Roommate Romance (Part 10)
By: N.D. List
Hi, everyone! Paumanhin po ulit kung matagal akong di nakapag-update. Naging abala lang po sa trabaho at sa mga pre-scheduled travels. Sana po ay may nakaka-alala pa sa mga nangyari sa mga nakaraang chapters. Pasensya na din po kung hindi masyadong na-edit. Alam ko na may mangilan-ngilan pa ding nag-aabang ng susunod na chapter at gusto kong malaman nyo na gusto ko pa din ipagpatuloy ang kwento sa abot ng aking makakaya at pinakamabilis na kaya ko. Please do leave your thoughts and feedback as well. They really inspire me to continue working on sharing this story.
SA PAGPAPATULOY NG KWENTOā¦
"Alam mo ikaw, hindi porke't nag-out sa'yo ang isang tao eh kakausapin mo na sya ng gay lingo at papaandaran mo na ng mga kabaklaang bantering!", buwisit na sabi ko kay Camille.
"Ang arte nito! Wala namang nakakadinig noh! Sira ka kasi. Masyado kang daring hahaha." depensa nya.
"Wala namang malisya yung paghila ko sa suot nya, tanga! Masyado kang malisyoso." bawi ko. Inikot nya ang mata nya.
"Sabi mo eh. O sya, bibihis na din ako." Umakyat na din si Camille para magbihis.
After around 15 minutes ay bumalik si Kyle na may buhat-buhat na cooler. Sinalubong ko sya para tulungan. Nilagay namin malapit sa mesa ang cooler at saka kami naupo.
"Salamat, kuya. Hindi ka pa ba magbibihis?"
"Ah, dito na muna ako. Baka din kasi nasa bathroom pa si Josh antayin ko nang matapos. Ikaw ba?"
"Mamaya na'ko. Baka kasi may i-utos pa sina kuya. Pag na-settle na tayo ang start na ng inuman session saka ako maliligo."
"Sipag mo ah", puri ko sa kanya.
"Aaah, hindi kuya. Obligasyon ko naman dito ang mga ganyan," nakangiting nyang sabi. "Malaki ang utang na loob ko kina kuya Josh. Sya ang nagpaaral sakin kaya kahit hindi ako inuutusan, ako na mismo ang nagkukusa. Parang totoong kapatid na din ang turing nila sakin pero syempre maganda pa din yung hindi ako pabigat lang."
"Ayus ah. Naa-amaze ako relationship nyong magpipinsan. Nainggit tuloy ako ng konti. Hahaha."
"Oo mahal na mahal ko yang mga yan pati si Lola. Lalo na si kuya Josh. Malaking-malaki ang utang na loob ko sa kanya. Si kuya na yata yung pinaka-mabait na taong nakilala ko".
Inabot ni Kyle ang twalya na nakasabit sa upuan at tinantya nya gaano ito kabasa at kung pwede pang gamitin saka pinunas sa katawan nya na butil butil na ang pawis. Wala rin syang arte sa katawan. Naisip ko na medyo unhygienic pero naisip ko din na ginagamit ko din naman minsan ang mga bagay na ginamit na ni Mico. Ganun talaga siguro pag mahal mo ang mga tao sa paligid mo at kung sigurado ka naman na malinis sila sa katawan.
"Pero ano bang long term na balak mo? Career-wise ganun."
"Balak namin ni kuya magtayo ng vet clinic dyan sa labas. Para naman magamit ko yung pinag-aralan ko. Sa mall namin balak dati pero ayaw din kasi namin iwan masyado si lola so dito na muna tapos susunod na sa mall."
"Wow. Nice yon. Goodluck".
"Hehe salamat."
Sa impression ko parang napaka-ideal ng relationship ng mga tao dito sa bahay nina Mico. Napakabait ng mga tao at mararamdaman mo talaga ang respeto ang pagmamahal nila sa isa't-isa. Bagay na hindi ko masyadong naramdaman sa pamilya ko. Nakaramdam ako ng konting inggit at medyo may sakit ng konti nung maalala ko ang iniwan kong pamilya. Naalala ko din ang kapatid na iniwan ko.
