Law Abiding Citizen (Part 1)
By: Mo
Itago nyo na lang ako sa pangalang Mo, 21. Mula sa isa sa pinakasikat na probinsya sa Pilipinas. Slightly thick pero gwapo, 5’4, tama lang yung kulay. Sabi nila best feature ko daw yung ilong, mata, ngipin at kamay ko. May mga nagkakagusto naman kaya lang ayoko sa hindi ko naman mahal (hahahaha). Bisexual Discreet (Kung ano man tawag dun, di ko sure) Alam ko lang nagkakagusto ako sa babae pero madalas sa lalaki. Lalaki naman akong tingnan, lalaking pumorma, lalaki yung boses. Maniwala man kayo’t hindi, gusto ko pa din mag asawa ng babae. Hindi pa siguro ngayon pero after 10 or 8 years (lol). Let’s not talk about it, iba naman kasi ikwekwento ko. Tatlong beses pa lang naman akong na-fall in love, pero marami na kong beses na-fall out of love. In short, madaming beses na kong nasaktan mapa-babae man o lalaki, so I therefore conclude na may kakayanan manloloko lahat ng tao pagdating sa pag-ibig. Pero, maybe (sana talaga) this time hindi na maloko. His name is Josef, 28. 5’6, medium built. Uhm, di naman sya pang artistahin pero gwapo. Maputi, yung fetish ko nasakanyang lahat (hairy braso and binti, neat and maputing paa, magandang ngipin, malambot pero laging pawis na kamay). Weird ko ba? Pero yun, kasi mga gusto ko, sakanya tinamaan, Kuya mo eh. We are attending the same church. Dun kami unang nagkakilala. Mabait siya, friendly sa lahat ng tao. So yun, dun kami unang nagkausap. Dun nag start yung closeness namin. Inaamin ko naman na crush ko talaga siya the first time I met him. Sa sobrang bait naman niya, bonus na lang yung muka niya. Maganda pa yung boses, malamig, masarap pakinggan. Hanggang sa sobrang naging close talaga kami, yung closeness kasi lagi kaming magkasama. Sabi ng iba,kung di nila kami kilala, aakalain nila na mag jowa kami. Unti unti, nahuhulog yata puso ko saknya pero pilit kong nilalabanan kasi nga ayokong umasa. Mahirap na, ayoko ng masaktan.
Normal na Friday lang naman yon. Gigising ako para pumasok sa work. 6:00am, nagpakain at inilakad yung mga aso ko, konting jogging, sabay kain, ligo at prep up for work. Typical day, kumabaga. 8:30am pasok ko “dapat” pero dahil nga sales naman work ko, okay lang na hindi ako makapasok on time. Actually, tamad na tamad akong pumasok ng araw na yon. Nasa weekend na kasi kaluluwa’t puso ko. Bandang 11:00am, natapos akong mag email sa mga clients, konting facebook and twitter. Hinihintay ko na lang na magyaya yung kasabay kong mag lunch para makakain na. Yun na lang kasi naiisip kong gawin eh. Habang nag lulunch, tumunog cellphone, sa una di ko pinansin kasi kadalasan naman “4438” at “globe” lang naman nagtetext sakin.
After a while, parang may audible sound akong nadinig (di ko lang alam kung angel o dimonyo), parang bumulong sya sakin na “May nag text sayo, importanteng tao yon sayo, pansinin mo naman, chance mo na”. So tiningnan ko naman, di naman masamang umasa at kung hindi man siya yung nagtext, baka may emergency din naman talaga yung iba kong friends or relatives. Nagulat ako, siya nga yung nagtext. Oo, siya. Siya yung nagtext na kahit hindi ko pa nakikita yung message nangingiti na ko. As in, muka na kong tanga sa pagngiti ko na yon.
Josef: Oy saan ka? Samahan mo ko, luwas tayo. Bili lang ako damit. Ala pa ko damit sa kasal nila *insert names here*.
Ako: Work eh. Later 3PM? Saka palit muna ko damit.
Josef: Wag ka na, okay na yan. Para muka kang kagalang galang.
(Kusot-mayaman/Gusot mayaman kasi uniform ko sa work. At ayokong umaalis, maliban sa trabaho kapag ganun suot ko)
Ako: 2pm? Uwi na ko ngayon palit lang ako damit.
