Tolores (Part 1)
By: Miguel
I'm Miguel, 25 years old na ako and I'm currently self employed sa sariling Event Planning and Styling business na pinamamahalaan ko dito sa probinsya.
I stand 5'6 at may fair complexion. Karamihan sa mga hindi ako ganon kakilala would think na straight ako since maayos naman ang tindig ko. I graduated Broadcasting Communication dito sa capital town ng province namin but it took me few years after graduation para marealize na hindi pala ako para sa mundo ng media kundi sa coordination ng mga events. Afterall, medyo connected din naman ang field na pinili ko since proper communication ang key para sa success ng isang event. Sinubukan ko din namang pumasok sa mundo ng media pero hindi talaga ako para doon since may mga qualifications and requirements na medyo labag sa ethics ko.
I was graduating sa college at medyo active na din naman ako sa Event Coordination since nagpa-part time na din ako para may pangtustos sa pag-aaral ko. I do a lot of job sa business na ito. Minsan coordinator, minsan stylist, minsan florist, minsan naman host (which one I love doing since brod comm student ako). Marami akong nakikilalang mga malalaking tao sa ginagawa ko at kasama na ang ikukwento ko.
1st semester ng school year. Abala na kami sa aming pag-aaral since graduating na kami. There was this one subject which is phylosophy na wala pang instructor. Umabot ng August pero bakante parin ang subject, kung kaya ipinaabot na namin sa aming Dean ang aming concerne at napag-alaman naming he is still searching for the best lawyer in the province to be our instructor. Nakakabahala lang kasi eh malamang maghahabol kami ng classes sa kanya since late na siya madi-deploy.
Until nabalitaan na naming may instructor na kami. Medyo kinabahan ako kase first time naming magkakaroon ng bagong instructor at kung best lawyer siya ng province, malamang stricto o di di kaya magmumukhang courtroom ang class namin sa subrang boring.
Eh yung ibang instructor namin eh nakasanayan na namin kase since first year eh sila-sila lang naman instructor namin. Saturday ay imimeet daw kami ng bago naming instructor. Medyo badtrip kase uuwi dapat ako sa amin sa araw na iyon pero sige nalang kako baka pag-uusapan lang ang class schedule namin.
Dumating ang sabado. Since yun lang naman ang pakay ko sa school sa araw na iyon at pagkatapos no'n ay uuwi na ako, dinala ko na ang mga gamit ko. Nagbo-boarding house lang kase ako malapit sa school at uwian kase ako tuwing weekend.
Pagpasok ko ng classroom, nandon na ang mga barkada ko. Si Coleen, isang single mom, siya ang palagi kong kausap. Si Justin, boyfriend ni Coleen, siya ang pinakamagaling sa amin in terms of gadgets at softwares, taga-edit din ng videos at sounds pag nagkata-ong may projects. Si Maya, siya ang matalino sa section namin, crush niya ako kaso alam naman niyang iba ang tipo ko. Sina Jade, Jean at Jane, mga normal na estudyante na katulad ko. Maganda si Jean kaso parang hindi ako ang type niya.
Unti-unting nagsidatingan ang iba kong mga classmate at tuluyan nang umingay ang buong classroom. Hanggang sa may isang hindi pamilyar na mukha ang pumasok. Isang lalaking kasintangkad ko. Nakatshirt siya, pantalon at naka-bag at sa mukha niyang iyon, nasisiguro kong hindi siya ang bagong instructor. Nagkatinginan kami ni Coleen.
"Migz, kilala mo 'yan?" aniya ni Coleen.
"Diba dating aviation student 'yan sa kabilang school?" aniya ni Maya.
Doon ko siya naalala. Siya yung misteryosong studyante na palagi kong nakikita sa labas ng campus kase hinihintay niya ang girlfriend niyang schoolmate ko.
"Eh diba girlfriend niya 'yung Miss Campus Sweetheart natin?" sabi ko.
"Naghiwalay na sila no'n at nagshift na din siya ng English major dito sa school natin." si Jade. Malamang alam niya 'yon kase siya ang pinagsisimulan ng mga tsismis sa department namin.
Napatingin ako sa kanya. Sinuklian niya ako ng ngiti kasabay ng pag-asa kong makilala ko siya ng lubusan.
Hanggang sa dumating na ang aming instructor. Matangkad siya, moreno, at iisipin mong dekalibreng lawyer nga siya sa kapal ng eyeglasses niya kung hindi lang dahil sa porma niyang pang-bagets. Nakacasual na t-shirt at pantalon lang siya na tinernohan lang ng sneakers na kagaya ng madalas kong suotin.
"Magandang araw. I am Francis Burgos, your new instructor."
Aaminin ko may dating yung instructor na'to. Mahahalata mong nasa 30s na siya pero mahahatak ang tingin mo sa moderno niyang pananamit. Pinag-usapan namin ang magiging schedule ng class namin.
"Present ba ang lahat? Gusto ko lang ipaalam sa inyo na I work during weekdays at saturday lang ang vacant sched ko para i-meet kayo. Are you all favor? Mukha din namang wala kayong choice so I guess it's final na. Saturday ang magiging regular class natin. Dismiss and see you next week."
