1. Home
  2. Stories
  3. Getaway Car
Mencircle

Getaway Car

21 minutes

By: thelonelyboy2020

Nakatitig ako sa kisame nang maramdaman kong gumalaw ang katawang nasa aking tabi na mamasa-masa ang balat sa ilang butil ng pawis. Pumwesto nang nakahalumbaba ilang pulgada lamang ang layo niya sa aking mukha. Ramdam na ramdam ko ang kanyang paghinga na nagpainit ng aking nararamdaman. “I love You, Tom”, sambit niya habang kagat-kagat pa ang labi. Napalingon ako bigla dahil sa aking narinig. Ramdam ko ang pagragasa ng dugo sa aking mukha. Hindi ko mapigilian ang pagsalubong na aking mga kilay at ang pagkunot ng aking noo. Hindi ako nakapagsalita.

Bigla siyang tumawa at napahiga muli. “You should see you face right now”, tugon niya. Tumagal ng ilang minuto ang kanyang pagtawa hatid narin siguro sa nakita niyang ekspresyon sa aking mukha. Noong una pa lamang ay alam ko nang kahit anong gawing pagbibiro ni Francis, ay hindi talaga niya akong magawang patawanin. Corny. At ilang minuto pa lamang ang nakakaraan ay hindi ako natuwa sa kanyang sinabi.

Tumayo siya at inabot ang boxer brief. Isinuot niya iyon at pinulot ang pantalong maong na nasa sahig. Pinanuod ko siya habang pinapasok ang kanyang paa sa butas ng maong. “Uwi na ako”, sabi niya habang inaayos ang sarili. Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit lamang ang kanyang mga daliri at pinunasan ang mukha gamit ang gray na t-shirt niyang kakasuot pa lamang. Isinuot niya ang kanyang salamin at tumungo na sa sofa at umupo. “Tom, it’s just a joke”, tumigil siya sa pagtatali ng sintas at tumitig lamang sa akin. Malamang nilinaw niya iyon dahil hindi parin ako umimik. “And your silence is making me feel weird”, pahabol niya. Hinablot niya ang kanyang Jansport na nakasabit sa sandalan ng upuan at ikinabit iyon sa kanyang kanang balikat. May kaliitan si Francis at katamtaman lamang ang laki ng katawan kaya naman may kaluwagan sa kanya ang t-shirt na suot niya ngayon. Hindi pantay ang pagkakatupi ng kanyang maong ngunit alam kong balewala iyon sa kanya.

“So
 Bye?”, nakatayo siya katabi ng pinutan at hawak-hawak na niya ang door knob. Hindi parin ako nakapagsalita. “Okay, alis na ako. Text mo nalang ulit ako pag-miss mo na ako”. Tumawa siya ng mahina at tila nagbigay siya ng nakaka-asiwang ekspresyon nang banggitin niya ang salitang ‘miss mo na ako’.

Bumagsak ang pintuan at naiwan akong mag-isa sa aking kwarto. Nakasandal ako sa aking headboard at iniisip parin ang nangyari. Tutoo kaya iyon? Napailing na lamang ako. Ayaw kong isipin. Tatlong buwan pa lamang kaming ganito. Wala iyon sa plano. Hindi iyon maaari. Ngunit sa una pa lamang, alam kong may dapat talaga akong ipaliwanag sa kanya. Sinamantala ko lamang ang kahinaan ni Francis at alam kong may posibilidad na tutoo nga ang sinabi niya. Napaisip ako at inaalala ang mga naganap ilang minuto pa lamang ang nakakalipas. Kung bakit ako natulala at hindi makagalaw sa aking posisyon.

Bakit nga ba?

***

FOUR MONTHS EARLIER

Umiwas ako nang batuhin ako ni Calvin ng isang pirasong mani. “Tangina ka”, sambit niya. Buti na lamang at madaming tao at maingay dito sa CafĂ© Bar. Tinawanan ko lamang siya at inabot ang bote ng beer. Nakailang lunok din ako bago ako sumagot. “Tangina mo rin”, sagot ko.

“Man, si Francis? Seriously? How long have you been fucking him?”. Itinaas ko ang aking hintuturo bilang sagot bago ako nagpakawala ng mahinang tawa.

Isang buwan.

“Can’t believe you’re into sweet boys now”, naasiwa ako ng bahagya sa sinabi ni Calvin sa akin.

Hindi naman bago kay Calvin ang lahat. Isa siya sa pinakamalapit sa akin. Apat na taon na kaming magkaibigan, at kahit na taga ibang departamento siya sa aming kumpanya, masasabi kong isa lamang siya sa mga piling taong tinuturing kong kaibigan. Isa din siya sa mga pinili kong tao na makaalam sa aking tunay na pagkatao.

Naiintindihan ko naman si Calvin. Una, ito ang unang pagkakataong “pumatol” ako sa isang ka-opisina. Bagamat magkaiba kami ng departamento ni Francis, pinayuhan na ako ni Calvin sa una pa lamang na baka maging kumplikado ang lahat, lalo na ang trabaho namin. Pangalawa, alam niyang naghahanap lamang ako ng pampalipas libog. Alam niyang wala akong magawa. Maglilimang buwan pa lamang kaming hiwalay ni Alisson kaya naman alam niya ang kung anong “pangangailangan” ko ngayon. Pangatlo, inaanak ng Nanay niya si Francis kaya kilala niya iyon. Magkaklase sila noong High School kaya naman siya ang naging tulay ko upang magkakilala kami.

“Hoy Gago, ingat ka. I know Francis very well. He’s a great guy but can be very clingy. He gets attached easily and worse, baka in a few weeks in-love na yun sayo.”, sambit niya bago uminon ng alak.