Josef: Sige bahala ka. See u maya.
Ako: Ok.
Oo ganyan lang ako mag reply, ayoko nga kasing umasa. Pero masaya ako pag nagtetext o tumatawag siya. After non, niligpit ko na gamit ko sa desk ko, saka ako nagpaalam na mag work from home ako pero ang katotohanan naman talaga e, gagala lang ako kasama nung pinapangarap ko.
Habang nag dra-drive ako pauwi,iniisip ko na kung ano ba susuot kong damit. Gusto kong mag shirt lang pero gusto ko din yung mag mumuka akong payat sa suot ko. Kailangan ko kasing paghandaan “date” namin. Consider na date naman yun di ba? Kami lang naman dalawa. Pagkadating ko sa bahay, tumunog ulit phone ko.
Josef: Dalian mo, wag ka ng mag pa-pogi di ka naman magpapa-cute dun. Saka wag ka na dala kotse, mag commute na lang tayo.
Ako: Badtrip ka. Basag trip ka, KJ ka pa. Dala na ko kotse para less hassle.
Siya: Eh! Mahirap kang kausap pag nag dra-drive eh. Masyado kang focus sa pag dra-drive, para kang walang kasama.
Di na ko nag reply. Naisip ko na lang din na pwedeng maging way yun para mas makausap ko siya, First date eh – well at least, muka naman talagang syang date. Di ba? Umalis ako samin 1:30, lagpas isang oras naman talaga yung byahe pero para hindi ako magmukang excited nag pa-late ako no.
Dumating ako sa sakayan ng UV Express ng 2:15PM. 15 minutes late. Kaya malayo pa lang kitang kita ko na yung pag kunot ng muka nya. Ayaw nya talaga sa nale-late. Pero sanay na naman sya sakin. Alam ko na din kung paano sya pangingitiin. Nakasakay kami ng UV ng mga 2:20, di naman kasi punuan sinakyan namin. Dun kami lumagay sa likod, para maluwag. Nagkwentuhan saglit pero nakatulog din siya after a while. Gusto ko din sanang matulog pero potek ang sarap nya kasing tingnan. Dun ko na-rerealize na mahal ko nga sya pero di ko alam kung mahal nya ko. Sana oo, pero ayokong umasa..
Nakarating kami ng dun sa mall ng 4:30, sobrang traffic naman kasi. Kaya okay na din siguro hindi ako nagdala ng sasakayan. Kumain muna kami sa the block, tapos nagkape na din. Hindi naman kami nag mamadali kaya ayos lang. Natapos kami magkape and kumain ng bandang 6:30, hindi naming napansin yung oras. Pero dahil mahirap sumakay pauwi, nag decide na kami bumili ng polo.
Syempre dun kami pumunta sa store na medyo mura at maganda tela, once lang naman daw nya kasi gagamitin. Alam ko naman kung yung type nyang damit. Kaya mas madadalian kaming maghanap. Tinatanong nya din naman ako kung ano ba bagay sakanyang damit;
“Eto ba bagay sakin?” tanong nya habang sinusukat nya yung polo na may konting design sa sleeves,
“Okay naman.” Muka nya kasi tiningnan ko instead na yung polo.
Habang dinadampot yung isa pang polo na iba yung design, mas simple, “Eto pala, mas simple? Trip mo ba?”
“Sukat mo muna pero ayos lang din naman.” Sagot ko, habang sa muka at kamay nya pa din nakatingin.
Kunot noo syang nakatingin sa akin, “Eh, kung puro okay lang din naman pala sasabihin mo. Ede sana di ka na sumama.”
“Galit ka na naman. Gentleness, gentleness and You look fine with anything. Simple ka lang pumorma pero bagay naman sayo.”
“Sira ulo, wag mo na kong lokohin. Tara na lang.”
“Saan? Uwi agad?
“Sabi mo di ba isukat ko?” Inis niyang sinabi sakin..
“Eh bakit sasama mo pa ko?”
“Bantay kita, tapos para mas makita mo kung ano yung mas bagay sakin.”
