1. Home
  2. Stories
  3. Sa Akin Kailan Man (Part 2)
Mencircle

Sa Akin Kailan Man (Part 2)

11 minutes

~~By: Raffy Grey~~

Mga ilang segundo, nakasimangot na siya. "Ano ba naman 'yan, walang tao sa bahay," sabi niya at tumingin sa akin.

"Oh, ano ngayon?"

"E 'di wala akong pagpapahingahan."

Mga ilang minuto ang lumipas nagsalita na ako. "Sa amin ka na lang muna."

"Okay lang?"

"Oo naman."

Mukhang nauutal siya, "Hindi ka na galit sa akin?"

"Bakit naman ako magagalit sa'yo?"

Hindi niya sinagot ang tanong ko at umayos na lang siya nang upo. "Sige, doon na muna ako sa inyo." Hiniga niyang muli 'yong ulo niya sa balikat ko.

Malapit-lapit na rin kami nang biglang bumagal 'yong pagmamaneho sa bus. Rinig ko ang mga bulungan, pagtataka, at mga reklamo ng ibang mga pasahero. Napatanaw ako sa bintana, may mga traffic enforcer, pulis, at mga ambulansiya na nakakalat sa daanan na nagdadahilan sa pagbagal nang takbo ng bus.

"May banggaan," rinig kong sabi ng kundoktor.

Napabuntong-hininga na lang ako, matagal-tagal pa ang biyahe namin kahit na malapit na kami. Naramdaman ko namang gumalaw si Jeremy sa tabi ko. "Ano'ng mayro'n?"

"May aksidente sa daan," sagot ko sa kaniya.

"Tsk. Ano ba 'yan," mukhang naalimpungatan siya at inayos niya na ang sarili niya. Lumingon siya sa bintana, medyo nagkalapit ang mga mukha namin na ikina-ilang ko. "Malapit naman na pala tayo, baka pwede na nating lakarin?" Habang itinatanong niya sa akin 'yan ay sobrang lapit na ng bibig niya sa akin, mabuti na lang at mabango hininga niya, kung hindi, masasampal ko 'to.

Tumango ako sa kaniya. "Bahala ka."

Sumandal siya sa upuan at para bang nag-iisip kung tutuloy kami. Mga ilang minuto rin ang nakalipas kakahintay ko sa kaniya para magsalita. "Alam mo, ngayon ko lang naalala na okay lang pala kung hindi ako um-attend ng susunod nating klase."

Tumaas ang dalawa kong kilay sa kaniya. "At bakit naman?"

"Excused ako. Bleh!" Nilabas niya 'yong dila niya na pang-asar sa akin. Pinitik ko ang ulo niya.

"Wala akong pakialam," sambit ko na lang.

"E 'di ba GC ka?" Inasar niya pa ang mga katagang sinabi ko kanina: "'…baka may quiz tayo…'" at tumawa nang malakas.

Inikot ko na lang ang mga mata ko. "Ano ba, maglalakad na lang ba tayo?"

"Tara na," alok niya at tumayo na siya. Tumayo na rin ako. "Daan muna tayo sa tindahan, bibili akong pagkain," sabi niya. "O kung may pagkain ka sa inyo, okay lang."

"Hindi. Bumili ka ng sarili mong pagkain."

Bumaba na kami ng bus, kahit na walang banggaan sa daan e mabagal pa rin ang daloy ng trapiko. "Tang inang traffic 'yan," inis na sabi ni Jeremy. "Buti na lang, hindi mainit."

Nagsimula na kaming maglakad.

"Sure ka nang hindi ka galit sa akin?"

Tiningnan ko siya nang nagtataka, pinaalala niya na naman ang hindi ko makalimutang pangyayari sa buhay ko. "Hindi ako galit sa'yo. Naiinis lang," sinabi ko rin sa kaniya.

Nanahimik siya habang naglalakad. Ano kayang pumasok sa isipan niya at nagawa niya akong akitin nang gano'n?

Nakarating na kami sa pinakamalapit na sari-sari store para bumili ng pagkain. Kung ano ang binili niya, ayon din ang binili ko, kahit na alam kong may pagkain kami sa bahay. Isang lata ng corned beef tapos itlog, malay ko kung ano'ng gagawin niya roon. "Mag-e-eksperimento ka ba?"

