Campus Romance (Part 3)
By N.D. List
Author’s note: Thank you for reading Chapter 3. I would really appreciate it if you take time to let me know what you think on the comments section. What are the good points and bad points of the story and how I tell it. I would appreciate your constructive feedback
Maingat at dahan-dahang nabuo ang pagmamahal ko sayo.
Hindi ko inasahan.
Basta nalang nangyari.
Napagtanto ko nalang isang araw kung gaano ka kaimportante sa'kin.
Masarap sa pakiramdam.
Masakit sa pakiramdam.Mahirap kang mahalin.
Ginagawa mo ang lahat ng bagay na makapagpapasaya sa'yo.
Ginagawa mo ng walang pagsasaalang-alang kahit masaktan ang mga taong nagmamahal sa'yo.
Ang mga taong mahal mo.
O mga taong sinasabi mo na mahal mo.Naging palaisipan sa akin ang bawat mong galaw.
Pinipilit kong alamin kung ano ang nasa isip mo.
Nasa pagitan ka ng batang walang muwang at tuso.Pinipilit kong alamin kung ano ang nasa puso mo.
Kung mayroon bang pagpapahalaga o nakakubling pangungutsa.
Sa isa o dalawang beses mong pagpapakita ng pasasalamat, nagbabago ang lahat.
Lumalakas ang tanging hibla na pumipigil sa akin na kumalas.
Na iwan ka
Kagaya ng iba na sinasabi mong naging mahina para sa'yo.
Naging malakas ako para sa'yo
Kahit hindi na dapat.
Minsan iniisip ko kung naging mapagsamantala ako sa kahinaan mo.
Kailangan mong maging malakas para sa sarili mo.Hindi ko alam kung magiging mabuti para sa'yo na nandito ako.
Hindi ko alam kung gusto mo pa na nandito ako.
Ang tanging alam ko ay hindi ako magkakaroon ng kapayapaan kung hindi ako lalayo.
Pero makakaya ko bang lumayo?
Mahal kita pero kailangang mahalan ko din ang sarili ko
Kahit hindi ko alam kung paano.
Nadinig ko ang mahinang tunog cellphone ni Noah. Naka-ilaw sya nung tiningnan ko. Na-curious ako kaya binasa ko kung sino ang nag text at nakita ko sa preview si Marcus.
[ Bro, sleepng at Cassie's. Wel, not sleepig but u know… later! ]
Nangiti ako. Wala kasi sa tipo ni Marcus ang magpapaalam pa sa pinsan nya. Tingin ko kasi sya yung tipo na walang paki sa ibang tao. Gagawin lang ang gusto. Pero heto't ayaw din pala niyang mag-alala si Noah. Cute.
Hawak ko ang cellphone ni Noah nung lumabas sya ng banyo. Awkward. Nilapag ko ulit sa kama ang cellphone.
"Nag-text si Marcus," casual kong sinabi. "Hindi daw uuwi. I-score siguro."
"You think?", sarcastic na sagot ni Noah. "He's a grown ass man. He does whatever the fuck he wants."
Naglalakad sya papalapit sa kama habang pinupunasan nya ng twalyang nakasabit sa balikat nya ang kanyang buhok. Nakaputing briefs lang. Heto nanaman po tayo. VPL kung VPL.
Ngayon ko lang nakitang nakaputing briefs si Noah. Puro itim usually ang usot nya. Mas bakat pala kung puti ang suot. Nakakawala ng lasing. Kitang-kita ang clef chin ng nakakambyo pataas nyang alaga. Naisip ko, ganon ba ang mga mayayaman? Iba ang kulay ng underwear pag pantulog?
Sinilip nya ang cellphone nya saka sya bumaling sakin.
"I've got unused underwear dun sa luggage in one of the drawers. Come on, kalkalin ko."
"Di na. Nakakahiya naman sayo. Kahit luma mo nalang na brief. Hindi naman ako maselan at isang beses lang naman susuotin."
"You sure?", medyo natatawa nyang sabi.
"Oo naman."
"You can keep it if you want. Para pag nagkasuot mo you can feel my manhood. Hahaha!"
"Gago!"
Tinangka kong bumangon pero nahirapan ako. Inabot nya ang kamay nya at saka nyako hinila pabangon. Nahilo ako sa aking pagtayo. Umikot ang paligid ko kaya napapatong ang ulo ko sa balikat nya.