Dyahe naman. Dapat kase friday afternoon ay umuuwi na ako pero since may pasok pa pala ng sabado, mapipilitan akong magpadagdag ng allowance sa parents ko para makapagstay pa ng city until saturday. Besides tinatamad din ako ng saturday classes. Eh ROTC nga dati noong first year halos bibihira kong pasukan.
Palabas kami ng room nakita ko yung aviation student na it turns out to be my classmate pala. Lalapitan ko sana siya nang nauna siyang lapitan ng barkada kong si Che from other department. Nag-uusap sila nang mapansin ako ng friend ko.
"Oy Miguel, may pasok kayo?"
"Oo Che. Akala ko nga makakauwi na ako tapos ito may weekend class pa pala kami." Sagot ko habang hawak ko ang bag ko na puno ng gamit which most is mga pinagbihisan ko. Inuuwi ko kase labahan ko since sa bahay ay may washing machine kami.
"Hi, ako nga pala si Peter. Classmate tayo sa Phylo kaso yung instructor natin kanina hindi manlang tayo binigyan ng chance na magpakilala." Sabi ng dating aviation student sabay abot ng kamay niya sa akin.
"Hello pala. Miguel po. Migz nalang." Casual kong sagot.
"Ay oo nga pala Peter nuh. May irregular classes ka pala since nagtransfer ka dito. Oh siya maiwan ko na kayo at aasikasuhin ko pa title defense namin sa thesis." si Che.
"Eh sasabay nalang ako sa'yo palabas since pauwi na din naman ako. Sige Peter! Kita nalang tayo next week."
Palabas ako ng campus nang makita ko si sir Francis pasakay ng kanyang motor.
"Uwi na kayo sir? Ingat po."
Akmang isusuot na niya sana ang helmet niya nang magblanko ang titig niya sa akin.
"Ah Miguel po pala. Miguel Tolores po. Estudyante niyo sa Phylo. Yung mineet niyo kanina.
"Ah! I'm sorry. It's my fault din kase di ko kayo pina-introduce isa-isa. By the way saan punta mo't andami mong dala?"
"Pauwi na ako sir. Uwian kase ako kapag weekend."
"Ah pareho tayo. Dadaan lang akong apartment tapos uuwi na din. Saan ka ba? Sabay ka nalang sa akin."
"Wag na po sir. Nakakaabala naman sa inyo."
"I insist. Besides magandang magkwentuhan tayo about sa classmates mo while on the way."
"San Jose po ako sir eh."
"Yon lang. Out of way ako."
"Saan po inyo sir?"
"San Remegio ako eh." Isang town iyon na opposite direction sa uuwian ko.
"Sige sir, out of way nga. Mag-ingat po kayo"
"I'll see you next saturday!" Sagot ni sir Francis sabay suot ng helmet niya.
Mukha din namang mabait 'yung Francis. Sana generous din magbigay ng grades.
Isa at kalahating oras ang byahe bago makarating sa amin. Simple lang ang bahay namin na may dalawang kwarto. Dalawa lang kaming magkakapatid at ang kuya at tatay ko ay kasalukuyang nasa Maynila nagtatrabaho. Dalawa lang kami ng nanay ko sa bahay kaya tig-iisa kami ng kwarto. Kapag nandito naman kaming lahat katulad ng pasko ay lumilipat ako sa itaas na kama ng doble deck at ang kuya ko sa baba. Pulis ang kuya ko na nadestino sa Maynila. Ang tatay ko naman ay driver sa pier habang ang nanay ko ang maybahay at tanging pag-aasikaso ng simbahan at bahay ang napiling gawain kaya lumaki din akong malapit sa kombento. Kung hindi nga lang ako nagpumilit na hindi magpari, marahil ay sa seminaryo na ako ngayon nag-aaral.
Pagdating ko ng bahay, wala si inay. Malamang nasa simbahan ulit 'yun at linggo na kinabukasan, abala nanaman ang mga tao para sa misa. May pagkain na sa lamisa. Ganon parati ang tagpo kapag uuwi ako. Kumain na ako dahil tanghali na din at nakakapagod ang byahe. Pagkatapos kong mananghalian, inihanda ko ang aking mga pinagbihisan para labhan. Habang naghihintay na mapuno ang washing machine ng tubig, nakita ko ang motor ni itay na nakapark. Naalala ko si sir Francis dahil pareho sila ng modelo ng motor ng tatay ko. Gustuhin ko mang gamitin ang motor bilang service ko sa school, naduduwag na din naman ako dahil na din sa malubha kong karanasan nang madisgrasya sa motor kaya mas pinamabuti kong huwag nalang.
"Ang bait din ni sir Francis. Sana makasundo ko siya. Sana wala pa siyang asawa."
Nagulat nalang ako kung bakit ganon ang iniisip ko. Bibihira akong magkagusto sa lalaki. Siguro dala na din na pinalaki ako ng mga magulang ko na malapit sa simbahan kaya naiisip kong mali iyon.
Lumipas ang mga araw at sabado nanaman.
Continue Reading Next Part