Tolores (Part 3)
By: Miguel
Miyerkules, wash day naming mga estudyante kaya sa wakas ay makakaiwas na din akong magsuot ng dalawang patong na uniform ng aming department. Kami lamang kase ang bukod tanging coat and tie ang uniform sa lahat ng mga kurso kaya't isa ito sa ina-anticipate na araw naming mga estudyante. Pinaplantsa ko ang isusuot ko nang tinawag ako ng pinsan kong kahati ko sa inuupahan kong boarding house. Kasalukuyan siyang naliligo at nakalimutan niya daw bumili ng shampoo kaya nakisuyo siya kung pwede ko daw siyang bilhan sa labasan. Hinugot ko sa saksakan ang plantsa at nagsuot ng pantaas at umalis.
Palabas ako ng boarding house nang may nakita akong nakatayo sa tapat ng gate. Pamilyar sakin ang tindig ng mama kaya pinagtuunan ko ito ng pansin. Pagbukas ko ng gate, tama nga ako, si Sir Francis may kausap sa cellphone habang nakatayo malapit sa kanyang motor. Nakita ako ni sir at agad nagpaalam sa kausap sa kabilang linya.
"Miguel, you live here?"
"Hello sir, dito po ako nagboboard."
"Kelan pa?"
"Since first year pa sir."
"How come na hindi kita nakikita? Magkatapat lang pala inuupahan natin and I've been staying here for years na."
"Talaga sir? Eh baka kase ngayon niyo lang ako natsambahan ng umaga since ngayong sem lang din ako nagkaroon ng bakanteng morning sched.
Usually mga nakaraang semesters ay morning schedules namin kaya maaga akong pumapasok."
"Siguro nga." Pagsang-ayon ni sir. Kahit ako din ay nagtataka na hindi ko siya napapansing umuuwi sa katapat na unit. Siguro din kase ay puro mga empleyedo ang nangungupahan sa tapat kaya hindi rin ako nagkainteres na magkaroon ng kakilala.
"Oh, saan ka papunta?" Tanong ni sir.
"Ah nautusan lang pong bumili ng shampoo. Naliligo kase roomate ko tapos naubusan ng shampoo. Sige sir mauna na ako."
"Oh sige. Papasok na din akong work. I guess see you around?"
"See you po."
Parang nabuhayan ako ng loob nang malaman kong magkalapit lang pala ang inuupahan namin ni Sir Francis. Kaso tuwing maaalala kong nahihirapan ako sa subject niya, parang nahihiya na din ako. Parang antaas pa naman ng expectation niya sa akin.
Isang subject lang ako ngayong araw na ito. Usually kapag sa class ni Ma'am Terry kami ay sa studio kami naglelecture. Nasa kabilang building ito ng campus kaya medyo mahaba-habang lakarin. Napadaan ako sa stall ng mga nagtitinda sa sidewalk nang makita kong may tindang camote cue. Isa ito sa mga paborito ko bukod sa french fries. Since mag-aalas tres na din ng hapon, naisipan kong bumili. Habang hinihintay ko ang sukli ko hindi ko namalayang may dumating na costumer at nakapila sa likod ko. Saktong pagtalikod ko habang hawak ang biniling camote cue ay hindi ko sinasadyang matusok ng dulo ng stick ang braso ng costumer na kasunod sakin. Sa subrang taranta ko ay nadumihan pa ng pagkain ko ang damit niya. Sorry ako ng sorry habang pinupunasan ang damit niya nang hinawakan niya ako sa balikat.
"Hey, hey, Miguel okey lang."
Nang marinig ko ang pangalan ko napatingin ako sa mukha ng lalaki. Si Peter pala.
"Peter sorry, sorry. Nasaktan ka ba? Nadumihan ka pa uh!"
"Okey lang ako Miguel. Tsaka pauwi na din ako kaya okey lang."
"Sigurado ka kase ipapagamot kita sa clinic in case nasugatan ka."
