Sa Akin Kailan Man (Part 1)
~~By: Raffy Grey~~
Ang nilalaman ng kwentong ito ay pawang kathambuhay lamang, ngunit mayroon ding mga elemento sa istorya na galing sa totoong pangyayari.
Second year college ako ngayon sa isang hindi gaanong sikat subalit mataas na pamantasan dito sa Pilipinas. Labing-pitong gulang ako; katamtaman lang ang katawan, pero hindi masasabi na mayroong hitsura. Levy ang aking pangalan.
Mayroon akong crush, natural lang naman iyon sa lahat ng tao, sinungaling lang ang hindi nagkakahanga sa kapwa nila. Siya ay si Jeremy.
Sobrang magkaiba ang aming ugali, mabait siya, ako naman ay kadalasang masungit at mataray sa mga taong nakakahalubilo ko. Hindi ako tuwid na lalaki, at hindi ko isinisikreto iyon, sa madaling salita, ako ay isang ganap na bading sa lahat ng mga kaklase ko, siyempre pati na rin si Jeremy ay alam iyon. Katulad nga ng sinabi ko, kami ni Jeremy ay sobrang magkaiba, kung bakla ako, siya naman ay ang pinakatuwid na lalaking nakilala ko, pero hindi naman siya isang "homophobe" na takot o galit sa mga katulad ko, napakabait niya nga, at itinatrato niya ako nang normal, hindi katulad ng iba kong mga kaklaseng lalaki, na isang dampi ko lang ng kamay ko sa kanila ay parang hinawaan ko na sila ng nakamamatay na sakit.
Dahil sa kabutihan ni Jeremy kaya niya ako naging tagahanga, at mas lalo siyang gumagwapo sa aking paningin dahil sa kabutihang taglay niya. Paminsan-minsan ay inaasar kami ng mga kaklase namin dahil minsan nga lagi kaming magkasama, at saka ang tanging lalaki na sumasama o lumalapit sa akin ay siya lamang. Lagi kasing mga babae ang kasama ko.
Walang nobya si Jeremy, kaya mas lalo akong tuwang-tuwa kapag kasama ko siya, kasi walang limitasyon ang pag-uusap namin, at mas lalong walang malisya. Ang sabi niya sa akin na mag-aaral na raw muna siya bago magkaroon ng kasintahan, ayaw niya raw ng pagambala sa pag-aaral. Medyo nalungkot ako noon, hindi pa siya handa para sa isang relasyon, paano kapag naging kami? Biro lamang, kaibigan lang talaga ang turing sa akin ni Jeremy.
Habang tumatagal, unti-unti akong nahuhulog kay Jeremy, naging matalik na magkaibigan kami pagkatungtong namin sa ikalawang semestro.
Sobrang bait talaga ni Jeremy, lahat ibibigay niya sa iyo kapag may kailangan ka, hindi ka niya madidismaya kapag may mga lakad, nandoon siya makakasama mo, kahit napakalupit ng kaniyang schedule. Kapag kailangan mo ng pera, mapapautang kaniya, basta ba babayaran mo siya, utang iyon e, may pagka-richkid din kasi itong kaibigan ko; mayroon siyang sariling bank account, at sinabi niya sa akin na ang nanay niya ang naghuhulog doon para sa kanya. Isa pa iyon sa dahilan kung bakit ko siya hinahangaan, isa siya mabuting anak, at may tiwala sa kaniya ang kaniyang magulang, hindi katulad ng iba diyan na nalululong agad sa droga kapag nakakuha lang ng pera.
Bukod sa kabutihan ni Jeremy ay pinagpala rin siya ng magandang mukha at katawan, bale full package na siya at pwede nang iuwi sa bahay para maipakilala kay Mama. Marami ring nahuhumaling na mga kababaihan at kabaklaan kay Jeremy bukod sa akin, kaya marami akong karibal, at mas lalong maraming inggitero't inggitera ang naiingit sa akin dahil nga malapit kami sa isa't isa. Pero hindi ko sila pinapansin, go lang nang go, walang uurungan kapag may nang-away sa akin, at saka, si Jeremy rin naman ang nagtatanggol minsan sa akin kapag may mga nangyayaring ganoon.
