Chaotic Love (Part 2)
LUMIPAS ang ilang linggo matapos mga kaganapang iyon sa aaming bahay. Sariwa pa din sa aking isipan kung paano kaming dalawa ni Brix ay mabilisang nakapag ayos ng aming mga sarili. Natawa na lamang ako sa aking naisip.
Sa ginawa naming dalawa masasabi kong nahulog na talaga ng tuluyan ang loob ko sa kaniya.
Nandito kami ngayon ni Brix sa Mcdo at nakapila ako ngayon sa counter para bumili nang kakainin namin.
Wala pang sampung minuto ay ako na ang oorder. “Good afternoon po sir, ano po ang inyo?” ang panikula ng babae sa cashier.
“Ahm dalawang F po and paupgrade po ng dalawang drinks into coffee float yun lang po.” at inulit ng babae ang order ko. Makalipas ang limang minuto ay nakahanda na ang inorder ko.
“Enjoy your meal sir!” ang maaliwalas na sabi ng babae. Agad naman akong tumungo sa pwesto namin.
Habang papalapit ako kay Brix ay kita ko sa mga mukha nito na tuwang tuwa habang nakatingin sa kaniyang cellphone. Noong malapit na ako ay agad naman niyang tinago ang cellphone niya at tinulungan akong tanggalin ang inorder ko sa ibabaw ng tray.
Habang ngununguya si Brix ay bigla itong nagsalita “Ahm, Den nag text saakin si Eric mamaya daw kina Jerry tayo” hindi naman ako nagsalita ngunit binigyan ko naman ito ng okay sign gamit ang kamay ko.
Wala pang trenta minuto ay natapos na kaming kumain, hinihintay ko na lamang si Brix dahil nagpunta ito sa cr.
“Tara Den, libot muna tayo” wala pang pagsang-ayon ay hinila na ako nito. Nandito kami ngayon sa Tiangge at tumitingin ng mga damit.
Habang tumitingin si Brix ng mga damit ay siya ding pangiti ngiti nito habang nakatingen sa cellphone niya.
Hindi na ako mapakali at tinanong ko ito kung sino ba ang kausap niya. “Brix, kanina ka pa sa Mcdo na naka ngiti diyan sa cellphone mo, sino ba kausap mo?” ang tanong ko sa kaniya habang nagsasamsam ng mga damit.
“Ah-eh wala mga tropa ko lang~ ang kukulit kanina pa tayo hinihintay ang sabi ko eh maaga pa naman” ang sagot nito saakin. Hindi ko nalang kinulit at pinaniwalaan nalang ang mga sinabe nito. May tiwala naman ako sa kaniya.
“Ah ganun ba, nakabili ka naman na diba? Nakabili naman na din ako. Ano tara na ba?” sabi ko dito at hindi naman siya tumanggi.
Pumunta na kami sa sakayan at hinintay itong mapunta bago umandor. Mahigit trenta minuto din ang biyahe namin at tanging pangiti ngiti pa din si Brix habang nakatingin sa cellphone. Hindi ko nalang ito pinansin at tiningnan na lamang din ang cellphone ko.
Nandito na kami sa tapat ng bahay nila Jerry at biglang bumukas ang gate at iniluwa nito si Eric. Agad naman itong nakipag appear saamin ni Brix. Pumasok na kami sa loob at dumiretso kami sa garden.
Tinitigan ko ang mga taong nakaupo, wala silang kaalam alam kung anong namanagitan saamin ni Brix tanging kaming dalawa lang ang nakakaalam. Pero natigilan ako ano nga bang meron saamin ni Brix? Wala kaming label. Flirting lang ba ang meron saamin? Hays
Hindi ko nalang ito inisip para hindi ako lalong maguluhan. Umupo nalang ako sa tabi ni Brix na pinag gigitnaan naming dalawa ni Eric.
Nasa gitna na kami ng kasiyahan at tingin ko tinatamaan na din ako nang mapansin kong wala si Brix sa tabi ko. Hindi ko nalang ito pinansin dahil naiihi na ako. Pumunta ako sa cr at umihi. Matapos kong umihi ay naabutan ko sa labas si Brix na tuwang tuwa habang nakatirig pa din sa cellphone.
At dahil may tama na ako hindi ko nalang ito pinansin lumapit ako sa kaniya at ikinagulat naman ni Brix.
