Fantasy and All (Part 5)
By: Zeke
"FVCK!" nilabasan ako. Sht! Hindi ako nakagalaw at patuloy na lumabas ang katas ko sa tyan. Hindi ko na pinansin na nakatutok pala si bok sa taas.
Nang mahimasmasan ako ay dali dali kong pinunasan ang sarili ko. Pulot damit, suot at takbo sa labas. Tulalang nakatingin sakin si bok ng lingunin ko at medyo nakaawang ang bibig. Gulat ang reaksyon. Walang sabi sabing ako umalis.
"B-bok sanda--." rinig ko pang tawag nya sakin bago ko makalabas ng pinto. Takbo ko sa second floor hanggang sa hagdan paikot hanggang sa makarating ako sa rooftop(sampayan namin ng mga damit).
Napasandal ako sa pinto saka pabagsak na umupo. "A-aray!" reklamo ko ng tumama ang braso ko sa seradura nito. Katangahan.
"Aww ang sakit potik!" himas ko sa brasong natamaan.
'Nakita ko ni bok potik! Ano gagawin ko nakakahiya!' ani utak ko.
'Pano ko haharap neto sa kanya ngayon!'
"Yo! Okay ka lang?" napalingon ako sa kaliwa ko ng biglang may nagsalita. Si Jeremy pala, nangungupahan sa kabilang boarding house katabi ng inuupahan ko. Nasa kabilang rooftop din sya at mukhang nagsasampay ng damit. Nakita yata nya pagtama ng braso ko sa pinto.
Tumayo ako at medyo lumapit para magkaintindihan kami. "U-uhm oo ayos l-lang." himas himas ko parin ang braso dahil talagang masakit. Mukhang napilay pa ata.
"Bakit anong nangyari? Para ka ngang hinahabol dyan at madaling madali ka. May pinagtataguan kaba?" tanong nya sabay pagpag ng puting damit at isinabit sa hanger. Nakatagilid sya sakin habang nakalingon.
"W-wala naman t-takot lang kasi ako pagaakyat d-dito sa rooftop ang d-dilim sa hagdan. Ang creepy." fck! Ang bilis ko umisip ng palusot pero ang lame naman haha. Natawa sya sa sinabi ko.
"Haha, you're funny. Teka mukhang napilayan ka ata, pacheck up mo. Ang lakas nga ng pagkakatama rinig hanggang dito." Ngayon ko lang napansin na nakahubad pala sya at talaga namang maiinitan ka sa hitsura nya dahil sa mga pawis na malayang naglalandas sa katawan nya.
"E-hehe wala lang 'to, medyo masakit lang. Katangahan ko kasi e." napakamot nalang ako sa batok.
'Ang sakiiiiit!' hinaing ko sa utak ko. Sa utak ko mine'murder ko nayung pinto sa sobrang bwisit ko. Ang nakakabanas pa hindi ko mailabas ang pagkainis ko dahil sa kaharap ko.
"Saan ba tumama? Baka napilayan ka, ang lakas talaga ng tunog ng pagkakabangga e." uyy concern si koya haha. Pinaglayu-layo nya mga damit nya saka humarap sakin.
Napaiwas ako ng tingin dahil sa nakabalandrang katawan nya sa harap ko. Again! Pasok sa tipo ko ang kaharap ko haha. Hindi maputi, hindi rin maitim. Sakto lang pero makinis. Sa totoo lang bago ko makilala si Ian, crush ko natong kaharap ko e. Tipong crush ko lang kapag nakikita ko. Mas malakas lang talaga tama ko kay Ian haha. "Ah-eh sa buto a-ata kaya medyo m-masakit p-pero tolerable naman." hinang hina ako tapos ganito pa braso ko? Tiwakal na men! Hanips!
"Bakit, wala ba kasing ilaw yung hagdan papunta sa jan sa rooftop nyo?" tanong nya ulit. Haha mukhang naniwala sa sinabi ko.
"Wala e, pero medyo maliwanag naman." sagot ko, tumango lang sya. Tinapos na nya yung sinasampay nya saka nagpaalam umalis.
"Sige bro baba nako. Ingat ingat din kasi haha" paalam nya saka umalis.
"Sige bro."
Umupo ako malapit sa tip ng rooftop, panay parin sa pagdaing sa sakit ng 'di ko napansin na bumukas pala yung pinto.
"U-uy b-bok sabi k-ko saglit l-lang e." pagkarinig ko palang sa boses ni bok e napadiretso ako ng upo habang nakatalikod.