"Shit!" mahina kong sabi. Napaungol ako sa sobrang hilo.
"You okay?", yinakap ako ni Noah para alalayan ako. Akala nya siguro babagsak ako.
Inantay kong makapag-adjust ang ulo't at katawan ko sa pagkakatayo ng mga ilang segundo. Nabawasan naman ang pagkahilo ko pagkatapos.
"Yeah! Napabilis lang ang pagbangon ko siguro," sagot ko.
Kumalas ako sa kanya at mabagal na naglakad papunta banyo. Huminto ako pagdating ko sa may pinto papuntang banyo at humawak ako sa doorframe para hindi matumba.
"May shorts ka ba na pwede kong suotin?" tanong ko.
"Oo, you check all the drawers meron dyan. Pangalawa I think."
Kinalkal ko yung mga drawers nya at kumuha ako ng twalya, sando, briefs at minipis na shorts. Iba talaga pag mayayaman. Wala man lang mga luma at sirang damit pantulog. Walang bacon na underwear. Nahiya tuloy ako kaya binalot ko ng mabuti ng pantalon ko yung medyo luma kong briefs nung maghubad ako.
Kasalukuyan akong nagsasabon na maaninagan ko na pumasok si Noah sa banyo. May rain glass divider ang shower pero kitang-kita pa din ang hubog ng katawan nya kaya alam kong nakikita din nya ang hubad na katawan ko. Mukhang hindi naman nyako pinagmasdan at nakita ko na nagpunta lang sya sa sink para mag toothbrush. Asa pa'ko. Walang talagang pagnanasa sa'kin si kuya.
Nadinig ko syang sumigaw para marinig ko sa lakas lagaslas ng tubig ng shower.
"Gab! I'm leaving a disposable toothbrush here sa sink!" sigaw nya. Umoo lang ako.
Palabas na sya ng ma-realize ko na nakapatong pa sa vanity cabinet pa yung towel na kinuha ko.
"Bro, paabot nung towel" utos ko. Nakalabas ang ulo at kaliwang kamay ko sa glass door habang naka-cover naman sa ari ko ang kanang kamay ko. Alam kong naaaninag nya na tinatakpan ang alaga ko.
"You must have some awesome package for you to be that protective," natatawa nyang sabi.
"Gago! Akin na nga yang twalya!" natatawa kong sagot.
Lumabas sya ng banyo at saka nako lumabas ng shower at nagbihis.
Medyo gumaan na yung pakiramdam ko pagkatapos kong maligo. Nakahiga na sya paglabas ko ng banyo. Nagse-cellphone at nakakumot. Nakita ko na may extrang kumot na nakapatong sa unan ko sa pwesto ko. Sayang! Ayaw nyang share nalang kami ng kumot. Guarded.
Umupo muna ako saglit at nag-cellphone din habang pinapatuyo ko ang buhok ko. Tiningnan ko kung may reply si William sa text ko. Wala. Ano na kaya ang nangyayari sa mga yon? Safe kaya sila? Magtetext sana ulit ako pero naisip ko useless naman. Hindi naman sya sasagot. Matipid sumagot sa text si William. Pag explicit yung tanong saka lang sya sasagot. Minsan nga pag dalawa yung tanong mo sa isang text isa lang ang sasagutin nya. Kabwisit din yun eh. Kaya hindi na din ako nagtetext sa kanya kung hindi kailangan.
"You actually think they will bother telling you how they're doing?" nagulat ako ng biglang magsalita si Noah.
"What? Alin sina William? Tinitingnan ko kung nagreply sakin si Kai." pagsisinungaling ko.
"Right!" sarcastic nyang sagot.
Binaba ko nalang sa sahig ang ginamit kong twalya na pantuyo sa buhok ko at saka nako nahiga. Medyo na-concious ako sa paglagay ko ng medyo basang twalya sa lapag pero tinamad na kasi ako na isabit sa banyo. Naisip ko na uunahan ko nalang syang magising at saka ko nalang aayusin.
"You know what they're going to do? They're gonna blow dope and fuck the shit out of that bitch! Tapos uuwi sila ng umaga so you don't have to worry about them." prankang sabi ni Noah.
Medyo nainis ako sa sinabi nya. Na-bother lalo ako. Hindi ako sumagot kaagad.
