Fantasy and All (Part 1)
By: Zeke
"Yep! andito ko sa lrt sa tapat ng Nursing dept." sagot ko sa kabilang linya "Anong ginagawa mo jan?" tanong nya.
"tumatambay at nagrereview" tugon ko sa kausap ko."Nakoooo… sabihin mo nagpapaka'stalker mode ka na naman kay Ian!"
"Haha eee isa narin yon haha. Bakit kaba napatawag? Iniistorbo mo ang pagmu'multi-tasking ko" sagot ko.
"e kasi po papaalalahanan lang naman kita na may quiz tayo at magta'time na. Ba't anjan kapa rin"
"talaga ba? 'di ko namalayan yung oras, kasi 'di ko pa sya nakikita bok kailangan ko ng inspirasyon" antagal kasing magpalabas ng prof nila. Pharmacist course ni Ian. Dito ko lagi sa lrt nakatambay kung saan tapat na tapat ang room at department nila para lagi ko syang masilayan.
"mamaya nayan bok! tara na, ikaw lang iniintay ko. kala ko naman nasa board ka e andyan ka lang pala! wala tuloy ako nareview konti lang, pakopyahin moko hah!" mahabang litanya ng loko "haha malay ko ba. saka alam na alam mo naman kung saan ako mahahagilap noh. Hmm wag ka nga, don't me bok! if I know nakipaglandian ka na naman kay Angel" ganti ko.
Yan ang bestfriend ko, si Leo Ramirez. Nakasabay ko sya minsan sa pageenroll at duon nagsimulang kami maging kaibigan. Kakalipat kasi nila dito sa probinsya galing Manila kaya 'di pa nya masyadong kabisado galawan sa lugar namin. Kaya ayun dahil sa ugali na namin ang approachable ayun iginuide ko at ayun 'di na humiwalay sakin pagtapos. Okay lang naman sakin at cute din naman sya. May pagkachinito, naka'brush-up ang buhok, moreno pero makinis ang balat (tipo ko yun *wink*) and matipuno.
"haha oo na bok, pero seryoso pakopya hah. 'di mo kasi ko inakay kanina na magreview" tugon nya "aba't ako pa may kasalanan ah. Osige na bok--- ayan labasan na nila bok babye na!" saka ko binababa ang linya.
Bigla ay parang hindi na naman ako mapakali sa inuupuan ko. Hindi magkamayaw ang mata ko kung saan titingin. Pag'angat ko ng ulo sya namang labas nya. Luminga linga sya na parang may hinahanap at dumapo ang mata nya sakin. Nagkatitigan kami ng dalawang segundo pero bumitaw agad ako kasi 'di ko mapigil ang mapangiti baka makita nya nakakahiya. Minsan nakakatapat ko sya sa upuan dahil nga sa lrt 'tong tambayan ko may dalawang upuang metal na magkatapat na sobrang haba (kayo napo bahalang magimagine XD) kaya hindi ko matanggal sa pagmumukha ko ang ngiti, minsan nga kinakausap ako ng mga kaklase ko
pero tango at iling lang tugon ko sa kanila kasi na kay Ian ang buong atensyon ko(pero di ko pinapahalata sa kanila haha). Oo ganun ako ka patay na patay sa kanya. Minsan din pagnagkukwentuhan kami ng mga barkada ko at andyan sya sa malapit e talaga naman ang lakas ng boses ko tipong papansin lang.
Naglakad na sila papuntang canteen, ako naman biglang tumalikod para 'di sya makitang dumaan sa baka matulala ako ng wala sa oras e feeling ko nahahalata na nya ko kasi minsan kapag naglalakad ako at makakasalubong sya sa peripheral view ko lang sya titingnan kasi nakatingin na sya sakin at ewan ko kung guni guni ko lang pero parang nagtatanong ang mga mata nya.
