Ma at Pa
~~By: Kenshin~~
Pagpili?
Kailangan nga ba talaga natin mamili?
Lagi nga kaya tayo may pagpipilian?
Confused na ba? well, di lang naman kayo pati ako eh nalilito na din.
Kenshin: ay sus, magtigil nga kayong dalawa, infairness ah lakas ng trip niyo, kung makapagsalita parang totoo. (nag walk out ako)
Jay Sean: Kenshin, susunduin kita mamaya ah. (pasigaw niyang sinabi dahil papalayo na ako)
Ralph: wala kang susunduin mamaya dahil ako ang maghahatid sa kanya sa bahay niya (face to face niyang sinabi kay Jay Sean)
Jay Sean: bago mo magawa iyun ay uunahan kita (tugon niya kay Ralph)
Mia: oops oops oops.. (habang pinaghihiwalay niya ang dalawa) sabi ni Kenshin diba tigil na basta gawin niyo nalang best niyo para sa friend ko and then tapos ang diskosisyon, ok?
Umalis na din si Mia at sinundan ako. Sumakay na si Jay Sean sa kotse niya at pumunta na si Ralph sa kabilang building para sa klase niya.
Mia: grabe ka friend hindi mo manlang inawat yung dalawa.
Kenshin: inawat ko kaya diba nga sabi ko sa kanina tama na.
Mia: pero infairness ah ang ganda mo dun sa part na iyun, tiyaka may napansin akong kakaiba sa nangyari kanina pero hayaan mo na baka naman ok lang yun.
Kenshin: huh? di kita magets, anong iba?
Mia: wag mo muna isipin yun, ang isipin mo kung pano mo aasikasuhin yang dalawang manliligaw mo.
Kenshin: sus, sa tingin mo totoo yun?
Mia: sa bagay may point ka, pero isipin mo, bakit kailangan nila gawin ang magtalo sa kagandahan mo sa public na napakaraming student sa paligid at take note baka magtrending pa iyan dahil baka may
nakaisip i-video ang eksena niyo kanina.
Kenshin: wag ka mag-alala ipapatumba ko agad kung sinu man ang may balak ipatrending ang eksena kanina, teka nga pala asan na yung dalawang mokong?
Mia: oh diba hinanap mo din, muntik ulit magsabong pero napigilan ko, nagsipuntahan na sa kani-kanilang lungga.
Kenshin: teka, may isang mokong pa akong hinahanap.
Mia: hoy, wag ka ambisyosa, dalawang ang manliligaw mo, lakas na nga makaganda ng dalawa naghahanap ka pa.
Kenshin: gaga, hindi yun, ang baklang Shella nasaan na ba?
Mia: speaking po, ayun oh, (sabay turo ni Mia sa malayo at nakita nga namin si Shella na naglalakad habang may pinapanood sa phone niya)
Kenshin: ano kaya tinitignan nito sa phone niya baka madapa yan?
Mia: Ma at Pa.
Kenshin: ano? MAPA? bakla ka, bakit naman kailangan pa mag-mapa ng baklang iyan eh pang dalawang taon na niyan dito maliligaw pa?
Mia: gaga, Ma at Pa, Malay ko at Pakielam ko.
Kenshin: wow ah ang witty ah, eh kung sampalin kaya kita diyan.
Shella: (nakalapit na sa amin pero parang iiyak na) bakit? bakit ganon?
Mia: huh? anong pinagsasabi mo?
Kenshin: bakit? ano bang nangyari?
Shella: anong nangyari? tinanong mo ako? hindi mo alam ang nangyari? (galit niyang sinabi iyun at inabot sa akin kung ano yung pinapanood niya sa phone niya) alam mo naman na gusto ko Jay Sean eh bakit hinayaan mo pa rin siyang manligaw sayo? ano bang meron ka na wala ako?
Kenshin: kagandahan, ay este, hindi naman totoo yan Shella wag ka ng magalit, wala naman katotohanan yan.
Shella: walang katotohanan? ano ito? porket papasok ka sa theater guild eh umaarte na kayo ng ganyan sa public? hindi ako maniniwala sayo, F.O. na tayo. (sabay nag walk out siya)
Kenshin: huh? ano yung F.O.? nakulangan yata siya ng U sa unahan nun dahil sa galit niya.
