Kupal Versus Epal (Part 2)
By: md
DEN POV
“hi ako nga pala si ALJON DE HESUS, Al for short 12years old 5’11 galing ako sa Olivarez 1 Elementary School mahilig ako sa basketball at para sakin Ball is life. Im looking forward to know you all” maikling pagpapakilala ni kupal
Narinig kong medyo kinikilig ung mga chicky sa likod habang nagsasalita tong kupal na to. Aljon pala ang name nya. Gwapings sya maputi kutis mayaman may pagkachinito din. Ang tangkad nya pakiramdam ko hanggang balikat nya lang ako eh. Medyo malaki ang katawan nya siguro sa pagiging batak sa pagbabasketball tulad nga ng sabi ni kupal, “Ball is life” kuno hahaha. Matalim sya tumingin di ko alam kung dahil ba singkit sya o talagang palaban sya. Di ko pa nga sya nakikitang ngumiti o tumawa eh.
Natapos na ang pag iintroduce ng lahat ng 40 students nang biglang may inannounce si mam Vicky.
“ok class maghahalal na tayo ng ating classroom officers. Letsgeriron” masiglang bungad ni mam. Aba millennials pala tong si mam astig. Gumaganon pa? hahaha
Biglang nagtaas ng kamay si Judith at nagsalita. “ I nominate DENMARK as president of 7-Newton”. Nagulat ako at tumingin sa kanya ng nanlalaki ang mata. Agad akong tumaas ng kamay at nag sabi ng “I object”
Agad naman nagsalita si mam Vicky “no objection please unang nominasyon palang eh ganyan na kagad. Laban lang.” aba napaka optimistic pala neto si mam at may palaban laban pa? bakit sya ba ang tumatakbo bilang president? Hahaha. Adik talaga. Wala pang ilang Segundo may narinig ako mula sa likod.
“mam I respectfully nominate ALJON as president” sigaw ni Mik katabi ni kupal. Pakiramdam ko close sila kasi sinuntok ni kupal ung braso ni mik pagkaupong pagkaupo nya. Pagkatapos nun wala nang umimik para magnominate. Agad naming nagsaita si mam Vicky.
“okey class any nomination? Wala na? Oh sya DENMARK and ALJON please stand up at pumunta sa harap para makaboto na ang inyong mga classmates” sabi ni mam Vicky
Agad akong nagtungo sa harap kasunod si Al saking likuran. Pumuwesto ako sa kaliwa ni mam at sya naman sa kanan. Parang match lang ng UFC match ang dating. Parang Boxing hahaha.
“class ung totoo? Anong posisyon ang pinaglalabanan ng dalawa? President o Escort? Pang model ang mga looks nila oh?” pabiro ni mam Vicky kaya nag tawanan ang lahat. Ngumiti ako sa narinig ko pero si Al ay nanatiling seryoso. “ano kayang sapak netong taong to? Kala mo laging may kaaway?” sabi ko sa sarili. “those who are in favor of Mr. Dela Cruz, raise your hand” wika ni mam. Agad naman taas ng kamay ng mga classmate ko syempre kasama dun si Judith at Jonas.
Binilang ito ni mam at innannounce ang dami. “okey 18 votes all in all”announce ni mam Vicky. Nice so kalahati ng class ay boto na maging president ako. Nakakatuwa naman na kakasimula ng klase eh popular na ako sa room. “okey ung kay Mr. De Hesus naman.” Tanong ni mam. After nyang bilangin agad nyang inannonuce ang dami ng boto. “ okey Mr. De Hesus got 20 votes.”
Hahaha buti nga sa kanya. Mayabang kasi sya at maangas kala mo kung sino porket gwapings sya. Pero kahit gwapings sya, di naman sya mananalo sa……….
Teka 20 votes? As in twenty? Bente? 20 is more than 18? 18 is less than 20?. Teka nanalo sya? Di pa pumapasok sa kokote ko ang lahat nang bigalang iannounce ni mam Vicky ang nanalo.
“so according to the number of votes, our new class president is Mr. ALJON DE HESUS. And because of that Mr. DENMARK DELA CRUZ automatically becomes the Vice President” wika ni mam Vicky nang nakangiti.
Teka parang sa pagkakaannounce nya? Napilitan lang akong maging VICE. Vice lang ako? Pangalawa? Second? Alalay ng el presidente? Katulong ng president? Di pa ako makamove on nang biglang sinabi ni mam na bumalik na ako sa upuan ko dahil si kupal na ang magfafacilitate ng nomination. Kulang nalang sabihin ni mam na alis ka na wala ka nang silbi dito. Aruy. Mga hayup hahaha. Nakasimangot akong bumalik sa aking upuan. Tumingin sakin ng masama si kupal at ginantihan ko rin sya dahil sa badtrip ko.parang may spark sa pagtitinginan naming dalawa. Para bang pareho sa mga napapanood kong anime.
Natapos ang lahat at pinauwi naman kami ng maaga…………….
Except sa mga officers. Anu ba yan?
Naiwan din naman si Judith na class secretary at si Jonas na class auditor. Gayun din ang el presidenteng masamang nakatingin na naman sakin kasama ang friend nyang si Mik na class treasurer at Mae na aming muse. Inadvise kami regarding sa mga activities this school year at nagusap usap tumgkol dun. After naman ng meeting ay pinauwi na kami. Lumabas sila Al papuntang kanan ng corridor kami naman sa kaliwa. Lumingon sya ng may matatalas na tingin. Gumanti din ako. Ano kayang sapak ng gagong to at ang init ng dugo sakin? At teka bakit naganti ako ng masamang tingin? Nasan na ang titulo kong “pinaka mahusay makisama”? masisira ata ang imahe ko sa kupal na to eh. Mukang rambol ang school year na to.
Continue Reading Next Part