Gryffins Request (Part 1)
By: Gryffin
Who would have thought a friend request from a total stranger can change everything, you and your world. - Gryffin
Hi! Iâm Gryffin, Gryffin Santiagel, hindi ko tunay na pangalan, 25 years old at taga-Cavite. Due to ECQ, I finally got a whole time to write and share my stories to you. Stories Iâll be sharing are all from my personal experiences but some parts are changed to keep my identity anonymous. But to introduce myself a little more, I am the eldest son, a post graduate degree holder and working as a permanent employee in one of the top institutions in the province. In terms of my physique qualities, I am not that much. 5â8â ang height ko, moreno, typical âtitoâ looking at balbon ako. So, in short, I am of with low qual1ities.
This story happened when I was in college.
âEnzo sino to? Ni-add ako, mutual friend ka naminâ, tanong ko sa kaibigan ko at inabot sa kaniya ang cellphone ko.
âAh! Si Jack. Dati ko siyang ka roommate nung 1st year pa lang akoâ sagot niya.
Ako ay nasa 3rd year college noon at si Enzo naman ay 2nd year college. Halos dalâwang taon na kami magkaibigan. Nakilala ko siya noong sabay kami mag try-out para sa varsity team ng university namin at luckily pareho kaming natanggap. Naging malapit kami kaya halos lahat ng personal kong problema, kasiyahan, kalungkutan at problemang pag-ibig ay alam niya. Nag-desisyon din kami na maging mag roommates na din kami.
Tapos na ang training at pauwi na kami sa dorm para magpahinga.
âEh bakit naman ako i-aadd nito? Sa tingin ko naman di ko pa siya na-e-encounter dito sa schoolâ
âSiguro nakikita niya na magkasama tayo sa team. Wag mo na lang i-accept kung nawiwirdohan ka. Pero mabait yan si Jackâ
At ganon na nga ginawa ko. Hinayaan ko lang ang friend request ni Jack.
Malapit na ang tournament namin ni Enzo kaya puspusan din ang aming training. Alas-nuwebe na ng gabi kung matapos, pagod at gutom na kaya sa labas na lang kami kumakain o kaya nag ta-take-out na lang.
âSaan tayo kakain, Enzo. Gutom na gutom na akoâ
âTara sa bayan, Fin. McDO tayo as usualâ
âSige!â pag sang ayon ko kay Enzo kahit doon na kami kumain nung nakaraang arawâ
Habang naglalakad papuntang McDO, tanong saken ni Enzo
âFin, kamusta pala kayo ni Alex?â
âAyon! Di ko nirereplyan mga text at chat niya. Paâno ba naman he asked me to quit from the varsity kesyo nawawalan daw ako ng oras sa kaniyaâ inis na inis kong pagpapaliwanag.
âAkala ko ba napag-usapan nâyo na yanâ pagtataka naman ni Enzo
âOo! Pero hindi pa man kami parang nakakasakal na. Weâre just in dating stage so we can get to know each other more pero eto siyaâŚ
Naputol ang aking pagpapaliwanag nung may bumangga sa akin o hindi ko rin siya napansin dahil sa masyado akong tutok sa pagpapaliwanag kay Enzo. Hindi naman ako nasaktan, tingin ko ganon din siya, pero nabitawan ko ang aking cellphone. Agad ko naman itong pinulot at nung iniangat ko ang aking tingin para mag-paumanhin ako ay napatulala. Bumagal ang pag galaw ng bawat bagay na nasa aking palagid. Lumakas ang ihip ng hangin sapat para bumilis ang tibok ng aking puso. Ang isip ko ay nagsasabing kay sarap titigan ng kanâyang mukha.
At nang matapos ang moment koâŚ
âFin, ang kamay mo!â dumilat ang singkit kong mga mata nung namalayan kong hawak ko ang kaniyang kamay. Agad ko naman iyong tinanggal. At nang ako ay makabawi agad naman akong humingi ng paumanhin.
âJack, paxenxa ka na dito kay Fin di tumitingin sa dinaraanan niya. Pagod at gutom na rin kasi kami kaya siguroâ paghingi ng dispensa ni Enzo
âOk lang! Paumanhin din. Ako dapat ang umiwas kasi nakita ko naman na hindi siya nakatinginâ sagot naman ni Jack.
âHaha! O, sige! Una na kami, Jack. Gutom na talaga kamiâ pagpapaalam ni Enzo.
Sa McDonaldâs habang nag hahapunan
âFin, lutang ka kaninaâ pagpuna ni Enzo.
âKailan?â pagtataka ko naman habang ine-enjoy ang aking pagkain
âNasaktan ka ba kanina sa banggaan nyo ni Jack. Natulala ka eh! Tagal mong hawak ang kamay kanina.
Muntik na akong masamid sa kwento ni Enzo. Gaâno katagal? Tatlung pung segundo? Isang minuto kong hawak ang kamay niya? Paâno? Ang natatandaan ko lang ay umakto rin siyang pupulutin ang cellphone ko at matapos noon ay parang may kuryente na dumaloy sa aking katawan.
âHindiâ ang tangi at maikli kong sagot kay Enzo.
Habang naglalakad pauwi hanggang sa makarating sa dorm ay wala akong imik at iniisip kung ano ang nanyare. Mula sa tagpo namin ni Jack ay iba ang aking naging pakiramdam.
âFin, matulog na tayo. Maaga call time ni Coach bukasâ pagpapaalala ni Enzo
âSige. Goodnight, Enzoâ.
Tama si Enzo maaga magsisimula ang training namin bukas ngunit hindi ako dalawin ng antok at isa pa sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, mukha ni Jack ang pumapasok sa isip ko. Sinubukan ko ulit mag-paantok at kinalikot ko ang aking facebook account, scroll dito, click doon hanggang sa umabot ako sa friend requests. Muli nakita ko ang mukha ni Jack. Ano pa bang sunod kong gagawin kundi i-stalk ang profile niya. After minutes of stalking, I finally decided to confirm his friend request.
âBahala na!â bulong ko sa aking sarili.