Kupal Versus Epal (Part 1)
By: md
DEN POV
“Hoy Den gising na! tanghali na aba!” Parang armalite nanaman ang bunganga ni mama habang ginigising para pumasok. 2 hours pa naman bago mag 7am pero ginising na kaagad ako. Ganito kasi ditto sa bahay maagang gumigising ang mga tao. Siguro, dahil may karinderya kami at kailangang gumising ng maaga kaya ako naman nadadamay din plus isang anak lang ako kaya lahat ng focus at pagmamahal sakin binubuhos. Pero paglilinaw ko lang, hindi ako spoiled. Sapat lang kasi ang kinikita ni mama sa karenderya at si papa naman ay sa paglabas ng aming tricycle. Pero kahit ganun pa man, kuntento at happy naman kami.
Almost 30mins lang ako naligo at nagayos ng sarili. Ou nga pala grade 7 na ako. New school, new teachers and new set of friends. Sana naman mababait lahat ng makilala ko para maging CHILL lang ang buhay ko sa junior high.
“Aba ang pogi ng anak ko ha? Bagay ang bagong uniform mo sayo.” Pang aasar ni mama habang naglalagay ako ng wax sa buhok. Sinimulan ko na ring kumain ng mga lutong ititinda ni mama. Napili ko ang aking paborito. Ang adobo. Pagkatapos kumain ay agad na akong nagpaalam sa kanya.
“oh sya Ma. Alis na po ako baka wala pa akong maupuan sa room nyan eh” sabi ko nang kakatapos lang magsapatos
“ok anak galingan mo at dapat honor ka ulit ha?” pahabol ni mama. Naglakad lang ako kasi ilang kanto lang naman ang layo ng bahay namin sa bagong school ko. Sayang naman ang pamasahe.
Ou nga pala bago magkalimutan. Ako nga pala si DENMARK DELA CRUZ, Den for short 12 years old Moreno 5’6 sakto lang ang itsura at masasabi ko naman may mangilanngilang tagahanga. Tama lamang ang pangangatawan. Di naman payat di rin mataba. Walang abs pero define ang balikat ko at makikitang medyo namumutok na rin ang biceps sa manggas ng uniporme ko. Nagbibinata na kasi. valedictorian ako last year sa school na pinaggalingan ko at member sa newspaper namin. Active ako sa lahat at masiyahin kaya naman madaming nakikipag kaibigan sakin. In fact na award ako na “pinakamahusay makisama” sa dati kong school. Galing ako sa Olivarez 2 Elementary School na malapit lang din sa bahay.
Sa gate palang tanaw ko na wala pang estudyante na papasok sa bago kong school. Ang Diosdado Macapagal Highschool, DMHS for short.
“aba ayos ha? Una ako. Teka Mayor Cantakis Building Room 203 Section Newton. Dito lang un eh” bulong sa sarili habang hinahanap ang classroom nakaassign sakin. Sya nga pala 2nd section ng grade 7 ang Newton. Einstein naman ang 1st section.
Aba ayos ha? May pagawang building pala si Mayora. Panugurado tiba tiba nanaman ang kurakot na mukang pera na yon. Hahaha
At nakita ko nga ang aking kwarto at sabay sigaw na “yes first to arrive” nang may ngiti sa labi. Nang di ko namalayan may isang lalaking nakaupo sa dulo ng classroom. Nakakalumbaba syang nakatingin sa bintana. Nagulat ako at natahimik. Napayuko naman ako sa kahihiyan kasi kala ko ako ang unang dumating. “Anak ng kuba naman oh. Pasigaw sigaw pa ako. Nakakahiya.” Sabi ko sa aking sarili. Lumakad ako papalapit sa kanyang nakangiti sabay sabing “good morning tol” para naman magkaroon ako ng unang kaibigan.
Tumingin lang sya sakin ng matalim. Ung tipong duguan ako kung nakakasaksak lang ang tingin nya. sabay balik sa pagtingin sa labas. Para bang manghahamon ng suntukan
“aba gago to ha?” sabi ko sa aking sarili
Maya maya pa ay isa isang nagsipag datingan ang aming mga classmate. Mabilis ding napuno ang kanila lang ay bakanteng classroom na nadatnan ko.
Aba teka. Sino ba tong mayabang na to? Bakit parang asiwa sya sakin? Galit ba sya? Inaano ko ba sya? Mga tanong na naglalaro sakin isipan habang nakaupo ako sa napili konh upuan. Upakan ko kaya to. Hahaha.
Maya maya pa may nakita akong mga pamilyar na mukha. Ang dalawang besfrend ko pala. Si Judith at si Jonas.
“ui Den classmate pala tayo? Akalain mo” sabi ni Judith
“uo nga magiging masaya tong year na to” sabat naman ni Jonas
Sa isip isip ko “nako, unang araw pa nga lang eh may nakita na akong nakaka bwisit eh sa susunod na 364 days pa kaya?”. agad naman akong napatingin sa lalaking yun at nakitang may mga kakilala rin sya. Nag aapiran sila mukhang matagal na nyang kakilala.
After 30mins, dumating na si Mam Vicky. Ang aming class advisor. Dirediretso sya sa harap sabay nasalita ng “good morning” agad din naming nagrespond ang buong klase. Maganda si mam Vicky. Ang sabi nya nasa 40s na daw sya, di nya sinabi ang age nya kasi nahihiya sya pero para sakin parang 20s lang sya. Mapagbiro si mam at palangiti kaya attentive at active ang lahat. Para lang naming syang ate.
“oh class di muna ako magkaklase alam nyo na yokong mastress hahaha. Magpakilala muna tayong lahat sa isat isa.” Bungad ni mam Vicky after nyang magpakilala sa harap.
Nagsimula na ang pagpapakilala ng isa’t isa. Nauna sakin si Judith after nun ako na sumunod si Jonas. Malapit na sa likod ang mga nagpapakilala ng tumayo na SIYA. Sino sya? E di ung mayabang na tumingin sakin ng masama. Pag daaan nya sa gilid ko, aba nakatingin parin si kupal ng masama. Ano bang problema neto sakin? Inaano ko ba sya?
Continue Reading Next Part