“You know I have ways to burn my bridges down”, sagot ko. “Besides, alam naman niya ang history namin ni Alisson. It’s like a favour to him. He likes me. We both like sex. Tangina, ano pang hinahanap niya?”, umaktong susuntukin ako ni Calvin bago tumawa. Tumawa din ako dahil pakiramdam ko ay ang yabang ko kahit na sarkastikong biro lamang iyon.

“Ginawa mo pa siyang Getaway Car. Manghoholdap ka ng bangko, tatangayin mo ang pera na hindi sayo gamit ang isang kotseng hindi rin sayo. Ilang liko pa ay iiwan mo lang sa isang eskinita para lumipat ulit sa ibang kotse. Gago ka, basta problema mo yan, Pre.”, tinaasan niya ako ng kilay. Napabuntong hininga siya at iniangat niya ang bote niyang hawak. “Cheers, sa pagtakas mo.”, sabi niya. “Cheers din for you. Ang poetic nung sinabi mo”, sabi ko. Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong bote dahil may biglang dumaan at nahagip ang aking likuran. Hindi ko iyon pinansin at inayos ang aking pagkakahawak sa bote.

***

Naisip kong wala naman akong gagawin sa buong Semana Sanata. Hindi ako agad nakabili ng ticket pa-uwi ng probinsya. Binuksan ko ang aking laptop at naisipang manuod na lamang na pornograpikong palabas. Dalawang lingo na kaming di nagkakasama ni Francis. Hindi ko rin siya masyadong matanong kung bakit ilang beses na siyang tumanggi sa akin. Alam ko namang labas na ako sa mga personal niyang mga desisyon. Bago ko pa mai-sulat ang website ay biglang bumalik sa aking isipan iyong gabing biniro ako ni Francis. Noong hindi ako makagalaw at makapagsalita.

“I Love You, Tom”, ang paulit-ulit na umalingawngaw sa aking tainga.

Isinara ko ang aking laptop dahil nawala ang aking libog. Naisipan kong magtimpla ng kape. Tumungo ako sa aking maliit na balkonahe at doon nagmasid ng paligid. Napakaaliwalas ng buong Metro Manila. Walang ingay. Walang usok. Walang kaguluhan sa kalsada. Inilapag ko ang kape sa maliit na mesa katabi ko at hinugot ang aking cellphone mula sa aking bulsa. Ilang minuto akong natulala sa mala-rosas na kalangitan. Malapit nang dumilim. Napabuntong hininga ako bago ako nagpadala ng mensahe kay Francis. Hindi ko maintindihan dahil kinakabahan ako habang sinusulat ko ang aking mensahe.

Ilang minuto ang lumipas at hindi parin siya nagpapadala ng mensahe sa akin. Tila nainip ako at naihagis ko ang aking telepono sa kama.

“Edi wag”, bulong ko sa aking sarili.

Napalingon ako sa kama dahil sa tunog na narinig ko. Umilaw ang aking telepono at napatakbo ako papasok ng kwarto. Napatid ko ang putanginang threshold at humandusay ako sa sahig. Napasigaw ako sa gulat at sakit dahil tumama ang aking tuhod sa kanto. Naka-ilang Puntangina din ako bago ko inabot nang pagapang ang aking telepono. Tumunog ulit iyon ng dalawang beses pa.

Nakahiga ako sa sahig. Binasa ko ang mensahe. “I didn’t go home”, ang sabi ng unang mensahe.

“No plans.”, ang pangalawang mensahe.

“Why?”, ang pangatlong mensahe.

Napakagat ako ng labi. Ilang minuto kong pinag-isipan ang aking isasagot. Paano ba? Bakit nga ba hindi siya umuwi? Bakit nga ba panay ang absent niya noong nakaraang linggo? Sa pagkakaalam ko naman, wala siyang sakit. Ano bang nangyayari, Francis? Bakit hindi mo sinasabi?

“I want to cuddle you.”, napapikit ako sa kung ano man ang maari niyang sabihin.

“For the whole long weekend? Haha. I’d love that”, sagot niya.

“I’ll see you tonight?”, tanong ko.

“My place or yours?”

“Ikaw, saan mo gusto?”, tanong ko.

“Ikaw
”, sagot niya.

“Ikaw ka diyan. Free naman place ko.”, paglilinaw ko.

“Hmm. Sige. Ikaw
”

“WTF”, tila nainis ako kaya ito ang naisagot ko.

“Hahaha”, anong nakakatawa doon, Francis?

Hindi malinaw sa akin kung bakit tila natutuwa ako. Napagdesisyunan kong ako na lamang ang pumunta sa apartment niya. Ayaw ko na ding mag-commute siya lalo na’t mahirap sumakay ngayon. Naisip kong dumaan na rin sa malapit na Grocery Store upang mamili ng mga gamit na maari niyang kailanganin. Tutal Sabado na at bukas na ang mga establisyimento. Sabon, shampoo, detergent, noodles, tissue, anti-histamine dahil alam kong allergic siya sa hipon, paracetamol at ascorbic acid narin dahil dalawang buwan nalang ay tag-ulan na naman. Ano pa ba ang nakalimutan ko?

Condom at Lubricant.

Napangiti ako sa aking pag-iisip.

“Sweet. Okay, text mo ako mamaya”, ang huling mensahe niya.

Nag-ahit ako dahil sadyang kumakapal na ang aking bigote dala na din siguro ng stress at pagpupuyat. Tinitigan ko ang aking sarili sa harap ng salamin at nag-obserba. Kailangan ko nang bumalik sa Gym. Iniangat ko ang aking braso at napatawa ako dahil bigla ko na namang naisip na buhatin siya. Dakmain siya pagkapasok pa lamang ng pintuan at isandal sa pader, habang ang kanyang mga braso at mga binti ay nakakulambit sa aking katawan.