'aray!' sa paggalaw ko sya namang sakit ng braso ko. Hindi ko magawang lumingon kasi paniguradong pinagtatawanan ako ng bugok. 'fck! please rooftop swallow me now!' ang bilis ng tibok ng puso ko sa kahihiyang inabot ko.
"B-bok" pagtawag nya uli sakin pero 'di ko parin pinansin. Papalapit ng papalapit mga yapak nya sakin na lalo kong kinakakaba. Anong mukhang ihaharap ko sa kanya ngayon diba? Sobrang nakakahiya! Hindi na maipinta mukha ko sa pinaghalong sakit at hiya na nararamdaman ko.
'Makaramdam ka bok please! Wag ka lalapit kundi tatalon ako dito!' sigaw ko sa utak ko.
'Ay ang OA. Tatalon talaga?'
Naramdaman kong parang huminto sya sa paglapit. Teka bakit ang bagal ata nya lumapit e ang lapit lang ng pinto sakin. Sinubukan kong lumingon at ayun papabagsak sya kaya dali dali akong tumayo at sinalo. Hindi ko na pinansin ang braso kong naghuhumiyaw sa sakit. Pagkasalo ko ay parehas kaming bumagsak.
Nakapikit lang si bok habang nakangiwi na kala mo masusuka. Sobrang pawis na pawis.
"Uy! bok!" tapik ko sa kanya. Isinantabi ko muna ang hiya at sakit na nararamdaman ko.
"Mmmm" tugon nya.
"Gago anong nangyayari sayo hah?" medyo nagpapanic ako sa inaakto ni bok ng mga oras nayun. Hindi naman sya mukhang nilalagnat.
"…ah-hil-lo ko su-s-suka k-ko." mahina nyang sabi na medyo hindi ko maintindihan. Butil butil ang pawis nya sa noo. Medyo nanginginig din sya kaya mas lalo akong nagpapanic. Nagduduwal sya kaya nilayo ko mukha nya sa katawan ko.
"Boook! napapano kabaa?!" hindi ko alam gagawin ko.
"N-nausog a-ata a-ako b-bok, h-hinang hina a-ako" saka ulit sya dumuwal pero wala naman lumalabas. Hinawakan ko nga ang tenga nya. Malamig, oo nga nausog nga ang bugok.
"Ugok ka! Bakit kapa umakyat dito. Buti kinaya mo."hindi sya sumagot at kumunot lang noo, hilo siguro. Pinipindot pindot ko sya gamit ang isang kamay ko sa mukha at braso. Ganun kasi ginagawa ng lola ko kapag nausog ako e saka ako pakakainin ng malamig. Medyo kumalma nako dahil nothing serious naman pala, kala ko kung ano na. Sino kaya ang maswerteng nakausog sa bugok nato.
"Kaya mo bang tumayo?" tanong ko dito.
"N-nahihilo p-pa k-ko" daing nya.
"E teka kukuha ko ng yelo sa baba para mahimasmasan ka."
"W-wag n-na--" dumuwal sya ulit ng walang lumalabas.
"Kailangan mo yun bok para mawala hilo mo." pinilit ko syang itayo kahit masakit ang braso ko sako isinampay braso nya sa balikat ko. Tahimik lang sya at nakapikit, gegewang gewang kami parehas dahil sa bigat nya.
"Bok, d-dahan d-dahan nahihil-lo k-ko lal-lo" daing na naman nya.
"Tado bakit kasi umakyat kapa dito, 'di ka nalang humiga sa kama mo" sermon ko. Hindi sya nagsalita at umungol lang.
Dahan dahan kaming bumaba sa paikot na hagdan. Pagkababa namin sa pangalawang floor nadaanan pa naming naka'awang ng konti pinto ni Kuya Cris, busy sa pagrereview. Graduating kasi si Kuya kaya aral kung aral talaga sya, minsan lang lumabas ng kwarto.
Panay ungol lang naririnig ko kay bok hanggang sa makarating kami sa kwarto namin.
"Dito ka muna bok sa higaan ko, hindi kita kayang iakyat sa kama mo." ungol lang naging tugon nya. Bago ko maihiga si bok ay agad kong napansin yung pinamunas ko. Naalala ko na naman kahihiyan ko potik! Pasimple ko yun kinuha pagkahiga nya saka ko tinago sa likod ko. Biglang ngumisi si bok kahit nakapikit. 'Fck!'
