Mr. Roux
By: Sef
Paalala ko lamang po sa lahat ng maaaring magbasa/nagbasa/magbabasa o di kaya’y nakapagbasa na nitong kwentong ito na hindi po ako bihasang manunulat. Isa po akong freelance writer at nagsusulat po ako ng iba’t ibang kwento base sa iba’t ibang aking naging karanasan o kaya’y mga kwentong naimbentong isipin o gawin. Ako po ay bukas sa ano man pong inyong kwento o di kaya’y saloobin sa kwentong ito. Nawa’y magustuhan po ninyo ang kwento. Salamat po! At isa pa pong paalala, hindi po ito isang kwento na puro XXX lang ang laman, may istorya po ito. Medyo mahaba nga lang po yung story, pagpasensiyahan niyo na. Muli po, maraming salamat.
Gumising sa akin ang tawag ng tropa kong si Pier ng tanghaling iyon.
“Hello.” Inaantok ko pang sagot.
“Una sa lahat Mr. Vin, magaala-una na ng tanghali tulog ka pa? Sabadong sabado. Pangalawa, kumilos ka ng maaga dahil magpapainom ako mamaya. Nakapasa ako sa boards! 6pm sharp, dating gawi.”
Lumaki ang mga mata ko sa sinabi niyang iyon.
“Shet Pier, OMG! Congratulations! Engineer ka na! Sige sige, magaayos ako maaga! Kita kits!”
“Siguraduhin mo lang talaga, dahil kilala kita, matagal ka kumilos. Thanks Bro… By the way, umayos ka ng suot mo may papakilala ako sayo!” sabi niya sa akin na alam kong nakangisi siya habang binabanggit ito.
“Tarantado ka! Binubugaw mo na naman ako ah!” sagot ko naman.
“Sige na, Bye bro!”
Pagkababa na pagkababa ng tawag namin ay chinarge ko agad ang cellphone ko’t pati ang powerbank. Sigurado kasi na hindi na naman ako makakauwi dito sa bahay dahil paniguradong nagcheck-in na naman yun si Pier sa hotel. First Year College palang kami ni Pier magkakilala. Sa tagal na panahon na iyon, alam na namin ang baho’t sikreto ng bawat isa. Alam niyang BI ako pero never niyang pinagkalat ito, at ang pinakamaganda pa nun, never niya akong kinamuhian bilang kaibigan, bilang tao. Take note mga beshie, straight siya, alam ko, nasense na ng gaydar ko dati pa. May itsura siya, oo, pero hanggang tropa lang talaga kami. Solid na tropa… Sa katunayan niyan, siya pa nga ang nagpakilala sa una kong boyfriend eh, pero 2 years lang ang tinagal namin nun.
Halos 2:45PM na ako nakapagsimulang magayos, dahil hindi ko alam kung anong susuotin ko. Buong kama ko puno na ng damit, dapat ba akong magsuot ng super papogi, or medyo silent type ang aura? Hala bahala na si batman.
Ang galing din ng nanay ko eh, nalaman na si Pier kasama ko, okay lang. Kilala niya kasi si Pier simula Second Year palang kami kaya sobrang komportable na siya dito kapag nalaman niya na siya ang kasama ko. Feeling ko nga pag umamin ako sa nanay ko na BI ako, at sinabing si Pier ang boyfriend ko, sa tingin ko papayag yun na walang atubili sa sobrang laki ng tiwala nito sa kanya.
Matapos kong mag-ayos ay umalis na agad ako dahil 1 hr and 30 mins na akong late, dadaan pa ako sa mall para bumili ng regalo. Nakailang missed call na si Pier pero di ko to sinasagot, dahil alam kong tatalakan lang ako nun.
Mga 2 mins bago ako dumating sa venue ay tinawagan ko na si Pier para itanong kung saan ang reserved parking para sa akin. Agad naman niyang sinagot at inantay na makababa ako ng sasakyan.
“Congratulations Bessy! I knew it from the very beginning na tama yang kinuha mong Industrial Engineering for you. I’m so proud of you!” Sabay yakap habang kabababa lang ng sasakyan.
“Thanks, bessy! Pero puta…” sabay tulak sa akin. “LATE KA NA NAMAN! NAKAKAHIYA NAMAN SAYONG BAKLA KA!” malakas niyang sabi.
“Shhhhhh bessy! Sorry na, bumili kasi ako ng regalo para sayo. Oh!” sabay abot ang whiskey na favorite niya.
“Thank you!!!! Tara pasok na tayo, may papakilala pa ako sayo.”
Pagpasok namin sa loob eh bumungad sa akin ang iba pa naming tropa na medyo nakainom na.
“Vin! Pare! Ang tagal mo naman dumating, nireserba talaga namin tong alak na to para sayo!” sabi ni Dustin.
“Thank you pare!”
Nakalingat lang ako ng onti eh nawala na sa paningin ko si Pier. Makatapos ang ilang ikot sa buong bar, eh nakita ko siya sa isa pang couch. Halos 1 oras din kaming nagiinom na di kasama si Pier dahil narin sa sobrang dami niyang bisita. Napagalaman ko na ininvite niya halos lahat ng IE grads pati High School Friends niya. Maya maya ay umorder ulit ako sa bar.
“Dalmore please, thank you.” Sabi ko sa bartender.
“Right Away, Sir.”
Hinanap ko ulit si Pier pero he’s nowhere to be found. Kaya inantay ko na lang yung order ko na agad namang dumating matapos ang ilang minuto. Pagkakuha ko ay agad akong tumalikod ng biglang may nabangga akong isang lalaki. Nabasa ang damit niya’t nabasag ang baso sa lapag na nagsanhi ng maliit na eskandalo sa bar. Dali dali akong kumuha ng tissue at pinunasan ang damit ng lalaki, puti pa man din ang damit na may suot na cardigan. Wala akong ibang nagawa at nasabi kundi punasan lamang ang damit nito’t humingi ng sorry.
“I’m sorry bro, di ko sinasadya.”
“Di ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo.” Pagalit nitong sinabi.
Agad akong tumingin sa kanya’t nagulat sa tanawing aking nakita. Maamong mga mata, mapulang labi, makinis na kutis, maputing balat, parang nananaginip ata ako. Tanner Mata ang itsura niya. Malaking-mama pero alam mong lagi sa gym. Kahit galit na galit ang itsura niya, eh sadyang napakagwapo nito. Stunned, ika nga.
“What?” sabi niya.
“Wala, im sorry talaga.” Pilit kong pinupunasan ang damit nito pero tinatanggal niya rin.
“Next time kasi, watch where you’re walking.” Sabay alis.