So, pumunta kami sa fitting room. Dala dala nya yung dalawang damit na kinuha nya kanina. Kung nagtatanong kayo kung ganun lang ba yun, oo, ganon lang kadali yun. Lahat naman ng lalaki – yung lalaking lalaki or yung medyo lalaki lang madali naman talagang maghanap ng damit.
Pagkapasok namin sa fitting room. Binalibag nya sakin yung dalawang damit na kinuha nya sabay hubad ng shirt na suot suot nya. Puasdfghjklwaaaaah!!!!!!! Di ko alam kung ano nangyari, potek napakaputi ng katawan, kahit mabalbon kitang kita mo yung puti, yung nakatayong utong, yung magandang chess, yung karug nya, yung tyan na kahit walang abs (di ko naman talaga trip yung may abs) di payat at di mataba, sakto lang. Pero nakakatakam talaga. Ewan ko ba!!! Na-stroke yata ako sa pagkakatulala ko sakanya. Lahat ng fetish ko nasakanya, mula muka haggang paa. Gusto ko syang yakapin dun mismo, para kong nasabaw…… hanggang pak… Binatukan nya na ko.
“Sexy na sexy ka sakin.” Sabi nya, habang tumatawa ng malakas.
“Kapal ng muka mo”
Ngumiti sya na mukang nanloloko, “Umamin ka na lang sakin.”
Di ko alam kung namula ko don, nawala ako sa ulirat. Di ko alam isasagot ko, “Sira ulo!!!! Eh, wala ka ngang ka-abs abs. Kunwari ka pang nag gy-gym and jogging. Wala naman epekto, tapos by the way, baho ng shirt mo. Magsukat ka na lang dyan.
Nagsukat ulit sya, tinitigan ng mabuti, sabay sabing, “Eto na lang. Uwi na tayo.”
Kinuha nya sakin yung isang gusto nyang polo ng padabog, halata mong galit yung mata. Asar talo, siya naman tong unang nang asar. Well, kapag nangaasar sya, asarin mo din sya sa pag gy-gym nya, dun mo sya maiinis. Pero all in all, sobrang sweet naman nya sakin. Pinagtatalop ng balot, pinaghihimay ng isa, hinahatid sa sakayan pauwi. Yon, simple things pero lahat yun sobrang naa-appreciate ko kaya kahit minsan na medyo kuripot sya, okay na din. Bawi naman siya sa maraming bagay.
Nagbihis siya ulit nung shirt nya. Saka lumabas ng fitting room pero di nya ko kinikibo.
Binibilisan nya yung lakad, medyo n-guilty tuloy ako, “Hoy! Sorry na hihihi.”
“Di ako galit, wag mo kong daanin sa pag papa-cute mo dyan. Di na bagay.”
“EDE WAG!”
Binayadan nya yun, saka nagyaya siyang umuwi na.. Di nya ko kinakausap. Ni-ha o ni-ho walang siyang sinasabi habnag nag hahantay kami ng bus pauwi. Sign na nainis talaga sya. Gusto ko sana siyang kausapin kaya lang, ayaw naman nyang umimik. Tinetext ko kasi nag tetext and messenger siya pero di nya pinapansin messages ko. Kaya natulog na lang ako, inaantok na ko eh.
Doon ako nakalagay sa may tabi ng bintana, siya yung nasa aisle. Dun kasi ako mas komportable. Soundtrip ng kaunti, hanggang unti unti na kong nasasandal sa bintana at nakatulog. Infairness, masakit pala sa ulo yung nakadantay yung ulo mo sa bintana, kangawit medyo nauuntog pa ko pero antok talaga ko, kaya nakatulog din ako.