"Alam mo, pag titingnan mo si William parang walang kamuwang-muwang sa mundo pero kanina parang sanay na sanay ang galawan nya."
"Well, he's a grown ass man. These people, they will do whatever the fuck they want to do and they will not listen to a boy scout like you."
"Wow! Sorry ha."
Natawa sya.
"I mean… I don't understand why you're so bothered. Let it go, man!"
Hindi ako kumibo kaya nagsalita ulit sya.
"Ikaw ba, are you getting some? Maybe you need to fuck more, bro!"
"O bakit naman napunta dun ang usapan? Bakit ikaw, are you getting some?" inis akong tumingin sa kanya. Hindi din sya kaagad sumagot.
"Well, not since I got here. I mean it's only been a couple o' months. Back home, I do it like… regularly"
"Regularly meaning?" tanong ko.
"I mean when there's somebody na na-turn on ako and she wants to do it with me too, ganon… I mean… you know."
Bigla akong nalibugan sa pinag-uusapin namin ni Noah. Na-iimagine ko syang hubo't hubad na nakikipag-sex sa mga babae sa America. Bilang naging malapit kami sa isa't-isa nitong mga nakaraang Linggo, Maraming beses na kaming nag-uusap ng masinsinan na kaming dalawang lang. Minsan medyo seryoso. Minsan mga walang kakwenta-kwentang bagay lang pero pareho namang kaming nag-eenjoyo sa usapan. Minsan pinag-uusapan namin ang mga magagandang babae na nakikita namin pero syempre sinasakyan ko lang sya dahil wala naman akong libog na nararamdaman sa mga babae.
Unti-unti kong nararamdaman na nabubuhay ang alaga ko kaya pinasok ko ang kamay ko sa kumot at pasimpling kumambyo.
"Noah, may tanong ako. How old were you when you first did it."
"Hmm… I dunno. 15? Maybe 14?"
"Wow, that early?"
"Well, in the US that's not early. Sakto lang. Some of my classmates started doing at 12, 13… you know… I dunno if they're telling the truth but I wouldn't be surprised. It's pretty crazy back there, man. How 'bout you?"
"Teka, ikaw muna pinag-uusapan, e! So how did it feel? How did it go?", tanong ka. Na-excite ako in fairness pero hindi ko mayadong pinahalata.
"Wow, that curious, huh?"
"Napag-uusapan lang, tanga! So, ano na?"
"Well, we were at home and… you know… just the two of us sa bahay. We were in my room… and… we started kissing and… I was really nervous but really horny too. We removed each other's clothes and my dick was hard as fuck and my heart was pounding… hahaha… I was really nervous. It was kind of embarrassing kasi mabilis akong mag cum that time… kasi basta sobra akong libog that time. It was crazy. I think we did it 3 times that day. I tell you, there was a lotta fuckin' and sucking, hahaha!"
"Aah… okay." matipid na sagot ko. Speechless!
"You're really enjoying this, aren't you?", nakangisi nyang sabi.
"Gago mo!" depensa ko.
"Okay, your turn! How old were you?"
"Hmmm…"
"Come on! Ako sinabi ko to you."
"Hmmm… I was twelve." Ako naman ang ngumingisi ngayon at medyo hesitant.
Siya naman ang matagal bago nakasagot.
"Twelve? You were twelve? You're… you were such a pervert!" sabi nya sabay tawa ng malakas.
"Bakit ba? E sa ganun e."
"So how did it go? Tell me, tell me."
"Hmmm… wala, bata pa kami nun. Parang ano lang… basta!"
Hesitant ako pero bandang huli ay kinuwento ko na din sa kanya ang una kong karanasan sa sex. Sa babae. Kay Carla. Pero hindi ko sinabi kay Noah na si Carla ang una ko.
Labinglimang taon si Carla at dose anyos lamang ako nung nangyari ang unang karanasan namin sa sex. Noon ay wala lang samin yon at mababaw pa ang pagkakaintindi namin sa sex. Ako lang ang mag-isa sa bahay nun at tinawagan ko sya sa landline phone at inayang manood ng VHS tapes. Accidentally na naiwan ng tatay ko yung soft core porn na pinapanood nya kaya na curious kami at pinanood na din namin. Sa kasagsagan ng aming panonood ay tinanong ko sya kung pwede kong makita ang suso nya at pinagbigyan naman nya’ko. Hindi na’ko magbibigay ng detalye kung paano nauwi yun sa sex. Basta nangyari nalang. Ang alam ko lang ay magkahalong kaba at gigil ang nararamdaman ko nun.
