Puppy Love (Part 2)
By: Jade
Doon pa rin kaming apat pero 7 na napagdesisyunan nina Khae at Mitch na pumasok na dahil may quiz sa 1st period namin at kami naman ni Ross hinihintay ang lover namin sa canteen at doon kami nag usap about sa convo namin ni Andre at naalala ko wala pala akong ballpen kaya bumili kami muna at sakto sa canteen na kami nakita ko si Andre na papunta sa aming direksyon at nahulog ko ang ballpen ko sa waterway at timing nung nakuha ko na ang ballpen ko, nagkatinginan lang po kaming dalawa at tinanguhan ko lang po siya at ganoon din ang ginawa niya sa akin. Naunang lumakad si Andre at kaming dalawa ni Ross nasa likod niya lang at para akong bulate na di mapakali at sinasabunutan pati na rin ang pagpalo kay Ross at ako’y nabatukan naman po ng babaeng walang hiya HAHAHHA.
Lunchtime at hindi ako sumama sa kanilang tatlo dahil nakalimutan kung buma.on ng kanin kanina dahil nagmamadali akong kausapin si Andre pero walang pag uusap na naganap dahil pareho kaming mahiya.in (shy-type guy po kasi ako) at napag desisyunan ko na lamang sa mga maliliit kung kaklase na sumama nearby our classroom sa umbrella part dahil presko doon at malapit po kasi ito sa pathway na nilalakaran ng mga gwapo at magaganda at doon. Nagkwentuhan po kami at sinabi ko po sa kanila ang convo namin ni Andre at alam na po ng lahat kung kaklase na may gusto ako kay Andre kung kaya’t naibahagi ko rin sakanila ang aming convo.
Napadaan si Andre sa aming umbrella kasama ang 7G at timing umiinom po ako ng Sting na pula at kanilang tinawag si Andre at kanilang pinagsisigawan kay Andre ang aking pangalan, yun nabuga ko po sa kaklase kung maliit ang iniinom kung Sting kung kaya’t nabasa po ang mukha niya at natahimik bigla (LOL!) at napuno ng halakhak ang umbrella namin. Tinawag pala ako ni Andre kaso hindi ko siya pinansin dahil nahihiya ako at ako’y tumalikod na lamang at ang tropa niya ay lumakad na din kasama siya.
Pag ka uwi ko nahiga ako sa kama at nag open ng messenger at yun bumubuga na po si Andre ng apoy dahil hindi ko siya pinansin kaninang umaga at agad ako nag chat sa kanya:
Andre: We’re friends right?
Jade: Yessssss of course…why?
Andre: Bakit hindi mo ako pinansin kanina nung tinawag kita? Kahit nahihiya ako tinawag kita at gusto kitang maka usap pero binalewala mo lang ako…
Jade: Sorry nahihiya lang talaga ako dahil sa ginawa ng mga kaibigan ko kanina…pero promise bukas kakausapin na kita, trust me HAHAHAH
Andre: Kapag hindi mo ako kakausapin bukas…FO na tayo!
Jade: Ok boss! No problem HAHAHA
Nag reply siya pero hart emoji lng po at ako naman d mapakali sa kama at hanggang nakatulog po ako, marami kasing gawa.in kaya’t lupaypay akong nahiga sa kama. Kinabukasan usually maaga talaga akong pumasok sa paaralan usually 6:20 ng umaga at susunod si Ross o si Khae either lng sa kanilang dalawa at didretso na po kami sa canteen upang mag chika na walang ka kwentang-kwentang bagay HAHAHHA at hinintay ko ang aking “MAN OF MY DREAMS” hanggang 7:15 at hindi na po kaming tatlo naglilinis ng classroom namin dahil palagi po kaming nakatambay sa canteen kaya’t nakakalimutan po namin o sinasadyang hindi maglinis ng classroom HAHAHAH back to the story habang kami’y nag chichika d ko namalayan nakalagpas napala si Andre sa amin kaya’t tinawag ko siya at sinabing:
Jade: Good morning Mr.Andre HAHAHHA
Andre: Good morning din…
At dumiretso na siya sa kanyang classroom, pagkasabing good morning sa akin na may kasamang killer smile shikssss parang mahihimatay na ako at ang gwapo niya talaga… lunchtime sumama pa rin ako sa maliliit kung klasmeyt at ganoon pa din kapag dumadaan si Andre sa amin tinatawag nila at tinatanguhan ko lng siya at nginingiti.an lang siya at ganoon din siya pero may pa wave wave pa na parang model…amp ang cute niya po HHAHAHHA at ganoon lng po routine naming dalawa araw araw, good morning sa umaga, wave sa tanghali at babye kapag uwi.an na.