Napakalibog ko talaga.

****

Karga ng kanang kamay ko ang aking mga pinamili, habang ang kaliwa ko naman ay panay pahid ng pawis sa aking noo gamit ang panyo. Pilit kong kinukumbinse ang aking sarili na maayos ang bihis ko. Nakapagpabango na ako gamit ang regalong cologne sa akin ng Mama ko. Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking mga daliri. Huminga ako ng malalim bago katukin ang pintuan ng kanyang apartment. Narinig ko ang ingay mula sa loob kaya naman bago pa niya mabuksan ang pintuan, pilit kong inaamoy ang sarili kong hininga. Nag-aalala parin ako dahil baka ako’y mapahiya.

“Wow, you didn’t tell me to dress up.”, nakataas ang isa niyang kilay habang tinititigan ako mula ulo hanggang paa. “At
 ang bango mo pa”, tumawa siya at ngumiti lamang sa akin. Sumandal siya patagilid sa pintuang nakabukas habang ang mga kamay ay nakahalukipkip. Suot niya ang kanyang maluwang na pambahay. Pansin ko ang kanyang maninipis ngunit mabalbon na binti dahil sa maiksing shorts na suot niya. Nakalaylay ang t-shirt niyang may kaluwagan na tila dumudulas na ang butas ng uluhan sa kanyang balikat. Nakikita ko ang tila kumikinang na kanto ng kanyang balikat. “At nag-grocery ka pa talaga, ha”.

Hindi ako sumagot at ngumiti lamang. Iginalaw ko lamang ang aking balikat na tila sumasagot na “Wala lang, gusto ko lang”.

Tumalikod siya at naglakad papasok. Sumunod na din ako at kinandado ang pintuan. Inilapag ko ang eco-bag sa dining table niyang may kaliitan. Nabigla ako nang makita ang blankong pader ng kanyang apartment.

“What have you done?”

“For a change”, ang tanging sagot niya habang sinasara niya ang refrigerator. Tumungo siya sa bintana at dumungaw. Hindi siya tumingin sa akin.

“But your paintings?”, reklamo ko.

“But your beard, you knew I loved it?”, lumingon siya sa akin.

“That’s not the point. Your paintings are priceless”

“Nagsawa na ako eh. I realized that I’m a minimalist now”, tumawa lamang siya sa kanyang sinabi. Madaming tanong ang tila nais kumawala sa aking isipan tungkol sa biglaang pagbura niya sa mural sa kanyang pader. Isa iyon sa hinangaan ko kay Francis. Mahal niya ang sining. Pinaghirapan niya ang pagpipinta noon at mas lalong pinaghirapan niyang kunin ang loob ng kanyang landlady upang makapagpinta doon. Ngunit sa halip na sunod-sunurin ko ang aking pagtatanong, naagaw ang aking atensyon nang sumandal siya sa pader katabi ng bintana. Tanaw ko takip-slim sa katabi niyang parihabang salamin. Wala itong kurtina. Mala-ginto at mamula-mula ang liwanag na tila nagpapasigla sa kulay ng kanyang mga mata. Nakatitig lamang siya sa akin at napansing hindi ako nagsasalita. Tinaas niya ang kanyang kilay na tila nagtatanong ng “Bakit?” ngunit hindi parin ako sumagot at sa halip ay dumiretso ako kung nasaan man siya at sinunggaban siya ng halik. Narinig ko pa siyang umungol na tila hindi siya makahinga sa aking pagsibasib sa kanyang mga labi, ngunit tila hayok akong matikman ang kanyang bibig.

Lumaban siya ng halik at ipinasok ang kanyang dila sa aking bibig. Diniin ko ang kanyang katawan sa pader at ipinatong niya ang kanyang mga braso sa aking balikat. Inabot ko ang kanyang pwet na siyang dahilan upang mas lalo akong magpursiging lamunin ang kanyang mga labi. Ang kanyang mga binti ay nakaangkla na sa aking baywang kaya naman tila ako na lamang ang umaalalay sa aming mga katawan upang hindi bumagsak sa sahig. Hindi kami tumigil at habang karga ko siya, naglakad ako patungong kama. Bumagsak ang aming mga katawan at nagpagulong gulong. Nakapatong siya sa akin ng bigla siyang tumigil. Nakaupo siya kung saan naroon ang napakatigas kong pagkalalaki at tumitig lamang sa aking mga mata ng hindi ko alam kung gaano katagal.

“Why?”, tanong ko. Sinadya kong gawing unan ang aking isang braso upang makita niya ang aking kili-kili. Alam ko kung gaano niya iyon kagusto. Napangiti ako ng bigla niyang kinagat ang kanyang labi.

“You make me crazy”, ang tanging narinig ko bago niya ako paulanan ng tila walang katapusang kaligayahan.





Nagising ako nang may biglang bumusina sa labas. Nasa ikatlong palapag ang partment niya at katabi ng gusali ay isang eskinita. Di ko napansin na tumulo pala ang aking laway sa kanyang dibdib. Inabot ko ang kumot at pinunasan ang aking mukha at ang kanyang balat. Narinig ko siyang tumawa at naramdaman ko ang paggalaw ng kanyang katawan habang pinagmamasdan niya ang aking nakakahiyang sitwasyon.

Tangina.