Kilala si Jeremy sa pamantasan, dahil isa siyang varsity player sa larangan ng badminton, kaya nga may hubog din ang katawan nito dahil sa mga training nila at pag-e-ensayo.
Lagi akong nanonood sa mga laro niya, lagi akong nasa front row, at kung maka-cheer ay parang isang palalo na nobya niya kapag siya ay nakakapuntos. Lagi naman siyang palatingin sa akin na parang ikahihimatay ko, minsan kasi nababahala na siya na crush ko siya at lagi niya akong 'kinukulit para umamin na ako. Hindi ako umaamin dahil nahihiya ako, baka mag-iba ang relasyon namin bilang magkaibigan at masira ito nang tuluyan.
Pagkatapos ng laro ay minsan nagpapasama siya sa akin upang magbihis. Ewan ko kung bakit kailangan niya pa ng kasama, at bakit ako pa, hindi niya isama ang mga kalaro niya. Doon kasi siya sa ibang gusali nagbibihis, at hindi sa gymnasium.
Gusto niya raw doon kasi tahimik at walang ibang taong gumagamit. Nagkaroon kasi ng isang insidente na nasilipan siya, ayaw niya nang maulit iyon, gagawin niya raw akong bantay, ("ano aso?") Kung alam niya lang, na minsa'y pinagnanasaan ko rin siya.
Nitong nakaraan lamang ay may laban siya sa school, gaya nang nakasanayan, kasama niya ako kahit sa pag-aayos niya sa sarili pagkatapos ng laban. Sobrang pawis na siya noong mga araw na iyon, talagang tagaktak, at basang-basa ang T-shirt, pati 'yong shorts niya. Ang hot niya tingnan, gusto ko siyang yakapin, may fetish pa naman ako sa amoy ng lalaking pawis, gusto kong makita 'yong kili-kili niya at amuy-amoyin ito.
Dapat bantay lang talaga ako sa labas nang pinagbibihisan niya, nang bigla niya akong tinawag, "Levy, patulong naman oh."
Napa- "Huh?" ako.
"Pumasok ka na muna rito, dali," pagmamadali niya sa akin.
Pumasok na ako. Ako pa, iniisip ko sa sarili ko na sana nakahubad siya kapag pumasok ako sa loob. Pagkakita ko sa kaniya, ay nakatayo siya at nakaharap sa salamin, tama nga ako, nakahubad siya. Naka-boxers lang siya at naka-side view sa akin, bigla akong napalunok. "Ano'ng kailangan mo?" Sinubukan kong ayusin ang pananalita ko, baka kasi mahalata niya na napapaigting ako na nakikita ko siyang nakahubad.
"Sarado mo 'yong pinto," sabi niya. "Baka may makakita sa atin."
"Ano'ng binabalak nito?" sabi ng nasa isip ko. 'Tulad nang sinabi niya ay sinarado ko ang pinto.
"Lock mo," aniya pa. "Baka may biglang pumasok."
Ini-lock ko nga ang pintuan, pero dahan-dahan lamang, baka kasi marinig ng janitress, e masungit pa naman iyon. Lumapit ako pabalik sa kaniya. "Ano ba'ng kailangan mo?" tanong ko sa kaniya muli.
Nakaharap na siya sa akin, kaya mas kitang-kita ko nang malinaw ang kaniyang magandang katawan. Mas matangkad siya sa akin, kaya hanggang baba niya lang ako. Ang laki ng dibdib niya, at napakakinis, kahit na may pagka-moreno itong si Jeremy, ay kulay rosas pa rin ang kaniyang mga utong, napakabirhen, kulang sa paglalaro. Wala siyang abs, pero napakaganda pa rin tingnan ng buo niyang katawan, kaunti lang din ang buhok niya sa katawan, patubo pa lamang. Naramdaman ko na ang pagtigas ng aking pagkalalaki dahil sa tanawin na nakikita ko.