Sa sobrang napahiya ako’y agad akong pumunta’t umupo na lamang sa couch namin. Halos 10 mins akong nangangatog ako dahil sa sobrang kahihiyan sa nangyari. Nagtaka na ang mga tropa ko ba’t parang nagiba ang mood ko.
“Bro, everything’s good?” tanong ni Dustin.
“Yeah, yeah. Anyway, I need to go, pakisabi nalang kay Pier, tawagan niya ako, and sorry kamo. You guys take care and…” naputol ako ng biglang may sumigaw ng pangalan ko, si Pier. Di ko siya pinansin dahil inaayos ko na ang mga gamit ko at dahil hindi ko makita yung susi ng kotse.
“Vin, I’d like you to meet, JC. Friend ko.” Sabi ni Pier na nasa likod ko.
“Hi Vin, Nice to meet you.” Sabi ng kasama ni Pier na inabot ang kamay nito. Inabot ko rin naman yung kamay ko para i-handshake ito nang biglang…
“Ikaw yung lalaki na nakatapon ng drink sa damit ko, right?” sabi nito nang bigla akong napatingin sa kanya.
“Shocks, siya nga.” Yan nalang nabulong ko nang napatingin ako sa kanya. Pero nung kinamayan ko siya, eh kulay asul na ang kanyang damit.
“Uhm. Ahhhhh. Oo… Yes.. Oo. So-so-sorry. Sorry talaga. Hindi ko talaga sinasadya. Pasensya ka na ta…” nauutal kong sagot sa kanya nang biglang hinawakan niya ang balikat ko sabay sabing…
“Shhhh. It’s fine, don’t worry. I always have extra shirt naman everytime I go out. Anyway, JC Roux.” Sabay abot ng kamay niya.
“Ahh, uhm. Hi, Vin.” Iniabot ko rin naman ang kamay ko para makipaghandshake dito.
“Okay. So Vin, iwan ko muna sa inyo si JC. Babalik din ako.” Sabi ni Pier.
“Yeah, sure Pier.” Sabi ni JC sabay akbay kay Pier.
Habang paupo kami, napansin ko na ang gwapo niya pala sobra, matipuno, maputi, mapungay na mata at yung gustong gusto ko talaga sa lalaki, yung mapulang labi na manipis lang yung upper lip, yung ang sarap lang titigan at halikan (CHOS!) Yun talaga yung kahinaan ko eh.
Me: Sorry ulit talaga ah? Naabala pa kita. Pasensya na talaga.
JC: Nako wala yun, ako nga dapat magsorry eh. ‘coz medyo napahiya ka kanina in front of a lot of people, nabigla lang ako sa nangyari. I’m sorry.
Me: Okay lang yun ano ka ba. (Sympre naman, sa gwapo mong yan no?) Anyway, narinig ko kanina sabi mo, Roux ang apelyido mo?
JC: Yes. (sabay kuha ng drink sa lamesa) Half Filipino, Half French. French si dad, while my mom naman is a Filipina. I stayed here for almost 12 years na so medyo marunong na ko magtagalog.
Me: Anong marunong? Ang galing mo na nga mag tagalog eh. Oh say “Nakakapagpabagabag” sinabi ko ng may halong ngiti.
JC: Nakapagpagagabag. See. (confident pa niyang sinabi)
Tumawa ako ng sobrang lakas sabay palo sa braso niyang parang bato (pumupuntos kuno)
JC: Why?
Me: Nothing. I guess di ka pa nga magaling. (sabay tawa ulit ng malakas)
We spent the whole night getting to know more of each other, I knew na 1 year na siyang graduate ng degree sa Tourism, pero no plans pa siya until now. Nakwento ko rin na ako’y fresh graduate ng Marketing and I’m planning to have my master’s degree by the end of the year. Relax mode muna ako since ilang buwan pa yun. Napagalaman ko rin na he’s the team captain of the tennis team sa school nila. Gifted pala. Grabe, parang may lukso kami ng dugo na parang di kami nauubusan ng kwento, parang 12 years na kaming magkakilala, ganun. Ang kulit niya, pero yung “nakakatuwang kulit” yung ganun. Kinuha niya number ko, pero dahil dalagang pilipina ako, di ko kinuha ang phone number niya… After hours of talking, di namin napansin na kami nalang ni JC, Dustin, Toby, Pier and his few friends ang nasa bar that time. Mga ilang minuto, nagpaalam narin sina Dustin and Toby para umuwi na. Nais ko na rin sanang umuwi kaya naghanap na agad ako ng tiyempo.
Me: You know what JC, as much as I would want to talk to you pa, kaso, its past 3 na. I need to go home na.
JC: Ay ganun. Yayain sana din kita sa place ko, don’t worry, kasama si Pier and our friend, maaga pa naman, tutuloy sana namin sa bahay.
Me: Maaga pa ba? Umaga na kamo. But, no, thank you. I need to sleep and nakakahiya sa’yo.
JC: No. (sabay tayo at kinuha ang braso ko) Let’s go. Wag ka na mahiya. Sabay ka nalang samin sa car ni Pier. And ano ba, graduate ka na, for sure, your mom will not make palo pa sayo.
Wala nakong nagawa. Ang bilis ng mga pangyayari. Siguro mga 3-5 minutes, nakalabas na agad kami ng bar at di pa rin niya binibitawan ang pagkakahawak sa akin, kanina ko pa pinipilit tanggalin ang kamay ko pero wala eh, mas malakas siya sakin. (Enebe…)
Me: Ang kulit mo talaga, Mr. Roux.
JC: Wag ka mag-alala. I don’t bite, unless gusto mo na kagatin kita. (sabay kindat)
Me: Pilyo ka! (nilakasan ko na ang pagkakatanggal niya ng hawak sakin, and successful naman) Halos 1.5seconds palang ng pagkakatanggal ko sa hawak niya eh sinubukan niya akong muling hawakan pero mas mabilis kong naiwas ang sarili ko.)
JC: What? No.
Me: Ano ba. Pupunta ako sa sasakyan ko, alangan naman iwan ko nalang to dito.
JC: Oh, I’m sorry. Okay sige, wait lang. Wag ka aalis ah. Pag umalis ka, sinasabi ko sayo.
Habang paalis siya, nakatingin parin siya sa akin, yung tipong natakbo papuntang norte pero ang tingin niya nasa akin parin. Hinayaan ko nalang siya, at sumakay na ako sa sasakyan ko. Binabagalan ko ng onti, kasi you know, alam mo na… Inaayos ko ang mga gamit ko sa may likod ng may narinig akong sigaw. Nakita ko si JC na akmang magpapabangga sa harapan ng sasakyan ko. Binuksan ko yung bintana ko,
Me: Magpapasagasa ka ba? Kasi kung oo, wala akong pambayad sa pang-ospital mo.