Naalimpungtan lang ako dahil medyo umiingay na sa bus. Sign na malapit na yung first bus stop. Pero nagtataka ko kung bakit hindi na sa gawi ng bintana nakahilig yung ulo ko at medyo malambot na hinihigaan ko. Dun ko na-realize na sa balikat nya na ko nakadantay habang hawak nya balikat ko. Yung puwesto naming,, nasa likod na ng ulo ko yung braso nya, nakapalibot kumbaga yung braso nya sakin. (Di ko alam kung paano i-explain yun pero sana na-illustrate nyo na sa utak nyo)
Tumingin ako sakanya, habang may tinetext pa din siya. Minsan gusto ko ng basahin kung ano man yung tinetext nya pero di naman kami, wala naman kami, kaya okay lang din na may ka-text syang iba. Wala naman akong karapatan. Siguro napansin nyang gising na din ako, kaya natingin na din sya sakin. Magkatinginan na kami, medyo nakangiti na ulit sya tapos sakto pa wala ng pasahero sa gawi namin kasi nagbabaan na at nasa likod pa kami. Medyo magical moment na sana kaya lang…
“BIGAAAAT NG ULO MO! PAANO PA KAYA YANG KATAWAN MO? HA? HA? HA?”, sabi nya habnag nakatingin na parang nangaasara
Ewan ko ba!!! Naasar ako di dahil sa pang iinis nya sakin pero kainis kasi panira ng moment na yun. Medyo nangitngiti na din kasi ako non dahil nagkatitigan nga kami pero biglang bawi pa siya. Kaya diniin ko na lang ulo ko sakanya kaya siya din nasaktan sa huli.
Halos 9:00pm na din kami nakarating ng babaan ng bus. Pero bago kami makababa ng bus, tinawag ako nung kundoktor ng bus. Ang sabi nya sakin, “Ang swerte mo tsong sa syota mo, or kuya mo ba siya? Basta kung sino man siya sa buhay mo. Sweet nya sayo. Wag mo siyang hahayaang mawala sayo.”
Ang nasabi ko na lang, “Bakit po? Pero sige po. Salamat.”
Nagmamadali na din kasi ko, kasi feeling ko excited na syang umuwi. Kaya bumaba na kagad ako saka ko binatukan para umuwi (sa bahay nila). Ayoko pa din kasing umuwi samin, tiyak naman na wala pa si Mama samin kasi may bible study pa yun and pabukas pa lang yung restobar ng kuya at ate ko kaya tyak wala din sila sa bahay. Pagkadating namin sakanila, saktong pagalis ng kapatid nyang bunso, papuntang computer shop para mag dota. Yung isa naman nyang kapatid, si Jean, wala pa kasi sa Makati pa nag tratrabaho yun.
Kung gusto nyong malaman, tatlo silang magkakapatid, pinaka gwapo si Josef para sakin, pero gwapo din naman yung dalawa nyang kapatid pero parehong sobrang payat. Yung pangalawang nyang kapatid si, Jean, 23. Kabarkada ko (sya talaga kaibigan ko pero mas naging ka-close ko lang tong Kuya nila). Matangkad si Jean, moreno, tahimik, mahinahon yung boses. Si Jethro, 21 bunso nilang kapatid, pinakamatalino sakanila, isang buwan lang tanda nya sakin pero mas mukang bata, makulit, maingay, makwento. Yung mommy nya nasa katabing city, teacher ng isang sikat na college doon at kadalasan gabi na nakakauwi. Wala daddy nila, nasa ibang bansa. Meaning kami lang nasa bahay..kaya na-eexcite dugo ko.
Aaminin ko na, gustong gusto ko ng may mangyari samin pero sabi ko nga baka umaasa lang ako sa wala. Baka hindi nya ko gusto, baka iba pa din gusto nya. Dahil wala naman pasok bukas, pwede kong mag pagabi or dun na matulog. Minsan naman talaga dun ako natutulog, nag sleep over kaya medyo madami dami na din akong damit sa bahay nila. Di ko na kinukuha para kapag biglaan na may sleep over pwede na kong hindi magdala ng damit.
Nanonood kami ng movie non. Law Abiding Citizen yung title, saktong dumating na si Tita kasama si Jean. Nagkita pala yung dalawa para mamalengke na rin. Di naman sila nagulat na nadon ako.
Nagmano lang ako kay Tita saka niyaya si Jean na manood din ng movie, “Jean, pumarine ka’t samahan mo kong manood. Tingnan mo yang kuya mo, patulog na.” Habang tinuturo ko yung kuya nyang half alive na.
“Kayo na lang.. ayoko naman makaistorbo” Sabay ngiti na nanloloko.
Nagtataka ako kung bakit nya kailangan ngumiti ng ganon. Di ko alam kung ramdam nya ba yung sikreto kong feelings sa kuya nya o hindi.