"Huh? Lagi kong ginagawa 'to," sabi niya.

Nagkibit-balikat na lang ako at naglakad na. Tahimik lang dito sa kalye namin, walang masyadong tao, na para bang isang villa kung titingnan. Una namin laging nadaraanan ang bahay ni Jeremy kaya siniyasat niya muna kung iniwan bang bukas 'yong bahay para sa kaniya o kung may tao pa ba o wala.

"Wala talaga. Naka-lock lahat ng mga pinto," sabi niya nang naiinis. "Saan kaya nagpunta 'yong sila Mama."

"Tara na?" Inosente kong tanong sa kaniya.

Tumango siya at nagsimula na muling maglakad, nakarating na rin siya dati sa bahay namin, naging magkaibigan kasi ang mga nanay namin simula no'ng maging magkaklase kami. Mga ilang bahay lang ang lapit ng mga bahay namin.

Dumating na kami sa bahay ko. Kumatok ako. "Pa?" Katok ulit, pero walang sumasagot. Ginamit ko na lang ang susi ko na nasa ID ko para buksan 'yong pinto. "Bakit nga pala wala kang sariling susi, Je?"

"Lagi ko kasing nawawala, pinapagalitan lang ako nila Mama."

Pagkabukas ko ng pinto namin ay nakapatay lahat ng ilaw, wala ring tao. Sobrang aga ba naming umuwi, at hindi pa nakakauwi ang mga kapatid ko pati si Papa at Mama? "Ano'ng oras na?"

"Alas tres na," sagot niya sa akin.

Oo nga, ang aga namin, baka pagalitan ako ni Mama kapag malaman niya na hindi ako pumasok sa huli kong klase.

"Ako'ng bahala sa Mama mo kapag hindi naniwala kung bakit hindi ka naka-attend sa klase natin," sambit niya na para bang binasa niya 'yong isipan ko. Binaba niya 'yong bag niya sa supa.

Nagulat ako nang hubarin niya 'yong T-shirt niya. Nakita ko na naman ang kaniyang katawan, na pinagpyestahan ko kanina sa school.

"Pabukas naman no'ng bentilador, ang init," pakiusap niya habang pinupunasan niya ang katawan niya gamit 'yong hinubad niyang kamiseta.

Binuksan ko 'yong electric fan. "Kakain na ba tayo?"

"Mamaya na, tulog muna 'ko," hikab niya.

"Magbibihis lang muna ako," paalam ko sa kaniya at dumiretso na sa kwarto ko.

Hinubad ko na agad 'yong pantaas ko pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto, sinara ko ang pinto at ni-lock.

Bigla namang may kumatok.

Binuksan ko 'yong pinto nang maliit lang. Sa kasalukuyan kasi, naka-boxer shorts na lang ako. Si Jeremy 'yong nasa kabila ng pintuan. "Levs, d'yan na lang ako sa kwarto mo matulog," sabi niya.

Isa lang ang nasa isip ko: "'Yong pinto ng bahay iniwan mong bukas?!"

"Hindi-hindi, ni-lock ko," paliwanag niya.

Nagising naman ako sa katotohanan na nakahubad pa pala ako. "Mamaya na, nagbibihis pa ako."

"Bakit? Ayaw mong makita kita'ng nakahubad?" sabay tawa.

Ayaw talaga niyang umalis at nagpumilit na pumasok sa loob. Pilit ko rin namang pinigilan siya'ng makapasok pero mas malakas siya sa akin. Bumagsak ako sa kama ko no'ng natulak niya 'yong pinto sa akin. "Puta ka."

"Wow, sexy," pang-aasar niya. "Alam mo, ngayon ko lang ulit nakita kwarto mo," naupo siya sa kama ko habang ako, nakahiga pa rin at nakatago ang mukha gamit ang dalawa kong kamay.

"Alam mo wala akong pake," sabi ko nang naiinis. "Umalis ka na muna!"

Naramdaman ko ring humiga siya sa kama ko. Sa pahalang kami ng kama nakahiga kaya nagkasya kami. Tinanggal ko ang mga kamay ko sa mukha ko. "Aray!"

Namali ako nang pagbaba ng kaliwa kong kamay dahil natamaan ko ang pundya niya na ikina-aray niya.