Siguro kung kayo nasa kalagayan ko at makita sya e talaga namang mapapalingon kayo sa kanya. Maputi sya, Barbers ata ang gupit nya, Mapungay na medyo malaki ang mata, makinis ang balat, medyo chubby. Icon sya ng school namin at talaga namang pinagtitilian kapag nirarampa na nya ang uniform namin.
Pagkadaan nila ng mga kaklase nya ay sya namang harap ko ulit saka sinundan sila ng tingin. Nakakainggit mga kasama nyang mga babae. Opo puro babae madalas nyang kasama, madalang sa lalaki. Buti pa sila nakakasamang tumawa si Ian samantalang ako hanggang tingin lang sa kanya.
Tumayo na ako at sinundan ko ang nilakaran ni Ian, dun din naman ang daan patungo sa room ko at tiyak na madadaanan ko sila.
Nang malapit nako makadaan sa pinto ng canteen ay biglang lumabas si Ian mukhang nagmamadali. 'Di ko alam gagawin ko kaya gumilid ako sa kabilang side para 'di nya ko mapansin.
"Ian! san ka pupunta?" rinig ko pang sabi ng isa sa kasama nya.
"May naiwan ako sa room, balikan ko lang." tugon nito saka ito naglakad pabalik sa pinanggalingan kanina.
"phew!" napabuntong hininga nalang ako pero bigla kong napansin na hindi ko hawak yung Financial Accounting book ko. 'patay na' banggit ng utak ko.
"Luh naiwan ko ata sa tinambayan ko" dali dali akong bumalik sa pinanggalingan ko kanina.
Nang malapit nako ay nakita ko si Ian hawak yung libro ko. Bigla akong kinabahan. Ang tanga tanga ko talaga kaka'Ian ko ayan nakalimutan ko tuloy gamit ko. Hindi ko alam kung lalapit bako at kukunin yung libro at sasabihing akin yun o hindi. Ang totoo kasi nyan, hindi ko control ang sarili ko kapag malapit sya. Para kong 'di matae o kung ano na ewan. Kilig, hiya, kaba, excitement halo halong emosyon nadarama ko. Lagi ko kasi syang laman ng pantasya ko. Nariyan yung naging magkaibigan kami, naging mag'on tapos magbe'break at iiyakan nya ko (haha ang assuming ko e no). Meron pa na pinagaaway ko silang mga crush ko(tatlo sila, makikilala nyo rin yung dalawa pero sa ngayon kay Ian muna magfocus lol.) tapos hindi ako makapili kung sino pipilin haha, oo! ganyan kalawak ang imagination ko. Haha alam kong pantasya lang ang lahat pero kasi dun ako napapangiti at sumasaya (ang babaw ko nuh?XD)
Binuklat buklat nya yung book tinitingnan siguro kung kanino. May pangalan ko naman yung book nayun sa first page, may number at section. Incase nga na mawala e madali lang mahanap o isoli ng nakapulot. Bigla syang nagsmirk at kinuha ang phone at nagtipa duon. Patay na talaga tatawagan nya ata kaya dali dali kong kinuha phone ko at tiningnan ko kung magriring, ngunit hindi naman kaya tiningnan ko muli sya. Binulsa nya na phone nya at sinarado yung book at naglakad.
Tumalikod at napagdesisyunan ko nalang na wag kunin. Baka ibigay nya naman yun sa Lost and Found at dun ko nalang kukunin. Pero ang pinagtataka ko bakit nya kinuha yung number ko? Kinakabahan ako, kasi usually kapag may ginawa o ginagawa akong kalokohan o kahit hindi ay ganun ang pakiramdam ko. Hyperactive pa naman utak ko at 'di ko maiiwasang magisip ng kung ano ano.
Lutang akong nagtungo sa susunod kong klase. Nang makarating ako ay sinalubong agad ako ni bok.