“Ewan ko sayo! Muling muli ka sa kapatid mo.” Ang tanging sagot ko.
Tumawa ng malakas si Jean, sabay sabi ng, “Basta sumama ka sa kasal nila Kuya Bon at Ate Cess.”
“Syempre, duh. May lechon daw dun bakit di ako pupunta.”
“Aba, malay ko ba sa’yo. Mahirap ka rin kausap kung minsan eh.” Sabay pasok sa kwarto nya na katabi ng sala.
Hindi ko na naintindihan yung movie na pinapanood namin. Kaya nag decide ako na i-turn off na lang. Sayang din kuryente nila. Inisiip ko pa rin kung ano ba ibig sabihin nung ngiti na yon ni Jean. Bakit bakit bakit, yun yung mga tanong na lumalabas sa isip ko.
Kaya di ko na napansin na nakatulala na naman pala ko, kaya walang kalaban laban akong binalibag ng throw pillow ni Josef, “Baaaaang” sapol sa muka. Hindi siya masakit pero I was caught off guard kaya medyo natumba rin ako.
“Potek ka. Harot mo. Para kang hindi 28 years old.” Paangil ko sabi sakanya.
Nagulat yata, alam nya kasi kapag galit ako, “Nako naman tong nigga kong bestfriend, di na mabiro. Kain na lang tayo sa labas.”
Sakto naman paglabas ni tita sa banyo na katatapos lang maligo, “Ay di pa ba kayo kumakain? Sensya na. Akala ko kasi kumain na kayo kanina nung lumuwas kayo. Si Jean nga pala?”
“Tita Mommy, okay lang yun no. Eto lang naman pong anak nyo may sawa sa tiyan. Kaya di nagkaka abs kahit gym ng gym eh.”
“Oo na wala na kong abs, wala naman akong tyan. Di mo katulad.”
Nangitngiti na lang si Tita samin, siguro sanay na rin to samin, “Si Jean ba kumain na? sama nyo kapag hindi pa.”
“Ma, parang di kilala si Jean. Tiyak kasama nun mga barkada nya bago umuwi. Kumain na yon sa sizzlingan. Saka tulog na yun” Sagot ni Josef.
“Ah okay sige.” Sagot ni Tita, habang napipikit na nakaupo sa sofa.
Nag cr lang saglit si Josef, saka nagyayang umalis na. Naglakad lang kami, medyo malapit lang naman yung sizzlingan. Saka patay gutom kasama ko. Gusto non, unli rice, kaya kailangan nyang mag pa-gutom.
Madalim, malamig, medyo nagtataka din ako sa sarili kung bakit di ako nanghiram ng jacket eh.
“Akala ko ba anak mayaman ka, dapat sanay ka sa lamig. Laking aircon eh.” Binasag nya yung namuong katahimikan sa paligid.
“Huh? So bawal lamigin ganon? Saka di ako laking mayaman.”
Di ko alam na medyo masungit pala ko sa tono ng sagot ko,
“Sungit naman. Problema? Tahimik mo kanina pagka-gising ko eh.” Usisa nya, nakatingin sya sakin. Na mukang medyo nag aalala.
“Wala to, gutom na kasi ko ulit.” Saka ako pumangko sa likod nya. Wala naman tao, kaya hindi nakakahiya at kaya naman nya ko. Kahit medyo mabigat ako.
“Haynako, inandar ka na naman ng kalikutan mo.” Sabi nya.
Mag a-alasdose na ng nung dumating kami sa sizzlingan. Kung ano in-order nya. Yun na lang din yung na-order ko. Katamad kasi mag isip nung araw na yun. Saka masaya naman ako kahit walang pagkain basta kasama sya.
“Oh! Bakit ka nangingiti dyan?” Tanong nya sakin.
“Wala lang, masarap lang ngumiti. Di ko din alam, basta ang sarap ngumiti.” Sagot ko.
“Nakooooo. Sino na naman yang ka-text mo?”
“Ha! Muka bang may nagtetext sakin? Ha?” Inabot ko sakanya cellphone ko, “Wala di ba?”
Malalim na gabi. Lalong lumalamig. Lalong tumitindi bugso sa puso ko na umamin ako skanya. Gustong gusto ko ng umamin sakanya. Nung gabi na yun ko na-realize na parang hindi ko gustong makita na may kasama siyang iba. Ayoko, hindi ako papayag.