Pagkababa nina Camille at Joshua ay ako naman ang umakyat para maligo. Pagkatapos kong maligo ay bumaba na din kaagad ako para magsimula na kaming mag-inuman. More on bonding lang at hindi naman kami masyadong uminom maliban kay Joshua na medyo napaparami ang mga boteng tinutungga. Masaya kaming nagtatawanan. Maraming mga nakakatawang kwento ang magpipinsan at halos hindi maubusan ng kwento si Joshua at Kyle tungkol kay Mico na pinagtutulungan nilang igisa.
Pagkatapos ng mga dalawang oras ay nagpasya kaming umakyat na para magpahinga. Nagpaiwan din ako para tulungan si Kyle sa pagliligpit pero pinigilan nyako.
"Uy, kami na dyan kuya. Akyat ka na sa taas", pigil ni Kyle habang kinukuha nya ang mga bote na hawak ko.
"Hindi ayus lang. Tulungan na kita".
"Ano ka ba, kuya Gab? Bisita ka namin. Tutulungan naman ako nina manang. Akyat ka na. Alam ko namang pagod kayo".
"Ah, o sige. Sure ka?"
"Oo, kuya", sagot ni Kyle sabay ngiti.
Ang totoo nyan ay gusto ko na din talagang magpahinga kaya iniwan ko na si Kyle. Nakita ko na din naman na papalapit na yung mga kasama nila sa bahay para tulungan si Kyle.
Pagpasok ko na kwarto ay narinig kong nagsisipilyo si Joshua sa loob ng banyo. Lumabas sya ng naka CK na boxers na hapit na hapit. Bakat kung bakat.
"O, tulugan na ba?", casual kong bati sa kanya.
"Nawala na nga yung antok ko eh pero baka naman antukin na ulit ako pag nahiga na", sagot nya habang may konting pagsuray na lumapit sa kami at saka palundag na humiga. Umunat sya at lumiyad at pasigaw na bumuntong hininga.
"Hahaha. Pagod ba?", natawa ako ng konti. Pinipilit kong wag masyadong tumingin sa bumukol nyang alaga.
"Medyo", ngumiti sya at kinuha ang nakatuping kumot na nakapatong sa unan nya at pinatong sa katawan. Hindi ko alam kung nakaramdam sya ng lamig mula sa aircon o nailang nung nakita nyang napatingin ako sa nakabukol nyang harapan.
Pataymalisya akong tumungo sa banyo paro magsipilyo na rin.
Ganon parin ang posisyon ni Joshua paglabas ko ng banyo. Malayo ang tingin at parang malalim ang iniisip. Lumapit ako sa bag ko para kumuha ng damit pangtulog. Normally ay hindi ako naghuhubad sa harap ng ibang tao pero dahil narin siguro wala ding qualms si Joshua na magpalit sa harapan ko ay ganun na din ang ginawa ko. Binaba ko ang shorts na suot ko at saka ko pinalitan ng malambot na boxer shorts na pantulog. Binuksan ko ang isa sa dalawang bottled water na nakapatong sa mesa at uminom saka nako nahiga. Komportable naman kami at hindi nakakailang dahil queen size bed and nasa kwarto namin.
"Ang lalim ng iniisip natin ha. Ano bang meron?", tanong ko sa kanya.
"Hindi. Wala naman. Iniisip ko lang yungā¦ I meanā¦ alam mo may balak kasi akong magtayo ng sarili kong business. I mean BPO. Kahit hindi call center. Or hindi limitad sa call center lang. Diba tumira ka sa Tarlac. I mean nabanggit kasi sa'kin ni Mikoy. Familiar ka ba sa Clark? I mean yung Eco Zone sa Pampanga."
Ngumiti ako sa kanya at tumawa ng bahagya.
"Alam mo, Josh, isa lang naman yata ang Clark sa Luzon, noh! Syempre alam ko yon", nakangiti kong sagot sa kanya. Alam kong hindi yun ang malalim na iniisip nya pero nakisakay na din ako dahil interesting naman yung mga ideas nya. Actually interesado talaga sa iniisip nyang business.