"O bakit mukha ka 'di matae dyan, ano nangyare?" inismiran ko lang sya at dumiretso lang akong naupo sa upuan. Buti nalang at wala pa ang masungit naming prof. "Uy bok pakopyahin mo talaga ko wah, sasapakin kita pag hindi" sabay sundot sa tagiliran ko
"Nako! halika at rereviewin kita baka mapunitan na naman tayo ng papel" ganun kasi yung prof namin sobrang istrikto, bawal lumingon sa magkabilang side taas at baba lang pede. Kahit hindi mo sinasadyang mapalingon pupunitan ka na nya ng papel at minsan na kaming naganun ni bok.
"osige, baka nga mahuli ulit tayo. Parang cctv pa naman mata nung sungit nayun" bigla naman pumasok yung prof namin
"aw nakupo" rinig kong bulong ni bok
"ayan na si sungit, linawan mo nalang mata mo!"bulong ko sa kanya.
"kaya love kita bok e"sabay suntok ng mahina sa braso ko.
Kasalukuyan akong nagsasagot ng questions ng biglang nagring ang phone ko. 'patay! 'di ko na'silent'
"kanino yun!" sigaw ng prof ko. Bawal kasi phone during his class at nabantaan nya na kami sa una palang at sure sa sigaw nyang yun ay sa labas ako magku'quiz. "sorry po Sir nakalimutan ko i-silent," tarantang taranta nako nun at sa sobrang taranta hindi ko na tiningnan pa ang caller i.d in'end ko agad saka sinet sa vibrate mode. "get your chair! Mr. Dela Cruz at dun ka sa labas magsagot! diba I told you before na dapat pagpasok palang sa klase ko ay naka'off na mga cellphones nyo! Haay ang kukulit!" wala nakong nagawa kundi kunin ang bangko ko at naglakad palabas "sorry po ulit Sir" labas ilong kong sabi. Nilingon ko pa si bok na nakasimangot. Tiyak na kaya ganun ay wala syang kokopyahan haha. May naabutan din naman akong dalawa ko pa kaklase na nauna nang mapalabas kanina. "welcome to the club men!" biro ng isa ng syang kinatawa ko
"gok!" tugon ko at nagsimulang magsagot.
Madali ko lang natapos ang quiz kaya pinasa ko na agad sa prof. Tumayo narin si bok at nagpasa saka kami sabay na lumabas.
"Sino ba kasi tumawag sayo, napalabas ka pa tuloy." bungad nya habang naglalakad
"concern ba yan o hindi ka lang nakakopya?"
"haha syempre parehas!"
"nako ugali neto. Ugok!" sabay mahinang suntok sa braso nya
"ewan ko nga e, hindi ko pa tinitingnan at nababadtrip ako baka masigawan ko lang" pagpapatuloy ko
naramdaman ko ulit na nagba'vibrate yung phone ko
"ayan may tumatawag ulit" sabi ko at kinuha sa bulsa ko.
"o sino?" sabay agaw nya sakin
"e number lang bok?" kinabahan ako bigla baka si ano….
"luh ikaw sumagot bok kunwari ikaw may-ari dali!" agad naman nyang sinunod ang sinabi ko
"hello?" malabarito nyang sagot haha mukhang umaarya na naman ang pagiging maloko neto
"yes cellphone nya nga ito," pinandilatan ko sya ng mata
"ba't mo sinabing akin nga yan pede no naman sabihing iyo" bulong ko sa kanya, baka kasi marinig ng kausap
'sino ba yan?'
"sino ba 'to?" mukhang nabasa nya naman ang nasa isip ko.
"sino? Christopher? wala kaming kilalang Christopher…." nanlaki ang mata ko sa narinig. Sya nga yung tumawag "bok si Ian yan…" bulong ko ulit. Hindi pa nya nagets nung una yung sinabi kaya inulit ko ulit " si crush yan!" medyo napalakas ang pagkakasabi ko kaya bigla nya tinakpan ang bibig ko
"sorry pare wrong number ka ata" saka nya pinatay yung linya.
"si Ian yon? pano nya nalaman number mo? loko ka narinig nya yung sabi mo!" sunod sunod na sabi nya
"ang bingi mo naman kasi e, saka 'di nya naman ako kilala. Kung sakali man, madali lang magdeny" pero ang toto'y natataranta na rin ako sa nagawa ko
"so pano nga nya nakuha number mo?"