"Anong nginingisi ngisi mo jan bugok ka hah!" tumalikod lang sya habang tumawa ng mahina
"Haha" nakuha pang mangbuska ng bugok. Pero sheeet! nakakahiya talaga kapag naaalala ko.
"Aba't nakukuha mo pang tumawa yah!" pinalo ko sya sa pwet. Uyy chansing. Tambok talaga pwet ni bok haha.
"W-wag mo k-ko galawin b-bok nah-hilo k-koo" sabi nya habang nakatalikod. Ramdam kong nakangisi parin sya. Ughhhh! Gago talaga!
"Nahihilo e pinagtatawanan moko!" hindi na sumagot ang bugok. Hinayaan ko nalang saka lumabas para bumili ng shake sa tapat. Maganda kasi sa nausog ang malamig. Mabilis lang ako nakabalik, nakatihaya na si bok ng balikan ko.
"Bok, o inumin mo 'to ng mahimasmasan ka. Kaya mo ba umupo?" tinulungan ko na sya saka inabot yung shake.
"S-salamat."
"Ubusin mo yan, dun muna ko sa kama mo." saka ako umakyat.
"W-wag mo bahiran yan ah. B-baka umisa kapa haha mukhang sarap ns sarap k-ka pa naman." nak ng! Die bok! Die!
"Ulol!" tumawa lang sya sa sinabi ko.
Napagdesisyunan kong wag na pumasok tutal tapos na major subjects ko at puro minor nalang kaya hindi na masyado mahalaga.
Ala-una na ng magising ako. Sinilip ko sa baba si bok, pero wala na sya don.
'Mukhang ayos na ang bugok.' ani utak ko.
Bababa na dapat ako ng biglang bumukas ang pinto at niluwa ang nakatapis na bulto ni bok. Hindi nya napansin na gising nako at dumiretso sa cabinet namin para kumuha ng damit. Bale nakaharap sa pwesto ko ang cabinet at nakatalikod sya sakin. Huminto sya saglit na parang may iniisip saka tinuloy ang pagbihis. Tinanggal nya bigla ang nakatapis na twalya sa kanya. Literal na nanlaki ang mata ko sa tanawin. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya bigla akong humiga tapos lumangitngit yung hinihigan ko kaya sa tingin ko lumingon sya direksyon ko.
'Fck!' nagkunwari nalang akong bumiling para 'di nya mahalata na gising ako.
"Bok, gising kanaba?" sabi nya. Hindi ako sumagot. Nahalata ata ako.
'Panindigan mo ng tulog ka!' kastigo ko sa sarili. Hindi na ulit sya nagsalita at pinagpatuloy ang pagbibihis. Maya maya bigla syang pumito pito. Mas lalo akong nahiya ng mapagtanto ko kung ano yung tono ng pagpito nya. Ang potik! Bubble butt lang naman yun! Mukhang alam nyang nakita ko yung ano nya. Kinagat ko yung unan sa tabi ko.
'Napaka'gago mo talaga bok!' ramdam na ramdam ko dito ang nakabalandrang ngisi sa mukha ngayon ni bok. Mukhang umupo sya sa study table ko.
Tumagal ng ilang minuto ang pagpito nya at yung tono nya ay talaga namang nakakagago. May pagtapik tapik pa sya sa table. Wala naman syang ibang ginagawa dun kundi ganun. Potik talaga naiirita nako. Bumiling ulit ako dahil ngawit na. Lumangitngit ulit yung kama.
"Bok, gising naba you?" parang may tonong pangaalaskang sabi nya, ramdam ko din na nakatingin sya sakin. Dedma parin ako. Papanindigan ko talaga 'tong tulug-tulugan ko. Potik bakit ba parang guilty ako, wala naman akong ginawang masama. Kasalanan ko bang nagbihis sya ng walang pakundangan tapos makita ko ang butt nya na matambok. Wala na talaga kong mukhang ihaharap kay bok kung sakali hanips! Una, nahuli nya ko sa akto na nagmimilagro tapos ngayon eto? Fck talaga!
Gutom nako potik, wala atang balak umalis si bok sa pwesto nya. Sinilip ko nga kung ano ginagawa nya. Kinakalikot nya lang naman ang mga nakakalat na school stuff dun. Pagtingin ko sa mukha nya, aba pucha ang laki ng ngisi sa mukha.
'Ano kaya iniisip ng bugok nato.'