Iniabot niya sa akin ang isang puting tuwalya na nakapatong kanina sa lababo. "Punasan mo naman katawan ko," pakikiusap niya.
Ginagago ata ako nitong lalaking 'to e. "Wala ka bang kamay?" Sarkastikong tanong ko sa kaniya.
"Masakit kasi mga braso ko," at nagkunwari pa siya na masakit ang mga braso niya. Ang cute niya lang tingnan, para siyang batang nadapa tapos nagsusumbong sa nanay niya.
Natawa ako.
"O, bakit ka tumatawa?" nagtatakang tanong niya.
"Wala," sabi ko. "Para ka kasing bata, gago."
"'Sus, kinikilig ka lang sa akin e," pang-aasar niya.
Tumigil ako sa pagtawa. Ramdam ko ang pagmula ng mga pisgi ko at sinubukang bumalik sa pagiging masungit ko.
Siya naman itong tumawa nang malakas. "Bakit ka tumigil kakatawa? Guilty ka 'no na crush mo ako? Denial ka pa diyan, halata naman," at tumawa pa siyang muli.
Hindi ko siya pinansin, hinablot ko sa kaniya 'yong tuwalya. "Tumalikod ka na nga, para matapos na 'tong kalokohan mo."
"Biro lang, Levs," at ngumiti pa siya nang nakakaloko. Ang saya lang pakinggan sa mga labi niya ang 'Levs' parang nickname niya na para sa akin 'yon, magkasintunog kasi ng 'Loves' kaya parang mas nakakakilig pakinggan para sa akin.
'Ginulong ko ang mga mata ko. "Talikod na," utos ko sa kaniya.
Tumalikod nga siya, at tumambad sa akin ang napakakinis at napakalapad niyang likod, mas lalo akong napalunok, ang sarap pa rin niyang tingnan kahit na nakatalikod lang siya, sinimulan ko na ang pagpupunas sa kaniya.
Sinasadya ko talagang tumama ang kamay ko sa likod niya habang nagpupunas, ang kinis e, hindi ko mapigilan. At ang hindi niya alam ay inaamoy ko na siya, ang bango bango pa rin niya, kahit pawisan.
"Hoy, mabango ba ako?" Bigla niyang tinanong.
Napatigil ako sa ginagawa ko. "Huh? Bakit mo naman 'tinatanong 'yan?"
Hindi siya nagsalita, tumingin ako sa kaniya at nakaharap ang ulo niya sa kanan. Humarap din ako roon at doon ko nakita ang katangahan ko.
'Yong salamin nasa tabi lang pala namin. Ibig sabihin nakita niya 'yong pag-amuy-amoy ko sa likod niya at pana-nanching. Nakangiti siya sa akin, mukhang pinipigilan niya ang pagtawa.
"Ano, mabango ba ako, Levs?" at tumawa na nga siya.
"Sorry," pagpapatawad ko. ("Hindi ko kasi mapigilan e,") gusto kong sabihin.
"Okay lang 'yon," sabi niya, humahagikgik pa rin. "Tuloy mo lang 'yang pagpupunas."
Tinuloy ko na nga, maya maya'y bigla siyang humarap sa akin.
"Tama na 'yang sa likod," sabi niya. "Dito naman sa harap."
Tinaasan ko siya ng kilay, at ibinato sa kaniya 'yong tuwalya. "Kaya mo na 'yan."
"Ayaw mo pa," 'yong tinig niya ay parang nang-aasar. "Choosy ka pa, ikaw na nga 'tong pinagbibigyan ko e."
Ito na ba 'yon? Ito na ba ang pinapangarap kong mangyari sa aking buhay? Nagpakipot pa ako at kunwari ay nagpaplanong lalabas na ng banyo. "Kaya mo na 'yan," sabi ko. "Lalabas na ako."
