Si Tito LanceâŚ.â, napaluha kong sinabi kay Philip. Bakas din sakanyang mukha ang pagkalungkot . Gusto ko agad makapunta sa bahay nila Art kaya tinanong ko saknya kng anong oras matatapos ang practice nya ngayon. Pero 9pm pa daw ito matatapos. Kaya sinabi ko sakanya na mauuna nalang ako at sumunod nalang sya doon. Kita ko ang pagkalungkot nya dahil di nanaman kami sumabay umalis pero pilit nyang inintindi para kay Art. Tumango lang ito at bumalik na sa loob ng room.
Habang nagkaklase ay di ko maiwasan di magalala kay Art. Pasulyap sulyap ako sa aking cellphone at minsan ay palihim na nagttxt kay Art at nakikibalita, ngunit di naman sya nagrereply. Di pa rin ako mapakali sa aking kinauupuan ng biglang mapunta sa pintuan ng classroom namin ang paningin ko. Nakita kong may pasulyap sulyap at tila ay may hinahanap sa loob ng classroom namin. Napansin ko nalang na sakin pala sya nakatingin at nakita ko. Aba! Si Philip pala! Natatawa naman ako dahil kakaway kaway pa sya. Alam kong gusto nya lang siguraduhin kung okay lang ako. Pilit naman ako sumenyas na bumalik na sya sa room nya at baka mahuli pa sya ng prof namin. Pero ang kulit talaga nito. Mas natawa ako nung biglang sumulpot sa gilid nya ang isang teacher at halatang nagulat ito dahil napatalon pa. Pilit na pilit akong di tumawa dahil baka naman ako ang mapagalitan. Pero sa totoo lang, gusto kong tumawa ng malakas. Ayan, kulit mo kasi. Hahahaha!
Nasa kalagitnaan kami ng lesson ng maisip ko nanaman ang nangyari samin ni Philip. Simula noong niyakap nya ako at sinabing wag ko syang iiwan at sa pagkayakap ko din sakanya at pagbitaw ng katagang, âOo, di kita iiwanâ. Hanggang ngayon ay shock boogie p rin ako at di mawari kung ano nga ba talaga ang nangyari noong gabing yun. Sumasakit na ang ulo ko kakaisip kaya pinagpaliban ko nalang muna at nangibabaw nanaman ang pagaalala ko kay Art.
Pagkauwian ay di na ko umattend ng rehearsal ko para sa Glee Club, nagpaalam ako sa coach namin at agad agad na kong umuwi at nagbihis. Hindi ko maiwasang di magalala para kay Art. Pagkadating ko sa bahay nila Art ay bumungad sakin ang kaniyang ina, halatang halata dito ang pamamaga ng mata at pangingitim ng eyebag dala ng sobrang iyak at pagod.
âCondolence tita. Im so sorryâ, mapaluha luha kong sinabi kay tita. Naging malapit na rin kasi sakin ang pamilya ni Art kahit sa loob maikling panahon lamang. Lage kasi akong binibida ni Art saknyang mga magulang kaya madalas pag wala akong ginagawa ay andun ako.
âI know hijo. Hindi na ang iba ang turing namin sau ng tito Lance mo. Buti nakapunta kaâ, at agad din ako niyakap ni tita Marissa. Pagtapos ay hinanap ko saknya si Art dahil talagang nagaalala na ko. Napag alaman ko naman na nasa kanyang kwarto ito kaya dali dali akong pumunta doon. Pagpasok ko ng kwarto ay nakahiga si Art at nakatingin sa kisame. Nang mapansin ako ay bigla nalang ito nag iiyak. Agad akong lumapit at niyakap sya. Naramdaman ko ang labis na pagkalungkot saknya. Animoây isang bata na nawawala sa mall. Sobrang sakit ang nararamdaman nya kaya naman napayakap ito ng sobrang higpit at minsay napapadabog sa likod ko. Napaiyak na rin ako dahil alam kong mahirap ang pinagdadaanan nya. Kung gaano sya ka isip bata pag tumawa at kumilos ay sya rin naman sa pagiyak nito.