Family day ng school namin ngayon at balak kung magpakuha ng litrato kasama siya at 2nd pic naming dalawa, una noong Christmas party, ngayon ang ikalawa at natanong ko na siya about that thing:
Jade: Oiiiii pwede mag 2nd pic tayo bukas?
Andre: Sure, why not? Just for you…
Lunchbreak nung puntahan naming ang section nila at pinagagalitan sila ng kanilang adviser kaya napagdesisyunan naming apat na bumaba na lamang at bumaba si George:
Jade: Ross, si George ohhh bebe luvs mo HAHHAA
Ross: Khae picturan mo kami HAHAHA
Khae: Ulo mo boi HAHHAHAH
At yun na nga pinicturan sila ni Khae at kina-usap siya naming regarding sa adviser nilang nagagalit, ewan ko ba bakit nagagalit habang nandoon ang mga magulang:
Jade: Sabihin mo kay Andre, pic kami…
George: Sige sabihin ko kay mayor…
Bumaba siya at sinabihan ako na hindi raw siya pwede… pagkatapos ng Family day umuwi akong may lungkot ang mukha tsaka chinat siya:
Jade: Daya mo, sabi mo kagabi pwede ngayon sasabihin mo hindi pwede…
Andre: Sorry medyo busy kasi kanin…
At hindi na ako nag reply sa kanya at nagkalabu.an na kaming dalawa…walang imikan…
Lunes na at nagbalik na ang klase at sa Filipino na subject kanina pa talaga nakalutang ang aking isipan at nakatulala lang sa labas at ako’y nakita ng aking guro sa Filipino at pinagalitan, btw siya nga pala ang adviser ng section ni Andre at sumusuporta din sa akin kapag si Andre ang usapan at alam niya na po ang feelings k okay Andre, at hindi ko inaasahan na mayroong Formative Quiz after discussion ayun score ko ang tataas 0, 1 at tsaka 2 sa tatlong magkakasunod-sunod na Formative, at ayun ako’y tinawag dahil nagulat siya dahil matataas naman ang aking score palagi sa kanya at topnotcher po ako sa Filipino FYI at tinanong niya ako,
Ms.Mae: Toto, bakit ito ang score mo?
Jade: Sorry ms, hindi na mauulit pa…
Ms.Mae: May problema ba?
Jade: Wala naman po, hindi ko lng po gets ang klase kanina…
Ms. Mae: Yan kasi sa bintana nakatutok hindi sa ppt…ano ang nangyari?
At itong tanga naman na hindi iniisip ang sasabihin sa guro yun binunyag ang about sa amin na Andre na nagkalabu.an kami at may tampuhan (kung tampuhan ba talaga ang nagaganap)
Uwi.an na at bago kami umuwi palagi kaming tumatambay kung saan saan at nililibot ang buong paaralan at dumaan kami sa grade 7 na building at nakita kung kina-kausap ni Ms.Mae si Andre at dunno kung ano ang pinag-uusapan nila at umuwi na lamang kami at hindi ko na pianasin baka about lng sa section nila kaya hindi ako nag assume na about sa akin…
Umagang-umagang ang daldal ng bunganga nitong si Ross, jusq parang hindi mauubosan ng tsismis at usually ganoon pa rin ang routine pero 7:15 at rin wala pa rin si Andre pero hinintay pa rin siya naming ni Ross at 7:18 na siya nung nakarating na siya at sakto nagkatinginan kami at…
Durugtungan