Hinila niya ako pabalik, grabe napakalakas niya, napaharap niya ako bigla at dumiretsong bumangga sa katawan niya. Muntik na akong madulas pero nasalo niya ako, napayakap pa nga ako sa likod niya. Nagkatinginan kami bigla. Seryoso ang mukha niya, ako mukhang gulat na ewan. "Pakipot ka pa, Levs," sabi niya. "Alam ko na 'yang galawan mo." Tumawa pa siya.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, nakapulupot pa rin ang mga kamay ko sa likuran niya, at kapag bumitaw ako, baka mahulog ako.
Napansin niya atang nahihirapan ako sa posisyon namin, kaya siya na ang nag-ayos nito. Minadali kong inilayo ang mga kamay ko sa katawan niya. "Mabait ka ba, Levs?"
Kumunot ang noo ko, "'Pinagsasabi mo?"
Ngumiti lang siya sa akin. Lumapit pa siya, at hinawakan ang dalawa kong kamay. Sinubukan ko itong kuhanin mula sa kaniya, pero mas malakas siya. "'Wag ka nang pumalag," sabi niya. "Halikan kita."
("Sige lang,") ayan 'yong gusto kong sabihin sa kaniya, pero tumahimik lang ako at tumigil sa pagpalag.
"Marunong ka bang magmasahe, Levs?" tanong niya.
"Hay nako, Jeremy," sabi ko sa kaniya. "Libog lang 'yan, ayan lang 'yong cubicle oh, salsal ka lang diyan tapos na problema mo."
"Patawa ka talaga."
Bigla niyang ipinatong ang mga kamay ko sa malapad niyang dibdib. Pilit kong tinanggal iyon. "Hoy, ano ba'ng ginagawa mong gago ka." Kunwari ayaw ko, pero sa totoo lang, nag-e-enjoy ako sa ginagawa niya. Kaya parang natatawa na ewan 'yong pagkakasabi ko.
"Ang arte mo," at binitawan niya ako, pero hindi pa rin natanggal ang mga kamay ko sa dibdib niya. "Tingnan mo, gusto mo rin."
Tama siya. Minsan lang ito mangyari, nalilibugan lang talaga itong lalaking 'to kaya ganito kung umasta. Gusto ko siyang pagbigyan, pero baka magalit siya sa akin pagkatapos nito.
Niyakap niya ako bigla, kaya mas lalong lumalim ang paghawak ko sa mga dibdib niya, na medyo ikinatuwa ko. 'Ginagalaw ko nang kaunti ang kamay ko para maramdaman ang mga utong niya. Naramdaman ko nga, at para itong naninigas, dahil sa medyo malamig o dahil sa basa siya ng pawis niya kaya mas lalo siyang nilalamig.
"Ano ba'ng 'binabalak mo, Jeremy?" nauutal kong tanong sa kaniya.
"Gusto kong paligayahin mo ako," sabi niya. "Totoo bang mas masarap magmahal ang bading?"
Hindi ko alam kung ano'ng isasagot ko, para siyang nababaliw. "Akala ko ba straight ka?"
"Oo, straight ako, gusto ko lang makaramdam ng sarap na galing sa isang bakla."
"Pero, hindi pa ako nakaka-experience ng gano'n, Jeremy," talaga naman, ang bata ko pa para doon.
"E 'di sabay nating i-experience, parehas lang tayo."
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, kung galak ba o pagkatakot. Galak dahil sa wakas matitikman ko na ang matagal ko nang pinagnanasaan na kaibigan, at takot dahil baka pagkatapos nito ay mawala na ang pagkakaibigan namin ni Jeremy.
Ito na 'yon, ngayon na o hindi na kailanman.
Tiningnan ko ang namumula niyang mga labi, lumapit ako rito para halikan, ngunit lumayo siya. Hindi pa ata siya handang humalik ng kapwa lalaki.
