Darating at Darating (Part 1)
~~By: Yue~~
Sabi nila, darating at darating daw sa buhay natin yung isang taong babago sa takbo nito. Yng taong magpapatibok ng puso mo, yung moment na titigil ang ikot ng mundo para sayo kasi alam mo exactly na ito na yun - na siya na nga.
Tawagin nyo na lang ako sa pangalang Yue, as usual ay hindi ko tunay na pangalan. Nag-aral sa isang sikat na unibersidad sa kalakhang Maynila. Simple lamang na tao na may simpleng mga pangarap sa buhay. [Hindi ko na idedescribe pa ang aking itsura, dahil hindi naman iyon ang punto ng kwento]
Naging mahirap ang simula ng mga taon ko sa kolehiyo dahil na rin sa laking probinsya ako. Bukod pa doon ay matindi ang pagiging broken-hearted ko noong high school. Dahil oo, naging kami ng best friend ko. Sa loob ng halos 2 taon. Siya rin ang nagmulat sa akin na pwede pala talaga ang mga ganitong relasyon. Nang mga panahong iyon ay masasabi ko sa sariling mahal na mahal ko siya. At parang hindi na yata ako iibig pa.
[Unang Araw sa Kolehiyo (June 2010)]
Natapos ang unang araw sa klase, paglabas ko sa main building - bumubuhos ang ulan. Doon ko siya unang nakita. Ang singkit nyang mga mata, makinis na balat, at ang maganda nyang ngiti dulot mapuputi at pantay pantay na mga ngipin. Sinusugod ang malakas ng buhos ng ulan patungo sa silong ng building. O tila ba patungo sa akin.
Nang bubuksan ko na ang dala kong payong ay siya niyang pagsasalita.
"Taga-saan ka?"
"Diyan lang sa Dapitan."
"Doon din ako. Pwede bang makisabay?"
At iyon nga ang nangyari. Sabay kami. Sa silong ng aking payong. Sa gitna ng malakas na ulan. Doon kami unang nagkasama.
[Matapos ang 4 na buwan]
Hindi ko na siya muli pang nakita. Pero kinilala ko siya bilang si 'Engineering Guy' base kanyang uniform. Ni hindi ko man lang nahingi ang kanyang pangalan.
Application noon sa mga organizations. Pinili kong sumali sa isang univ-wide na organization. At iyon ang unang araw ng general assembly. Nakita ko siyang muli. Kaunting ngiti lamang ang naibigay namin bilang pagbati sa isa't-isa. Natapos ang general assembly nang hindi pa rin kami nagkakakilala.
[General flow]
Naging aktibo ako sa organization na iyon. Napadalas ako sa office na siyang tambayan ng mga staff. Naging isa akong officer nang semester din na iyon. Madalas kaming magkita. Ako bilang isang loner na humahanap ng mga bagong kaibigan. At siya kasama madalas ang mga barkada at kaklase nya na kadalasan ay nag-aaral sa org room. Doon ko siya nakilala sa kanyang pangalan, Niel. Hanggang sa naging magkaibigan kami.
Napadalas ang kwentuhan namin sa kanya kanyang buhay. Inamin nya rin sa akin na isa siyang bisexual kaya mas naging close kami. Yung tipong nasasabi nya sa akin ang mga bagay na hindi niya nasasabi sa iba. Kung sino ang dinedate nya. Mga sex experiences nya. Mga crush nya. Naging ganoon kami.
[UNIV-WIDE ELECTIONS]
Tumakbo kami sa ilalim ng magkalabang partido at sa iisang posisyon. Pero hindi nawala ang komunikasyon namin sa isa't isa. Sa huli ay nanalo ako na maluwag nya namang tinanggap. Kinuha ko siya sa team ko bilang head.
Doon mas naging madalas ang aming pagsasama. Tuwing matatapos ang klase ay sa org room na agad ang derecho. Doon na rin naghahapunan at gumagawa ng mga proyekto na siya naming ipinangako sa mga kapwa estudyante. Mahusay ang aming naging teamwork. Hanggang sa umabot na sa punto na hinahanap na namin ang isa't isa.
[Sembreak]
N- "Nasaan ka? Kelan ka luluwas?"
Y- "Why?"
N- "Wala, parang angtagal ng sembreak. Miss ko na ang office."
Y- "Ah. Malapit na yan. Enjoyin muna natin ang bakasyon"
N- "Kita naman tayo."
At sa kabila ng mga araw ng breaks ay nagkikita kami. Hindi ko rin alam kung bakit ba parang hinahanap ko rin sya. Na parang hindi normal ang buong isang araw na hindi kami nagkikita. Pero walang malisya sa isa't isa.
[Study buddy offer]
Hanggang sa lalong lumalim ang samahan naming dalawa.
N- "Yue, nahihirapan na tayo ngayong 2nd sem. Siguro dapat mag-aral tayo ng sabay para mabalanse din natin ang acads."
Y- "Sure."
At yun nga ang nangyari. Sa tuwing uwian na ay mag-aaral kami sa mga fastfoods (kadalasan sa mcdo na 24hours). Pero mas nauuwi sa kwentuhan, pakikinig ng music at tawanan. Sa huli ay effective naman.
Hindi ko nga ba alam. Hindi kami parehas ng kurso pero ang taong ito…. Kahit hindi nya alam ang subject na inaral ko ay pinipilit nyang makarelate. Sa kabilang banda ay nagiging interesado rin ako sa mga subjects nya. [Or should i say courses]
[Pagtatapat]
Hanggang sa isang araw sa lugar ding iyon (Mcdo) bandang alas-11 ng gabi ay nangyari ang hindi ko inaasahan. Habang nagbabasa ako ng handouts ko. Inabot nya sakin ang tissue na may nakadrawing…
Isang bahay, may stickman na nakangiti. May araw na nakangiti at mahaba ang mga sinag. Sabay sabing…
"Dapat lagi ka lang naka-smile. Parang 'Good Morning Sunshine!'"
At umandar ang pagkapilosopo ko. Sa likod ng tissue at nagdrawing ako ng bahay na lubog sa bahay. Ulap na may kidlat at buwan na nakasimangot.
"Ayoko ng sunshine. Gusto ko moonlight. Saka hindi dapat laging masaya."
Ginantihan lang niya ako ng ngiti. At ang mga sumunod na salita ay hindi ko inasahan… [tila bumagal ang oras, tumigil ang mga tao sa paligid, at wala na akong nakikitang iba kundi ang taong nasa harap ko]
"Ang cute mo talaga. Alam mo bang crush na crush kita."
Wala ako masabing mga salita.
"Ha?" ang tangi ko lang nasambit.
At sinabayan nya lang ako ng tawa.
"Tara na umuwi na tayo."
Tahimik pa rin ako sa labas. Siya ay punong puno ng salita na hindi ko na lubos maintindihan. Sa isip ko ay hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari ang lahat.
"Itago mo yang tissue na yan ha. Wag mong masyadong isipin. Hindi mo naman kailangang sumagot. Basta kapag may gusto kang sabihin pwedeng pwede mo naman akong kontakin."
Continue Reading Next Part