Dali dali siyang sumakay sa sasakyan, sa tabi ko.
Me: What?
JC: I told Pier na sasabay ako sayo papunta sa bahay at hindi sa kanya. Convoy nalang. Alam ni Pier kung saan ang bahay namin, kaya sundan mo nalang.
So yun na nga, pumunta kami sa bahay ni JC, take note, bahay niya talaga, regalo ng parents niya sa kanya nung pagka-graduate niya ng college. Kasama namin si Pier, and si Maw, yung friend ni JC. Drinks, cigarettes, lahat sagot ni JC. Mas mas lalo kong nakilala si JC; family, friends, career, education, petty topics, and love life. May mga pagkakataong nakikita ko si Pier na nakatingin sakin at nakangiti pero deadma lang siya sakin… Habang naguusap kami, napagtanto kong napakabait na tao si JC. SIya yung tipong magalang, marespeto sa tao, regardless yung age, gender preference mo. [pero di ko pa kinukwento yung tungkol sakin, di rin naman kasi medyo halata sa akin eh] and anything about you. Ganun siya, ganun siya kabait. Tho, I still believe na lahat tayo may tinatagong baho sa ugali, and that’s something I’m aiming to know, pero so far, wala talaga eh. Siguro yung pagka maangas niya, yung nangyari kagabi, yun lang talaga siguro, pero so far nga, parang wala eh. Siya yung tipo ng lalaki na ang sarap sarap ipakilala sa mga magulang mo, bilang boyfriend mo, or bilang asawa mo. Yung ang sarap yakapin kapag boyfriend mo siya, kasi talagang magiging proud ka na jowa mo siya, and ang sarap yakapin kasi, kasi alam mong panatag ka kasi alam mong ligtas ka kapag kasama mo siya.
30mins til 6am, nagyaya na si Maw na matulog. So ang napagusapan naming room assignments eh magkasama si Pier and JC, si Maw sa isang room, at ako naman sa isang room. Di kasi ako pumayag na katabi si Maw dahi una sa lahat, di kami ganun ka close at halos buong madaling araw, si JC ang kausap ko, and number 2, masyadong mahangin. Baka lamigin ako sa kwarto kahit di bubuksan ang aircon… Sa guest room sa second floor ako natulog, on my own.
Nagising ako dahil may kumakatok sa pinto ng kwarto, chineck ko muna ang cellphone ko at alas dose na pala ng tanghali, at walang ni isang text o call man lang mula sa nanay ko. Binuksan ko ang pinto at nakita ang maid na tila nagulat sa akin.
Her: Ay sorry po Sir Vin, Good Afternoon po! Kanina ko pa po kasi kayo kinakatok, pasensya na po.
Me: Okay lang po, ate. [habang nagkakamot ng mata]
Her: Pinapatawag na po kayo ni Sir JC sa baba, handa na po ang tanghalian ninyo.
Me: Ay sige po, ate. Salamat po.
Sinara ko na ang pinto, at dali daling kinuha ang cellphone ko at dumiretsyo na sa baba.
Pier: Oh, Vin. Tara kain na. Ikaw nalang inaantay.
Me: Oh, asan si JC?
Tinignan ako ng masama ni Pier at ngumisi na lamang.
Maw: Kumuha lang ng pagkain, upo ka na bro.
So long story short, nagtanghalian kami, after nun nagstay ng kaunti at umuwi na. Hindi na ako nagpaka-dalagang pilipina this time, at kinuha na ang number ni JC. Kinuha ko narin number ni Maw para di masyadong makahalata sa damoves ko si JC. Pero damoves in a way na makapuntos, pero to be honest, di ko nakikita na maging kami, kasi alam kong straight siya, at ang alam niya eh straight din ako. Tropa lang kami, hanggang dun lang dapat yun.
Almost 3 months kaming halos lagi magkakasamang tatlo, ako, JC and Pier. Umiinom, nanonood ng sine, ng concerts, at iba pa. Lalong tumibay yung friendship naming tatlo, even if minsan nagala kami ni JC lang, minsan silang dalawa lang, minsan kami naman ni Pier, pero walang tampuhan kasi may dahilan naman kung bakit di nakakasama ang isa sa mga gala namin.
Minsan kaming nagpunta sa tagaytay, kaming tatlo with Maw. Nagda-drive si Pier, katabi niya si Maw, kami naman sa likod ni JC. Medyo malapit lang kami sa South, so almost 1 and a half hour din ang biyahe. Tawanan, kwentuhan, soundtrip at iba pa. Si Maw ang DJ namin, DJ na di mo makukuha ang timpla, minsan nagpapatugtog ng Flo Rida, minsan naman Boyz II Men. Di mo matansiya ang taste eh.
Malapit na kami sa Tagaytay at nagyaya si JC na ibaba ang windows ng sasakyan, dahil malamig na. Binaba na naming ang mga bintana ng biglang pinatugtog ni Maw ang “Forevermore” na kanta ng Side A, na sobrang favorite ko. Yung tipong unang salang palang ng kanta eh alam ko na, kasi super gusto ko nga tong kanta na to. Sobra kasi talaga to, pag naririnig ko to, parang ang sarap magmahal ng magmahal lang, yung tipong kaya mong i-take yung risk ng magmahal muli kahit na alam mong masasaktan ka kasi wala namang pagmamahal ang walang pain eh. Yung masayang pakiramdam ng nagmamahal at minamahal, bumalik ulit sa akin yun, nang bigla akong napatingin kay JC, nakangiti siya nun, dinadamam ang malamig na panahon…
Di ko ma-explain yung nararamdaman ko nun, para bang ang sarap magmahal, at parang ang sarap mahalin ng isang taong tulad ni JC. Di ko mapigilan yung sarili ko na magisip kahit na iniisip ko na baka namiss ko lang yung dating magkaroon ng jowa, baka namiss ko lang yung pakiramdam ng nagmamahal at minamahal pabalik. Ayoko mang isipin pero parang in a span of like 5 seconds, feeling ko mahal ko na siya. Mahal ko na ata siya.
Pumikit ako, huminga ng malalim, sinabi sa sarili na nawiwindang lang ako at nabibigla sa mga pangyayari sabay tingin sa labas. Napansin ata niya na nakatingin ako sa kanya…
JC: Okay ka lang, Vin?
Me: Ah, uhm. Oo. Bakit?
JC: Wala naman. Ang saya ko, ewan ko ba kung bakit. First time ko kayo makasama sa medyo malayong lugar. (sabay hawak sa wrist ko)
Me: Sus, akala mo naman, Hawaii ang pinuntahan natin. HAHAHAHA! (nag joke nalang ako para di masyado awkward kahit medyo naiilang na ako.)