Matagal ulit bago sumagot si Noah.
"Wow! I don't know what to say. Was that… was it with… Carla?"
Pinag-isipan ko kung sasabihin ko sa kanya. Nagdalawang-isip ako pero sa sinabi ko na din. Tingin ko naman mapagkakatiwalaan ko si Noah.
"Wow! So you and Kai… I never imagined."
"Bakit? Hindi ka ba naniwala sa kanya nung sinabi nya sayong boyfriend nyako?"
"I dunno… it's just… you know… we barely see you guys together the past weeks and… hindi naman kita nakikita acting like his boyfriend."
"What? Kailangan manyakin ko sya sa harap nyo the way William did with that girl?"
"We always go back to that, huh?"
Natigilan ako. Bakit nga naman parating napupunta dun. Kung tutuusin hindi naman ganun ka-garapal si William. Pasimpli lang naman ang hagod nya sa babae na yon. Siguro masyado lang akong overprotective. Ayusin muna nya nag pag-aaral nya. Wala syang mapapala sa pokpok na yun. Teka nga, bakit nga ba para akong nagiging stage mom. Kailangan yata singilin ko ng mas mahal ang nanay ni William sa ginagawa ko para sa anak nya.
"Okay! I'll come out! Hindi talaga kami na ni Kai. Sinasabi lang nya yon parati like a shtick. Saka kasi ayaw nyang magpaligaw. Umiiwas ganon."
"Okay. So…"
"So?"
"So you're not together. You don't mind kung may manligaw sa kanya?"
Tangina nito may balak pa yata sa kaibigan ko. Sabagay okay lang naman. Carla deserves a good man and I think Noah is a good catch. Yun nga lang magiging off limits nako sa kanya. Well, keri lang din.
"Hoy, Noah, tangina mo ha wag mong mabanggit-banggit kahit kanino yung sinabi ko sayo ha. Lalo na kay Kai. Wala kaming napagsabihan nyan kahit sino. Wag mo din sabihin kahit kay Marcus."
"So special ako kasi nasabihan mo'ko? You trust that much?"
"Gago mo! Basta wag mong sasabihin kahit kanino. Matulog na tayo. Wala ka bang balak pumasok bukas?"
Tumawa lang si Noah. Medyo pagod na din ako kaya tinulugan ko na sya.
***
Nagising ako nang may marinig akong nag-uusap sa baba na mukhang magkalayo dahil pasigaw silang mag-usap. Nadinig ko si Noah na mukhang nasa mini bar nila. Si Marcus naman yung isa na mukhang nasa kitchen. Nagtitimpla siguro ng kape dahil nadidinig kong pumapalo ang kutsara sa baso habang hinahalo nya ang kung ano mang tinitimpla nya.
"So did you find out what I was asking you to?" tanong ni Marcus.
"Which one?" balik tanong ni Noah.
"If he's gay. Is he really with Carla."
"I dunno. I don't think he is."
"What? Not gay or not with Carla?"
"Not gay. I mean… I'm practically parading my dick in front of him and he's not really doing anything. And he's had sex with… some girls, so… Look, why don't you just ask him yourself? You win, alright? I’ll pay you."
"Well, that's new."
"Whaddayamean 'new'?"
"Nothing… Gabby just seems like…" mukhang lumapit na si Marcus kay Noah dahil humina na ang boses nya at hindi ko na madinig ang sinasabi nila.
Hindi ako makagalaw sa sobrang sama ng loob ko. All the while, gusto lang bang alamin ni Noah na bakla ako? Putangina. Pareho lang pala silang gago ni Marcus. Sobrang sikip ng dibdib ko kasi tinuring kong kaibigan si Noah at gusto ko naman talaga sya as a person. Magkasundo kami. Masaya ako pag kasama sya at mukha din namang masaya sya pag kasama ako. I mean not in a romantic way pero I thought there was genuine friendship there.
Inayos ko ang mga gamit ko saka ako bumaba. Sinadya kong mag-ingay habang bumababa para malaman nila na pababa nako. Ayokong may marinig pa na iba na lalong magpapasama ng dibdib ko.