Wala na ulit kaming napagusapan habang kumakain hanggang pagkatapos nyang kumain. Walang lumalabas sa bibig. First time kong naramdaman yung awkwardness, para nahihiya ako bigla sakanya. Kaya after nyang kumain, tumayo agad siya para magbayad nung kinain namin saka bumalik para yayain akong umuwi na para makatulog na.
As usual, naglakad lang kami non. 20 minutes mula sa sizzlingan hanggang bahay nila kapag nilakad. Tutal, malamig naman at wala ng tao bukod sa mga trike drivers sa unang kanto sakanila. Wala pa din kaming imikan, walang pansinan. Naglalakad lang kami ng magkasama, magkatapat pero wala talagang usap usap. Kaya laking gulat ko nung inakbayan nya ko saka hinila papalapit sakanya.
“Mukang lamig na lamig ka na. Ayaw mo pa kong pansinin.”
Tinawanan ko lang siya, “Ang mahalaga kasama mo ako. Joke.”
“Syempre… gusto ko naman talagang kasama ka.”
Pumintig puso ko non. Parang gusto kong magtatalon sa tuwa. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong sumigaw na ng Mahal na mahal kita, Josef. Pero di ko pa kaya, di ko kaya. Baka kasi wala lang lahat. Ganon din naman siya ka-sweet sa mga kapatid nya. Baka umaasa lang ako.
Pagkadating ng bahay nila. Dumiretso sya sa kwarto nya, kumuha ng damit ko saka nya inabot sakin. Kinuha ko to saka ako naligo. Pagtapos na pagkatapos nun, lumabas ako ng banyo skaa pumasok ng kwarto nya. Di ko naman unang beses na nakita ko syang naka-hubad, pero yun yung unang pagkakataon na nakita ko syang naka-boxer brief lang. Kitang kita mo yung binti at hita nyang mabalbon, yung maputi nyang paa na parang ang sarap isubo, yung likod nyang wala namang gaanong muscles pero ang sarap yakapin. Ang sarap nya in short. Ang sarap nya talaga. Tumitigas na burat ko sa nakikita ko. Yung parang lalabasan agad ako. Wala pang nangayayri samin.
“Tapos ka na ba?” tanong nya sakin habang nakatalikod sya.
“Ah.. ha? Eh…. Ah… ba… baka.” Nauutal kong sabi.
“Ano? Bakit ba utal na utal ka?” Muling tanong niya sakin.
Pumasok ulit kaluluwa ko sa katawan ko kaya nagising ulit ako sa pananakam ko sakanya, “Bwisit! Malamig kasi. Saka kung di pa ko tapos sa tingin mo ba nandito ko?”
Lumapit sa sakin sabay hawak sa ulo ko habang ginugulo yung buhok ko, “Dakilang pilosopo.”
Saglit lang sya sa banyo. Malamig naman kasi tubig. Di pa ko agad natulog kasi magkatabi kami matutulog saka baka this time makita ko naman na naka-brief sya. Gusto ko din makita yung bukol nya na sinisipat ko minsan kahit naka puruntong or pants lang siya. Pero hindi eh, hindi sya naka-brief. Nakapang basketball short sya and white shirt na fit sakanya. Sobrang disappointed ko. Ede sana, natulog na lang ako.
“Di ka pa tulog?” Usisa nya sakin.
“Nakita mo ng bukas pa mata ko tapos tatanungin mo ko kung gising pa ko.”
“Malay ko baaaa.. sungit mo kanina pa. Inaantok ka na nga.” Pinatay nya yung ilaw saka siya humiga sa tabi ko. “Tara dito, usad ka dito.” Tinatapik yung space sa gitna namin.
Umasad naman ako no, syempre, masunurin naman ako, “Swerte mo, ikaw lang may kwarto, yung dalawang kapatid mo share lang sa kwarto.”
“Perks ng panganay na anak yun no. Syempre paano pag gusto kong mag uwi ng katabi…”
“Katabi? Madami ka na bang naiuwi?” Seryoso kong tanong sakanya.