‘”I’m- I’m so sorry”, ang aking tugon at umaktong babangon mula sa pagkakahiga ko ngunit naramdaman ko ang kanyang pagpigil sa akin. Ako, nakadapa at nakapatong ang ulo sa kanyang dibdib ay walang nagawa kung hindi magpaubaya lamang sa pwersa na kanyang pinakawalan. Kung tutuusin, malambot ang mga brasong nakayakap sa akin ngunit hindi ko kayang magpumiglas.

“I don’t mind. Drool. Fart. Burp like a monster. I don’t care.”, ang tila pabulong niyang sagot sa akin.

Himas-himas niya ang aking buhok na tila sinusuklay ng kanyang mga daliri.

“Thank God you saved your hair.”, pahabol niya. May kalaguan ang aking buhok at ang bawat dulo ng mga nagkukumpulang hibla ay pakurba, at kapag mahangin, magulo ito at madalas matakpan ang aking mga mata. Kaya naman ay palagi akong nakabrush-up, minsan ay nakatali ito.

“Hmm”, hindi ako nagsalita at pinikit ko lamang ang aking mga mata.

“Bad boy, I still find it hard to believe that I’m doing this with you”, Ako din naman, Francis.

“Hindi ko akalaing kakagatin mo ang pick-up line na yun. You knew I was a little drunk, right?”, tumawa siya ng mahina.

Alam ko.

“And I proved my theory na di ka nga straight. Haha”, Tangina naman Francis.

“And here we are, a fucking couple”, are we, Francis?

“Oops, sorry. Not a couple, but fucking.”, Hindi parin ako sumagot.

“But you’re happy with me, right?”, oo naman. Sobra.

Natahimik ang buong paligid at tanging ilaw lamang mula sa labas na pumapasok sa bintana ang nagsisilbing liwanag namin. Naririnig ko ang kanyang paghinga at tibok ng puso na direktang kumukunekta sa aking tainga.

“You know I have this thing about Manila Bay. I know it’s corny but I want to buy a latte and just kill time. My treat. Join me, please?”, iniangat ko ang aking ulo at tumitig sa kanya. Kumikinang ang kanyang mga mata at labis na namumula ang kanyang mga pisngi. Hindi ko mapigilang halikan ulit ang kanyang mga labi.

“Venti”, sagot ko.

Ngumiti siya at tumango sa akin. Nagbihis kami at sabay na umalis ng kanyang apartment. Ilang minuto lamang ang layo ng Manila Bay kaya naman hindi kami masyadong nahirapang pumunta doon. Dumaan kami sa malapit na Coffee Shop at bumili ng kape.

Tumungo kami sa Bay Walk at napansin ko ang kanyang pagpipigil ng tawa. “Why?”, tanong ko.

Hindi siya sumagot. Iniangat niya ang hawak niyang kape at doon, nakita ko ang nakasulat sa papercup. “See you around”, ang nabasa ko. Kumunot ang aking noo nang may nakasulat pang numero sa ibabang parte. “Fuck.”, bulong ko. Tumawa lamang siya at humigop ng kape. Nakatitig lamang siya sa malayo at pinagmamasdan ang madilim na linya sa pagitan ng langit at dagat.

“Ano, tetext mo?”, pagtatanong ko.

“Pwede. Cute naman siya.”, diretso niyang sagot.

“Pabebe.”

“Pake mo ba, minsan lang ako makatanggap ng admiration. I might text him.”

“Ganyan ka kalandi?”, tumaas na ang aking boses. Ano pala ang tawag mo ngayon sa namamagitan sa atin? Kaya nga tayo humantong sa ganitong sitwasyon, hindi ba?

“Technically, I’m free to do whatever I want.”, inilapag niya ang kape sa konkreto at umupo. Pinagmasdan ko lamang siya. Napaisip ako kung bakit tila naging apektado ako sa mga sagot niya. Hindi naman dapat. Naisip kong ibalewala na lamang ang ideyang iyon at tabihan na lamang siya.

“Glen”, bigla siyang nagsalita at napalingon naman ako. Nagtaka ako sa kanyang sinabi. “His name is Glen.”

“Wala akong paki”, ang tanging sagot ko. Tumawa lamang siya tsaka humigop ng kape.

***

Mag-iilang buwan narin kaming magkasama ni Francis. Madalas ay sabay na kami kung pumasok ng opisina dahil sa napapadalas narin na sa tinitirahan ko siya “gumigising”. Masaya naman na ganoon ang aming sitwasyon. Mayroon narin siyang mga damit sa aking cabinet. Minsan, ay ako naman ang inuumaga sa apartment niya. Hindi ko kinukwestyon ang kung ano man ang tawag doon sa aming ginagawa dahil ang importante lang naman, alam naming dalawa na masaya kami sa piling ng isa’t isa.

Bagamat iniiwasan parin naming ang isa’t isa sa opisina, minsan palihim kaming kumakain sa labas tuwing tanghalian. Kung minsan ay tinutukso na ako ni Calvin dahil masyado ko na daw sineseryoso ang aking mga “Boyfriend Duties” na di ko naman kailangang gawin. Hindi ko rin kasi maintindihan kong bakit ganoon na lamang ako magpakita ng importansya sa tao. Nais ko siyang pagsilbihan. Kahit ayawan man ako ni Francis sa aking mga ginagawa, nagpupumilit parin ako dahil sa iyon lamang ang tanging alam ko para malaman naman niyang mahalaga siya sa akin.

Tuwing mag-isa lamang akong natutulog sa aking kama, palagi akong napapa-isip at napapatanong. Palaging nanunumbalik ang kanyang boses sa aking tainga na tila ba isang sirang plaka na ayaw huminto. I Love You Tom, ang hindi mahinto-hintong awitin na umaalingawngaw palagi sa tuwing naaalala ko iyong araw kung kalian ko unang narinig iyon. Biro lang naman, hindi ba? Bakit ba ako nag-iisip pa?