"Hey, alis nako. Sige, baka ma-late ako, uuwi pako ng bahay. Bibihis pa." Nagmamadali akong naglalakad palabas ng bahay nila.
"Heeey! Coffee ka muna. Hatid kita." sigaw ni Noah.
"Hindi na! Male-late ka pa. Sige, I'll go ahead."
Mabilis akong lumabas. Hindi nako lumingon. Naramdaman kong tumayo si Noah at naglakad papalapit sakin. Nararamdaman ko ding humahapdi na ang mga mata at ilong ko at naninikip pa din ang dibdib ko. Alam kong nasa mukha ko na ang naiiyak at ayokong makita ni Noah at Marcus.
Ang daming tumatakbo sa isip ko habang nakasakay ako ng tricycle. Hanggang sa jeep.
Ang hirap maging bakla lalo na kung pinipilit mong itago. Minsan ginagawa mo nalang manhid ang sarili mo kahit obvious naman na halata na ng ibang tao. Kaya pag nakumpirma mo na bakla ang tingin nila sa'yo, ang sakit kahit na totoo. Lalo na kung yung pagtingin nila sa'yo ay may halong pangungutya na para bang mababang uri ka ng tao pag bakla ka. Lalo na kung galing sa kaibigan mo. O inakala mong kaibigan. Putangina! Ang saket.
Iniisip ko tuloy kung pinag-uusapin nina Marcus, William at Von pati na ng iba pang nakakasama nila ang tungkol sakin. Ano kaya ang tingin sakin ni William? Tingin kaya nya gusto ko syang manyakin kaya tinutulungan ko sya? Sabagay binabayaran naman ako ng mama nya.
Tangina. Nasa bahay na pala ako. Kulang ang byahe para sa drama ko.
Bihis na si Carla at palabas na ng bahay nang makasalubong nyako sa pinto. Huminto sya at nagpamewang.
"Wow, anong oras na? Wala kang balak pumasok?" tanong nya sakin na parang pinagagalitan ang anak.
"Hintayin moko dyan, Kai. Maliligo nako!" mariin kong sabi.
"Ay, wow! So magpapa-late din ako para sayo?"
"Basta hintayin moko dyan!"
Ang maganda sa pagkakaibigan namin ni Carla, alam namin pag may problema ang isa. Kung ordinaryong araw lang, walang pakialam na aalis si Carla. Okay lang naman samin yon. Pero alam kong naramdaman nya na may mali sakin.
Kinuwento ko sa kanya ang nangyari habang papunta kami ng school. Hindi sya masyadong kumikibo. Puro "okay" at tango lang ang tanging sinasagot nya sakin. Ganun si Carla. Pinapa-process nya muna ang mga bagay-bagay bago sya magbigay ng opinyon. Isang bagay na pinipilit kong gayahin sa kanya pero hindi ko magawa. Likas kasi na opinionated ako. Sinasabi ko kaagad ang nasa isip ko.
Inaya ko sya na umupo dun sa dalawang bakante na upuan malapit kina Von.
"O, bat dyan pa tayo uupo eh ang ingay ng mga nakaupo dyan," reklamo ni Carla. Tiningnan ko lang sya ng masama at sumunod naman kaagad. Ayokong tumabi samin sina Noah kaya pinili ko yung lugar na dalawa lamang ang bakanteng upuan.
"Ay, ate Kai, ginaganyan mo na kami!" pabirong sagot ni Von. Gumatong ang mga barkada nya.
"Baket, maingay naman talaga kayo. Wag kayong magulo dyan ha." banta ni Carla habang pabirong hahampasin ng bag si Von.
Napansin ko na wala si William kaya tinanong ko sya kay Von.
"Von, si Will?"
Nagkibit balikat lang si Von.
"Hindi ba sya nag text sayo?" tanong ko.
"Hindi man. Nag text ako pero wala man sagot. Tulog pa yun nyan."
Hindi pa rin ako kumbinsido. Minsan kasi sinasabi sakin ni William na minsan hindi na sya natutulog at direcho na sa school pag umiinom sila. Pinagsasabihan ko pa sya minsan tungkol dun kahit alam ko naman na hindi sya makikinig.
Nung dumating sina Noah, nakita ko na nagtaka sya kung bakit nag-iba kami ng pwesto. Nakita ko din na nagtaka si Marcus pero hindi naman sya na-bother masyado. Umiwas ako ng tingin sa kanila at kunwaring nagbabasa ng notes.
