Campus Romance (Part 1)
By N.D. List
"Are these seats taken?" tanong ng isang moreno pero kutis-mayamang lalake na boses Amerikano habang nakatingin sa mga lalakeng nakaupo sa kanan ng dalawang bakanteng upuan sa harapan. Sila yung ingliserong nadidinig ko kanina sa bandang likod dun sa subject namin na galing daw sa isang section na na-dissolve. Wala nang makitang bakanteng upuan sa likod kaya napilitan silang kunin ang mga upuan sa harap.
Walang sumagot. Na-shock yata ang madla sa accent ni kuya.
Nasa ikalawang linya kami ng mga upuan at nasa harapan namin ang tatlong bakanteng upuan.
"Nope. Probably not," sagot ko sa neutral na English.
Napatingin sa'kin si Kai.
"Taray! 'Nope'. Hindi ba pwedeng 'no' nalang?" nakangising kantiyaw nya. Tinaasan ko sya ng kilay.
"Thanks!" mahinang sagot ng lalake na may kasamang mahiyahing ngiti saka sya umupo sa gitna ng tatlong upuan at kinalikut ang cell phone. Umupo naman sa kanyang kaliwa ang kasama nyang maputing lalake na matangos ang ilong at mukhang may lahing Amerikano. Naka-headset at mukhang presko. In fairness, makikinis ang kanilang mga batok at likod ng tenga. Kutis artista. Mukhang mayayaman ang dalawang 'to.
Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na ang may hawak samin sa fo that subject. Nakatingin sya sa dalawa habang mabagal na naglalakad papunta sa mesa sa harapan. Umupo sya sa mesa at tumingin sa dalawang bagong salta.
"Good morning! I'm Miss Leilanie Araullo."
Hinintay nyang tumahimik ang lahat bago sya nagsalita ulit.
"For the newcomers, I do not allow mobile phones in this class! Before I get here next time, I want everyone to keep their mobile phones where I can't see them. Where you can't see them. I'll allow tablets and laptops as long as you're only using them to read notes and write notes.
I DO NOT allow headphones" kalmado pero madiin nyang pagpapatuloy. Tumingin sya sa lalakeng semi-Amerikano sa harapan ko.
Bumuntong hininga ang lalake. Tinusok nya ang dila nya sa kaliwang pisngi. Inikot ang mata at saka pinasok ang cellphone at earphones sa loob ng bag.
Tahimik ang buong klase at ramdam ang tensyon. Hindi masyadong pumatol si Miss Araullo kaya nagpatuloy naman ng mapayapa ang klase at wala namang naganap ng digmaan sa pagitang ng Amerikano at Pinay.
Dumerecho kami sa canteen ni Kai pagkatapos ng klase para mag lunch. Pagkabili ng pagkain, pumwesto kami sa dulo. Dun sa walang masyadong nakaupo.
Nakita ko na pumasok din ang dalawang inglisero sa canteen at umorder din ng makakain. Nakita nila kami nung naghahanap sila ng mauupuan. Ngumiti si moreno. Nagtinginan kami ni Kai. Lumapit sya samin. Nakakunot ang noo nung isang mukhang amboy pero sumunod na din sya sa kanya. Tanginang nya, ha. Diring diri?
"Hey, are these seats taken?" tanong ni moreno.
Sasabihin ko sana 'Nope. Probably not.' pero baka mag react nanaman si Kai kaya sabi ko nalang "No".
"Can we join you then?"
"Mmmm… sige lang," sagot ko. Syempre mas gusto sana namin na walang kasama pero mga pogi naman sila kaya keri na din.
"Nagtatagalog ba kayo?" sumunod kong tanong.
"Uh, yeah. Ako oo. I lived here for a while when I was a kid. Marcus can't. But I'm sure he can understand. Our folks speak ng tagalog at home sa California. Well, most of the time anyway."
"Ah, okay." sagot ko. Medyo aloof. Syempre pakipot. Pamin.
"I'm Noah. We're in the same class sa mga minor subjects. Most of them. This is Marcus. You are…" pagpapakilala nya.
"Gabriel. Gabby. Sya si Carla. Kai… minsan Klang so, yun. That's us." Ngumiti ako.
Walang kibo ang dalawa at kami lang dalawa ni Noah ang nag-uusap.
Awkward silence.
"We're tryin' out sa basketball later. Aren't you?" nakatingin sa'kin si Noah habang kumakagat sa kanyang humburger.
"Hahaha. As if! Lampa yang is Gab." natatawang sabi ni Kai. Nagulat tuloy ako.
"Makalampa ka naman!!" protesta ko.
"I don't play basketball really. I'm a couch potato." Pinaganda ko ng konti.
"Oh, o'right. Hey… hmmm… can I ask something? Are you guys… like…" hinahanap ni Marcus ang sasabihin.
"Yeah, he's my boyfriend." mabilis na sagot ni Kai. Napatingin ako sa kanya.