Mia: F. O. means Friendship Over teka sundan ko lang ah para maliwanagan
Kenshin: sige sige.
Sinundan ni Mia si Shella at dumeretso na ako sa klase namin at sabay bawat naging klase namin ng araw na iyun ay talagang di niya ako pinansin hanggang sa nag uwian na.
Mia: Kenshin, una na kami ah, tingnan mo oh ang bilis kasi lumabas nung isa (sabay turo kay Shella na nasa pintuan na ng classroom namin)
Kenshin: sige sige, ingat kayo.
Mia: ok.
Mag-isa akong naglalakad sa hallway ng biglang may lumapit sa akin na babae.
Babae: diba ikaw yung kanina?
Kenshin: huh? ano po?
Babae: yung kanina sa labas, yung pinag-aagawan ka.
Kenshin: aaahh, wala po iyun, wag niyo na pong isipin.
Babae: ang galing niyo nga kanina eh parang totoo talaga, minsan talaga kayong mga theater actors kahit san nalang kayo madatnat para magpractice eh gagawin niyo na ng walang alinlangan pero ang galing talaga, fan mo na po ako.
Kenshin: aahh, ganon po ba sige po salamat po.
Medyo natatawa ako sa sinabi nung babaeng iyun, inisip ko tuloy na kung mukha ba akong taga-theater? pero ok na din iyun atleast mukha lang acting ang eksenang yun. Uwian na pero hindi ako nagmamadaling lumabas ng room at bigla kong hinila si Mia.
Kenshin: Mia, help me.
Mia: oh bakit? ano bang nangyari sayo?
Kenshin: sampalin kaya kita diyan yung dalawang mokong kasi ang tinutukoy ko diba kaya help me.
Shella: bakit ang tagal mo Mia? tara na!! (sigaw niya)
Mia: sa likod ka nalang dumaan para di ka makita ok, sige na para hindi magbeast mode yun.
Kenshin: sige salamat, sana maging ok na kami niyang sumigaw na iyan.
Mia: magiging OK din kayo niyan in time but this time we have to go.
Kenshin: haha.. ok ah salamat sa tamang grammar.
Mia: may mali ba?
Kenshin: ay ambot. hahaha..
Hinila na ni Shella si Mia at ako nalang ang natira sa classroom namin, nag-ayos lang ako ng gamit ko at lumabas na ako at katulad ng sinabi ni Mia na dun ako sa likod dumaan ayun ang ginawa ko. Habang naglalakad ako sa likod ng EAC at lumingon ako sa likod ko nagulat ako sa nakita ko na si kuya Ralph ay papunta dun sa building kung san ang classroom ko dahil sa kaba ko na baka makita niya ako ay bigla akong tumakbo at minu-minuto akong nalingon sa likod ko kung nakita ba ako ni kuya Ralph dahil pakiramdam ko ang napansin niya ako nung lumilingon siya sa paligid hanggang sa bigla akong nabangga sa isang student ng TUP at nasalo naman niya ako na nakaliyad ako at nakatingin siya sa akin.
Kenshin: sorry.
PJ: ok lang buti nalang nasalo kita, ako nga pala si PJ.
Kenshin: salamat PJ, ako si Kenshin, ang lakas ko makababae sa posisyon natin parang last step ng walts at liyad na liyad naman ako, puwede na bang tumayo?
PJ: bakit di ka ba babae?
Kenshin: wag ka mag-alala pagpuke na ako, tayo na dali!!
PJ: tayo na agad eh wala pa nga akong ginagawa.
Kenshin: wow ah hindi ka din presko ah, tayo as in to stand, stand, stand up, oh ano pa baka nakukulangan ka pa. (tinayo na niya ako sa pagkakaliyad ko sa braso niya)
PJ: sus kunwari ka pa bakit di mo ako gusto?
Kenshin: wow ah kakaiba din ang self confidence mo ah medyo ang taas ah.
PJ: bakit mali ba ang sinabi ko? (nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko na akmang hahalikan ako sa labi at siya ay nagpapa cute)
Kenshin: i have to go baka maabutan pa ako dito. (naglakad na ako sa dereksyon papuntang mall)
PJ: huh? ui teka lang, (hinahabol niya ang paglalakad ko) san ka pupunta? samahan na kita.
