Start of A Rough Relationship (Part 1)
By: Andrew Sanchez
I have been a fan of this blog since January 2017. At sa bawat nababasa kong stories nag kakaroon ako ng desire na mag post at mag share ng stories pero ngayon lang ako nag desisyon i-share ang aking story. Its my first time writing kaya pasensiya sa mga critics out there.
My names is Andrew Sanchez. Pero ang tawag ng mga close sa akin ay Andi. I am 18 currently taking up college. 3rd year college na ako this coming school year. 5'8 ang height ko, and yung body ko ay medyo toned dahil mahilig ako mag gym. Pero hindi muscular katulad ng ibang nag gygym ung ideal built lang para sa isang 18 year old. Maputi ako at gwapo naman sabi ng mga nakakita na sa akin. Very discreet ako pagdating sa sexuality ko. Hindi ko naman masasabi ako isa akong homosexual kasi di pa naman ako nag kakagusto sa lalaki at wala pa akong natikman na lalaki. Siguro nga bicurious ako.
Medyo angat ang estado ng pamilya namin. Kung ano mang nga luho at mga materyal na bagay ay nakukuha ko sa mga magulang ko. Dalawa kaming magkapatid.
Ang experience ko na ito sa kapwa ko lalaki ay nagsimula nung makilala ko si James. Paano ko ba idedescribe ang una naming pag kakakilala. Siguro we started in a rough relationship. Nagkakilala kami sa school as usual. Fourth year highschool kami noon nung nagtransfer siya sa school namin galing sa states. Wala siyang dugong lahi sadyang nag wowork ung mga magulang niya sa America. Dito siya ipinanganak sa pilipinas pero bata palang siya dinala na siya ng mga parents niya doon hanggang nag desisiyon ung mga magulang niya na ibalik siya sa pilipinas para dito na mag tapos ng pag aaral tutal matatapos na naman na ang kontrata ng mga magulang niya doon sa mga work nila at babalik rin sa pilipinas for good.
First day of class. Excited akong pumasok dahil na miss ko ang mga classmates ko. Naka block section kami since first year kaya malalim na ang friendship sa isat isa.
Papunta na ako sa school. May family driver kami. Si Tatay Julio, matagal na siya sa family namin almost 10 years narin siyang nag dridrive sa family namin. Pero while nasa daan kami palabas ng village akong lalaking kapareho ng uniform ko, unfamiliar face. Nakapagtataka doon siya lumabas sa bahay ng bahay ng ka workmate ng kapatid ko. At habang papalapit na ang sasakyan namin doon sa bahay ay saktong pumara ung ka workmate ng kaptid ko na si ate jane, at sinabi sa akin.
"Andrew pwede bang paki hitch tong pamangkin ko sa school niyo. Pareho kayo ng school. Transferee kasi galing states. Nasira kasi yung sasakyan ko kaya walang maghahatid sa kanya at wala ring ibang masakyan. " sabi niya
"Okay naman po. Sakto lang din papasok na din ako ng school." Sagot ko naman. At pumasok na siya sa sasakyan. Tinanong ko siya kung ano ang pangalan niya in english kasi nga daw galing states. Sumagot naman siya at nagpakilala, "Im James". Sasagot na din ako at mag papakilala ng bigla niyang sinuot ang kanyang headphones at tumingin sa bintana at umiglip.
Sabi ko naman sa sarili ko, may attitude problem ang mokong na to. Walang manners. Di manlang thankful na pinasakay ko siya sa kotse ko.
Dumating na kami sa school. Nauna siyang lumabas ng kotse. Isa lang ang sinabi niya. "Thanks!" sa isang grumoy way. Sungit naman. Akala mo kung sino. After 3 minutes bumaba narin ako at dumiretso sa auditorium ng school dahil first day of class lahat ng students ay expected pumuta doon para sa opening ng school year at flag ceremony. After two months of vacation nakita ko narin ang mga classmates ko namiss ko sila. Pero doon ako pumwesto sa mga tropa ko. Si Mark and Anthony. Sila ang mga.l bestfriends ko. Natapos na ang ceremony at dumiretso na kami sa classroom namin at umupo sa usual namin na mga upuan. Pumasok narin ang teacher namin. Iba na ang adviser namin dahil fourth year na kami at graduating na kami. Hindi kami umabot sa K-12 Curicullum. Nag pakilala si Maam at nag pakilala sa kanya ang bawat isa at sinabi niya rin na meron kaming bagong classmate. Exchange student daw. At lumakas ang tibok ng puso ko sa inis dahil naisip ko baka ung mokong na walang modo na yun ang bago naming magiging classmate. Naging excited ang mga classmate ko dahil iniisip nila na baka daw foreigner. Pero sa isip ko hindi. At ng walang anu ano pinapasoko na ng teacher namin ang exchange student na sinasabi niya. At hindi nga ako nagkamali ng kutob.
Habang naglalakad siya papuntang harap para magpakilala ay medyo hindi siya badmood na pumasok with a cool aura. Pero nung nakita niya ako ay nag iba ang kanyang reaction.