Medyo nadismaya ako, hinalikan ko na lang siya sa leeg, hindi naman siya lumayo pero mukha siyang nakiliti sa ginawa ko. Narinig ko siyang tumaghoy. Hindi ko alam kung nasasarapan ba siya o ano, hindi ko rin kasi alam kung ano ang 'pinaggagawa ko, basta hinahalikan ko siya.
Nakayakap pa rin siya sa akin, kaya nakapatong pa rin ang mga kamay ko sa dibdib niya, kaya iginagalaw ko ang mga daliri ko para mahanap at malaro ang mga utong niya.
Medyo niluwagan niya ang pagkakayakap sa akin kaya mas lalo kong naramdaman ang dalawang utong niya, tama nga ako na nakaturo na ito at tigas na tigas. Pinaglaruan ko ito gamit ang hinlalaki ko, habang nilalaplap ko ang leeg niya.
"Oh… Levy…" sabi niya habang patuloy pa rin ang paghinga niya nang malalim.
Tumigil muna ako sa paghalik sa kaniya, nakita ko siyang nakatingin lamang sa kisame, at nakapikit; noong tumigil ako ay saka niya ibinukas ang mga mata niya, at tumingin sa akin, hindi siya nakangiti, bagkus ay parang hinihintay kung ano ang sunod kong gagawin.
Tinanggal ko ang polo ko dahil nahihirapan ako. Nakasando na lang ako.
Tumigil muna ako sa kaniyang leeg at dinakma ng bunganga ko ang kaniyang naninigas na mga utong.
"Oh…" pag-ungol ni Jeremy. Mukhang nasasarapan siya. "Akala ko ba… wala ka pang experience…? Bakit…?" hindi niya matuloy ang kaniyang sasabihin.
Dinilaan ko ang buong katawan niya, kinagat-kagat at sa hindi ko alam ay nag-iiwan na pala ako ng maliliit na chikinini sa kaniya.
"Taas mo ang mga kamay mo, Jeremy," utos ko sa kaniya.
Itinaas niya naman ito at ipinatong niya sa batok niya, muli kong nakita ang malalapad niyang kili-kili, medyo makapal ang buhok, sobrang nakakalibog tingnan. Isinubsob ko ang ulo ko rito at inamuy-amoy, at saka sinimsim ang bawat hibla ng buhok nito. Ito lang ang malago niyang buhok sa katawan. Sobrang nakakalibog talaga ang amoy ng lalaki kapag pagod at pawis. Umungol pa siya.
Habang pinagsasawaan ko ang kili-kili niya ay sinusubukan kong hawakan ang nasa baba niya.
Nahawakan ko ito, ngunit walang nararamdaman na tigas o ano man. Nabigla ako nang hinawakan niya ang kamay kong naglalakbay sa pagkalalaki niya, at unting inilayo ako roon. Ibinaba niya nang dahan-dahan ang braso niya, tumigil ako sa pagsimsim sa kili-kili niya at tiningnan siya nang nagtataka.
"Levs, sorry," sabi niya.
"Bakit, ano'ng problema?" tanong ko sa kaniya.
Tahimik siya at hindi kumikibo, sinubukan kong tingnan siya sa mga mata ngunit iniiwasan niya ang pagtingin.
"Magsalita ka naman," sabi ko, na medyo tumatawa. Ayaw ko nang seryoso siya, naiilang ako.
"Kasi…" hindi niya naitutuloy.
"Kasi…?"
"Wala," sabi niya. "Magbihis na tayo, baka may makakita pa sa atin."
Kumunot ang noo ko, "Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ko sa kaniya na takang-taka, "Hindi pa tayo tapos--"
"Tapos na, okay?" medyo isinigaw niya. "Binibiro lang kita, hindi ko naman alam na bibigay ka na lang bigla."
Mas lalo akong nagtaka, ngunit maya maya'y medyo naiintindihan ko na. Nalungkot ako, at mayroong parte sa akin ang nagalit. "So, panggagago lang 'yong ginawa mo sa akin kanina?"