Kenshin: hala siya, feeling close? (pagmamaldita ko) sa mall ako pupunta.
PJ: lalakarin lang natin?
Kenshin: bakit sinabi ko bang sumama ka? tiyaka bakit sumusunod ka ba sa akin? diba dun ang dereksyon mo? (tinuro ko papunta sa EAC)
PJ: grabe naman ito, dito din daan papunta school ko di sana ako papasok kaya papasok nalang ako kasi andito na naman tayo at ayaw mong samahan kita. (sabay turo niya sa TUP)
Kenshin: naku magpapasalamat pa pala ang school mo sa akin, oh siya diyan ka na.
Iniwanan ko na siya sa kanto ng TUP at ako ay dumeretso na sa mall dahil dun ang alam kong may terminal pa uwi sa bahay kaya pagdating ko dun ay nakasakay agad ako ng FX. Habang nasa FX ako, napagtanto na sana pala nagpasama nalang muna ako sa makulit na PJ na iyun para kahit paano malibang ako at nagkaroon ako ng bagong friend kaso wala sa isip ko iyun dahil sa pagtago ko kay Jay Sean at Ralph. si PJ pa naman ay singkit, maputi, 5'8" ang tangkad, mapula ang labi, at halatang maangas pumorma dahil sa mga blings niya na napansin ko, yung parang kala mo rider ng mga malalaking motor kasi meron silang mga parang sabitan ng tag sa gilid ng pants nila, basta parang ganon hirap ipaliwanag, hahaha, kaya maitsura naman siya kaya lang di ko masyadong pansin kasi nga iniisip ko na makauwi na ako agad. Pagdating ko sa bahay, nakahanda na ang pagkain kaya kumain na agad ako habang kumakain ako ay biglang nag ring ang cellphone ko kaya tinignan ko agad ito at nakita kong tumatawag si Mia.
Kenshin: hi Mia.
Mia: mars, nakita namin ni Shella ngayon sila Jay Sean at Ralph.
Kenshin: oh anong meron na naman sa dalawa at bakit napatawag ka sa akin att kinakabahan?
Mia: kasi mukhang nag-aaway na naman ang dalawa at ikaw ang topic kasi sabi ni Ralph na pag-usapan na nila ang tungkol sayo. (tinapat niya ang cellphone niya sa pag-uusap ni Ralph at Jay Sean dahil narinig ko na ito ng mas malinaw)
Ralph: oh sumagot ka.
Jay Sean: ano ba gusto mo pag-usapan tungkol kay Kenshin?
Ralph: about what you said, wag mo sabihin sa akin na nakalimutan mo na yung tungkol sa wins
Jay Sean: huh? napakamakata mo naman pre, hindi kita maintindihan.
Ralph: may the best man wins, gumamit ka ng katagang hindi halata para hindi nila mapansin na gusto mong paghatian nalang natin si Kenshin, dahil wins ang sinambit mo at hindi win.
Jay Sean: shit, wins ba sinabi ko?
Ralph: oo Jay Sean, pano ba gustong mangyari? akin siya sa umaga at sayo siya paggabi? papayag naman ako hindi na masama yun dahil mas pera ang tao sa umaga kaya akin lahat ng pera niya sa umaga at wala ka na sa gabi, dahil panigurado na chupa nalang ang sayo sa gabi.
Jay Sean: gago ka ah, hindi pera ang habol ko kay Kenshin, mahal ko talaga siya.
Ralph: mahal? gago ka pre, madaming babae diyan oh gamit ang pera ng baklang iyun makakapang chicks ka pa utuin mo lang.
Mia: anong akala mo kay Kenshin? banko? gago ka ah, nakakapunyeta na iyang sinasabi mo ah.
Shella: tama, mga bwisit kayo kunwari pa kayo manliligaw kay Kenshin ayun pala pera lang ang habol niyo sa kanya at balak niyo pa siyang gaguhin
Ralph: kanina pa kayo diyan?
