Tolores (Part 2)
By: Miguel
Lumipas ang mga araw at sabado nanaman.
"Uh Peter ang aga mo yata ngayon?" Bati ko kay Peter pagbungad ko sa classroom.
"Nandito na iba nating kaklase kaso bumaba lang yata nagbreakfast." Sagot niya.
"Ganon ba? Sabagay maaga pa naman." Tugon ko.
Dalawa lang kami sa loob ng classroom ni Peter at medyo awkward ng katahimikan kaya ako na mismo ang nagsalita.
"Ah Peter, diba nga pala aviation student ka before?"
"Oo Migz, kaso nasa third year na ko nang nahinto ang partnership ng school ko at ng aviation school na naka-base sa Manila kaya napilitan kaming magshift ng course."
"Eh parang anlayo naman ng aviation sa education?"
"No choice eh, ito lang naman yung course na most sa mga minor subjects namin ay credited."
"Sabagay, mas ok na din yun kesa mag-extend ka ng years sa college."
Napansin kong cute din si Peter. Malalim Yung mga dimples niya at may kakapalan ang mga pilik mata niya kaya mukhang nangungusap ang mga ito. Napansin ko din yung mga malilinis niyang kuko sa kamay. Ewan ko lang pero kuko ang palagi kong basehan sa bawat taong nakikilala ko.
Maya't-mata ay dumating na sina Maya kasama ang iba naming classmates. Di din nagtagal at dumating na si Sir Francis. Una niyang ginawa ay nagpakilala siya ulit. Isa pala siyang clerk sa trial court at taliwas sa sabi ng aming Dean ay hindi siya lawyer.
I mean hindi pa lawyer kase ongoing ang review niya for Bar Exams. Sakto ang tantiya ko sa edad niya nang sabihin niyang 31 na siya. Napahinto lang siyang magsalita nang biglang magtanong si Coleen.
"Sir, may syota na kayo?"
Tawanan ang buong klase. Napangiti din si sir Francis at doon ko nakita na may dimple din pala siya.
"I refuse to answer that Ms.?"
"Dela Rosa po sir." Si Coleen.
"Ok Ms. Dela Rosa, why not umpisahan mong magpakilala then yung mga classmates mo din after?"
Isa isang nagpakilala ang buong klase. Karamihan sa aming magkakaklase ay may mga part time jobs. Si Jade, student assistant ng dean namin, si Jean nagmomodel sa mga photographers, si Maya nagli-lay out sa isang printing press at mini-mention nila ito habang nagpapakilala kaya napilitan din akong sabihing nag-i-event coordination din ako. Nabigla nalang ako sa tugon ni sir pagkatapos kong magpakilala.
"Mr. Tolores, I might need your service one day."
Napangiti nalang ako at bumalik sa pagkaka-upo.
Naging madugo ang buong klase. O naging madugo ang klase para sa akin kase hirap akong magcatch up. Hindi naman ako slow kaso hindi ko lang yata type yung subject. Hanggang sa natapos ang tatlong oras na discussion.
"Ok class, that's all for today. For updates and handouts nga pala, I will just add Mr. Tolores on facebook and will ask him to create a group chat with you all para mabilis ang dessimination ng infos. Ok, see you next saturday."
Nagulat ako sa sabi ni sir. Sa dami namin na pwedeng i-add sa facebook, bakit ako pa? And besides si Maya ang frontliner ng class namin since siya ang pinakamatalino. Kung ano man balak ni sir ay hindi ko na 'yun alam.
Palabas na ako ng campus ng may marinig akong tumatawag ng pangalan ko.
"Miguel! Saglit lang Miguel!"
Paglingon ko, si Peter. Tumatakbo bitbit ang phone niya.
"Uhh Peter!"
"Pahingi ako ng phone numbers mo. Makikiupdate ako for our class." Sabi ni Peter sabay abot ng phone niya.
Inabot ko ito at tinype ang number ko. Pagkatapos ay agad kong ibinalik ang phone niya.
"Salamat Miguel ha. Sige may next class pa ako."