"yun nga bok, naiwan ko kasi yung book ko sa tinatambayan ko tapos sya ang nakapulot. Edi ba nga may number ko yun. Tas nakita ko nga na kinuha nya yun kanina nung binalikan ko na dapat kukunin pero bigla akong nataranta kaya iniwan ko nalang" mahabang paliwanag ko.
Maya maya'y nagvibrate yung phone ko. May nagtext.
From: 0915*******
Si Ezekiel Mac Dela Cruz ba'to? I think hindi ako wrong number kasi eto yung nakalagay dito sa first page ng book na napulot ko. Napulot ko ang book mo, meet me now at the same place kung saan mo 'to naiwan. Thankyou.
"bok, samahan moko kunin? ay hindi, ikaw nalang pala kumuha please?"
"e? libro mo naman yun. Saka ano kaba chance mo na makilala sya, ayaw mo ba nun?" nakangisi ang loko. Siguradong pinagtitripan ako.
"eeeee hindi ako ready. Sige na bok please please?" pagmamakaawa ko
"dali naaaaa kaya mo yan" saka ako pinagtutulakan palayo sa kanya
"samahan mo man lang ako atleast?" nakasimangot kong sagot. Hindi naman kasi sa pagiinarte pero 'di ko talaga alam gagawin ko.
"nako makakagulo lang ako. Dali na!" sabay talikod "kita nalang tayo sa next subject!" habol nya pa..
wala rin ako nagawa kundi ang kunin magisa yung book.
Malayo palang ako ay kita ko na syang nakaupo sa pwesto ko kanina. Nakatagilid sya at binubuklat buklat yung libro. Mas lalo akong kinabahan dahil puro pangalan lang naman nya ang naroon at puro sweet quotes ang nakasulat dun patungkol sa kanya. Hindi nako nagdalawang isip na lumapit, pati ang kabang kanina ko pa nararamdaman ay nawala kundi napalitan ng hiya. Siguradong para nakong kamatis neto sa sobrng pula(pulahin kasi ako).
Pagkalapit ko sa kanya ay bigla kong hinablot yung libro na syang kinabigla nya. Napatingala sya at nawala ang nakasmirk nyang mukha, halatang nagulat dahil sa ginawa ko.
"So-sorry! nab-igla lang ako" natataranta kong sabi sa kanya.
Napakunot naman ang nuo nya at biglang napangiti. 'Shet! perfect white teeth' sabi ng talandi 'kong utak
"Okay lang, mukhang ikaw naman may-ari nyan e. I just came here para maisoli. Napulot ko kanina"
"S-s-salamat!" kanda bulol kong sabi.
"Hindimonamanbinuklatsiguronoh?!" mabilis kong sabi. Binigyan nya ko ng puzzled look tanda ng hindi nya nagets sinabi ko.
"Hah? hindi kita naitindihan, pakiulit." kunot-ngiti nyang sabi
"Ah ehe-he ang s-sabi ko hindi mo naman binuklat or something 'tong libro k-ko?"
"Hindi naman" sabi nya habang napapangisi.'hindi daw e nakita ko kaya kanina'
"don't worry first page lang nabuksan ko. Tiningnan ko lang kung sino may-ari. Mukhang may tinatago ka jan ah sayang" mukhang nabasa nya nasa isip ko "Uyy hindi wala!" may pagkadefensive kong tugon 'maghunos dili ka nga Ezekiel' pagsermon ko sa sarili ko. Ngiti't tango lang ang naging tugon nya "Anyway, wag mo nalang basta basta iwan yan mukhang marami pa namang nakapaloob dyan" nakangisi nyang sabi "hehe o-oo puro sagot sa accounting laman b-baka may kumopya" palusot ko
"Ganun? haha teka pre, okay ka lang ba? Ba't ata namumutla ka?" naging seryoso nyang tanong "Ah hindi okay lang ako. Mainit kasi e" sabay paypay sa sarili 'ang hot mo kasi!' sabi naman ng utak ko.