âJe..Jerry.. Si Daddy.. bakit.. ok pa sya e.. bat ang bilis..â, nagmamaktol at nagiiyak nitong sinabi sakin. Wala naman akong magawa upang tumahimik sya. Ang tanging nagawa ko na lamang ay yakapin din sya ng mahigpit at haplusin ang kanyang buhok. Ayaw ko rin ipakita na umiiyak ako dahil gusto ko maging matapang para sakanya. Pero ang totoo, sobrang lungkot na din ako. Mismong ako ay parang namatayan din.
Maya maya pa ay dumating na ang iba naming kaskwela at mga kaibigan, lahat sila ay nakiramay sa pagkawala ng tatay ni Art. Lahat kami ay tulong tulong sa pagsisilbi sa mga bisita. Maya maya ay dumating na rin si Philip. Agad naman itong pumasok at niyakap si Tita at si Art.
âCondolence pre..â
âBawal daw mag thank you,pero masaya akong nandyan ka.â
âKung may kailangan ka ay nandito kaming mga kaibigan mo para sayo.â
Dito ay hiniling muna ni Art na mapag isa. Kayaât nagpunta muna kami ni Philip sa labas. Bakas sa lahat ang pagkalungkot, maya maya pa ay nagsimulang dumating ang iba pang kamag anak upang makiramay.Noong gabing yun ay particular na mas malamig ang hangin, ramdam ng lahat ang lamig at kalungkutan ng pagkawala ni Tito Lance.
Napakaraming bisita ang dumating at tumulong ako sa kusina sa pagluluto. Kahit ramdam ko na mejo ang pagod ay ininda ko na lamang at nagpatuloy pa rin. Maya maya pa ay lumabas muna ko ng kusina. Nadatnan ko si Tita at si Art na nasa harap ng kabaong ni Tito Lance. Agad naman akong lumapit at niyakap sila upang iparamdam na ako man ay nagluluksa sa pagkamatay ni Tito Lance.
âAlam mo Jerry, napakabait ng Tito mo. Ramdam naming lahat ang importansya sakanya ng salitang pamilya. Uliran syang ama at asawa. Alam mo ba, hindi na iba ang turing namin sayo ng tito mo dahil simula naging kaibigan ka ni Art ay nakita namin ang pagbabago saknya. Mas naging masiyahin ito at mas nagsipag sa pagaaral.â Sabi ni tita habang umiiyak. Muli, ay nagsalita ito pero humarap sya sakin. âJerry, ikaw na sana muna ang bahalang umalalay kay Art, alam kong di mo sya papabayaan dahil mabuti kang kaibigan at impluwensya sakanya. Sana pagbigyan mo ako at alam kong yun din ang gugustuhin ng tito Lance mo.â
Hindi ko na naiwasan na magtuloy tuloy ang luha ko sa narinig kay tita. Hindi ko alam na ganun na pala ako kahalaga sakanila at ang taas pala ng tingin nila sakin. Umusbong naman ang emosyon ko na hindi ko dapat biguin si Tita Marissa at ang huling kahilingan sakin ni Tito Lance. Tumango ako at sinabing hindi ko papabayaan si Art. Bigla na rin yumakap sakin si Art at umiyak. Sobrang emosyonal ang tagpong yun.
Sa pagkakayap ko ay nakita ko si Philip na nakatingin sa amin. Nakangiti ito ngunit bakas din dito ang kalungkutan. Pero di ko na pinansin ito dahil masyado kong overwhelmed with the loss of of Tito Lance.
Nagpasya na rin akong dito na ko kaila Art matutulog at uuwi nalang sa umaga para maligo at maghanda para sa school. Total, isang tricycle lan nmn ang layo ng bahay ko kaila Art. Dalawang linggo lang naman ito kaya napagpasyahan ko ito para na rin sa pag ganti sa kabaitan ng pamilya ni Art sa akin.