"I'm alright. 'Wag mo na akong alalahanin. Tsaka mali-late ka na sa class mo kaya sige na."
Napakunot ang nuo ko. Nagtaka ako bakit alam niya na may pasok pa ako. Napansin niya ito.
"Nakasalubong ko sila Maya at Coleen kaya alam ko."
"Ah sige Peter mauna na ako. Pasensiya na talaga ha."
Isang ngiti ang isinukli ni Peter sa akin. Habang papasok ako ng room, tumunog ang phone na hawak ko. Nagtext si Peter.
"Relax ka lang. Masiyado kang taranta Miguel."
Nireplyan ko siya ng emoji. Pagkatapos ng klase, nagpaiwan muna ako sa studio. Naisip ko kaseng magpractice ng kanta na request ng client ko sa wedding. Since kompleto naman sa gamit ang studio, mas mainam kako na dito ako mag-ensayo. Napili kong kantahin ang "Have I told you lately that I love you" para sa Mother-Son Dance, "Because you love me" para sa Father-Daugter Dance, at "All of the stars" para sa First Dance. Nasa kalagitnaan ako ng practice nang magtext si Peter.
"Sa studio ka pa daw?" Tanong niya.
"Oo, kanino mo nalaman?"
"Nagtanong ako sa group chat."
Chineck ko ang messenger ko at nakita kong member na pala si Peter ng group chat naming magkakaklase. Naka-mute ito kaya hindi ko napansin.
"Punta ako d'yan."
Hindi ko na nireplyan si Peter at nagpatuloy munang magpractice. Maya-maya, dumating nga siya.
"Uhhh! Akala ko uuwi ka na kanina?" Tanong ko sa kanya.
"Maaga pa naman kaya tumambay muna ako sa gymnasium, nanood ng try outs. Magaling ka palang kumanta Miguel?"
"Kanina ka pa d'yan?"
"Bandang huli lang naman ang narinig ko."
"Kakahiya naman, akala ko pa naman mag-isa lang ako dito."
"Pwede naman akong umalis kung hindi ka komportable." Sagot ni Peter.
"'Wag na, tapos na din naman ako."
"Patingin nga ng kinakanta mo." Sabay tayo niya papunta sa kinakatayuan ko.
"Uhhh, alam kong kantahin to!" Si Peter.
"So kumakanta ka rin?" Mas tinubuan ako ng hiya. Hindi rin naman kase ako magaling kumanta lalo na kapag solo performance. Nasanay kase akong may kasama kumanta kaya unang pagkakataon ko itong mag-solo.
"Patugtugin mo nga 'to" sabay turo ni Peter sa lyrics ng "Have I told you lately that I love you".
Pinatugtog ko ang instrumental at si Peter naman ay lumapit sa mic. Ako naman ay pinagbigyan siya at umupo na lamang habang nakaharap sa kanya. Sinimulan niyang kantahin ang piyesa. Magaling siya. May mga adlib siyang ginagawa na swabe din naman. Maya't maya ay tumitingin siya sa akin habang kumakanta. Doon ko siya mas napagmasdan ng maigi. May pagkabrown pala ang kulay ng kanyang mga mata lalo na kapag natatamaan ng ilaw. Tapos ang kanyang mga labi, sakto lang ang pagkapink. Hindi siya yata nakapag-ahit kaya may mga bagong tubong buhok siya sa mukha. Maganda ang katawan ni Peter. Hapit ang t-shirt niya kaya makikita mo ang porma ng kanyang mga muscles. May kunting problema lang siya sa ngipin pero maaayos naman ito ng brace niya. Kumindat siya sa akin hudyat na tapos na siyang kumanta. Napapalakpak nalang ako at out of nowhere ay nabigkas ko nalang:
"Sino ang huling taong sinabihan mo ng I love you?"
Natahimik siya. Halatang nag-iisip.
"Parang subra namang dami at natahimik ka?" Sabi ko sabay tawa.
"Si Rosemarie!"