"Sige Peter. Pauwi na din naman ako ng boarding house tapos uwi na din ako sa amin. Alam mo naman, week end."
"Sige mag-ingat ka." Pamamaalam ni Peter.
Naglalakad akong pauwi ng boarding house nang biglang mag-ring ang cellphone ko. May tumatawag na unknown number. Sinagot ko at nalaman kong lalaki ang nasa kabilang linya.
"Hello, Miguel. Si Peter to!"
"Uh Peter napatawag ka?"
"Sinisiguro ko lang na sayo talaga ang number na binigay mo. Sige mag-ingat ka." Sabay patay ng telepono.
Napangiti nalang ako at parang may pagkawirdo si Peter na to.
Pagdating ko ng boarding house, muling tumunog ang notification tone ng phone ko. Tiningnan ko at nakita ko nalang ang, "Padre Burgos I sent you a friend request". Chineck ko ang profile pic eh ang gamit niyang profile photo ay logo ng isang sikat na University dito sa Visayas. Sa kadahilanang hindi ko kilala ang nagpadala ng friend request, inignore ko muna ito at naghanda ng mga gamit na dadalhin pauwi.
Habang nasa byahe ako, muling tumunog ang notification tone ko. Nakita ko, "Padre Burgos I would like to connect with you.
Nacurious na ako dahil naalala ko ito yung account na nagpadala ng friend request sa akin. Tiningnan ko ang kanyang mensahe.
"Iba talaga kapag famous at may 1k plus na react sa profile photo, nangii-snob ng request."
Nagulat ako at nireplyan ko nalang ng, "Hello, mukha kasing dummy ang account niyo po."
Totoo naman talaga ang sabi ng Padre Burgos. Karamihan kase sa mga profile photo ko ay mga magaganda ang kuha dahil na din may kapit ako sa mga photographers na hina-hire namin sa aming events. Kadalasan sa kanila ay kinukunan ako ng palihim tuwing may gig kami at binibigyan ako ng kopya after. Yung ibang photographers naman ay pinapasali ako tuwing may funshots sila with prospected models kaya may mga iilan din akong studio quality photos. Hindi naman sa pagmamayabang ay gusto ako ng camera. Siguro dahil na din sa kacute-tan ko.
After 5 minutes, nagreply yung Padre Burgos.
"Mr. Tolores. Ano last name ng instructor niyo sa Phylo?"
Doon ko naalala si sir Francis. Burgos nga pala ang apelyedo niya.
"Sir Francis, ikaw po ba ito?"
"Yup." Reply niya. Dali dali kong inaccept siya at nagreply.
"Pasensiya na sir, iniiwasan ko lang kaseng tumanggap ng request from dummy accounts."
"Okey lang." Tipid niyang reply kaya medyo kinabahan ako, baka kako naoffend. Kaya naisipan kong ibahin ang usapan.
"Kakahiya naman sir, tiningnan mo yata mga profile pics ko."
"Exactly. Maganda ang mga kuha." Sagot niya.
"Magaling lang po talaga ang nag-edit." Pahumble kong sagot. Besides maganda naman talaga ang pagkakaedit ng bawat photo.
"Siguro din. Pero sa subject din kase 'yan minsan. Hubby ko din pala ang photography if you don't mind kaya may eye ako sa mga photos."
Ayan mahaba na reply niya. Malamang hindi ko nga siya naoffend. Sumagot nalang ako ng, "Sige sir, idlip muna ako. Matagal tagal pa byahe pauwi."
"Bakit di ka pala sumabay sa akin pauwi?" Reply niya.
"Out of way nga diba sir?" Tapos send din ng tumatawang emoji.
Nagreply nalang din siya ng emoji.