Hindi niya ako pinansin, kinuha niya ang bag niya, kumuha ng sanitizer at pinanligo sa katawan niya na dinaanan ng dila at kalibugan ko.
Natulala ako sa ginagawa niya. Isang pag-akto ang ginawa niya, hindi totoo ang mga pag-ungol niya at ang mga sinabi niya sa akin kanina. Parang tumigil ang lahat sa akin, ito na ata ang katapusan ng aming pagkakaibigan, ang daming umiikot sa utak ko. Paano na ako, wala na akong kasama lagi, mas lalo akong magiging outcast sa klase kung biglang mawawala sa akin si Jeremy.
Nagpatuloy lang sa pag-aayos at pagbibihis si Jeremy, hindi pa rin niya ako kinikibo.
Nagsimula na rin akong mag-ayos, medyo pawisan na rin ako dahil sa ginawa ko sa kaniya, mabuti na lang at may dala-dala akong extrang T-shirt, ginamit kong tuwalya 'yong polo ko.
Mas nauna akong natapos kaysa sa kaniya, inabot ko ang bag ko at isinuot ito.
"Hintayin mo ako," sabi niya na parang nagmamakaawa.
Napabuntong-hininga ako, hindi ko alam ang sasabihin ko. Para namang walang nangyari nang sabihin niya sa akin ang mga katagang iyon. Inilapag ko muli ang bag ko sa lababo at naghintay.
Kasalukuyan na siyang nagsisintas ng kaniyang rubber shoes. Kahit matapos siya diyan sa pagbibihis, hindi pa rin siya tapos para ayusin 'yong mga nakakalat niyang damit na nakapaligid sa lababo. Pati ang bag niya sabug-sabog.
"Tulungan na kitang ayusin 'yong iba mong gamit," pagpresenta ko.
"Ako na."
Hindi ko siya pinansin at sinimulang itupi ang mga naisuot niya nang mga damit.
"Sabi kong ako na e…" hinablot niya sa akin 'yong kamisetang itinutupi ko.
"Ikaw na nga itong 'tinutulungan ko."
Nag-"tsk" siya at pinagpatuloy ang pagtupi ng sarili niya, tinabig niya ako. "Ako na lang, hintayin mo na lang ako sa labas."
Padabog akong lumabas ng banyo.
Naupo ako sa isang bench na malapit-lapit lang, mabuti na lang at may upuan, kanina pa ako nakatayo. Sobrang naiinis na ako kay Jeremy, hindi ko na alam kung ano ba'ng gagawin ko paglabas niya. Nahihiya ako sa kaniya, naiinis, nababagot, pero hindi nagagalit.
Lumabas na siya ng banyo, nakasuot sa kaniya 'yong sports bag niya at nakasabit pati ang kaniyang raketa na ginamit kanina sa laro. Nakapantalon at black T-shirt na siya.
"Uwi na tayo," bungad niya.
"Ano? E may klase pa tayo mamayang alas tres," reklamo ko. "Baka magkaroon ng quiz."
"Pagod na ako, Levy, hindi ka na ba nasanay sa akin na pagkatapos ko laging maglaro umuuwi na ako agad?"
"Tamad ka kasing mag-aral."
"Hindi ako tamad," bumuntong hininga siya. "Kung ayaw mong umuwi, ako na lang mag-isa."
Bumagsak ang mga balikat ko, bukod sa magkaibigan kami ni Jeremy, ay magkalapit din ang mga tirahan namin. Mawawalan ako ng kasabay pauwi, medyo malayo, at ang boring ng biyahe kapag wala kang kasama at makakausap.
Wala na akong nagawa kun'di pumayag. "Sige na nga, uuwi na rin ako."
"Hindi mo talaga ako matiis, Levs," sabi niya. Medyo nagbabago na siya, hindi katulad kanina. Pero naiinis pa rin ako sa kaniya.
"'Wag kang umaktong parang walang nangyari sa atin kanina," sabi ko.