Isa lang ibig sabihin nun, alam nyang gising talaga ko. Pero hindi! papanindigan ko parin 'to, sabi nga ng motto ko 'Deny lang ng deny.'(haha ganyan ako in real life, kapag may kalokohang ginawa tapos tatanungin ako deny lang ako ng deny tapos nire-reverse psychology ko para lusot XD. as in 'di moko mapapaamin unless may pruweba ka haha. well, small things lang naman like kapag sa inuman or gala at uwi ng late haha galawan at kalokohan ba nung highschool XD)
Maya maya biglang tumunog yung tiyan ko ng malakas, enough na para marinig ni bok. Rinig ko pagpipigil nya ng tawa. Bigla syang tumayo. Binukas ko ng konti ang isang mata ko para silipin ang hitsura nya at nakita ko syang tumayo at nagtungo sa pinto habang pinipigil ang tawa saka iiling iling na lumabas.
Nang makasigurado kong hindi na bumalik si bok saka ako nakahinga ng mabuti.
'Ano ba 'tong pinag'ga gagawa ko.' napapikit ako ng madiin saka bumangon.
"Bwisit!' usal ko pagbaba. Lumapit ako sa pinto para silipin si bok. 'Wala, san ba nagpunta bugok nayun.'
'Wag ka muna bumalik bok!' para kong tanga kausap ang sarili ko. Pumunta ko sa cabinet ko para kumuha ng pain reliever na pangpahid sa braso kong masakit.
Pabalik nako ng kama ng marinig kong may naguusap sa tapat ng pinto sa labas kaya lumapit pako para marinig ko. Binuksan ko ng konti yung pinto at nakita ko si bok na may hawak na tray ng pagkain kausap si kuya Cris. 'Fck!' sinarado ko agad yung pinto saka nakinig sa usapan nila.
"Ah, masama ba pakiramdam nya kuy's? Kaya pala TAGAKTAK ANG PAWIS nun" may pageempasize nya sa dulo.
"Binigyan ko nga ng paracetamol kanina e. Alagaan mo bunso natin Leo ah. Kawawa naman, 'di ko maasikaso ngayon yan at naghahabol ako sa review. Alam mo naman buhay graduating." sabi ni kuya Cris. Bait talaga ni kuy's. Sya kasi talaga parang Kuya namin sa dorm kaya ganyan sya samin lahat. Nagiisang anak kasi kaya sabik sa kapatid.
"Don't worry kuy's, akong bahala kay bok. Eto nga o, pagdadala ko ng pagkain" pagyayabang nya kay Kuya Cris.
'Aalagaan daw, aalaskahin kamo bugok!'
"Good. Sige akyat nako Yo(short for Leo) ikaw na bahala." nang marinig ko yun ay dali dali akong umakyat sa taas ng double deck at nagtulugtulugan ulit. Saktong pagpasok nya ay syang kunwari ay biling ko para hindi halata. Good thing na malikot ako matulog haha. Sinilip ko ginagawa nya.
Naglakad sya sa ST ko saka nilapag ang hawak na pagkain tapos humarap sa pwesto ko na nakapamewang kaya pumikit ulit ako.
"Bok" tawag nya sakin. Dedma ko.
"Bok" narinig kong humitak sya ng bangko. Naramdaman ko nalang yung tapik nya.
"Huuy!" yugyog nya sakin. 'Go away gagu!'
"Bok, alam ko gising kana" tatawa tawa nyang sabi. Hindi ko parin pinansin saka ako bumiling patihaya. Sakto tumunog ulit yung tiyan ko dahil sa gutom. Bakit e gutom na talaga e haha.
"Walang tulog na tumutunog ang tiyan bok haha bangon na dyan gutom nako at sabi ng tiyan mo gutom kana rin, tara na kumain" pangaalaska nya.
'Hindi ako gutom bugok!' sigaw ko sa utak ko pero ang totoo gutom na talaga ko.
Nagkunwari akong naghikab saka naginat.
"Dali na bok, kailangan palitan natin yung lumabas sayo kanina haha" hinila nya kamay ko patayo. Sakto yung masakit kong braso nahawakan nya kaya napahiyaw ako sa sakit. Potik.
"A-aray!" hinaing ko. Nagulat sya sa reaksyon ko ng mga dalawang segundo saka biglang ngumisi ng pagkalaki laki.
"Haha ayan kaka'ano mo napilay na braso mo. Ang hard mo pala bok mag'ganun no? Hahahaha" nanlaki ang mata ko sa sinabi nya kaya naitulak ko noo nya tapos na'out balanced sya at nalaglag. Nakatuntong lang sya sa monoblock na walang sandalan.