“Kaya mo pa?” tanong ko dito
“Oo naman hahaha, ikaw ata tong lasing na e. Oh pulang pula na yang mukha mo” sagot naman nito saakin
Hindi ko na siya sinagot lumapit nalang ako ng mas malapit sa kaniya at tumingin sa paligid kung may tao ba. Nang maconfirm kong walang tao sa paligid ay hinalikan ko ito sa labi na ikinapaki ng mga mata niya. “I want your lips ugh” bulong ko sa tainga nito matapos itong halikan.
“Shit Den baka makita nila tayo.” natawa naman ako dahil biglang namula ang mukha nito at nagulat at the same time. Ngayon lang siya nahiya sa mga makakakita saamin.
“Opo hindi, tara balik na tayo doon” sumunod naman ito saakin.
At bumalik na nga kami sa inuman. Pasado 11:30pm na nang matapos kami sa inuman at nagpasiya na kami na umuwi.
KINABUKASAN paggising ko nangingirot sa sakit ang ulo ko. Agad naman akong bumangon at uminom ng malamig na tubig. Pagtapos kong uminom ay tiningnan ko ang cellphone ko kung sino ang mga nag text.
“Woy, nakauwi na ako pinagalitan ka ba?” si Eric, hindi ko na nabasa kagabi dahil siguro sa kaantukan.
“Pre ingat kayo pauwi huh” si Jerry.
Madami pang mga nag text pero hindi ako interesado sa kanila nang makita ko ang pangalan ni Brix ay agad ko itong binuksan.
“Den nakauwi na ako, good night!”
“Den sweet dreams mwua!”
“Hoy gising ka pa ba hindi kasi ako makatulog”
Ilan lamang iyan sa mga text ni Brix napangiti nalang ako.
Nagtext din ako sa kaniya na nakatulog agad ako kagabi, at nag good morning na din ako sa kaniya. Sinabe ko ding aalis sila mama’t papa kasama ang mga kapatid ko at sinabe ko sa kaniya kung pwede siyang pumunta dito.
Mga alas dose na ng tanghali nang magreply ito saakin at sinabeng “Sige Den punta ako diyan maliligo lang ako, kakagising ko lang eh. Diyan na din ako kakain”
Agad naman akong nagtungo sa kusina at ininit ang mga ulam na lumamig na. Saktong pagtapos kong mag-init ay siyang pagtunog ng doorbell.
Kita ko naman sa labas ang ngiting ngiting Brix habang pakaway kaway pa. Nang makapasok na kami sa loob ay binigyan ko ito ng halik sa kaniyang labi.
“Den tulog tayo, masakit pa kasi ulo ko” habang sinasabi ito niya ito ay kita sa mukha nito ang pagpapacute.
“Sige pero kain na muna tayo, tara sa kusina” sumunod naman si Brix saakin habang nakaakbay ‘to saakin.
Matapos naming kumain ay naghugas lang ako saglit at iniwan ko muna ito sa sala habang nanonood ng TV. Wala pang sampung minuto ay natapos na ako at niyaya ko itong pumunta sa kwarto ko upang matulog.
“Den, pahiram naman ng charger nalimutan ko kasing icharge ‘tong cellphone ko eh.” hindi na ako tumugon at binigay ko na lamang sa kaniya ang charger.
Matapos nitong itabi ang cellphone na nakacharge ay nagpasiya na kaming matulog magkatabi kaming dalawa habang nakadantay ang mga hita ko sa katawan nito.
Naalimpungatan ako nang makaramdam akong naiihi. Matapos kong umihi ay nakita kong umilaw ang cellphone ni Brix. At dahil curious ako kung bakit pangiti ngiti ito habang nakadungaw sa cellphone niya ay agad ko itong tiningnan.
Nanlaki ang mga mata ko at umiinit na ang tagiliran ng aking mga mata. Hindi ako makapaniwala sa nababasa ko ngayon. Totoo ba ‘to? Si Eric tsaka si Brix may relasyon?
“Bae, daan ka dito sa bahay pag-uuwi ka na huh!”
“Bae gising na ba kayo?”
“Bae kumakain ako ngayon ng ice cream favorite mo tinirahan kita.”
“I love you bae mwua”
“Sasabihin mo na ba kay Den na tayo na?”
Ilan lamang iyan sa mga nabasa ko. Bigla na lamang tumulo ang mga luha ko at napatingin kay Brix.