Mia: oo at rinig na rinig namin lahat
Jay Sean: hindi ko siya kasabwat hindi ko sinasang-ayunan ang mga sinabi niya
Shella: talaga? eh anong ibig sabihin nag wins? kunwari ka pa eh mas beterano pala yung kausap mong mokong na Ralph na ito.
Mia: Shella Shella, nakalimutan ko si Kenshin nakikinig nga pala siya sa phone. hello Kenshin
Kenshin: salamat Mia dont worry narinig ko lahat, salamat ulit baba ko na itong phone, nakain kasi ako eh, bukas nalang ulit.
Binaba ko na ang phone ko at nalungkot talaga ako sa mga narinig ko na usapan na iyun sa phone, nagkasalpukan silang lahat at panay baho ang umalingasaw. Sobra talaga ang lungkot na nadama ko at nawalan na ako ng gana kaya pag-akyat ko ay nahiga na ako at hindi ko na pinapansin ang tawag ni Mia, mga ilang saglit ay si Ralph at unting minuto lang ay si Jay Sean naman, salitan lang ang tawag nila sa phone ko na pare-pareho kong di pinapansin hanggang sa nakatulog na ako. Pagkagising ko ng umaga ay hinanap ko agad ang lola ko dahil wala na siya sa kwarto niya, pagpunta ko sa sala ay nakita ko si lola na nagkakape.
Kenshin: Lola, ano po almusal natin?
Lola: ayan, pandesal, hindi mo kasi inubos ang pagkain mo kahapon kaya sa isip ko baka nagda-diet ka kaya ayan lang ang binili ko.
Kenshin: lola naman, diet? sa payat kong ito? paano yun? pasensya na po kung di ko naubos yung pagkain ko kagabi. (napayuko nalang ako)
Lola: ok na iyun, ano ba ang naging problema?
Kenshin: wala naman po, ok lang po ako.
Lola: Kenshin, hindi mo ako maloloko sa ganyang bagay. Lola mo ako kaya alam ko kung masaya ka or malungkot ka, kung may problema ka man or wala, kung may itinatago ka sa akin or wala. (may pinakita siyang sulat)
Kenshin:(kinuha ko ang sulat at pagkakita ko rito ay kinagulat ko ang laman nito) san mo po ito nakita?
Lola: diyan sa flower vase, kaya alam kong si Jay Sean ang Mr. Gwapo na nandiyan at akala ni Mia ay di ko sila nakita ng gabing iyan eh nagkakamali sila dahil nagising ako nun at nakita ko si Mia at Jay Sean na buhat ka papasok ng bahay kaya di na rin kita tinanong masyado ng kinaumagahan dahil nasa akin na ang letter na iyan.
Kenshin: (napayuko) sorry po lola.
Lola: oh no more secrets na ah.
Kenshin: opo, sorry po talaga.
Lola: oh siya ok na iyan maligo ka na para makapagready ka na for school
Kenshin: ok po.
Naligo na nga ako nun at naghanda na para sa pag pasok ko at pagbaba ko at pumunta ako ng dining room.
Kenshin: hala siya ang dami. (bumungad kasi sa akin ang parang buffet na almusal)
Lola: oh kain na baka ma late ka pa.
Kenshin: thank you lola (niyakap ko si lola)
Naparami ang kain ko ng araw na iyun kaya ganadong ganado akong pumasok nun, pagdating ko sa school
Mia: girl, ok ka lang.
Kenshin: oo naman, ang dami ko nga inalmusal sa bahay eh.
Shella: friend (nakangiti sa akin)
Kenshin: oh bakit friend? (nginitian ko din)
Shella: huhu friend (yumakap sa akin) sorry ah, mali ako ng ginawa sayo imbis na dapat support nalang ginawa ko inaway pa kita.
Kenshin: sus, ok lang yun, dont worry
Shella: kaso friend pano yung dalawa?
Kenshin: hay naku, buti nalang kamo at nakita niyo yung dalawang yun at nalaman ko na agad ang pakay ng mga iyun atleast di na ako nasaktan pa diba.
Mia: tama, kaya move on na at baka ma-late pa tayo
Kenshin: infairness, ang galing mo sa part na iyan, tara na.