Halos 20 mins pa ang tinravel namin hanggang makarating sa Tagaytay. Medyo na awkward ako ng kaunti kaya di ako natingin/tumitingin sa kanya. Pag kinakausap ako ni Pier, sobrang cold lang ng sagot ko lagi. Since medyo naging matagal ang biyahe namin, napagplanuhan na mag kape muna sa bag of beans, umorder na kami at umupo na sa loob. After ilang minutes eh, nagpaalam muna ako sa kanila na magyoyosi muna ako sa labas, sumunod din agad si JC. Kakasindi ko lang ng yosi nang biglang umakbay si JC at…
Him: Bro, ano problema?
Me: Ah, wala. Bakit naman? Ang clingy mo talaga masyado. (sabay tanggal ng braso niya)
JC: Kanina ko pa napansin na parang naging cold ka nalang bigla. Ang moody mo talaga. Hahahaha.
Me: Laughtrip ka ah. Pumasok ka na nga sa loob, nagyoyosi ako oh, di ka naman nagyoyosi eh, mausok. Sige na pumasok ka na. (nagtataray kong sabi)
Simula nung nangyari kanina sa sasakyan, napansin ko nga na bigla biglang nagbago mood ko. Di ko kasi alam kung dapat ba tong nangyayari sa akin, kung tama ba ang lahat ng ito. Tama ba na mahalin ko siya? Tama ba na nahuhulog na ako sa kanya? O baka naman infatuation lang ito. For the whole trip naman around Tagaytay, naging cold ako, pero medyo binawasan ko ng kaunti para narin di makahalata si Pier, alam kong kilalang kilala na ako ni Pier pagdating sa ganito.
5pm palang nang nagyaya na ako umuwi, sinabi ko na baka gabihin kami sa daan. At tama nga, halos dalawang oras ang naging biyahe namin, di ko na napansin ang daan at dahilan kung bakit ganoon katagal ang biyahe sa lahat ng iniisip ko. Ako ang kanilang unang hinatid dahil sinabi ko na masakit ang ulo ko at nahilo sa biyahe… Nakarating na kami ng bahay namin at nagpaalam sa kanilang lahat.
After an hour, nakareceieve ako ng text mula kay JC.
[Salamat mga bro, nag-enjoy ako! Baguio na tayo next!]
Di ko na nireplyan ang text niya na alam kong kaming tatlo ay sinendan niya. Makalipas ang mga 10 minuto ay nagtext ulit siya.
JC: “Vin, sobrang nag-enjoy ako. Salamat!” Di narin ako nakatiis at nagreply na rin.
Me: Wlng anumn. (yan lang yung tinext ko sa di ko masabing dahilan)
JC: Ano bang problema, Vin? Naiinis ka ba samin? Sa akin? Sabihin mo bro, di yung ganyan ka. Siyempre iniisip ko na baka galit ka sa amin, kaming tatlo iniisip namin bakit, lalo na ako, kasi wala naman akong nagawang kasalanan, pero bigla bigla kang nagbago ng pakikitungo sakin, di ka naman ganyan dati.
Me: Alam mo, ang clingy mo kasi masyado. Wala nga po.
JC: Sige, pasensya na, Vin.
Matapos iyon ay hindi na ko nagreply sa kanya. Buong gabi, halos di ako nakatulog, pinipilit kong isipin at pakiramdaman kung ano ba yung nangyari ngayong araw. Di ko rin ba alam kung hindi muna ako sasama sa mga gala nila kasi baka makatulong ito sa pagiisip ko kung totoo ba ang nararamdaman ko, o dapat ba akong sumama parin sa kanila, kasi para mas maibsan to, tong kahibangan ko. Bottomline, naisip ko na baka ko to nararamdaman eh dahil sa sobrang bilis ng mga pangyayari, at napagplanuhan ko na di dapat ako umiwas sa kanila, lalo na kay JC.
Dumaan mga araw, linggo, buwan, ay nagkakasama parin kami. Aaminin ko na talagang nahuhulog na ko sa kanya, every single fvcking day… Dumaan ang birthday ni Maw at ni JC, sumasama parin ako, at lalong tumibay ang relasyon naming apat sa isa’t isa. Sobrang komportable na kami talaga sa isa’t isa, kilalang kilala even. Sa sobrang bilis ng takbo ng oras, ay di ko napansin na in 3 weeks, start na pala ng enrollment sa MBA (Masters Degree Class ko sa Business), at di ko pa nakokompleto ang lahat ng requirements ko. Nang napansin ko ito, ay agad kong ikunwento sa kanila na medyo mawawala ako sa ilang mga gimik/gala namin dahil sa pagaasikaso ko ng papers and iba pa.
So simula ng araw na iyon, ay medyo naging busy nga ako sa pagkukumpleto ng aking mga requirements, (like going to back and forth sa school ko ng college to get some papers) at pagrereview (kasi ang dami ko nang nakalimutan talaga, and advance reading narin.)
FF (Fast Forward) ng kaunti, 2 days before the first day ng class, ay nagtext ako sa kanila telling na in 2 days, magstart na ang class ko. Nagpadala rin naman sila lahat ng Goodluck Messages nila, so is JC na nagsabi na mag “cool-off” daw siya ng slight dahil malapit na i-turn over sa kanya ang company nila, pero pilit niya na dapat meron parin kahit once or twice a week na gimik.
So, first day ng class, 8pm start ng class, sobrang smooth ng mga nangyari, lesson agad. Good thing, business ang major na kinuha ko ng college so I don’t have to take some few subjects na inoffer sa mga di business majors. I met some professionals na rin na currently working na. Good thing sa university na pinasukan kong to, ay tinanggap ako kahit wala pa akong work experience, dahil daw sa GWA ko na nakuha nung college (nagmayabang na HAHAHAHA).
Paguwi ko ng bahay tinext ko agad silang tatlo sa kung ano nangyari sa first day ko, at si JC lang ang tanging nagreply. Nagkamustahan, tinanong kung kamusta daw ang mga professors, mga kaklase ko, the subjects, lahat na tinanong ng mokong. I was excited din naman to make kwento, every detail kinuwento ko, as in lahat.
Second day, smooth sailing parin. Ang rapid talaga ng mga nangyayari pag nasa loob ng room. Same thing parin naman, but the only difference is that, in 3 days daw, we will be having na daw our CEC (Class Executive Council) sa batch namin dahil this will help daw to contact all of us regarding external activities, and some announcements lalo pag walang class dahil sa bagyo or pag wala ang prof.