Sa lalim ng aking inisip, napatunganga na lamang ako sa aking telepono at pinagmasdan ang isang imahe ng lalaking nakaupo sa concreto, tanaw ang madilim na Manila Bay. Hindi ko alam kung gaano katagal ang aking pagkakatitig ngunit isa lamang ang alam kong sigurado ako: Ayaw ko siyang mawala sa buhay ko.

Dali-dali kong binuksana ng aking mga mensahe at nagsulat na imbitasyon kay Francis.

“Friday Night, See you? I have something to say”, ang sabi ng aking mensahe.

Agad naman siyang nagpadala ng sagot.

“See You, Tom. Me too”.

Napaisip ulit ako sa kung ano man din ang nais niyang sabihin. Nanginig ako sandali at pinagpawisan sa labis na kakaisip. Ako’y nabahala dahil sa “Me Too” niyang pinadala sa akin. Ano kaya iyon? Hindi ko rin maintindihan dahil ilang araw ko na siyang napapansing kakaiba ang kinikilos. Lahat na rin ng kanyang mga Paintings sa apartment ay naibenta na niya. May isa siyang ibinigay sa akin. Nagpumilit akong bilhin iyon ngunit paliwanag niyay’y regalo daw niya iyon sa akin. Sa halip na ako’y malugmok sa kakaisip, mas pinilit ko na lamang na making na musika upang ako naman ay makatulog na.

***

(Author’s Note: Thanks for reading Cruel Summer. It’s me BTW. For this one, wala ulit proofreading. Submit ko ulit dito yung Filipino stories ko kasi fail yung wattpad ko. LOL)

FRIDAY NIGHT

Tila walang bukas ang aking pakikipagtalik sa kanya, kaya naman nakatulog siya nang nakayakap sa akin. Ilang minuto akong nakatitig sa kisame nang maramdaman kong nagising na siya at gumalaw . Bumangon mula sa kanyang pagkakahiga. Tumitig siya sa akin at blanko ang ekspresyon. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok sa kanyang noon na bahagyang humarang sa kanyang mga mata. Nakailang ulit din siyang pumikit. Sensitibo ang kanyang mga mata, lalo na’t kakagising pa lamang. Napangiti siya at yumuko. Hinalikan niya ang aking noo ng ilang ulit. Napapikit lamang ako. Naramdaman kong bumaba ang kanyang mga labi at dumampi sa aking talukap, at ilong, at pisngi, at sa aking labi. Naging malalim at matagal an gaming paghahalikan. Dumapi ang kanyang kamay sa aking pisngi. Tumayo siya matapos niya itong pisilin. Hindi ako nakakilos sa di ko malamang dahilan.

“I Love You, Tom”, nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko iyon. Nakatitig siya sa akin at nakatayo hawak-hawak ang kanyang t-shirt. Marahil ay ito na nga ang pagkakataon ko upang magpaliwanag at magtapat sa kanya. Bagamat tila nagkabuhol-buhol ang aking dila, at tila nasemento ang aking utak, ay bumangon parin ako mula sa aking pagkakahiga. Marahil ay bakas sa aking mukha ang kakaiba kong reaksyon kaya’t agad siyang nagpaliwanag. “Joke”, at tumawa siya habang sinusuot ang T-shirt niya.

Magkaharap na kaming dalawa at tila hindi niya maipaliwanag ang pagtataka kung bakit tila naging estatuwa ako sa kanyang harapan. Ibinuka ko ang aking bibig upang pakawalan ang nais kong sabihin noon pa. Bakit nga ba ako hindi nakapagsalita noon? Bakit nga ba naging yelo ang aking kaluluwa noong una kong marinig ang mga salitang iyon mula sa kanya? Hindi ako nakakilos dahil parang kuryenteng dumaloy sa aking mga ugat ang mga katagang iyon. Hindi ko mapigilang pagmasdan siya habang nagbibihis sa harapan ko. Tila binibigyan ko ng interpretasyon ang bawat galaw niya. Bawat detalye at tila kinakabisado ko. Bakit hindi ako makapagsalita at makakilos?

“Francis
”, pautal kong tinawag ang pangalan niya.

“Hey, it’s a joke”, Tumungo siya ng sofa at umupo. Nag-suot siya ng sapatos niya habang nagsasalita. “By the way, this is the last time that I’m seeing you”. Kumunot ang aking noo at nagsalubong ang aking mga kilay dahil sa aking narinig. Tinitigan ko lamang siya at naghihintay na magsalita ulit siya nang “Joke”. “Next week will be my last in the office. I’m leaving for Singapore in two months. I guess we have to cut this off as early as possible.”, ang tila dambuhalang kampana na siyang bumibingi sa akin. Mas pinili ko paring maghintay ng paliwanag dahil tila isang matematikong pagsusulit iyon na hindi ko masagot-sagot. Hindi ko maintindihan.

Napabakwis ako at napatakbo sa kanya. Napaluhod ako at hinablot ko ang sintas mula sa kanyang mga kamay upang mapigilan siya. “Sinasabi mo?”, ang pasigaw kong pagtatanong.

“Wag ka ngang sumigaw, di ako bingi”, ang mahinahon niyang sagot.

“What the fuck is happening?”, hindi siya sumagot at sa halip ay tinapos niya ang kanyang pagbibihis. Tumayo ako at nakabuntot lamang sa kanya. Wala akong ibang suot kung hindi ang aking boxers ngunit inihanda ko na ang aking sarili sa kung sakaling tumakbo siya papalabas, hahabulin ko siya at kakalimutan ko ang aking kahihiyan.