Si Rosemarie ang reigning Campus Sweetheart namin na naging girlfriend ni Peter.
"Ano nga pala ang nangyari sa inyo? If you don't mind." Tanong ko.
"We didn't work out."
"Bakit nga?" Pangungulit ko. Besides gusto kong makita kung paano umiyak 'yung Peter na 'to.
"Maybe katulad ng sa kanta. I became too comfortable na hindi siya mawawala sa akin. Na she's too inlove with me. Too comfortable na hindi na ako nagiging vocal sa nararamdaman ko sa kanya. Though I showed it naman too often. I just reserved my words for her for some reasons na I seldom tell her na mahal ko siya. Which she think is the best part of any relationship that I missed to gave her. Katulad ng song, I should keep on asking if I told her that I love her. Maybe kung ginawa ko 'yon, I might still have her."
Natigilan ako. In the same time, naiinis. Naiinis kase ang babaw lang dapat ng dahilan.
"You know what…"
"You know what too Miguel…" Pagputol niya sa sasabihin ko. "I think, I like you. I have this feeling na masaya akong nakikita ka palagi. That's for now. I mean I should take time to know you more before I disclose my feeling for you but I won't do the same mistake that I did before kaya sasabihin ko na habang may chance pa. And I hope wala sanang magbago after this."
"Peter!" I'm out of words. Nabigla ako sa mga sinabi niya. What's happening is too far from what I'm expecting. Hindi ko kase akalain na on someone's simpliest personality ay maaari paring makita ng ibang tao ang magandang traits inside them. At masiyado itong fast forward, andaming stages na naskip for us to be both in this moment.
"Tara Miguel, libre kitang fries." Sabay bitbit niya ng bag niya at hila sakin palabas ng studio.
Sa isang fast food kami kumain. Iniisip ko parin ang mga sinabi niya at hanggang mga oras na iyon ay confused parin ako kung paano siya nagkaroon ng feelings sa akin gayong casual lang naman ang pakikitungo ko sa kanya. Though I'm starting to like him din naman pero parang angbilis lang niya yata.
"Ah Peter, about kanina…"
"Kalimutan mo na muna 'yon. Kumain ka muna." Sagot ni Peter.
"I wasn't expecting lang kase na…"
"Na I'm bisexual? Matagal na Miggy. Matagal na din akong nagtatago inside the closet until now."
Nasense ko 'yon, na bisexual si Peter. He don't act straight nor act like gay which would make other people think na hindi nga siya straight, or maybe ako lang ang nag-iisip no'n.
"What makes you like me Peter?"
"Bakit hindi naman kita magugustuhan Miggy? You're nice, you're smart, you're a good person. Besides you'd represented our school for three straight years in Inter-school Newscasting Competition, uh alam ko diba?"
Nagulat ako at alam niya 'yon. It's true na ako ang naging representative ako ng college namin sa Interschool Newscasting Competition ng isang Regional TV network pero tanging department lang namin ang nakakaalam no'n kase although buong school naman ang nirerepresent ko ay hindi naman ito public concern.
"Pahiram nga ng phone mo. Open your facebook."
Pinahiram ko ang phone ko kay Peter. After typing ay may ipinakita siyang facebook account sa akin.
"Alyas Pedro?"
"Yes that's me and we'd been friends sa facebook for a long time na. See, I know you quite enough."
"Dummy account?"
"Hindi ah, account ko mismo 'yan. Hindi nga lang ako active magpost sa social media."
"Andaming revelations ngayon. I might need time to digest it all."
"I can help you." Sagot ni Peter sabay kagat sa fries na hawak ko. Natawa nalang kaming dalawa.
Mag-aalas siete na nang inihatid ako ni Peter sa boarding house. Sa gate na ako nang magpapaalam na sana ako sa kanya nang may nakakasilaw na ikaw mula sa dumating na motor at huminto sa tapat ng kabilang gate.
"Miguel? And Mr. Torres?"
"Sir Francis!" Sabay naming bigkas ni Peter.