Naging mahaba ang usapan namin. Malawak ang experience ni Joshua sa BPO at marami rin syang mga contacts na kilala at may initial clients na sasama sa kanya kung magsarili sya. Madami kaming napag-usapan pero mas marami ang tawa dahil makulit syang magkwento at parating may pasingit na hirit.
Kasulukayan kaming nagtatawanan ng biglang bumukas ang pinto at lumabas ang ulo ni Mico.
"Hoy! Bakit ang ingay nyo dyan???"
Sabay kaming nagulat at napaupo ni Joshua.
"PUTANGINA, MICO!!! WALA NA TALAGANG KATOK-KATOK???", buwisit kong tanong sa kanya.
"Wooo! Para namang ngayon lang kita ginulat, kukunin ko ang yung Beats Pill ko! Gusto naming mag music. Bakit ba ang ingay nyo at naghaharutan pa yata kayo dyan?", usisa nya babang kinakalkal ang bag. Sinara nya ulit ang zipper at saka nya ito dinala palabas.
"Hoy, bakit dinadala mo yan?", reklamo ko sa kanya.
"Ibabalik ko nalang po. May mga damit din ako dito eh." sabay bagsak ng pinto.
Bumuntong hininga si Joshua.
"Pasensya ka na sa kapatid ko ha. Mabait naman yan. Sumpungin lang," pagtatanggol ni Joshua sa kapatid habang inaayos ang dalawang unan at pahigang sumandal sa ulunan ng kama.
"Anukaba? Alam ko naman yon. At naniniwala naman ako nung unang sinabi mo sakin yan. Pero ano bang nangyari dun at ang init ng ulo?" kunwari'y nagtataka kong sabi pero alam ko naman na nagseselos siguro sya dahil kaming dalawa ng kuya nya ang magkasama sa kwarto. Baka napa-paranoid din. Na-flatter ako ng konti.
Nagpatuloy kami sa kwentuhan at paglipas ng mga kalahating oras ay hindi parin binabalik ni Mico yung bag. Na-realize ko rin na nandun pala ang cellphone ko nung binigay ni Joshua ang Skype ID nya at nagpa-add sakin sa LinkedIn.
"Kukunin ko lang yung phone ko. Andun sa bag na kinuha nung mokong na 'yon!"
Tumayo ako at lumabas ng kwarto saka ako tumungo sa kwarto nina Mico. Bahagyang bukas ang pinto at nadidinig ko yung naka-play na kanta sa player nya kaya binuksan ko na din ang pinto para pumasok pero napatigil ako ng may nadinig akong umuungol. Mabilis na tumayo ang balahibo ko at uminit ang tenga ko. Dahan-dahan akong sumilip sa ginagawa at nakumpirma ko ang eksenang pumasok sa utak ko sa nakita ko. Una kong nakita ang mga mapuputing paa binti ni Mico. Sumunod ang mga paa ni Camille na nakapulupot sa hita ni Mico malapit sa kanyang matabok na puwit na nangingintab sa pawis. Madiin ang bawat kadyot ni Mico na sinasabayan ng pigil na ungol ni Camille. Sa bawat bayo ni Mico ay nararamdaman ko ang katawan nya na dati'y halos ibaon na nya sa aking katawan. Halos madurog ako ng makita ko ang gigil ni Mico na dati ay sakin nya ginagawa. Ang makinis na puwit nya na dati nyang sinabi ng pag-aari ko.
Hindi ako makagalaw. Halos bumagsak ako sa panghihina. Iniisip ko kung ano kaya ang sitwasyon namin kung pinigilan ko syang bumalik kay Camille. Kung pinagbantaan ko sya na aalis ako at hindi na'ko magpapakita sa kanya kung hindi nya'ko pinili.
Pinilit kong umatras. Pinindut ko ang lock at dahan-dahan kong sinara ang pinto. Mabilis na napalitan ng galit ang sakit na nararamdaman ko. Gago talaga sya. Siguro ay sinadya nyang hindi ibalik ang bag para kunin ko at makita ko silang nagkakantutan. Para ipamukha sakin na iba na ang may ari ng katawan nya na dati nyang ipinaubaya sakin. Putangina nya!