Third day, Saturday nun, 8am ng umaga ang first class ko, ang hirap gumising ng maaga, my goodness pero good thing, nakapasok rin naman ako 30 minutes before 8. Pumasok na ko sa loob at nakipag usap na agad ako sa mga kaibigan ko. While sitting sa aking office like chair sa klase ay may biglang pumasok na lalaking super formal ang dating, basing on his aura palang. I looked at him from the bottom to top, naka white shoes, black pants and leather jacket. Nagulat ako sa nakita ko, si Mr. Roux, with his nerdy eyeglasses. Lumaki ang mga mata ko. I am sure na hindi niya ako nakita so what I did was bumalik sa kwentuhan as if walang nangyari, at natuloy sa pagkukwentuhan, pero parang nasa ulap ang utak ko. I’m thinking kung bakit siya andito, kung makikita niya ba ako. Lahat na, riot na ang nangyari nang biglang may humawak sa braso ko, AGAIN, sa braso. My gosh. I know kung sino na ‘to. Kilalang kilala ko na. I was stunned sa nangyari at kunwari nagulat at tinignan siya. And yes, si JC nga.
JC: Vin. [yung boses na ang sarap pakinggan, na parang ako si Vin Roux, gosh, ang ganda pakinggan. Anyway, nag acting ako na kunwari di ko alam, at nagulat sa kanya]
Me: JC Roux! Ano ginagawa mo dito?
JC: Bakit? Bawal ba ako mag-aral?
Me: Hindi naman. Nakakagulat lang. Upo ka. (offered him the chair beside me)
Me: Guys, JC Roux. My friend. (tingin sa mga kaklase ko na pinakilala si JC)
JC: Best Friend. (sabay tingin ko sa kanya, kumaway din naman sila kay JC, pero tinuro ko si JC, na naintindihan naman nila agad, na i-accommodate ko muna siya)
Me: So ang putang ginagawa mo dito? (nakataas ang isang kilay)
JC: First, don’t say puta. Be professional. Second, Friend? Friend talaga? Third. Bakit bawal ba ako mangarap na makakuha din ng master’s degree?
Me: I’m sorry naman. Gags, ang saya, lintek. (hugged him, and he hugged me back too)
Kinuwento niya ang lahat ng nangyari, and napagalaman ko na simula na nalaman niya na mag “cool off” nga ako sa amin dahil sa pagkuha ko nito, ay napagdesisyunan niya rin agad na sumabay na sa akin dahil daw wala siya ginagawa. Kahapon lang daw niya natapos mapasa ang papers niya, at buti na lamang daw na parehas kami ng lahat ng classes (except some of his subjects), dahil sa nanay ko. Nagulat ako na sa nanay ko nanggaling, tinanong niya daw ang nanay ko sa schedule ko, at sinabi na wag daw siya maingay.
So Yes, halos for 2 or 3 years, siya ang magiging kasama ko. I don’t know what I feel, pero ang nangingibabaw ay yung saya, may onting takot, oo, pero sabi ko bahala na, if destiny’s plan is to permit na mangyari to, mangyayari to… Nagkakilala lahat ng klase that day dahil sa isang Personality Development lesson that I think will help us narin to choose para sa CEC.
Dumating ang araw ng election ng CEC, at kung tadhana nga naman ang kikilos, grabe, he’s the EP (Executive President), I’m his EVP (Executive Vice President) and Chair for External Affairs. Aba’y lalo talaga kaming magkakasama nito.
Dumaan ang dalawang term (1 year) na puno ng activities like team building, outreach programs, projects and iba pa. Dito lalong tumibay talaga as in yung relationship namin ni JC. Dahil halos araw araw kami magkasama para sa preparations and paper works sa lahat ng activies naming outside the school.
3rd term na kami, ay hindi kami nagsustain sa posisyon naming dahil kami na ang nag led ng MEC (Masters Executive Council for MBA), same positions parin, pero this time mas grabe, mas maraming activities, inside and outside na, pumupunta na kami ng Bicol, Zamboanga dahil pinupush talaga namin dalawa to, together with the council, na makalabas talaga, katulad ng ibang batches. Nagpunta rin kami sa Baguio for a conference. Tuwang tuwa kaming dalawa, lalong lalo si JC dahil gusto niya nga pumunta dito kasama yung dalawa pa naming kaibigan. Yung conference na yun eh for 4 straight days, lahat ng classmates namin sumama, and of course yung council.
JC: Vin, grabe, natuloy nga tayo sa Baguio, di naman kasama yung dalawa.
Me: Oo nga eh, sana kasama sila.
JC: Masaya naman ako eh, kasi kahit wala sila, ang importante ikaw yung kasama ko. Sapat na ako dun.
Nagulat ako sa sinabi niya. Lumaki yung mga mata ko tas huminga ng malalim. I looked at him nang nakataas ang kilay and said…
Me: Huh?
JC: Ah, uhm, sabi ko, masaya ako na nasa Baguio tayo kahit kasama natin mga classmates natin.
So natapos yung mahaba, matagal na conference na apat na araw, at nakabalik na kami sa Manila by 2pm. Me and JC planned na maginom kanila JC kasama ang ilan naming mga classmates, few of them said na okay lang daw, pero some hindi pumayag, dahil yung iba 4 days lang ang nai-leave sa trabaho, yung iba naman kasi ay pamilyadong tao na kaya bawal. So ang mga nandun eh, ako, si JC, with 3 more guys.
Di muna agad kami uminom dahil nakakapagod ang biyahe at medyo maaga pa, so nanuod muna kami ng movie, at pagdating ng 7pm, ay naginom na kami. Wala pang 2 hours, eh bagsak na agad yung dalawa naming tropa, natulog na rin yung isa dahil na rin daw sa pagod. So ang nangyari, mga mag 10pm palang eh nagsimula na kami magligpit, ayoko naman i-asa sa mga katulong lang ang pagliligpit, nakakahiya. Pagkatapos na pagkatapos namin mag ayos ay pumunta na ako sa nakasanayan kong room na pagtutulugan, pagkapasok ko eh nakita na andun yung dalawa naming kaibigan, bagsak na bagsak na, nagkasya sila sa single bed na yun. So nagisip ako na baka commute na lang ako, dahil di ko rin dala yung sasakyan ko. Pagbalik ko sa living room, eh wala na si JC dun, so umakyat ako sa taas, knocked on his door. Agad din naman binuksan ni JC ang pinto at bumugad sakin ang isang ma-muscle na katawan, 3 packs na abs, pinkish nipples at blue boxer briefs. Bakat na bakat ang alaga niya sa suot niyang yon, di pa matigas eh parang galit na galit nang lumabas.
JC: Oh Vin. Bakit?
Me: Uhm, uuwi na ako, kasi gamit nila yung guest room niyo sa second floor, kaya wala ako matulugan.