Sinigaw niya sa akin: "Ang sakit, gago ka!"

"Sorry," natatawa kong sabi sabay peace sign.

"Kung manananching ka, idahan-dahan mo lang," asar niya nang mahimasmasan na siya sa sakit. Hinihimas ng kamay niya 'yong bandang singit niya na tinamaan ng kamay ko.

"Kapal mo," pagsusungit ko sa kaniya.

"Idahan-dahan mo lang, katulad no'ng ginawa mo sa akin kanina," sabi pa niya na ikina-ilang ko na naman.

Napansin niya agad na nanahimik ako pagkatapos no'ng binanggit niya.

"Joke lang," paglalambing niya, sabay yakap sa akin. "Tingnan mo, galit ka pa rin sa akin tungkol doon"

"Akala mo kasi biro lang 'yong nararamdaman ko e," sabi ko sabay tayo at tinuloy 'yong pagbibihis.

Nagsuot na ako ng bagong T-shirt at naghanap sa mga drawer ko ng shorts. Nagulat ako nang biglang yumakap siya sa akin sa likod. "Sorry, Levs. Tinotopak lang ako kanina, 'wag ka nang magalit sa akin."

Hindi ko siya inimikan, nanatili lang siyang nakayakap sa akin. Ito naman si ako na ninanamnam ang bawat sandali. Gusto kong magsalita, pero para bang may humihila sa dila ko na ayaw akong pagsalitain.

"Bakit mo ba ako ginano'n kanina?" Isang nauutal ko na tanong.

"Biro lang talaga 'yong ginawa ko kanina, hindi ko alam na kakagat ka, nagpaubaya ako sandali pero hindi ko kinaya," mahina niyang sabi. "Sana mapatawad mo ako."

Tumatango ako nang mahina habang sinasabi niya ang mga sinabi niya. Nangingibabaw ang kirot sa akin, para ba akong sinasampal at binabatukan nang sabay at sinisigawan ng 'wala kang pag-asa sa kaniya' nang paulit-ulit.

Heto siya, nakayakap pa rin sa akin. Mukhang wala siyang balak humiwalay. At dahil mas matangkad siya sa akin, 'yong mukha niya nakapatong sa batok ko, tumataas ang balahibo ko nang maramdaman kong dumadampi sa balat ko ang labi niya. May sinabi siyang hindi ko naintindihan.

Dahilan para magsalita na akong muli. "Ano?"

Tinanggal niya ang pagkakayakap sa akin at iniharap niya ako sa kaniya. "Sabi ko, na-enjoy ko 'yon."

Nagkasalubong ang mga mata namin. Ramdam ko na ngayon na hindi na talaga siya nagbibiro o nanggagago.

Hinalikan niya ako. Mga ilang segundo rin 'yon, at pagkaputol niya sa paghalik sa akin, ramdam na ramdam ko pa rin 'yong mga labi niya sa labi ko.

Natulala ako sa ginawa niya. Hindi ko alam ang gagawin ko, parang gusto ko na lang mahimatay sa kilig. Nakita ko siyang parang natatawa, pero iba ang tawa niya, nahihiya na ewan; ganiyan siguro siya kiligin. Nakakatuwa siyang tingnan.

Nahiga siya ulit sa kama ko at nagtakip ng unan. Ako, 'di ko pa rin alam ang gagawin ko.

"Levy!"

Narinig kong may pumasok sa bahay, boses ni Ate 'yong tumatawag sa pangalan ko. Dali-dali akong lumabas ng kwarto ko, may sinabi sa akin si Jeremy pero hindi ko narinig.

"Ate, nakauwi ka na," sabi ko sa kaniya.

Nakakapagtaka naman 'yong hitsurang binibigay ni Ate sa akin. Saka ko lang naalala na naka-boxer shorts lang pala ako. Nag-akma akong babalik sana ng kwarto nang bumangga ako sa isang pader, na si Jeremy pala.

"Tumabi ka nga," sigaw ko sa kaniya.

"Pasensiya na po, Ate, magandang hapon po," rinig kong sabi ni Jeremy kay Ate.

Nagmadali akong nagsuot ng shorts at lumabas na agad. Takang-taka at mukhang gulat na gulat ang hitsura ni Ate. Hindi na lang sa akin, kun'di pati na rin kay Je. "Ano'ng pinaggagawa niyo rito sa bahay?"