Natapos ang buong araw na hindi ko nakita si Jay Sean at Ralph at panay kaibigan ko lang ang mga kasama ko kaya nung nag-uwian ay mag-isa lang ako naglakad papunta sa sakayan kaso dahil sa gusto ko pa muna maglakad lakad ay nagpunta muna ako sa park mag-isa at habang naglalakad ako ay may biglang kumalabit sa akin.
PJ: pst.. (kinalabit ako)
Kenshin: oh.. (nilingon ko ang kumalabit sa akin) ikaw? (gulat kong sambit)
PJ: mag-isa ka?
Kenshin: bakit? may nakikita ka ba na hindi ko nakikita?
PJ: oo ayan oh.
Kenshin: aaahh.. (napasigaw ako napayakap sa kanila dahil sa paturo niya sa likod ko at pusang dumaan sa likod ko)
PJ: ayan ah, chansing na iyan ah.
Kenshin: ay sorry, ikaw naman kasi eh, ano ba kasi ang ginagawa mo rito?
PJ: park ito, so ano pang inaasahan mong gagawin ko rito?
Kenshin: ng mag-isa?
PJ: ikaw nga mag-isa eh tapos tatanungin mo ako.
Kenshin: wow ah, baradong barado ako ah.
PJ: aahh ganon ba? tara butasan kita para hindi ka na maging barado.
Kenshin: sus dumale ka pa ah.
PJ: sus, ayaw mo?
Kenshin: sus ewan ko sayo wala akong pera at alam ko lahat ng may eksenang ganyan sa akin ay pera lang ang kailangan sa akin kaya please tantanan niyo na ako dahil hindi ako mayaman, wala akong kamag-anak na nagtatrabaho sa banko or may-ari man ng banko at mas lalong hindi ako banko kaya tigilan ako, diyan ka na nga dito na ako.
PJ: wow ah hugot na hugot ah, pera agad hindi ba puwedeng pagmamahal lang sapat na.
Kenshin: letse, humugot ka din. (naglakad na ako)
PJ: pero seryoso, bakit mag-isa ka lang? (sumunod sa paglalakad ko)
Kenshin: umuwi na kasi mga friend ko kaya mag-isa lang ako at medyo gusto ko mag-unwind sa mga nangyayari, mag muni muni baga ganon.
PJ: ano ba nangyari?
Kenshin: una kasi may dalawang lalaki na manliligaw daw tapos ang ending eh ayun nahuli ng mga friends ko na pera lang ang habol sa akin.
PJ: aaahh.. kaya pala ayun ang hugot mo kanina.
Kenshin: sobrang obvious ba?
PJ: hindi, normal lang yan, may mga ganyan talaga, mga lalaking gipit sa bading kumakapit.
Kenshin: (hinampas ko sa braso) dinagdagan mo pa talaga eh.
PJ: (natatawa) haha, sorry na, oh atleast napatawa na kita, self pitty naman kasi ginagawa mo kanina eh, ang pag-unwind sa park dapat may kasama ka, mukmok pag mag-isa ka lang
Kenshin: oo na salamat ah tiyaka pasensya na.
PJ: huh? pasensya?
Kenshin: kasi nasungitan at nahampas kita.
PJ: sus wala yun, basta when you need ah friend, just call me and i'll be there
Kenshin: huh? pano? eh wala naman akong number mo eh ni-facebook nga hindi connected.
PJ: basta gawin mo lang sinasabi ko.
Kenshin: wow ah, lakas mo maka-imaginary friend ah. baka nga imagination lang kita?
PJ: loko, ano ka? bata?
Kenshin: puwede rin depende.. hahaha..
PJ: ayan ah napatawa na kita.
Kenshin: ay talaga ba? pero salamat nag-ease ng unti yung lungkot ko.
PJ: hehe.. you welcome. (sabay ngiti sa akin) oh ayaw mo pa umuwi? hatid na kita.
Kenshin: puwede din tara pero teka, hatid?
PJ: oo hatid nga, bakit? iba ba ang ibigsabihin sayo ng hatid?
Kenshin: eh bakit mo pa ako ihahatid? eh nagko-commute lang ako.
PJ: kaya nga ihahatid na kita kasi may kotse ako kaso dahil hindi ako nagda-drive eh my driver ako.