JC: No, dito ka na matulog. Nakainom ka, tas commute ka lang? Dito ka na matulog. (binukas niya ng mas malaki yung pinto na akmang papapasukin ako sa loob)
Me: No, thank you JC, pero uuwi na lang ako. Mag uber nalang ako pauwi.
Sumimangot bigla si JC nang nalaman niya na uuwi na ko. Napaka cute ng itsura niya, nakasimangot siya, ang sarap lambingin, ang sarap amuhin, yung aurang parang batang di binilhan ng paborito niyang robot o baril-barilan, ganun. Susmiyo marimar, ang sarap niyang yakapin at damhin ang init ng katawan niya. Makakatanggi ba naman ko sa ganun.
JC: Ah, okay sige. Magiingat ka ah. Text mo nalang ako paguwi mo. Sorry di na kita kaya ihatid, pagod na ko tas nakainom pa ko, baka mahuli lang tayo. (habang sinasabi niya ito eh kinamot niya yung kanang braso niya gamit ang kaliwang kamay niya, and after niya sabihin to, sasarado niya bigla yung pinto niya para siguro ihatid ako pababa.)
Me: Hoy JC! Ano? Hahayaan mo talaga ako umuwi? Yan ba yung best friend? Hahayaan nalang yung kaibigan niya na umuwi kahit lasing at pagod sa biyahe??? (galit galitan ang peg ko. Lumaki yung mga mata niya sa sinabi kong ‘to.)
JC: Ah siyempre hindi, eh kasi nasanay ako na kahit anong pilit ko na matulog ka dito dati, eh ayaw mo naman pumayag. Lika, pasok ka. May mga pagkain sa loob. (Nakangiti na muli yung baby ko, yung itsura niya na batang binilhan na ng laruan na gusto niya)
Me: Good.
First time ko makita yung kwarto niya, malinis, di ko ganun inexpect, even though alam ko na ever since na malinis talaga siya, lalo sa sasakyan niya. I opened his cabinets, at ang organized. Mas organized pa siguro sa babae, kasi yung mga pang alis niya nakahiwalay sa pang bahay (of course) pero ang matindi dun, hiwa-hiwalay ang mga kulay. Humiga na siya and siguro after 10 minutes, nakatulog narin siya. Nanuod pa kasi ako ng tv kasi ayoko sumabay sa paghiga niya.
Nung humiga na ako, grabe yung nararamdaman ko, ang init init. Yung mga kalamnan ko parang di kayang kontrolin ng utak ko. So humiga narin ako. He’s sleeping inside his kumot so nice way to na makita ulit yung bulge niya down there. So tinaas ko ng mataas yung kumot habang humihiga, high enough na makita ko yung bulge niya. Grabe, what a scenery. Di ito burol eh, parang mountain, ang perfect perfect ng shape.
Pumasok ako sa loob ng kumot para mas makita ang kalalakihan niya. I can’t resist yung urge ng katawan ko to touch him, his body and his dick. Naghahalong kaba, takot, saya, excitement, lahat na siguro. Pero hindi ko ginawa, kahit na libog na libog na ako. Pumunta na lang ako sa cr, jerked my self then went back to bed.
Nagising ako na yakap ni JC. Isipin niyo yung yakap na pang couple, nakaharap kami sa isa’t isa, my left cheek on his chest, his chin on my head, and his body wrapped around my right arm. I never thought I’d experience that sa buong buhay ko na kilala ko si JC. Sobrang sweet namin sa isa’t isa. Rinig ko ang kalmado niyang paghinga at tibok ng kanyang puso, na parang tumitibok para sa akin, at sa akin lamang but the thing is his dick is no where to be felt. Di ko maramdaman kung nasaan. Pinakiramdaman ko lahat ng parte ng katawan ko pero wala. Wala.
Nakaramdam ako ng takot, takot na baka magising siya at makita niya yung itsura naming dalawa. Takot na baka magising siya at isipin na sinadya ko ang mga nangyari, at higit sa lahat takot na baka magising siya at mandiri lang siya sa akin. So ang ginawa ko, umalis ako ng mabilisan sa posisyon naming iyon. Inisip ko na pag nagising siya habang naalis ako, ang idadahilan ko eh naiihi ako at humingi ng sorry dahil parang nagising ko siya. Pero good thing, hindi naman. Dahil dun, umuwi agad ako dahil 12noon na.
Pag dating ko sa bahay eh dumiretsyo ako ng kwarto and after 2 hours, nakareceive agad ako ng text mula sa kanya, tinatanong kung nasaan ako, sinabi ko na umuwi ako ng bahay dahil hinahanap ako ng nanay ko. Naintindihan naman daw niya ito at sinabi na magkita kami bukas ng tanghali, dahil we have to talked about something. Natakot ako sa “something” na iyon. Baka mamaya ang pagusapan namin eh tungkol dun sa nangyari sa pagtulog namin.
Kinabukasan, nagpa-late talaga ako ng almost 30 minutes dahil kinakabahan nga ako. Inisip ko nalang na pag tinanong ako tungkol sa nangyari eh sasabihin ko na hindi ko alam bat kami nagkaganun na posisyon, dahil totoo naman, di ko alam. Bahala na si batman, pumasok ako at sinalubong niya ako ng yakap.
JC: So Vin, tumawag si Dr. Morales sa akin kahapon, that in a month, we need to go to Boracay for an ocular para sa last activity natin for Events. So nagtingin agad ako ng flight kasi alam ko pag mas late pa, mas magiging mahal, and yes, nakapag book na ako, and pupunta tayo sa mall para bayaran to, after we eat. Yung room natin dun eh sagot na ni Dr. Morales so okay na yun for 2 days.
Vin: Agad?! Grabe naman yang Events na yan, di na nakakatuwa… Pagod na ako JC…
JC: No, ilang terms nalang, matatapos na natin to, okay? This is your dream. Our dream. We’re almost there, bat ngayon ka pa susuko.
He’s been like that, sobrang supportive at lagi nagpupush sa akin to achieve my dreams even if ang dami nang obstacles along the way… So nagpunta kami sa mall, binayaran ang aming flight.
FF a night before the flight, dun ako natulog sa bahay ni JC para sabay na kami pumunta sa airport by afternoon the next day… We ate breakfast, and 2 and a half hours before the flight schedule eh pumunta na kami sa airport. Nag check-in ng luggage, coffee, and after that, nagantay sa oras ng alis.
Pagsakay namin ng eroplano, napansin ko na wala masyadong tao, oo nga pala, February ngayon, so wala pang dagsaan ng mga tao. Almost 1 hour lang naman ang flight pero inaantok si JC, pinatong niya ang ulo niya sa braso ko…
JC: Finally, nasolo din kita.