“Naniwala ka naman. Ikaw pa nga lang nauuwi ko dito, ikaw pa lang nakakahiga dito no.”
“Ewan ko sa’yo dami mong alam.” Sabay talikod ko sakanya. Ayaw ko naman kasing makita nya na medyo kinikilig na ko sa mga nangyayari no.
Sabay bulong nya, “Aba, sabi ng umusad ka dito eh. Ikaw teddy bear ko ngayon.” Habnag kinikilita nya ko.
“Huy!!!” Kinakabahan kong sigaw, “Dun ka na, laki laki ng kama.”
“Arte ne’to. Bagong ligo naman ako.” Habang nilalagay sa likod ng ulo ko braso nya, “Paakap na, saka mas masaya sana kunng nakaharap ka dito. Please. Please. Please. Tagal ko ng walang kaakap e.”
Humarap naman ako. Ayoko ng mag inarte no, “Clingy mo ngayon, bading ka talaga.”
“Gusto mo naman eh. Yakapin mo mo na din ako.” Utos nya.
Ayoko sanang umakap, kasi baka tumigas junjun ko, maramdaman pa nya, pero wala na kong nagawa. Hinigpitan nya yung yakap nya sabay sabi ng, “Goodnight!! Ganto lang tayo hanggang bukas.”
Di ako makatulog, dinadama ko lahat ng bawat yapos nya sakin. Ang sarap humiga sa braso nya, ang sarap nyang akapin, ang sarap damhin ng bawat hinga nya sakin, ang sarap nyang amuyin, ang sarap idantay ng hita at binti ko sa matikas at mabalbon nyang hita’t binti. Ang sarap sa pakiramdam. Ayoko ng magising, ayoko ng matulog, gusto ko lang siyang tingnan.
Tinitigan ko sya, habang mahigpit pa din ang yakap namin sa isa’t isa. Para bang may anong dimonyo ang sumasapi sakin at sinasabing iba na din ang tingin nya sakin. Sa lalim ng iniisip ko habang nakatingin sa labi nya hindi ko na namalayan na nakatingin na pala siya sakin.
“Bak….it gi..s…i….ng ka… pa?” Unti unti kong tanong sakanya.
“Ha! Hindi pa din ako tulog.. Hindi din ako makatulog.” Sagot nya.
Wala kaming imik sa isa’t isa. Kinakabahan ako. Humihigpit yung hawak nya sa bewang ko. Unti unting nagbabago yung tingin nya sakin. Pareho kaming nawawalan ng hininga. Unti unti na din may matigas na bagay na nagkakabangaan sa ibaba naming pareho. Tinangal na din nya yung kumot namin. Haggang hinila nya ulo ko papunta sakanya, saka nya nyo ko hinalikan ng dahan dahan. Di ko alam kung ano na nangyayari, umiinit, unang beses kong naramdaman yun. Ang alam ko lang eto na yung pinapangarap kong gawin namin. Hindi ako sigurado sa nararamdaman nya sakin pero eto na yung pinapangarap ko.
Hinahalikan nya ko, nararamdaman ko yung bigote nya sa paligid ng bibig ko. Ang init, ang sarap, ang lapot, di ko alam na pati laway nya masasarapan ako. Nilalaplap nya yung mga labi ko. Gigil na gigil. Para syang batang binigyan ng lollipop. Pero sumusunod lang ako sakanya. Unti unti siyang tumayo saka nya ko hinila papunta sa pader katabi ng kama nya. Hinubad nya yung damit ko, sakanya ko hinalikan sa leeg, masakit, sinisipsip at kinakagat nya buong leeg ko. Hinubad na din nya yung shirt na suot nya. Wala ng nadidinig sa kwarto nya kung hindi yung tunog ng halik nya at yung pigil kong ungol dahil baka madinig kami sa kabilang kwarto.
“Ahhhh, ahhh, ahhh.” Ungol ko habang hinahalikan nya kilikili ko.
Nagbabago yung maamo nyang muka, yung pagka gentle nya tuwing magkasama kami, yung pagiging good boy nya. Nawala lahat yun. Napalitan ng isang Badboy na sarap na sarap sa ginagawa nya. Muka na syang dimonyong hindi mapakali sa ginagawa nya. Isang asong ulol na nag a-adik sakin.