“Francis!”, pinigilan ko siya sa kanyang paglalakad patungong pintuan at hinawakan ko dalawa niyang balikat. “What the fuck is going on!”

Humarap siya sa akin at tumingin lamang sa aking mga mata. Mahinahon niya akong sinagot. “More than two months ago, I took exams and interviews. I was absent for almost a week, and I took another leave of absence the following week. I did what I could and luckily, I bagged a sponsorship at NUS. Tom, it’s been my dream to pursue my Masters overseas. I could help my family bigtime after graduation. Alam mo naman yun, diba?”, ngumiti lamang siya.

“What?”

“Di ko na sinabi. You never bothered anyway. You never asked. Bakit ako madalas absent. Bakit madalas akong tumatanggi nung panahong iyon. This was it, Tom.”

“But now you’re being cruel. Francis, naman!”, hindi ko mapigilan ang aking sarili at ang tila pagkabasag ng aking boses. Mas tumitindi ang aking paghinga na tila ba ako ay hinihingal.

“I know, Tom. But me being your getaway car is much worse.”, naluha siya sa kanyang sinabi. Tila may mga magagaspang na kamay na kumukurot sa aking puso. Hindi ko mailarawan ang pagkalito, panginginig at bigat sa aking damdamin nang marinig ko iyon. Lumingon siya sa bintana at iniwasan ang aking mga titig.

“I was there. You with Calvin. I heard everything. Remember, someone nudged you at muntik mo nang mabitawan ang beer mo, it was me.”, hinila niya ang kanyang mga kamay na siyang dahilan upang mapabitaw ako. “I’m sorry, but your getaway car is going somewhere else. Take Care, Tom.”, hindi parin siya tumitingin sa akin at inabot niya lamang ang kanyang bag at isinabit iyon sa kanyang balikat. Tumalikod siya at naglakad papalayo hanggang sa ang tanging nakikita ko na lamang ay ang aking pintuang nakasara. Napasandal ako sa pader at napaupo sa sahig. Hindi ko na alam kung ang mga butil ng tubig sa aking mukha ay pawis, o sadyang lumuha lamang ako nang hindi ko namamalayan.

Related Stories

Mencircle

Love Me or Leave Me (Part 14)

How Ya Doin'? By: CrushTellation ZION'S POV Nasa part na kami ng Lover Era and I just want to feel the vibe of Lover Era pero panira moment tong
17 Minutes
Mencircle

My Forbidden Love (Part 16)

By: @spicelopez Glen's POV Hingal na hingal kami ni Mike nang matapos na kaming magtalik. Para kaming mga lantang gulay dahil sa sobrang pagod. Il
30 Minutes
Mencircle

Last Resort (Part 2)

By: Tisoy Adventure First Love??? So ayun na nga nangyari na ang nangyari mejo maaga pa naman mga 10pm sabi nya nagugutom daw ba ko. Arnold... Na
10 Minutes
Mencircle

Love Me or Leave Me (Part 13)

Mr. Loverboy By: CrushTellation JADE'S POV Haysttttt, Hindi ko na kaya yung antok kaya nauna na kami ni Zion matulog at saka naghilamos na lamang
18 Minutes
Mencircle

Last Resort (Part 1)

By: Tisoy Adventure First Glance Characters Chris Arnold Ako si Christoph but you can call me Chris. Isa akong lost soul sa mapait na mundo. Pa
9 Minutes
Mencircle

Love Me or Leave Me (Part 12)

Mr. Loverboy By: CrushTellation ZION'S POV Excited na ako bukas sa stay over nila ni Jade kaya naglinis kami ni Luke ng kwarto, isang guest room
12 Minutes
Mencircle

My Forbidden Love (Part 15)

By: @spicelopez Matapos kaming mag usap ni Kuya ay agad na akong lumabas ng room at naglakad lakad. Nang makaramdam ako ng boredom ay napaupo na la
28 Minutes
Mencircle

Love Me or Leave Me (Part 11)

Mr.Loverboy By: CrushTellation JADE'S POV Pinauna ko na silang maligo at tinulungan naman ako ni James si pag aayos ng mga kama, at may gusto pan
10 Minutes
Mencircle

My Forbidden Love (Part 14)

By: @spicelopez Months after ng nangyari sa amin ni Jerald ay parang naging mas demanding na yung katawan ko at gusto ko na naman ng lalaking makak
28 Minutes
Mencircle

My Forbidden Love (Part 13)

By: @spicelopez Makalipas ang ilang mga araw matapos ng nangyaring pagtatalik ay palagian nang nakatambay sa station ni Glen si Franz at nakikipag
26 Minutes
Mencircle

Ang Pag-Ibig Ayon Kay Peng

By: Papo Itong kwento ay bunga ng pagtatagpi tagpi namin ng mga signs. Ganito kasi yon. Mayroon kaming bagong trainees, account specialist sila. I
7 Minutes
Mencircle

My Forbidden Love (Part 12)

By: @spicelopez Nang makarating na si Glen at Kurt ng bahay ay agad na siyang nagpasalamat sa kanya at hinalikan pa ni Kurt si Glen sa pisngi bago
27 Minutes
Mencircle

My Forbidden Love (Part 11)

By: @spicelopez "Namili ka Kuya?" tanong ko sa kanya. Para kasing puro pagkain yung laman ng plastic bags. "Yes baby, Kanina ko pa ito binili nung
52 Minutes
Mencircle

Love Me or Leave Me (Part 10B)

Mr.Loverboy By: CrushTellation JADE'S POV kasalukuyan kaming naghuhugas ng mga pinggan ni Zion at ang kulit kulit, bansang basa na kaming dalawa
14 Minutes
Mencircle