Kinabukasan pagkatapos sa school ay agad akong umuwi para maligo at magbihis. Pagkatapos ay agad agad akong dumirecho na uli sa bahay nila Art. Agad akong nagmano kay Tita at niyakap si Art. Magsisimula na sana akong magpunta sa kusina para magluto ng nagulat nalang ako ng may narinig akong boses mula sa aking likuran..
âSo, you must be Mr. Jerry Cruz.. Iâve heard so much about you..â
Isang boses ang narinig ko ng papunta na sana ako sa kusina upang tumulong sa pagluluto. Paglingon ko ay nakita ko ang isang gwapong lalake. Maganda ang hubog ng katawan, body beautiful talaga. Mejo light brown din ang buhok, mahaba ang pilik mata, browneyes! Manipis ang labi, maputi at ang kinis! Halatang may lahi! Pero teka, sino ba tong lalakeng na to na biglang umappear out of nowhere. Sang lupalop ba to ng lupa nanggaling? At tsaka bat nya ko kilala?! Ano ang pinagsasabi nyang Ive heardso much about you?! Pamilyar ang mukha nya pero di ko lubos maisip san ko sya nakita. Napansin ko nlng na biglang lumapit si Art sakanya at umakbay dito. Mas lalo naman ako napanganga sa pagtataka. Sino nga ba tong lulukil na to?!
âJerry, meet my older brother, si Kuya George.â, sabay abot ng kamay ng kuya nya sakin.
Ayun! Kaya pala he looks familiar! E kuya naman pla ihh!! Kaya pala he looks familiar dahil sa photo frame sa main sala nila Art. Shunga din ihh! Pero agad naman ako nagpakilala at nakipag kamay. Ang lambot ng kamay nya ha. Pero firm ko tong kinamayan at sinabi, âJerry nalang poâ.
âI know, mom and dad has told me so much about you. Iâm glad I finally met youâ, sabi ng kuya nya.
âNice meeting you too. Thanks.â Magpapaalam na sana ko ngunit dumating naman ang isa pang lalaki, kamukha din to nila Kuya George at Art kaya malamang kapatid din ito ni Art, si George. âHey thereâ nakangiting sabi sakin nito.
âHi, Im Jerry. You must be Albert, Artâs little brother?â
âYeah, Itâs such a pleasure to meet you. Kuya Art told me youre good in cooking, yeah?â Sabay tingin kay Art. Ngiti lamang ang ginanti nito.
âWell not really. But since I live alone I had to learn how to do things on my own.â Simpleng tugon ko dito.
âGreat! Weâll have some of ur dish later. But first, lemme help you with the cooking.â Masigasig na salita nito. Manang mana kay Art, isang taon lang ang tanda ni Art pero halatang parehas silang isip bata. Agad na kami nagtungo sa kusina at tumulong sya sa paghihiwa ng mga kailangan ko.
âI heard you and kuya are tight!â, sabi ni George.
âYeah, weâve been friends since my first day in high school. Heâs a great guy.â
Isang ngiti lang ang tinugon nito sakin.
Magdadalawang linggo nang ganto ang aking set up. Pagkatapos ng mga kailangan kong gawin sa school ay agad akong dumidirecho kaila Art. Minsan ay nakakasabay ko si Philip pero nawalan ako ng time ng mga panahong yun saknya dahil mas inuna ko ang lamay ni Tito Lance. Alam ko din naman na maiintindihan nya ito.
Huling gabi na ng lamay ng ama ni Art, kaya naman ramdam ko na ang pagod dahil sa dalawang linggong puyat sa pagtulong sa lamay.
Pagtapos ng lahat ng kailangan gawin ay umakyat na kami ni Art at pinaliwanag sakanya ang lessons na namiss nya dahil hindi pa sya nakakapasok sa school uli. Nasa kalagitnaan ako ng pageexplain ng bigla syang yumakap sakin.