“Ano.. masarap ba ko? Ha?” Tanong nya sakin habang pinatalikod nya ako sa pader, “Ramdam mo ba? Eto naman gusto mo di ba?” Naramdaman kong kinikis nya sa matambok kong puwit yung alaga nya na nakatago pa sa basketball shirt nya. Ramdam ko yung taba at laki nito.
“Ahhh… ah… ah!!!!!!!!” Ungol na lang napapalit ko sakanya, para kong lumilipad. “Josef…… josef…” saka ko ulit siya hinalikan sa labi nya, ang sarap ng dila nya. Pinapasok nya yung dila nya sa loob ng bibig ko, dinuduraan, habang nilalamas nya dibdib ko.
“Bihag kita ngayon, isa kang puta ngayon. Bababuyin kita ngayon…. Sipsipin mo utong ko. Pababa ng tyan ko. Yan madalas mong tinitingnan puta ka di ba?” Sagot nya sakin ng may malibog na boses, yung boses na parang nangaakit.
Bihira lang siyang mag mura, magsabi ng bastos na salita pero iba kasi ngayon. Iba! Mas ma-appeal, mas malakas yung dating.
Hinalikan ko sya sa leeg, dinilaan papunta kilikili, “Ahhhhhh, ang sarap mong puta ka. Bakit ka ganyang humalik at dumila? Ang init. Ang swabe…. Tangina mo.” Aaminin ko na Hinihintay ko talaga ang pagkakataon na’to, kaya wala akong dahilan para hindi galingan.
Pumunta ako sa karug nya, at dinidilaan lahat ng pwedeng dilaan habng pinasok ko ang kamay ko sa loob ng shorts nya. Ayoko munang ipasok sa loob ng brief. Gusto kong tantyahin kung ilang pulagada ba yung pinagmamalaki nya. Tantya ko ba’y nasa 6 inches yun pero mataba. Gusto ko tong isubo… pero hindi pa oras.
Hinila nya yung ulo ko patayo, sabay laplap sa nguso’t at labi ko, tinulak nya ko sa kama nya, tinaas nya yung dalawang binti ko at pinatong sa balikat nya, pinagpatuloy nya yung paghalik nya sakin, sabay bulong na nga parang kinakapos sa hininga pero yung may malibog na tunog, “Ang sarap mo.. bubuntisin kita ngayon.”
Pero… biglang nawala lahat yung nararamdaman kong init sa katawan. Gusto ko sya.. gusto ko siyang makasama sa kama pero hindi tama, hindi tama yung dahilan kung bakit kami nag iinit ng ganito. Hindi tama na ginagawa namin to dahil sa libog namig isa’t isa. Pilit kong binaba yung dalawang binti ko mulang sa balikat nya. Pinigalan ko yung kamay nya na akmang ibaba na yung shorts na suot suot nya. Hinalikan ko siya saka ko siya inakap ng mahigpit. Ayokong ituloy naming to sa maling rason. Ayoko.
Tumigil siya sa ginagawa nya sakin, “Bakit? Ayaw mo ba?”
Bumabalik siya sa pagkamahinahon nya. Bumabalik yung amo ng mata nya.
“Magsalita ka naman, may ginawa ba kong mali?” Tanong nya sakin.
“Wala, wala.” Habang nangigilid luha ko, “Ayokong ng ganito, ayokong gawin natin to dahil lang sa libog.”
Inakap ko siya ng mahigpit, “Mahal kasi kita… di ko pa sana aaminin, pero mahal kita, Josef Dela Cruz.”
Tiningnan nya ko sa muka, saka nya ko inakap ng mahigpit. Bumalik kami sa una naming pwesto. Yakap yakap nya ko habang nakadantay ako sa braso nya. Parang mas gusto ko yung kalmado na ganito. Naiisip ko na kung mahal din nya ko at gusto nyang gawin to, gusto kong maging tama yung dahilan. Gusto kong malaman kung mahal nya ko…
Ngunit, naalala kong wala syang sagot sa sinabi ko. Hindi ko naiintindihan. Wala na kong naiintindihan. Hindi ko na alam kung saan ako naka-puwesto sa buhay nya. Iniisip isip ko yun hanggang makatulog ako..
Itutuloy……