Hindi na din bago na ganun ang pakilala nya sa'kin. Minsan hindi na kailangan. Ina-assume nalang ng iba automatically dahil parati kaming magkasama. Parating magkadikit. Ayos lang naman samin. Alam ni Kai na bakla ako pero hindi ako out. Okay naman ako. Hindi naman ganun kahalatang bading ako pero minsan hindi ko rin matago. Si Kai for some reason ayaw nyang mag boyfriend kahit maraming nanliligaw sa kanya. Kaya ayun, madalas pinapakilala nyako as boyfriend.
Natapos ang kain namin ng wala masyadong nagsasalita. Minsan kaming dalawa ni Kai ang nag-uusap. Minsan silang dalawa. Ewan ko kung magkaano-ano ang mga 'to. Hindi ko na tinanong.
Tumingin ako sa amboy at nagtanong to break the awkward silence.
"Sorry, I'm just curious. Are you half…"
"I'm half-bored, yeah. Hey, man, let's hang some place else."
Itatanong ko sana kay Marcus kung half american sya. Pero pinutol nyako. Sungit, ha!
"Hey… so, I'll see you guys around?", paalam ni Noah.
"Sige lang", sabi ko.
Umalis ang dalawa at naiwan kaming dalawa ni Kai.
"O, ano? Maiiwan kapa? Wala na tayong subject mamaya diba? Magduduty ako eh. Papalitan ko yung gagang workmate ko na nagsakit-sakitan."
"Ime-meet ko mamayang hapon yung tuturuan ko eh. Dito na muna 'ko."
"Naku, Gab! Bawas-bawasan mo ang workload mo. Hindi ka robot 'no! Baka biglang bumigay ang katawan mo nyan."
"Sayang pera, eh. Pandagdag din yon".
"O, sya!"
Iniwanan nyako at nagbasa nalang ako ng bagong libro na libro ng Harry Potter na dinownload ko sa internet at pinaprint ko isa kong tinu-tutor na estudyante. Nagtsa-tiyaga ako sa maliliit na letra na sinadya kong liitin para matipid sa bond paper para naman hindi masyadong nakakahiya pina sa pinag-print-an ko.
Tumayo ako nung mag-text sakin yung bagong tuturuan ko na nandun na sya sa meeting place kaya naglakad nako papunta sa gilid ng GCA building.
Pagdating ko dun, isang estudyanteng nakahiga sa bench ang nakita ko sa ilalim ng punong mangga. Nakaunan sa kanyang bag at nakatakip ng cap ang mukha. May kapayatan at tuwid na nakatihaya.
Kinontak ako ng nanay nya last week dahil nakita daw nya yung number ko sa bulletin board para turuan regularly ang anak nya. Mukhang galante. Hindi nagreklamo sa preso ko at dinagdagan pa ng konti.
Hindi ko alam kung gigisingin ko dahil hindi ako sigurado kung sya nga yon kahit sinabi nya sa text na nandito na sya. Umupo ako at pinagmasdan ko lang sya. Nag-ingay ako ng konti para magising sya. Hindi nagising.
Naisipan kong tawagin ang cellphone nya at tumunog naman ito. Nagising sya. Kumurap-kurap na parang bang galing sa malalim na tulog samantalang mga kinse minutos palang ang nakakalimupas mula nung ma-receive ko yung text nya.
Naalala ko 'tong batang 'to. Namumukhaan ko sya. Isa sya sa mga nagperform sa isa sa mga walang kakwenta-kwenta naming subject nung 2nd week ng klase na tinawanan ng buong klase. Naalala ko ang mukha nya kasi nakangiti lamang sya buong performance at halos sumara na mga singkit na mata. Maamo ang mukha nya na para bang batang paslit na walang problema sa buhay. Mukhang walang kamuwang-muwang pero maharot din pag kasama nya ang barkada nya. Ito yung tipo ng tao pinipilit magpaka-cool para maging "in" sa grupo nya. Hindi ko pa masyadong mamemorya ang mukha nya kasi pag may marami akong bagong kakilala, parang iisa pa ang mukha ng mga tao sa paligid ko. Cute naman sya nun pero bakit ngayon mukhang haggard na haggard sya.
"Ikaw ba si Zion? Kaklase kita sa ibang subject diba? Ba't parang hindi ko yata nadidinig yung pangalan mo pag naga-attendance?"
Hindi sumagot kaagad. Mukhang bangag pa.
"Hindi ko sinusulat yung Zion sa mga index card. William Zion Ledezma ako, kuya", sabi nya habang nag-uunat. Wala pa sa sarili.
"Gabby. Or kahit Gab nalang. Anong sabi sayo ng mama mo?" nakipag-fist bump ako. Taray, lalakeng lalake.
"Wala lang. Basta sabi lang nya tuturuan mo daw ako. Ewan ko nga dun e. Magpapaturu pa."
"San ka ba nahihirapan?"