âTol, maraming salamat sa pagdamay at pagtulog mo sakin. Hinding hindi ko makakalimutan to. Makakabawi rin ako sayo.â, mangiyak ngiyak na sinabi nya sakin. Alam kong di nya gaano ma absorb ang tinuturo ko sknya kaya nagpasya ako na matulog na kami. Halata rin sakanya ang pagod dahil dalawang linggo din itong hindi kumakain at nagpapahinga ng tama. Kitang kita ditto ang pagbagsak ng katawan. Kahit naman sino sigurong mamatayan, ay ganto ang magiging kalagayan. Kaya napagpasyahan ko na magpahinga na muna kami. Nahiga na kaming dalawa. Nakatihaya ako at sya naman ay nakagilid paharap sakin. Tanging ilaw lang sa labas ng kwarto na lumulusot sa ilalim ng pinto nya ang source ng ilaw sa loob kaya madilim. Maya maya paây muli nanamang umiyak si Art. Malamang, naalala nanaman ang kanyang ama. Alam kong mahirap ito para saknya dahil hanggang bukas nalang nya makikita ang kanyang ama.
âJe.. Jerry.. p..pwede mo ba kong yakapin?â, nagmamakaawa nyang sinabi sakin. âOo namanâ at dun ngaây kinuha ko ang ulo nya at pinahiga ko sya sa braso ko habang ang isang kamay ko ay nakayapakap saknya. Sya naman ay nakatagilid at nakadantay ang isang paa sakin at isang kamay naman ay nakapatong sa aking dibdib. Hinayaan ko syang umiyak buong gabi at wala akong balak patahanin sya. Alam kong mahirap ang pinagdadaanan nya. Hinayaan ko lang syang umiyak at hinahaplos haplos ang kanyang likod at pinaparamdam ko saknya na di sya nagiisa. Ramdamko sa pagkakayakap nya sakin ang bawat hinagpis nya. Sa aking pagkakahiga ay di ko naman din maiwasan na di mapaluha. Nakakadala ang kaniyang pag iyak at meron na rin akong emotional attachments para sa pamilya ni Art.
Nakallipas ang ilan pang mga minute at nasa ganoon kaming posisyon ng biglang may nagbukas ng pintuan at binuksan ang ilaw. Dahil sa medyo matagal na kami nakahiga sa dilim, ay mejo nasilaw ako sa biglaang liwanag. Nang naka adjust na ko uli ay nakita ko si Philip na nakatayo at halata sa mukha ang pagkagulat sa nakita. Nang bigla itong magsalita.
âDinalhan kita ng tubig. Checheck ko sana kung okay ka. Pero mukhang ok ka naman dyan.â Sabay lapag ng tubig sa table na nasa tabi ko. Magpapasalamat sana ako ngunit agad agad naman itong lumabas ng kwarto. Gusto ko sana syang sundan ngunit nakatulog na sa kakaiyak si Art at nakayakap pa rin ito sakin. Hindi ko nalamang pinansin at saka nalang magpapaliwanag. Bago pa matulog ay inayos ko ang pagkakayap sakin ni Art at niyakap sya at binulong sakanya. âWag ka magalala, andito lang ako..â
Araw na ng cremation ng Daddy ni Art at lahat ay nakasakay na sa sasakyan papunta sa huling pagdadausan ng last service. Nang nagsimula ang mass ay isa isa namang nagsalita ang ina at mga anak ni Tito Lance. Lahat ay tahimik at karamihan ay umiiyak. Dun ko nalaman na marami palang natulungan ang pamilya nila Art. Dumating din kasi ang pamilya ng mga natulungan nito upang ihatid sya sa kanyang huling hantungan. Nang si Art na ang magsasalita, lahat ay nanahimik dahil alam ng lahat na sobrang dikit nito sa kaniyang ama. Kaya gusto nila lahat marinig ang sasabihin nito.