Pagkatapos ng unang subject, tinanong kami ni Noah kung bakit sa iba kami umupo. Sinabi ko lang sa kanya na masakit ang ulo ko at ayoko ng liwanag sa bintana. Hindi naman masungit ang tono. Normal lang.
Dumating si William pagkatapos ng ikalawang subject. Pangiti-ngiti lang sya nung nagkasalubong ang tingin namin. Napailing nalang ako.
"Ayus ah. Sagad na sagad!" bati ko.
"Hahaha. Wala e nakatulog ako. Hindi ako ginising."
Oras na ng lunch break matapos ang isa pang subject. Medyo nabawasan na ang pag-iisip ko dahil sa klase. Magandang diversion din talaga ang school work.
"Gab, antayin moko sa lunch, meet lang kaming group ko. We're gonna present later eh," baling sakin ni Noah.
"Gutom nako Noah, una nako. Saka punta akong library after eh." sagot ko.
"Why don't you go to the library now?" pilit nya.
"Gutom nako, eh."
"Sabay nalang tayo mamaya, Noah. Practice din Kami. Presentation din namin mamaya eh." sagip sakin ni Carla.
Tumayo nako at dumirecho sa canteen.
Pagka-order ko ng pagkain ay umupo ako sa bandang dulo. Gusto kong mapag-isa at ayoko muna kumausap ng kahit sino sa mga kaklase ko.
Nasa kalagitnaan nako ng pagkain nag makita kong papalapit sakin si Marcus bitbit ang tray nya.
"Hey!", bati nya.
"Hey!" sagot ko.
"Where's Noah?", tanong ni Marcus.
"They're presenting mamaya, e. He's practicing with his group."
Diyos ko! Bakit dito umupo 'to? Ano naman kaya ang pag-uusapan namin nitong isang 'to buong lunch? Nasaan ba ang mga barkada nito?
Awkward silence.
"Hey, Gabby… you know that thing you're doing with Will? Can you do that with me too?", basag ni Marcus.
"What thing?", matabang na tanong ko.
"You know… that thing. Tutorial. Just wanted to make sure I pass all the subjects."
"Hmm… hindi ko na kasi ginagawa yun, Marcus. Hindi na kaya oras ko. Dami nating ginagawa e." tanggi ko.
"You can do it with Will but you can't do it with me? What's up with that?"
Hindi ko nagustuhan ang tono nya. Kapal ng mukha nito ha! Sino ba sya?
"I made an exception with Will because I wanna help him. And he's a friend. I don't see any reason why I should do the same for you," medyo may tonong pagtataray kong sabi.
Nakita ko na medyo na napahiya si Marcus. Natahimik sya. Mukhang nainis din. Naawa ako ng very lite.
"Nevermind!" may yabang na sabi nya.
"Look, Marcus, I just don't have the time. Busy na tayo masyado e. Why don't you ask Noah for help? O kaya kumopya ka sa kanya pag pwede. Minsan nagtutulungan din naman kami ni Noah sa mga school work." Bumawi ako ng konti.
"So you can help everyone except me?" Feeling entitled talaga si gago.
"Well, they're my friends. I spend a lotta time with 'em so we help each other!" medyo nagagaya ako sa salita nya at umaaccent na din ako.
"Aren't we… friends?", medyo awkward na tanong nya.
"Are we?", binalik ko sa kanya ang tanong.
"You don't like me, do you?", diretsahang tanong ni Marcus.
"No, I don't. I don't hate you but I don't like you, either.", prangkahan na din ako. "I mean there's nothing particularly likable about you. You're not a nice person. You're rude. Mayabang ka. Feeling mo mas mataas ka kesa samin. What does that leave for friendship?"
Bumebwelo si Marcus pero wala syang mahanap na sagot.
"You know what? Forget it! Nevermind!"
Kinuha ni Marcus ang softdrinks nya at saka sya tumayo at naglakad palabas ng canteen. Iniwan nya ang kalahati ng kanyang hamburger. Naawa ako sa kanya habang naglalakad sya palayo. Naisip ko na sana hindi ko nalang sinabi sa kanya ang mga yon. Pero nakakainis naman kasi ang bagiging mayabang nya. Maangas. Hindi rin ako natutuwa na hindi sya magandang impluwensya kina William.