Sinabi nung teacher namin na mag pakilala siya at mag share anything about himself. Nag simula na siyang mag salita.
James: Hello everyone! My name is James Fuentes. I was born here in the philippines but was raised in the US since when I was at the age of 3. Please be good to me all of you. Dont worry I know how to speak and I understand Tagalog. Thats all.
Marunong pala mag tagalog. Ang arte. Inutusan kaming lahat ng teacher namin na lapitan siya at mag pakilala sa kanya. So lahat ay tumayo at nag pakilala except sa akin. Di ako tumayo.
Mark: Uy di ka lalapit?
Ako: Hindi. Kainis Yan.
Mark: Bakit magkilala kayo?
Ako: Hindi. Haha. Basta ikukwento ko nalang sa inyo. Isama monalang tong si Anthony.
Hindi talaga ako lumapit at napansin niyang hindi ako tumayo sa pinag kakauupuan niya para batiin siya. Umupo na ang lahat.
For the first time ay aayusin ang aming seating arrangements according sa gusto ng teacher namin. At sa kasamaang palad naging magkatabi kami ng upuan. Nag start na ang class ni teacher 1 hour din ung subject hanggang sa natapos na. Hanggang sa sumunod ang next subject at hindi pa kami nakapag uusap. Hanggang sa matapos ang buong araw ng pasok di niya talaga ako kinausap para mag sorry dahil sa inasal niya kanina.
Pauwi na ako. Nanjan na ang sundo ko nang biglang may tumawag sa akin.
"Andrew!" Yung mokong pala.
James: Pasensiya pala at pasensiya di nalang kita kinausap kanina kahit magkatabi tayo. Nahihiya kasi ako. Sorry sa inasal ko kaninang umaga. May mga iniisip lang ako kaya medyo masungit ako.
Sa isip isip ko may tinatago palang humility ang mokong to. Nakita ko naman ang sincerity niya.
Ako: Hmmm. Akala ko hindi ka marunong mag sorry. Sige wag mo nang isipin yun. Okay naman na ako. Sige una na ako. Anjan na ang sundo ko.
James: Sige salamat ulit.
Pagkatapos ng conversation na iyon dumiretso ako sa sasakyan. Dumaan muna ng convenience store na malapit sa campus. Habang nasa convenience store. Naalala ko naiwan ko ung tinatapos kung project ko sa locker room ko. E kaialangan kong ipasa yun bukas. Kaya binayaran ko muna ung mga kinuha ko at bumalik sa campus para kunin yung project ko. Malapit narin mag gabi nun at na traffic pa kami ng 25 minutes. Dumating ako sa school at pinakausapan si manong guard na papasukin para kunin ung project ko. Pinayagan naman ako. Nakuha ko na ung project ko ng tumatakbo papalabas ng school patungong parking area dahil malakas ang ulan buti nalang nakalagay ang project ko sa isang plastic envelop kaya hindi ito nabasa.
Nasa biyahe na kami. Di pang malayong school siguro mga 3Km narin ang layo. Nang nakita ko ang isang pamilyar na mukha.
Ako: James !! Bat basang basa ka? Wala kabang sundo o wala ring payong ? O baka naliligaw ka ?
Hindi ko alam kung bakit ko nasabi ung mga salitang iyon kahit naiinis ako sa kanya. Siguro naaawa nalang ako sa mokong. "Halika! Pumasok ka sa kotse ko. Ihatid nalang kita tutal pareho lang nman and village natin." Sabi ko sa kanya. Di na siya sumagot at pumasok nalang siya sa kotse. Nasa daan na kami pauwi at malakas parin ang ulan at basang basa siya at mukhang nilalamig. Kaya pinatay ko muna ung aircon. Nakakawa ang kanyang itsura parang isang basang sisiw na nawala sa piling ng kanyang nanay. Mabuti nalang meron akong ekstrang towel ar tshirt na dala.
Ako: James. Meron akong towel dito at Tshirt. Basang basa kana.
James: Huwag. Hindi na.
Ako: Sige bahala ka. Mamaya maysakit kana yan.
Natakot siguro yung mokong ng bigla niyang kinuha sa kamay ko ung tshirt at yung towel. Pinunasan niya ung buhok niyang basa ng ulan at nag palit siya ng tshirt. Nag hubad siya ng uniform at nagpalit ng damit. Pero habang ginagawa niya ito nakaramdam ako ng ibang feeling sa kanya. Naka tulala nalang ako habang ginagawa niya yung pagpapalit ng damit. Para akong naka slow mo na nakatingin sa kanya. Nakita ko na ang ganda ng katawan niya sa isang 18 years old. Maamong mukha parang james reid ang tipo niya. May dimples. At hindi ko ma explain bakit nangyari yun. Nasabi ko sa sarili ko na gwapo pala tong mokong to. Pero pinigilan ko ang sarili ko mag isip ng ganun.
James: Thank You Andrew sa pag hitch mo uli sa akin.
