Roommate Romance (Part 16)
By: N.D. List
"Sino si Zion, kuya?" Nagulat ako nang biglang magsalita si Mico.
"Anong…?"
"Nadidinig ko… may binanggit na Zion si ate Carla. Bakit mo sya kinakamusta? Sino ba sya?"
Tumalikod ako sa kanya. Pumikit. Ayoko muna sanang mag-isip pero naisip ko na hangga't iniiwasan, lalo lamang magtatagal. I'm just prolonging the agony.
Naramdaman ko na tumabi sya sakin. Humiga at niyakap ako. Dumikit ang katawan nya sa likod ko at saka nyako hinalikan sa batok. Nilabas nya ang dila nya at sinabayan ng sipsip ng aking balat. Diniin nya ang mukha sa batok ko at humigop ng hininga. Napakasarap sa pakiramdam ng init ng hininga ni Mico sa leeg ko. Pinabayaan ko lang sya.
"Mag-usap na tayo kuya. Hindi ko na kaya. Sasabog na ang puso ko."
"So, anong gusto mong pag-usapan?"
"Tayo! Si kuya Joshua. Yang Zion na yan sino sya? Sinabi ko na sayo, e. Hindi ko kayang wala ka. Yun ang gusto ko. Maging tayo. Mahal kita, kuya. Yun ang gusto ko. Kung ayaw mo, wala akong magagawa pero yun ang sinasabi ko sayo. Yun ang gusto kong mangyari. Maging tayo."
"Pano kung sabihin ko sa'yong ayoko na at bumalik ka na kay Camille. Kailangan ka nya."
"Hindi ko gagawin yon! Nag-isip na nga ako diba. Ikaw ang pinili ko. Oo na nagkamali ako saka malaki ang kasalanan ko pero hindi ko naman sinadya yon. Ayoko naman saktan si Cams. Nangyari lang e. Naguluhan ako. Kung ayaw mo pipilitin pa din kita. Susubukan ko. "
Pinabayaan ko lang syang magsalita kahit paulit-ulit lang ang sinasabi nya.
"Kung babalikan ko si Cams edi lolokohin ko nanaman sya kasi hahanapin kita. Tingin ko naman hindi nya nyako tatanggapin. Okay lang naman yon naiintindihan ko. Pero ikaw nga pinipili ko, kuya."
Tumihiya ako at tumingin sa kanya pero hindi ako nagsalita.
"Kung papayag si Cams na tulungan ko sya, tutulungan ko sya. Kung gusto nya ng tatay ng anak namin. Okay lang sa'yo?", mahinahong sabi ni Mico. Parang humihingi ng permiso sa tatay.
Nakatingin lang ako sa kanya.
Kinuha nya ang isang kamay ko at isiniksik sa mukha nya. Tuluyan na syang umiyak. Nanginginig na sya at bumuhos na ang iyak. Heto nanaman tayo sa iyakan puta.
"Magsalita ka, kuya. Hindi ko kayang mawala ka, kuya. Sinabi mo mag-isip ako. Nag-isip na'ko. Yun ang gusto ko. Sabihin mo sa'kin kung ano kailangan kong gawin, kuya. Kung ano ang gusto mo… Sorry, kuya. Patawarin mo na'ko… sorry na kuya. Tulungan mo'ko… hindi ko alam ang gagawin ko… wag mo'kong iwan… ihingi mo'ko ng sorry kay Camille… natatakot ako… wag mo sila pabayaan… sorry na, kuya…"
Tuloy-tuloy lamang sa pagsasalita si Mico na parang nagdidiliryo. Naramdaman ko ang stress sa utak nya. Niyakap ko sya ng mahigpit. Hinalikan sa noo saka ko binaon ang mukha nya sa leeg ko. Pinabayaan ko lang syang umiyak hanggang humupa ang sakit na nararamdaman nya.
I set aside my pain para lang i-console ko sya. Marupok talaga ako, puta. Ganun talaga siguro pag mahal mo.
Kumalma sya pagkatapos ng ilang minuto.
Naramdaman ko syang humalik sa leeg ko. Dinilaan at hinigop ang balat ko. Nilakad nya nag dila nya papunta sa gilid ng leeg ko hanggang isubo nya ang ibaba ng kaliwang tenga ako. Tinamaan ako.
Gusto kong halikan si Mico pero pareho naming iniiwasan ang maghalikan pag bagong gising at hindi pa nagsisipilyo. Dinilaan ko nalang ang leeg nya at sinisip pagktapos ay ginuhit ang aking dila hanggang sa kanyang baba. Umangat sya at hinubad ang damit ko. Hinubaran ko rin sya pagtapos ay sabay kaming nagtanggal ng saplot sa ibaba. Naramdaman ko sa katawan ko ang mainit at makinis na katawan ni Mico. Tinuloy namin ang pagdidilaan pagkatapos maglapat ng aming katawan. Pareho kaming naghahabol ng hininga. Umuungol. Matagal ding nagkikiskisan ang aming mga katawan. Pinulupot ko ang mga paa ko sa mga paa nya. Mahigpit na nakayakap ang kaliwang kamay ko sa likod nya habang ang kanang kamay ko ay nilalamutak at dinidiinan ang matambok nyang puwet. Gusto kong ibaon si Mico sa katawan ko. Gigil na gigil ang mga ungol nya sa tenga ko na parang nakikipag-away. Pagkatapos ng ilang malakas na bayo ay naramdaman kong kumawala mainit na katas ko sa pagitan ng aming tiyan. Pakiramdam ko ay nasa ibang mundo kami ni Mico. Walang problema. Walang ibang tao kundi kaming dalawa.