Love Me or Leave Me (Part 10A)

Gloves Up By: CrushTellation ZION'S POV Buong umaga wala ako sa sarili ko at parang hangin lang talaga ako, pag tinatanong Hindi sumasagot, pag k
13 Minutes
Mencircle

My Forbidden Love (Part 10)

By: @spicelopez Ilang linggo ang lumipas... huling linggo ng Enero... ay natapos din yung nesting period nila at luckily, nakapasa silang lahat at
26 Minutes
Mencircle

Love Me or Leave Me (Part 9)

They Just Don't Know You By: CrushTellation ZION'S POV Naluluha na ako habang kinukwento ni Jade yung past nila ni Clark at muntikan pa talaga ma
8 Minutes
Mencircle

My Forbidden Love (Part 9)

By: @spicelopez December days have passed hanggang sa dumating na ang araw ng Pasko. Masayang masaya ako kasi ito ang unang pagkakataon na makakasa
29 Minutes
Mencircle

My Forbidden Love (Part 8)

By: @spicelopez Kinabukasan, Araw ng Sabado... naunang nagising si Carlo at pagtingin nito sa gilid niya ay mahimbing pa ang tulog ni Glen. Pinagma
27 Minutes
Mencircle

Love Me or Leave Me (Part 8)

Little Me By: CrushTellation FLASHBACK MEMORIES (SAMMER OF 2018) JADE'S POV "Cole, baguhan ba yun?" "Sino?" "Ayun ho" sabay turo sa lalaking m
14 Minutes
Mencircle

My Forbidden Love (Part 7)

By: @spicelopez Kinabukasan ay maagang nagising si Glen. Agad na siyang bumangon at tumungo ng banyo para maligo. Pagkatapos nitong maligo at magbi
28 Minutes
Mencircle

My Forbidden Love (Part 6)

By: @spicelopez Kinabukasan ay maagang nagising sina Carlo at Glen dahil sa pagkatok ni Dayana sa pintuan. "Glen! Carlo! Gising na! Mag almusal na
33 Minutes
Mencircle

My Forbidden Love (Part 5)

By: @spicelopez Glen's POV Maaga akong nagising dahil may training pa ako. Tulog at nakayakap pa rin si Kuya sa akin. Mukha yatang pagod pa ang gw
28 Minutes
Mencircle

Love Me or Leave Me (Part 7)

Private Show By: CrushTellation JADE'S POV Lunch ngayon at magkasama kaming pito sa tambayan namin sa canteen ng pinatawag kami ng aming coordina
18 Minutes
Mencircle

My Forbidden Love (Part 4)

By: @spicelopez Alas cinco na ng madaling araw nang magising silang dalawa. Dahil medyo may kadiliman pa ay inaya ni Glen si Carlo na mag jogging.
26 Minutes
Mencircle

My Forbidden Love (Part 3)

By: @spicelopez Kinabukasan ay maagang nagising si Carlo, kahit pagod at halos nanghihina pa rin ay bakas sa mukha nito ang sobrang ligaya habang p
29 Minutes
Mencircle

Love Me or Leave Me (Part 6)

Private Show By: CrushTellation JADE'S POV Ang saya ng gabi ko myghad, ka textmate ko yung anghel na nagpatibok sa puso ko muli at may nakakaluka
11 Minutes
Mencircle

My Forbidden Love (Part 2)

By: @spicelopez Glen's POV Pagkagising ko ng umaga ay wala na si Kuya sa tabi ko. Agad na akong bumangon at tumungo ng banyo para mag sipilyo at m
28 Minutes
Mencircle

Love Me or Leave Me (Part 5)

Break Up Song By: CrushTellation "Wag na natin pag usapan ang tapos na" pagiiwas ko "Ang damot, kung ayaw mo ako na lang" pagsisimula ni James "A
12 Minutes
Mencircle

My Forbidden Love (Part 1)

By: @spicelopez Paano mo maipangangalandakan sa buong mundo ang pagmamahal mo sa kanya kung ang taong minamahal mo ay ang mismong kadugo mo? Hangga
29 Minutes
Mencircle

Love Me or Leave Me (Part 4)

Black Magic By: CrushTellation ZION'S POV I guess nasaktan ko ang damdamin ni Jade ng sinabi kong "sadyang parehas lang kami na Mixers" tangina p
6 Minutes
Mencircle

Love Me or Leave Me (Part 3)

By: CrushTellation Happiness ZION’S POV Masayang masaya ako dahil pinapanu.od ako ni Jade at kinikindatan ko pa siya habang sumasayaw at parang k
5 Minutes
Mencircle

Love Me or Leave Me (Part 2)

By: CrushTellation No More Sad Songs JADE’S POV: Prinactice ko muna ang kantang sinulat ko few months ago dahil sa pesteng pag-ibig. I love this
5 Minutes
Mencircle

Love Me or Leave Me (Part 1)

By: CrushTellation The Beginning JADE’S POV Ako si Jade at Grade 11 na ako at kasama ko ang kababata ko na si Nicole at nauna na sa amin ang isa
14 Minutes
Mencircle

Puppy Love (Part 3) Finale

By: Jade Umagang-umagang ang daldal ng bunganga nitong si Ross, jusq parang hindi mauubosan ng tsismis at usually ganoon pa rin ang routine pero 7:
4 Minutes
Mencircle

Puppy Love (Part 2)

By: Jade Doon pa rin kaming apat pero 7 na napagdesisyunan nina Khae at Mitch na pumasok na dahil may quiz sa 1st period namin at kami naman ni Ros
6 Minutes
Mencircle

Puppy Love (Part 1)