Me: What?! (lumaki yung mga mata ko)
JC: Wala, pahinga muna tayo.
Minsan yung pagka-clingy talaga ni JC ang nagpapakilig talaga sa akin eh. The thought na sinabi niya yun makes my gun hard, and siyempre, si JC yun eh.
Dumating kami sa room, nagpahinga saglit at nag ocular sa venue. The whole time, nakahawak siya sa braso ko, and sa likod ko. Parang babae lang ang feeling ko nun. He’s so protective sa akin. Even sa pagakyat o pagbaba ng hagdan, pagbukas ng pinto, everything. Lahat.
7pm nang natapos lahat ng agenda namin. We planned to enjoy the night life that Boracay instored for us. Fire Dance, Loud Music, the sand and the beach. I enjoyed every single minute na kasama ko siya. His smile, his laugh, ang sarap pakinggan, even his jokes, na minsan corny, pero sobrang nakakatawa. I don’t know why pero natatawa talaga ako kahit ang corny na. 9pm palang eh pinlano na niya bumalik sa room, he paid the bill, kahit namilit ako na ako na, pero masyado siyang mapilit.
Isang twin bed lang ang meron so tabi kami sa kama, nanood muna kami ng TV while eating some chips I bought sa Manila pa. I checked my phone to update again my mom na nasa room na kami dahil maaga pa kami bukas. While texting my mom, biglang pinatong muli ni JC ang ulo niya sa balikat ko. Napatigil ako sa pagttype sa cellphone ko pero tinuloy ko nalang kahit kinikilig ako. Binaba ko na yung cellphone ko sa table at nanood ulit ng tv ng biglang niyakap ako ni JC with his right arm at yung ulo niya bumaba lalo ng kaunti. Nakangiti lang ako nang mangyari to kahit na ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Di ko alam kung anong dapat kong gawin, dapat ko bang tanggalin ang kamay niya around me or mag stay lang sa posisyon na iyon. Maya maya napansin ko na nakatulog na siya, pinatay ko na yung tv at natulog narin without moving.
I woke up that morning and checked my phone, 8am na, di naming narinig alarm namin, so ginising ko na si JC. Mabilis din naman siyang nagising… Kung gaano siya kabilis nagising, ay ganun din niya kabilis hinawakan ang kamay ko, yes, holding hands talaga. Left hand niya, right hand ko.
JC: Good Morning! (sarap pakinggan ng boses niya, ang sexy sexy sobra.)
Me: Tayo na, dali late na tayo. (sabay tanggal ng kamay niya)
JC: Sorry. (malungkot niyang sabi)
Medyo naging busy kami sa ilang stuffs na ginawa namin, di ko na i-elaborate masyado, pero ang gusto kong i-elaborate is how ka-off ngayon si JC. Di siya ganito, tinatanong ko siya pero okay lang daw siya, yung pagsagot niya sa lahat ng tanong ko eh yung normal JC, maganda ang ngiti, the usual, pero after niya magsalita, few minutes, balik na sa dati. Sobrang off talaga siya. Dineadma ko nalang.
4pm na nang halos makatapos kami sa lahat ng ginagawa, we planned to stay sa room after namin bumili ng drinks sa convenience store inside D-Mall. Kwentuhan about a lot of things and everything, pero di parin kaila ang off-ness ni JC. Meron naman siyang ganitong state before, pero iba yung ngayon.
Mga 7pm palang nun at usapang sex na kami… Madalas kasi pag usapang sex, medyo late na eh, yung mga lasing na talaga, eh dahil narin siguro sa practice namin sa inom, matagal kami talaban ng alak.
JC: Vin, ito ha, sa atin lang, wag ka maingay.
Me: Ano yun? (kinakabahan ako sa sasabihin niya, kaya uminom nalang ako ng alak.)
JC: Swear ah, wag ka maingay, gigripuhan talaga kita.
Me: Ang kulit. Ano nga yon JC? (pa-intense pa si kuya eh, kainis)
JC: Sobrang gwapo ko, napapagod na ako. (sabay tawa)
Me: Lintek na. Akala ko naman kung ano. Tarantado! (sabay pisil sa braso niyang yummy, pinisil ko talaga kahit may distance kami kasi magkatapatan kami eh.)
JC: HAHAHAHA! Hindi ba totoo?
Me: Hindi nga po. Swear.
JC: Vin, seryoso na, panget ba ako? (nagbago na bigla yung tono niya)
So uminom nalang ako ng alak, at sinagot siya through my eyebrows, tinaas ko nalang sila to say na, yes. Uminom nalang din siya ng kanya. After that, awkward silence as in. Yung naririnig lang namin is yung aircon + yung hinga naming dalawa. Di ako natingin sa kanya, pero siya, ramdam ko na nakatingin siya sakin. Sobrang awkward talaga. Gusto ko na tumayo para medyo ma-break yung silence at sana kunin yung charger ng cellphone ko pero di ko magawang tumayo, nakakatunaw yung tingin ni JC…
Naglalagay ako ng beer sa baso ko nang biglang…
JC: Vin, can I love you?
Lumaki talaga yung mga mata ko eh, akala ko nagbibiro lang siya pero seryoso siya. Totoo ba to? Yung taong pinipilit kong labanan ang emosyon ko, sinabing “CAN I LOVE YOU?” Yung mga mata niya parang nagaantay ng sagot ko. His lips are opened, kita yung pantay niyang ngipin. Sobrang calm lang ng paghinga niya, all the time nakatingin lang kami sa isa’t isa nang naramdaman ko na umaapaw na yung beer, naalala ko naglalagay pala ako. Siya nagpagising sa kin sa natutulog kong diwa, that time.
JC: Nakita mo yung beer, yan nangyari sa pagmamahal ko sayo, sumobra na, umapaw na, di na napigilan pang magkalat. I know it sounds weird, pero oo, mahal kita. Sigurado ako, tinanong ko na sarili ko ng milyong beses, oo vin, mahal… (then nagsalita ako.)
Me: T*ngina mo JC, lasing ka na, wag mo ko binibiro, masasapak talaga kita putek. (sabay tayo)
Feeling ko kasi jinojoke time ako nito eh. So paano pag nahulog ako sa patibong niya, edi kinuwento niya to sa lahat ng kaibigan namin, edi iiwasan nila ako. Lalong lalo na si JC, baka iwasan niya lang ako. Pero hinawakan niya yung mga kamay ko while standing…
JC: Please Vin, Let me finish, please. (yung mukhang nagmamakaawa, ganun. Hindi ko siya mahindian talaga. So bumalik ako sa pagkakaupo)
Me: Oh. (sabay tungo, galit na itsura, ganun peg ko, sabay kuha ng alak para inumin)
JC: Una sa lahat, sana patapusin mo ako. If ever man na mandiri ka, o ano at tatayo kang ulit sa gitna ng pag-eexplain ko, bukas na bukas na umaga, hinding hindi mo na ako makikita. Wala na ko pake sa MBA na yan, ang importante ma-explain ko to sayo, okay nang mawala yang MBA na yan, ang importante, wala akong regrets in the future kung hindi ko man to ma-explain.