Inangat ni Mico ang baywang nya at inilapit ang galit na galit na ari nya sa bibig ko na kaagad ko namang sinalubong at sinubo. Bumayo sya ng ilang beses bago sya umikot at umupo sa unan na sinundan naman ng aking ulo. Pinabayaan nyang angkinin ko ang pagkalalake nya kagaya ng parati nyang sinasabi sa'kin - gawin mo kung ano ang gusto mong gawin sa katawan ko. Paulit-ulit kong dinilaan ang bayag nya. Ang makinis na singit. Inari ko ang naghuhumindig nyang alaga. Ilang minuto akong nagtaas sa baba sa kanya hanggang sa pumintig-pintig ito at kumawala ang kanyang mainit nakatas. Impit ang mga ungol ni Mico. Humigpit ang pagsabunot nya sa buhok ko habang mabagal paring pumipintig ang ari nya. Hinayaan ko lamang na nakasubo ang alaga nya at niluwa ko lamang ito nung unti-unti nang lumambot sa loob ng bibig ko.
Ilang minuto ulit ang lumipas bago bumaba si Mico at humiga sa tabi ko. Maghakaharap kaming dalawa. Namumula ang mukha nya at magulo ng buhok. Pagod na pagod.
Matagal din kaming nagtitigan bago sya tumihaya at nagsalita.
"Kuya…"
"O…"
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Sino ba si Zion?"
Tumihaya din ako at kalmadong nagsalita.
"Walang kinalaman si Zion sa'tin, Mico. Dati pa yon. Wala na kaming connection ngayon. Magkaiba kayo."
"Kahit na. Gusto kong malaman kung sino sya."
Bumuntung-hininga ako.
"Nung nasa college kami ni Carla sa Bulacan, nagsa-sideline ako at nagtututor para pandagdag na kita. Napalapit ako sa kanya na para ko na rin syang nakababatang kapatid. Parang ikaw. Nung una raket lang talaga pero napalapit sya sakin at naging concern na din ako sa kanya. Binigyan ko sya ng maraming oras. Naawa kasi ako sa kanya. Parang wala kasing nagmamalasakit sa kanya. Hanggang sa tinutulungan ko na din sya sa mga personal nyang problema."
"Kagaya ng ano?", kalmado nyang tanong.
"Iba-iba. Basta. Matagal na kaming hindi nag-uusap ni Zion. Tinagilan ko na din dahil ayaw naman nyang magbago. Hindi daw nya kaya."
Madami-dami din akong nakwento ko kay Mico tungkol kay Zion. Kalmado naman syang nakinig. Ewan ko ba. Siguro tama si Carla na naa-attract ako sa mga taong kailangan ng tulong dahil pinupunan ko sa kanila ang hindi ko nagagawa para sa kapatid ko. Iniisip ko kung mali ba yon. May mali ba sa'kin?
Sumikip ng konti ang dibdib ko. Ayoko nang maalala si Zion. Halo-halo ang nararamdaman ko sa kanya. Guilt. Galit. Awa. Ewan ko. Iniisip ko kung tama ba na pinabayaan ko nalang sya. Basta.
"Naging kayo ba?", diretsahang tanong ni Mico.
"Hindi bakla si Zion, Mico".
"Nagkagusto ka ba sa kanya?", ayaw sumuko ni gago. Parang lawyer kung makapagtanong.
"Ano? Nagkagusto ka ba sa kanya? Mahal mo ba sya?"
"Immaterial na yon, Mico. Wala na kaming koneksyon ni Zion. May sarili na syang buhay."
"Hindi mo naman sinasagot ang tanong ko! Mahal mo ba sya? Paano kung nalaman mo bukas titira pala sya dito sa compound? O kaya magtatrabaho sya sa'tin?"
Nag-isip ako. Matagal. Nakatingin ako sa kisame pero nakikita ko sa gilid ng mata ko na nakatitig ng mabuti sakin si Mico. Tahimik. Naghihintay ng sagot.
"Hindi ka makasagot. Mahal mo sya, 'no? Mas mahal mo ba sya kesa sakin?", diretsahang tanong ulit ni Mico nang may magkahalong pang-aakusa at pagmamakaawa.
Bumebwelo ako ng sasabihin. Huminga ako ng malalim.
"Ikaw ang taong pinaka-importante sa'kin ngayon Mico. Mahal kita. Di ko alam kung kaya ko kung wala ka. Hindi kita pagpapalit kahit kanino. Nakakagawa nga ako ng mali dahil sayo eh. Ano pa bang hindi malinaw dun. Ikaw na ang buhay ko."