Bakit ganito nalang ako masaktan? Wala naman kaming label hindi naman kami, hindi naman naging kami at sa tingin ko hindi na magiging kami. Kaya pala lagi niyang gusto dito sa bahay, para pagdating ng hapon at uuwi na siya ay didiretso siya kila Eric.
Hindi ko na talaga kaya. Lalong bumilis ang pag-agos ng mga luha ko sa aking mukha. Hindi pa din gising si Brix. At wala akong balak na gisingin at komprontahin siya, silang dalawa ng childhood friend ko.
Halos isang oras din akong umiyak. Nang maramdaman kong nag-uunat si Brix ay inayos ko ang sarili ko. Hindi niya ako pwedeng makita ng ganito.
“Good afternoon Den” nang tuluyan itong magising at kiniss niya ang noo ko.
I act normal ‘coz I don’t want Brix notice that I already know their relationship.
Bigla niyang kinuha ang cellphone niya. Nagbabasa siguro ng mga text ni Eric dahil nakangiti nanaman ‘to. At bigla itong nagsalita.
“Den, uwi na ako nagtext na kasi si mama need daw ako sa bahay” I nodded at him at hinatid ko nalang ito sa gate.
Matapos ang araw na iyon ay dumalang na ang pagtitext saakin ni Brix. Yung palaging siya ang nauuna mag text ay hindi na nangyayari. Minsan nagtitext ako sa kaniya pero yung reply niya umaabit ng isang oras.
Siguro masaya na siya kay Eric. Mas may itsura kasi si Eric kaysa saakin. Kailangan ko nang dumistansiya sa kanila. Ayoko din naman manggulo. Wala namang kami.
Nakakalunggot lang hindi pa kami nagsisimula natapos na agad. At ang mas nakakalungkot sa best friend ko pa.
Gabi nanaman, iniyak ko lang ng iniyak lahat ng sama ng loob ko. Wala naman kasi akong karaoatan. Ang unfair ng buhay ko.
Dumating ang graduation namin at hindi na kami nagkikita ni Brix maski si Eric hindi ko na nakakasama.
As usual si Ainah ang Top 1 at the same time valedictorian. Hindi ako nakafocus sa speech niya. Masyadong madrama. Ayoko na ng drama.
Matapos ang speech kinongratulate kami ng Principal namin. At doon na natapos ang ceremony. Hindi na ako nakigulo sa kanila na magpicture gusto ko nang umuwi at may aasikasuhin pa ako.
Pagtayo ko sa upuan upang umalis na sa pwesto ay may nakita akong grupo ng mga kalalakihang papalapit saakin. Sila Jerry pala, hinanap ko si Brix mukhang hindi nila kasa. Baka kasama si Eric.
“Den after this punta ka sa bahay huh inuman tayo!” Nakangiting sabi saakin ni Jerry at bigla namang pagdating ni Brix.
Tumingin lang siya sakin na parang wala na talagang nararamdamang love. Yung normal na tingin lang. Hindi naman ako nagulat alam ko naman na kasi lahat.
“Pass muna ako boi, aasikasuhin ko yung dorm na titirahan ko sa Manila ngayon.” Agad ko namang sabi sa kaniya na ikinagulat naman ng iba.
“Oh nice sa Manila ka pala mag-aaral akala ko dito ka lang din sa lugar natin.” aniya ni Jerry
“Ah dapat, kaso may nangyari eh” sabay tingin ko kay Brix na ikinagulat niya hindi naman napansin ng iba “Tsaka sayang naman nakapasa ako sa dream university ko eh” pagpapatuloy ko.
“Sabagay sayang nga, ingat ka nalang doon boi mamimiss ka naming lahat” sabi ni Jayson sabay bro hug
“Ako din mamimiss ko kayo, sige alis na ako” ang paalam ko sa kaniya.
Matapos ang tagpong iyon ay desidedo na akong kalimutan si Brix at si Eric. Sana maging masaya sila. Hindi sila makakatanggap nang panggugulo mula saakin.
Basta masaya ka Brix masaya na din ako.
Nagpalit ako ng number at tinapon ko yung simcard ko. Bukas na bukas pupunta na din akong Manila para sa aasikasihin ko. Payag naman sila mama’t papa na ma dorm ako. Alam nilang hindi ako maglokoko.
To be continued…