Mukhang iba ang pagkakaintindi ni Ate sa mga hitsura namin. "Wala kaming ginawa rito, Ate, kakarating lang din namin," sabi ko na medyo nauutal.

Tumatango lang si Jeremy. Halata mong nahihiya siya dahil sa mukha niyang namumula.

"Sige sige, uhm, kumain na ba 'yang kaibigan mo?" Tanong sa akin ni Ate. Napansin niya sigurong ang awkward na ng pag-uusap namin.

"Hindi pa. Magpapahinga lang daw siya saglit dito sa bahay, hindi kasi siya makapasok sa bahay nila," sagot ko kay Ate.

Sinuot na muli ni Jeremy 'yong T-shirt niya at naupo ulit sa supa. Si Ate dumiretso sa kusina, hinila niya 'yong braso ko na utos para sumunod sa kaniya.

"Ikaw, bading ka, ano'ng ginagawa niyo rito," mahinang tanong ni Ate, pero pabiro.

"Wala, gaga," sagot ko naman sa kaniya. "Kararating lang din namin dito sa bahay."

"Ikaw ha, sige, patulugin mo na 'yang si Jeremy."

Iniwan ko siya sa kusina. Pagkarating ko ng sala ay wala na si Jeremy roon. Naisip kong nasa kwarto ko na siya.

At nandoon nga, at feel at home na feel at home si gago.

Wala na siyang pantaas ulit at para bang pagud na pagod (totoo nga naman). Ang sarap niyang tabihan.

Naupo ako sa tabi niya at nag-cellphone. Kahit gustung-gusto ko siyang kuhanan ng litrato, ay ayaw ko, para ko nang inabuso ang pagkatao niya.

Habang nagkakalikot ako ng telepono ko, naramdaman ko siyang gumalaw sa pagkakahiga niya. 'Yong kamay niya gumapang sa tiyan ko at para niya ba akong hinihila papunta sa kaniya.

"Payakap, Levs," sabi niya. "Tabi ka sa akin, dali." Nanlalambing ang boses niya na ikinangiti ko naman. Naalala ko na naman 'yong paghalik niya sa akin kanina.

Ang lambot ng bibig niya, parang marshmallow, ang sarap ulit-ulitin sa isip ko 'yong mga pangyayaring 'yon.

Nahila niya nga ako pahiga sa kama, at tuluyan niya na nga akong niyakap nang buo at mahigpit. Hindi ako humarap sa kaniya kasi nahihiya ako. Makita niya pang namumula ako.

"Namumula tainga mo oh," sabi niya sabay tawa at kinurot nang mahina 'yong tainga ko. "Kinikilig ka, 'no?"

Nanahimik lang ako. Traydor na tainga.

"Harap ka naman sa akin. Kiss mo ako ulit."

"Ayaw ko."

Lumayo siya sa akin nang padabog. "Hmp! Damot."

Humiga ako nang maayos. Ano kayang nangyayari sa lalaking 'to? Tuluyan na atang na-bading sa akin. Humarap ako sa kaniya, siya naman ang nakatalikod. Mahina ko siyang tinanong: "Bading ka na, Je?"

Hindi niya ako inimikan. Hindi ko alam kung bakit pero lumapit 'yong kamay ko sa kaniya para hawakan 'yong braso niya para kalabitin siya, dahil gusto kong malaman 'yong sagot niya. Para hindi na ako umasa.

Bigla naman siyang humarap sa akin. "Oo…

Parang nabibingi ako sa tambol ng dibdib ko.

"…sa'yo."

Hinahabol ko ang hininga ko. 'Di ako makahinga.