"Hindi mo parin sinagot ang tanong ko!"
"Iba si Zion! Oo, nahulog ako sa kanya. Siguro. Naging magkaibigan din naman kami. Naging magkuya rin naman ang turingan namin. Kung kakailanganin nya yung tulong ko at ako lang ang tanging tao na makakatulong sa kanya, baka tulungan ko sya. Pero sasabihin ko lahat sayo kung ano ang gagawin ko. I'm hoping na maiintindihan mo. Hindi ako gagawa ng ikakasama ng loob mo, Mico. Kung yun ang concern mo, wag kang mag-alala. If we're pushing through with this, we need to learn to trust each other."
Pag sumeseryoso ako napapa-inglis talaga ako.
"Magiging ganun din naman ako sa'yo kay Camille at sa magiging anak nyo. Susuportahin kita kahit may takot sakin na baka magkagustuhan kayo at maging kayo ulit behind my back".
Tumingin ako sa kanya.
"This is not gonna be easy, Mico. Kaya nga sabi ko sa'yo pag-isipan mo. Hindi lang yan ang dapat mong isipin. Handa ka ba sa sasabihin ng ibang tao sa'tin? Ako nga na bakla na nasasaktan pa din ako minsan e. Ikaw pa kaya na lalake? Madami tayong dapat pag-usapan. I need to know that you know what you're up to. Zion is the least of your worries."
Tumayo ako sa kama at pumunta sa banyo. Sumunod si Mico.
Nilagyan ko ng toothpaste ang toothbrush ko at saka ako nagsipilyo. Mula sa likuran ay yumakap sakin si Mico. Hinalikan ako sa leeg. Hinimas nya ang tiyan ko at saka nya nilaro-laro ang ari ko. Kaagad akong tinablan.
Pagkatapos kong magsipilyo ay kinuha nya ang toothbrush ko at nilagyan ng toothpaste at yun ang ginamit nyang pangsipilyo. Gago talaga 'to. Napailing nalang ako. Kinuha nya ang aking mga kamay at pinulupot din sa katawan nya. Sunod-sunuran naman ako at ginawa ko din ang ginawa nya sakin. Puta, marupok talaga.
Pagkatapos ay hinila nyako sa shower at sabay kaming naligo. Naka-isang round ulit kami. Intense din pero tinatamad nakong i-kwento. Imaginin nyo nalang.
Nauna akong lumabas kay Mico sa banyo. Iniwanan ko syang nagbabad sa shower.
Nakabihis nako ng pang-alis nang lumabas ng banyo si Mico ng nakahubad at nagpupunas ng twalya sa buhok.
"San ka pupunta?"
"Sa kuya mo."
"Fuck… why???"
"Anong fuck why fuck why? Kakausapin ko sya and come out clean at sasabihin ko sa kanya yung situation natin. Yung kay Camille at sa'yo. I'm tired of surprises, Mico. Let's meet this head on. Deretsahan na tayo para magkaalaman na."
"Sasama ako!"
"NO! You stay here! Pagbalik ko saka natin pag-usapan si kuya mo."
Palabas nako ng bahay nang ginulat ako ng taong nakatayo sa labas pagbukas ko ng pinto na akmang kakatok.
Si Camille.
Matagal kaming nagkatitigan. Pareho naming hindi alam ang gagawin. Ang sasabihin. Kumibot ang baba nya. Hindi ko maipinta ang mukha nya. Magkahalong hesitation, hiya, galit, takot… hindi ko alam. Nagpipigil sya ng iyak pero hindi nya nakakaya. Gusto ko syang yakapin pero nakahiyaan ko. Tuluyan na syang umiyak pero nakuha nyang magsalita.
"Gab… na… natatakot ako, Gab. Wala akong masabihan. Kailangan ko ng kausap. Baka masiraan ako ng ulo."
Naisip ko kung gaano kahirap ang sitwasyon ni Camille. Ako ang dahilan ng malaki nyang problema pero ako lang din ang nasasabihin nya ng problema. Alam nya na ako ang pinakamakaka-intindi ng nararamdaman nya. How the fuck do you deal with that.
Humikbi sya ng malakas. Masakit na hikbi. Akala ko tutumba sya. Hindi parin ako makagalaw at hindi ko sya mayakap.
"Cams… I'm sorry. Kung kailangan mo ng… ng kausap…"
Tumingin sakin mula sa pagkakayuko si Camille. Pagkatapos ay ibanaling ang tingin sa likod ko. Natigil sya. Tumingin ako sa likod at nakita ko si Mico na nakatapis ng twalya. Ang awkward. Binalik ko ang tingin ko kay Camille na parang bumalik sa tamang katinuan. Walang expression ang mukha.
"I… I can't do this…"
"Cams…"
Tumalikod si Camille at naglakad palayo. Hahabulin ko sana sya pero baka tumakbo sya at malaglag sa hagdanan kagaya ng mga nasa pelikula. Wala akong nagawa kundi tingnan nalang syang maglakad palayo. Hindi ko maigalaw ang aking mga paa.