Nasa bahay na ako at katulad ng regular na weekend ay ginawa ko ang aking mga gawain. Naglaba ako ng mga pinaghubaran ko ng buong linggo at naghanda ng hapunan namin ng nanay ko. Gabi ko na nang muli kong nahawakan ang phone ko. Andaming missed calls at mga chat sa messenger. Karamihan ay galing sa group chat namin sa event coordination. Nabasa ko may gig daw kami next saturday at full package ang kinuha. Ibig sabihin bukod sa coordination ay kami din ang set up at ako din ang host. Medyo malaki ang kikita-in ko dito kaya nagpa-oo na ako. Chineck ko ang ibang chat at nabasa ko ang isang inquiry galing sa isang expected client, nagtatanong kung pwede daw ba akong maghost sa kasal nila, natuwa ako at marami ang inquiries ngayon kaso pagkabasa ko ng karugtong na chat ng client eh nagrerequest kung pwede daw ba akong kumanta sa kasal nila kesa kumuha pa sila ng wedding singer at dagdag gastos pa daw. Nabigla ako at nagrequest ang client na kumanta ako.
Marunong akong kumanta pero sabihing magaling, siguro nasa kalahati lang ang abilidad ko. Although linggo linggo din naman akong kumakanta sa misa pero yung ako mag-isa matagal ko nang hindi ginagawa 'yun. Pinagisipan ko muna bago magreply sa client. Binasa ko ang ibang mga chat.
Galing kay sir Francis.
"Hey!"
"Mr. Tolores!"
"Miguel."
"Miggy!"
"Ok, busy ka yata."
"I just want to remind you about the group chat."
"You're 6 hours na offline."
"7 hours na offline."
"Ok, chat me back kapag nabasa mo na chats ko."
"Ok, I have to sleep na."
"Good night."
"Miggy, any plan na magreply?"
Natawa ako sa sunod-sunod na chat ni sir Francis. Parang kasing-edad ko lang ito kapag makipagchat sa akin. At yung mas kinakatuwa ko is tinawag niya akong Miggy na tanging tatay ko lang ang tumatawag sa akin kapag galit siya. Nagko-compose ako ng irereply kay sir nang makita kong typing na siya. Hindi pa ako natapos magtype nang magchat siya.
"There, finally na-seen mo na mga chat ko."
"Hello sir." Reply ko.
"Can I have your digits para in case hindi ka macontact sa messenger eh matawagan kita?"
Napa-isip na ako. Kung di ko lang instructor ang kachat ko ay iisipin kong may gusto siya sa akin. Ayoko namang itanong na kung bakit pa niya kailangan ng contact ko since nagbigay na siya ng dahilan. Baka naman isipin niyang naghihintay ako ng ibang sagot kaya binigay ko nalang.
"Ok goodnight." Tanging reply niya pagkatapos kong ibigay contact ko sa kanya.
Isa ko pang tiningnan ay yung mga missed calls sa phone ko. Nang i-check ko, si Peter pala ang tumatawag. Tinawagan ko nalang ang number at tinanong kung anong pakay niya.
"Ah wala lang Miguel, chinicheck ko lang ulit kung talagang number mo nga yung binigay mo."
Inilayo ko saglit ang telepono sa bibig ko at pigil na tumawa. Hindi ko lang alam kung bakit andaming gusto akong kausapin ng araw na iyon pero ang nagpasaya sa akin eh ang mga dahilan nilang kung hindi kapani-paniwala ay ang babaw.
"Akin nga yun Peter. Bakit naman kita bibigyan ng ibang number?" Sagot ko habang pigil parin ang tawa.
"Wala lang. Baka kase ayaw mo akong makausap kaya bibigyan mo ako ng ibang contact number." Si Peter.
Nang mga sandaling iyon, hindi ko na napigilang tumawa. Patuloy ang usapan namin ni Peter. Andami naming pinag-usapan tungkol sa ex niyang schoolmate namin, tungkol sa kurso ko, sa mga alaga naming aso, mga trivia about sa zodiac at animal sign namin at marami pa hanggang sa di ko namalayan na mag-aalas dose na ng gabi kaya nagpaalam na ako sa kanya at siya din sa akin.
Habang nakahiga na ako, napaisip ako, parang maraming kakaibang pangyayari nang araw na iyon, at kung ano man 'yon ay na-e-enjoy ko ang atensyon na nakukuha ko mula sa mga tao.
Continue Reading Next Part