âToday, im not just going to lose a dad. But rather, a bestfriend. He has been my refuge and source of strength. He has been there to here me out in almost anything. Even my first heartache, he was there to give me support and made me feel whole again. My dad has been a big inspiration in my life and always will. Today, im not going to tell you about how good he was to me. For I know, most of you have an idea of what kind of man he was. Instead, I wanna share you some things you probably didnât know about my dad. I would miss how he would neatly place his papers beside his plate before breakfast, how we would watch family movies and cry about its touching parts. The way he laughs as if he was going to have an heart attack, no one laughs like my dad used to. The times when I had my tantrums and he would go to my room talk to me man-to-man. And what I would miss the most is how my dad would kiss my mom before leaving for work. It always reminded me of how he loved us, his family. It wouldnât be easy for me to move on and carry this throughout without the support of my family and friends. Truly, I am thankful indeed. To my mom, I know this also wouldnât be easy for you, but I want you to know that we, your children,will carry our dadâs name with pride and dignity. To my siblings, though distance has set us apart, I truly feel how much you guys loved our dad. We would talk about you guys every now and then. I hope that we will continue to do the good works that dad has started. And to you, thank you for being there for me, for making me feel I am not alone and never will be alone. We are glad to have you in the family.â
Naiyak ako sa sinabi nyang yun. Kahit mga simpleng bagay lang ang sinabi nya, pero totoo, hindi nya na uli mararanasan yun. Wala na si Tito Lance. Na touch din ako dahil he thanked me during his speech. Pagbabang pagbaba nya ay nilapitan nya ko at yumakap. Ginantihan ko naman ng yakap at umiyak na rin. Naging napaka emotional at depressing nung araw nay un para sa amin. Kahit ako man ay di alam kung pano sya icocomfort. Ngunit sa isipan koây napagdesisyunan kong tutuparin ang pinangako sa pamilya ni Art. Sa pagdala sa huling hantungan ni Tito Lance ay naghandog ako ng awitin pamamaalam. Request na rin kasi ito ni Tita Marissa. Kinanta ko ang kantang, âWhat Matters Mostâ
Halos di ko makanta ng buo dahil kahit ako ay naiiyak na talaga. Ramdam na ramdam ko na ang pamumuo ng mga luha ko sa aking mga mata. At minsan paây may mga nakakatakas na luha. Ngunit pinilit kong hindi umiyak at pinagbutihan ang pagkanta.
Nang dinala na si Tito Lance ay nandun kaming lahat. Lahat ay nagiiyakan at nagbibigay ng kanya kanyang huling mensahe kay Tito Lance. Miski ako ay nagpaalam din sakanya. Nagpasalamat ako sa kabutihang ipinakita nya sa akin. Kahit ako ay umiiyak na din. Naramdaman ko naman ang mahigpit na paghawak sa kamay sakin ni Art, at hindi naman ako pumalag. Kahit medyo masakit na dahil buong pwersa ang pagkakahawak nya sa kamay ko ay hinayaan ko lang sya. Habang nakatalikod sya ay hinahaplos ko ng isang kamay ang likod nya at isa namanay nakahawak pa rin. Halos magwala sa iyak si Art, at wala akong magawa, hinayaan ko lamang ito dahilkahit mismo ako ay di ko maimagine ang sakit na nararamdaman nya.
Kasalukuyang cinecremate si Tito Lance, at kami lahat ay nasa parang hall at naghihintay. Maya maya pa ay nagserve muna kami ng lunch sa mga bisita. Bigla kong naisip si Philip kaya hinanap ko ito. Nakita kong katabi nya sila Jenny, kaya kumuha ako ng isa pang set ng packed lunch para saknya dahil nakita ko ito na di kumakain.
Nang makalapit kay Philip ay di ako pinansin nito, Nagtataka naman ako dahil hindi naman sya ganito. Usually ay pag nakikita ko nito ay babatiin ako nito.Ngunit ngayon ay ni hindi man lang nya ko tiningnan. Nang tanungin ko naman sya kung galit ba sya o may problema ba ay iling lamang ang ganti nya sa akin.
âDun ka nalang kay Art. Mas kailangan ka nya.â, nagulat akong sinabi nito. Halatang cold ang pagkakasabi nya. Bigla kong naaalala ang pagwawalk out nya nung makita nya ko kinagabihan na nakayakap sakin ni Art.
âPhilip, is this about what you saw last night? Wala yun, I was just trying to..â, ngunit cinut nya ako.
âYou know what, it doesnât matter what I saw. Besides, I donât care. Pwede, just leave me alone for now?!â, matigas na sabi nito.