"Sabagay. Sige pala pre una nako baka malate pako sa next class ko, dinaan ko lang book mo" binulsa nya phone na hawak nya.
"S-salamat ulit!" saka sya tumalikod at lumakad palayo. Tiningnan ko lang sya habang napaupo sa inupuan nya.
Napasapo nalang ako sa noo ko dahil sa mga pinag'gagawa ko.
-------
Sinipat ko sa suot kong relo kung anong oras na. 12:37pm. 'Maaga pa' nasabi ko nalang sarili ko. 2:30 pa kasi ulit ang susunod kong klase.
"Dito na muna nga ulit ako" nagbuklat buklat nalang ako ng hawak ko libro.
30 minutes later…..
"Hi. Andito ka parin? Wala kabang klase?" napalingon ako sa nagsalita sa gilid ko. Bigla sya umupo sa tabi ko at naglean paforward ng nakasandig ang dalawang braso sa tuhod habang nakalingon sakin. Bale asa kanan ko sya.
Napatitig ako sa mukha nya. Talaga namang walang ibang masabi ang utak ko kundi 'GWAPO'. Simula sa noo na makinis, makapal na eyebrows, mapipilantik na buhok sa mata, itim na itim na mga mata na parang nanghihigop. Pababa sa matangos na ilong, yung guhit na papunta sa itaas ng labi. Labi na medyo pink na sobrang nipis pati ang mga magkabilang pisngi na makinis.
"Hey.." winayway nya ang kamay nya sa harap ng mukha ko "..baka maniwala talaga ko nyan na sobrang gwapo ko?" wala sa sariling napatango ako sa sinabi nya na sya namang ikina'giggle nya. Bigla akong natauhan sa narinig kong mahinang pagtawa nya. "Ahh… ehh.. ano na nga sabi mo?" napakamot nalang ako sa likod ng ulo ko "Sabi ko, wala kabang klase ba't andito ka parin?" tanong nya ulit.
"Ahh ehehe oo wala pa…. mamayang 2:30 pa hehe." itinuon ko lang ang mga mata ko sa librong hawak ko. Libo libong paro paro na naman ang nagwawala sa tiyan ko dahil sa presence nya.
"Ahh." maikling sabi nya.
Katahimik ang namagitan saming dalawa. Kunwari ay nagsasagot ako ng problems sa book na hawak ko pero ang totoo ay tinitingnan ko sya sa peripheral view ko. Wala naman syang ginagawa kundi ang tumingin sa puno sa aming harapan saka ngumiti magisa.
Maya maya pa ay bigla syang lumingon sa pwesto ko saka nagsalita.
"Nga pala, hindi pa pala ko nakakapagpakilala sayo kanina. How rude I am." nakangiti nyang sabi. Napalingon din ako sa gawi nya. 'Lintik namang ngiti yan! Haniips!' sigaw ko sa isip ko. "Ah I think, not necessary na kasi kilala naman kita," mahina kong sabi sa kanya.
"Huh? hindi kita narinig? ano nga sabi mo?" kunot-ngiti parin nyang sabi
"Ahh hehe wala, sabi ko ako din naman. Pasensya na" kinakabahang tugon ko.
"By the way, I'm Christopher Ian Salas" sabay abot nya ng kamay. Hesitant pakong abutin yun nang una pero inabot ko narin dahil nakakahiya.
"E-Ezekiel Mac Dela Cruz…" saka ko inabot ang kamay nya. Pagkaabot ko ng kamay nya ay bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy saking kamay dahil sa paglapat niyon. Bigla akong napabitaw. Buti hindi nya napansin ang naging reaksyon ko.
"You know what, Zeke… is that okay na Zeke tawag ko sayo?" tango lang ang naging tugon ko
"I like you……"
ps. ayan na otor story na sinasabi ko haha. Thankyou for being my inspiration para maisulat ko ito :').
Itutuloy…