"Di naman ako masyadong nahihirapan. Ayus lang naman e. Pag minsan pag madaming ginagawa tinatamad lang ako. May bagsak nga akong isa last sem e. Hahaha!", sabi na may magkahalong hiya at… pagmamalaki? Na para bang napaka-cool nya dahil hindi nya masyadong sine-seryoso ang pag-aaral nya. Baka defense mechanism lang.
"Sige ganito nalang, gawin nalang natin yung mga kailangan mong ipasa this week tapos tingnan nalang natin kung papano ang gagawin natin next session"
"O sige kuya. Ikaw."
"Patingin ng COR mo."
Kinalkal nya ang bag nya saka nya inabot ang COR. Mabuti naman at kaklase ko sya sa lahat ng subject maliban lang dun sa binagsak nyang subject.
Okay namang turuan si William. Average student. Hindi magaling sa English pero nakaka-intindi naman. Hindi kagaya ng nanay nya na pormal at professional magsalita. Mukhang mabait naman syang bata. Nakikinig naman. Hindi masyadong nagsasalita dahil nahihiya pa siguro pero tumatawa naman sya pag nagpapatawa ako. Dalawang oras sana kami pero tumigil nako nung nakita kong tumitingin-tingin sya sa relo nya.
Nagpaalamanan kami at naghiwalay dahil pupunta ako ng CR at kanina pako ihing-ihi. Sya naman ay naglakad papunta sa palabas ng campus at nakita ko na sinalubong sya ng dalawang estudyante na kaibigan siguro nya. Parang namukhaan ko yung isa. Kaklase din yata namin.
Dun ako pumunta sa CR lagpas sa gym dahil kokonti ang nagsi-CR dun pag ganitong oras. Saka malinis. Minsan dun ako nagbibihis pag kailangan kong dumerecho ng trabaho from school.
Kinakalkal ko yung bag ko habang papasok ako ng pinto nang magulat ako ng may nagsalita ng malakas.
"What the fuck!", gulat na sabi ni Noah sabay hablot ng jersey short na nakasabit sa sa pinto at tinakip sa titi nya.
Nasa loob sya ng isang cubicle pero bukas ang pinto. Kitang kita ako ang buong katawan nya. Hindi maskulado pero lean at maganda ang hubog. Sakto lang ang laki ng alaga nya. Malaki na din para sa isang pinoy.
"Puta! Sorry. Bakit kasi naghuhubad ka dyan!" mabilis kong sagot. Uminit ang mga tenga at pakiramdam ko at siguradong namula ako. Umatras ako ng konti sa labas ng pinto at nagpalipas ng ilang segundo.
"Hey, sorry, I just… pasok ka na" aya nya habang sinasara ang pinto.
Hesitant, pero tumuloy na din ako sa sink at nagmumog.
Lumabas sya ng naka-boxer at bitbit ang pinagpawisang damit. Fit at bakat ang alaga. Nilagay nya sa isang plastic ang hawak nyang damit. Linabas nya ang isang walking shorts mula sa bag nya saka nya sinuot.
Hindi parin nawawala sa isip ko ang hubad na katawan nya pero pinilit kong magpaka-casual.
"Noah, right? Sorry, ha, hindi ka na tuloy nakapag-shower. Tapos na naman ako nyan. Aalis na'ko."
"No, no, it's okay. I don't really intend to… I'm too lazy na e… sa bahay nalang ako magliligo"
"You know, Noah… here in the Philippines we don't just strip kung saan-saan kahit…"
"Ah, no, no. Kahit naman sa US di ako ginagawa ng ganon. It's just that… I thought nobody comes here to… you know… to go".
"Hahaha. Oo kaya nga ako dito madalas pupunta pag kailangan kong magbihis pag didirecho ako ng work."
"Oh, ye'r working?", tanong nya habang sinusuot ang isang puting t-shirt. Napakakinis ng katawan ni Noah. Halatang laki sa luho. Manipis ang kanyang buhok sa kilikili at mabango pa din kahit galing sa pawis.
"Oo, in a convenience store pero off ko ngayon. Hey, I gotta go," sagot habang sinasakbit ang backpack sa balikat ko. Naglakad nako palabas. Naiilang ako na nahihiya na ewan. Baka mahalata.
"Sabay na'ko," habol ni Noah.
"Ikaw. Bahala ka," sagot ko habang direchong naglakad palabas ng hindi tumitingin sa kanya.
Humabol si Noah.
"Actually, I'm starving, e. Tara kain tayo dyan sa Burger King. Libre ko na kita."
"Di na, ayos lang ako. Nakakahiya naman sa'yo."
"Come on, man. Samahan mo na'ko sige na. Wala kasi si Marcus. He went somewhere with some o' the players. Sama ka na please," pagpipilit nya sabay akbay sa'kin.
"Hmm… ikaw. Gagastos ka pa."
"Ayus lang yon. Tara!"
In fairness, mabait naman pala 'tong si Noah. Mukha naman magkakasundo din kami.
Continue Reading Next Part