Related Stories

Mencircle

Fratboy (Part 2)

By: DonJuan Ilang Buwan..narin ang nakalipas mula nung nasaksihan ko ang pagtatalik ni Sir bert at alvin.. hindi ito mawala sa isip ko.... Ultimo s
11 Minutes
Mencircle

Mga Bisita ni Kuya

By: Lito Semestral vacation na naman kaya magugulo na naman ang buhay ko dito sa bahay. Uuwi na kasi ang nag-aaral kong kapatid sa Maynila na si Ku
52 Minutes
Mencircle

Pinsan ni Tropa

By: ur_engineer Gusto ko lang mag share ng first experience ko with a guy. Naisipan kong e share ang kwento ko dahil nagkita kami ulit ng taong nag
7 Minutes
Mencircle

Masarap na Buhay sa Probinsiya (Part 5)

By: Marc Angelo Mga alas siyete ng umaga nang umalis sila Josh, Ron at Ate Mercy. Di na naabutan ni Clyde ang kanilang pagaalis dahil l
9 Minutes
Mencircle

Dream Come True (Part 1)

"Paano ako makakacode ng system na to kung di naman tinuro samin mga gagamitin na components kung paano gamitin?" sabi ko sa sarili ko habang nakati
11 Minutes
Mencircle

Daddy ni Nico

By: Aaron Bilang isang tao na may pakiramdam at rasiyonal kung mag-isip, magmahal, at makiramdam ay likas na sa atin ang humanga sa taong may kakai
40 Minutes
Mencircle

Masarap na Buhay sa Probinsiya (Part 4)

By: Marc Angelo Naglinis na at nagsuot muna ng shorts na sila Josh at Clyde at nagpahinga muna saglit. C: "mukhang napagod ka bunso a
10 Minutes
Mencircle

Dugo ng Kamunduhan (Part 4)

Pagsasalo By: gletorma25 Back story sa father-in-law ng ating bida: Tagaktak ang pawis. Hinahabol ang hininga. Hingal na hingal. Nakahilata’t
29 Minutes
Mencircle

Masarap na Buhay sa Probinsiya (Part 3)

By: Marc Angelo Maagang nagising si Renz para gawin ang mga trabaho sa farm, nagkape muna siya at tumambay sa isang kubo na katabi ng m
9 Minutes
Mencircle

Masarap na Buhay sa Probinsiya (Part 2)

By: Marc Angelo Kinagabihan ay dumating na ang pamangkin ni Ate Mercy na si Josh. J: "Magandang gabi po, Sir Clyde." C: "Magandang g
10 Minutes
Mencircle

Ang Groom at Kanyang Bestman (Part 3)

By: Lito Nagkaroon ng pagtatalo ang bestman at groom ng dahil sa hindi maipaliwanag na selos. Muntik pa silang magkasakitan. Mabuti na lamang at is
19 Minutes
Mencircle

Masarap na Buhay sa Probinsiya (Part 1)

By: Marc Angelo Si Clyde ay galing sa isang mayamang pamilya na may ari ng isang farm sa Batangas at siya ang naatasang mamahala sa kan
9 Minutes
Mencircle

Ang Groom at Kanyang Bestman (Part 2)

By: Lito Pagpasok pa lang ng bahay ay nakorner na si Bryan ni Keno. “Nabitin ako kanina. Wala ka nang kawala ngyon.” Mariing hinalikan nito ang
21 Minutes
Mencircle

Barkadang Mamamakla (Part 13) Finale

Kambal na Ligaya By: Lito Magaan na magaan ang aking pakiramdam simula ng mangyari iyon. Masigla ako sa aking trabaho, walang reklamo kahit pa mat
15 Minutes
Mencircle

Ang Groom at Kanyang Bestman (Part 1)

By: Lito Ikakasal na ang kapatid ni Bryan na si Ellaine sa nobyo nitong si Keno for five years. Matagal nilang pinaghandaan ang kasal na ito kaya m
20 Minutes
Mencircle

Barkadang Mamamakla (Part 12)

Shopee Delivery By: Lito Naaisipan kong mag-ayos ng sarili, nag make-up, lipstick at nag damit pambabae. Ang ganda ko pala kung naging tunay akong
21 Minutes
Mencircle

Barkadang Mamamakla (Part 11)

Si Vernie By: Lito Naging wild ako nitong nakaraang gabi. Hindi ko sukat akalain na magagawa kong makipagtalik sa apat na barkadang mamamakla sa l
19 Minutes
Mencircle

When You're Not Around (Part 3)

By: KenKlark "IT WAS A MISTAKE," YOU SAID. BUT THE CRUEL THING WAS, IT FELT LIKE THE MISTAKE WAS MINE, FOR TRUSTING YOU. — LADY GAGA EMIL'S POINT
19 Minutes
Mencircle

Barkadang Mamamakla (Part 10)