By: Jade Hindi ko namamalayan na umaagos nanaman pala ang luha ko habang tumutugtog ang paborito kong kanta ng Little Mix, palagi na lamang akong u
6 Minutes
Mencircle

Sa Puntod ni Lolo

By: LitoAko si Jonathan, isang pangkaraniwang empleyado sa isang malaking kompanya dito sa Makati. May isa akong karanasan na hindi ko talaga makali
13 Minutes
Mencircle

Birthday Gift (Part 1)

By: blackmunchkin Late nang dumating si Jude sa birthday ng kanyang kaibigan na si Mark dahil katatapos lang ng kanilang oral defense ng kanilang t
7 Minutes
Mencircle

Ang Lalake Sa Village

By kuyamarkxx “Psst
 Jake? Tingnan mo.” “Huh?” “Tignan mo.” Ngumuso pa siya sa may bandang likuran namin. “Yung lalaki.” Natatawa pa niyang sabi.
16 Minutes
Mencircle

Illegally Married

By: Siopao One week na akong nagbabasa ng mga kwento rito. Napadpad ako rito dahil sa kababasa ko ng confessions. Gutso kong e-share ang story ko. H
21 Minutes
Mencircle

Kay Tagal Kang Hinintay

By: vic_yan1984 My story happened last June 18, 2009 and I want to share it with you. Before anything else, kilala ako sa net as Vic, 25, from Cav
11 Minutes
Mencircle

Ben and Troy (Part 2)

By: thelonelyboyHindi ko na tiningnan ang aking relo at diretso na lamang bumaba ng taxi at naglakad papalapit sa kotseng nakahandusay sa gilid ng kal
15 Minutes
Mencircle

Campus Romance (Part 4)

By N.D. ListPatapos nako ng pagkain nang makita kong papalapit sakin sina Noah at Carla. Nakikita ko sa mukha ni Carla na parang sinasabi nya na tinan
14 Minutes
Mencircle

Secretly Bricks (Part 2)

By: MarcBigla itong gumalaw at bumaling sa kabilang direksyon.. bigla akong natauhan at saka bumalik na ng higa sa tabi nya.. buti na lang at hindi it
6 Minutes
Mencircle

Secretly Bricks (Part 1)

By: Marc Hi ako si marc ( not my real name syempre ) Ive been reading a lot of stories dto since 2015 at madami na akong naging paboritong author d
8 Minutes
Mencircle

Ben and Troy (Part 1)

By: thelonelyboy Hindi ko na tiningnan ang aking relo at diretso na lamang bumaba ng taxi at naglakad papalapit sa kotseng nakahandusay sa gilid ng
15 Minutes
Mencircle

Chaotic Love (Part 2)

LUMIPAS ang ilang linggo matapos mga kaganapang iyon sa aaming bahay. Sariwa pa din sa aking isipan kung paano kaming dalawa ni Brix ay mabilisang n
9 Minutes
Mencircle

Chaotic Love (Part 1)

By: HumssStudent “The next Mr and Ms United Nation 2009 is....” ang pabitin ng emcee sa mga manonood sa loob ng covered court, “Audio man, baka may
20 Minutes
Mencircle

Motions Cafe (Part 1)

By: lonelyboywrites_2020 2019 | SUMMER | Motions Café | 2 pm Yakap ko ang metal na tray at tumatagos ang lamig nito sa aking polo kaya't bahagyang
19 Minutes
Mencircle

Campus Romance (Part 3)

By N.D. List Author’s note: Thank you for reading Chapter 3. I would really appreciate it if you take time to let me know what you think on the c
18 Minutes
Mencircle

Barcelona

By: Zamir Disclaimer: Ang kwentong ito ay malayang inilahad ng aking kaibigang si Alessandro sa “Zoom Inuman Part 3”. Nangyari ang mga ito last yea
21 Minutes
Mencircle

The Last Coffee

By: Rye I was I am I will I have been always fearful. I never have the courage. Ang duwag ko pala. Takot ako. Takot akong masaktan. Ayaw kong
5 Minutes
Mencircle

Campus Romance (Part 2)

By N.D. List Makinis ang mukha. Matangos ang ilong. Malinis tingnan. Mabango kahit pawisan. Pinipilit kong maging natural kahit gwapong-gwapo ako
12 Minutes
Mencircle

Treacherous (Part 1)

By: thelonelyboy2020 February Malamig ang hangin na humahampas sa aking mukha habang nakatitig ako sa mga matatayog na kabundukan ng Benguet. H
26 Minutes
Mencircle

Lovers and Friends (Part 12) Finale

By: Nickolai214 Nathaniel's POV Finale Chapter Nabigla ako sa ginawa ni Mark. Napahawak tuloy ang palad ko sa hubad na dibdib niya saka ko siy
11 Minutes
Mencircle

Lovers and Friends (Part 11)

By: Nickolai214 Mark's POV 2019 Nakaupo ako sa isang area ng restaurant na kinaroroonan ko habang hindi mawala ang tingin sa may entrance at sa m
10 Minutes
Mencircle

Getaway Car

By: thelonelyboy2020 Nakatitig ako sa kisame nang maramdaman kong gumalaw ang katawang nasa aking tabi na mamasa-masa ang balat sa ilang butil n
21 Minutes
Mencircle

Campus Romance (Part 1)

By N.D. List "Are these seats taken?" tanong ng isang moreno pero kutis-mayamang lalake na boses Amerikano habang nakatingin sa mga lalakeng nakaup
10 Minutes
Mencircle

Lovers and Friends (Part 10)

By: Nickolai214 Nathaniel's POV Lumipas ang mga araw at naging masaya kami ni Mark sa piling ng isa't isa. Lalo na at napaka-supportive sa amin ng
10 Minutes