"Nag-sorry naman na ako sa'yo, hindi na mauulit."
…
Nakaka-ilang habang lumalakad kami papunta sa sakayan ng bus. Paminsan-minsan kasi magsasalita siya, sumasagot naman ako, pagkatapos no'n hindi niya na tatapusin 'yong usapan.
Mabuti na lang nakaupo kami sa bus at hindi naabutan ng rush hour, kung naabutan kami nakatayo kami nang isang oras na hindi nagpapahinga. Madali pa namang mabwisit itong si Jeremy.
Nakasaksak ang earbuds sa tainga ko, nag-sa-soundtrip, ayaw ata akong kausapin nitong mokong na 'to matapos no'ng ginawa ko sa kaniya kanina. Kaya ito ako, nakikinig sa mga sentimental na kanta.
Mga limang minuto ang lumipas, napansin ko siyang pumipikit-pikit, inaantok na.
Bumagsak ang ulo niya paharap at tumaas ulit na parang nagulat. Napangiti ako, ang cute niya talaga, lagi siyang ganiyan kapag pauwi na kami.
Nakita kong kumunot ang noo niya, napansin niya siguro 'yong pag-ngiti ko. Nagulat ako nang tanggalin niya yung isang bud sa tainga ko. Bumulong siya sa'kin, "Patulog naman sa balikat mo."
Nagkunwari akong nainis. Tumungo na lang ako.
Binaba niya na 'yong ulo niya. Nakayakap siya sa bag niya habang natutulog.
Hindi matanggal ang ngiti sa labi ko. Umidlip na rin ako.
…
Nagising ako bigla nang tinapik ako ng kundoktor, "Bago kayo matulog, magbayad muna kayo."
Hindi pa nga pala kami nakakapagbayad. Siniko ko si Jeremy, pero tanghoy lang ang sinabi. Ako na lang nagbayad sa aming dalawa, babayaran naman ako nito mamaya paggising niya.
Inabot ko ang pera sa kundoktor, "Pasensya na po," sabi ko, at umalis na rin siya kaagad. Akala ko sesermonan pa ako e.
Hindi na ako nakatulog ulit, naalimpungatan ako, si Jeremy tulug na tulog, buti nga hindi tumutulo laway e.
Isasaksak ko na sana 'yong earbuds ko nang bigla na rin niyang inangat ulo niya.
"Malapit na tayo?" Husky pa ang boses niya, ang sexy pakinggan.
"Malapit-lapit na."
Inunat niya ang mga braso niya at humikab. Bumagsak ang mga kamay niya sa akin, bumalik ang ulo niya sa balikat ko. Ang posisyon namin ngayon ay nakayakap siya sa akin habang naka-idlip siya.
Namula naman ang mukha ko sa ginawa niya.
"Bayad na ba tayo?" tanong niya nang hindi inaangat ang ulo niya sa akin.
"Bitaw nga," sabi ko. Akala ko magpipilit pa siyang hindi bumitaw, pero nagkamali ako, at umasa. "Oo, bayad na."
"Salamat."
"Anong salamat? Babayaran mo 'yon!"
Hindi niya ako inimikan, binunot niya sa bulsa niya ang wallet niya at binigay 'yong bayad sa akin. Sinunod niya rin 'yong cell phone niya at tiningnan iyon. Mga ilang segundo, nakasimangot na siya. "Ano ba naman 'yan, walang tao sa bahay," sabi niya at tumingin sa akin.
"Oh, ano ngayon?"
"E 'di wala akong papahingahan."
Mga ilang minuto ang lumipas nagsalita na ako, "Sa amin ka na lang muna."
"Okay lang?"
"Oo naman."
Mukhang nauutal siya, "Hindi ka na galit sa akin?"
"Bakit naman ako magagalit sa'yo?"
Hindi niya sinagot ang tanong ko at umayos na lang ng upo. "Sige, doon na muna ako sa inyo."
Continue Reading Next Part