Kenshin: huh? what did you mean? (biglang may bumusinang kotse na nasa gilid lang pala namin) sa iyo yan? (sabay turo sa kotseng bumusina)
PJ: sa akin talaga? di ba puwedeng sa parents ko?
Kenshin: aaahhh, ok.
PJ: so shall we or we shall?
Kenshin: ikaw bahala?
PJ: edi tara na.
Sumakay na nga kami sa kotse na maihatid nga ako sa bahay, pagbaba ko eh nagpasalamat lang ako at umalis na din siya. Pagpasok ko sa bahay ay bumungad agad sa akin si Jay Sean na naghihintay sa sala.
Kenshin: anong ginagawa mo rito? (galit kong sinabi)
Jay Sean: aaahhmmm..
Lola: apo, uminahon ka, nakapagkwento na siya nangyari kaya siya na andito para humingi ng sorry sayo.
Kenshin: at para ano lola? para lokohin ulit ako? para paasahin ulit ako? para saktan ulit ako?
Lola: sa tingin ko hindi naman sa ganon ngutin… (biglang sumingit si Jay Sean)
Jay Sean: hindi ko gagawin iyun sayo iyun pangako ko iyun.
Kenshin: kahit nagawa mo na, ggrrr.. ewan ko sayo
Nagwalk out ako at lumabas ako ng bahay namin at sinundan ako ni Jay Sean at nung nahabol niya ako ay hinawak na ako sa magkabilang balikat at hinarap niya ako sa kanya at hindi na ako nakagalaw nun.
Jay Sean: bakit ka ba galit na galit?
Kenshin: at sa tingin mo, bakit hindi dapat ako magalit?
Jay Sean: kaya nga magsosorry diba?
Kenshin: hala sorry? ok ka lang ba talaga? may kasabihan nga na tayo or di ko sigurado kung kasabihan nga iyun or sabi sabi lang na kung mahal mo ang isang tao ay hindi ka dapat nagsasabi sa kanya ng sorry.
Jay Sean: oo alam ko yan, so hindi ko na sasabihin sayo yun.
Kenshin: ewan ko sayo, bakit mahal mo ba ako?
Jay Sean: oo at loyal ito.
Kenshin: loyal manakit? hay naku wag ako iba nalang.
Jay Sean: so nasaktan ka?
Kenshin: oo
Jay Sean: so feeling mo niloko kita?
Kenshin: oo
Jay Sean: so ang pakiramdam mo eh pinaasa kita?
Kenshin: oo
Jay Sean: so mahal mo ako?
Kenshin: oo (biglang napatakip sa bibig) hindi, hindi, tumigil ka nga.
Jay Sean: wala ng bawian Kenshin, nasabi mo na eh kaya napapangiti ako habang galit ka eh.
Kenshin: ano ba kasi yung ibig sabihin ng wins na iyun?
Jay Sean: pagnagagalit kasi ako ay nagkakaroon ng 's' lahat ng dulo ng mga sinasabi ko ng hindi ko sinasadya, malnarism baga ganon kaya ganon ang nasabi ko kaya ng nasabi ko iyun ay hindi ko sadya ang bagay na iyun at mabigyan na ng kahulugan ni Ralph dahil sa balak niya sayo pag nakuha na niya.
Kenshin: (natahimik)
Jay Sean: oh ayan ah, hindi na ako magsosorry ah.
Kenshin: at bakit hindi ka magsosorry? nasaktan ako sa nangyari tapos biglang walang sorry!?
Jay Sean: mag I love you nalang ako, ikaw na nagsabi eh hindi ka dapat nagsosorry sa taong mahal mo eh mahal kita kaya hindi sorry at I love you ang ipapalit ko.
Kenshin: ewan ko sayo.
Jay Sean: oh bakit na naman?
Kenshin: mag I love you ka sa akin eh hindi naman tayo.
Jay Sean: so gusto mo tayo na?
Kenshin: oo, ay este, ewan ko di ko alam
Jay Sean: narinig ko iyun ah tayo na ah, ako'y sayo at ika'y akin lamang ah.
Kenshin: kanta pa talaga yung sinabi mo ah,
Jay Sean: bakit di mo ba nagustuhan?
Kenshin: hindi ko alam, bahala na.