Me, Being Wild By: Lito Nakipag-break na ako kay Jomar dahil sa kataksilang ginawa niya sa akin. Tatlo kaming pinagsabay sabay niyang syotain, iyo
21 Minutes
Mencircle

Macho Dancers (Part 3) Finale

By: Lito Sa Birthday Party ni Macho Dancer Jose Hindi agad naulit ang enkwentro nina Romeo at Manny. Madalas na magtext o tumawag si Manny sa una
21 Minutes
Mencircle

Macho Dancers (Part 2)

By: Lito Ang Macho Dancer na si Manny Ating alamin ang naging pagbabago sa buhay ni Romeo matapos siyang ikasal at matapos makaranas ng pakikipagt
16 Minutes
Mencircle

Barkadang Mamamakla (Part 9)

Break-up By: Lito Napakasakit pala talaga ang pagtaksilan ka ng iyong minamahal, lalo na kung sariling mong mga mata ang nakasaksi sa kataksilang
22 Minutes
Mencircle

Napagtripan ang Kaibigan

By: Lito Sa isang unibersidad sa Baguio nag-aaral si Kyle. Kumukuha siya ng kursong Information Technology o IT. Apat silang magkakaibigan at magka
23 Minutes
Mencircle

Macho Dancers (Part 1)

By: Lito Stag Party Matagal nang magkasintahan sina Rona at Romeo at ngayon nga ay naisipan na nilang magpakasal. Nagkasundo ang dalawa na isang s
20 Minutes
Mencircle

When You're Not Around (Part 2)

By: KenKlark "I DO NOT WANT TO BE ALONE FOREVER, BUT I CAN BE TONIGHT." — LADY GAGA KEVIN'S POINT OF VIEW "Napapadlas ang mga pag-uuwi mo ng gab
19 Minutes
Mencircle

Barkadang Mamamakla (Part 8)

Napakasakit Kuya Eddie By: Lito Hindi ako nakaiwas sa tukso. Nagtaksil ako sa aking mahal na si Jomar. Ang hindi maganda ay sa pareho pa niyang ba
21 Minutes
Mencircle

When You're Not Around (Part 1)

By: KenKlark "YOU FOOLED ME AGAIN." — LADY GAGA KEVIN'S POINT OF VIEW Takot na takot ako nang mabangga ng kotse ko ang isang isang lalaki na nag
19 Minutes
Mencircle

Barkadang Mamamakla (Part 7)

Nadarang..Natukso..Bumigay By: Lito Hindi ko malilimutan ang naging karanasan ko sa sex sa una kong boyfriend na si Jomar. Napapanaginipan ko pa a
20 Minutes
Mencircle

Bakasyon Grande sa Batanes (Part 3) Finale

Pahabol Mula Batanes Hanggang Manila By: Lito May usapan kami ni Gerry na magtatagpo sa gabi. Pasado alas diyes na ay wala pa siya. Nainip na ako
20 Minutes
Mencircle

Dugo ng Kamunduhan (Part 3)

Pagsasalo By: gletorma25 Mabilis na dumaan ang mga araw. Maglalabinlimang linggo na ang dinadala ni Diana sa kanyang sinapupunan. Maselan man ang
35 Minutes
Mencircle

Dugo ng Kamunduhan (Part 2)

Panibagong Kalaro By: gletorma25 Sa sumunod na mga araw ay naging payak naman para sa mag-anak ni Mang Pablo kasama ang kanyang manugang na si Man
22 Minutes
Mencircle

Kakaibang Init (Part 2)

By: MJC Paalaala: Lahat ng mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang. Ang ano mang pakakatulad sa mga nalathalang babasahin ay hindi sinasadya.
5 Minutes
Mencircle

Barkadang Mamamakla (Part 6)

Food And Sex Delivery ng Una Kong Boyfriend Part 5 and 6 has been switched before. Please read the new updated Part 5.By: Lito Nagsitayuan na kami
22 Minutes
Mencircle

Barkadang Mamamakla (Part 5)

Istorya ni Jomar By: Lito Habang gumagawa ako ng tulog ay kung ano ano ang aking naiisip matapos ang mainit na pagtatalik namin ni Ronron. Parang
22 Minutes
Mencircle