Ayus na din na nagagalit ako. Naisip ko, it's easier to deal with anger. Nagpalipas ako ng mga limang minuto bago ako bumalik ng kwarto. Nung mahimasmasan ako ay casual lang akong pumasok na parang walang nangyari. Hindi madali pero nakayanan ko. Hindi kumikibo si Joshua hanggang makahiga ako sa kama. Nakasandal parin sya sa mga unan nya. Malayo ang tingin. Suminghot sya.
"O, kumusta?", tanong nya sakin. Garalgal ang boses.
"Kumusta ang alin?"
"I mean yung sasabihin mo kay Mico. I mean yung kinuha mo", utal na tanong nya.
"Wala sarado na sila," pagsisinungaling ko. "Josh, are you sure you're okay? I think you're not okay. Kanina ko pa napapansin na malalim ang iniisip mo. Do you need to talk?"
"No, it's alright. I meanā¦ wala 'to. It's justā¦"
Hindi ako umimik.
"Ano lang kasiā¦ may problema lang sa bahay. I meanā¦ me and my wifeā¦ we're not okay anymore."
Tumingin lang ako sa kanya. Pinabayaan ko lang sya kung itutuloy nya ang sasabihin nya.
"She's actually seeing somebodyā¦ from work. I found out about a month ago. It's alright. I meanā¦ I probably deserve it."
"What do you mean you deserve it? Alam ba nya na alam mo? Why don't you talk to her about it. I don't think you deserve it. You're a good person. A family man. Kung ganyang mangangaliwa sya she doesn't deserve you!" medyo tumaas ang boses ko.
"No, i meanā¦ you don't understand. I'm not really thatā¦ may mga kasalanan din kasi ako sa kanya."
Garalgal ang boses ni Joshua. Nakita ko din na nangingislap ang mga mata nya. Naramdaman ko ang sakit na naramramdaman nya. Or guilt? Panandalian kong nakalimutang ang sakit na naramramdaman ko. I needed a diversion pero sa kabilang banda, naawa naman ako kay Joshua.
"If you want to talk about it Josh, okay lang. Safe ka sa'kin. Walang lalabas sa'kin kung ayaw mo pang malaman ng iba. I would understand though kung ayaw mong pag-usapan."
Tahimik.
"Mabait na tao ang asawa ko, Gab. Very reasonable syang tao. Actually ako ang dahilan kaya kami umalis dito sa bahay at bumukod. I mean iniwas nya'ko sa mga kalokohan ko".
"What do you mean?"
"Marami kaming mga pinag-tatalunan nung nandito kamiā¦ hindi naman ganon kasaya ang family namin nung time na 'yon. Because of that minsan napapainon nadin ako sa labas kasama ang barkada. Minsan late akong umuuwi."
Pinabayaan ko lang syang magsalita.
Kinuwento ni Joshua yung araw na ayaw syang pagbuksan nung asawa nya dahil pasado alas-dose na ng hatinggabi syang umuwi ng hindi nagpapaalam. Hindi sya pinagbuksan ng pinto ng asawa nya kaya naisipan nyang makitulog muna sa kwarto ni Kyle.
FLASHBACKā¦
Kinatok ni Joshua ang kwarto ni Kyle at nagbakasakaling gising pa sya.
"Uy, kuya! Pasok ka. Anong meron?
"Kyle, natutulog ka na ba?" tanong ni Joshua.
"Hindi naman. May iuutos ka ba?"
"Hindi, wala. Pwede bang dyan muna ako?"
"Sige lang, kuya. May problema ba? Mukhang napadami tayo ha"
"Oo nga eh. Medyo. Kasama ko sina Joey. Dun kami sa Marilao kaya napahaba ang session. Ayaw nga akong pagbuksan ng ate mo eh."
"Uy kuya ha. Loko talaga kayo. Ang libog mo kasi kaya ka tuloy nasasarhan."
"Hahaha. Gago wala yon. Uminom lang naman talaga kami. Madumi ang utak mo eh"
"Asus! Tigilan mo'ko kuya. Kampi ko si ate dyan. Teka, gusto mo ayusin ko yung isang guest room?".
"Hindi na dito nalang. Kasya naman tayo dito. Late na din baka mapuyat ka."
Continue Reading Next Part