Jay Sean: wala ng bawian akin ka na at sayo na ako ah.
Kenshin: oo na sige na.
Nagtatatalon si Jay Sean sa tuwa dahil napasagot na niya ako at niyakap pa niya ako ng mahigpit at biglang bumuhos ang ulan kaya magkayap kami sa kanto ng street namin kaya sa tingin ko na walang nakakakita sa amin habang magkayakap kami sa ulan. Naglakad na kami sa ulan pauwi sa bahay at pagdating namin sa bahay ay hindi muna kami bumasok sa sala at naupo lang muna kami sa pinto at naupo kami dun na magkaholding hands napasandal ako sa balikat niya, mga ilang minuto pa ay may kumalabit sa akin.
Jay Sean: ui sweetie, bakit parang ang layo ng iniisip mo nasa pool kaya tayo oh
Kenshin: aaahhmm, wala naman sweetie may naalala lang ako.
Tiyaka ko lang na realized na nasa pool nga pala ako. Bakit nga ba naalala ko yung mga nangyari bago kami naging magjowa ni Jay Sean? ay oo nga pala sorry po, opo naging kami nga po ni Jay Sean at ayun po ang mga nangyari bago maging kami. medyo sa ngayon eh hindi pa legal sa parents niya dahil hindi pa namin sinasabi pero kilala na ako ng parents niya at halata naman po na alam na ni lola na magjowa na kami. Kaya madalas na kaming magkasama ni Jay Sean, hatid sundo sa school, gala sa labas, at bonding with lola kaya masasabi ko na swerte na ako sa kanya at no money involved kaya masasabi ko na relasyon talaga, kung baga bigayan lang kung sino meron pag monthsary or anniversary or birthday.
Jay Sean: sweetie, ahon na tayo.
Kenshin: huh? bakit?
Jay Sean: kasi may nagagalit na eh.
Kenshin: huh? eh parang tayong dalawa nga lang andito sa pool ng condo mo eh kaya sinu ang magagalit?
Jay Sean: si junior ang galit na silipin mo. (sabay turo sa tubig)
Kenshin: ay oo nga teka takpan natin (tumapat ako sa kanya at niyakap siya)
Jay Sean: naku sweetie, hindi effective.
Kenshin: huh? anong hindi effective?
Jay Sean: eh mas lalong nagagalit eh tara na kasi ahon na tayo tapos gawa na tayo ng baby.
Kenshin: naku sinasabi ko na nga ba, ang batang ito ay gusto ulit maglaro ng bahay bahayan.
Jay Sean: bakit ayaw mo ba?
Kenshin: eh pano kung sinabi kong ayaw ko anong gagawin mo?
Jay Sean: edi re-rape-in na lang kita.
Kenshin: eh kung kasuhan kita ng rape?
Jay Sean: aaahh, ganon ba? tingnan natin kung makakasuhan mo ako ng rape sa gagawin ko.
Bigla siyang sumisid at pag-ahon niya ay salong salo niya ako na parang ikakasal na buhat at umahon sa pool dinaan niya sa table namin kung san andun ang towel namin at kinuha ko ito ay ibinalot ko sa katawan namin habang buhat niya ako at nangnakarating kamk sa elevator ay pinunasan ko ang mukha niya at pinundot ko na ang down button ng elevator at nagbukas ito pagpasok namin sa loob ay pinidot ko ang floor ng unit namin at nung pasara na ang pinto ng elevator ay hinalikan ako ni Jay Sean sa labi.
P.S. Salamat po sa nagbabasa po ng mga story ko.
Part One - Clan Pageant/Co Founder
Part Two - May the Best Man Win
Hindi po ako ang nagbibigay ng Title ng Story ang may ari po ng KM ang nagbibigay nito kaya laking pasasalamat ko po sa kanya dahil mas nagagawa niya pong astig ang mga story dahil sa naiisip niyang title nito. Bakit naging astig? Kasi para siyang yung mga sequel movie sa mga cinema like yung mga movie ni Sarah G. at John Lloyd at marami pang iba. Part Three na po ito. :)) and excited na ako sa magiging title nito. ano kaya? hehehehe.. Part Four?? well, sana abangan niyo po at magustuhan niyo din po. :))