Manong Rodel

Driver/Lover By: Christopher Greetings to the readers. I am Christopher. From La Union. 38 years old. I am not a regular visitor of the website
13 Minutes
Mencircle

Dugo ng Kamunduhan (Part 1)

Nang Dinalaw Ako Ng Estranghero Isang Gabi By: gletorma25 Read Prologue “Ahhhh... ahhhh...” “Ahhh... ahhh...” Mahihina pero buong buong mga un
28 Minutes
Mencircle

Bakasyon Grande sa Batanes (Part 2)

Huling Hirit By: Lito Nagkita kami sa lobby ng hotel ng magsyotang sina Gerry at Melissa. Nakipagkwentuhan sila sa akin at naisipan naming uminon
21 Minutes
Mencircle

Kakaibang Init (Part 1)

By: MJC Paalaala: Lahat ng mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang. Ang ano mang pakakatulad sa mga nalathalang babasahin ay hindi sinasadya.
8 Minutes
Mencircle

Dugo ng Kamunduhan

Panimula Bago ang Unang Kabanata By: gletorma25 Note - m2m po ito. prologo lamang itong chapter na to. “Eto na ko, haaa... haa. Putang ina eto n
19 Minutes
Mencircle

Gapang

Panibagong Kwento By: Lito Masaya kaming naguusap habang nakain ng tanghalian nang aking mga kaklase na sina Neil, Jonjon at Ronnie tungkol sa pag
21 Minutes
Mencircle

Ang Dabarkads at si Manong

By: Lito Matandang binata si Pedring, kilala sa tawag na Manong Pedring o Manong sa mga kalugar, 45 taong gulang. Mabait na tao si Manong, matulung
23 Minutes
Mencircle

Bakasyon Grande sa Batanes (Part 1)

Unang Hirit By: Lito Februry 2018, ng pumunta ang barkada ng Batanes. Matagal na namin plano ito na makarating sa malayong islang iyon na palaging
22 Minutes
Mencircle

Friends' Zone (Part 2)

By: Cupid Lumipas ang isang linggo mula nung may nangyari sa amin ni Ace sa camping. Nagdesisyon na din ako na huwag nalang sabihin sa kanya iyon d
11 Minutes
Mencircle

Friends' Zone (Part 1)

By: Cupid Tawagin niyo nalang ako sa aking palaway na 'Rob', labing-pitong taong gulang, at nasa Grade 11 na sa Senior High. Isa akong typical na k
13 Minutes
Mencircle

Barkadang Mamamakla (Part 4)

Unang Tikim Kay Ronron By: Lito Naubusan ako ng bigas kaya dumaan ako ng palengke para bumili. Bumili na rin ako ng konting grocery at karne para
24 Minutes
Mencircle

Barkadang Mamamakla (Part 3)

Si Ivan Na Naman By: Lito Naulit muli ang mainit na tagpo sa pagitan namin ni Ivan. Kung noong una ay walang halik halik sa labi, nito ngang huli
20 Minutes
Mencircle

Home Alone

By: Lito Naranasan na ba ninyo ang maiwang magisa sa inyong bahay? Ano ano ang ginawa mo at pinagkaabalahan habang nagiisa ka sa inyong bahay? Isa
26 Minutes
Mencircle

Barkadang Mamamakla (Part 2)

Si Ivan Pa Rin By: Lito Natukso akong patulan si Ivan. Bakla lang kaya madali akong matukso lalo na sa mga gwapo at batang lalaki na tulad niya. H
19 Minutes
Mencircle

Ang Tatay ni Sam (Part 2)

By: Idge Nagising akong masakit ang ulo. Nakasando at brief pa rin ako gaya ng suot ko kagabi bago ako nawalan ng malay. Umaga na. Nakita ko sa wal
13 Minutes
Mencircle

Barkadang Mamamakla (Part 1)

Si Ivan By: Lito Paunawa: Ang kwentong ito ay may temang pag SPG at hindi angkop sa mga mambabasa na wala pang sapat na gulang. Kathang isip lang
23 Minutes
Mencircle

Ang Tatay ni Sam (Part 1)

By: Idge Sa wakas ay nakuha ko rin ang matamis na oo ni Sam. Matagal ko na siyang nililigawan, college palang kami, kaya laking tuwa ko nung napasa
14 Minutes