Ako: Alangan naman kitang pabayaan sa ulan. Pero bakit naman ganun ang nangyari sa iyo?
James: Wala talaga akong sundo ngayon dahil walang sasakyan si tita jane. Makiki hitch sana ako sayo kanina kaso bigla ka naman sumakay kanina. At nahiya narin ako. Tri ny ko nalang mag lakad pauwi kaso habang naglalakad ako nakalimutan ko ung daan hanggang sa umulan.
Nung nalaman ko na makiki hitch pala siya sa akin kanina. Na konsensya ako sa ginawa ko na hindi ko manlang tinanong kung paano siya uuwi. Kung may sundo ba siya.
Ako: Sorry di man lang kita tinanong kung may sundo ka kanina.
James: Di mo naman kailangan mag sorry. At di mo responsibility ihatid o pasakayin sa car mo. Its okay.
Sa conversation namin nung time nayon. Nawala ung awkwardness namin sa isat isa. Inayos namin ung pag papakilala sa isat isa. Naging magkaibigan kaming dalawa.
Malapit na kami sa bahay niya at ng dumating kami. Wala ng ulan. Bumaba na siya. At nag thank you siya sa lahat ng abala niya sa akin. Sinabi niyang ibabalik nalang niya ung tshirt ko bukas sa school.
Nakauwi na ako sa bahay. Dumiretso ako sa kwarto an bigla kung naalala ung mga naramdaman ko kanina habang nagpapalit siya ng damit. Pero ni neglect ko nalang ito at ako ay naka iglip. Nagising ako ng mga 8:30 ng gabi dahil tinatawag na ako ni mama para mag dinner. Chinecko ko ung cellphone ko at nakita ko may nag friend request sa akin sa facebook. Si James Fuentes pala. Inaccept ko naman. Pero habang tinitingnan ko yung request nakaramdam ako ng weird feeling na parang kinikilig ako. Pero di ko pa naramdaman yon sa lalaki. Kasi alam ko sa sarili ko na hindi ako bakla. Ni neglect ko nalang uli ung feeling nayun at bumaba na ako para mag dinner. Pero nandoon parin sa utak ko si James. Ewan bakit ko nararamdaman yun. Ang weird no?
Tapos na akong kumain. Pumunta ako agad sa kwarto at tinapos ung project ko. Suguro mga isat kalahating oras ko rin tinapos yun. Nagpahinga na ako. At nag ready para matulog dahil malapit narin mag 10 PM at maaga pa ako papasok bukas. Habang pahiga na ako biglang may nag message sa sa akin sa facebook at si James pala iyon. "Thank You for everything today Andrew. Dont worry babawi ako sayo. See you tomorrow classmate!". Ewan ko at kinilig na naman ako sa hindi malamang dahilan. Di ko na siya nireplayan. At natulog ako na may ngiti sa labi.
Kinabukasan. Sa school. "Hi Andrew! Good Morning." nang narining ko yun si James pala kararating palang. Binati ko rin naman siya ng Good Morning.
Natapos ang araw na iyon ng walang awkwardness sa isat isa. Naging magkaibigan kami ni James. Nadiskubre ko ang funny side niya. We became closer everyday.
Naging close din siya kay Mark and Anthony. Kasasama na namin si James sa gala ng mag babarkada. Mga parties. Naging maganda rin ang relasyon niya sa iba naming classmates. It was really nice meeting him.
And in every each day that passes by. Nagiging more vivid ung mga weird feelings ko para kay James. Na realize ko na crush ko siya. Ewan ko basta ang alam ko crush ko siya. Ako palang ang may alam ng sikreto ko na iyon. Ayokong aminin sa kanya. Kasi baka magbago ung tingin niya sa akin. At layuan niya ako. Yung ang biggest fear ko ng mga moment na iyon. Hanggang sa tumagal ang feelings na iyon. It lasted for four months. Ang nag desisyon akong aminin sa kanya ang feelings ko sa kanya. Nilakasan ko talaga ang loob ko. Nag text ako sa kanya na mag kita kami sa isang coffee shop at may sasabihin ako sa kanya. At pumayag naman siya at may sasabihin din daw siya.
Dumating na ang araw na pinaka hihintay ko. At dumating ako sa coffee shop at nauna na na pala sa doon. Umupo na ako at nakita kong may bag ng babae doon sa tabi ng upuan niya.
Ako: James kaninong bag yan?
James: Ahh. Tungkol dito ang sasabihin ko. Pumunta lang ng CR ung may ari nito.
Dumating na galing sa CR ung may ari.
Umupo siya sa tabi ni James. At masama na ang aking nararamdaman sa mga sitwasyon. Maganda ung babae familiar siya kasi schoolmate ko siya pero third year high school nga lang.
James: Andi meet Nicole my Girlfriend since yesterday.
Nicole: Hi Andi. Nice to meet you.
Para akong biglang binuhusan ng malamig na malamig na tubig. At napahinto ng mga ilang minuto. Di ko na namamalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.
James: Okay kalang Andi? Okay kalang ba?
Ako: Hindi…..
ITUTULOY-