Di ako nagsalita, di rin ako natingin sa kanya pero nakikinig ako. After niya sabihin yun, I looked at him, then nilayo ko ulit yung tingin ko.
JC: To be honest, I prepared a speech na dati pa kung paano ko sasabihin sayo to, nirehearse ko pa nga, pero ngayon, natatameme ako, di ko alam kung paano sisimulan, kasi di rin ito yung oras at panahon na inexpect ko na sasabihin sayo to… (pause) Feeling ko, (hingang malalim) na fall na ako sayo. Straight ako, straight ka, and pareho tayo. Alam mo naman mga naging past relationships ko dba. Pero ewan ko ba kung bakit, pero all I know is that, simula nung tagaytay natin, nagpatugtog yung forevermore, nakita kita, malungkot ka nun, malakas hangin, tas chorus nun, I don’t know kung ano meron sa akin pero feeling ko that exact moment, that’s when I realized na iba ka, na you have a special place in my heart. Sa bag of beans nga lang, pinapalayas mo ako at pinapabalik sa loob. A lot of moments ang nangyari kaya napatagal ang pagsabi ko nito, pero bahala na, ang importante, nasabi ko to sayo kahit pilit mo kong nilalayo at times pero wala eh, feeling ko mahal na kita. (sabay inom ng alak pero tuloy parin.) And yung pinakamalaking decision ko na ginawa talaga is yung nag MBA din ako, kasi una palang, di ko maisip na di kita makikita ng matagal, and dun, dun kita mas nakilala. Sobra mong mabait, appreciative, lahat na. Tapos nung….
Nang bigla akong tumayo at na-cut siya kasi di ko na alam kung anong nararamdaman ko, dapat ba ako maniwala, kasi sobrang joker si JC eh, di ko alam kung nagsasabi na ba ng totoo to o hindi. Habang kinukuha ko yung susi dahil pinlano ko lumabas, nagsalita si JC.
JC: I’m sorry. Bukas na bukas din babalik na ako ng Manila, please, wag mo nalang sabihin kahit kanino, lalo na sa pamilya ko and kina Pier, Maw, and iba nating classmates.
Shocks, He’s crying. First time ko makita naiyak, nakaupo siya, napansin ko lang na naiyak siya after niya sabihin yun. Di halata sa boses, and that’s where I realized na nagsasabi siya ng totoo. Nakakagulat ang mga pangyayari. Di ko to inexpect at all. Yung taong mahal ko, mahal rin pala ako, napapailing nalang ako sa sarili ko. I saw him na tumingin sa akin habang nailing ako. Tumayo siya, said sorry again, then akmang pupunta sa cr pero nahabol ko siya. I grabbed his arm at agad nilapat ang mga labi ko sa mga labi niya.
While kissing him, pumiglas siya. Napatingin ako sa kanya, ang laki ng mga mata niya. Pero di ko to pinansin at bumalik sa kiss namin. Ngayon nabawi na siya ng kiss. Sobrang intimate ng pangyayaring iyon, pero parang ang bagal ng pangyayari, parang nag slo-mo lahat, ramdam ko bawat kalamnan ko… His arms umiikot sa buong katawan ko, sa pwet, sa likod, sa ulo, sa braso, till magkahawak kami ng mga kamay.
Natuloy yung kiss hanggang sa kama, nasa baba ako, nasa taas siya. Ramdam namin na ang pagtubo ng alaga naming dalawa pero deadma parin, kiss parin talaga kami. Hanggang sa umalis ako sa kiss, tinanggal mga damit niya, ganun din siya sa akin. Bumungad sa akin ang kalakihan ng alaga niya, French talaga si mokong, sarap, onti lang ng hair, so sinubo ko ito ng isang biglaan, deep throat agad. Sumigaw siya ng napakalakas, nagulat ako so tinanggal ko ang titi niya sa bibig ko.
Me: Mamili ka, susubo ko to o hindi?
JC: Sorry po babe.
Nagulat ako sa “babe”. Pero ang sarap ng pagkasabi niya, may halong landi + hingal. Binawian ko siya ng binigay niyang kilig sa akin, sinubo ko ito ng buo, akyat baba, labas pasok, dila sa itlog, sa singit, lahat na ng meron, walang iniwan, lahat basa…
Nang medyo nangalay ako, nilabas ko yung ari niya, kinuha ang wallet niya at kinuha ang condom na nasa loob nito. Looked kung expired na, pero hindi pa, so nilagay ko to sa burat niya. Tinuruan ko siya kung papaano, and the rest is history.
Nang matapos ay magkayakap kami sa isa’t isa. Calm breathing, cold atmosphere, tas magkayakap kami, parang panaginip ko lang…
Me: Yes.
JC: What? (then kissed me sa cheeks)
Me: Yes, you can love me. (ang laki ng ngiti nya sabay hinalikan niya ako ng madiin pero may pagmamahal, tinigil ko ito sabay dagdag ng…)
Me: Pero can I love you?
JC: Yes. (kinikilig ang mokong… sabay balik ulit sa kiss, then round 2)
It may look like na fairytale ang nangyari, na parang sobrang fiction, but this a real story. To be honest, ako si Pier, ibang name nga lang nilagay ko sa una, para nasa dulo, and I’m also gay, BI actually. I just told Vin na magsulat dito dahil sobrang cute ng story nila.
Vin and JC are living in New Jersey na while kami ng boyfriend ko, dito sa LA (Los Angeles). Nagpakasal sila 2 years ago pa. Nakapagadopt na sila ng isang baby boy last year.
Kinuwento ko ang totoong pagkatao ko kay Vin and JC right after nila ikwento sakin na sila na. Almost 6 months din nila ito tinago sa akin, pero pagkasabi nila, eh agad ko ring sinabi. Sabi ni Vin sakin, di daw gumana ang gaydar niya dito sa akin. HAHAHAHA!
Also, never akong na fall kay Vin, for the record lang. Baka isipin niyo nasasaktan ako or what. And ako diba nagpakilala sa kanilang dalawa, dahil alam kong magiging bet yun ni Vin, dahil narin sa physical attributes nitong si Mr. Roux, ang di ko naman inexpect, Si Mr. Roux ang nafall din. HAHAHAHA.
Sorry medyo mahaba, gusto ko kasi na mas detailed yung kwento nila so pinadetalye ko talaga.