Aba, halos umakyat ang lahat ng puyat kong dugo! Nagpintig talaga ang mga tenga ko sa narinig at naisip na sobrang selfish naman nitong taong to! Ano bang problema nya?! Pero dahil sa sobrang inis ko, nagsalita ako at nagwalk out. Iniwan ko sakanya ang mga katagang,
âJust so you know Philip, not everything is about you.â, sabay tuloy sa pagwawalk out. Napatulala naman ang mga kaibigan naming nakasaksi sa mga pangyayari. Pero dedma! Mas nangibabaw ang inis at galit ko! Punyeta! How insensitive can he be?! Di ko akalaing ganto sya.Pambihira! I have so much to think about rather than his tantrums.
At yun na nga, simula noong araw nay un ay din a kami nagusap.
Balik eskwela na uli. Maging si Art ay pumasok na muli. Ngunit bakas na bakas pa rin sa mukha nito ang pagkalungkot at tamlay. At syempre, kaming mga bestfriend nya ay nakiramay para sakanya at inintindi sya kahit pa naging medyo moody na sya at nawala na ang pagka masiyahin. Inintindi namin na di madali ang bumawi mula sa ganung kalungkutan.
Hindi lang ito ang nagbago. Magkagalit parin kami ni Philip. Hindi na kami naguusap or txt man lang. Hindi na rin nya ko hinihintay sa babaan ko ng jeep at di na rin kami sabay umuwi. Hindi ko alam kung bakit pero sa ginawa nyang yun ay labis akong nasasaktan. Pero nagmatigas ako. âTang ina! Sino ba sya?!â, sabay simangot sa sarili. Hindi na rin nakatiis sila Ben at Jenny kaya nagpasya akong kausapin ni Jenny.
âHoy Jerry, ano bang eksena nyong dalawa ni Philip?â
âJenny, alam mo naman siguro ang nangyari, imposibleng hindi sabihin sayo ni Philip ang nangyari. I donât even know know kng ano sinabi nya sayo, pero I simply donât care anymore..â
âE gaga ka pla e, kaya nga ko nagtatanong dba? Edi, wala akong alam, may sinasabi man sya pero pache pache lang. Kulang ang info. Kaya nga tinatanong kita.â
âHmm, ok, it all started nung nakita kami ni Philip sa kwarto ni ArtâŚ..â
Natahimik ako. Hindi ko alam pano ko ipapaliwanag at ikkwento..
âOh, tapos? Baka gusto mo ituloy?! Nampucha naman kayo magkwento oh!â
âI was giving comfort kay Art. Umiiyak sya noon atâŚ. At nakayap sya sakin. Niyakap ko din sya dahil alam kong masakit sa kalooban nya ang nangyari.â
"Oh tapos..?"
"Anong oh tapos ka dyan, yun lang.."
âYUN LANG?! Sus! I was right all along! Hahaha!â
âRight with what?â
âAh, basta! Pero susme naman! Shunga talaga nun! Ang selfish nya ha, di man lang ba nya naisip na nategi ang fadir ni Art?! Nakakaloka! O sya, ako ng bahala sa gulong ito. Ewan ko sa inyo! Bwahahaha! CONFIRMED!!!â
Makalipas ang ilang linggo, medyo nasanay na ko na hindi na kami magkasama ni Philip. Hindi na rin kasi sya sumasabay sakin sa lunch. Hindi na rin kami sabay pumasok at umuwi. Hindi na rin ako tumawag o nagtext pa. At ang pinagka abalahan ko nalang ay ang pilit na pagiintindi kay Art. Ngunit dumating ang isang araw na di nanaman nagpapasok si Art. Tinetext at tinatawagan ko ito ngunit di naman ito nagrereply. Pati ako apektado na sa mga nangyayari.
Sa pang apat na araw na di pumapasok si Art, ay nakatanggap ako ng tawag sa aking cellphone. Si Tita Marissa, ang mommy ni Art.. Kinakabahan akong sinagot ito pero sinagot ko na rin..
âHello TitaâŚ..?â
âJerry, anak.. si ArtâŚ