*blaaaaaag!*
Nagulat din ako sa nagawa ko.
"Halaaa sorry bok, ikaw kasi ka'gago mo e. Ang hilig mo ko pagtripan" mabilis akong bumaba saka sya tinulungan tumayo.
"A-aray! pucha ang s-sakit bok, bakit moko tinulak" daing nya habang hawak ang kanang braso. Humawak sya sakin para tumayo.
"Gago ka kasi e. Kung ano ano pinagsasabi mo." iniupo ko sya sa kama ko.
"B-binibiro lang naman kita bok masyado kang obvious. Saka ano naman kinakahiya mo sakin e ginagawa ko din yun. Gusto mo gawin ko pa sa harapan mo e." sagot nya
"Bastos! Gago ka ba talaga?! Tumahimik kana nga lang." saka ako tumalikod dahil 'di ko pa sya kayang harapin dahilan sa nangyari.
"Ako pa ngayon ang bastos haha e ikaw nga itong nag----" pinutol ko na sasabihin nya dahil ayoko na marinig.
"Tahimik!" sigaw ko sa kanya. Hindi na nga nya tinuloy sasabihin nya saka tumawa lang.
Biruin nyo naman kasi, nilalabasan ako habang nakatutok sya? Diba sobrang nakakahiya yon? E pano pa kaya kung nabanggit ko pangalan ni Darwin o 'di kaya ni kuya Cris? Sh*t lang talaga!
Akmang tatalikod ulit ako ng pigilan nya ko.
"O san ka na naman pupunta, sabi ko kain na tayo? Eto o nagdala ko," turo nya sa pagkain sa ST ko.
"Ayaw kitang kasabay! Gagaguhin mo lang ako." binalik ko sa cabinet ko yung pinangpahid ko sa braso kanina na nailagay ko sa garter ng suot kong short.
"Haha promise bok hindi. Tara na, gutom na talaga ko. Ikaw din for sure gutom narin" taas baba na naman dalawang kilay nya.
"Kumain ka magisa mo!" sagot ko pero ang totoo isang aya nya nalang papayag nako dahil gutom na talaga ko haha.
"Hindi ka lalapit dito para kumain?" tumayo sya saka lumapit sa kinaroroonan ko. Bigla naging seryoso ang mukha. Nakatitig lang sya sakin habang papalapit ng papalapit. Napa atras ako pero corner ako sa cabinet ko. Akmang lalapit ako sa pintuan ng bigla nya hinarang kamay nya kaya napabalik ako..
"Ayaw mo ko sabayan?" mahina boses nya pero may kakaibang tono. Parang….. nangaakit?
"B-bakit b-ba kasi e-eh ayaw ko n-nga." kanda utal kong sabi.
"Ayaw mo?" sya. Mas lumapit pa sya sakin kaya napasandal ako sa cabinet ko. Tinukod nya kamay nya sa gilid ko.
"P-pinagt-tripan m-mo na naman ako b-bok" mahina kong sabi. Ewan ko bakit biglang umurong dila ko. Langhap ko ang mabangong hininga nya. Amoy mint.
"Ayaw mo talaga?" mas lumapit pa sya sakin. Hindi ako sumagot bagkus ay itutulak ko dapat sya pero…..
"Edi ikaw nalang kakainin ko!" saka biglang naglanding lips nya sakin saka marahan akong hinalikan.
Whoa! Ang tagal ng UD ko, sorry guys. Sobrang sorry talaga sa paghihintay(kung meron naghihintay hehe) sobrang busy kasi sa school e tapos nawalan pako ng inspirasyon sa pagsusulat kaya wala talagang pumapasok sa utak ko. Puro proof read lang ata nangyayari tapos kapag dudugtungan ko na, nabablangko nako. Anyways, part 5 is done so I guess start na ng totoong flow story. Pinakilala ko lang mga characters ko para magkaidea kayo sa kanila and ma'anticipate ang plot(if ever na mahulaan nyo haha).
ps. Wala na si Ian, lumipat na sya ng school kaya wala ng inspirasyon sa pagsusulat :3. Pero don't worry kasali padin sya sa story. This week ko din popost yung Part 6. Ipo-post ko din 'to sa Wattpad pero marami akong babaguhin dahil sa mga incontingencies so if ever na maligaw kayo dun, check nyo :)
pps. Umabot ng 21 likes/recommended ang FaA, it means na marami akong readers. Nakakatuwa :'), sana minsan magcommemt din kayoo. I need your feedbacks guys negativean o positive :).
Itutuloy…..